Misha Maxine's POV
Losing someone you love is really painful. It felt like it shattered your whole existence. The pain of losing someone might gone for the meantime but you will grieve forever. The wounds of losing them might heal but you will never be the same. Iyan ang masakit na katotohanan na kahit anong gawin mo ay hindi mo matatakbuhan.
Marahan kong inilapag ang dala kong bulaklak sa puntod ni Mom na nasa harapan ko naupo rito.
"Hi,Mom.. I am sorry if it takes me month to finally visits you." I started.
"Nag-ipon pa ako ng lakas ng loob para bisitihin ka. Ayoko kasing pumunta at makita mo akong mahina. I know you won't be happy seeing me in that way."
Papa Yuan tried to saved Mom pero huli na. Tumagos ang dalawang bala ng baril sa dibdib ni Mom na naging dahilan ng pagkamatay niya. Apat na buwan akong nagluksa sa pagkawala niya. I didn't even get the chance to tell her how much i love her and how much i am sorry for everything i have done. I am not blaming anyone, because that's what she told me. Sa loob ng apat na buwan na 'yon ay sinubukan kong maging maayos pero hindi ko magawa. Walang gabing hindi ako umiyak tuwing maaalala ko siya. Not until i saw her on my dreams. She was smiling at me and she hugged me as if she's telling me that everything will be alright. That's the time i told myself na kailangan kong magpatuloy dahil 'yon ang gusto ni Mom para sa akin.
Felicity was also killed. After niyang mabaril si Mom ay nabaril din siya ni Dad. Bumagsak na rin ng tuluyang ang buong Pentagon at nahuli lahat ng mga taong may koneksyon sa kanila. Wrozen came back to us and told us everything. Hindi siya nawalan ng ala-ala. Mom and him planned everything inorder to take the Pentagon down. He said sorry if they lie to us na naintindihan naman ng lahat.
"How are you, Mom? Masaya ka ba diyan? Hindi mo man lang ba namimiss ang pagiging pasaway ko?" I chuckled softly.
"I miss you, Mom. Miss na miss na kita...." I didn't bother to wipe the tears on my face. Naramdaman ko ang malamig na hangin na tila yumakap sa aking katawan.
"Is that you, Mom?Miss mo rin ako 'no?" Pagbibiro ko.
"Don't worry. I'll visit you often." I added.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking telepono mula sa aking bulsa kaya agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag.
"Hello, Papa Yuan?"
"Mish,your Dad. He's looking for you." Mahinang sambit nito na mas lalong nakapagpatulo ng aking luha.
"W-Where is he, Papa?"
"Your Mom and Dad's favorite place in EU." Papa Yuan answered.
Sa lahat ng nasaktan sa pagkawala ni Mom ay si Dad ang lubos na nasaktan. But he didn't show it. He always comforted me kahit alam kong mas masakit para sa kaniya ang pagkawala ni Mom.
"I'll be there, Papa." I said and ended the call.
"Grabe kayong dalawa ano, Mom? Couple goals talaga?" Pagbibiro ko ngunit ramdam ko ang sakit sa aking dibdib.
"Hindi man lang pinaabot ng one year, Mom? Ang rupok naman ni Dad sa'yo kaya pati sa kamatayan susunod niya." i added crying hard.
Two months after my mother died Dad was diagnosed of stage 4 lung cancer. He told us na alam niya na ito two years ago but didn't even tell my mom. Bumagsak ang katawan ni Dad at hindi na rin siya makapaglakad. I told him na ipapagamot ko siya but he refused. He told me na he wants to be with her na at hayaan ko na siya sa gusto niya.
"Ang daya talaga ninyong dalawa. A-Ang daya d-daya..."
I wiped my tears. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at muling tumingin sa puntod ni Mom.
"I need to go, Mom. Dad is waiting for. I love you, always." I said before i left.
"WHERE is he?" Tanong ko nang salubungin ako ni Tita Dwyn, Dad's sister.
"Garden. He's waiting for you." She smiled and hugged me but i know na nasasaktan din ito ngayon.
Marahan akong tumango at pinakawalan ako nito mula sa kaniyang pagkakayakap bago ako pumunta sa Garden ng university.
