The Guy Wearing the Sheep's W...

By HiraMana

8.6K 554 978

Simple lang ang pangarap ni Shana Fujisawa--mapangasawa si Jared Sy Montemayor. Noong sinabi nitong mahilig i... More

Prologue
Chapter 1: Iligtas si Irog!
Chapter 2 : Ang Tunay na Mukha
Chapter 3: This is Hell!
Chapter 4: The Queen of the Mean
Chapter 5: He's Not that Bad After All
Chapter 7: Ghost 2
Chapter 8: Lonely Voice
Chapter 9 : Fist Bump
Chapter 10: Bingo!
Chapter 11: Kiss
Chapter 12: Unrequited
Chapter 13: Fell
Chapter 14: Painting
Chapter 15: Letter
Chapter 16: Rumor
Chapter 17: One Meter Distance
Chapter 18: Confrontation
Chapter 19: House Visit
Chapter 20: Guilt
Chapter 21: Reminder
Chapter 22: Fight
Chapter 23: Past
Chapter 24: Threat
Chapter 25: Trap
Chapter 26: Change of Heart
Chapter 27: Revelation
Chapter 28: Date
Chapter 29: Tired
Chapter 30: Hanami Blossoms
Chapter 31: Camping
Chapter 32: One Thousand Origami Cranes
Chapter 33: Ring
Chapter 34: Goal
Chapter 35: Christmas
Chapter 36: Decision
Chapter 37: Deadma
Chapter 38: Haunted
Chapter 39: Friendship
Chapter 40: SMILE
Chapter 41: Graduation
Chapter 42: Downpour
Chapter 43: Lost
Chapter 44: Test
Chapter 45: Umbra
Chapter 46: Face to Face
Chapter 47: Revenge
Chapter 48: Stranded
Chapter 49: Memories
Chapter 50: The Surprise
Chapter 51: He's Back

Chapter 6: Ghost 1

186 16 0
By HiraMana

Madilim ang pasilyo na iyon ng St. Therese pero kailangan iyong linisan ng janitor na si Andoy. Iyon ang pinakahuling lugar na lilinisan niya sa araw na iyon. Sa totoo lang kinikilabutan talaga siya sa pasilyong iyon. Marami kasi ang nagsasabing may gumagalang multo roon. Matagal ng naipatayo ang paaralan. Bago pa dumating ang ikalawang digmaang pandaigdig ay naipatayo na ang St. Therese. Ang balita niya ay maraming sugatang sundalo ang nagtatago dito sa panahon ng pananakop ng hapon. May ibang doon na binawian ng buhay habang ginagamot. Iyong iba ay nagpaparamdam pa rin hanggang ngayon ayun sa mga naririnig niyang kwento.

Pilit niyang binaliwala ang anumang naramdaman. Kailangan niyang matapos ang trabaho niya at hindi niya iyon matatapos kung pangungunahan siya ng takot.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng mop nang biglang may kung ano siyang boses na naririnig. Napahinto siya sa ginagawa at nagpalinga-linga. Wala namang tao. Kinilabutan siya. Anong ibig sabihin ng naririnig niya? Guniguni niya lang ba?

Nagpatuloy siya sa paglilinis ng sahig pero lalo lamang lumalakas ang boses. Mula iyon sa isang tagong sulok ng pasilyo na natatabingan ng halaman. Takot man ay pinipilit ni Andoy na tingnan kung saan nanggaling ang naturang tinig. Hinawi niya ang mga dahon ng halaman para lamang magimbal sa nakita.

"M-Multo! M-Multo! A-Aaaaaah!"

"AAAAAAAAAAAAAHHHH!" malakas na sigaw ko at ni Sierge.

Natawa naman si Ridge mula sa pagbabasa ng isang forum comment sa website ng St. Therese. Nakakatakot ang binabasa niya. Nagsitayuan yata lahat ng balahibo ko sa balat.

"S-Sino ba kasing g-gumagawa ng kwentong iyan at pati janitor natin dinadamay?" kunway inis na tanong ni Sierge.

"Totoong nangyari ito. Noong isang araw nangyari ang binabasa ko ngayon. Alam niyo bang nagkasakit si Andoy pagkatapos? Kaya nga si Mang Lito ang pumalit sa kanya."

