Jaze's POV
"Ok! Magandang dilag. Pakipaliwanag sa mga nangyayari ngayon. Ano na?" -Nadz
"Thank you sa papuri Nadz. Alam ko na yon. Matagal na. Anyways, ganito kasi 'yon. Gusto nila mommy at daddy na—-" pagsisimula ko pa ngunit biglang naputol nang dahil sa nakatiling babae babae sa harap ko na mukhang nakanganga habang nakatingin sa may pinto.
Hulaan nyo kung sino.
"Grrrr. Kilabutan ka nga sa mga ginagawa mo ngayon." -Yam
"O! Yung bibig mo. Pakisara. Mapasukan pa ng langaw yan, mahirap na. Ang mahal pa naman ng doctor's professional fee. Tsk.tsk.tsk. *sabay iling*" -Gee
Ano? Kilala nyo na?
"Ohh-Em-Gee sis! *tili* OMG! OMG! OMG! Papunta sila rito. What to do? What to do? Yam, *faces Yam* do I look great?" -Aileen
"Ah-I guess?" -Yam
"You guess? Waahhh >,< This can't be possible. I need to look great. I need to be fabulous. I need to—-" -Aileen
"Hi Babe! Are you doing great here?" -Joshua
"My innocent eyes! You're polluting it! Waaahhhhh >,< Ilang beses ba mapopollute ang buhay ko ngayon? Una ang utak ko, ngayon ang mata ko naman. Huhuhu" -Yam
"Yam! Ang OA ha! Daig mo pa itong si Nadz eh. Yung totoo, lumalabas na rin ba ang pagka OA mo? Hindi na ako magtataka kung bukas makalawa, perverted na ang utak mo. O di kaya-ay impsosible rin"
"Anong ibig moong sabihin Jaze?"-Yam
"Wala! Wala! Mahiya nga kayo. May di inaasahang bisita tayo tapos ganyan pa kayo kung umasta. Nakakahiya kaya. Hindi ko lubos maisip kung paano ko kayo naging kaibigan. *iling-iling*"
"Wow! Jaze, sakit nun ah. Tagos hanggang buto. Huhuhu, Ang sakit!" -Aileen na mukhang nakabawi na sa kakanganga habang umaarteng sinasaksak ang dibdib ng punyal.
"Hay!" -Gee na siyang nakapagpalingon sa amin sa direksyon niya pagkat ngayon lang ito umimik at paggumanyan na yan, kabahan ka na.
"Hep! Hep! Hep! Bago kayo magkainitan dyan,hayaan nyo naman kaming magpakilala sa mga nagagandahang dilag sa harap ko." sabi ng isang lalakeng may kulay blond na buhok.
Tumahimik nga ang mga babae sa tabi ko. At as usual, what would you expect sa ginawa ng praning kong kaibigan? Of course, nangunguna na naman ang namumungay at nagmimistulang nagpupugay niyang mga mata. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Hindi na nahiya sa lalaking katapat niya na sa tingin ko, sa tingin ko lang ha, GGSS. Alam nyo naman siguro ang GGSS noh?
Gwapong Gwapo Sa Sarili!
Period.
Hindi naman sa wala siyang maipagmamalaki sa pagmumukha niya. Sadyang hindi ko lang trip ang aura niya. May pagka presko siya. At tsaka sa tingin ko bagay sila ng babaeng kasalukuyang namumungay ang mga mata. Ngayon ko lang nalaman, pwede na pala ako Koreen Yam Lei Version 2.0 pagkat nagagawa ko ng magmatch ng prospect couple. Hahahaahh. Hwag nyo na lang sabihin kay Yam. Takot ko lang sa kanya at tsaka wala rin naman akong plano angkinin ang trono ng maganda kong kaibigan. Hwag nyo rin sabihin sa kanya ang mga pinagsasabi ko ngayon kasi tumataas ang tiwala non sa sarili. Hindi nyo kakayanin ang taas. Baka nga lumampas pa sa taas ng Mt Everest o kaya naman kalevel na ng taas ng beanstalk ni Jack.
"Good evening beautiful ladies! *winks* I'm Eldon James Montero. The coolest guy alive here on Earth. The most sought after—-" sabi nong blond guy na umawat kani-kanina lang at siya ring GGSS. Tingnan nyo. Tama ako noh? Hahahahah
"Masyado ka namang proud sa sarili mo dude. Dream on! Wala ka pa kalingkingan ko. Hahahaha.. Pagpasensyahan nyo na si Eldon. Hindi kasi 'yan nakainom ng gamot niya ngayon at nasobrahan yata ng nainom na alak. Anyways, ako nga pala si Gino Aldrin Laurel at ang kakambal ko naman na masyadong tahimik ay si Gio Alden Laurel. Nice to meet you all girls *winks*" -Gino
Isa pa tong lalaking to. GGSS rin. Sa tingin ko, yung boyfriend lang ni Nadz ang matino dito sa barkada nila. Oh wait! May isa pa pala. Sino nga ba to? Ah- *isip-isip*
Ting!
