GOODBYE MYLOVE [ON-GOING]

By _dreamtrvllr_

362 251 21

Do you believe in love? Pero paano nalang kaya kong yong minamahal mo'na ay biglang mawala sa'yo. Maniniwala... More

PROLOGUE
π™³π™Έπš‚π™²π™»π™°π™Έπ™Όπ™΄πš
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8

CHAPTER 6

27 25 1
By _dreamtrvllr_

Klea's pov

Habang hinihintay namin si Kaji ay may lumapit samin na studyante puro babae at masasama ang titig sakin.

"Hey, ikaw ba si Klea?" Tanong nito sakin.

"Oo bakit?" Saad ko naman.

"S'ya ba yung kasama lagi ni Kaji best?" Tanong naman ng isa nitong kasama.

"Itsura pa lang walang wala na sa'yo Veronica." Ani naman ng isa.

"Alam mo girl kong ako sa'yo layuan mo na si Kaji dahil kahit kailan hindi ka n'yan magugustuhan, Let's go girls." Ani ng sinasabi nilang Veronica at umalis na.

"Hoy Klea wag mo pansinin ang mga yon, wala lang silang magawa sa buhay." Wika ni Christ.

"Oh bakit? may problema ba?" Saad ni Kaji na kakarating lang.

"Ah wala tara kain na." Wika ko at kinuha na ang pagkain ko. Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain. Iniisip ko parin ang sinabi ni Veronica, totoo nga mas maayos ang itsura n'ya sakin at mas mayaman.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa susunod naming subject. Ganun parin ang nangyari puro discuss lang ang prof namin hanggang sa matapos ito. Mabilis akong lumabas ng room namin para hindi makasabay si Kaji.

Kaji's pov

Nakita ko si Klea na nagmamadaling umalis kaya hinabol ko agad ito pero mukhang ang bilis nito maglakad dahil hindi ko na s'ya naabutan.

"Pare sinong hinahanap mo d'yan." Turan ni Christ.

"May nabanggit ba si Klea sayong problema n'ya?" Saad ko na may buong pagtataka. Iniiwasan ba ako ni Klea.

"Wala naman pare, Pero kanina sinabihan ni Veronica si Klea na layuan ka daw dahil hindi mo daw magugustuhan si Klea." Saad nito na nakapagpainit ng ulo ko. Dali-dali akong sumakay ng kotse ko at pinuntahan sa bahay nila si Klea.

"Tao po, Klea!" Katok ko sa pintuan nila at pinagbuksan ako ng kanyang nanay.

"Ah tita pasensya po sa istorbo, nandyan po ba si Klea?" Wika ko sabay ngiti.

"Ah oo naman iho pumasok ka mo na dito at nang makakain ka mo na." Ani ng kanyang nanay.

"Salamat po." Saad ko at pumasok na sa loob ng bahay nila.

Nakita kong kumakain si Klea at nagulat ito, para naman akong multo. Ngitian ko ito pero umiwas ito ng tingin sakin..

"Umupo ka mo na d'yan iho dahil kukuhanan kita ng pagkain mo." Ani naman n'ya.

Kahit isa ay walang nagsalita samin dahil parang naiilang sakin si Klea. Para hindi mamayani ang katahimikan ay ako na ang unang nagsalita.

"Ah klea." Wika ko.

"Ahm bakit?" Ani n'ya na hindi lumilingon sakin.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong ko sakanya na nakapagpatigil sakanya na kumain.

"Hindi ah bakit mo naman natanong yan?" Turan naman nito.

"Kanina kasi nakita kitang nagmamadaling umuwi." Ani ko.

"Ah yon ba? Bigla kasing sumakit ulo ko kaya nauna na ako para makapagpahinga." Wika n'ya

"Bakit hindi mo sakin sinabi? Okay ka na ba? Masakit pa?" Sunod sunod na tanong ko. Binatukan ako nito sa ulo at tumawa.

"Para kang baliw Kaji kong mag-alala parang kang nanay ko." Saad n'ya na ikinatawa ko.

"Mukhang ang saya nyo d'yan ah, Oh iho kumain ka na baka nagugutom ka na." Wika naman ni tita.

"Salamat po tita." Ani ko at kumain na. Ang sarap talaga magluto ng Nanay ni Klea.