Oo nga. Napansin ko ngang si Mang Lito ang naglilinis sa lugar ni Andoy. Kung ganoon... Kinilabutan ako. Ibig sabihin totoo iyong kwento? Ayaw ko na yatang dumaan sa Callan hall. Doon kasi nagpakita ang multo. May limang lumang building ang Saint Therese at tatlo doon ang sobrang luma na. Iyong Callan ang pinakaluma sa lahat kaya hindi na siya masyadong ginagamit masyado at pansin ko ginagawa nalang storage room ang ibang rooms. Iyong iba naman ay ginawang club office ng ibang school club ng Saint Therese. Maganda din naman kasi ang aesthetic ng building. Pero ngayong narinig ko iyong kwento ayaw ko na yatang dumaan doon. Matatakutin pa naman ako sa multo. Si Papa kasi panay ang kwento sa babaeng malaki ang bibig--kuchesake-onna-- saka iyong multo sa CR na si Hanako-san.

"Ang mabuti pa huwag na nga nating pag-usapan ang tungkol sa mga multo. Malaki na tayo para sa mga ganyan!" padabog pa na tumayo si Seirge at binato ng hawak na lapis ang monitor ng laptop. Ginantihan naman siya ng bato ni Ridge ng malaking paint brush. Laptop kasi ni Ridge ang binato nito. Sapol. Hihi. Buti nga.

"Shana! Hinahanap ka na naman ng gwapo!" sabi ni club member.

"Sino raw?" 

Wala akong pakialam kung sinong gwapo na naman ang naghahanap sa akin.

"Iyong gwapo noong isang araw."

Mabilis na akong tumayo. Alam na kung sino.

"Ano?" bungad ko kay Winston.

"Ibigay mo raw ito sa vice-president." may iniabot itong papel sa akin at folder. Seryoso lang ang mukha niya.

Ako talaga? Well, ano pa nga ba Shana? Kailangang sundin ang mahal na hari. Mahirap na at baka bugbugin ka. Walang imik na umalis ako sa harapan ni Winston.

"Saan ba ang room nitong si Pitchy?" tanong ko sa sarili habang naglalakad dala ang folder.

Saan nga ba itong Gertrude Building?

Teka! Waaaaaah! Dadaan ito sa Callan Hall! Hindi paman ay nanginginig na ako. This can't be happening to me. Huhuhu. Hayup na Jared talaga iyon. Siguraduhin niya lang talaga na hindi niya lang ako pinagtritripan.

Sabagay, iniligtas nga niya ako. Masyado naman yata akong judgemental. Hay naku Shana, iniirog mo pa rin iyon.

Yuck! Yuck! Anong irog ba ang pinag-iisip ko? Nunca na akong magkakagusto ulit sa lalaking iyon! Hindi Shana! Dame Shana! Dame!

Tumigil na ako sa pag-iisip dahil nasa harapan ko na ang Callan Hall. Inhale. Inhale. Inhale Shana! Kaya mo ito!


JARED'S POV

"Yes president, I understand."

Tumingin ako sa labas ng student council office. Uulan yata. Tsk. I hate the rain.

Binalingan ko ulit ang vice-president ko. Isa pa itong mukhang tanga. Panay ang pagpapabida sa akin araw-araw. "Maraming salamat sa tulong mo Pitchy. I don't know what do to if you're not my vice-president."

Wala kasi akong nauuto! Hahaha!

"It's my happiness to serve you," nakangiting pahayag niya.

Hah! Dapat lang! Sayang ang panahon ko sa pangit na kagaya mo. I gave her a side-eye. She looks neat and boring as usual. 

"Salamat talaga Pitchy."

"Tungkol naman doon sa multo na issue na nangyari magpapa-imbistiga po ako—"

"No need Pitchy. Nagpadala na ako ng tao."

"H-Ho? Sino?"

I gave her my usual sweet-looking smile. "Someone who's very helpful."

Nagpa-alam na ako kay Pitchy pagkatapos. I don't want to talk to her that long. Naiirita ako. And yeah, ipinadala ko lang naman ang tangang alipin ko. Makikita natin kung may multo nga ba roon.

I looked at the sky. It's really gloomy. I really hate this kind of weather. It makes me want to punch and kick someone.

"Are you okay?"

Nilingon ko ang tinig na iyon ni Winston kasama si Tristan. Kunyari may irereport sila tungkol sa club nila kaya sila nandito sa office.

"I'm always okay," nakangiting sabi ko.

Natigilan sila. They know what I mean.

"Haay naku. Pagpapawisan yata ako nito. May photoshoot pa naman ako mamaya," reklamo ni Tristan.

"Let's go and break some bones!" I grin.

Winston sighed while Tristan cheered as well.


SHANA'S POV

One. Step. Lingon mula sa kaliwa at kanan.

