As the Chains Fall

By aLeiatasyo

18.4K 628 461

[ESCADEJAS SERIES #1] Eros Jaireh Escadejas lives in a world that suits him perfectly, where everything is al... More

As the Chains Fall
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
from aLeiatasyo

Chapter 44

259 11 5
By aLeiatasyo

"Nakita mo na ba 'yong bagong lipat daw na binata rito? Gwapo't sobrang tangkad! Jusmiyo! Hindi man ako umabot sa balikat! Napakabait pa! Tinulungan akong magpakain ng manok kaninang umaga dahil nakasumpong ang rayuma ko!"

Ngumiti lang ako at sumulyap kay Tatay Odario. "Ganoon po ba? Usap-usapan nga po siya ngayon dito, 'di ba? Sikat na ho yata."

Hindi lingid sa kaalaman ko na si Eros ang tinutukoy nila. Ilang araw na siyang nagpapasikat dito sa kalye namin sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawain at iba pang bagay-bagay.

Si Nana ang sumunod na nagsalita. "Aba'y oo! 'Yong nakatira diyan sa likod, naku. Hinahanda na yatang ipakilala roon sa dalaga niya! Sabi ko, may dalaga rin kami rito! Mas maganda ka r'on. Totoo man. Kaya uunahan ko na at ipakikilala kita roon sa binata!"

"Eh, ano kasi pangalan noong binata?"

"Ah... Ano nga kasi? E...Aaron?"

"Errol?" pagsubok naman ni Tatay.

"Hindi. Iba. E... Eros!"

Nakinig na lang ako sa usapan ng matandang mag-asawa. Kilalang-kilala ko ang pinag-uusapan nila, kaya hindi na nila ako kailangang sabihan pa. Tutulungan ko na sana sila sa panghuhula ng pangalan pero nakuha na nila.

"Tinanong ko nga bakit Eros ang pangalan niya. Ngayon ko lang kasi narinig iyong pangalan niya sa haba kong nabubuhay dito sa mundo. Pangalan daw pala 'yon ng isang diyos. Galing sa mitolohiya kumbaga?"

"Diyos ng pag-ibig," singit ko.

Mukhang namangha naman ang dalawa kaya natawa ako. Ipinagpatuloy ko na lang ang paghihimay ko ng dahon ng malunggay para sa tinolang iluluto ni Nana. Halos ganito na lang talaga ang ginagawa ko.

Patapos na ako noong may tumawag mula sa labas. "Ako na po," sabi ko para hindi na tumayo pa si Tatay Odario para tingnan kung sino ang bisita. Lumabas ako at natanaw ko si Eros na nakatayo sa kabilang dako ng bakod.

"What are you doing here?" tanong niya noong makalapit na ako sa gate at pagbubuksan na siya.

"Ako pa ang tinatanong mo niyan, e, ako ang taga-rito."

"This is not your house."

"Kapitbahay namin sila. Tumutulong ako sa pagluluto. Ikaw, anong ginagawa mo rito?"

"They need help fixing their sink."

"And you volunteered? Marunong ka ba?"

Ngumisi siya. "Tingnan natin. Nanood ako ng tutorials sa Youtube kagabi. Baka pwede na iyon. It seems easy, so I'll manage."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya pero nilagpasan niya na ako at nagtungo na papasok sa loob ng bahay ng matatanda. Hinabol ko naman siya, "Baka naman lalo mo lang masira iyon?! May mga propesyonal naman dito–"

"Just trust me," he said, as if that is enough.

"May magagawa ba ang tiwala ko kapag nasira mo na lalo 'yong lababo nila? Bakit ka kasi nagpresinta, hindi ka naman marunong? P-Paano kung masaktan ka pa?"

Mabilis siyang lumingon sa akin. "Ano ngayon kung masaktan ako?" tanong niya, sadyang hindi pinansin ang mga una kong sinabi.

Sinubukan ko siyang bigyan ng masamang tingin, pero humagikgik lamang siya bago ako hinila palapit. Tumama ang kamay ko sa dibdib niya. I craned my neck to look behind him, making sure that no one is seeing this.

"I won't get hurt. Mag-aayos lang ako ng lababo. Malabong masaktan ako roon. Unless you are really worried about me that much..." masuyo niyang sabi.