Gio nga ba ang pangalan? Nitong tahimik na kasama nila? Yung isa sa kambal? Ah! Gio nga! Teka. Teka. Teka. He looks kind'a familiar. Saan ko nga ba nakita ang isang to. Nakita ko na talaga siya eh. Ewan ko lang kung saan. Saan nga ba? *isip-isip* *Brain loading—-1%—-2%—-buffering—-10%—-20%—-50%—-78%—-89%—-loading—98%—-99%—-loading—ting! 100%*
"Aha! Ikaw!" napatayo ako habang tinuturo ko yung nananahimik na si Gio.
"..."-Gio. Seriously? Hindi ba babaho ang bibig niya sa hindi man lang pagsasalita kahit isang salita man lang? Imagine? Pinoint lang niya ang sarili niya habang nakatingin sa akin na parang sinasabing "Are you talking to me"
"Ikaw nga! Ikaw yung bartender kanina. Cool! I never thought makikilala kita. You were great by the way."
"I know. Matagal ko ng alam yan. Anyways, ikaw yung babaeng kasa—-" -Gio
"Oh dude! Why did you leave me there? Di nyo man lang ako hinintay. Nastranded pa tuloy ako sa—-" -Dexter
"YOU/ IKAW" -me/Dexter
"Cool!" -Dexter
"Yeah"
"I never expect to see you again. I'm Dexter Ryle Diez. And you are?" -Dexter habang nakaextendend ang right hand nya. In fairness, gentleman ang loko. Pwede na rin.
Pero bago pa man ako makapagsalita, may sumingit na.
"Aileen Rose Versoza. You can call me mine. Hihi" -Aileen
"Wow! Libre bumili ng hiya Aileen. Koreen Yam Lei by the way." -Yam
"Gianna Gee Harley'" -Gee and then she points at me.
"Ah. Pasensya na talaga. Ganyan talaga yang mga yan. *murmurs-mangyan sa mga gwapong tulad mo*"
"What? Hindi ko narinig yung panghuli." -Dexter
"Ah! Wala. Wala. Anyways, I'm Jaze Riel Enchavez." I extended my right hand to him at nagulat ako dahil instead na makipag shake hands, hinalikan nya yung kamay ko. Ahhhwww. Such a gentleman.
"What a beautiful name for a beautiful lady like you. It suits you. I'm glad i met someone like you." -Dexter
"Heh! Di ka rin naman BOLERO eh noh?" sabay bitiw sa kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay ko.
"Hahahahahha!" -Dexter. Ang saya nya ha? Hindi mapuknat yung ngiti sa mga labi nya. Napapatawa na rin nya ako.
"EHEM!" sabay sabay na kunwaring tumikhim ang mga taong nakapalibot sa amin. Uh-Oh! Wew! Nakalimutan kong may mga audience nga pala kami. Hai! 'Tong si Dexter talaga. Ngayon pa lang kami nagkakilala, may ganoong effect na? Tsk.Tsk.Tsk.
"He-he" -me/ Dexter.
Alam nyo yung AWKWARD? Spell nyo nga.
Kami yun eh.
As in capital J-A-Z-E-D-E-X-T-E-R.
Unti-unting naglakbay ang paningin ko sa mga loka-loka kong kaibigan, at what do I expect? Syempre yung mga magkasalubong nilang kilay na wari nagtatanong kung "anong ibig sabihin ng mga nangyayari?" at nanghihingi ng explanation sa pangyayari kani-kanina lang. Tiningnan ko rin yung mga boys na kasama namin. Puro nakasmirk sila maliban kay Gio na nananatiling poker face. At talagang in character siya ha. Kinacareer ang pagiging poker face niya. He's acting as if it's expected to happen. Kaya naman pala mukhang wala lang siya kasi kami pala talaga yung tinitingnan niya kani-kanina lang nung nag e-exhibition siya sa harap ng mga tao. Akalain mo yon. Nakilala nya pa kaming dalawa ni Dexter kahit sa dilim. Matanong nga to minsan kung anong klaseng mata meron siya at nagagawa niyang makakita sa dilim at magpalinga-linga habang nagpeperform. And take note. Wala pang sablay yun ha. Nakakabilib tong tahimik na lalaking to. Bagay na bagay sa nag-iisang tahimik na dilag ng barkada. Walang iba kundi si Gee. Wew! Pareho pa silang G. Looks like mapapalitan ko na talaga itong si Yam sa role nya. Marunong na rin akong magmatch eh. Hehe. Pero tama na nga sa kakadal-dal. Mukhang naiinip na ang mga babaeng to kakahintay sa mga bagay na sasabihin. Sila pa? Eh atat tong mga to makasagap ng balita tungkol sa akin. Gusto yata palaging updated eh.
