The Man Of My Imagination

By Rapunzelyza

123K 2.3K 137

"Kung sa ibang babae ay merong, 'the man of my dreams', sa akin naman ay merong, 'the man of my imagination'... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
EPILOGUE

CHAPTER 26

1.2K 48 0
By Rapunzelyza

“LET’S dance, shall we?” Sam said as he extended his hand towards mine.

“Pero hindi ako marunong sumayaw,” I said, pouting.

“Come on, you can do it.” pagkasabi’y hinatak niya ako patayo bago hinila papunta sa gitna. Bigla namang pumainlalang sa ere ang kantang “Closer You and I.”

Hey, there’s a look in your eyes

Must be love at first sight

You were just part of a dream

Nothing more so it seemed

Pagkapunta sa gitna ay hinapit niya ako palapit sa kanya bago ipinatong ang dalawang kamay sa bewang ko. Ako namang wala nang nagawang protesta ay inilagay ang mga kamay sa balikat niya bago kami bumuo ng sayaw.

But my love couldn’t wait much longer

Just can’t forget the picture of your smile

‘Cause every time I close my eyes

You come alive

Nung una ay natatapakan ko pa ang sapatos ni Sam dahil nga di talaga ako marunong. Pero nang maglaon ay tila tinangay ng hangin ang hindi ko kagalingang sumayaw dahil nasasabayan ko rin sa wakas ang pag-agos niya. Sumabay pa nga ang kanta sa kagustuhan ko pang sumayaw nang sumayaw kasama si Sam.

The closer I get to touching you

The closer I get to loving you

Give it a time

Just a little more time

We’ll be together

I leaned at his chest as I close my eyes to listen to the song. Ako lang ba or parang perfect ang kantang iyon para sa gabing ito? It just felt so perfect knowing that the song playing was the one I’m dancing with. Dapat na ba akong magpasalamat sa gumawa ng kanta na ‘to for making this night more perfect? I don’t know. It maybe a he or she, I’m willing to thank him very much for this great masterpiece.

Every little smile

That special smile

The twinkle in your eye in a little while

Give it a time

Just a little more time

So we can get closer

You and I

Sam held my chin up to face him. I couldn’t help myself but to admire his handsome face na alam kong mas gwapo pa sa kung sino man o kay Qen. Paano ko ba siya nagawang ganitong ka-gwapo nang hindi ko napapansin?

“Are you happy?”

“I’m always happy when I’m with you...”

“I am, too. I’m always happy whenever I’m with you. Presensya mo lang, makita ko lang ngiti mo, buo na araw ko.”

“Ganun mo ako kamahal, huh?” I said, chuckling.

“Gano’n katindi,” he said before reaching for my lips. His hands searched for my waist as he deepen the kiss more.

The kiss went deep and passionate. I suddenly forgot about the music at the background as the kiss continued on and on. Hindi ko na malaman kung ilang minuto magkahinang ang aming mga labi basta namalayan ko na lang na pagkahiwalay ng mga labi namin ay habol na namin ang hininga.

“‘Wag ka ngang nanghahalik bigla riyan!”

Umismid siya. “Para namang hindi mo nagustuhan.”

I just rolled my eyes at him. Pilit tinatago ang pagkapula ng pisngi. Patuloy na lang kami nagsayaw hanggang sa makaramdam ako ng pagod.

“Upo na tayo? Pagod na ako, e—” Nanlaki ang mata ko nang makitang nanlalabo na sa paningin ko si Sam. Ang buong anyo niya ay tila ba tinatangay ng hangin. Iniihip ang anyo niya palayo. “Sam!” pagtawag ko sa kanya pero nanatili lang sa labi niya ang ngiti. “Sam, ano ba? Bakit ka naglalaho? Bakit parang nawawala ka?” But I didn’t got any response from him. Ganoon pa ring ang posiyon, ayos at laki ng ngiti niya.

