Napahawak ako sa ulo nang maramdaman ang pananakit nito. I opened and roamed my eyes around, wondering where am I. Hindi ko maiwasang mapapikit at mapamulat dahil naninibago sa liwanag ang mga mata ko.
Napansin ko agad si Shenna na nakayupyop sa gilid ng aking kama. She's currently sleeping as I slowly patted her head, waking her up. Gumalaw sya ng bahagya bago maalimpungatan at napatingin sa direksyon ko.
"A-ate..." She muttered sleepy. I smiled at her hoping that she would smile back but then she stared at me worriedly. Nabura ang ngiti sa labi ko.
Agad niyang iniba ang direksyon ng tingin.
"About what happened last night..." Seryoso syang tumingin sa akin at inabot ang kamay ko.
Something tells me that she's hesitant in some words she might said.
"Y-you often hallucinates ate, and you know how bad that hallucinations can effect you." Her voice quivered as she looked at me.
"W-wala ka sa park kagabi... Wala ka roon dahil kung ano-ano na ang ginawa namin para mahanap ka pero hindi ka namin matagpuan ate. May bagyo kagabi... Sobrang lakas ng hangin at alam mo na delikado 'yon." patuloy nya. She sobbed as she lowered her head.
"T-tumawag sa 'kin si Bently... Kinabahan na sya ng sinabi mo na pumunta ka sa asawa mo para ipaalam na buntis ka. Naaapektuhan ng asawa mo ang mental health mo ate and you know that you are so stressed out. Maski kami hindi na alam ang gagawin." Shenna's cry made my heart ache. Kahit ako, alam ko na kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.
"I located you through computer. Good thing at hindi pa gaano kalakas ng gabing 'yon ang bagyo."
Emosyonal na napahikbi ako at napayakap sa kanya.
"I-im sorry for making you all worry..." Hinaplos ko ang buhok nya ng bahagya at niyakap siya ng mahigpit.
"D-don't worry... I will try to compose my self next time." nangungumbinseng saad ko. Ngumiti sya sa akin at dahan-dahang tumayo.
"Magpagaling ka ate. Hindi lang para sa 'yo kung 'di rin sa anak nyo. Please ate... Be mindful, okay? You must take care triple times and don't do things that'll stress you out."
I smiled at her advise pero alam ko na mahirap gawin ang mga 'yon. Lalo na at kailangan kong kausapin si Angel to prove that I'm not lying.
"Ayos ka na raw sabi ng doctor mo. Sinabi nya rin sa 'kin na nakakasawa ang pagmumukha mo kaya please lang mag-ingat ka naman next time." mayamaya ay aniya. Ngumuso ako nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy nya.
Sigurado akong si Doc Igi iyon at alam ko kung ilang beses na nitong paulit-ulit nakikita ang mukha ko but ito lang ang doctor na pinagkakatiwalaan ko. Kaya siguro nagkakasundo kami dahil hindi sugar-coated ang mga pinagsasabi nya lalo na at sinabi nyang hindi nya kailangan magpaligoy-ligoy sa mga sasabihin. That's why some patients like him at ang ilan naman ay nabibigla sa kaprangkahan nya. Na-ikwento na nya rin na ilang beses na sya muntik matanggal sa trabaho dahil prinangka nya ang nagbabantaysa pasyente na kalimitan ay puro demand at masamang salita sa kaniya ang sasabihin na wala namang basehan. Wala akong alam tungkol sa trabaho nya pero alam ko na kaya hindi lang sya tuluyang tinatanggal ay may shares sya sa hospital na 'yon. Kung tutuusin ay napipikon din ako sa kanya pero natatawa rin dahil kung ako ang direktor ng hospital nito, sigurado akong tatanggalin ko sya. Masyado ring may sariling mundo si Doc Luigi kaya nagpatayo ng simpleng clinic para kapag nasa mood sya ay doon nalang ito natambay.
Lumipas ang araw at unti-unting bumuti ang lagay ng pakiramdam ko. Kung over protective noon ang mga kaibigan ko, mas lalo na silang mas naging bantay sa akin ngayon. Hindi nila ako pinauwi sa bahay namin ni Angel. Kahit anong gawin kong pagpupumilit ay walang epekto lalo at ang dahilan nila ay baka kung ano-ano na naman ang gagawin ko.
I know that I needes to rest and relax for my baby. Naka-ilang bisita si Doc Igi at sinabi na kung patuloy ko gagawin ang mga delikadong bagay, may tendency na humina ang kapit ng bata kapag tumagal at maging komplikado ang aking panganganak. I'm scared... Ayaw ko mapahamak ang anak ko. Gayunpaman, kailangan ko parin kausapin ang ama niya.
