LEILA MARQUEZ
Napakabilis ng panahon, masaya ako dahil maayos na talaga ang relationship nina Bella at Kayden. They're getting better and better. Inlove na inlove sila sa isa't isa. On the other hand, malapit na ang celebration namin ni Josh ng 2nd monthsary namin. Bukas na bukas na ito kaya talagang sobra akong nag-isip ng magandang i-regalo sa kaniya. Nakailang ikot ako no'n sa mall pero wala pa rin akong nahanap. Nakakainis lang kaya sa huli, naisipan kong mag-bake ng cake. No'ng first monthsary kasi namin ay nagregalo ako ng wristwatch sa kaniya habang ako naman binigyan niya ng necklace at isang bouquet ng yellow tulips. Ang sweet niya talaga.
"Kaya mo ba 'yang mag-isa Leila?" tanong ni manang Jully.
Napatango naman ako. "Ngayon lang po ako gagawa kaya kailangan kong pagbutihan," desididong sagot ko.
"O s'ya. Ikaw nang bahala d'yan, tawagin mo na lang ako kung kakailanganin mo ng tulong maliwanag ba?"
"Opo." Iyon lang at umalis na rin siya. Napalibot ang aking tingin sa mga ingredients na nasa harapan ko. Okay so nandito naman ang lahat ng kakailanganin ko. Tinignan ko na ang aking phone at pinanood na ang video sa Youtube tungkol sa paggawa ng cake.
Hmm... hindi naman gano'n kahirap ah.
Nagsimula na akong gumawa ayon sa tutorial. Punyeta, hindi pala madali. Medyo nalilito ako sa mga steps. May mga itinatabi pa kasing mixture. Nakakainis, dapat pala 'yung mas madali na cake tutorial 'yung pinili ko. Madali lang pala 'tong panoorin pero hindi gawin. Anyways, ipinagpatuloy ko pa rin dahil nasimulan ko na rin e. Hoping na lang siguro na maging kamukha nung gawa ko 'yung outcome sa video.
Gabi ko 'to ginawa kaya medyo naantok na akong nag-ba-bake. Naalimpungatan ako nang maamoy ang parang nasusunog na pagkain. Amoy nasusunog na tinapay. Agad akong napamulat ng mga mata.
"Ah! 'yung cake!" tili ko nang makita ang umuusok na oven. Mula sa pagkakaupo ko ay tumakbo ako kaagad palapit dito, pinatay ang saksakan at binuksan ito. Pinamaypayan ko ang usok gamit ng kamay ko at nang matanggal ang usok ay nakita ko na kung anong nangyari sa cake.
Sunog. Maitim. Shet.
Sinunod ko naman ang sinabi nung tutorial ah. Umidlip ako kasi hinihintay ko na lang na maluto 'yung bread sa oven pero nasunog naman. Napatitig ako sa oven, do'n ko na-realize. Ah! Hindi ko na-adjust 'yung temperature! Oh god! Oh god! Bakit ko 'yon nakalimutan?!
Inis akong napasabunot sa 'king buhok. Kung gano'n kailangan kong ulitin ulit mula sa umpisa! Ughh! Inis akong napasulyap sa wallclock.
12:03 A.M
Bahala na. Mag-uumpisa na lang ulit ako. Inulit ko ulit ang aking ginawa mula sa umpisa, mix dito, mix doon. Nang maisalang ko sa oven ay umidlip ulit ako kasi talagang antok na rin ako. Nagising din ako nang marinig ang pag-beep ng oven. Thankfully, naging maayos naman ang pagkaka-bake ko. Next thing is pinahugis ko ng heart 'yung cake then inilagay ko na ang red icing. Inayos ko talaga ang pag-spread para maayos naman tignan hindi yung magulo. Lastly, naglagay ako ng Happy 2nd Monthsary! sa cake using white icing naman.
Napatili ako ng mahina nang makita ang gawa ko. Tapos na rin! At hindi rin ganon kasama! Hindi na tuloy ako makapaghintay na ibigay 'to kay Josh bukas na bukas. Ano kayang reaksyon niya? Pinaghirapan ko 'to kaya napaka-espesyal talaga. Sana nga lang hindi masama ang lasa. Inilagay ko naman na ito sa fridge at nagligpit na rin ng gamit. Late na talaga akong nakatulog dahil halos past 2:00 na no'n, kinaumagahan tuloy ay sobrang bigat ng mga mata ko. Hindi ko muna ibinigay 'yong cake sa kaniya, ipina-ref ko muna sa canteen sa cafeteria. Kukunin ko na lang siguro mamayang recess.
