Fix you

By gorg1naly

701 60 0

Their eyes won't hide the lies that their mouth speak. Their action won't reciprocate the words that they pro... More

Paunang Salita
Kabanata 1
KABANATA 2
Kabanata 3
KABANATA 4
Kabanata 5
KABANATA 6
Kabanata 7
KABANATA 8
Kabanata 9
KABANATA 10
Kabanata 11
KABANATA 12
Kabanata 13
KABANATA 14
Kabanata 15
KABANATA 16
Kabanata 17
KABANATA 18
Kabanata 19
KABANATA 20
Kabanata 21
KABANATA 22
Kabanata 23
KABANATA 24
Kabanata 25
KABANATA 26
Kabanata 27
KABANATA 28
Kabanata 29
Ang wakas

KABANATA 30

18 2 0
By gorg1naly

"Gusto kong malaman ang nangyari." Napakalas ako sa yakap.

"Kung sasabihin ko ba ay ako ang pakikinggan at paniniwalaan mo?" Sabi ko. Ayokong magmukhang sinungaling ako. Kailanman ay hindi ko gagawin iyon sa kanya.

Tumango sya sa akin.

"Opo, Mahal." Ngumiti sya sa akin.

"Bakit ganoon ang nangyari? Bakit ka hinahanap nina Brandon at Maveric sa video mo sa social media?" Kumunot ang noo ko. Anong video?

"Anong video?"

"Noong dumating ako sa airport nag open ng cellphone si Axel na naiwan nya sa sasakyan nya. Nag play ang video mo na lasing kagabi at sa comment section ay hinahanap ka ng mga pinsan mo. Kaya sa unit mo ako nagpunta dahil ang sabi mo walang nakakapunta doon kun'di ikaw at ako." Pag papaliwanag nya. Huminga ako ng malalim.

"Noong gabi ng birthday ko ay hinanap kita sa mansyon nyo. Si Dam ang humarap sa akin at sinabi na hinatid ka ni Axel sa Airport papuntang Solar. Ang buong akala ko ay iiwan mo na ako. Nag book ako ng flight pero ban ang Luna sa Solar. Pumasok sa isip kong kaya ka umalis at tumakbo kay Azure dahil ayaw mo na. Kaya ni Azure na isaradong muli ang boarder basta hilingin nya kay Apollo. Ang akala ko sa galit ni Azure kaya ilalayo ka nya sa akin." Paliwanag ko sa kanya. Naging titig ang mga mata namin sa isa't isa. Minamapa nya ang bawat sulok ng aking mata na para bang nasa mata ko ang bawat pangyayari ng kahapon.

"Mula noon ay walang tigil ako sa pag inom. Gabi gabi, Mahal. Mababaliw ako pag hindi kita nakitang muli. At mas nababaliw ako pag naiisip na kaya kang itago ng kapatid mo sa akin. Hanggang sa nangyari ang kagabi. Umalis ako sa bahay ng lasing, may dalang bote ng alak. Baka si Dad ang tumawag kina Bran na hanapin ako." Sabi ko sa kanya. Niyakap ko sya.

"Hanggang sa nangyari ang kagabi. Hindi ko sinasadya. Umiikot na ang paningin ko sa sobrang kalasingan at siguro dahil sa sobrang kagustuhan ko na makasama ka ay nakita kita kay Jas—"

"Bakit ka nag dadrive ng lasing?" Iniba nya ang usapan. Alam kong masasaktan sya kung marinig nya. Pero ayoko i lihim lahat.

"Mahal, pakinggan mo ako. Ayoko na magkalamat ang tiwala mo sa akin. Gusto kong malaman mo na walang nangyari sa amin. Lasing ako, oo, pero ikaw ang nasa puso at isip ko. At sigurado akong walang nangyari dahil di ko kayang gawin iyon sayo. Di ko kayang tanggalin ang respeto ko sayo para lang sa isang gabi na pag sisisihan natin pareho. Gusto kong pakasalan ka at sabihin sa kapatid mo na buo mong ibibigay ang sarili mo sa akin—" pinatigil nya ako gamit ang kanyang hintuturo.

"Walang nangyari sa inyo?" Umiling ako.

"Wala. Pangako. Wala." Parang bata kong sagot.

"Kung ganoon sapat na iyon. Naniniwala ako at 'yon ang paniniwalaan ko. Hindi ko na kailangan pang malaman ang detalye ng gabing iyon. Dahil ayoko na ipasok sa isip ko na may isang gabi sa buhay mo na hindi ako ang kinalinga mo. Masakit. Mahal, masakit po." Sabi nya at niyakap ko sya ng mahigpit.

"I'm sorry. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang gawin na pagtaksilan ka, Azula. Ang mawala ka sa akin ay katumbas ng mamatay na lang. Mahal na mahal kita." Sabi ko.

"Mahal na mahal din kita, Luan." Kumalas sya sa yakap ko. Napaka swerte ko, may ganito ako kabait na girlfriend at ngayon ay mapapangasawa ko na.

"Ngayon, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Who told you that you can drunk drive?" Sumingkit ang mata nya sa akin. Nakalimutan ko na napaka alaga nya.

"Sorry na..." at pinitik nya ang noo ko.

"Careless! Hindi porket nakita mo na akong mag drive ng may inom ay gagayanin mo na ako. Hindi mo man lang inisip na babalik ako. Eh pano pag may nangyaring masama sayo. Umalis ako para kay Azure dahil naaksidente sya, tapos pag balik ko ganun ka din. Eh kung iuntog ko yang ulo mo!" Galit na sabi nya. Tumawa ako dahil sa pag mamahal na pinaparating nya sa bawat salita nya.