"May plano ka pa bang sabihin kung ano ang ibig sabihin nito Jaze Riel Enchavez?" -Nadz
"O maghihintay lang kami sa wala?" -Aileen
"O baka naman saang lupalop na napadpad ang pag-iisip mo?" -Yam
"..." -Gee. As usual tahimik lang yung isang to ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag glare nilang tatlo sa kanya. Sa talim ng pagtitig nila, masasbi mong "If looks could kill, Gee would probably be dead by now". Wow! Umi English na ako. Lumelevel up. Haha
"Paki-explain?" -Gee. Walang ganang pagsabi ni Gee na halatang napilitan lamang siyang magsalita upang may masabi lang. Ngumiti naman yung tatlo at sabay sabay na tumingin sa direksyon ko. Yung totoo? Nagpractice ba sila? Synchronized na synchronized ang bawat galaw nila eh. Take note pulidong-pulido pa. Walang bahid ng pagiging impromptu. Kung hindi ko lang kilala tong mga to, malamang sa malamang namangha na ako sa bawat galaw nila. Pero hindi eh. Kilalang kilala ko sila. Mula ulo hanggang paa. Inclusive na don yung ingrown nila. Hahahah. At alam kong pag nagpatuloy pa ako sa kakausap sa inyo gamit ang aking isip, papatayin na nila ako sa sindak. At pagnangyari yun trending agad ang Patayin sa Sindak si Jaze Riel. Hahaha. Mabuti pang magsalita na ako. Namimiss na nila yung golden voice ko eh.
"Eh alam nyo naman na sa sobrang lawak ng lugar na ito, hindi ko agad nahanap ang VIP room. Tapos hindi pa ako masyadong makakita sa dilim. Kung kaya'y nakasalubong ko yung dakilang stalker ko na alam nyo naman kung sino. Nagkaroon ng malit na engkwentro na nagdulot ng konting aktingan. And voila"
"Yun na yun?" -Nadz/Aileen/Yam
"Ah-huh"
"Eh nasan ang role ng gwaping na sa Dexter?" -Aileen. Si Aileen talaga kung anu-anong word ang linalabas sa bibig. Iba talaga ang talas ng dila nito.
Mahaba-habang kwentuhan ang nangyari pagkat hindi sila nakuntento sa plot ko. Laking pasalamat ko na lang na nandito si Dexter upang tulungan akong mag explain sa bawat detalye ng mga pangyayari. Nakakatawa nga eh kung iisipin kasi salitan kami kung magsalita. Parang nireplay lang namin yung pangyayari. Kulang na nga lang kumuha kami ng isa sa mga friends niya upang umakting sa role ng pangit kong stalker. Ngunit pakiramdam ko ayaw ni isa sa kanila gumanap ng role na 'yon kasi alam nyo na, GGSS ang mga lalaking to eh. I doubt kung papayag sila. Kaya makuntento sila sa paraan ng pagdideliver namin ng aming kwento. Sila ang may gustong makaalam, eh di sila rin ang makontento at wag ng choosy. Hehe. Alam nyo, daig pa nila yung mga panelist ng thesis defense ko nung 4th year high school at College ako. Kung makapag ask ba naman ng tanong, kailangan may supporting details o kaya nama'y statements pa. May follow up questions pa. Imagine that? Ang sakit na ng lalamunan namin kakadaldal kahit nga feeling ko wala ng sense ang tinatanong nila. Tsk. Tsk. Tsk. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala pagsama-samahin ang barkada ko at ng kay Dexter. Kasi kung gulo ang aabutin ng barkada ko. Tiyak riot naman ang aabutin pag nagclash ang dalawang barkada as one. Kaya ngayon pa lang, maghahanda na ako. Pagkat alam ko na ang patutunguhan ng pagtitipong ito.