Two. Step. Lingon mula sa likod saka sa tingin sa harapan. Kinakabahan ako habang ginagala ang paningin sa pasilyo ng Callan Hall. May mga lumang columns iyon sa gilid na may mga designs sa bandang ibabaw. Sa baba naman ay mga halaman na nagsisilbing harang para hindi makadaan ang mga students. Magaganda kasi ang damo sa gitna at minsan nag-ski-skip sa daan ang mga students at natatapakan ang mga damo kaya nilagyan ng mayayabong na halaman sa gilid ng columns. May mga vines din na nakasabit sa mga gilid ng pader na gawa sa bricks. Parang nasa sinaunang panahon ka talaga.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Halos wala akong marinig na ingay mula sa ibang estudyante. Walang yatang mga tao sa loob ng mga clubs. Huhuhu. Iniwasan ko nalang mapadako sa kada bakanteng rooms. Baka may sumilip na kung ano sa bintana. 

'Isang step pa Shana. Huwag manginginig! Nasa kalagitnaan ka pa ng Callan Hall. Matapang ka! Matapang ka!'

So far...wala naman akong nararamdamang....

"Aaaaaaaah!" tili ko dahil bigla nalang may sumulpot na babae sa harapan ko.

"Hohohohooo! Mukha kang tanga Shana girl!"

Ha? Tekaaa. Pamilyar ang tinig na ito 'ah!

Shit! Hindi nga!

Standing in front of me is no other than but the great psychopath Queen Elizabeth!

"Hoy anong psychopath?!" angil niya sa akin.

Ehehehe. Napalakas ba tinig ko? Pero teka nga lang...

Umilap ang mga mata ko para hanapin ang mga bodyguard nyang mukhang mga gorilla.

"Papano ka nakapasok sa school namin?" natatarantang tanong ko. Medyo napaatras pa ako kasi mahirap na at baka sunggaban niya ako bigla dito. 

Tumawa naman siya gamit ang weird niyang tawa.

"Anong weird na tawa?!"

Hehehe . Naisaboses ko na naman yata ng malakas ang iniisip ko.

"Don't worry Shana. Wala na akong binabalak sa iyo. As you can see dito narin ako nag-aaral sa St. Therese," ipinakita niya pa sa akin ang uniform niya na ngayon ko lang napansin. Hala oo nga! Nag-transfer siya dito? 

"B-Bakit?"

"Kasi in-love na ako."

"H-Hindi tayo talo!"

Pinanlisikan nya ako ng mga mata. "Sino bang may sabing I  make patol sa babae?"

Malay ko ba. Hmp.

"So kay Jared ka inlove?"

Tila nagulat siya with matching hawak pa sa dibdib dahil sa sinabi ko. "P-Papano mo nalaman iyan? H-Hindi ko naman gustong maramdaman ito Shana. Alam kong masasaktan kita. Patawarin mo ako kung sa huli ako ang pipiliin ni Jared. Napakasama kong bestfriend sa iyo!"

"At kailan pa kita naging bestfriend?! Kamuntikan mo na nga akong patayin palagi."

Tila nagulat siya ulit with matching luha na ngayon. Baliw nga yata ang babaeng ito.

"Hindi naman kita papatayin 'ah. Like, I just wanted to give your boyfriend a lesson."

"Lesson ba iyong papaluin mo ako ng baseball bat?"

Kumunot ang noo niya. "When?"

"Nong isang gabi!"

Tila naalala naman niya ang tinutukoy ko. "Omg. Like hindi ko ipapalo iyon noh. That's super mahal kaya and that's a rare collector item. I heard nag-cocollect ng ganong stuff si Jared kaya gusto ko siyang inggitin that's why I make video para ipadala ko sa kanya."

Ha? Anong klaseng sagot iyan?

"Eh bakit mo ako isasali sa video?"

Tila nag-isip pa siya. "I made you sali ba? Oh well, I just wanted to make a lesson naman din kasi for the both of you. Like, kapag nakita ni Jared the expensive bat for sure pupunta siya and I will not make bigay. Ohohoho! Siguradong maiinggit siya. Oh why am I explaining sa'yo ba?"

"Eh noong isang araw? Bigla mo nalang kaming hinarangan!" 

Napa-ah naman siya sa sinabi ko. "I was planning to make takas lang sayo that time para masira ang date niyo ni Jared."

"Huh? Anong date?" 

"You were on a date diba? Anyway, it nasa past na. Kinalimutan ko na iyon at pinapatawad ko na kayong dalawa."

Ayoko siyang kausap. Baka bigla akong sakalin. Hindi ko rin ma-gets ang pinagsasabi niya. Makaalis na nga.

"Hey, where are you going?"

"Maghahanap ng multo!"

Humabol ito sa paglalakad. "What? Ghost?"

"May gumagala raw na multo sa hall na ito kaya ang mabuti pa umalis ka na."

Ang totoo niyan nagpapasalamat ako na nandito si Queen Elizabeth dahil nabibilisan ko ang paglalakad. Hihihi.

