'Tao po!!' sigaw ni Roxy sa bahay dahil pakiramdam nya ay sya lamang magisa dto na pinagtataka nya dahil kakatext lang ni nana na kailangan sya dito sa bahay.
'ako bay pinagloloko nyo?!' sigaw pa nya at aakmang kukunin ang kayang telepono upang tawagan si nana ng biglang may nagsilabasang Hindi nya kilala.
't-teka sino kayo? Bat kayo nakapasok?' takang sabi nito at namuo na rin ang takot sa kanyang dibdib pero hindi naman mukhang mga akyat bahay ang mga ito.
'you need to dress up miss' nakangiting sabi ng isang babae na nakasuot ng formal na damit at agad syang hinawakan sa braso bago hinila papunta sa isang kwarto.
'a-ano? Bakit? Sino ba kayo ha at bakit kayo nakapasok dito?!' tuloy tuloy nyang sabi at agad namang may lumabas pa na dalawang tao at pinaupo sya sa harap ng malaking salamin. Subrang pagtataka at gulat ang sumilay sa kanyang mukha lalo nat nagsimula na silang ayosan sya.
'Enough! Tatawagan ko kapatid ko!' aakmang tatayo sya ng bigla syang pinaupo pabalik ng isang assistant kaya nagsalubong ang kanyang noo at hindi gusto ang ginawa nito sa kanya.
'Ano ba talagang ginagawa nyo dito?! At ano tong mga to?! Asa ang kapatid ko?!' sunod sunod nyang tanong kaya napabuntong hininga na lamang ang babae at tinignan sya sa mga mata.
'you need to trust us okay? By the way I'm your make up artist for this unforgettable moment of your life at sila ang mga assistant ko, si chie at lor and you can call me shay' nakangiting sabi ng babae at napabuntong hininga naman si Roxy.
'Ano ba talagang nangyayari ha? At asan ang mga tao dito? Bakit tayo lang ang nandito?'
'relax they're safe at malalaman mo din mamaya kaya relax, you should be happy darling' pagpapagaan nito sa damdamin ni Roxy at napatango na lamang ito saka hinayaan si shany sa kanyang pinanggagawa sa kanya.
Hindi na nga nakayanan pa ni Roxy at sya ay nakatulog na, ginising na lang sya nung bibigisan na sya at Hindi makapaniwala so Roxy sa kanyang nakikita, Hindi nya aakalain na sya ang nakikita nya sa salamin.
'yes darling it's you, you're the most beautiful bride I've encounter' malambing nitong sabi at ngumiti pa kay Roxy at duon na napagtanto ng dalaga ang sinabi nito.
'B-bride?' nagugulohan nyang tanong at tanging ngiti lamang ang sinagot ni shay bago pinakuha ang gown sa drawer.
Napatingin naman doon si Roxy at halos hindi sya makapaniwala sa kanyang nakikita, it's her customize ombre gown na Pina sadya nya pa sa isang sikat na designer, nalluluha na sya kaya agad itong tumingala at pinapaypayang ang mukha upang hindi tumulo ang kanyang mga luha.
'Tell me this is not happening' maluhaluha nyang sabi kay shay pero matamis lang itong ngumiti sa kanya.
'its happening darling' lumapit naman agad sya kay roxy. 'Tumingin ka sa itaas' sabi pa nito na sinunud naman nya at agad na pinunasan ang gilid ng kanyang mga mata gamit ang cotton buds. 'wag ka muna iiyak ngayon mamaya na, water proof naman yang make up mo pero mas magandang e reserve mo muna mamaya' pagbibiro nya at napatawa naman si Roxy dahil dun.
Agad naman nilang tinulongan si Roxy na isuot ang gown nya at agad na humarap sa full length mirror na nasa kwarto at Kita nya Kung gaano ka ganta sa kanya ito. Tinali naman ni shy ang laso nito sa likod na naging dahilan upang makita ang hulma ng kanyang katawan.
'Gorgeous!!' palakpak ng dalawang assistant ni shay, mas lalo namang natuwa si Roxy at Hindi makapaniwalang suot na nya ang pinapangarap nyang gown.
Agad naman kinuha ni Roxy ang kanyang phone at kumuha ng litrato sa salamin at nag volunteer naman si shay na kuhanan nya ng litrato ito at naka ilang take sila bago natapos.
'Salamat sa inyo ha' pagpapasalamat nya sa tatlo at ngumiti naman ito sa kanya.