Naging masaya naman ang pagtitipong ito. Ang pormal na pagbubuklod ng barkada na siyang hudyat sa isang nakakabaliw na taon kasama sila. Sa totoo lang nag enjoy ako sa company nila. It's not that bad after all. Huwag lang haluan ng kabaliwan. But I guess KABALIWAN ang bottomline ng barkadahang ito. Hindi man literally at least metaphorically. Char! Dumarami na ang circle of friends ko. Take note mixed pa. Girls and Boys. Anyways, nakalimutan ko nga pansamantala ang rason kung bakit ako narito ngayon. Buti na lang nakalimutan ng mga girls. Or maybe not? Ah, ewan! Basta ako, nag-eenjoy at natutuwa ako ngayon. Nawa'y matabunan nito ang lungkot na aking nadarama.
As the saying goes, all great time comes to an end. At gaya ni Cinderella, kailangan kong makauwi before the clock strikes 12. Maybe because I'm not used to doing this act even if I loathe my parents for their decision/s and because I'm a great child.
"Girls! Di pa kayo uuwi?"
"Oh! Malapit na pa lang mag 12. Malalagot ako nito kay mudra at pudra." -Aileen
"Mabuti pa nga." -Gee
"Kayo boys?" -Nadz
"Nah! Sanay na kaming umuwing late. At tsaka dapat ngang umuwi na rin kayo. Mga babae pa naman kayo. Hindi magandang tingnan at isipin" -Eldon
"Yah! Porke ba babae kami. Ano tingin nyo sa amin, lampa? Pwes nagkakamali kayo. Judo, Karate at Taekwondo kaya ang specialty namin." -Yam
"Hindi naman sa ganon. Anyways, hatid na nami kayo. Masyado na kasing malalim ang gabi." -Gino
"Yes! Tipid pamasahe rin 'to. Yeh boy! Tara na! Bye girls!" -Aileen. Nagbeso muna siya isa-isa sa amin. At hinablot ang kamay ng lalaking katabi niya. King sino yon? Well,si Eldon lang naman na walang nagawa kundi mapakamot ng ulo sabay senyas sa mga kaibigan.
Sabay naman sa iisang sasakyan ang kambal na Gino at Gio pati na rin sina Yam at Gee. Of course magkasama ang couple na Nadz at Joshua na walang ibang ginawa kundi ang maglambingan tuwong hindi napupunta sa kanila ang atensyon ng bawat isa. Parati ko kaya silang nahuhuli ng pasekreto. Kung pa'no ko nagagawa yon, we'll sekreto ko na 'yon. At sino na lang ang natitira? Eh di ako at si Dexter. As if we have a choice. Ok naman kami ni Dexter eh. Tawanan ang namamayani sa loob ng sasakyan niya habang tinatahak namin ang daan pauwi.
Nang makarating kami sa kanto papunta sa amin, pinahinto ko yung sasakyan niya kasi baka makarinig ng ingay sina Mommy at Daddy. Pumayag naman siya. Safe naman ang lugar namin eh. Ngunit ipinagpilitan niya pa rin akong ihatid sa bahay naman kaya't wala na akong nagawa dahil lumalalim na ang gabi. Pagkarating namin sa harap ng bahay nami, nagpaalam na kami sa isa't-isa.
"Pa'no. Naihatid na kita na safe and sound. Hindi na ako gagambalain ng mga friends mo. I really enjoyed your company Jaze. Nice meeting you again." -Dexter
"The feeling is mutual Dexter. Sige, andito na ako eh, pwede ka ng umalis."
"Ouch naman! Pinapaalis mo na talaga ako no" -Dexter
"Hindi naman sa ganoon. Lumalalim na kasi ang gabi eh. Ayaw ko naman na mapahamak ka. Kargo de konsensya ko pa. Hahahaha"
"Hahahahah. Yun yun eh! Concern ka pa rin sakin. Anyways, mauna na ako. Bye Jaze Riel. See you next time" -Dexter
"Hahahaha. Bye Dexter Ryle. See you when I see you."
Nang makaalis na siya, dali-dali naman akong pumunta sa backdoor papasok sa bahay. May natitirang swerte pa rin pala ako kasi hindi nagising sina mommy at daddy. Hay! Nakakapagod ang araw na'to. Ang daming nangyari ngayon. Ano man ang mangyari bukas, ipagsasabahala ko na lang muna. Gaya ngayon, maraming unexpected na nangyayari. Kung kaya't naniniwala akong ganon rin ang mangyayari bukas at sa susunod pang mga araw. I hope so. Sa ngayon, matutulog muna akong baon ang ngiti sa aking labi.
A/N:
Yes! Natapos ko ring Chapter 3 though inaamin kong natagalan talaga ako. Dala na rin ng katamaran. But at least heto na at sana kung meron mang nagbabasa nito, magparamdam rin kayo. Hindi naman ako nangangagat eh. Hihi. Thanks sa pag-intay ng update na to. Enjoy!
Vote. Comment. Follow. Your Choice
#loombandpepper (dlc)