Noong hindi ako nakasagot, ngumisi siya at inilapit ang mukha sa akin. He laughed against my neck and I felt his lips graze lightly on it.

Itinulak ko siya dahil sa kuryenteng naramdaman ko. "I-I'm not worried! Inaalala ko lang na baka mas lalo lang mamroblema sila Tatay Odario kung 'di ka naman marunong."

Kumunot ang noo niya pero ang nguso niya ang nagsabi sa akin na natutuwa pa siya sa nangyayari. "You're hurting me big time here, señorita. It's a sink. How hard could it be? At marunong nga ako!"

I exaggerated a gasp. "Nanood ka ng tutorial! 'Di ibig sabihin na marunong ka na agad!"

"Pareho lang 'yon! Learning starts there!" pilit niya. Nainis na yata siya sa sinasabi ko kaya tuluyan niya na akong nilagpasan at dire-diretso nang nagtungo sa loob.

Malinaw na malinaw sa akin kung paano nagliwanag ang ekspresyon sa mukha ng dalawang matanda noong makita si Eros. Nakita ko rin kung paano lumipat sa akin ang malisyoso nilang mga tingin.

"Oh, hijo! Ikaw pala! Mabuti! Nakita mo na 'tong si kulot? Ito 'yong sinasabi ko na bagay kayo... itong si Sienna."

I felt the heat rushing to my cheeks. I can almost see Eros' smile when he said, "Sabihin niyo rin po sa kaniya na bagay kami."

Tatay Odario and Nana Piring cheered at what he said. On the other hand, I just want to be swallowed whole by the ground I am standing on. Eros and his unstoppable mouth!

"Sinasabi ko na nga ba, e. Magaling talaga ako sa pagpapareha! Ang ganda niya, 'di ba? Walang nobyo 'yan..."

"Nana Piring..." sabi ko.

"Talaga po? Sinabi niya 'yon? Wala raw po siyang nobyo?" pang-uusisa ni Eros. Lumingon na siya sa akin ngayon at nakataas ang isa niyang kilay. Ginaya ko naman ang itsura niya para mang-asar lalo.

"Oo, hijo! Sigurado ako!"

"Huh..." Eros scoffed. "Wala pala, ah?"

"Wala naman talaga."

"Tss."

Hindi niya na ako pinansin ulit pagkatapos noon. Hinila na rin naman siya ni Tatay Odario patungo sa lababo para ayusin iyon. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko ang ginagawa niya para siguraduhing buhay pa siya roon sa ilalim.

Sa gulat ko, parang alam niya ang ginagawa niya at tama ang kung ano mang tutorial ang napanood niya. Alam ko na hindi siya sanay sa ganitong gawain dahil lumaki siya sa marangyang buhay kung saan nakalapag na ang lahat sa harap niya, pero nakalimutan ko pala ang ilang taong namuhay siya mag-isa at hindi kami magkasama.

"Don't look at me," umalingawngaw ang boses niya mula sa ilalim ng lababo. Akala ko ay hindi niya ako nakikita dahil ang pang-itaas na bahagi ng katawan niya ay natatakpan doon.

"O-Okay, sorry."

"Tss. Walang boyfriend."

Umirap ako katulad ng naiisip kong pag-irap niya rin. Umalis na si Tatay Odario at Nana Sela rito sa kusina at lumipat sa sala pero nagpaiwan ako.

Ang sabi lang naman ni Eros ay huwag siyang tingnan. Nanatili ako para siguraduhing magiging maayos ang lahat. Sa ngiti ng matandang mag-asawa, mukhang natuwa pa sila sa pagpapa-iwan ko.

Paglipas ng halos isang oras na pagkakalikot ni Eros sa ilalim ng lababo at iilan pang pag-alis mula roon para kumuha ng gamit, sa wakas ay tumayo na siya. Ang puti niyang camisa ay basang-basa at marumi na.

Iminuwestra ko ang pitsel ng malamig na tubig sa harap ko. Inusog ko iyon palapit sa kaniya pero tumulala lang siya sa akin. Kalaunan ay pinunasan niya ang mukha niya gamit ang kaniyang damit at sinuklay ang buhok patalikod gamit ang sariling mga daliri.

