"Anong gagawin natin ngayon?" Nakapamewang na sabi ni madam Jelly. Sya ang aking manager and handler. Narito sya ngayon sa bahay at pinapangaralan ako. Nakarating na rin kasi sa kanya na nag-leak 'yung photos ko with that guy.
"Hindi ba na sinabi ko na sa iyo na mag-date ka kahit sino basta mag-ingat ka na huwag kumalat sa public. Alam mo naman na may kontrata ka pa," mataray na sabi nya.
Napabuntong- hininga na lamang ako at tsaka tinignan sya. "Nag-ingat naman ako madam. Talagang natiyempuhan lang," paliwanag ko.
Kakapirma ko lang kasi ng kontrata. Bali mayroon akong ka-love team and he is Orion Blyx. We agreed that we can date someone basta huwag ipapaalam sa public para pumatok kami sa masa.
"Hay naku! Nagpunta ka lang sa Tresseria at nagkaganito na. Anong sasabihin ng ibang fans nyo ni Orion?" Dagdag pa nito at tsaka napa-irap. Mukhang mataray si madam Jelly pero mabait naman sya, strict lang sya pagdating sa mga ganitong bagay dahil alam nya na malaki ang maaaring maging epekto nito sa aking career.
"So tell me, who is this guy?" Usisa ni madam kaya bahagyang napataas ako ng kilay. Ito talagang baklang 'to napakachismosa.
"I met him in Tresseria."
Napapikit ako at sinubukang alalahanin ang lahat ng mga nangyari doon ngunit bigla akong napamulat muli na tila nagising sa katotohanan.
"What happened to you guys? Nagustuhan mo ba sya? Are you two still talking?" Mala Marites nitong tanong sa akin. Napa-irap ako at natawa ng bahagya.
"We just met each other and became besties."
Tumaas ang kanyang kilay at tsaka napatayo sa harap ko. Nakapamewang sya at tila nagtataray ang tingin sa akin.
"Do you like him?" Tanong nito.
"I enjoyed his company."
Maalala ko pa lamang ang mga nangyari noong magkasama kami ay nabibigyan na ako ng hindi maipaliwanag na saya.
"Hija, yes or no lamang ang maaari mong isagot," iniya at tsaka tinignan ako ng tila nangaasar na tingin.
"I told you, I enjoyed being with him," naiinis na sabi ko. How many times do I have to tell na nag-enjoy nga ako.
"Aquila, ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko. But I'll take yes as your answer."
I stopped for a second. Do I like him?
Maybe yes, I like him. I like him a lot.
"Do you have any feelings for him?" Usisa pa nito a dito ako tuluyang napatigil at napaisip.
We spend a lot of time together. I will say yes that I am still attached to him and wanting to feel his presence up until now but how? How will I find him?
Bago pa man ako tuluyang sumagot ay biglang bumukas ang pinto nitong office ni madam kaya naagaw nito ang aming atensyon.
"Hi madam and Aquila," nakangiting bati ni Carina. "Tapos na ba ang usap ninyo?" Dagdag pa nito.
"Yes tapos na, sakto at paalis na rin ako," sabi ko. Ilang sandali pa at nagpaalam na kami ni Carina na uuwi na.
"Anong sabi ni madam sa iyo? Sinermonan ka ba?" She asked while driving.
"Medyo, tinanong lang nya kung sino 'yung guy na kasama ko na nali-link sa akin," simple kong sagot. Saglit niya akong tinignan na tila ba sinusuri.
"Who is he? 'Di mo pa sya sa akin naikekwento," curious na tanong nito.
Napalunok na lamang ako at naramdaman na pinagpawisan ng malagkit.
Am I ready to talk about him?
"Carina, I want to tell you everything but... Not now. I am not ready to talk about it."
Pakiramdam ko ay hindi ko pa kaya na pag-usapan kung ano ang mga nangyari sa akin doon. Ang bigat ng aking kalooban. Tila ba parang mayroong nagtutulak sa akin na huwag munang sabihin kahit kanino ang tungkol sa amin.