'Walang anoman o sya hinihintay kana ng sasakyan sa labas at baka mahuli kapa' pa alala ni shay at inaalalayan si Roxy na lumabas hanggang sa nasa tapat na sya ng bahay.
Tinulongan na din sya ng driver na pumasok sa loob ng sasakyan at agad na nagpaalam kina shay na susunod sa kanila dahil pupunta din sila sa kasal nito. Habang nasa loob ng sasakyan si Roxy ay Hindi nya maiwasang kabahan dahil hindi nya napaghandaan na ngayon sya ikakasal pero kahit ganun ay masaya ang kaluoban ng dalaga dahil sa wakas makakasala na sya at matutuloy na ang Plano nila ni kier.
Ang kaninang kaba na naramdaman nya ay mas lalong nadagdagan ng makita na nya ang simbahan sa Hindi kalayuan dahil dito lamang sya sa lugar nila ikakasal sa malaking simbahan, maraming sasakyan ang nakaparada at marami din ang mga nakabantay, meron ding naka sebelyan na mga pulis ang nakabantay.
Napabuntong hininga na lamang si Roxy ng huminto na ang kanilang sinasakyan at Kita nya si saint na lumabas ng simbahan at patakbong lumapit sa sasakyan nila, naka pormal ito at nakaayos pa ang buhok, ngayon lang sya nakita ni Roxy na ganito ka formal kaya talagang namangha sya sa itsura nito.
'hey! Ano ayaw mo na magpakasal kay kier?' pagbibiro nito at doon na nabalik sa reyalidad Roxy at kinuha ang kamay ni saint na nakalahad bago sya tinulungan na maka baba.
'Ang gwapo mo ngayon ah nanibago ako sa itsura mo' bungad ni Roxy at kinawit ang kanyang kamay sa braso ng binata.
'Kaya nga akala ko aatras ka sa kasal nyo dahil sa akin' pagbibiro pa nito kaya nakatanggap sya ng hampas sa braso.
'Sira!' nakangiting sabi nito at dahan dahan silang naglakad papunta sa harapan ng simbahan at ramdam ni saint ang kaba nito.
'Nervous?'
'Yeah, Hindi ko napaghandaan 'to, ano na lang sasabihin ko sa vow ko? Gash!'
'You can do it, 2years nyong hinihintay ang araw na to'
'Right hoooo!'
Napangiti na lamang si saint at agad na binuksan ng isang assistant ang pintuan at manghang mangha si Roxy sa design ng kanyang kasal, Ang ganda at eleganteng tignan, maraming bulaklak ang nakapalibot. Halos maiyak na sya dahil sa ganda ng paligid at lalo na nung nakita nya ang mga taong nandyan sa kanya, mga taong mahalaga sa buhay nya.
Rose Gold ang kanilang mga dress at subrang gaganda nilang tignan kaya mas lalo pa si Roxy.
'wag ka muna iiyak ate mamaya na!' sigaw pa ni ayah habang nakangiti kaya tumango na lamang sya at patuloy na naglalakad papunta sa altar.
'Pwede kana umiyak dito, malapit na tayo sa mapapangawasa mo' bulong ni saint at para namang automatic na naluha talaga ang kanyang mga mata lalo nat nakita nya sa altar Ang taong Mahal na Mahal nya, ang taong pinaglaaanan nya ng kanyang pagmamahal, ang taong nandyan palagi sa tabi nya. Hindi parin sya makapaniwalang nasa harap na sila ng simbahan at ikakasal na parang kahapon lang nangarap pa silang balang araw na ikasal pero ngayon nangyari na.
'ingatan mo ang babaeng 'to, alagaan mo at mamahalin ha?' sabi pa ni saint ng ipag saklob nya ang aming kamay ni kier.
'makakaasa ka'
Agad naman syang tinapik sa balikat ni saint at iniwan kaming dalawa sa harap ng pari at nagsimula na din ang seremonya.
Si ayah at bullet ang naglagay ng Belo sa kanilang dalawa habang si Roxy naman ay panay ang iyak kanina pa, walang ibang nararamdaman Ang dalawang magka isang dibdib kundi saya dahil sa wakas ay nangyari na ang pinapangarap nila, na maikasal sa mismong simbahan.