Naabutan mo si Dad na nakaupo sa lilim ng malaking puno habang nakapikit. Pinagmasdan ko ang maamong mukha nito at pinigilan ko ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa aking mga mata.
Kamukhang-kamukha ko talaga ang taong ito. Naging sobrang damot naman ng genes mo Dad para hindi bigyang ng pagkakataon si Mom na maging kamukha ko.
"I know your here, Princess. Come here." Natigil ako sa aking munting paghikbi dahil sa kaniyang sinabi.
Pinunasan ko ang aking luha at nakangiting lumapit dito.
"How did you know it was me?" I asked. Naupo ako sa tabi nito at yumakap sa kaniyang braso.
"Kilang-kilala kita. Kahit tunog lang ng paghakbang mo ay alam kung ikaw 'yon." Mahinang sagot nito habang nakatingin sa kawalan.
"Did you visit her?" Tanong niya.
"Yes. I already have the courage to face her." Sagot ko.
"I am happy that you made it." He said and hold my hand.
Ilang minutong katahimikan ang namayani bago ito muling nagsalita.
"Nagpaalam na rin ba siya sa'yo na susunduin niya na ako?" Muling bumuhos ang masaganang luha sa mga mata ko at humigpit ang aking pagkakahawak sa kaniyang kamay.
"Y-Yes. M-Miss ka na r-rin kasi niya..." I answered, crying.
I saw the genuine smile on my Dad's lips.
"I am sorry for leaving you this early, my little girl. But always remember that your Mom and I loves you so much. You're the best gift to us. God knows how thankful i was nang dumating ka sa buhay namin." Nanghihinang sabi nito.
"I am sorry kung may pagkukulang kami ng Mom mo sa'yo. "
"N-No, Dad. W-Wala kayong pagkukulang ni Mom. I should be the one saying sorry kasi i made your life miserable for a long time. I am sorry, Dad. I-Im sorry.."
"Don't be sorry, Darling. It wasn't your fault." He said and kissed the tip of my nose just like he always do.
Nanatiling tahimik ito habang pinapakinggan ang mahihinang hikbi ko. Papalubog na ang araw pero parang ayaw ko munang matapos ang oras na ito.
"Misha... Anak....." He called my name.
"Y-Your mom is h-here.... C-Can i come with h-her?..." He asked. I am sobbing hardly. I tried to control my tears but i can't.
"Y-Yes, D-Dad.. You can come with her.." I answered.
Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagkawala rin ng lalaking pinakamahalaga sa buhay ko.
After 2 years.
"Sigurado ka bang hindi ka sasama sa akin pauwi ng Pilipinas?" Tanong ko kay Tali habang nag-aayos ako ng aking mga gamit.
"I have a major operation tomorrow dear so i can't. Susunod na lang ako." She answered.
After Dad died ay umalis ako ng Pilipinas. I want to start again at hindi ko kayang mag simula sa lugar na iyon kung saan nawala ang dalawang taong pinakamahalaga sa buhay ko. Lumipad ako patungong Greece and build myself again. Si Tali rin ang naging kasama ko sa loob ng dalawang taong pananatili rito. And i now? I am completely healed. And i know Mom and Dad would be very proud of me.
Wala ring nakakaalam sa mga kasamahan ko kung nasaan ako even Chase. But i talked to him before i left. I told him that i need to go somewhere far because i cannot start new kung nasa lugar ako na iyon. I told him also that i cannot love someone fully kung puno-puno parin ng sakit ang puso ko and he understand that. Tanging si Tita Cy lang ang nakakaalam kung nasaan ako dahil siya ang nagbibigay ng misyon sa akin sa lugar na kinaroroonan ko.
"Take care of yourself, Tali." I said and hugged her.
"You too. I hope na pag-uwi ko ay may wedding news na between you two." Pagbibiro niya.
"Silly. I told him before i left that if he found someone better than me he's free. At kung pag-uwi ko a Pilipinas ay gano'n nga ang madatnan ko i will be happy for him. He deserves happiness, Tali." I said.