"Leila ko!!!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang isang sigaw mula sa likuran ko, malamang kilala ko na 'to kaya pumintig ng mabilis ang aking puso bago siya nilingon. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Josh na patakbo papunta sa 'kin habang may hawak-hawak na isang malaking bouquet ng yellow tulips. "Para sa 'yo ito!" sabi niya at ibinigay sa 'kin ang hawak niya.
"My god, Josh. Ang daming tulips naman 'to," sabi ko, "hindi kasya sa vase ko sa bahay."
Napakati siya ng ulo. "'E sa wala na kasi akong alam na i-regalo. Noong isang araw pa akong nag-iisip pero wala akong maisip kaya 'yang bulaklak at...." Inangat niya ang magkabila niyang braso. "Ako!"
Ano raw?
"Ikaw?"
"Oo. Ibinibigay ko na ang sarili ko sa yo, Leila ko!"
Napatawa ako. Hindi talaga ako makapaniwala. Nang dahil lang sa wala siyang maisip, i-reregalo na niya 'yung sarili niya sa 'kin? "Pasensya na pero wala rin akong panggagamitan sa 'yo," sabi ko.
Tinapik niya ang kaniyang chest. "Marami akong kayang gawin! Magaling ako sa gawaing bahay, pagkanta, pwede rin akong alalay at higit sa lahat... magaling akong magmahal!" Nginisihan niya ako. "Oh, Leila ko halika nga!" Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang magkabila kong mga pisngi at pinaulanan ako ng halik sa buong mukha.
“Josh—ah! Tumigil ka! May mga tumitingin!" sabi ko pero nagtuloy-tuloy pa rin siya. Gigil niyang hinalikan ako sa noo, mga pisngi, sa chin, tinanggal niya pa 'yung eyeglasses ko para halikan naman 'yung mga mata ko, sinunod niya pa 'yung ilong ko at huli ang aking mga labi.
"Happy two months na pagmamahalan sa 'tin," ngiting sabi niya, "mahal na mahal kita."
Hindi ko na napigilang mapangiti sa sobrang kilig. Sasabog na ata puso ko sa saya. "Mahal na mahal din kita, Josh."
Ibinalik niya na rin ang aking eyeglasses. "Yung akin naman? Anong regalo mo sa 'kin?" parang excited niyang tanong.
"Maya ko ibibigay," sagot ko.
"Bakit naman mamaya?" Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "O baka naman nakalimutan mo?"
"Oi hindi ah!"
"Dapat lang. Masasaktan talaga ako ng sobra-sobra kung nakalimutan mo," sabi niya habang nakahawak sa kaniyang chest. "Madudurog ang puso ko."
Sa totoo nga lang pareho tayong hindi nakaisip ng magandang regalo e.
"'Wag kang OA. Tara na nga!" Hinawakan ko na ang kaniyang kamay at sabay na kaming naglakad. Ipinagdikit niya naman ang aming palad.
"Mahal kong Leila, sana naman may date tayo mamaya~" kanta niya.
Inamoy ko ang bulaklak. "May praktis kayo sa soccer 'di ba?"
"Sus. Wala naman sinabi si coach na dapat perfect attendance ako sa praktis."
"Oo pero kailangan mo pa ring pumunta palagi."
"Ah! Pano kaya kung mag-absent tayo ngayon?" bahagya siyang lumapit pa sa 'kin at bumulong, "para mag-celebrate ng monthsary natin."
Umikot ang aking mga mata. "Hindi pwede. May long quiz kami ngayon. Tsaka anong absent ka d'yan? Hoy, makakahintay pa rin ang celebration."
Napabusangot siya. "Hindi naman ako magaling maghintay e 'tapos ang tagal din no'ng huling labas nating magkasama."
Yeah, dahil sa sobrang busy nila sa praktis din kaya kahit weekends ay meron sila.