'Wala akong ibang maipalangako sayo mahal kundi ang pagiging faithful ko sayo, ibibigay ko buong puso ko sayo at sa magiging pamilya natin, mamahalin kita ng hingit pa sa buhay ko, iintindihin ka sa mga panahong mag lilihi kana,ibibigay ko sayo lahat pati na ang balat ng chicken joy sa jollibee' nagtawanan naman ang lahat dahil sa sinabi ni kier, kahit ang pari ay nakitawa na din. ' asahan mong kasama mo ako, sa hirap man o saya, sa kalungkotan man o sa problema asahan mong sasamahan Kita at hinding hindi ako lalayo sa tabi mo, Mahal na mahal kita Hindi dahil nasa harap tayo ng mga taong magmamahal sayo kundi dahil Mahal Kita simula nung una pa lang, I love you my wife'
Napuno naman ng hiyawan ang loob ng simbahan dahil sa sinabi ni kier pero sandali lang din yun at agad na pinasa ni kier ang mic sa kanyang asawa.
'Seguradohin mo lang na paninindigan mo yang mga sinasabi mo nakarecord ako' at agad na pinakita ang hawak nyang phone at doon na naman nagtawanan Ang lahat. 'hahahaha Okay seryoso nato, Alam nating dalawa Kung gaano ka hirap ang pinagdaan natin, mga pagsubok at tempasyon ang sumubok sa atin pero hopefully wala namang nag give up, ikaw ang sandalan ko at taga pagtanggol, ikaw ang bumuo sa akin nung panahong wasak ako, ikaw ang naging unang tumayong kuya ni ayah at ikaw ang lalaking una pa lang sinabi ko na sa sarili ko na 'lord sya ang gusto ko' at lumipas Ang maraming taon na mas marami at mabigat na pagsubok na ang nangyari pero hindi mo parin ako binitawan, Alam kong matagal na tayong handa para sa araw na to at kung gaano na natin gusto magkapamilya pero tiniis mo at pinaliban muna ang mga pangarap natin. Subrang na appreciate ko nung mga panahong ikaw mismo ang nagsabing hintayin Mona natin maayos si ayah bago natin ituloy ang pangarap nating dalawa, Alam mo yun' umiyak na si Roxy at ganun din si ayah na nakikinig lang, nagiging emosyonal na din ang iba dahil alam nila Kung gaano kahirap ang bagay na yun.'subrang natuwa ako nun at nanlambot ang puso ko dahil inuna mo ang kapakanan ng nagiisa Kong kapatid at Kung gaano ko sya kamahal Ganon mo din sya minahal kahit hindi mo sabihin kitang Kita ko sayo yun at salamat, subrang salamat dahil pinapahalagahan mo ang isang taong subrang halaga sa akin' pinunasan ni Roxy ang kanyang luha at napatikhim. 'uy ayah masyado kanang nasasayahan sa sinasabi ko ha!' dagdag pa nito at doon napatawa si ayah habang umiiyak kaya hinalikan sya sa noo ni bullet. 'Okay... Mahal tulad ng sinabi mo wala din akong maipapangakong marangyang buhay pero maipalangako ko sayo na mamahalin kita habang buhay, pagsilbihan ka at sasamahan sa araw araw, Hindi ka iiwan at iintindihin ka, Mahal na mahal kita'
Lumipas pa ang mga oras at ang seremonya ay nagtapos ng matiwasay at masaya.
'Kiss the bride!'
Agad namang tinaas ni kier ang Belo at ngumiti sa kanyang napakagandang asawa bago nya ito hinalikan, hiyawan ulit ang namayani sa loob ng simbahan at rinig ang bawat pag kuha ng litrato.
'Congratulatioooooons!' agad na pinaputok ni raizo ang dala nyang confetti bomb.
'Salamat sa inyong lahat, sa lahat lahat na ginawa nyo' pagpapasalamat ni Roxy at isa isang niyakap ang Mahal nya sa buhay.
'mamaya na yang pasasalamat at kailangan na nating pumunta sa reception nyo' sabi ni Lexy at sabay na nga silang lahat lumabas ng simbahan at kanya kanyang pasok sa kanilang mga sasakyan at ang bagong kasal ay iba din sa kanila.
Marami namang nakasunod na mga sasakyan upang seguradohin ang kanilang seguridad. Hindi naman yun katagalan at agad na silang nakarating sa pagmamayari ni bullet na isang hotel, dito nila naisipan dahil malaki Ang venue at maganda hindi din hasle sa karamihan dahil pwede silang magpahinga after the event.