"Iba talaga ang word of wisdom from you." Natatawang sabi nito dahilan upang humalakhak kaming dalawa.
INABOT ng ilang oras ang biyahe bago ito lumapag sa pribadong paliparan na pag-aari nina Tito Max Sandoval. Agad akong sinalubong ng iilan sa kanilang mga tauhan.
"Welcome back, Misha!" Tito Max greeted and smiled widely.
"Thanks, Tito!" Saad ko at sinugod ito ng yakap.
"I missed you, Kiddo." Saad niya at pinakawalan ako sa pagkakayakap.
"When Tali called and said that you're coming home i was really shocked. Ilang beses na rin akong halos madulas sa kanila mabuti na lang at hindi ako chismosa." Sabi pa nito bagay na ikinatawa ko.
I told him na huwag sabihin sa kahit kanino ang pag-uwi ko. I want to surprise them lalo na sila Mama Elly at Papa Night.
"Magpapahatid ka ba sa headquarter? Do'n din ang punta ko." Tito asked.
"Sa bahay po muna ako ni Mama Elly."
"Nasa headquarter din sila. Lahat siguro sila ay nasa headquarter ngayon."
"What's the occasion, Tito?" Nagtatakang tanong ko.
"It's your Tita Cy and your Tito Carter's 15th wedding anniversary. Hindi mo ba naalala?"
Oh my god! I forgot! Ngayon nga pala 'yon.
Tumigil ang sasakyan ni Tito Max sa isang pamilyar na lugar. Maraming ipinagbago pero hindi parin maikakaila na ito ang lugar kung saan ako lumaki.
Walang gaanong tao sa labas ng hq at tanging inggay lamang mula sa loob ang maririnig.
I told Tito Max na mauna na siyang pumasok dahil iiwan ko lang ang gamit ko sa silid. I told him also na huwag muna sa kanilang sasabihin.
Nang maiwan ko na ang gamit ko sa aking silid ay napagdesisyunan kong lumabas na ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay nakarinig ako ng ingay mula sa isang silid.
Marahan ko itong binuksan at sumilid sa silid kung saan nakita ko ang mga kaibigan kong nagbabangayan.
"Wrozen,why the fuck are you using my shoes again?!" Galit na sigaw ni Wranz sa kakambal niya.
"Hindi mo kas ginagamit kaya ako nalang gumamit." Balewalang sagot ni Wrozen.
"Lagyan mo kasi ng padlock ang kwarto mo Wranz para hindi makapasok 'yang kakambal mong singkapal ng semento ang pagmumukha." Pang-iinis ni Kelsey kay Wrozen.
"Kahit siguro lagyan 'yon ng padlock ay makakapasok parin ang unggoy na 'yan." Stone added.
"Hoy! Bakit parang pinagkakaisahan ninyo na lang ako palagi? Porket wala rito si Maxine." Pagrereklamo pa nito na marahang ikinatawa ko. They never changed. Kahit sa simpleng bagay ay nagtatalo pa rin sila.
"Speaking of Maxine. Nasaan na kaya siya? May balak pa ba siyang umuwi?" Chace said sadly.
"Kapag hindi pa umuwi si Max ay siguradong may ialalagay ka na a mental institution, Chance." Killua added.
"Totoo. Dahil tuluyang na ngang mababaliw 'yang kapatid mo, Chance. Kahit nga tulog pangalan ni Maxine ang binabanggit." Tila may kung anong pamilyar na pakiramdam ang lumukob sa aking puso dahil sa narinig.
"Tangina ninyo!" My heart skip a bit upon hearing his voice. I missed that voice.
"Kung wala kayong—" Chase didn't eve finished his words dahil napansin nitong tahimik ang kaniyang paligid at nakatingin ang mga ito sa deriksyon ko.
Oh fuck! Itinulak ko ba pabukas 'yong pinto?!
They were all looking at me as if they see a ghost.
"M-Max?"
"T-Totoo ka?"
"A-Am i dreaming?"
Hindi makapaniwalang saad ng nga ito.
I smiled awkwadly to them at marahang itinaas ang aking kamay.
"Uh.... Hi?"
And the next thing i knew ay nakayakap na ako sa mga ito.