Ano ba talaga ‘to? Bakit siya ganito?!
Nang unti-unti na talaga siyang manlabo sa paningin ko ay sinubukan ko siyang hawakan pero tila ay hangin lang siyang dumaan sa balat ko. Mabilisang biglang paglaho ng kaniyang anyo kaya napasigaw ako. “No, Sam. No. No! hindi pwede mangyari ‘to. Hindi!” At nang tuluyan na talaga siyang inihip ng hangin, napasigaw ako ng, “Saaaaaaam!” bago ako napabalikwas ng bangon.

Habol ko ang hiningang nilibot ang tingin sa paligid. Walang Sam, walang Dinner, walang kanta, at walang rooftop. Andito lang ako sa higaan ko, habol ang hininga at mukhang bagong gising lang.

Nang kumalma ay saka ko na-realize ang lahat. Panaginip. Masamang panaginip. Akala ko totoo na. Mukhang panaginip na naman pala.

Hinilot ko ang sentido habang tina-try na maupo sa kama. Geez, pang-ilang beses ko nang makapanaginip ng ganun. Hindi naman talaga unang beses nang makapanaginip ako no’n. maraming beses na to the point na hindi ko na mabilang. Sa totoo nga lang, may time na ayaw ko na lang matulog kasi ayaw ko managinip ng gano’n. Para kasing kapag nasasagi iyon sa akin, sinasampal ako ng katotohanan na iniwan na ako ni Sam. Na hindi ko na siya makakasama kailan pa. Na hindi akokarapat-dapat ipaglaban.

I heaved a sigh. Pilit ko na ngang inaalis sa isip ko pero tuwing gabi naman pinapasaya at siansaktan niya ako sa panaginip ko. Mabuti na lang kung iba na wala na lang mapanaginipan ko kaysa siya pa, e.

Umalis na ako sa kama para makakain sa baba. Nang makarating doon ay nangunot ang noo ko. Bakit nag-de-decorate sina Ate at Kuya? Anong meron?

“Ate? Anong meron at bakit—bakit niyo ginagawa ngayon?”

“Lil’ sis nakalimutan mo na ba? Birthday ni Papa ngayon and we’re planning for a surprise!”

“Talaga, Ate?!”

“Oo, kaya umalis ka rito at baka magulo paang ginawa namin,” tatawa-tawang sabi ni Kuya. Napanguso naman ako.

Hinampas naman siya ni Ate. “Arthur! ‘Wag ka ngang ganyan kay Laura!”

“Ano? Parang nang-aasar lang, e. KJ mo naman.”

“KJ ka riyan!” Hinarap ako ni Ate. “Laura, mabuti pa at tulungan mo ako sa pag-decorate nito sa wall.” Pinakita ni Ate sa akin ang hawak na “HAPPY BIRTHDAY” na decorator. “Carry ba?” Tumango-tango ako bago siya tulungan sa ginagawa. Nasa kalagitnaan kami ng pag-de-decorate nang may tumunog na ‘ting!’ sa kung saan. Hindi ko alamkung ano ‘yon pero mukhang excited si Ate sa bagay na’yon. Pinagpatuloy ko na lang ang pagdikit ng decoration sa wall.

Pagkatapos ma-design-an ay napatitig ako sa paligid. It really was Papa's birthday na. Forty na nga pala si Papa. Grabe. Parang kailan lang ay maliliit pa kami no'n. Kinukulit niya kami... tas parang kailan lang din parang nag-away kami at nung naglaon ay nagkabati...

I smiled at the thought when I remembered the time Papa and I finally got good.

“Laura!” salubong na saad sa akin ni Ate. Pumunta ako rito after ko mag-drama roon sa bahay. Na-realize ko lang kasi na kinakain lang ako ng mga iniisip at mas lalo ang lungkot kapag mag-isa kaya napag-desisyunan kong pumunta na lang dito. Natatakot man sa magiging reaksyon ni Papa dahil narito siya, wala na akong magagawa. Kailangan ko magpalipas ng lungkot. At eto lang ang naiisip kong paraan: ang bumalik sa amin.