Bago ako umuwi ay nagkwentuhan mo na kami ni Klea at nang Nanay n'ya. Ang dami namin napagkwentuham dahil sobrang daldal ni tita, ang saya kausap ni tita nakikita ko sakanya ang mommy ko dati.

"Tita salamat po sa masarap mong pagkain at pati na din sa pakikipagkwentuhan sakin, Ah Klea sabay tayo bukas pumasok." Wika ko naman sabay kamot sa batok ko.

"Asuss oo na sunduin mo ako dito bukas manong driver." Ani n'ya at nagtawanan.

"Grabe ka sa manong driver, Oh s'ya mauna na ako." Saad ko at pumasok na sa kotse ko.

"Mag-ingat ka iho." Ani ni tita.

"Opo tita, bye Klea." Wika ko at pinaandar na ang sasakyan.

Umuwi nanaman akong masaya, nadatnan ko ang mommy ko na umiiyak.

"Mom, what happen?" I said and hug her.

"I'm sorry son, for everything." Saad ni mommy habang umiiyak.

"Sorry for what mom?" Wika ko.

"Patawarin mo ako son dahil naging pabaya akong magulang sa'yo." Wika n'ya habang umiiyal parin. Doon ko lang narealize na ang tinutukoy n'ya ay hindi n'ya ako nabigyan ng atensyon for almost year.

"Mom, aaminin ko malaki ang tampo ko sainyo ni dad pero hindi ko parin kayo matitiis dahil magulang ko kayo." Saad ko naman.

"Babawi ako son, patawarin mo lang ako." Ani n'ya.

"Mom matagal ko na po kayong napatawad." Wika ko at nginitan s'ya.

Niyakap ako nito ng mahigpit, sobrang namiss ko ang yakap n'ya dahil ilang years din hindi n'ya ako nayakap. Umakyat na ako sa kwarto ko at natulog ng hindi nagbibihis.

----------------

Klea's pov

Bigla akong napabalikwas sa kama ko dahil sa tunog ng alarm clock. Mabilis akong tumayo at naligo, pagkatapos kong maligo ay nagbihis mo na ako.

"Klea! anak bilisan mo naghihintay si Kaji dito." Sigaw ni Nanay sa baba.

"Opo Nay nagbibihis nalang ako." Sigaw ko din. Mabilis akong nagbihis at nag ayos ng gamit ko, Nang matapos ko lahat ayusin ay bumaba na'ko at nadatnan si Kaji at Nanay na naguusap. Bigla naman itong napatingin sa gawi ko.

"GOOD MORNING klea." Saad nito.

"Good morning din." Ani ko at nginitian ito.

"Let's go?" Turan ni Kaji.

"Tara na manong driver." Saad ko at ibinigay ko sakanya ang bag ko.

"Mukhang na ba talaga akong manong Klea? Sa gwapo kong ito magiging manong lang aba." Wika nito na nakasimangot ang mukha.

"Teka bigla atang lumakas ang hangin banda dito sa tinatayuan ko." Saad ko at nainis pa si Kaji.

"Ang sama mo!" Turan nito at iniwan kong nakatayo.

"Oh bilisan mo manong driver malate tayo n'yan sa school." Wika ko naman sabay tinawanan ito dahil sa itsura n'yang hindi na madrawing.

Sumunod na din ito sakin sa kotse at nagdrive na ito. Mabilis itong magpatakbo ng sasakyan kaya nakarating din kami agad. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng kotse.

"Ops teka ms.klea." Tawag sakin ni Kaji.

"Oh bakit manong driver?" Wika ko at tinignan ito.

"May bayad ang pagsakay." Ani n'ya at tinarayan ito

"Anong bayad?" Tanong ko.

"Kiss, dito oh sa pisnge ko." Saad nya sabay turo sa pisnge n'ya. Tinawanan ko nalang ito at naglakad na palayo, dinig ko parin ang tawag n'ya sakin.

Ngayon ko lang nakita si Kaji na ganun sakin, hindi gaya dati na kong bullyhin ako kulang nalang mapatay ako.

Continue Reading

You'll Also Like

90.8K 5.5K 35
A story of four brothers whose life revolves around each other. Fate wasn't kind to them, but they were in it together, always have been and always w...
9.7K 595 19
TML | book 2
25.1K 884 124
Just another story idea book after story idea 4 is done I'll work on more ideas on this book
8K 1.5K 22
Gemini : 23 year old>> Fourth : 19 year old >>