VICTORIA’S POV
“Iya, everything is ready,” sabi ni Eliz sa akin habang ipinakita ang kabuohan.
Napangiti ako dahil nagustuhan ko ang arrangement ng gamit ko sa bago kong bahay.
Kumuha na rin ako ng maids para naman may makakasama ako dito.
Actually, nagpapalinis lang ako ng condo unit ko but now, I really need them, same sa tagaluto at taga-laba, Bale apat na silang lahat.
Mamayang gabi ang celebration dito. Like Cameron, gusto ko rin ipa-bless ang new house ko.
Medyo stress lang ako mabuti na lang talaga at wala akong work ngayon.
Isa pa may bago rin akong project after ng movie na ginagawa namin.
Wala si Conrad at hindi ko alam kung asan siya. Ang sabi niya kasi may kilala siyang naghahanap ng work as my guard here.
Baka sinundo niya iyon or what dahil hindi naman siya nagpaalam.
“Dumating na ba si Conrad?” tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa bintana ng bahay ko.
Mabuti na lang at nakapili ako ng magandang design na gusto ko.
Ilang buwan ko rin itong pinag-ipunan dahil kahit binibigayna ko ng Dad at Mom ko ng pera para sa bahay na pinapagawa ko ay hindi ko tinatanggap. I can reach my dream without them.
“Iya, hindi mo ba iimbitahan ang Mom and Dad mo?” tanong ni Leane sa akin kaya naman napatingin ako sa kaniya.
“Seriously?” nagtatakang tanong ko sa kaniya dahil sa dami ng pwede niyang itanong ay yun pa ang naisip niya.
Sa totoo lang ayoko talaga. Sana lang ay huwag na silang mamilit pa.
***FLASHBACK***
Papasok na ko ng elevator ng condo nang may tumawag mula sa panglan ko. Napalingon naman kami agad ni Conrad.
I saw him, nakatayo siya habang nakatingin sa akin.
After a few years ngayon ko lang ulit siya nakita.
“Victoria, Anak,” sambit ni Dad at lumapit sa amin.
Nagpaalam naman si Conrad na aalis muna siya para makapg-usap kami. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa gusto ni Dad na mag-kape sa labas.
Habang seryoso akong nakatingin sa kaniya at hinihintay ang waiter ay nagsalita ako.
“What do you need?” tanong ko sa kaniya.
“Victoria, Anak. Are you still mad? I’m so sorry–”
“Sorry again? I’m fucking so tired to hear that word,” sabi ko pa habang seryoso pa rin ang tingin sa kaniya.
“My time is important, so please, kung ano man ang kailangan niyo sabihin niyo na agad,” sabi ko sa kaniya.
"Why didn't you accept the money I sent? Why are you returning that to my staff?” tanong niya sa akin. Mabilis naman akong sumagot sa tanong niya.
“Because I don’t need your money. I can earn it by myself,” sabi ko pa.
“Victoria, I’m your father and that’s my obligation,” sabi niya kaya naman natawa ako ng mapait sa sinabi niya.
"You already cut the responsibility you had since when you broke up with my Mom. The both of you, you have no longer accountable for me," seryosong sabi ko.
Bakit pa kasi nila ako ginugulo? Okay na ako nang wala sila.
”Look, I want to repay you for the times you weren’t with us. You are still my princess, Victoria, even though time changed everything,” sinseridad na sabi niya pa.
“But I don’t need you anymore. I’m happy with myself now. I don’t need even your money, I can earn it. I’m contented on what I have.”
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil feeling ko iiyak ako anytime at ayokong makita ni Dad iyon.
“Lumaki ako nang walang magulang na nasa tabi ko. Lumaki ako na ako na ibang tao ang nakasaksi sa lahat ng paghihirap at tagumpay na natanggap ko. At lumaki ako nang matatag kahit na iniwan niyo ako sa ere,” sabi ko sa kaniya.
“I’m so sorry, Hija, sobrang laki ng kasalanan namin sa iyo ng Mommy mo. Patawarin mo kami,” sabi niya pa kaya tumawa ako ng mapakla.
“And then now, will you come back and bother me? When will my life be okay? So please, take care of your family, and just forget about me,” sabi ko pa at akmang tatayo nang pigilan niya ako.
“Hija, wait. Don't leave first. Let’s talk, please, ” sabi niya habang pinipilit na mag-usap pa kami. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya.
“Masaya na kayo hindi ba? Masaya na kayo sa mga pamilya niyo. Masaya na rin ako na ako lang mag-isa. Nag-desisyon kayong dalawa nang basta na lang at hindi iniisip ang kakahantungan ko. Iniwan niyo ako sa ere nang ganon-ganon lang, Dad. Then ngayon sasabihihn mong patawarin ko kayo? That’s enough, I need to go,” sabi ko pa bago ako tuluyang umalis na.
Pagdating ko sa unit ko, umiyak lang ako nang umiyak. Nakasunod sa akin si Conrad pero hindi ko siya pinansin.
***END OF FLASHBACK***
“Cheers!” sabi ni Cameron habang nakataas ang wine glass niya. Kasama namin ang ibang celeberities na kaibigan ko rin at karamihan ay mga models rin.
“Congratulations, Iya! You deserve all of this,” sabi ni Ellaisa habang nakangiti sa akin. Isa rin siyang model.
“Thank you,” nakangiting sagot ko pa bago ako nag-excuse sa kanila.
