Tales Of YG

By TheNobleSnake

411 2 0

Features different kinds of tales such as folklore(about aswang, encanto and the likes), love story, action d... More

ANG HIGANTENG PUGITA SA PAROLA
LARAWANG KUPAS
CASIMIRO'S KNIFE
GOODBYE, CARISSA
LOLO ETAL 1 (ANG BANKERO)
MAMPUPUGOT (TOYG)
ANG BABAE SA BINTANA
KAYATONG-Tahanan Ng Mga Engkanto
LOLO ETAL 3 (ANG MAMPUPUGOT)
LOLO ETAL 2 ( Misteryo Ng Paraiso)
ROOM 4
ANG BANTAY SA PUNONG MANGGA
TIYANAK SA LUMANG BAHAY
Sa Piling Ng Mga Encanto
Ang Bakasyunista
KABOG NA ASWANG
TAGAPAGMANA (Ang Lihim Ng Aking Lola)
Murto Sa Baybay
Kabaong sa Bal- Un
Matandang Kuba sa Kubo (Kulam True Story)
Kabinet
ANG MATADERO
LOLA MACARIA (Layog na Aswang)
Complaint Letter
Paleos Lithos (Sa Kamay Ng Mga Asuwang )
Aswang sa Bubuyan
Haligi Ng Tahanan ( Aswang True Story)
DAYO (Aswang True Story)
Biyenan (Kulam True Story)
DAYO 2 (Tunggalian Sa Mabatong Daan)
DAYO 3 (Kahayukan sa Dugo't Laman)
TAGAPAGMANA 2 ( Sakripisyo)
BANGKILAN (Ang Syota Kong Aswang)
Ang Lihim Ni Lola
KARIBAL
SORAYA: Ang Asawa Kong Mandurugo
LIHIM NI LOLA
ILAW NG TAHANAN
Haligi Ng Tahanan 1
Haligi Ng Tahanan 2
Mang Kulas
LIHIM NA LAGUSAN
TAGAPAGMANA 3
TAGAPAGMANA 4
TAGAPAGMANA 5
T6
T7
T8
T9
ESKAPO
SUMPA
MAHIWAGANG SUMBRERO
BIGLANG LIKO
GABAY
ALINDOG
Bb. Misteryosa
IKATLONG MATA NI SAGAN
Delubyo
CDL

Haligi Ng Tahanan 3

3 0 0
By TheNobleSnake

Ang ama ay tinagurian bilang haligi ng tahanan . . . sapagkat siya ang tumatayong proteksiyon ng kanyang buong pamilya .

Ngunit paano kung ang padre de pamilya na inaasahan ng anak na poprotekta sa kanya ay siya pa palang magdudulot ng panganib sa kanyang buhay ?

Ang mismong maghahatid sa kanya

sa hukay ! ! !


Hindi ko alam kung gaano na katagal na kaming nakakulong ni Nanay dito sa aming bahay . Ang bahay na minsan napuno ng saya at pagmamahalan .
Ngunit ito rin ang naging saksi sa karumal-dumal na sinapit ng nag-iisa kong kapatid , sa kamay ng sarili naming ama ! Sa bahay na ito naganap ang masalimuot na kapalaran naming mag-iina . 

Kailan kaya matatapos ang bangungot na aming nararanasan ? Nang sa gayon,  matakasan na namin ni Nanay ang aking ama na isa palang kampon ng kadiliman . . . isang halimaw ...

isang . . . aswang !

********************************************

Kahit litong-lito ang isipan at hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat, sa mga  natagpuan kong pira-pirasong katawan ni Lito sa sako ,
agad akong napatakbo papasok sa aming bahay ng marinig ko ang malakas na hiyaw ni Nanay . . .

At doon , sa pintuan pa lang nakita ko siyang umiiyak habang nakaluhod sa harapan ni Tatay  .

Hindi man ako tinapunan man lang ng tingin ng aking ama ay batid kong naramdaman niya ang aking presensya . Tila ako itinulos sa aking kinatatayuan, habang nagpalipat - lipat ang tingin sa aking mga magulang .

Malayong-malayo ang mga kaganapan sa naglalarong tagpo noon sa aking imahinasyon sa pagbabalik ng aming ina .

Masayang mukha ni Tatay at lalo na naming magkapatid . . . mahigpit na yakapan at mga ngiti ng kaligayahan sanhi ng labis na pangungulila , sa matagal na panahong pagkakawalay sa isa't-isa .

Ni hindi sumagi sa isip ko kahit minsan na taliwas pala ang kahihinatnan ng lahat .

Marahil ay isang kahibangan,  ngunit pilit ko pa ring kinukumbinsi ang aking sarili na baka panaginip lamang ang lahat . Isang masamang panaginip lamang . . . sana . . . !