May nag assist naman din agad kay kier at Roxy ganun din kina ayah at sa mga bisita, kunti lang naman talaga ang inimbitahan sa kasal dahil dilekado parin ngayon.
Bigla namang humikab si danda at humiga sa balikat ni bullet habang papasok sila sa hotel lobby, in-assist na yung iba papasok papunta sa Kung saan gaganapin ang event.
'Lexy pakisabi kay ate susunod na lang kami, papatulogin ko pa ito e' tinuro nya ang kanyang anak at agad lumingon kay nana na nasa tabi nya lang.' ikaw po nana magpapahinga po ba kayo?'
'Oo anak mamaya na lang din ako pupunta kanina pa ako inaantok e, Lexy kayo na muna bahala doon ha? Pupunta din kami mamaya' sabi ng matanda at hinawakan ang kamay nito.
'walang problema nana, magpahinga muna kayo doon, oh sya ayah gogora nako' paalam nito bago sila umalis at pumasok naman agad ang tatlo sa elevator. Karga ni bullet si danda at nakasabit sa kanyang balikat ang isang malaking bag habag si ayah naman ay may dalang malita at maliit na bag.
Pagod at inaantok na ang lahat lalo na si ayah dahil maaga silang nagising upang magasikaso sa kasal ni Roxy, si ayah ang nag asikaso sa simbahan habang si raizo at Lexy naman sa reception at ang iba ang pumili at bumili bg cake at mga pagkain, subrang hands on nila dahil, isa isa nila chinicheck ang pagkaon pumapasok sa reception.
'nana dito ka po pero konektado po ito sa kwarto namin ni bullet kaya anytime pwede kang pumasok, ayaw ka din namin istorbohin kaya mas mabuti kong ikuha ka namin' ng sarili mong kwarto' pagpapaliwanag ni ni ayah at ngumiti naman ang matanda.
'Ayos lang eha dadalawin ko na lang ang apo ko pagkagising nya, magpahinga na din na muna kayo ha lalo kana ayah' bilin nya kaya napatango naman si ayah bago pumasok ang matanda sa kwarto nito at ganun na din ang magkasintahan.
Malaki ang event place ng hotel ni bullet, may malaki itong pool at malapad na court na dinisignan ng mga bulaklak at Kung ano ano pa, tulad ng gusto ni Roxy ay ganun ang theme dito, elegante at magical Kung titignan, habang sa harapan ay ang malaking chandelier at may dalawang magagarang upuan for newly wed, may malaki ring cake at mahabang tatlong lamesa para sa mga bisita.
'Tonight we welcome the newly wed Mr. And Mrs. Celestia! Please around of applause'
At doon nagsihiyawan at nagpalakpakan ang mga tao paglabas ni kier at roxy, naka elegant dress na si roxy na Kita ang makinis nitong likod, it's a silk ombre body con backless dress and a red 4inch hills, she looks more a model by her fit lalo na kapag maglalakad sila ni kier. habang si kier naman ay naka ombre polo shirt, nakabukas ang tatlong butones nito at pinaresan ng puting pants.its seems like they're on a runaway.
Kumain na muna sila habang nagpapalaro ang mc ng who's most likely sa mga bisita at halos si Lexy, kier, Kane, saint at drace ang naglalaban laban.
'Okay ibahin naman natin ang laro parang kabisadong kabisado nyo talaga ang newly wed ha! Okay ano ang unang binigay ni kier kay Roxy sa unang buwan nilang mag jowa?'
Napaisip naman ang lahat at isa isang nagtaas ng kamay. Natutuwa naman ang bagong magasawa sa ginawang palaro ng mc.
'Sandal?'
'Sapatos!'
'Singsing?'
'Bahay?'
'villa?'
'Sahod!!' Confident na sagot ni raizo at lahat sila ay nagtawanan.
'MALI!! lahat kayo ay mali! Mukhang walang makakasagot nito ah' naglakad lakad pa ang mc at may iilang nanghuhula parin at lahat sila ay mali.
'Wala ba talagang may Alam?!' sigaw nito at bumalik sa harapan. May binulong naman si Roxy dito bago bumalik sa upuan nila.' yun naman pala kapatid nya lang ang nakakaalam Kung ano yun so proceed tayo sa next question'
Nagaabang ang lahat sa susunod na tanong nito habang kumakain, natutuwa naman si Lexy dahil hindi nababagot ang mga bisita dahil sa pakulo ng mc.