"I love you mahal."

Ngumiti sya sa biglaan kong pahayag.

"Uwi na tayo, gusto ko lang kausapin si Lola para sa nangyari kay Azure tapos uwi na tayo sa inyo. Ayoko munang mag stay sa bahay, nasasaktan parin ako sa ginawa ni Jastice, Mahal."Tumango ako at hinatak sya pabalik ng sasakyan. Ako na ang nagmaneho mula doon. Kwinento nya sa akin ang nangyari kay Azure. Ayaw nya pang umalis at gustong tulungan si Apollo ngunit tinaboy na sya ni Azure pabalik.

Nananatiling buo ang samahan nila ni Apollo at Azure. Alam kong pati kay Hecate ay buo ang tiwala ni Azula. Ilang beses binigay ni Hecate ang sarili nya sa kamay ni Azula noon. At ilang beses na pinagsabihan na bantayan at alalayan si Apollo noon.

Dumating kami sa Ancestral house nya. Ang mga pinsan nya ay kumpleto bukod kay Jastice sa loob ng bahay nila at sinalubong si Azula ng yakap ng kanyang Lola.

Tinanaw ako ni Tita Amber na nag bow sa akin.

"I'm sorry, Hunter. The last time. Ihingi mo ako ng dipensa sa lahat ng mga dumalo at sa iyong pamilya sa ginawa ng Anak ko." Tumingin sa akin si Azula at tumango.

"It's okay, Tita. Hindi po natin kontrolado ang sitwasyon. Maayos naman po kami ni Azula. Iyon ang mahalaga para sa akin." Sabi ko.

"Maraming salamat." Tumango ako.

"Mahal, hintayin kita sa sasakyan mo." Tumango si Azula at kinausap ang kanyang lola at mga tita na naandoon.

Nag hintay ako sa sasakyan nya na nasa grahe ng ibat ibang sasakyan ng BMW at Camaro. Parang car show ito sa kanilang parking na nakahelera. Ang angkan ng Renaldi ang isa sa pinagkakatiwalaan na angkan ng mga Fengari. Kaya ang Facility ng mga Renaldi ay laging kaduktong nag pasilidad ni Lucian Fengari kaya ang angkan nila ang isa sa respetado at pinaka mayaman sa mga monarchy family. Isipin mo, nasa iisang bahay lang silang lahat. Mga angkan ng mga Doctor.

"Congratulations Bra." Tinap ni Axel ang balikat ko.
Napalingon ako sa kanya.

"Medyo matatagalan ka pang mag hihintay, nag iiyakan pa sila mommy sa loob. Nag proposed ka pala. Bilis mo din ah." Sabi nya ay binuksan ang pinto ng sasakyan na katabi ng kay Azula at umupo roon.

"Kaya ko syang hinatayin habang buhay,Axel. Basta si Azula."

"Naks! Iba rin. Sorry sa suntok, pero deserve mo ng mga time na 'yon eh. Sana makalimutan ni Azula na sinuntok kita. Patay ako nyan." Sabi ni Axel sa akin na nginisian ko lang. Dumating si Dam at Dior at sumandal sa kotse.

"Congrats kuya. Pero iuwi mo paminsan minsan si Ate. Alam kong masama ang loob nya sa nangayri pero pwede naman sa pad kayo ni Kuya Azure tumuloy. Wag lang laging malayo si Ate. Mag aalala kasi si Lola." Hangga ako kung gaano ka family oriented ang pamilya nila.

"Depende kay Azula, Dior. Kung ano lang naman ang gusto nya ay iyon din ang susundin ko." Sabi ko kay Dior.

"Hoy, Dam, mag sorry ka! Di mo sinabi na kaya sya umalis ay dahil kay Azure. Pinalala mo pa nangyari.. 'Yan tuloy." Tinitigan ko si Axel para tumahimik sya. Baka mamaya ay madulas sya sa kanyang Pinsan.

"May iba pa bang nangyari?"

"Wala! Mag soryy ka na lang Dam!"

"Tsk! Sorry! Pero kasi nainis ako. Gago ako, pero di ako nag dodauble time." Sabi ni Damien.

"Sus! Hindi daw nag double time." Ngising pahayag ni Axel kay Dam.

"Hindi nya dinoble time, Kuya Damn.Umamin lang si Ate Jastice pero si ate Azula parin ang mahal nya." Kumamot sa ulo si Dior

"Ewan. Ang hirap nyo umintindi." Sabi nya at iniwan kami.

"Bagay sa kanya ang maging anesthesiologist, kinulang sa pasensya eh. Gusto agad gets agad kung hindi tuturukan nya ng pampamanhid." Tumawa ako sa sinabi ni Dam.

Napagkasundoan namin na mag billiards dahil sa tagal hanggang sa tinawag na ako ni Sabina.

"I will ask Damien to visit your company Hijo. I want a pad for my Grand daughter. Para sa ganoon ay hindi mo sya laging ilayo sa akin." Tumawa ako sa sinabi ng matandang Renaldi.

"I can shoulder it for you, Madame. Ipapadala ko ang tauhan ko. Para sa initial na laki ng lote na ibibigay nyo para sa Pad ni Azula, ako na po ang bahala sa gastos at sa desenyo.Hindi ko po sya nilalayo. Kung gusto nya po na dito ay i rerespeto ko po at kung gusto man nya na nandito rin ako, ay mananatili po ako." Ngumiti sa akin si Ezra na tulak tulak ang wheelchair ng lola nya habang ang magpinsan na Dam at Axel ang naglagay ng gamit.

"Under pala ang isang ito eh, Xel."