" Hindi ako nagkamali ng akala , Celeste . Hindi mo rin kami matitiis. Babalikan mo rin kami ng anak nating si Romeo . Magsisimula tayong muli bilang isang buo at masayang pamilya ! "

Nakangiti si Tatay ngunit hindi naman umabot iyon sa kanyang mga mata . Hindi ko rin alam kung bakit may nahihimigan akong pait at galit  sa kanyang tinig .

" Para mo ng awa , Anselmo ! Hayaan mo na akong isama sina Romeo at Lito ! Sila lamang ang dahilan kung bakit hindi ko pa tuluyang  nililisan ang lugar na ito ! Nakikiusap ako sa'yo , hayaan mo na akong makasama ang mga anak ko !"

Paulit-ulit na pagmamakaawa ni Nanay kay Tatay habang umiiyak .

" Balak mo pala talagang  iwan ako ng tuluyan , Celeste ?!  Habang ako ay araw-araw na nananabik sa iyong pagbabalik at parang ulol na naghihintay na makita at mayakap kang muli !"

May dumaang kislap ng sakit sa mga mata ni Tatay ngunit saglit lamang iyon . Agad ding napalitan ng poot . . . biglang naging mabalasik ang kanyang anyo . Nasaksihan ko kung paano siya magalit sa unang pagkakataon .

" Inalis ko na sa landas natin ang lahat ng  hadlang sa ating pagmamahalan , Celeste . Si Santiago . . .  at ang bunga ng kataksilan ninyo ! "

Ngumisi si Tatay  pagkatapos ay tumawa nang malakas na tila  ba nawawala na sa katinuan . . .

Si Nanay naman , sa nanlalaking mga mata ay biglang napatayo pagkarinig sa mga huling katagang binigkas ng aking ama .

" A-anong ibig mong sabihin , Anselmo ?
N-nasaan si Lito ? Anong ginawa mo sa anak natin ? !

Hindi man lamang natinag si Tatay kahit pa sumisigaw na noon si Nanay . Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha ng mga sandaling iyon .

" Romeo . . . anak . . . bakit nakatayo ka lamang diyan ?  Hindi mo ba yayakapin ang Nanay mo ?  Hindi ba matagal ka ng nasasabik na makita siyang muli ? " Sa halip ay wika ni Tatay at bumaling sa gawi ko . Ramdam ko ang sarkasmo sa kanyang pananalita .

Noon din ay napalingon agad sa akin si Nanay at nang makita niya ako ay halos takbuhin niya ang distansyang nakapagitan sa aming dalawa . Hindi siya nagsalita ngunit nakatitig sa akin ang nagtatanong niyang mga mata .

" N-nay ! "

Ang tangi kong nabanggit sa namamaos na tinig . Muli ring namasa ang gilid ng aking mga mata. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatapat sa kanya ang tungkol kay Lito. Pakiramdam ko noon ay hindi ako makahinga sa sobrang bigat ng aking nararamdaman . . .

" Magsalita ka , Romeo...Nasaan si Lito ? 
Nasaan ang kapatid mo ? ! "

Halos mabingi ako sa malakas na sigaw  ni Nanay . Marahas niya ring inalog ang aking mga balikat . Ngunit isang malakas na hagulgol lamang ang tangi kong naging tugon . Dahil sa nakitang reaksyon ko ng mga sandaling iyon , hindi naitago ni Nanay ang matinding takot sa kanyang mga mata .  Umiiling siya habang tila bukal sa pagbuhos ang mga masaganang luha sa kanyang mga mata . Nang biglang magsalitang muli ang aming ama . . .

“ Natikman na rin ng anak natin ang pinakamasarap at pinakamalinamnam na karne sa lahat , Celeste . . . Kagaya mo rin noon . Hindi ba' t sarap na sarap ka rin sa paglantak sa dugo't laman ng pinakamamahal mong si Santiago ? Ang kapatid  ko . . . na kalaguyo mo !  Kaya natitiyak kong halos  kasingsarap din noon ang karne ni Lito . . . !"

Pagkawika noon ay muling humalakhak ng malakas si Tatay habang si Nanay naman ay muntik ng matumba kung di ko agad siya naalalayan .

“ H-hindi...sabihin mong nagbibiro ka lang, Anselmo! R-Romeo...dalhin mo ako kay Lito...gusto kong makita ang bunso ko..."

Niyakap ko nang mahigpit si Nanay at halos sabay kaming paluhod na bumagsak sa sahig . . . kapwa kami umiiyak . . . iyak na nauwi sa hagulgol hanggang sa maging panaghoy .

Alam kong mas doble ang sakit na nararamdaman ni Nanay ng mga oras na iyon . At wala man lang akong magawa upang maibsan iyon , wala man lang ako nagawa upang iligtas ang aking kawawang kapatid !