Bahagya akong napatawa. "Basta sa weekends na lang 'yan."
Bago kami parehong pumunta sa kaniya-kaniya naming classroom ay iniwan ko muna ang tulips sa locker ko. Buti na lang at kumasya. No'ng nasa classroom naman na ako ay nag-happy monthsary rin sa 'kin si Bella. Natandaan ko nga rin na malapit na 'yung first monthsary rin nila ni Kayden 'e.
Pagkatapos naman ng dalawang subjects ay recess na. Sa pintuan pa lang ng classroom ay nasilip ko na kaagad sina Josh at Kayden na naghihintay ro'n.
"Pano ba 'yan, hihiwalay muna kami ngayon ni Bella sa inyo para ma-solo n'yo ang isa't isa," ani Kayden at hinawakan ang kamay ni Bella.
"Oo, sige," sang-ayon ni Josh sa tabi ko. Sumang-ayon na rin ako dahil nahihiya naman ako kung makikita nila 'yung cake na ginawa ko.
"Okay, maya na lang," ani Bella at nginitian kami. Iyon lang at umalis na rin silang dalawa nang magkasama.
Kinuha naman na ni Josh 'yung bag ko. "Sa cafeteria tayo," sabi ko.
"Sige. Tara." Nagtungo naman na kami ro'n. Humanap kami ng spot malapit sa may bintana at nagpaalam na rin ako na may kukunin lang. Oh god, ibibigay ko na 'yung cake sa kaniya. Nang makuha ko na ang cake sa counter ay bumalik na rin ako kaagad kay Josh hawak-hawak na ang puting box.
"'Yan ang regalo mo sa 'kin?" tanong niya nang mailapag ko sa harapan niya 'yung cake.
Napatango ako. "Oo. Buksan mo." Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa 'kin at sa box bago niya ito binuksan. Inilabas niya ang cake, inilapag sa harapan niya sabay tinitigan ito.
"Heart," sabi niya.
"Uhm, wala kasi akong maisip na ibang gift kaya ayan, nag-bake na lang ako." Inabot ko ang isang tinidor sa kaniya na kasama kong kinuha kanina sa counter. "Tikman mo." Kinuha niya naman ito at tinikman na 'yung cake. Kabado lang akong pinapanood ang reaksyon niya.
Napangiti siya. "Ang sarap naman ng puso mo."
"Talaga?"
"Oo naman."
"Patikim nga." Gamit pa rin ng kaniyang tinidor ay kumuha naman siya ng konti at isinubo sa 'kin.
Umasim kaagad ang mukha ko. Okay ang icing pero ang dry pala nung bread 'tapos may kontong maasim. Punyeta may nasobrahan ata ako. "Hindi naman masarap!" sabi ko, "akin na pala 'yan, ang pangit ng lasa!" Aktong kukunin ko na sana ito nang bigla niyang inilayo sa 'kin.
"'Wag. Sa 'kin ito 'di ba?"
"Oo pero 'di nga masarap." Nahihiya na ako. Dapat pala tinikman ko talaga bago ibinigay. Ughh.
"Masarap nga." Kumain ulit siya. "Mas naging masarap kasi pinaghirapan mong gawin. Pinagpuyatan mo 'to no?" tanong niya.
"H-hindi naman." sagot ko.
"Pinagpuyatan mo, tignan mo nga 'yang mga eyebags mo o, ang laki." Napahawak naman ako kaagad dito. Oh god, halata pala. "Kaya uubusin ko 'to." Sinimulan na niyang kainin ang cake at nakanganga na lang ako habang pinapanood siyang ubusin ito.
"Ayan... busong na busog ako," sabi niya nang maubos na nga niya lahat. May mga nagkalat pang icing sa gilid ng mga labi niya kaya kumuha ako ng tissue ko at pinunasan ito.
"Kailangan mo ba ng tubig?" tanong ko na ikinatango niya.
"O-Oo, kuha ka na rin ng p-pagkain mo."
"Okay. " Tumayo naman na ako at nagtungo papunta ulit sa counter para bumili ng tubig gano'n din ang pang-recess ko which is burger at Coke lang. Inabot ko naman kaagad kay Josh 'yung tubig nang makabalik ako sa table namin. Ininom niya naman ito.