"Hoooy, wait lang Shana girl!"

"Naaa....naaaaa....naaaaaa....."

Natigilan ako sa paglalakad. Nilingon ko si Queen Elizabeth na namumutla.

"Was that you?" tanong ko.

Umiling siya. Namutla narin ako. Halaaa! Totoo nga yata iyong kwento. 

"Naaa....naaaaa......."

Isang mahabang katahimikan ang dumaan. Nagkatinginan kami ni Queen Elizabeth.

"May tao ba diyan?" Anang boses na sobrang malamig at tila nanggaling sa hukay.

"Aaaaaaaah!" sabay naming sigaw saka kumaripas ng takbo.

Daig ko pa ang isang professional runner sa tulin ng takbo ko. Naibalya ko pa nga si Queen Elizabeth sa takot. May multo! Huhuhuhuhu.

"I'M TELLING the truth! May multo nga!" nanginginig na pangungumbinsi ko kay Jared na prenteng nakaupo sa opisina nito. Dumiretso kaagad ako sa kanya pagkatapos ng multo encounter. 

"Shana, what are you talking about? It's not true," mahinahong sabi niya sa akin.

"Kung ganoon ano ang tawag mo riyan?!" sabay turo ko sa tulalang si Queen Elizabeth na nasa tabi ko. Maya-maya pa ay tumulo ang luha nito saka tumawa ng malakas. Lagot. Mukhang nabaliw na ng tuluyan.

"Okay fine."

"Anong fine?" tila nauubusan na ako ng pasensiya sa kanya. Kanina ko pa sinasabing may multo nga kaming nakita ni Queen Elizabeth. Ayaw niyang maniwala! Ang tigas ng ulo!

"Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si president!" saway ng vice-president niyang si Pitchy.

Napasimangot ako. Oo nga pala, may ibang mga tao kaya nagpapanggap na mabait ang hinayupak na ito.

"Ayus lang iyan Pitchy. Naiintindihan ko si Shana. Kaya naman sasamahan niya ako mamaya para imbestigahan ang lahat," nakangiting wika ni Jared. "You can come back to your club classroom now. Pasensiya ka na sa abala."

Nag-aalalang tumango si Pitchy. "Kapag may nangyaring masama tawagan niyo lang po ako."

Umalis na si Pitchy. Huwag kang mag-alala maitim ang budhi ng lalaking iyan kaya hindi iyan tatablan ng multo. Baka nga ang multo pa ang matakot.

"Jared, bakit kailangan pa na puntahan iyon mamaya? Kailangan natin ng expert sa exorcism!"

 Kaming tatlo nalang ni Queen Elizabeth ang naiwan sa opisina niya. Nginitian ako ni Jared pero kinilabutan ako sa ngiti niya. Mukhang ako ang may kailangan ng exorcist. Ipapataboy ko sa kanya itong maligno na ito sa harapan ko.

"Anong ginagawa ng bestfriend mo sa St. Therese?" walang ganang tanong niya na binigyan ng mabilis na sulyap si Queen Elizabeth na ngayon ay mukhang okay na. Nag-papacute na kasi sa harapan ni Jared. Panay ang ayos nito sa buhok. 

"Hindi ko iyan  bestfriend," angal ko. "Saka dapat alam mong nagtransfer siya dito. Hindi ba ikaw ang SSC President namin?" 

"I don't have time for unnecessary people." 

"Me too," nakangiting sang-ayon ni Queen Elizabeth. 

Baliw. Isa ka sa sinasabi niyang unnecessary people. Anong meron? Bakit natamaan tong si Queen Elizabeth kay Jared? Alam na nga niya ang ugali. 

"We will check the whole area after school so don't go home right away." 

Bakit ako kasali? Wala akong planong mag-ghost hunting after school. Hindi ako ganon ka-timang. 

"Uuwi ako ng maaga! Si Queen Elizabeth nalang isama mo," turo ko kay Queen Elizabeth. 

"You're so cute Shana," nakangiting sabi ni Jared pero parang may laser na kasama ang tingin niya sa akin. 

Stupid slave! Kanina mo pa ako inaasar. Humanda ka mamaya sa akin.

Iyon! Iyon ang nababasa ko sa mga ngiti at mata niya. Waaaaah! Nakakatakot. Wala sa sariling niyakap ko ang sarili ko dahil kaba.

"S-Sabi ko nga mag-ghoghost hunting tayo ngayong gabi eh."

Humaaaaaygaaad! Ghost hunting? Ayokong makakita ng multo! Someone please help me from this monster!

---

TBC

Continue Reading

You'll Also Like

769K 8.3K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
5.3M 184K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
15.7M 365K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...
3.2M 148K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...