“Nay . . . patawad ! patawarin niyo ako kung hindi ko naprotektahan si Lito laban kay Tatay . Sabik na sabik pa naman siya makita ka , Nay . . . at muling  mayakap !  Kaya lang . . hindi na mangyayari iyon , Nay . Kasi . . . wala na si Lito . . . . Kinatay , siya ni Tatay !  Napakademonyo niya , Nay ! (cries)

Lalong naghisterikal si Nanay dahil sa aking mga  isiniwalat . . .

"Hayop ka talaga , Anselmo ! Napakademonyo mo ? Bakit pati si Lito ? Anong klase kang ama ? Hayuuup kaaa ! ! ! "

“ Paano mo nagawa iyon sa sarili mong anak , Anselmo ?  Wala kaming relasyon ni Santiago . Ikaw lamang ang lalaki sa buhay ko ! Paano mo nagawang patayin ang anak nating si Lito ? ! !

Natigilan si Tatay sa mga naging rebelasyon ni Nanay . Tila ba noon lamang siya natauhan sa matagal na kahibangan . Hindi kinaya ni  Nanay ang mga bigat ng mga kaganapan kaya't nawalan siya ng malay . Si Tatay naman ay napaluhod sa sahig , bakas ang matinding pagsisisi at kabiguan . . .  ngunit huli na ang lahat , hindi na niya maibabalik pa ang buhay ng kapatid ko g si Lito .

“A-anong ginawa ko ?  Lito . . . a-anak ko . . . Patawarin mo akoooo ! ! ! ” (panaghoy)

Dala ng pagod at paghihina ay nakatulog din ako habang yakap pa rin si Nanay . Hindi ko alam kung saan nagtungo si Tatay . . . ang natatandaan ko lamang ay galit na galit  siyang umalis ng bahay , ngunit tiniyak niya pa rin na nakakandado ang aming pintuan .

Malayo kami sa mga kapitbahay kaya wala kaming mahihingan ng saklolo . Isa pa, ayoko ring may iba pang madamay sa galit ni Tatay .

Nabuhayan ako ng loob ng makita kong unti-unti ng nagkakamalay si Nanay .

“N-nay . . . mabuti naman po at gising na kayo . Labis akong nag-alala sa'yo , ayokong pati ikaw ay  mawala rin sakin , Nay ! ”

Ngunit ng muli niya akong masilayan ay humagulgol na naman siya ng iyak , habang paulit-ulit na sinasambit ang pangalan ni Lito . . .  ng kanyang bunso . .  . na hindi na niya muling nasilayan pa dahil sa labis na panibugho at pagiging makasarili ng aming ama .

Awang-awa ako sa nakitang pagdadalamhati ni Nanay . Alam kong katulad ko ay sinisisi niya rin ang kanyang sarili dahil sa sinapit ni Lito .

At sa pautal-utal na salita ay isinilaysay niya sa akin ang mga totoong kaganapan sa pagitan nila ni Tatay at ng aming tiyo Santiago .

“ Ni minsan ay hindi ko pinagtaksilan ang Tatay ninyo , Romeo . Minahal ko siya ng totoo , kahit matapos kong matuklasan ang tunay niyang pagkatao . Ngunit nag-alala ako noon para sa kaligatasan ninyong magkapatid . . . kaya humingi ako ng tulong kay Santiago . Ngunit nahuli kami ni Anselmo nang akmang itatakas ko na kayo ni Lito . At ng sumunod na araw , hindi ko na nakita pang muli ang tiyuhin ninyo . Wala akong kamalay - malay sa karumal - dumal na ginawa sa kanya ni Anselmo . . . Maging nang pakainin niya ako ng karne ng sarili niyang kapatid ! Hindi kagaya ng ibang aswang ang Tatay ninyo . Mas gusto niyang niluluto muna ang karne at dugo ng tao bago niya iyon kainin at ipakain sa iba . Kaya nang malaman kong karne pala ni Santiago ang ipinakain niya sa akin ay nagsuka ako ng nagsuka ! Diring- diri ako noon sa aking sarili , Romeo . At poot na poot ako sa kademonyohan ng ama ninyo ! ”

Iyon daw ang  tunay na dahilan . Kaya nang makahanap ng tiyempo si Nanay ay iniwan niya kami kahit labag sa kanyang kalooban . Ngunit nangako siya sa sarili na babalikan niya kaming magkakapatid pagdating ng tamang panahon kapag nakahanap na siyang muli ng pagkakataon .
____________________________________
“ Bilisan mo , Nay . . . baka maabutan tayo ni Tatay ! ”

Akay ko ang nanghihina pa ring si Nanay dahil sa halos 3 araw ng hindi nasasayaran ng pagkain ang aming mga tiyan. Hindi pa rin bumabalik si Tatay kaya naman naglakas-loob na kaming tumakas papalayo sa mala-impyernong buhay sa piling ng aming ama .

