MELIORA
"A one vs. one battle!" malakas na annunsiyo ng announcer.
Agad naghiwayan ang mga manonood.
"Alphaaa!"
"Cloveer!"
Yan ang sinisigaw ng manonood. Napatakip naman kami ng tenga sa lakas nito habang ang dalawang grupo ay prenteng nakaupo sa kanilang upuan.
"Bawat grupo ay mamimili ng isang representative. Note that it is a one on one battle so choose your representative wisely. We will start after 10 minutes."
"Sino sa atin?" bulong ni Relm sa amin.
"Pwede ako kung gusto niyo." kumpyansang sambit ni Sandra sa amin.
"I can go." saad naman ni Elara.
"Huy! Ako naaaa!" ngusong saad ni Relm.
My forehead furrowed. Bakit parang gusto nilang maging representative?
"Ipapakita ko sa kanila kung sino ang Elites!"
"No! Ako na Sandra!" sagot ni Relm sa sinabi ni Sandra.
"I think it's better if I am the representative." sambit naman ni Elara.
Nagsimula namang magtalo ang tatlo. Sinasabi na nila ang kanilang mga kayang gawin nang biglang sumabat si Copelan.
"Tsk! Ako na." tanging sambit nito at bumaba na.
Lahat nang representative bawat grupo ay nasa gitna. Dahil si Copelan ang representative namin sa round na ito ay nasa kanya ang ibinigay na number ng announcer kanina. Inilagay niya ito sa kanyang bandang dibdib gaya nang iba.
Tumingin ako kina Sandra. Nakasimangot na ito habang nakanguso si Relm, at masaya namang tumingin sa harap si Elara. Napailing nalang ako.
"For the first fight...." may babaeng biglang umakyat sa stage habang may dala na isang bola. Agad isinilid ng announcer ang kanyang kamay sa loob at bumunot.
"Sayth." muli ay bumunot pa ito nang isa. "versus Tigers." he announced.
Umabante naman ang dalawang kalahok habang ang natitira ay umupo sa nakalaan na upuan nila sa harap. Agad naghiyawan ang mga manonood pagkatapak nila sa stage.
Ang representative ng Sayth ang isang lalaki halatang maangas ito dahil nakangisi ito at malakas ang kumpyansa sa sarili, habang ang sa Tigers naman ay isa ding lalaki, nakasuot ito nang salamin at payat na payat.
Biglang umilaw ang malaking screen sa harap at lumabas ang pangalang nang dalawang grupo.
Charles from the Tigers and Ace from the Sayth.
"Sayang sa tigers sana ako! Bakit ganyan representative nila?" mahinang bulong ni Sandra sa akin.
Kung one on one battle mas pipiliin ko ang siguradong magbibigay nang panalo sa amin. But, I think the Tigers had reasons why they chose him as a representative. Hindi mo naman siguro ipapahiya ang grupo niyo diba.
Naging seryoso ang tinginan nila. Biglang pumikit si Charles habang naging handa naman si Ace. Sa pagmulat nang mata niya ay siya ding paglabas ng dalawang hayop, no scrath that! they are mythical creatures. Bigla akong napatayo sa nasaksihan.
Werewolf and Manticore are on Charles side. Pinoprotektahan nito ang kanilang tagapangalaga. Ngunit taliwas ang reaksiyon ni Ace dahil nakangisi lang ito habang tinatanaw ang dalawang mythical creatures sa harap.
Bakas ang pagkairita mukha ni Charles kaya umuna itong sumugod.
So, he can control them.
Nasa pwesto lang siya habang ang Werewolf at Manticore ay gutom na gutom na tumingin kay Ace. Nang malapit ito sa kanya ay bigla itong nawala sa kanyang pwesto at lumipat sa kabila.
"Teleportation." suddenly Vandel mumbled.