"Kuya Dam. Hindi kaya. That not being under, thats how he show his love and respect to ate." Sabi ni Ezra.

"Anong alam mo sa Love, Ezra?"

"Marami! Palibhasa puro kayo kalokohan ni Kuya Axel. Hindi kayo marunong mag seryoso. Kuya Hunter is the Ideal of all gurls, 'no? No wonder na marami talaga nagkakagusto sa kanya." Papuri sa akin ni Ezra.

"Hoy hoy! Magtigil ka Ezra! Gagaya ka pa kay Jastice eh! Pasok doon sa loob! Wala ka bang pasok sa academy?" Saway ni Axel sa kapatid na ikinasimangot ni Ezra sa tabi ni Sabina.

"Full moon break namin kuya!— Ate Azula, wag ka maniwala kay Kuya ah. Sayo lang talaga si Kuya Hunter. Ito ngang si Kuya Dam eh. Hindi man lang sinabi na kaya ka umalis dahil kay kuya Azure."

"Nag sorry na ako, Ezra. Okay na?" Natawa ako sa kanilang pagtatalo. Si Azula ay yumakap sa aking braso.

"I'm sorry for my Children, Prince Hunter. Ganiyan talaga sila once you enter the residence. They become more younger when they are inside. Hindi mo maiisip na mga doktor na sila." Ngumiti ako sa matandang Renaldi. Napakagaling ng pagpapatakbo nya sa kanyang pamilya. Masasabi kong puno ng saya ang pamilya ng Renaldi sa kabila ng yaman na meron sila.

"Lola, i will visit lalo na pag hindi naman po ako kailangan sa ospital at kaya wala akong medical mission. I just need to unwind with Hunter. Malay nyo sa pag balik ko ay gawa na ang pad. Dito muna kami titira ni Hunter." Paliwanag ni Azula.

"Hanep! Di pa kayo kasal nyan ah." Tumawa ako sa swetyon ni Axel.

"Basta Dude, ang usapan, kahit saan mo man dalhin si Azula, buo mo syang kinuha dito, buo mo syang ibabalik at kapag nadungisan 'yan, bahala kang tuosin ang galit ni Azure. Bahala kang makipag tuos sa kanya. Sundalo na 'yon ngayon. Kami na lang ni Axel ang gagamot sa sugat mo." Natatawang saad ni Damn.

Pumasok kami sa sasakyan at nagmaneho papunta sa district ko. Sinalubong ako ni Mommy pag pasok ng bahay. Si Dad ay naka sunod sa kanya.

"Di ka pumasok sa office dad?" Tanong ko sa kanya habang pinapadala sa bodyguards ang mga gmit ni Azula sa tapat ng pinto ng kwarto namin.

"I was looking for you."

"I'm fine dad."

"You look now." Sabi nya at tumingin kay Azula na nilalaro ang aso ni Art sa sofa.

"Artemisss!!!" Sigaw ko at mabilis na bumaba ito mula sa second floor.

"Where have you been! I been worried sick about you, Kuya— haaa Ateee! You're backk! I miss you!!" Ni Hindi man lang ako nalapitan ni Art at dumeretyo na sa kanyang Ate Azula.

"Omgoshhh!!! Mommmm!!" Sigaw ni Art at agad na lumapit si mommy. Tinuro ni Artemis ang kamay ni Azula.

"A ring, Mom! May soot na Ring si Ate!! Engage na sila ni Kuya! Kyaaaa!!" Niyakap ni Mommy si Azula at kinausap.

"Itatali ko na Dad para di ako iwan." Ngumisi si Dad sa akin.

At tiningnan namin ang tatlo naming anghel na nag tatawanan sa sofa.

"Kailan mo pormal na hihingiin ang kamay ni Azula sa mga Renaldi?" Tanong ni Dad sa akin.

"Depende po sa kung kailan din gusto ni Azula. Hindi pa naman napag uusapan kung kailan ang kasal. Basta ang mahalaga sa lahat ng makakakita ng kamay nya ay malalaman na engage na sya at soon ay nakatali na sa akin."

"What Azula wants, Azula gets, huh?" Tumango ako. Prinsesa sya kaya dapat sa akin ay ganun din ang maramdaman nya.

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Nagpadala ako ng tauhan sa Renaldi para sa Pad nya at mabilis ko naman na gawaan ng plano at nagawan ng design ng Architect sa company. Agad kong pinasimulan iyon.

Madalas kami sa penthouse namin noong matapos kong iparenovate ang kwarto at nilipat ang masters sa sumunod na malaking kwarto at pinaalis ko ang pader ng sumunod na kwarto para gawing walk in closet ni Azula.

Ayokong maalala nya sa dating masters ang nangyari gayong gusto nya sa yoko Building dahil mas malapit ito sa Renaldi Medical kesa sa bahay namin. Sabi nya para hindi ako mahirapan na mag hatid sa kanya since ayaw kong mag iiba pa sya ng sasakyan. Kung kailangan nya kasi ng sasakyan ay napaka raming sasakyan ng mga Pinsan nya at Tito sa ospital na maghapon lang nakapark doon.

Nag vibrate ang cellphone ko sa samutsaring kumento ng picture ng engagement ring ni Azula na kanyang suot. Lahat ng pinsan ko ay nagcomment at hindi mawawala ang mga kulitan nila sa comment section.

Dalawang bwan ay lumipas at muling nag bukas ang flight sa Solar. Una kong pinadala si Maveric at Hector sa Solar para sa Site visit at surveying para sa proyekto sa Solar.

Sinalo ko si Jastice nang gumewang sya at halos matumba. Nagkalat ang prinint nya na blueprint.

"I'm sorry. Okay lang po ako Sir." Dinaluhan ako ni Troy ay inalalayan si Jastice.

"You look pale, Are you okay, Architect?" Napatango sya kay Troy pero trinaydor sya ng kanyang sarili at natumba sya. Agad syang inalalayan ni Troy.

"What happened?" Naguguluhang tanong ni Azula at nilapitan si Jastice.

Agad akong humakbang papalayo. Baka maging mitya pa ito ng gulo.

"Jas? Are you okay." Inabot ko ang paper bag na binitawan ni Azula sa isang table. Mga pagkain namin iyon.

Pinulsohan nya si Jastice at iniscan nya si Jastice mula ulo hanggang paa. Kinuha nya ang cellphone nya at tinipa.

"Hello Dam. May pasente ka ngayon?... wala, pwede mo ba akong puntahan sa Firmitas'enArte. Si Jastice kasi..."

Napatigil ang panonood ko kay Azula ng biglang mag ring ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag ni Deianira.

"Okay naman kayo ni Azula, Right?" Kumunot ang noo ko sa pambungad na tanong ni Deianira sa akin.

"Jasmine, Oo. Bakit?"

"Pay my brother! May tinanggal syang kumakalat na litrato sa social media na kasama mo si Jastice. Ang i think nakita na ito ng mga Renaldi." Sabi nya at pinatay ang tawag.

Dumating si Dam ng office na masama ang tingin sa akin. Binigay nya ang cellphone nya sa akin.

"Gago! Mag uusap tayo sa bahay! Sasama ka kasi pinapatawag ka nina Tito." Nakita ko ang mga picture namin ni Jastice na magkayakap at sinasakay ako ni Jastice sa sasakyan noong gabi ko sa bar.

Bakit ngayon lang kumalat ito?

"Uuwi ka ngayon, Jastice Alkyn! Walang pero pero." Sabi nya at kinarga si Jastice, bridal style.

"Damn kaya kong maglakad!"

"Sabihin mo sa akin yan pag nakaya mo pa iyang hilo mo. Ang titigas ng ulo nyo!" Inis na singhal nya. Sumunod kami ni Azula. Sinakay ko si Azula at ang kanyang driver ay tumutok sa likod ko.

"Sure kang walang nangyari sa inyo ni Jastice noon?" Malamig na tanong sa akin ni Azula. Mabilis ko syang nilingon at bumalik sa windshield.

"Mahal ko, walang nangyari sa amin. Lasing ako pero alam ko ang ginawa ko. Ikaw ang nakita ko kaya ako umabot sa puntong muntik na pero hindi ko ginawa. Mahal maniwala ka.."

"Hinala ko ay buntis si Jastice." Nalaglag ang panga ko. Ano? Teka muna!

"Hindi ako ang ama noon. Maniwala ka sa akin, Mahal ko, mabaog man ako ngayon, hindi ko ginalaw ang pinsan mo." Saad ko at napahilamos ako habang nag mamaneho.

"Naniniwala naman ko. Pero sino?" Agad kaming nag punta sa mansyon. Bago bumaba ay hinawakan ko si Azula.

"Mahal, may kumakalat na picture namin ni Jastice noong gabi na nasa bar ako. At nakita na ng Pinsan mo. Baka i pilit nilang ako ang ama ng bata ni Jastice. Mahal ko, hindi ako. Sayo ko lang gusto magkaanak." Iiling iling kong sabi. Ngumiti si Azula.

"Naniniwala ako. Tara na." Bumaba kami ng sasakyan. At pumasok sa mansyon. Lahat sila ay nag hihintay sa amin. Si Jastice ay wala roon.

Si Damn ay akmang susugurin ako pero humarang si Azula.

"Stay back, o ako ang makakaharap mo, Dam." Malamig na tinig ni Azula. Lumapit agad si Axel.

"Bra, kung ako sayo wag mo na tangkain. Prinsesa natin yan saka.. basta wag na!" Pigil ni Axel.

"Ano itong kumakalat na letrato nyo ni Jastice." Tanong ni Tito Michael sa akin.

"Tito, wala po yan. Napagkamalan ko lang po si Azula si Jastice kaya ko sya niyakap." Saad ko. Bumaba si Jastice na umiiyak kaya nabaling ang atensyon nya kay Jastice at Sabina na pababa ng hagdan.

Inabot ni Jastice ang isang PT sa kanyang Mama at humagulgol ng iyak.

"Sorry po." Napasapo sa kanyang bibig si Tita Amber at tiningnan ang PT. Lumuhod si Jastice sa kanyang Lola at hinawakan ang kamay.

"Sorry Lola. Binigo ko po kayo. Sorry po." Umiiyak nyang sabi.

"Jastice! Ano ka ba namang bata ka!—"

"Amber! Hindi mo kailangan sigawan ang Apo ko. Hindi porket nagkamali sya ay buong pagkatao nya na ang pagkakamali. Hija, sabihin mo sa akin ang totoo, sino ang ama ng bata." Lumingon si Jastice sa akin.

Umiling ako. Anak ng Tokwa! Hindi ako!

"You jerk!! Tinuhog mo ang mga pinsan ko!"
Susugod ng suntok si Damien ng salagin ni Azula ang suntok nya at binaluit nya ang kamay ni Dam. Lahat ay nagulat.

"Woah!! Bra!! Azula... magagalit si Azure." Napabitaw si Azula sa kamay ni Dam dahil sa sinabi ni Axel.

"Sya ang ama? Jastice! Itong gagong ito?" Turo sa akin ni Dam. Ang mga Tito at Tita ni Azula ay puno ng prostrasyon.

"Hindi Dam."

"Paano ka nakakasiguro, Axel! Nasa Solar kayo noon."

"At paano ka nakakasiguro Damien! Wala ka rin noon! Walang nangyari sa kanila noon. Wala kang karapatan na pagbintangan ang mapapangasawa ko!" Malamig na tinig ni Azula.

"Hindi ako. Lasing ako pero hindi ko ginalaw si Jastice." Napasinghap sila. Nilapitan ako ni Azula. Sya lang ang naniniwala sa akin.

Kinalinga ng matandang renaldi ang mukha ni Jastice na umiiyak.

"Alkyn, mahal kong apo. Sabihin mo sa akin, sino?" Bumuhos muli ang luha ni Jastice.

"Ang pinsan po ni Hunter. Si Hector po. Wala pong nangyari sa amin ni Hunter kasi inakala nya lang naman na ako si Azula, pero di nya kayang I-disrespect si Azula. Kaya po ako ilang araw na wala sa bahay kasi, si Hector po ang kasama ko. May nangyari po sa amin, Lola." Para akong binunutan ng tinik. Tulad ko ay napahilamos sa mukha si Tito Arthur.

Humawak sa kamay ko si Azula habang tinitipa ko ang cellphone ko at tinawagan si Troy.

"Puntahan mo ang kapatid mo sa Solar. Sabihin mo umuwi! Ang gago idadamay pa ako." Sigaw ko kay Troy sa oras na sumagot sya sa tawag.

"Wag!! Hunter wag!!" Naiyak na sabi ni Jastice. Niyakap sya ng matandang Renaldi.

"One night stand lang ang nangyari sa amin ni Hector. Tinulungan nya lang akong makamove on sayo. Please wag.."

"Ano??! Hindi pwedeng walang managot nito Anak!" Sigaw ni Tito Michael habang yakap yakap ang asawa na umiiyak. Masakit ito sa kanila. Nag iisang anak nila si Jastice.

"Pero Pa, ayoko matali sakin si Hector dahil lang sa bata—"

"Papanagutan ka ni Hector at ang bata." Siguradong saad ko.

"Paano ka naman nakakasigurado? Ha? Hunter!"sigaw na sabi ni Dam. Binatukan sya ni Axel.

"Hoy bra! Makapagsalita ka dyan! Prinsipe parin yan!" Ngumisi ako kay Axel, tama si Azula, si Axel sa mag pipinsan nya ang mas makakaintindi sa kanya at sa akin. Para syang si Azure na botong boto sa akin para sa pinsan nya. Sa kabilang banda, hindi ko masisise si Damien, lagi nyang sinusundo si Jastice sa Triton dati. Kaya alam kong mas close sila ni Jastice kesa kay Axel.

"Paano, Hunter? Isang maling issue ito pag lumabas sa media! Ang pamilya mo ay madadamay!" Galit na saad ni Tito Damien Sr.

"Alam ko dahil highschool pa lang may gusto na si Hector kay Jastice. Kaya sya nag Architect dahil lagi ko rin pinipilit kay Jastice na bagay sya sa pagiging arkitekto." Napatunghay si Jastice sa sinabi ko.

Isa iyon sa dahilan kaya di ko nagustohan si Jastice. Gusto sya ng pinsan ko at hindi ako para mang-aagaw.

Saglit na humupa ang tensyon sa malawak na living room ng mga Renaldi. Si Azula ay nanatili sa tabi ko.

"Hindi ka muna papasok. Mag iwan ka ng memo sa email ko para ma disseminate ko ng ayos ang mga hawak mong proyekto. Ako na ang bahalang kumausap sa mga client mo." Sabi ko kay Jastice.

"Kaya ko po, Engineer." Nakatungo nyang sabi.

"Ako ang boss mo, kaya ako ang masusunod. At kung si Hector ang ama ng batang dala mo, tandaan mo na kasosyo ko sya sa Firmitas'enArte. Hindi matutuwa si Hector pag nalaman nya ang lahat tapos pinagtrabaho pa kita." Sabi ko sa kanya at tumango.

Itinaas sya ng kanyang mama sa kwarto. Kasama ang kanyang lola na nakasunod. Maging ang tita nya ay lumisan.

"Anong balak mo dito Prince Hunter! Hindi kami papayag na walang managot nito sa Anak ko." Tanong sa akin ni Tito Michael.

"Mas maganda po na sabihin sa magulang ni Hector pag nandito na sya. Pinasundo ko na po sya sa Solar at mas gusto ko na mag usap din sila ni Jastice. Wala po sa akin ang sagot. Nasa kanila pong dalawa. Dahil labas na po ako. Si Azula lang naman po ang dahilan kaya ako nandito." Sabi ko sa kanila.

"Tito, mas maganda po na wag nyo pong ipilit ang napagkasundoan nila ni Hector. Sila po ang magulang ng bata. Malaki na rin si Jastice para magdisisyon para sa sarili nya. Dapat lang tayong maging gabay sa kanilang dalawa." Tumango ang mga Tito nya.

"Kung ganoon ang gusto ng Prinsesa ng pamilya ay wala akong magagawa." Sabi ni Tito Michael. Grabe din nilang irespeto si Azula na tunay namang karespe-respeto.

Hinalikan ko ang tuktok ng ulo nya.

"Ayan kasi! Ang tanga mo kasi masyado, Dam! Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Azure na reserve army sila sa Solar ni Azula."

"Pero ang amo nya ngayon kay Hunter. Ibang klase." Dinaluhan ng tatay nya si Damien ay tiningnan ang braso.

"Wag mo kasi awayin. Ikaw ba pag nakakita ka ng lion susugurin mo? E 'di pinatay ka noon agad. Doctor ka pero ang hina mo sa logic." Natawa ako sa sinabi ni Axel.

"Gumagaya ka na kay Azure." Singhal ni Dam.

"Mahal.." bulong ko kay Azula. Nilingon nya ako.

"Magpakasal na tayo para matapos na ito, ang daming hadlang eh! Hindi pa ba nila na gets na akin ka lang. Hindi ako susuko." Sabi ko at hinalikan ang noo nya.

"Ay hanep! Kaya kapangit ka bonding! Exit na ako! Nagsisimula na dumating ang langgam eh. Maasukal kasi ang dalawang ito." Nakapamulsang lumabas ng pinto si Axel.

"What happened to that night that Jastice is with you." Natigilan ako sa tanong ni Tito Damien Sr sa akin.
Napalingon ako kay Azula.

"Tito, i think it's a good idea to talk about—"

"Azula, Hija. Ayoko ng sekreto sa pamilya natin. Maging si Mama ay ayaw ng pag lilihim sa pamamahay na ito." Siguro ito ang dahilan kaya nananatili silang buo at masaya.

Napalunok ako sa sinabi ni Tito Arthur.

"That's 2 months ago, Sir. Noong akala ko na iniwan ako ni Azula dahil sa biglaan nyang pag punta sa Solar. Hindi sinabi ni Dam na kasama nya si Axel at para kay Azure kaya sya umuwi. Akala ko ay tumakbo sya sa Solar dahil nasasaktan sya sa pg amin ni Jastice sa akin. I was totally drunk that time kaya akala ko si Jastice ay si Azula na binalikan ako. Dahil na rin sa buhok na meron sya noon." Sabi ko at sumenyas sa aking leeg para sabihin na maikli ang buhok ni Jastice tulad ni Azula.

"I will admit i run my hands to your daughter's body, Dr. Michael. Ngunit 'yon ay dahil ang buong akala ko ay pinapayagan na ako ni Azula na kailan man ay hindi nangyari sa relasyon namin. But i stop immediately dahil taliwas ito sa prinsipyo ko. Malinis ang intensyon ko kay Azula kaya alam kong di kami umabot sa puntong iyon ni Jastice. Hindi ako ang ama ng batang dinadala ni Jastice." Damdam ko ang pag higpit ng hawak ni Azula. Tumango sa akin si Tito Michael.

"I'm still asking forgiveness, Sir. Kung hindi ako nagpabaya, hindi sana aabot sa puntong makita ako ni Jastice na nasa ganoong disposisyon." Pahayag ko at muling tumungo.

"Bakit ngayon lang nilabas ang ganitong klaseng larawan? Gustong sirain kayo ni Azula?" Tanong ni Tito Damien.

"I don't know Tito. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa ito pero hindi ito makaka apekto sa kung ano ang meron sa amin ni Luan. Si Luan lang ang paniniwalaan ko." Sabi ni Azula sa amin. Napangiti ako at muling hinalikan ang ulo nya

"Pinadown ko na po ang picture sa social media. Mananatiling tahimik ang engagement namin ni Azula." Pagkumpirma ko sa kanila.

Ginamit ko ang pagkakataon para mag visit ng site sa likod bahay ng Renaldi para sa pad ni Azula. Malapit na rin sa kalahati iyon.

Malalim ang gabi ay sinundo ko si Hector at Troy sa airport. Mabuti at nakakuha ng flights si Troy the same day din.

"Sasama ka sa akin, Hector. Troy, maraming salamat sa pagsundo mo sa kapatid mo. Magpapadala bukas ng kapalit ni Hector." Malamig na sabi ko at dumeretyo si Hector sa loob ng sasakyan ko.

"Anong nangyayari?" sinalya ko si Hector sa pinto sa loob ng sasakyan.

"Ikaw! 'Di ba ang turo ko sayo, kahit anong mangyari, wag kang mamimilit ng babae! Gago man ang ilan sa Tito natin pero dapat ay hindi ka ganoon, Hector!" Ang takot sa mata nya habang idinidiin ko sya sa pinto ng sasakyan.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Hunter!"

"Prince Hunter! Galangin mo ako ngayon dahil hindi ko gusto ang ginawa mo! Pati pangalan ng Renaldi idadawit mo sa kagaguhan mo!" Sabi ko at binitawan sya.

"Buntis si Jastice at sinabi nyang ikaw ang ama!" Sabi ko at nagsimulang magmaneho.

"Buntis si Jastice? Paanong—" napahampas ako sa manibela.

"Malay ko sayo! Tangina! Ano bang pinag gagawa mo, bakit ka nag kaka ganiyan Hector!" Nanatili syang tahimik Hanggang sa makarating kami sa bahay ng mga Renaldi.

Parang napako ang paa ni Hector sa loob ng sasakyan. Hinatak ko sya palabas ng sasakyan.

"Umayos ka! Gagawa ka ng gulo na hindi mo paninindigan? Harapin mo si Jastice doon." Naglakad kami papasok ng bahay.

"Hindi ganito ang gusto ko!" Tumaas ang lahat ng dugo ko sa ulo sa sinabi ni Hector sa harap ng pamilya ng Renaldi. Bago pa man masugod ni Dam si Hector ay natumba na sya sa lakas ng suntok ko.

"My apologies,  Familia Renaldi. Mukhang kailangan kong turuan ng leksyon ang isa sa parte ng pamilya namin." Nagpalagutok ako ng kamay at hinatak si Hector palabas. Padarag ko syang itinapon sa labas.

"Anong gusto mo kung ganoon? Wala akong pakialam kung ginusto mo o hindi. Ang kaso dito ay gumawa ka ng desisyon na di mo man lang pinag isipan. Lalaki ka ba talaga? Nasan ang Hector na nag kukumahog kay Jastice noon? Bakit naduwag kang bigla dahil lang sa responsibilidad!" Sigaw ko at galit na tinitigan si Hector. Nang gagalaiti ako dahil sa mga rason nya. Hindi sapat sa akin na one night stand lang iyon. Dahil kung hindi nya rin gusto dapat ay hindi nya sinamantala ang pagkakataon na malungkot at nasasaktan si Jastice dahil sa akin. Kung alak lang ang dahilan, dapat ay nilimitahan nya si Jastice at bakit ako nakaya kong pigilan gayong nung mga gabing iyon ay si Azula ang nakikita at naririnig ko at nung mga gabing iyon pinipilit ni Jastice ang sarili nya sa akin ngunit nakaya kong pigilan.

Hindi ko alam kung saan sya nanggagaling. Kung bakit ganito sya ngayon gayong noon ay halos layuan nya ako dahil sa akin malapit si Jastice. Nag kukumahog sya dati para sa attensyon ni Jastice.

"Hijo, hindi dapat humantong sa pisikalan!" Masyadong mabait ang pamilyang ito para sa pinsan ko.

Kanina ay nanggagaliiti sila sa akin dahil sa akala nila ay tinuhog ko ang magpinsan. Ngayon ay kalmado sila.

"Pasensya na po, Dr. Michael. Hindi po ganoon ang sistema ng pamilya ko. Kailangan malaman ng pinsan ko ang maling ginawa nya." Tumingin ako kay Azula at tumango sya sa akin.

"Dam, wag kang mangialam." Sambit ni Azula. Humakbang ako papalapit kay Hector na nakatungo.

"Una! Ibinilin ko sayong kahit anong mangyari hindi ka mananakit at mamimilit ng babae!" Sabi ko at muli syang sinuntok.

"Pangalawa, ipinagbilin ko sayo si Jastice dahil baliw na baliw ka sa kanya! Tapos ngayon na nagbunga ang kabaliwan mo para kang duwag na uurong ang buntot!" Muli akong lumapit at sinuntok sya kaya tuluyang napa upo si Hector.

"Pangatlo, hindi sapat sa akin na ang rason mo lang ay nalasing ka at hindi mo ginusto, dahil kung hindi mo gusto, dapat ay si Jastice lang ang lasing dahil i uuwi mo sya sa bahay nila pag lasing na sya. Anong hindi mo ginusto? Ano? Kusang gumalaw 'yang kamay mo sa katawan ni Jastice, huh? Wag mo akong gawing tanga, Hector! Lalaki rin ako!" Lalapit sana akong muli at susuntukin si Hector ng biglang lumabas ng bahay si Jastice at tumakbo papalapit kay Hector.

"Luan!" Kusa akong tumigil at umurong sa sigaw ni Azula. Bigyan mo pa ako ng mahaba habang pasensya, Mahal.

Umiiyak na hinawakan ni Jastice ang kamay ni Hector.

"Sorry." Napasinghap si Dam at Axel. Si Tito Michael ay napa hampas sa malaking salamin ng kanilang bahay.

"Kung hindi mo ito gusto ay okay lang. Hindi kita pipilitin. Hindi ako handa Hector at natatakot din akong hindi ako maging sapat bilang isang ina pero, nandito naman ang pamilya ko. Kung ayaw ay hindi kita itatali sa akin dahil lang sa responsibilidad. Ayokong lumaki ang anak ko ng buo ang pamilya ngunit dahil sapilitan." Napahilamos ako sa mukha ko sa narinig ko. Ilang ulit akong nagpabalik balik ng paglalakad hanggang sa mahina kong hinatak si Jastice at binigay kay Azula.

Dinampot ko ang kwelyo ni Hector.

"Tangina ka! Naririnig mo iyon? Ang babae ang gagawa ng paraan sa gulong pinasok mo! Nakaya mong masiyahan sa gabi mo sa kanya pero uurong ka sa panahon na kailangan ka nya!"

"Hunter! Ako lang ang may gusto. Pinilit ko lang sya!" Sigaw ni Jastice. Nanlumo ang kanyang ina.

"Hindi ganoon iyon Jastice! Hindi ito tulad ng kung paano mo ako pinilit noon gayong ang pinsan mo ang nakikita ko sayo! Sa oras na pumayag ang lalaki ito, eh ginusto nya rin ang lahat! Kahit pinilit mo ay sya dapat ang may kontrol dahil sya ang lalaki!" Sabi ko kay Jastice.

"At ikaw! Nakita mo kung paano ko pinaglaban ang kapatid ko sa pamilya natin! Sa tatay mo at sa tiyuhin natin! Ang maling disisyon ng tatay ko na dahilan ng paglaki ni Artemis na walang kinikilalang ama! Gagawin mo rin sa anak mo! Gusto mo ipakulong din kita?" Nanatiling tahimik si Hector sa akin.

"Hindi kita pipilitin na pakasalan mo dahil para na rin kitang sinubuan ng mainit na kanin na iluluwa mo rin dahil sa napaso ka! Ang sinasabi ko paninindigan mo ang bata bilang ama nya! Ibibigay mo iyon dahil ikaw ang ama nya! Punyeta!" Ang bawat mura ko ay puno ng diin. Sana ay maintindihan nila ang pinanggalingan ko.

Best friend ko si Jastice noon. At napaka bait nya. Hindi nya deserve ang lahat ng ito dahil lang sa gagong pinsan ko.

"Prisipe Luan, sila ang mag didisisyon nyan. Lumampas ka na sa sinabi mo kaninang irerespeto mo ang gusto nilang dalawa, ako man hindi payag na walang kilalaning ama ang bata ni Jastice. Kaya namin syang palakihin ng isang tuwid na bata sa loob ng bahay na ito pero ayokong itanong nya sa sarili nya bakit wala syang ama. Hayaan mo silang mag disisyon." Napalingon ako kay Azula sa pag tawag nya sa akin ng Prinsipe. Dahan dahang lumapit si Jastice ngunit gumewang sya at sinalo ni Hector. Dinaluhan sya ni Dam at Axel kaya napalayo si Hector.

"Can we just continue this tomorrow." Tinakpan nya ang bibig nya at umaktong nasusuka.

"Axel your perfume stinks!" Lumapit si Tita Savannah at humakbang palayo si Axel. Kinalinga sya ng kanyang Tita habang nanlalambot.

"Jas..."

"Wag kang lalapit.. kung gusto mong ako ang sumuntok sayo!" Sabi ni Axel. Nakita ko ang mga mata ni Jastice kay Hector.

"Tita, gamotin mo 'yong sugat nya sa labi. Hindi bagay kay Hector ang ganoon." Sabi nya habang inaabot kamay si Hector, malambing ang bawat titig ni Jastice at nagsusumamo na malapitan ang pinsan ko.

Suminghap si Dam.

"Tss. That's one of the sign." Sabi nya.

"Ako ang gagamot ng sugat nya—"

"Ayoko, Princess Azula. Kung hindi si Tita ay ako na lang. Please. Ayokong magka pasa ang mukha ni Hector. Masyadong itong perpekto para sa galos." Napamura ako, si Axel, Dam at ilan sa mga Tito nya.

Ito ang mahirap sa buntis, pag nag crave ay wala kang magagawa. Sa senaryo ngayon, si Hector ang hinahanap ng katawan ni Jastice. Sya ang gusto nyang makita.

"Mahal, dito tayo tutulog. Ipasok mo ang pinsan mo sa isa sa guest cabin namin." Tumango ako kay Azula.

"Tito, pagpahingahin nyo na po si Tita Amber. Ako na pong bahalang umalalay kay Jastice. Tita Elizabeth, maari nyo po bang silipin si Lola. Baka hanggang ngayon ay nag hihintay pa iyon at hindi pa natutulog. Bawal kay Lola na mapuyat. Tita Savannah pwede po bang samahan nyo ako?" Ang mga hiling ni Azula ay puno ng pag mamahal. Sa susunod na mga taon sya ang mamumuno sa pamilyang ito. Siguro ito rin ang dahilan kaya kahit sa maikling panahon pa lang ay nirespeto nila si Azula, bukod sa prinsesa ng pamilya ay tinitingnan nya ang lahat ng aspeto na makaka apekto sa kanilang lahat.

Sumunod sa akin si Hector. Pinasok ko sya sa cabin at sumandal sa labas ng pinto. Si Tita Savannah ay pumasok dala ang mga gamot. Si Azula ay nasa nanatili sa pinto sa aking tabi. Sumandal din sya sa hamba ng pinto tulad ko.

"Jastice, gabi na kailangan mo ring magpahinga."

"Please, Kuya Dam. Kahit ngayon lang. Bukas at sa mga susunod na araw ay babalik sya ng Solar para sa project doon." Makulit na sabi ni Jastice kahit inaakay din sya ni Damien dahil nagewang sya sa hilo.

"Tapos na Jastice. Magpahinga ka na." Sabi ni Tita Savannah na kalalabas lang ng pinto.

"Tita, pwede tingnan ko uli? Gusto ko lang makasigurado." Ngumisi si Tita Savannah at tumango.

"Dam, pabayaan mo. Ikaw ang Obgyne ng pamilya. Alam mong isa 'yan sa craving ng buntis. Ang kanilang kabiyak. Para na rin makapag usap sila." Binigay ni Tita Savannah ang mga ointment kay Jastice na lumiwanag ang mukha at nagmadaling pumasok.

"Kami na ang bahala dito, Dam." Sabi ni Azula at tinaboy si Dam na wala namang nagawa. Nanatili kaming nakabantay sa may pinto. Naririnig namin ang pinag uusapan nila. Napapasinghap ako sa pg sosorry ni Jastice sa gago kong pinsan. Pero hindi nagtagal ay nagsimula silang magtawanan.

Kung sana ay ganoon na lang. Iyong masaya silang dalawa.

"You are a bit harsh, Mahal. Natutunan mo iyan kay Apollo sa kanyang mga bala sa katawan mo?" Lumapit sa akin si Azula at ngumiti ako sa kanya. Niyakap ko sya.

"Masyadong makulit ang pinsan ko. Bakit ba ang hilig nilang gawing komplikado ang lahat."

"Hector!! Hahahaha ano ba!! Tigilan mo iyan!! Hahhahaha" narinig namin ang halakhak ni Jastice na para bang sobrang saya nila gayong kanina ay umiiyak sya.

"Mukhang kailangan na natin umalis mahal. Hayaan natin sila ngayong gabi. At ikaw naman, napakisig mo habang sinusupil mo ang pinsan mo. I like it." Natawa ako sa inabi ni Azula. Hinatak ko sya pabalik ng mansyon at nagtungo sa kwarto nya.

Hindi na ako makapag hintay na si Azula ang ganoon. Iyong hinahanap hanap nya ako dahil nag lilihi sya sa magiging anak namin at ako ang gusto nya laging makita.

Continue Reading

You'll Also Like

122K 7.5K 7
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
12.8K 516 47
Katherine Villafuerte stained one of Hulatan's respected family. Despite what happened, she had to subdue herself from that past. But things underwen...