Goodluck na lang sa pagkikita namin ni Papa.

“Ate...”

“Oh, napa-uwi ka? Anyare?”

Umiling lang ako. “Uhm, na-miss ko lang po kayo nina Papa.”

Tinaasan niya ako ng kilay. Matagal na tumitig sa akin na tila binabasa ang buong katauhan ko. “Spill.”

“Ha?”

“Spill. May problema ka kaya napa-uwi ka na lang basta. So, ano? Patungkol sa’n ba?”

“H-Hindi, Ate. Wala lang talaga ‘to. Na-miss ko lang kayo—”

“Sa tingin mo maloloko mo na ako niyan? Laura, did you forgot that I’m your older sister? Kilala kita for almost 20 years tapos sa tingin mo maloloko mo ako dahil lang sa pagsisinungaling mo?”

“Pero totoo naman kasi talaga—” Nagulat ako nang yakapin ako ni Ate. Mahigpit iyon. “A-Ate...?”

“Tell me what it is, Laura. I won’t judge. I’m your older sister, remember?” Sa sinabi ni Ate ay kusang tumulo ang luha ko nang sunod-sunod. Ang kaninang lungkot na lumisan ay bumalik na naman. Nanghina ako bigla. Mabuti na lang at yakap ako ni Ate nang mahigpit.

“A-Ate,” nanginginig na saad ko. Napahigpit naman ang yakap sa akin ni Ate.

“Tell me what’s bothering you, little sis. I’m here. Your Ate’s here...” Mas lumusog ang luha ko. Napalakas ang hikbi ko.

“A-Ate...” Humikbi ako. “Si Sam kasi... si Sam iniwan ako,” humahagulgol kong saad. “Wala na siya. Iniwan niya na ako. Nasasaktan ako Ate. Hindi ko na yata kaya.” Patuloy lang ang pag-iyak ko. Si Ate naman ay nanatiling tahimik at yakap-yakap pa rin ako. Hindi ko alam kung ilang oras ang iniyak ko bago ako tumahan. Minsan naisip ko tuloy, hindi ba nakakapagod umiyak? Paano ko ba iyon nagagawa nang sunod-sunod?

“Ano bang nangyari, Laura? Anong ibig mong sabihin na iniwan ka ni Sam?”

“Mahirap ipaliwanag, Ate. Basta ang alam ko, iniwan na niya ako. Hindi niya talaga ako minahal nang totoo... Iniwan niya na lang ako na parang wala kaming pinagsamahan.” Lumingon ako kay Ate. “Ate, totoo ba? Mahirap ba talaga akong mahalin at... ganon ba ako kadaling iwan na lang basta?”

She shushed me. “No, Laura! Don’t say that. Madali kang mahalin; at mas lalong hindi ka gano'n kadaling iwan na lang! Baka hindi lang talaga nag-align ang tadhana niyo para sa isa’t isa. Baka binigay siya sa’yo as a lesson.”

“Kung lesson pala ‘to, Ate... bakit ang sakit? P-Para akong sinasaksak nang isang libong kutsilyo rito,” turo ko sa puso. “Ganun ba ang lesson, Ate? Kung ganun...bakit kailangan maging ganito kasakit? Hindi ba pwedeng sa easy way naman? Bakit kailangan pa ng ganito? Bakit kailangan ko pang masaktan para matuto? Hindi ko kasi kaya, Ate. Para akong nadudurog nang paulit-ulit.”