"Salamat." Huminga siya ng maluwag.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sa itsura mo, para ka lang naka-survive sa isang delubyo."
Nginisihan niya ako. "Hindi ah–" Napatakip siya bigla ng bibig. "Teka, sa banyo lang ako." Bago pa man ako makapagsalita ay tumakbo na siya paalis. Hindi ko naiwasang mapatawa na lang.
Ang gunggong na 'yon, hindi niya naman kailangang maging trying hard e. Okay lang kahit na ayawan niya 'yung ginawa ko kasi pangit naman kasi ang lasa. Ngayon sigurado akong sinusuka na niyang lahat 'yon. Josh talaga, 'di ko alam kung anong gagawin ko sa 'yo. Palagi mo na lang ginawang interisado ang bawat araw ko. Nakakainis. Baka masyado akong masanay sa kaniya. Hindi ko na tuloy ma-imagine ang araw na wala siya.
Matapos ang ilang saglit ay bumalik na rin siya. Tinignan niya ako na parang isang taong nagkasala. "Leila ko. Tandaan mo, mahal na mahal kita," sabi niya.
Kinagat ko ang aking mga labi, pinipigilang mapahalakhak. "Jusko, Josh. Hindi mo na kailangang ma-guilty sa pagsuka mo sa cake na ibinigay ko!"
Binigyan niya ako ng parang nahihiyang ngiti. "Sa sobrang sarap kasi, hindi na nakayanan ng tiyan ko."
That's it. Napatawa na ako. "Gago ka talaga!"
Alas singko ng hapon nang mag-isa akong pumunta sa locker ko. Nasa library kasi ako, naging busy sa paggawa ng PowerPoint para sa reporting namin sa susunod na linggo. But this is great. Pupuntahan ko si Josh sa gymnasium. Panoorin ko muna siya sa praktis nila bago ako uuwi. Pagkabukas ko ng locker ko ay tumambad ang yellow tulips na iniwan ko ro'n kaninang umaga. Buti na lang hindi pa nalalanta, kailangan kong ilagay kaagad 'to sa vase. Kukunin ko na sana ito nang napansin ko ang isang black na parisukat na bagay. Isang phone.
Napakunot ang aking noo. Kanino naman 'to? Wala naman akong natatandaang may iniwan ako rito 'e. Or... may nag-iwan? Kinalikot ko naman ito at doon bumukas ang screen nito. Medyo nagulat pa ako nang makita ang picture ng isang lalakeng nakangiting abot hanggang mga mata mula sa lock screen. Si Josh. Kay Josh 'to? Paano napunta rito? Ini-swipe ko ito pataas at wala itong any password kaya naka-enter ako kaagad. Napadapo ang aking mga mata sa isang message convo na agad nagpakita sa 'kin.
To: Mira
Bakit ba hindi mo na lang ako sagutin, gummybear?
From: Mira
Ilang beses ko bang dapat ulitin? Just do my condition at sasagutin kita kaagad.
To: Mira
Pero bakit gano'n pa? Bakit 'yung warfreak na panget pa na 'yon?
From: Mira
Why, Josh? Giving up? Akala ko ba hindi problema sa 'yong paibigin siya?
To: Mira
Wala naman talagang problema sa 'kin. Kayang kaya kong gawin 'yon. Let her fall for me then break her heart. So easy.
From: Mira
That's good, gummybear.
To: Mira
Basta tumupad ka sa usapan. Akin ka na kung nagawa ko 'yon.
From: Mira
Of course. Don't worry.
Nagsimulang manginig ang aking mga kamay nang mabasa ang convo nila. May kung anong kirot na rin ang nagsisimulang mamuo sa 'king dibdib kasabay no'n ang pagkabog ng malakas ng aking puso.
Pwedeng gawa-gawa lang 'to ng kung sinong gago pero napaka-imposible dahil nang makita ko ang date ng convo, months ago ito. No'ng hindi pa kami magkasundo ni Josh. Walang kung ano ay tumakbo ako kaagad papunta sa gymnasium. Hindi ko man lang nasara ang locker ko basta umalis na lang ako.
God, kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong kausapin si Josh!