Hindi na ako pumapasok sa trabaho. I wonder what does my friends said to ma'am Cath at pinayagan ako nito mag-leave.
BUMUNTONG hininga ako at napatitig sa kabuuhan ng aming bahay. Our house look so dull. Parang ang lungkot niyon at hindi katulad dati na makulay at nakaka akit tingnan.
Marahan akong pumasok at inilibot ang paningin sa loob nito. Ganoon pa rin ang ayos ng bahay, animo'y walang nagalaw sa mga kagamitan dito.
Hindi ba umuuwi si Angel?
Sinubukan ko syang hanapin sa buong bahay ngunit wala ako ritong nahanap. Hindi ko napigilang mapaluha ng maalala na ang tagal na pala ng panahon na hindi ko na sya nakikita. It's been a weeks but hindi man lang nya chineck kung ayos lang ako.
Lumabas na ako sa bahay at nagmadaling dumeretso sa Luxurious. Baka sakaling naroon sya dahil kailangan ko syang makausap ng maayos.
Pag pasok ko palang sa unang palapag ng hotel ay nakita ko na agad sya. Tumigil ang mundo ko bago ang nakakabinging pagkabasag ng puso ko.
My husband... Kissing the woman I was fuming mad on.
Dama ko ang kirot na nag-uumpisang manalaytay sa ugat ko. Napapikit ako ng mariin bago pabulong na binigkas ang pangalan nya.
"A-angel..."
Pakiramdam ko ay hinang-hina ako.
Tuwang-tuwa na nakangiti pa ang mga tao na wari ko ay hindi alam namay asawa na ang may-ari ng kinatatayuan kong hotel ngayon.
"Do you need anthing ma'am?"
Napakurap ako ng ilang ulit ng maagaw ko ang pansin ng mga kasama ni Angel at ng babaeng hinalikan nya.
"Look who's here? Your wife, Daewon"
Kita ko ang pag-igting ng bagang ng asawa ko na matiim din ang titig sa akin. His gray eyes that I always miss is looking at my direction.
Gusto ko sya marinig na sumagot kahit gusto ko ng manlata sa harap ng maraming tao na nakatingin din sa gawi ko.
"I don't know her," walang kagatol-gatol na anito. He even lick his lower lips and grabbed the woman in her waist.
"Who's she anyway? Maybe one of my employee?"
Parang may pumompyang sa ulo ko at mabilis na humakbang papalapit sa kaniya.
"A-angel... Angel gusto kitang makausap..."
Matagumpay akong nakalapit sa kanya habang pigil ang luha na humahawak sa kamay nito.
Angel's hand grabbed me before pushing me lightly off of him.
"Please. I don't know you, miss. Don't make a scene and stop what you were doing right now." His voice became low with a hint of authority on it. Napahikbi ako at sinubukang hawakan ulit sya pero iniwas nya iyon.
"Nagpapatawa ka ba? Asawa mo ako tapos hindi mo tanda ang pangalan ko?" Puno ng sama ng loob ko syang tinitigan. "A-angel naman... I'm your wife. Stop doing this to me."
Nahagip ng tingin ko ang mga tingin ng tao sa akin. They are looking at me like a random woman who just wants attention. Lumayo rin ng bahagya ang babaeng nakasagutan ko sa elevator noon.
"Leave now, Miss Escyda. I don't want to see you again. I'm not married to anyone if that's what you're trying to say."
Mabilis ko syang hinila at niyakap. Umiyak ako ng umiyak habang nakabaon ang mukha sa dib dib nya.
"A-asawa ko... Tama na. Miss na miss na kita..."
Naramdaman ko ang paninigas nya sa kinatatayuan. His breathing hitched as he tried to push me but I hug him tighter. Ayaw ko syang pakawalan. Gusto kong magpaliwanag sya sa akin at sabihin kung ano ba ang nangyayari sa kanya.
Marahas na napaupo ako sa sahig ng malakas nya akong tinulak. Kumalas ang braso ko sa pagkakayakap sa kanya. Nagsinghapan ang mga nakakapanood at ang iba naman ay bumungisngis ng tawa.
"Don't even think of hugging me again! Don't even look at me again! Don't even touch me again! And don't fucking come near me!"
Umalingawngaw ang boses nya at lahat ay napatahimik. Hindi na ako nakaimik ng dirediretso nya akong lampasan.
"Anong pakiramdam na sya na mismo ang tinanggi ka sa harap ng maraming tao?" His girl said while smirking.
Napayuko ako at hindi nakaimik at tinanaw nalang silang lumakad papalabas sa lugar na iyon.