“Laura...” Ate held my hand. “Hindi mo ba alam ang sinabi ng mga Psychologists about that? They say na, “Every pain gives a lesson and every lesson changes a person.” Natigilan ako ro’n. Napatitig kay Ate. She just gave me a smile. “So ang nararamdaman mo ngayon? Lilipas din ‘yan. It may leave a scar on your heart but remember: we won’t change if there’s no lesson. We won’t learn if we didn’t go through that pain. And pain... pain is temporary, Laura. It’s not permanent. Naniniwala ako na darating ang araw, magiging okay ka na. Magiging masaya ka na. Healing takes time. And I’m sure you’re gonna get through it. Understood?” Tumango-tango ako kay Ate. Naiintindihan ko ang point niya. Na dinadaan sa sakit bago matuto. Na matututo muna bago magbago.

Tinapik ako ni Ate sa likod. “Everything’s gonna be alright, Laura—”

“Laura? Lorraine? Anong nangyayari? At bakit... umiiyak ka ba, Laura?!”

“Shush! Ano ba, manahimik ka nga riyan!” pagpapatahimik ni Ate kay Kuya.

“How could I not if I just saw our little sister crying?!” he hissed. “Laura, tell me. Sino nang-away sa’yo? Suntukin ko na ba—”

“Suntok ka riyan! Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong, e!”

Kuya sighed. “E, ano ba kasing nangyari?”

“Sam—her boyfriend—left her.”

“Sam who?”

“Samwan.”

Kuya glared at Ate. “I’m not kidding, Lorraine!”

Ate rolled his eyes. “Yung Sam na kinakasangit nung nag-away sina Papa at Laura.”

I saw familiarization on Kuya’s eyes. Napatango-tango bago nanlaki ang mata. “What?! That Sam guy?! But why—”

“Shh! Ang OA mo talaga! Kumalma ka naman, oh?”

“How could I calm down if that Sam just made our little sister cry?!”

“Oo, naintindihan ko nararamdaman mo pero hindi ako ganyan ka-OA!”

“He made Laura cry so—”

“What’s the commotion here? Bakit ang iingay—Laura?” Natigilan ako nang makilala ang boses na iyon. It was from...

“P-Papa...”

“What are you doing here and is that... tears—” Papa composed himself. “Mind telling me what happened?” Ngunit katahimikan lang ang sagot nina Kuya’t Ate. Papa glared at them. “Ano, hindi kayo sasagot? Kapag hindi niyo ako sinagot, palalayasin ko rito si Laura—”

“Pa!” sabay na bigkas nina Ate at Kuya.

“What? Ayaw niyo ako sagutin, e.”

Ate sighed. “Pa kasi ganito... i-iniwan po kasi si Laura ni Sam.”

Tumaas ang kilay ni Papa. “So hindi ka pa uuwi kung hindi ka brokenhearted?” Napayuko ako sa tanong nito. Walang nasabi. I heard Papa let out a sigh. “Leave us two alone.”

Kuya intervened. “Pa, sure kayong hindi niyo sasaktan si Laura—”

“Leave.” Wala silang nagawa. Ate gave me a reassuring smile. Telling me that everything’s going to be fine.

A long heavy silence welcomed us when the two left. No one dared to break the silence. At ako? Hindi ko kasi kayang makipag-usap kay Papa kaya nanatili akong tahimik. It was a minute or so when Papa broke the silence.

“How are you the past few days? Nakakakain ka naman nang maayos? May... tinitirhan ka ba?” Nagulat ako sa tanong ni Papa. But despite about that fact, I still answered.

“O-Opo... hindi naman po ako nagkaproblema sa pagkain. At yung sa tinitirhan ko po, maayos naman po. Tinirhan ko po kasi ang bahay ni Mama noon.”

Napatango siya ro’n. Katahimikan na naman ang naging barkada namin. And when I was about to speak, naunahan niya na ako.

“I failed as a father, aren’t I?” I was shocked at Papa’s question. What does he mean by that?

“P-Po? Hindi naman po—”

“Pinalayas kita, sinaktan, hinayaan na manirahan sa kung saan at nawalan ng pake kung ano mang naghihintay sa’yo sa labas...” Papa said. I was too shock to utter a word. “I failed as your father, aren’t I?” And when I saw the tears Papa has on his eyes, I almost cried, too.