Wala pa rin si Conrad. Hindi pa na dumadating mula kanina. Ano na kaya ang nangyari doon? Alam kong day off niya pero bakit naman hindi siya nagpapaalam?
“Are you okay? May hinihintay ka?” tanong ni Sam sa akin habang may hawak na wine glass at iniabot sa akin yung isa.
“Nothing,” sabi ko pa sa kaniya at ngumiti. Nakakainis naman yung lalaking iyon!
“By the way, Iya. Can I borrow the file that you sent to me last month? Nabura ko kasi, I badly needed it,” sabi niya sa akin.
“Sure, kukuhain ko lang sa kwarto. Just wait here,” sabi ko bago ako umakyat sa taas.
Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang flashdrive na nasa side table.
Nang makababa ako ay agad ko iyong binigay kay Sam. Hindi pa man ako nakakainom ng wine nang biglang pumasok ang isang maid.
“Madam, may lalaki po sa labas hinahanap kayo,” sabi niya kaya naman agad akong nag-excuse kay Sam at lumabas.
Paglabas ko ng gate may lalaki doong nakatayo kaya naman nagsalita ako. Hindi muna ako lumapit sa kaniya dahil hindi ko siya kilala.
“Excuse me?” tanong ko sa kaniya. Bahagya naman siyang lumingon habang nakangiti.
Nanlaki ang mata ko kaya agad akong lumapit sa kaniya.
“What the hell are you doing here?!” tanong ko sa kaniay habang pilit siyang hinihila palayo ng bahay ko.
Mabuti na lang at malalayo ang pagitan ng mga bahay dito at bakante ang nasa tabi ng bahay ko.
“I miss you, Babe,” sabi niya sa akin. Amoy ko ang alak na nagmumula sa bibig niya.
“Maraming taga showbiz ang nandito! Paano mo nalaman na dito ang bahay ko?” tanong ko san kaniya.
“I’m your boyfriend, bakit parang gulat na gulat ka atang nandito ako?” sabi niya pa.
“We’re already done! Matagal na tayong tapos, Walter!” sabi ko pa sa kaniya habang lumilingon sa paligid dahil baka may makakita sa amin.
“But I still love you,” sabi niya pa.
“Umalis ka na, pwede ba? Huwag ka nang manggulo pa dito!” sabi ko at pilit na pinapapasok siya sa kotse niya.
“Why? Because of the fucking bastard?” tanong niya na ikinatigil ko.
“What do you mean?” tanong ko sa kaniya.Tumawa siya bago tumingin sa akin.
“Siya ba ang dahilan kaya ayaw mo nang makipagbalikan sa akin? Dahil sa lalaking iyon?” tanong niya pa ulit habang nakangisi sa akin.
“Ano bang pinagsasasabi mo, Walter? Hindi ba ikaw ang unang nangloko sa atin? Ang tigas nga ng pagmumukha mo dahil isang Victoria Green na pinakawalan mo pa!” sigaw ko sa kaniya.
Naiinis na ako, masyado na siyang madaldal!
“Wala kaming relasyon! May gusto siya sa akin pero hindi ko siya pinatulan dahil ikaw ang mahal ko,” sabi niya pa kaya naman tumawa ako.
“Mahal? Pero bakit ngayon mo ako ginugulo? Kung kailan I’m totally fine?” tanong ko sa kaniya dahil kung talagang mahal niya ako ay matagal na niyang sinabi iyon.
Pero bakit ngayon lang? Nagulat ako ng tumawa siya.
“So, you don’t have an idea? Hindi ako makalapit sa iyo, dahil sa tuwing lalapitan kita, palagi akong pinapabugbog ng lalaking iyon,” sabi niya kaya bigla akong natigilan.
“Lalaki? Sinong lalaki?” tanong ko sa kaniya.
“Your bodyguard. Na-hospital ako at ilang linggo akong hindi nakalabas dahil sa kaniya,” sabi niya pa.
Hindi ako makapaniwala na magagawa iyon ni Conrad. Kaya pala hindi na siya nanggugulo after that night na naghiwalay kami.
Nakaramdam ako ng awa sa kaniya pero hindi pa rin naalis ang inis ko dahil sa panloloko niya.
Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa labi.
Hindi agad ako nakapagsalita, nang magbalik ako sa reyalidad ay agad ko siyang itinulak.
“How dare you! Umalis ka na!” sabi ko sa kaniya.
“But, Iya–”
“I said leave!” sambit ko at masama siyang tiningnan. Pero imbes na umalis ay lumapit pa siya.
“Babawiin kita sa laa
laking iyon,” sabi niya bago siya pumasok sa kotse niya at umalis.
Naiwan ako dito habang nakatulala pa rin. Ano ba ang sinasabi niya? Nababaliw na siya.
Pumasok na ako sa loob, nakita ko silang nagkakasiyahan doon.
Mas lalo akong nagulat nang makita si Conrad na kausap si Sam sa may Garden.
Nandito na agad siya? Bakit hindi ko man lang nakita na pumasok siya?
Ano bang pinag-uusapan nila? Hindi ko alam pero naiinis ako sa tuwing may kausap siyang ibang babae.
Alam ko namang hindi malandi si Sam since may boyfriend naman siya pero kahit na ganoon ay naiinis pa rin ako kapag may kausap siyang iba lalo na at hindi ko alam kung para saan iyon.