Nag-iwas ako ng tingin noong nahuli niya akong nanonood sa kaniya. Uminom na siya ng tubig, kaya akala ko ay aalis na siya, pero hindi. He took a chair by the table and sat in front of me.

I looked down to play with my fingers. I waited for him to finish what he was doing, and now what? I don't know what to do. He's not hurt or anything. He actually finished his task perfectly.

"Kanino mo pa sinabi na wala kang boyfriend? Sa ibang mga lalaki ba? May sumubok na ba na manligaw sa'yo... kaya mo sinabi iyon?"

In panic, I looked up to see his face. I immediately wanted to explain, but stopped myself. Iyon lang ang una kong reaksyon. Mabuti at agad akong nakapag-isip ng maayos. Kailangan kong kalmahan. Hindi makatutulong sa kaniya at sa pagpapauwi ko sa kaniya kung magpapaliwanag ako dahil magmumukhang pinapaasa ko siya.

"Hindi. Wala akong sinabing ganoon sa iba, lalo na sa ibang lalaki. Kay Tatay Odario at Nana Sela lang dahil nagtanong sila sa akin dati."

"And you said you don't have a boyfriend?"

"Oo. K-Kasi 'yon ang totoo..."

"Did you even think of me before you said that?" Bumagsak ang tingin niya sa baso niya na ngayon ay wala nang laman.

I can tell that he's trying to keep calm and not say anything more. Parang mas pinipiga ang puso ko kapag ganitong pinipigilan niya ang nararamdaman niya.

Mas gusto ko na yata 'yong nag-aaway kami at nailalabas niya ang saloobin niya. Sa totoo lang, ayaw ko parehas iyon. Mas mabuting wala kaming sakit na kailangang kimkimin o sabihin.

He heaved a deep breath. "Nevermind. Sorry for asking," aniya. Ang sumunod na narinig ko ay ang paggalaw ng upuan dahil sa pagtayo niya. "I have to go. May mga iba pang nagpapatulong sa bahay nila."

Tumango ako, hindi alam ang sasabihin.

Hinatid ko siya hanggang sa labas. Sabay na kaming lumabas ng gate dahil balak kong umuwi na at tingnan kung ano ang ginagawa ni Mama.

"S-Saan ka pala tumutuloy?"

"Diyan sa kabilang kalye."

"Nangungupahan ka?"

"Yeah. I didn't expect to stay this long."

Nag-iba talaga ang ihip ng hangin magmula noong nalaman niyang sinabi ko sa iba na wala akong nobyo. Kinagat ko ang labi ko. Kumunot ang noo niya noong bumaba ang tingin niya roon.

"Don't do that. I... I have to go."

"Just go home where it's comfortable, Jaireh."

"You do not know what I want."

Naestatwa ako sa lamig ng boses niya. Walang paligoy-ligoy siyang naglakad patungo sa isa pang bahay dito sa hanay namin. Pinanood ko ang likod niya na palayo nang palayo sa akin.

Sobrang mali ng nararamdaman ko.

Sa puntong ito, sa dami ng beses naming nagkahiwalay, dapat ay sanay na sanay na ako sa kaunting distansya sa pagitan naming dalawa. But no. It still hurts me more than I want it to. I feel it more than I allow myself to.

Tahimik ang mga yapak ko habang papasok sa bahay dahil aalingawngaw ang kahit anong ingay sa gitna ng katahimikan. Natutulog ba si Mama?

"Sienna."

"Mama!" Halos mapatalon ako noong marinig ko ang boses niya sa likod ko. Saan siya galing? Nakatayo siya ngayon malapit sa bintana, kaya siguro hindi ko siya napansin noong pumasok ako.

"Si Eros 'yon. 'Yung kausap mo."

I was overwhelmed with fear on the spot. I didn't tell her that Eros is here, all things considered. Nagtaka nga ako kung bakit kahit na usap-usapan na ang presensya ni Eros sa bayan, hindi pa rin alam ni Mama.

Ngayon, hindi naman siya nagtatanong kaya hindi ko kailangang sagutin iyon ng katotohanan o kasinungalingan man. Alam niya ang nakita niya. Hiding the truth now would be idiocy.