Kaya pala hindi mawala ang ngisi nito at malakas ang kumpyansa sa sarili. Teleportation is a nice magic. He can travel and teleport everywhere in a short span.
"Easy peasy!" Sandra said and rolled her eyes.
"Why?" tanong ko.
"Meliora, teleportation is under in air magic. You're using the wind to teleport everywhere. So basically Copelan and I can do that." sagot nito pero nakatingin lang sa harap.
Tumango lang ako sa sagot niya. I know!
Humarap na din ako sa harap. Pilit paring hinuhuli ng mga alaga niya si Ace ngunit sadyang mabilis ito at bigla itong nawawala.
Nang biglang nag teleport si Ace sa likod ni Charles, sinipa niya ito sa kanyang likod na hindi naiwasan ni Charles. Napaluhod naman ito dahil sa nangyari.
Nagdiwang naman ang grupo ng Sayth. Dahil malapit lang ang upuan nila sa amin, rinig namin ang kantyaw nila sa grupong Tigers.
But what caught my attention was he smirked. Kitang-kita ko ito kahit na nakaluhod siya.
Bigla namang nadapa si Ace kahit walang anong bagay ang nasa kanyang paanan.
"What was that?" rinig kong tanong ni Elara.
Nagsimula na ding magtaka ang mga manonood. Biglang tumayo si Charles at nakangising nakatingin kay Ace. Bigla akong napatingin sa kanyang paanan nang unti-unting lumitaw ang isang ahas. Nakagapos ito sa paa ni Ace habang nilulundag ang kanyang ulo sa kanya kung kaya't hindi siya makagalaw sa kanyang pwesto.
Ngunit nagsimulang manginig si Ace. Nakatutok siya sa ahas na tila ba ito ang pinaka-kinatatakutan niya sa lahat.
"Ops. I heard you like snake." sambit ni Charles kay Ace.
Pero parang walang narinig si Ace at nakatingin lang sa ahas. Bigla namang tumawa nang malakas si Charles na rinig na rinig sa loob ng stadium.
"I'm sorry. Kabaliktaran pala." muling saad nito.
Biglang nagsilitawan ang dalawang mythical creatures na kaya niyang kontrolin. Nakatingin sila kay Ace na tila ba isa itong masarap na pagkain. Kakagatin na sana nila ito nang biglang tumunog ng malakas ang bell.
"Time's up. The tigers win." announced by the announcer.
"May time limit pala?" agad na tanong ni Relm.
"Malamang Relm! Time's up nga diba!" sagot naman ni Sandra dito.
"The time was on the screen the whole time." ani ng Prinsesa.
"Exactly 10 minutes." dagdag nito.
Bigla namang nawala ang ahas pati ang Werewolf at Manticore, umuna nang bumalik sa Charles sa inilaan na upuan sa kanya. Nang nawala ang ahas ay siya ding pagbalik sarili ni Ace.
"You freak!" bigla itong sumugod kay Charles at inambahan ng suntok. Hindi ito naiwasan ni Charles kaya nasuntok ito sa mukha.
Pinunansan niya ang dugo na lumabas sa kanyang bibig at nakangising nakatingin kay Ace. "What now? Panalo na ako."
Halos magkasalubong na ang kilay ni Ace sa sagot nito. Akmang susuntukin na niya ito nang biglang sumigaw si Headmaster Kane.
"Enough! Proceed to the next contender."
Padabog naman na ibinaba ni Ace ang kanyang kamay at umupo na sa upuan nito.
Ulit, umakyat na ang babae na may dalang bola. Isinilid ng announcer ang kanyang kamay at bumunot.
"Alpha..." pagkarinig palang ng mga manonood ay agad naghiwayan ito.
Gaano ba kalakas ang Alpha at ganito nalang ang trato nila?
Bumunot ulit ang announcer. "versus Star."
Agad naman tumayo ang dalawang kalahok na tinawag.
The number 1 and 10? Ano kaya ang ipapakita nila sa amin?