“P-Papa...” Mas nagulat ako nang lumuhod si Papa. “Papa!” Nagmamadali na pinuntahan ko siya at hinawakan sa balikat. Ngunit late ko na-realize that his shoulders are shaking; a sign of crying.

“I’m sorry for being a failure, Laura. Wala akong kwentang Ama. Sino ba naman ang Tatay na magpapalayas sa anak niya? Ako lang... ako lang! D-Dapat hindi na lang ako naging Ama kung ganito ako. Napaka-wala kong kwenta. How dare I do that to my own daughter?” Tiningala niya ako. I gasped as I met his swollen eyes. “L-Laura, Anak, s-sorry! Sorry dahil sa lahat ng naging tatay ako pa ang naging tatay mo. Sorry dahil napaka-walang kwenta ko... I’m sorry, Anak. Sorry!”

“P-Pa, hindi po kayo walang kwenta. Ginawa niyo lang ang sa tingin niyo ang t-tama. At ano pong failure? Pa, ni minsan hindi kayo naging failure sa paningin ko.”

“Kahit na nagawa kitang sabihan ng masasakit na salita? Kahit na nagawa kitang palayasin dito at manirahan na lang sa kung saan?” Umiling siya. “Mali pa rin ‘yon! Paano na lang kung may ligaw ang bituka na bigla na lang manghimasok o gawan ka ng masama? Laura, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon! Hindi ko kakayin ang paninisi ko. Hindi ko kakayanin, Anak. Hindi...”

“P-Pero Pa, hindi naman nangyari, ‘di ba? Kaya please, Papa. Tama na ang paninisi mo sa sarili niyo. Dahil lahat naman tayo nagkakamali. Lahat natututo. Lahat nalalaman. Hindi ko kayang sabihan kayo, Pa, na nag-fail kayo. Kasi alam niyo po? Kayo po ang the best na Papa na nakilala ko sa buong buhay ko. Saka lang naman po nagka-conflict dahil ako ang sumaway, ‘di ba? Kaya, Pa, ‘wag niyo sisihin ang sarili niyo. Dahil lahat naman ng tao, nagkakamali. Walang perpektong Ama, Pa. Kaya pinapatawad ko po kayo sa nagawa niyo.”

Napayakap si Papa sa akin. Naibalik ko rin sa kaya ang yakap. “S-Salamat, Anak... pangako, ah? Babawi si Papa. Gagawin ko ang lahat para makabawi sa lahat ng kasalanan ko sa’yo. Pangako ‘yan, Anak. Pangako.” Mas napahigpit ang yakap ko kay Papa. Iniwan man ako ni Sam, may naging kapalit naman sa pwesto niya. Totoo pala ang sinasabi nila na, “kapag may umaalis, may dunarating.” At saksi ako sa pangyayaring iyon sa buhay ko. Nawala man si Sam, napalitan din siya ng pamilya ko.

“Why is my little sister smiling, hmm?” pukaw atensyon sa akin ni Kuya.

Umiling ako. “Wala, Kuya. May naalala lang…”

Tumaas ang kilay niya. “Boyfriend?”

Wala na nga, e. “Luh, si Kuya ma-issue. Ngumiti lang tas may naalala, boyfriend agad?”

“Who knows what’s going inside that little head of yours, Laura,” naniningkit niyang mata na saad sa akin. Natatawang naiiling na lang ako bago ako nagpatulong sa kanya.

“Pwede ikaw maglagay nito dun, Kuya? Hindi ko abot, e…”

Pailing-iling siyang lumapit sa akin. “Laura, sinabi ko na sa’yo: dapat hindi ka na lang tumulong kung hindi kaya.”

“Si Kuya naman! Parang tulong lang, e!”

“Kahit na...”

“Kuya, aminin mo nga. May lihim ka bang galit sa akin?”