"Kailan pa siya rito?"

I awkwardly stood there, with my hands holding each other at my back. Pinagmamasdan ko ang mukha ni Mama para subukang basahin ang nasa isip niya, kung galit ba siya sa akin o kung ano, pero wala siyang binibigay na emosyon.

"Mahigit isang buwan po..."

"For you?"

Do I tell her the truth?

Before I even got to answer, she chuckled plainly. "Of course. Bakit ko pa nga ba tinanong? He always does what he wants to do, without thinking of its repercussions."

"H-Hindi naman siya ganoon, Mama..."

"What is he doing here? What's the point, anak? Sinundan ka niya rito... sige... pero para saan? What is he trying to accomplish? To take you away?"

I cannot hint a sense of distaste or sarcasm in her voice. She sounded sincere and genuinely curious with her questions.

"Pinapaalis ko na siya, Mama..."

"Bakit mo pinapaalis?"

Kumunot ang noo ko. Hindi ba ay ganoon naman talaga dapat ang gawin ko? Mas lalo pang ikinagulo ng isip ko ang sumunod niyang tanong. "Why do you want him to go, anak? Is that what you truly want?"

"Ma," I tried to laugh but it came out weird. "Sinaktan natin ang pamilya niya. Natural lang na hindi niya na dapat ako gustuhin, at ganoon din ako sa kaniya."

"Huwag mong inaako ang kasalanan na sa akin lang, anak," mariin niyang sabi. Dumagdag lang iyon sa dami ng gumugulo sa isip ko. "Kung iyan din ang iniisip niya, why is he here if it's natural for him not to want you anymore after what I've done? Pushing him away... is that what you want?"

Litong-lito na ako. Ayaw niya kay Eros, alam ko iyon. She never liked him for me, even back when we were teenagers. Ayaw niya sa pamilya nito. Kaya dapat ay sinusuportahan niya ako sa pagtataboy kay Eros.

Ngayon, bakit ganito ang mga tanong niya?

Bigla na lang akong nakaramdam ng panlalambot kaya minabuti kong umupo sa pinakamalapit na upuan. Hindi pa tapos ang usapan dahil parang marami pang gustong sabihin si Mama.

"Iniisip mo ba na sinaktan mo ang pamilya nila?"

Ang hindi ko pagsagot ay sapat nang kumpirmasyon para kay Mama. Umuga ang inuupuan ko noong tumabi siya sa akin. "Ako ang nanakit sa kanila. You would have never hurt anyone like I did, Sienna."

Umiling ako, "Tayong dalawa na lang po ang magkatuwang, Mama. Ang mga dala-dala mo, papasanin ko rin. Pipiliin ko pong samahan ka sa lahat para hindi masyadong mabigat para sa'yo, Ma."

I heard her sniffle. She caressed my cheek and I leaned on it because of the immediate comfort it exuded. It's the touch of a mother.

"Don't. You have sacrificed a lot for me, anak."

"Hindi naman po sakripisyo–"

"Huwag naman pati ang mga kasalanan ko ay aangkinin mo rin. Huwag ganoon. Ayaw kong pasanin mo ang mga ginawa ko lalo na noong wala akong ibang ginawa kung hindi maghanap ng mapagbubuntunan ng sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Jorge."

Tumulo ang luha niya. I felt like I wanted to cry but I am not always capable of doing so. That is just the way I am. "Galit ka po ba, Mama... na nandito si Eros at hindi ko sinabi sa'yo?"

"Alam ko naman. Naririnig-rinig ko na may umaaligid sa'yo na hindi raw taga-rito. Hiniling ko na sana ay hindi na lang iyon si Eros, pero sarili ko lang ang niloloko ko, anak."

"I would rather not have you near him," she said.

"Gustong-gusto kitang ilayo sa pamilya na iyon. Kapag napalapit tayo roon, parang walang ibang maidudulot kung hindi intriga, gulo, o pagkakasakitan. Mas gusto ko na mamuhay ka nang tahimik, at magmahal ng tao na hindi ka mahihirapan at walang sabit na kahit ano."

Tumango ako, naiintindihan ang pinanggagalingan niya.

