My Ugly Little Ehu Girl

By MsTeriousAra

59K 5.5K 651

Nangarap ka na bang magkaroon ng prince charming? Well, si Kassandra Ylores din. Simpleng dalagang namumuhay... More

Prologue
Chapter 1: New Beningging
Chapter 2: A Small World
Chapter 3: Gossips
Chapter 4: Intruder
Chapter 5: Prankster
Chapter 6: Palaver
Chapter 7: FriendSorry
Chapter 8: Sarry Not Sorry
Chapter 9: Panty
Chapter 10: Miss-ing
Chapter 11: Rooftop
Chapter 12: PalengkEnemy
Chapter 13: Demo
Chapter 14: Drive
Chapter 15: New Friends
Chapter 16: Project
Chapter 17: Affection
Chapter 18: Court
Chapter 19: Rumors
Chapter 20: Love Letters
Chapter 21: Party
Chapter 22: Ulan
Chapter 23: Text
Chapter 24: Sundo
Chapter 25: Duet
Chapter 26: Report
Chapter 27: Apology
Chapter 28: Poster
Chapter 29: Mystery
Chapter 30: Birthday
Chapter 32: Preparation
Chapter 33: ChocoBall
Chapter 34: Stick Glue
Chapter 35: Napkin
Chapter 36: BaldeRampa
Chapter 37: SurPresa
Chapter 38: First Kiss
Chapter 39: Reconcile
Chapter 40: Basketball
Chapter 41: Facebook
Chapter 42: Date
Chapter 43: Jealousy
Chapter 44: Pool
Chapter 45: Broken Hearted
Chapter 46: Self Love
Chapter 47: Lover
Chapter 48: Bonding
Chapter 49: Deeply Inlove
Chapter 50: Celebration
Chapter 51: The Unexpected
Chapter 52: New Life
Chapter 53: Spazzer
Chapter 54: Meet and Greet
Chapter 55: Fanboy
Chapter 56: Father
Chapter 57: The Past
Chapter 58: Truth
Chapter 59: Hope
Chapter 60: Sorry
Chapter 61: Late Night Calls
Chapter 62: Paper Rings
Chapter 63: Ticket
Chapter 64: Concert
Chapter 65: Unexpected Marriage
Chapter 66: Honeymoon
Epilogue

Chapter 31: Bwesita

616 36 0
By MsTeriousAra

Dominique's POV

Gabi na't kakauwi ko lang galing sa shop na pinuntahan namin nina Kassandra at Nathan.

"Kuya naman eh, parang tanga." Pamaktol na sigaw ni Mccoy habang bumababa sa hagdanan.

"Ano na naman?" Muli kong ibinalik ang atensyon sa pagscro-scroll sa newsfeed ko.

"Nagtext na naman si Kassandra, anong oras daw 'yung event bukas." Kumawala ako ng buntong-hininga.

"Basta bukas." Pagpipigil ko ng tawa habang nakatitig pa rin sa sariling cellphone.

Umupo ito sa tabi ko saka siya napapikit ng mga mata't nagsalita.

"Kuya, please lang, nanonood ako ng k-drama at panay text si Kassandra. Kayo kaya magtext dalawa, hindi naman ako human messenger eh." Iritadong saad nito.

"Wala akong load."

"Kuya!" Napa-hilamos siya ng mukha. Naiirita pa itong tumitig sa akin.

"Wala kang load pero nakakakita ka ng picture sa facebook?" Napatitig na rin ako sa kaniya dahil sa katagang binitawan niya.

"Malamang may wifi tayo." Mapanuya kong saad.

"Ewan ko na talaga sayo kuya, bahala na kayo." Ani niya't naglakad patungo sa k'warto niya.

Bahagya akong napatawa sa inasal nito at muling napatingin sa screen ng cellphone nang bigla itong tumunog.

Ate Browny

Ate Browny:
Hi, Dom.

Pwede mo nang kunin ang dress dito.

Dominique:
Okay Ate, papunta na po ako.


-Sent-

Si Ate Browny ang nag-style ng dress na susuotin ni Kassandra para sa event bukas. Kakasukat lang namin kaninang hapon pero natapos na kaagad ni Ate. Kaya gustong-gusto ko siyang mag desinyo eh, mabilis ang kamay.

Malay ko ba kung bakit 'Browny' pangalan niya eh 'di ko naman alam kung may lahi siyang aso.

"Alis muna ako, Mccoy!" Sigaw ko upang marinig ako ni Mccoy.

Para magkamalay rin siya na siya na muna mag-isa rito sa bahay at aalis ako. Wala rin si Mommy La dahil nasa bahay siya ng mga amiga niya't naglalaro ng TongIts.

"Bahala ka!" Sigaw pabalik ng baliw. Marahan kasing naka-bukas ang pinto nito kaya siyempre maririnig niya talaga ako.