'Okay anong araw sinagot ni Roxy si kier?' tanong nito at agad naman silang nagisip, Dali Dali namang tumayo si lexy habang ngumunguya ng pagkain.
'Ikaw nanaman so what is your answer?'
'Martes 6 ng Gabi, umuulan at malamig sa labag sinagot mo sya dahil sabi mo mapilit' mahabang sagot nito at napa iling na lamang si Roxy bago binigyan ng alinlangang ngiti ang kanyang asawa.
'Oh mukhang nabuking ka ata Roxy HAHAHAHAHHA salamat sa pangbubuking mo, Tama ba ang sagot nya Roxy?'
Tumango naman ito bilang sagot at agad na tumingin kay kier na nakangiti ngayon at hinawakan ang kanyang kamay bago bumolong. 'Its okay just remind me to punish you later' napa kagat na lamang ng labi si Roxy sa sinabi nito.
Lumipas pa ang ilang minuto ay dumating na si ayah at bullet dala ang kanilang anak bago umupo sa table ng kanilang mga kaibigan, nagsimula na din magsayaw si kier at Roxy sa harap na para bang sila lamang ang tao sa mundo, naguusap at nagtatawanan pa kaya napangiti na din ang mga taong nanunuod sa kanila lalo na ang kanilang pamilya.
Binuhat ni saint ang kanyang anak dahil kumuka pa ng pagkain ang dalawa at Hindi pa sila kumakain, Hindi na muna nila inistorbo' si nana dahil Kita nila itong mahimbing na natutulog.
May nag intermission naman ng kanta at lahat sila nakatuon sa babaeng mala anghel na kumakanta sa harapan nila. When the second song was played pinatayo ang bagong kasal at pinapunta sa harapan for the last dance. (Playing Dandelions by Ruth B)
The song was heart catching kaya lahat ng may partner at Hindi na mapigilan at sumayaw na din sa harap at doon mas lalong ngumiti ang bagong magasawa.
Hinila naman ni Roxy at kier si bullet at ayah at pinapunta sa harapan, wala naman silang magagawa pa at agad na kinawit ang kamay nya sa balikat ni bullet at ang kamay naman nito ay pinulupot sa baywang ni ayah and they start to dance, and everything filled by presence of love, everybody seems so inlove with their partners, you can see how they smiled while there eyes was twinkling.
You can't deny how beautiful the singers voice, how she makes the song more meaningful. How she catch everyone's heart. And 3rd song play. ( Don't know what to do)
Nagkatinginan lamang si ayah at bullet habang nagsasayaw at sinusulit ang magandang gabing to, they fell in love more every step, every swing they made pakiramdam nila they build another layer of their love for each other.
'I love you' sabi ni bullet at hinalikan ang tip ng ilong nito napapikit naman si ayah at agad din namang napamulat.
'I love you more mahal' ganti naman nito at sumandal sa dibdib ni bullet habang nagsasayaw parin.
Mas lalo namang sumaya si Roxy ng makita nya kung gaano kasaya ang kanyang nakakabatang kapatid habang nagsasayaw ang magkasintahan, napaginhawa na sya ng maluwag at hindi na magalala sa kanyang kapatid.
'Shes in good hands dont worry' napatingin si Roxy Kay kier at nginitian ito, Alam naman nya yun.
'I know I-Im just happy seeing her, Alam mo yun subrang saya nya at Kita mong Mahal na mahal nila ang isat isa at malaking bagay na yun sakin'
'Ang importante ngayon ay ang tayo, we can build our family finally, you and me living together,making a good memories. Yun ang pinapangarap ko sating dalawa'
Napangiti naman si Roxy at agad na hinalikan si kier sa labi nito, a kiss full of love. 'Hindi na ako makapaghintay na makasama ka sa iisang bubung bilang asawa at legal na magkasama sa mata ng mga tao at Dyos'
Kier claim her lips and they shared a sweet and passionate kiss that full of love. 'Cant wait to ripped that freaking dress, it's teasing me honey' Bulong nito at mahinang kinagat ang ear lobe ni Roxy na nakapagbigay ng kakaibang sensasyon at ramdam nya ang umiinit nyang pisngi.
And that night full of love, a night were their love was visible.
******
And tadahhhh tataposin ko na talaga ang istory nato kasi why not?! Maganda kasi at sayang kung hanggang dun lang.