Sa mahigit dalawang dekada kong pamumuhay sa mundo, napakaraming komplikasyon na ang kinailangan kong harapin. Loving Eros is complicated, and yes, I can just choose to find a love without complications... but I am already accustomed to not having things easily.

"But that is just what I want..."

Her eyes met mine.

"How about you, Sienna? What do you want?"

I blinked profusely, trying to make sense of the situation. "W-Why are you saying this, Mama? 'Di ba, ayaw mo sa kanila? You hated them to the point of trying to... hurt them."

"I do. I do not like his family."

"P-Pero Mama, sa tingin mo ba... hindi totoo 'yung pinakita nilang kabutihan sa atin? Sobrang bait nila sa akin... pati sa'yo... 'di po ba? Kaya hanggang ngayon, ang hirap sa akin na maisip na magagawa nilang gawin iyon kay Lolo."

She immediately looked uncomfortable as she shifted on her seat. Her indifference to respond tells me that she does not know what to say, or maybe she knows and does not know how to say it.

Parang kailan lang, kapag nababanggit ko ang mga Escadejas, nakikita ko ang pagkamuhi niya sa kanila sa simpleng paggalaw ng mukha niya para sa isang reaksyon. Ngayon, kalmado siya.

It's almost like her anger has passed.

Wala rin naman akong masabi. Nanatili kami roon, nakaupo sa tabi ng isa't isa at binabalot ng isang matinding katahimikan. I didn't mind the silence. We were both busy gathering our thoughts that they almost filled the air.

"Your father never hated them," Nagulat ako noong bigla siyang nagsalitang muli. "Ilang dekada ko siyang kasama, pero isang salita, wala siyang sinabing masama tungkol sa mga Escadejas. Noong nakita niya si Eros noong unang beses mo siyang ipinakilala sa amin, agad naming nakilala ang itsura niya dahil kamukhang-kamukha niya ang kambal na anak ni Don Tercero."

Naaalala ko ang araw na iyon. Hirap na hirap akong intindihin kung bakit tila nakakita ng multo si Mama, at ngayong nagbabalik-tanaw ako... kaya pala. She saw a shadow of my father's past that she loathed so much.

"We knew right away. He knew that he was the grandson of Javier Escadejas III, and yet... he accepted him. Buong puso. Hinayaan niyang alagaan ka niya. Pinagbigyan niya rin na bigyan ng pagkakataon na maalagaan siya ni Eros sa ospital."

She smiled while looking down on the floor and shook her head in disbelief. Her smile makes it obvious that she is reminiscing about my father.

"Hindi ako sang-ayon sa kaniya noon. But Jorge has always been a good judge of character. Ako, mabilis at madali akong magkamali... pero kung sa tingin niya ay mabuting tao si Eros, siguro nga ay ako ang mali sa pag-aakalang walang mabuting maidudulot iyon sa'yo."

Unti-unti kong nahihinuha kung saan ang pinupuntahan ng sinasabi niya sa akin ngayon.

"Noong nabubuhay pa si Jorge, siguro ay ang tingin mo sa akin ay matatag ako." Nanginig ang boses niya at nagsimulang pumatak ang mga luha niya. "Oo. Matatag ako noon, kasi mas matatag ang sinasandalan ko. Si Jorge."

Umihip ang malakas na hangin galing na dumaan sa bintana. Ang paghinga ko ay bumabagal at lumalalim habang tumatagal. Kulang na lang ay makita ko si Papa rito sa tabi namin, niyayakap si Mama upang patahanin ito.

Ayaw niyang umiiyak si Mama. Ginagawa niya noon ang lahat para siguraduhing hindi iiyak si Mama mula sa lungkot o sakit. Parating pa lang, aagapan niya na.

"P-Pero ngayong wala siya, anak... ang totoo niyan... mahina lang ako. Mahina ang loob ko. Marami akong takot at pangamba na kinikimkim." Another strong wind blew and it made her shiver and cry more.

I just know that she is wrong. Hindi siya mahina. Heaven knows how many people would not have survived the past years she had to face. Alone. I was away when her grief was at its peak. I bear witness to the first bout of it. It was horrible.

"Maraming pangyayari sa buhay natin ang nalagpasan ko lang dahil nandoon siya. Nanghihina ako... kahit ngayon... dahil hindi ko alam ang sunod na gagawin. I made a mistake. I feel like I ruined your life."