Natawa naman siya sa paratang ko. “Bakit mo naman naisip ‘yon bigla, Baby Girl? Alam mong hindi ko kayang nagalit sa little baby ko.”

“E bakit simpleng tulong, ayaw mo ipagawa sa akin?! Saka wag ka nga, Kuya! Malaki na ako! Stop calling me baby girl!”

Pinisil niya ang pisngi ko. “Ang cute mo talaga maasar.” Sa sinabi niya ay bigla akong natigilan. Naalala ko ang huling taong tumawag sa akin ng ang cute ko raw maasar...

No, Laura. Suway ko sa sarili. Not now. Don’t start now. Ganito kaaga, sasagi siya sa isip mo? Really, Laura? Tss. Alalahanin mo nga ang pang-iiwan niya sa’yo.

I was pulled out with my own thoughts when Ate from the Kitchen came.

“Guys! Gawa na ang cake!”

“Gumawa ka ng cake, Ate? Wow! Ang galing mo naman!”

“Hula ko, pangit lasa niyan,” segunda naman ni Kuya na nakaipon ng sama ng tingin kay Ate. Hinampas siya sa braso nito. “Aray! Nakakadalawa ka na ngayong araw, ha!”

“Laitin mo ba naman yung cake ko?! ‘Wag mong masabi-sabi sa akin mamaya na nagustuhan mo cake ko kapag natikman mo, ha!”

“As if tikman ko ‘yan...”

“Ano? May sinasabi ka?”

“Wala. Sabi ko wow, ang galing mo gumawa ng cake. Pwede ka na magpatayo ng Business.”

“Good.”

“Pero Ate,” singit ko. “Totoo ba na nakagawa ka? Saan mo natutunan?”

“Sa Class ko,” nakangiti niyang saad.
“Gusto mo makita?” masayang tumango-tango ako. Sinundan ko si Ate. Leaving Kuya’s bad trip face behind.

Nang makita ang cake ay napanganga agad ako. “Wow, Ate! Sana ol magaling!”

“Ano ka ba, tsamba lang ‘yan. Baka nga mas humanga kapa sa mga kaklase ko pag nakita mo kanila, e.”

“Pero sa akin eto na ang pinaka-dabest!”

“Bola!” iling-iling niyang sabi.

Nang titigan ko ang design at itsura ng cake, parang nakulanagan ako. “Ate bakit ganun? Parang may kulang...”

“Talaga ba? Ano?”

“Parang...” nanlaki ang mata ko nang maalala. “Kandila, Ate!”

“Ay oo nga pala!” pagkasabi’y naghalungkat siya sa mga drawers, cabinet at lahat ng bagay na pwedeng masuksukan ng candle ay perosahuli ay nanlulumo lang siyang napaupo.

“Pa’no na ‘yan? Sayang naman kung walang candle...”

“Hmm... what if bumili kaya tayo Ate ng kandila?”

“Pwede!” Pero bumalik sa pag-aalala ang mukha niya. “Pero sinong bibili? Magiging busy pa ako sa pag-design ng cake. Tas si Arthur, busy rin—”

“Pwede ako,” pag-presinta ko.

Nanlaki ang mata niya. “Sure ka? Kaya mo? Sa Bayan ang mapagbibilhan mo ng ganyan kaya baka di mo kaya—”

“Kaya ko, Ate,” I assure her.

Kunot ang noo niya. “Talaga?”

“Opo.” Nakaya ko ngang maglayas, e. “Basta, Ate. Kaya ko nga. Para naman may ambag ako sa pag-tulong sa surprise kay Papa.”

She sighed. “O siya, sige.” Binigay niya sa akin ang pera. Pero bago ko ‘yon maabot, tinaasan niya ako ng kilay. “Siguraduhin mo lang na ligtas ka pag-uwi, ha. Dapat wala kang galos!”

“Opo,” natatawa kong sagot.

“‘Wag mo ako basta-bastang tinatawanan, Laura! Kaligtasan mo ang nakasalalay dito!”