Akmang sasakay na sana sa likod ko si Nanay upang mapabilis sana ang aming paglalakad . . . ngunit bago pa kami makarating sa kalsada patungong kabayanan ay bigla na lamang lumitaw sa daraanan namin si

“ T-tay? !” ( naiiyak sa takot )

Sinubukan kong tumakbo habang sakay sa likod ko si Nanay. Ngunit hindi rin iyon umubra. Naabutan din kami agad ng aking ama.

At muli , wala kaming naggawang mag-ina ng ibalik niya kami ulit sa bahay . Humingi siya ng tawad sa amin ni Nanay ngunit walang kapatawaran ang kanyang mga ginawa. Lalung-lalo na kay Lito!

Halos ilang linggo rin kaming naging bihag ni Tatay . Hindi ko hahayaang habang buhay kami ni Nanay sa ganoong kalagayan  . Kaya naman , nabuo sa isipan ko ang isang plano .

Isang araw, habang natutulog si Tatay , hinanap ko ang galon ng petrolyo at binuhusan ang buong kabahayan . May pagmamadali sa mga kilos ko dahil hindi malabong maamoy iyon agad ni Tatay at maggising siya . Pinauna ko si Nanay sa labas habang ako ay naiwan sa may pintuan . . . tumulo ang luha sa aking mga mata habang binibigkas ko ang mga salitang “ Paalam , Tatay . . . Patawad ! ”

Kasabay ng paghagis ng palitong may sindi sa loob ng kabahayan . Ngunit halos katatalikod ko pa lamang ay mabilis akong nahila ni Tatay sanhi upang mapasigaw ng malakas . Nang marinig iyon ni Nanay ay agad siyang napalingon at binalikan ako .

Nagsisimula na noong kumalat ang apoy sa loob  ng aming bahay . Pilit akong hinila ni Nanay mula sa pagkakayakap ng noon ay galit na galit na si Tatay . Hindi siya makapaniwalang magagawa ko sa kanya ang bagay na iyon . Kaya lamang ay iyon na lamang ang naisip kong paraan upang matapos na ang kanyang kasamaan .

Ramdam ko na sa aking balat ang init na nagmumula sa apoy na mabilis na kumakalat sa paligid . Dahil mas malapit sa apoy si Tatay , nabitawan niya ako . Ngunit naging sanhi rin naman iyon upang mapabitaw sa akin si Nanay at natumba siya malapit kay Tatay .

“ Sige na , Romeo anak . Iwan mo na lamang ako rito at iligtas mo ang sarili mo! .”

“ Hindi , Nay ! Hindi ko kayo iiwan ! Magkasama tayong aalis sa lugar na ito . Hindi ba sabi mo , magsisimula ulit tayo ? Kahit hindi na natin kasama si  Lito . Wala na rin akong lakas , Nay ! Pero   pilit akong nagpapakatatag dahil sa'yo !  ”

Halos manlabo na ang aking paningin at mamaos ang tinig dahil sa walang humpay na pagluha . Bakit ganoon ? Kaunti na lamang at magtatagumpay na ang plano namin ni Nanay . . . matatakasan na rin namin si Tatay . . .

Hindi ako umalis sa aking kinatatayuan . Kung ayaw sumama sa akin ni Nanay , mas mabuti pang sama - sama na lamang  kaming mamatay ! Ngunit sa huling pagkakataon , naggawa pa ring bumangon  ni Nanay . . . nakaramdam ako ng tuwa at pag-asa sa pag-aakalang maliligtas kaming dalawa . . .ngunit sa pagkagulat ko ay itinulak niya ako ng palayo sa bahay gamit ang lahat ng natitira niyang lakas.

“ Patawad , Romeo ! Mahal na mahal kita , anak ! ”

At unti-unti ng kinain ng apoy si Nanay. Umalingawngaw sa buong paligid ang malakas kong pag-iyak habang paika-ikang tumatakbo palayo. Nang lumingon ako ay nasaksihan ko ang tuluyang pagkatupok ng aming bahay, kung saan naroon ang aswang kong Tatay at ang pinakamamahal kong

"Nanaaaaaaaaayy!!!!!!"

Continue Reading

You'll Also Like

71.3K 156 21
Just a slutty whore who needs to get all her thoughts and feelings on a page. Loves being submissive to her dom daddy 🧎‍♀️ DISCORD- jessieleihuyg8t...
20.3K 663 29
روايه اماراتيه تتكلم عن مثايل وحيده امها وابوها الي عانت من الم الانفصال الام : نوره الاب : محمد تاريخ الكتابه : 19/3/2023 تاريخ التنزيل : ..
272K 40.9K 105
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
242K 5.4K 76
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad