One Hundred Days To Love Him...

By rui_na

6.4K 5.5K 1.8K

"Our Story Never Ends." BOOK 1 : Kendra Mae Delos Santos and Kendrick Marcova. ------- Living her life as a m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Characters
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Notes and Track List
Bonus Chapter

Chapter 40

61 61 10
By rui_na

CHAPTER 40



Kendra's P.O,V




Ilang araw na din ang lumipas at sobrang daming nagbago. Bakasyon na namin sa AIS kaya balik ako sa paglilinis ng mansion at kuwarto ni Kendrick.




Sa mga lumipas na araw ay nag-isang buwan na ang relasyon namin pero...




Ako lang yata ang nakakaalala. Hindi naman masakit. Parang kagat lang ng langgam.




Umiyak ako ng ilang baldeng luha kagabi kaya heto at mugto ang mga mata ko ngayon. Kung bakit lang naman ako umiyak?




Kasalanan 'tong lahat ni Ali slash BasNgit slash Kendrick slash Amo ko.




Ramdam na ramdam at kitang kita ko kung paano siya umiwas sa akin. Ni hindi niya man lang ako tinitingnan o kinakausap kahit nasa mansion kami. Dito rin nakatira si Mrs. Marcova at panay utos.




Ayos naman kami ni BasNgit, e. Naipaliwanag niya sa akin ang lahat kung bakit siya natatakot sabihin sa mommy niya na girlfriend niya ako ay dahil ayaw niya lang daw na may kung anong sabihin na hindi maganda sa akin ang mommy niya sa oras na malaman nito ang relasyon namin.




Pumayag akong itago 'yon. Pero hindi ko na talaga kaya kasi panay iwas siya sa akin. Nanlalamig din siya. Hindi ko nga alam kung may 'kami' pa ba dahil ilang araw na siyang gano'n. Wala rin siyang sinasabi. Kapag gusto ko naman siyang makausap, gumagawa siya ng paraan para maiwasan at malayuan ako.




Pagod na rin akong mag-isip at manghula kung ano ba ang nagawa ko o may nagawa ba akong mali para iwasan niya ako ng gano'n gano'n na lang.




Hindi niya man lang ba naiisip na nasasaktan ako sa ginagawa niya? Sinabi niya sa akin nang paulit ulit na hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang ikasasakit ko pero ano 'tong ginagawa niya?




1 month na lang at gagraduate na siya. Nawawalan na rin ako ng gana mag aral at parang ayoko ng ituloy ang pag aaral ko sa AIS. Hayst.




Abala ako sa paglilinis ng garden nila nang bigla akong sampalin ng kung sino.




Napaupo ako sa sobrang lakas ng sumampal sa akin. Para pa akong nabingi. Shutang?! Sino 'yon?!




Hinarap ko ang sumampal sa akin at nanlaki ang mga mata nang makita ang galit na mukha ni Mrs. Marcova sa harapan ko. Sobrang sama ng tingin niya sa akin na para bang gusto niya pa akong sampalin ulit.




Bakit kaya? Ano bang nagawa ko?!




"You bitch, how dare you!" galit niyang bulyaw.




"A-Ano pong---" Muli niya akong sinampal.




"Akala mo hindi ko alam?! Malandi ka! Anak ko pa talaga ang lalandiin mo ha?! Kaya pala. Kaya pala gano'n na lang ang pagprotekta sa'yo ng anak ko kasi girlfriend ka pala niya!"




Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sinabi niya.




A-Anong---paano niya nalaman 'yon?




Sinabi ba sa kanya ni Kendrick? Pero, bakit niya naman gagawin 'yon?




"You're a gold digger! And to tell your frankly, I don't really like you from the very beginning. You and my son, don't match at all so don't even think about making my son as your boyfriend!" sigaw niya pa.




Napayuko ako at umiyak. Ang sakit niya naman magsalita. Hindi ako gano'n kahayok sa pera para sabihan niyang 'gold digger'. At alam ni Kendrick na hindi ako gano'ng klaseng tao.




"You're fired!" deklara niya. Napaangat ako ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. A-Ano?




"P-Please, 'wag niyo po akong sesantihin. Nakikiusap po ako..." pakiusap ko habang umiiyak.




"Parang awa niyo na po... lalayuan ko na po si sir Kendrick basta 'wag niyo lang po akong tanggalan ng trabaho..."




Makakayanan kong lumayo kahit sobrang hirap, pero kung mawawalan ako ng magandang trabaho ngayon, paano na ako makakatulong kay mama?




"Out! I want you to be out of my sight and our sight! Kendrick and Alexis will get married instantly so leave! 'Wag mo nang guguluhin pa ang anak ko! Ang kapal ng mukha mong hampas lupa ka!" sigaw niya at kinaladkad ako palabas ng mansion.




Napasalampak ako sa semento at umiyak nang umiyak. Ang sakit sakit. Pinagbabato niya sa akin ang mga gamit ko at pabagsak na isinara ang pintuan ng mansion nila.




Nanginginig ang kamay na dinampot ko ang mga gamit ko at nilagay sa bag ko. Humihikbi akong tumayo at sinulyapan muli ang malaking mansion.




Dalawang buwan na rin ako rito at hindi ko inaakalang, sa sobrang dami ng nangyari, sa huli ako lang din pala ang iiyak at uuwing luhaan sa mama ko.




Mama, patawad...



****



Umalis na ako ng mansion dala ang lahat ng gamit ko. Hindi na ako nagpaalam sa kahit na kanino. Binasag ko rin ang cellphone ko para wala ng maka-contact sa akin. Para ngang gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sayang 'yon.




Hindi rin ako nagpaalam sa kanya. Masama ang loob ko pero hindi ko magawang magalit sa kanya.




'Yon ba? 'Yon ba 'yong dahilan ng pag-iwas niya? Ni hindi niya man lang sa akin sinabi na ikakasal na pala siya kaya siya umiiwas sa akin ng gano'n. Tatanggapin ko naman.




Hinintay niya pa talagang mommy niya mismo ang magsabi sa akin no'n. Haha.




Nasa tricycle ako ngayon pauwi sa mama ko. Mugtong mugto ang mga mata ko kaya panay tingin sa akin ang katabi kong pasahero din.




'Wag kang magtanong manang. Baka gawin lang kitang tissue diyan.




Bumaba na ako nang makarating ako sa amin. Nagbayad ako sa driver. Dala ko rin ang huling suweldo ko na binigay sa akin ni Mrs. Marcova. Napabuntong hininga ako at pumasok muna sa isang cr ng supermarket para maghilamos.




Siguradong mahahalata ni mama ang mga mata kong daig pa ang eyebags sa sobrang mugto.




Matapos ayusin ang sarili ay naglakad na ako palapit sa bahay namin. Nadaanan ko pa 'yong manong na nagtitinda ng cotton candy. Mapait na lang akong napangiti nang maalala ang nangyari dito noon.




Parang kailan lang talaga. Kandong kandong niya pa ako kasi masyado siyang overprotective.




Napaiyak na naman ako kaya nagmamadali na lang akong pumasok sa bahay namin. Mabilis kong nahanap si mama na pasayaw sayaw pa sa may kusina.




Lumapit ako sa kanya at parang batang yumakap sa kanya.




"Mama..." tawag ko sa kanya.




"Hala, 'nak! Uuwi ka pala! Bakit hindi ka man lang sa akin nag text huh? Ikaw, lagi mo na lang akong ginugulat!" sabi niya.




Tumawa lang ako ng mahina. "Ano, 'nak? Kasama mo ba ang nobyo mo? Patingin---"




Hindi niya natapos ang sinasabi nang makitang wala akong kasama. Malungkot akong ngumiti.




"Ay, mag-isa ka lang pala. Bakit hindi mo siya sinaman, 'nak?" usisa ni mama.




"Ma..." Bigla akong napaiyak kaya nagulat naman si mama. Mabilis niya akong niyakap. "Anak, bakit? Anong nangyari huh?! May nang away ba sa'yo?!"




Umiling ako. "Mama, ang sakit..."




Hindi si mama umimik at hinaplos lang ang likod ko. Nang tumahan ako ay umupo kami sa hapag kainan. Tahimik lang ako at pinupunasan ang luha sa aking mga mata. Dapat masaya ang bungad ko kay mama, e. Pero hindi nga pala masaya kasi sesante ako.




"Anak, anong nangyari? Magkuwento ka kay mama, makikinig ako." malambing na saad ni mama.




Lumunok muna ako bago nagsimulang ikuwento sa kanya lahat. Simula sa pagbabalik ni Mr. Delos Santos hanggang sa pagkakatanggal ko sa trabaho ngayon dahil nalaman ng mommy ni Kendrick ang tungkol sa relasyon namin.




Muli niya akong niyakap. Humikbi lang ako sa dibdib niya. Ang sakit sakit talaga. Paano na ako makakamove on nito? Ang hirap. Sobrang hirap.




"Anak, walang masama sa relasyon niyo. Pero nasabi ko na sa'yo 'to 'di ba? Kahit kailan, hindi nababagay ang mga mahihirap na gaya natin sa tulad nilang mayayaman at mga mata-pobre. Iiyak mo lang 'yan, 'nak. Nandito lang si mama." saad ni mama.




Nanatili lang akong nakayakap sa kanya.




"Siya nga pala, anak. Siguro, o-oras na para sabihin ko 'to sa'yo." aniya.




Napabitaw ako sa kanya. Kita ko ang pagdaan ng alanganin sa mukha niya. Nangunot ang noo ko. "Ano po 'yon, ma?"




Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil iyon.




"Tungkol 'to sa papa mo, Kendra."




Dinaga ang dibdib ko nang marinig ulit ang salitang "papa" sa bibig ni mama. Ilang beses niya ring iniwasan ang tungkol sa bagay na 'yon at laging sinasabi sa akin na iniwan niya na kami.




"Hindi totoong hindi niya tayo hinanap, 'nak. Dahil ang totoo ay ako ang lumayo sa kanya. Buhay na buhay siya, 'nak." pumiyok ang boses ni mama. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakikinig. Bumaha ang pag-asa sa loob ko nang marinig ang sinabi niya.




"N-Nasaan po siya mama? P-Pwede ko ba siyang makita?" tanong ko.




Napapikit si mama. "Sa totoo lang, 'nak. Nakita mo na siya. Nagkita na kayo ng papa mo." sagot niya.




Nagulat naman ako. "P-Po?" naguguluhan kong saad. Anong ibig sabihin...?




Marahas na bumuga ng hangin si mama. Para siyang hirap na hirap sambitin ang mga salitang kumakawala sa kanyang bibig. Pati tuloy ako ay kabado na naeexcite. Ni wala akong pakialam na minsan nang nasabi sa akin ni mama na patay na si papa.




"Si Alexander... S-Siya... Siya ang papa mo."



****



"Anak, sigurado ka bang hindi ka galit sa akin?" paulit ulit na tanong ni mama. Umiling iling lang ako. Bakit naman ako magagalit?




Nasa terminal kami ng bus ngayon para bumyahe at bumalik sa AIS.




Matapos kong marinig sa bibig ni mama at inamin niya ang tungkol sa papa ko ay nagdesisyon akong isama siya pabalik sa paaralan ko para makausap ang taong sinasabi niyang papa ko nga.




Kaya pala. Kaya pala gano'n na lang siya tumingin sa akin. At kaya rin pala may pakiramdam akong hindi maipaliwanag noong nakita ko siya. Dahil siya pala ang papa ko.




Si Mr. Alexander Delos Santos.




Oo, tama ka ng nabasa. Kahit ayokong maniwala, may malaking pag asa na umuusbong sa loob ko. Gusto kong bumalik sa AIS para siguraduhin ang lahat.




Ilang oras din kaming bumyahe at iritang irita ako dahil siksikan sa loob ng bus. Ang init init pa. Nakaupo si mama habang ako'y nakatayo lang. Kinukulit niya akong maupo pero panay tanggi ako sa kanya.




Mabilis kaming bumaba sa bus nang makarating na sa destinasyon namin.




Nilakad namin ng marahan ang papasok sa Aroha International School. Kumakabog ang dibdib ko habang papalapit kami sa eskuwelahan. Hindi sana kami papapasukin nung guard pero idinahilan ko na lang na mag eenroll ako.




"Anak, sigurado ka ba dito? Umuwi na lang kaya tayo 'nak?" saad ni mama.




"Ma." mariin kong sabi. Ngumuso si mama at nagkibit balikat. If I know, kinakabahan lang 'tong si mama, e. -_-




Dumeretso kami sa main office ni Mr. Delos Santos at walang pasabing pumasok do'n. Nakurot pa ako ni mama dahil wala raw akong galang dahil hindi man lang daw ako kumatok. Nagmamadali kami tapos kakatok pa?




Nagulat sa amin si Mrs. Mercedes at para namang nakakita ng multo si Mr. Delos Santos dahil gulat na gulat siya at bilog na bilog ang mga mata nang makita niya si mama sa gilid ko. Gaya ng ekspresiyon niya no'ng una niya akong makita.




"C-Candy? Is that you?" hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Alexander.




Umirap lang si mama. Hala, ganda ka ma?




Mabilis na tumayo si Mr. Alexander at natabig niya pa si Mrs. Mercedes.




Hinawakan niya si mama sa balikat at pinakatitigan ito.




"Gandang ganda ka na naman sa'kin." biglaang sambit ni mama habang nakataas ang kilay. Natulala tuloy ako. A-Ano daw...?!




"Shit!" mura ni Mr. Alexander at mabilis pa sa alas kuwatrong mahigpit na niyakap si mama.




So totoo nga ba talaga? Bakit ang daming rebelasyon na nangyari? Dapat ba akong umiyak o magsaya?




Nabaling ang tingin sa akin ni Mr. Alexander. Lumalam ang mga mata niya at niyakap ako bigla. Hindi naman ako agad nakakilos sa gulat.




Nang bitawan niya ako ay tumitig siya sa akin.




"Is she... my daughter?"




"Hindi ba obvious?" pambabara ni mama. Mama talaga! Jusko!




"Damn! Bakit ngayon lang kayo sa akin nagpakita?! Tangina, Candy. Ang tagal ko kayong hinanap. You don't know how I went crazy just to find you!" sambit ni Mr. Alexander. Umirap lang si mama at bumuga ng hangin.




"Is she really my daughter?"




"Oo nga. Unlimited?" ani Mama.




Magsasalita sana ulit si Mr. Alexander pero sumingit si Mrs. Mercedes na naestsapuwera na.




"Maybe they were lying, Xander!" giit nito. "Marami ng gumawa niyan sa'yo!"




"They're not, Marivic. Kilala ko ang babaeng minahal ko. Hindi siya magsisinungaling sa akin." tanggi ni Mr. Alex.




"But I don't believe them! Ano gano'n ka na lang kabilis maniniwala sa kanila?!"




Bakit ba kontrang kontra itong si Mrs. Mercedes? Oo nga naman at masyadong mabilis pero ano ba ang gusto niya? Mukha ba kaming scammer ni mama? Mahirap lang kami pero hindi manloloko.




"Then what do you want me to do?!" inis na tanong ni Mr. Alex. Ayoko siyang tawaging papa. Nakakailang.




"Do a DNA test." sagot nito. "Fine. Let's go, Candy. We will go to the hospital."



"Tsk. Inggiterang frog na 'to." bulong ni Mama kaya napanganga ako ng sobra.




"What did you say?!" asar na tanong ni Mrs. Mercedes na halatang nagpupuyos na sa inis.




"FYI, hindi naman kami kagaya ng iba diyan na mapagpanggap at may ibang motibo, ano. Anong akala mo sa'min ng anak ko? We may be like this pero hindi kami sinungaling at isa pa, wala naman kaming balak magtagal dito. Aalis din naman agad kami pagkatapos ng punyemas mong DNA, ekek." saad ni Mama.




Natahimik naman ako. Seryoso ba 'tong si Mama? Aalis pa rin kami?




"Candy, I won't let you leave again! I won't let you go!"




"Bahala kayo sa buhay niyo."




"You! You're so arrogant, let's go you dipshits!" sigaw ni Mrs. Mercedes. Sa totoo lang, napipikon na ako sa kanya. Minumura niya ba kami?!




Hinila tuloy kami ni Mr. Alex papunta sa kotse niya at nakisabay pa si Mrs. Mercedes na masama ang tingin sa aming dalawa ni mama. Hindi rin nagtagal ang byahe at nasa ospital na agad kami. Grabe, ang bilis naman.




Dumeretso kami sa mga nagpapa-DNA test. Binunot nila ang isang piraso ng buhok ko at gano'n din kay Mr. Alex. At magru-run pa ng ibang test. Ang OA nila. Kung ayaw maniwala, 'di 'wag. Tsk.




Aalis na sana kami pero ang sabi ni Mr. Alex ay mabilis lang naming makukuha ang result. Oo nga pala, bilyonaryo siya.




Para rin akong nakalutang ngayon kaya para akong isang manikang hinihila nila.




Sa sobrang bilis ng mga nangyayari ay pakiramdam ko'y ang bilis din ang oras. Ang bilis bilis ng lahat. Para kaming hinahabol sa sobrang bilis.




Maya-maya pa'y nakuha na ang result ng DNA test. Wala lang reaksiyon si mama habang ako'y tulala. Mataray lang si Mrs. Mercedes habang excited naman si Mr. Alex.




Napaigtad ako nang sumigaw siya. Nang tingnan ko ang result ay confirm nga.




He's really my papa. Finally.




Dapat masaya ako 'di ba? Kasi sa wakas nakita ko na si papa. At ang nakakagulat do'n ay isang bilyonaryo pang hindi ko inaasahan ang magiging papa ko. Pero bakit may kirot? Bakit feeling ko ay may kulang? Bakit?

---
END OF CHAPTER 40

Continue Reading

You'll Also Like

Defiled Love By Michie

General Fiction

141K 1.2K 11
Venom Refiree, a typical playboy. Wala syang ibang alam gawin kundi ang makipag laro. For him, love sucks and true love doesn't exist. Ang salitang i...
784K 24.9K 43
Yolo, a basketball athlete and architecture student didn't expect that he would like a man. After all the banter with him, but eventually searching f...
69.8K 2K 28
BEAUTIFUL LIARS SERIES #2 MISS EAVESDROPPER >>Jhoe Ann (Jhoey) Adorable>>>>>>>>>>>>>>> Anthony x Jhoey Lovestory credits to cas @Iamacoy for the cover
801K 27.1K 53
R18 | MATURE CONTENT He was the kind of man mothers warned their daughters about. The kind who could get a woman's panties wet just with a look, the...