“Oo na nga, Ate. Mag-iingat po ako. At walang masamang mangyayari sa akin.”

“Good.” Binigay niya na sa akin ang pera. Pero hindi ako agad lumabas. Kinuha ko muna sa kwarto ko ang cellphone at earphone. Paalis na ako nang maaninag ko si Kuya na kunot noo sa akin nang makitang patungo ako sa pinto.

“Saan naman ang punta mo, Laura?”

“Bibili ng kandila para sa cake...”

“Nang ikaw lang mag-isa?”

“O-Opo. kasi-”

“No. hindi ka aalis.”

“Pero Kuya—”

“No buts. Dito ka lang at di ka aalis.”

Natataranta na ako kung paano lalabas nang makita si Ate. Kunot ang noo nito sa akin. “Laura? Hindi ka pa pala umaalis?”

“Si Kuya Ate, e.”

Binalingan naman siya kay Kuya. “Oh, ano na namang trip mo? Palabasin mo si Laura! Kaya naman niyan sarili niyan at kailangan din kasi ng kandila para sa cake!”

“So ikaw ang nagpapayayag kay Laura na lumabas siya? Pwede namang ikaw, ah?”

“May ginagawa ako!”

“Pwede mo namang ipagpaliban at samahan si Laura, ano.”

“Kailangan matapos na ‘yon agad!”

Sa matagal na pag-aaway nina Kuya’t Ate, hindi ko na alam pa ang nangyari kung paano ako nakaalis ng bahay. Basta ang alam ko, tinakas ko ang sarili habang nag-babangayan sila.

Ngayon, nasa Bayan na ako at naghahanap ng mapagbibilhan ng maliit lang na kandila. Ang sabi sa akin ni Ate kahit sa cake stores ako bumili para madaliang bili na. kaso sa ilang minuto kong paglalakad ay wala akong naadaanang cake shop. Dumami na nga ang tao’t lahat-lahat, wala pa rin akong makita. Saan ba ako makakahanp nun? Baka kasi sa malayo pa at malayo ako sa bahay namin tas pagalitan ako nina Ate. OA pa naman sila.

In-adjust ko ang volume ng cellphone para pakinggan nang mabuti gamit ang earphone ang Radyo na nag-sasalita. May sinasabi kasi itong music na susunod at tila ba parang pamilyar sa akin ‘yon. Pagkatapos gawin, nagpatuloy ako sa paglalakad para makahanap ng cake shop. Kaso sa ilang minuto pa ang nagdaan ay wala pa rin akong mahanap kaya ang ending, natanong-tanong ako sa mga tao. Fortunately, may nakapagsabi sa akin kung saan kaso masyadong malayo. Pero okay na rin pala dahil nakabisado ko naman agad. Bumili na ako pagkarating doon at nagmamadali nang umuwi kasibaka hinahanap na ako nina Ate. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay pumainlalang sa earphone ko.

Natigil ako sa paglalakad nang ma-attach ako sa kanta. Ang himig nitong tila mabagal lang pero may kakayahang i-hypnotize ako. Ang tila musika na kahit sino mang tao ay mapapatigil sa paglalakad mapakinggan lang ang kantang naka-play. Patuloy kong pinakinggan ang kanta nang umabot ito sa lyrics na, “We will be running in the rain... and I will hold your hand.” Ay biglang pumasok sa isip ko ang isang memorya kasama siya. Sumusuong sa ulan gamit lang ang jacket. Nagpapakabaliw sa meron sa isa’t-isa... binabalewala na lang ang taong makakakita.

Marahas kong ipiniling ang ulo. Siya na naman... hanggang kailan mo ba siya iisipin? Hanggang kailan mo itatatak sa utak mo ang pang-iiwan niya para kalimutan na siya nang tuluyan, Laura? Tandaan mo na hindi ka niya nagawang ipaglaban ang meron kayo. At hindi naging sapat ang lahat para hindi ka niya iwan. Pero bakit sumasagi pa rin siya sa isip mo?