"Hindi totoo 'yan, Ma. Masaya naman po tayo!"

"Ito na ba 'yon? Ito na ba ang lahat na kaya kong ibigay sa iyo? Anak, may mas isasaya ka pa. Hindi lang ito. I was lucky enough to be able to live with the love of my life..." She smiled at me, "That is why I am asking you... what is it that you really want?"

After dropping that question once again, she excused herself and locked the door of her bedroom. I know she is going to cry and hug the picture frame she has of my father. I am going to hear her silent sniffles all night.

What is it that I really want?

Ako na walang ibang ginawa noong bata kung hindi mangarap ng mga bagay na wala sa akin, na dumating sa pagkakataong halos abot-kamay ko na ang pangarap pero hindi matuloy-tuloy, sa puntong ito, imposibleng hindi ko alam ang gusto ko.

Sumampa ako sa hamba ng bintana para umupo roon. The wind is very comforting today. Hindi naman maulan pero parang malamig at presko. I sat there and closed my eyes, trying to process everything my mother said.

What do I want?

I want my father back.

I scoffed at what I thought. Tatawanan siguro ako ni Papa kung malaman niya ang iniisip ko, pero siguro ay malulungkot din dahil ayaw niyang hindi niya nabibigay ang gusto ko.

What do I want?

Alam ko talaga, e. Alam ko na si Eros iyon.

I just can't admit it out loud. Kapag ganoon kasi, kapag sinasarili ang pangarap... parang mas madaling harapin ang pagkabigo kapag hindi nakamit iyon, kasi hindi kailangang pasanin din ang awa ng ibang tao.

But I do not have to be disappointed. Not at all. He is here. He wants me. If anything, his dreams are the ones being crushed here.

Ano pang problema? Bakit ba kasi ang hirap-hirap maniwala sa buhay kapag binibigyan ako ng magagandang bagay? Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako, tapos kapag naniwala ako, ipapamukha sa akin na masyado akong ambisyosa para maniwalang makukuha ko nga ang gusto ko.

Dinilat ko lang ang mga mata ko noong nakarinig ako ng kaluskos sa gate. Lumundag ako para makababa, pero sa labas na para makalapit ako.

Natanaw ko agad si Eros na mas matangkad pa kaysa sa gate ng bakod namin. Nakatayo lang siya roon at hinintay na makalapit ako. Paminsan-minsan ay kinakabahan pa rin ako sa kaniya, pero ngayon... payapa.

I opened the gate to let him know he could come in, but he did not cross the border. "I'm sorry if I was vague. I just want you to know that to me, I am your boyfriend. Kasalanan ko na hindi kita tinanong at nagdesisyon ako agad na ganoon. I am sorry. Hindi kita dapat sinisi na sinabi mo sa iba na wala kang nobyo, kung ako naman ang hindi klaro."

Where is this coming from?

Hindi naman ako nagalit sa kaniya na nagtampo siya kanina, ah. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nainis sa narinig. "Wala kang dapat ika-sorry."

"But I am. I am sorry. I am sorry that I never got to make you mine. To set the record straight, I really thought that we were in a relationship. I am sorry that I did not make that clear."

Kumirot ang dibdib ko, "Eros..."

He reached for my hand in a swift motion, I almost did not realize it until he was holding it against his cheek. He uttered a curse under his breath. "I really, really miss you."

Ngayong magkadikit ang mga balat namin, kahit na ang kamay at pisngi niya lang, tila tinutukso ako na mas lumapit at hagkan siya tulad ng dati. Tinitigan ko siya, umaasang hindi ako nananaginip.

"You don't want to go back to Nuevo Mesiku, fine. Let's live here. You don't want to stay here, fine. Let's run away. We'll go wherever you want to go. Just please, give me my chance."

What chance is it, really? All the chances I could give were all yours to claim, anyway.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 92 30
When a narcissistic, self-proclaimed goddess met her KARMA - yung tipong hindi nya inaasahan.
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
15.2K 477 53
Sharp tongue. Unfavorable behaviour. Bad temper. That's what people would describe her - Euphemia Sannee Defensor. She's the black sheep, if someone...