Dumeritso muna ako sa kusina upang kunin ang susi ng kotse at ang isang kulay lilang tumbler mula sa loob ng ref. Napangiti ako nang makuha ko na ito. Ako kaya ang gumawa ng inumin na 'to.

Lumabas na ako sa bahay saka nagsimulang bumiyahe patungo sa shop upang kunin ang dress.

-

"Hijo, ito juice inom ka muna." Nakangiting saad ni Tita Marites sa 'kin habang binababa ang hawak na baso ng juice.

Orange juice ito base sa kulay ng juice, kulay pink.

Joke.

"S-Salamat po."

Nandito ako sa bahay nina Kassandra, para sana i-abot lang ang susuotin niya pero mukhang gising pa rin ang mga kasama niya rito at pinapasok na lang ako.

"Nga pala, aalis muna ako at kailangan ko pang sundan si Pancho sa tindahan namin. Tutulungan ko lang sa pagligpit." Pagpapaalam ni Tita Marites saka ako tumango.

"Hatid ko na ho kayo-"

"Naku naku, 'wag na at hintayin mo na lang si Kassandra, papauwi na 'yun, panigurado." Ani niya at nagmamadaling umalis.

Hinatid ko na rin muna siya sa harap ng gate nila sabay kaway. Sinundan ko muna siya ng tingin hanggang sa makasakay na siya ng tricycle at doon ko na napagdesisyunang pumasok muli sa loob ng bahay.

Napansin kong maliit lang ang bahay nila, may pang-ikalawang palapag pa na may tatlong kuwarto pero nakapagtataka lang dahul napakaraming upuan dito sa sala. May dalawang mataas na sopa sa sala at dalawa pang maliliit. May mga single na upuan na mukhang prutas sa paligid-ligid nito. 'Yung totoo, nagbebenta ba sila? Maitanong ko nga kay Kassandra.

Nang makapasok ako sa loob at maisarado na ang pinto ay napatigil ako nang madatnan ko ang kambal na anak nina Tita Marites at Tito Pancho na ngayo't napatigil rin at parehong nakatitig sa akin.

"D-Dominique?" Sabay nilang tanong.

"O-Oo? Pero hindi ako magnanakaw huh." Sabi ko't sabay rin silang napatakbo patungo sa tinatayuan ko.

"Gosh, why are you here?"

"May need ka ba?"

"Gusto mong pumunta sa kuwarto ko?"

"Magsi-sleep over ka ba rito?"

Sunod-sunod na tanong nila habang nakahawak sila sa magkabila kong braso.

"Gusto ko lang namang umupo muna." Nag-aalinlangan kong wika.

Kung sinuswerte ka nga ay pinaupo rin naman nila ako pero ganun pa rin ang puwesto nila, naka-yakap sila sa magkabila kong braso. Nakakainis lang kase nakahihila nila ang suot kong leather jacket.

"Uhm, si Kassandra ang pinunta ko rito."

Sa palagay ko ay sumigla ang kaluluwa ko dahil mabilis silang nagsilayuan sa akin. Nagsitayuan sila saka sila umupo sa kaharap kong sopa. Nag-iba rin ang ekspresyon ng mga mukha nila na animo'y nasasayangan. Ayaw ko sanang makipag-usap sa kanila eh, kase 'di ko alam sino sila. Hehe.

Alam ko lang naman kase ang mukha nila, obviously parehas sila ng mukha. Pero 'di ko alam ang pangalan nila. Nakalimutan ko.

"Ah, 'di ko kayo nakita kanina ah." Pag-iiba ko nang usapan.

"Ayun ba? Galing kami sa kuwarto, 'di ka rin namin narinig kase naka-lock 'yun." Saad ng isa sa kanila na medyo mahaba ang baba.

Wala na akong maisip na pagkakaiba nila, juscolored.

"Ganda ng make-up niyo ah." Napansin ko kaseng medyo may kulay ang mga mukha nila, 'di ko rin maitatangging may itsura rin sila.

"I-Ito ba? N-Nagta-try kase kami ng mga m-make-up tutorial." Sabi naman ng isa na medyo malaki ang noo, hehe.

Napansin kong namumula ang mga pisnge nila't marahang kinakagat ang mga labi. Haha.

Pero infairness, maganda ang pagkaka-make up nito, hindi masyadong makapal at sakto lang.

"Ganun ba-"

"Nandito na ako Tita."

Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto na dahilan para mapatayo ako at iniluwa mula roon si Kassandra.

Diretso lang siyang naglakad dahilan para hindi niya ako mapansin. Mukhag galing nga talaga siya sa labas dahil may dala pa itong limang cartolina na may iba't iba ring kulay.

"Hindi ka ba magha-hi sa kaniya?" Tanong ng isang mahaba ang baba nang nasa gawi na nila si Kassandra.