Kasi sino ba naman ang makakalimot sa kanya?

No. Stop. Tigil na. tanging sakit lang ang abot niya sa’yo pag inisip mo pa siya, okay? So stop this thing and let’s face the fact that his love wasn’t that deep for you. Na nasaya naman siguro siya kung nasaan siya ngayon.

I sighed before continuing walking. Nasa gitna ako ng paglalakad nang may biglang mala-Flash ang humablot sa cellphone- kasama ang earphone ko- paalis sa akin. At dahil nga mala-Flash siya, hindi ko na nagawang agawin pa ang cellphone ko. Tanging nagawa ko na lang ay kumaripas ng takbo para mahabol siya. Para makuha ang akin na nasakanya na. partida kasi! Mamahalin yung earphone na yun tas sa simpleng nakaw lang, mawawala na sa akin ‘yon?! No way!

Nagpatuloy ako sa paghabol sa pagnanakaw pero kaagad ako nanghina nang sa isang iglap, nawala na siya sa paningin ko. Bwisit! Paano ako mako-contact ni Ate kung wala sa akin ang cellphone?! Baka akalain nila na-kidnap ako!

Inilibot ko ang tingin. Teka, asa’n na ako? Bakit... nilakad ko ang ilang distansiya. Bakit hindi na pamilyar sa akin ang lugar?

Unti-unti ay kumalabog ang puso ko sa panic. Hindi... hindi pwede na maligaw ako! Nasa... nasa may cake shop lang ako kanina. Kaya hindi pwedeng maligaw na lang ako basta. Tama? Hindi ako pwedeng maligaw! Alam kong nasa malapit lang yung shop! Alam ko! Alam ko yun!

Pero sino bang niloloko ko? Kahit pa siguro maka-ilang ikot ako, wala akong makikitang cake shop. Kasi naman, mukha bang may cake shop akong mahahanap sa malapit? E puro mga bahay lang ang nakalinot sa akin. Kaya paanong may makikita akong shop na ganun?

Nang unti-unti kong ma-realize ang lahat, nanghihinang napaupo ako sa kung saan. Malas ba talaga ako? Kasi nawala na nga ang cellphone ko, naligaw pa ako dahil sa paghahanol sa magnanakaw. Ano nang mangyayari sa buhay ko na ‘to? Saan na ako pupulutin pagkatapos nito?

Nakadukdok lang ako sa mga tuhod ko nang may maaninag akong maliwanag sa paa ko. Unti-unti kong iniangat ang ulo para lang may mabungaran akong malaking liwanag na pababa sa lupa. Hindi ko pa magawang mag-react dahil hindi ko naman alam kung ano ‘yon pero nang unti-unti itong mas lumiwanag pagkababa, napapikit ako at napatanong. Anak ng tupa, eto ba yung sinasabi nilang liwanag kapag babawian ka na ng buhay? Meaning ba... babawian na ako ng buhay?! Pero paano?! Nagmumukmok lang ako sa gilid! Imposible namang bawian ako ng buhay nang gano’n kabilis!

Nang umunti ang liwanag ay may sumulpot na tao roon. Ang totoo, magtataka lang ako kung sino man ang tao na yun after bumaba sa lupa na sobrang liwanag. Kasi paano naman nangyari iyon, di ba? Kaso hindi ako nagtaka. Imbis ay nagulat ako nang maanigan ang mukha nito. Nakangiti ito sa akin. Diretso ang tingin sa direksyon ko. H-Hindi ba ako nananaginip? Totoo bang ang nakikita ko ngayon ay si...

“M-Mama?”

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1.2M 19.1K 43
What will you do if you marry a casanova? Matatanggap mo ba na hindi ikaw ang first sa buhay nya? Tingnan natin kung ano ang gagawin ni Charlene sa a...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...