"You know what Aquila, I understand you. Maaaring hindi ka pa ready na mag-open o magsabi ng mga bagay-bagay sa akin, ayos lang. I will not gonna force you to tell to me what happened. I can wait hanggang sa maging ayos ka," she said while smiling.
Ayan ang gusto ko kay Carina. She is a very understanding person at lagi niya akong iniintindi. She is also so kind, humble person at sobrang down to earth.
"Basta if you need someone to talk to, I'm always here," she added. I smiled when she said that. I remember one time ay sobrang down ako and I called her. May meeting pala sya noon at iniwan iyon para lamang puntahan ako. Kaya mas lalong lumapit ang loob ko sa kanya dahil she made me feel that I am special, na hindi ako nag-iisa.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay ko. "I will be busy with my business. But if you need something ay i-text mo lang ako or tawagan," sabi nito at tsaka pinatay na ang makina ng sasakyan.
"If you want you can stay in my house. Nandoon sila manang para may makausap ka at umuuwi naman ako doon every night," sabi nito.
"Siguro kukuha muna ako ng gamit bago dumiretso sa inyo," sabi ko at tsaka bumaba ng sasakyan.
Alam talaga ni Carina na naaaning ako at kung ano-ano ang naiisip kapag mag-isa kaya nag-offer siya na sa bahay muna nya ako mag-stay. Doon ay may helper sya at may makakausap ako. Dito sa bahay ko ay wala, minsan tumatawag lang ako ng taga-linis kapag hindi ko na talaga kaya.
***
Two weeks na ang nakalilipas bago ako umuwi sa sarili kong bahay. Medyo humupa na rin yung issue sa akin at wala pa akong susunod na project kaya pahinga muna. I even talked to Orion and to his manager. Wala naman akong naging problema doon dahil nalaman ko na last project na pala namin 'yung last film at bubuwagin na rin ang aming love team, meaning ay malaya ko nang magagawa ang aking mga nais.
I fixed my hair and applied a simple make up. I have an appointment today. Every twice a year ay nagpapacheck-up ako para malaman kung nasa ayos pa ba ang mga tornilyo ko sa aking katawan.
Ilang sandali pa ay nag-drive na ako papunta sa hospital at hinanap ang doktor ko. Kumuha sila ng blood sample, urine and they even examined my poop.
Lumabas muna ako at pumunta sa pinakamalapit na takoyaki house dahil nagugutom ako at nagca-crave sa takoyaki. Sabi naman noong nasa lab ay magtatagal ng isang oras bago ko makuha ang mga results.
Pagpasok sa takoyaki house ay natakam agad ako sa amoy. Ilang araw rin akong nagca-crave dito ngunit tamad na tamad akong lumabas. Hindi naman pwedeng mmagpa-deliver dahil malayo ang takoyaki shop sa bahay ni Carina.
Pagkatapos kumain ay nagtungo ako sa lab at kinuha 'yung results. Nakalagay ang mga iyon sa brown envelop. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon na tignan sapagkat hindi naman ako doktor para maintindihan iyon.
Pagkarating sa doktor ay inabot ko na agad ito. Binasa niya ito at napasulyap sa akin at tsaka napangiti.
"Lahat naman ay normal at may good news ako sa iyo misis."
Halos umabot na sa noo ko ang aking kaliwang kilay sa pagtawag niya sa akin ng misis. Like duh, wala pa akong asawa.
"You are pregnant."
Halos malaglag ako sa aking kinauupuan at tila ba parang nabibingi na ako.
I-I'm pregnant? How come?
"Wait doc, sigurado po ba kayo na sa accurate iyan? Sure po ba kayo na sa akin nga iyan?" Kinakabahang tanong ko.
Ngumiti siya sa akin at pinakita ang aking pangalan sa taas ng papel. Nakalagay sa baba na positive for pregnancy.
"See? Aquila Belvich ang nakalagay kaya sigurado ako sa iyo iyan," sabi pa nito.
Sobrang bilis ng kabog ng aking puso, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan.
Huminga ako nang malalim at sinubukang alalahanin ang mga nangyari sa Tresseria.