"Sinong, 'kaniya' ang tinutukoy mo?" Patanong na sagot ni Kassandra at sabay namang itinuro ng kambal ang puwesto ko saka ako nilingon ni Kassandra.

"May bisita tayo o?" Dagdag ng babaeng malapad ang noo.

"Hindi naman 'yan, bisita, bwesita 'yan." Ani ni Kassandra.

'Di ba, suplada talaga.

Kumaway ako nang automatikong tumaas ang kaliwang kilay niya nang lumingon ito. Ba't mukhang kasalanan ko pang pumunta rito.

"Ba't ka nandito?"

Oh 'di ba!

"Sa labas na lang tayo mag-usap." Saad ko.

Nauna na akong lumabas patungo sa kabilang kanto ng daan kung saan nakaparada ang kotse ko. Matapos ang iilang hakbang ay humarap na ako. Ganun na lang ang pagtalon ko nang bumulaga sa akin ang iritadong mukha ni Kassandra.

"Huwag ka namang manggulat, ano?"

"Hilo ka ba? Malamang sinabi mong sa labas mag-usap, edi sumunod ako."

Tsk.

"Ano ba kase 'yun?"

"Ah, sandali."

Kaagad kong binuksan ang likurang bahagi ng sasakyan at kinuha ang isang 'di kalakihang puting kahon at iniabot ito sa kaniya, kinuha rin naman niya ito.

"Aba, bibitbitin ko 'to patungo sa bahay mula rito?"

"Aba ka rin, malamang, alangan namang sasakay ka pa ng eroplano." Sagot ko.

"Mas aba ka, pinalakad mo pa ako patungo rito, ni hindi mo man lang ipinarada ang kotse mo sa harap ng bahay para mas malapit sana." Inis niyang saad.

"Lalo ka ng aba, pakialam mo ba kung dito ko ipinarada, para nga mas madali akong mag-backing."

"Pinaka-aba ka, pinahirapan mo lang akong bitbitin 'to papasok sa bahay."

"Mas pinaka-aba ka sa lahat, hindi naman kase ikaw 'yung magba-backing ng kotse."

"Ikaw talaga ang pinaka-aba period with padlock tapon susi, hindi rin naman kase ikaw 'yung magbibitbit ng kahon." Huli niyang sagot.

Ayun, napatikom ako ng bibig.

Wala na akong mai-rebbuttal eh, talo na ako.

"Oo na, ako na ang magbibitbit niyan papasok sa bahay." Pagsuko ko.

"Aba, dapat lang no, ikaw ang dala pero ako ang maghihirap. Tss." Ani niya't inismiran pa ako.

Kinuha ko muna ang kahon at muling ipinatong sa likurang bahagi ng sasakyan.

"Ay, maisip na lang pala ako." Napatingin mula ako sa kaniya.

"Ako na lang pala ang magdadala nun sa lugar kung saan tayo magbibihis para bukas, para sabat tayong lahat pumunta." Dagdag ko.

"Mas mabuti nga." Sagot niya naman.

Apaka-pilosopa.

"Ito na lang kunin mo."

Naglakad ako patungo sa harap ng kotse at binuksan ang pinto ng driver's seat para kunin ang tumbler saka ko muling naglakad sa gawi niya.

"Oh."

"Ano 'to?" Tanong niya at iniharap pa sa mukha ko ang tumbler.

"Tumbler malamang." Sagot ko saka niya ako pinanliitan ng mga mata.

Tss tss tss.

"Pinakuluang luyang dilaw na may honey at lemon 'yan, mabuti rin daw 'yan para sa lalamunan. Inumin mo bago ka matulog at pagkagising mo bukas." Saad ko habang nakatitig siya sa tumbler.

"Ganun ba, t-thank you." Wika niya.

"Oh siya, gabi na. Pumasok ka na sa loob at magpahinga, kailangan mo pang maghanda para bukas." Sabi ko.

Ipinasok ko sa loob ng magkabilang bulsa ang mga kamay ko dahil para ang awkward na.

"S-Sige, ingat ka." Wika niya sabay talikod. Nagsimula na rin siyang maglakad papalayo.

"Bye!" Sigaw niya saka siya kumaway nang makapasok na siya sa bakod ng bahay.

Napangiti rin ako at kumaway pabalik. "Bye, goodnight!"

Bumuntong-hinga ako nang makapasok na siya at sumakat na rin sa sariling kotse.

Hmm, mukhang si Mommy La na naman ang next stop ko ah.

Continue Reading

You'll Also Like

10.7M 397K 35
Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeous in-denial stalker 24/7! ...
13.9M 391K 41
Macario Karangalan Sandoval
63.6K 1.6K 34
(Wild Love Series #2 ) A dreamer of creating an impact on the quality of human lives and a dreamer of showing her artistic talent to the whole world...
1.2M 29.4K 57
Jethro Ephraim Silvano is one of the dangerous person you will encounter. He's also a smart and talented person. Everyone likes him because he's almo...