Pero halos manlamig ako nang makita siya sa gilid ng entrance ng gymnasium, kasama si Mira. And they were kissing. Pero naputol din 'yon nang itinulak kaagad ni Josh si Mira palayo sa kaniya.
"Josh..." mahinang tawag ko sa kaniya, sapat lang para marinig nilang dalawa at lingunin ako. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Josh.
"L-Leila..." sabi niya, "let me expla—" He was cut-off by Mira.
"Ano? Natanggap mo na ba ang munting regalo ko para sa 2nd monthsary ninyo?" nakangising tanong nung bitch pero hindi ko siya pinansin. Nanatiling nakatingin lang ako kay Josh.
Hindi ako maniniwala sa kung sino lang. Maniniwala lang ako kung sa mismong bibig lang ni Josh lalabas ang mga salita. Nawalan na ako ng pakielam sa nasilayan kong halikan nila kanina lang dahil may mas importante akong gustong malaman.
"T-totoo ba? N-niligawan mo lang ako dahil sa kundisyon niya sa 'yo? Letting me fall for you then break my heart?" tanong ko. Natatakot akong marining ang sagot niya at umaasang sana nga sumagot siya ng hindi—na talagang nagustuhan niya ako at minahal.
Mas nagulat siya sa tanong ko na parang hindi inaasahan ito. "Leila...."
"Sagutin mo ako, Josh. 'Yung totoo." Ipinakita ko ang kaniyang phone. "Nabasa ko rito lahat ng pinag-usapan ninyo ni Mira."
Nakita kong napakuyom siya ng kamao at napa-iwas ng tingin. Nakailang segundo pa siya bago sumagot, "...Oo."
Sa simpleng sagot niya na 'yon ay parang nagunaw ang mundo ko kasabay rin no'n ang pagsampal ng realization sa 'kin. Nag-flashback ang lahat ng sinabi ni Josh dati.
'Kase bakit kailangan ko pang tuparin yung gusto niya bago niya ako sagutin? Ang hirap kaya ng pinapaggawa niya!'
'I love you... Mira'
Nanlumo ako at halos nanghina kaagad ang aking mga tuhod kaya napahawak ako sa pader para suportahan ako. Hindi ako makahinga na parang nasasakal ako. Sunod-sunod na rin ang pagpatak ng mga luha ko sa pisngi.
Kung gano'n... peke lang pala ang lahat. Ginawa niyang lahat ng ito para kay Mira.
Umalingawngaw ang tawa ni Mira sa tahimik na hallway. "Good job, Josh. Nagustuhan ko talagang makita ang miserableng mukha nitong panget na 'to. You've made me happy!"
"Mira!" sigaw ni Josh sa kaniya.
"Okay, aalis na ako. I'm satisfied enough," anito at naglakad na paalis.
"Leila, magpapaliwanag ako."
"Stop!" sabi ko nang astang lalapit siya sa 'kin. Tumigil naman siya. "Wala ka nang dapat ipaliwanag, Josh!" sigaw ko, bakas ang galit sa boses ko, "inamin mo na. All this time ginagago mo lang pala ako?! Bakit Josh?! Bakit ba kailangan mo akong paglaruan ha?!" Hindi siya nakaimik.
"Ginaganito n'yo lang ba ako dahil sa ganito ang itsura ko?! It wasn't my fault! Hindi ko kasalanan kung ganito ang itsura ko!" Napahagulgol na ako sa sakit at sa galit. "So I don't deserve this. I don't deserve being hurt like this... hindi ko naman kasalanan kung ganito ako kapanget."
Akala ko nahanap ko na. Akala ko may napatunayan ako. Akala ko siya na. Lahat lang pala nagtapos din sa puros akala lang pero ang mas masakit,
Akala ko mahal niya ako.
"Leila..." tawag ulit niya sa 'kin, nagsisimula nang pumatak ang kaniyang luha. "I-I'm sorry."
Napailing-iling ako. "Walang magagawa ang sorry mo, Josh. You just... shattered me." Bago pa man siya makapagsalita, tinalikuran ko na siya kaagad at tumakbo. Ayaw ko nang marinig ang kahit ano baka maniwala pa ako sa kung anong kasinungalingan na namang sasabihin niya. Kailangan kong lumayo... away from him and away from,
His hurtful lies.
*********