Sandro asked you something. Accidentally, you confessed your feelings for him.
Humiga ka sa kama, natulala sa kisame, pinalipas ang ilang minuto hanggang sa mapagtanto mong nasabi mo na nga ang tunay mong nararamdaman para sa taong matagal mo nang hinahangaan.
Kinabukasan, hindi ka mapakali dahil sa mga nasabi mo kay Sandro.
Napaupo ka sa kama habang nakatulala. Huminga ka nang malalim.
Pinuntahan ka ni Sandro.
"Faith, Sandro is here." Sabi ng mommy mo. "Okay ma. Pababa na ako." Sagot mo.
Pagbaba mo, nakita mo siyang nakaupo sa sofa. Umupo ka sa tabi niya. "What brings you here? Wala naman tayong usapang lalabas tayo." Sabi mo. "I am here 'cause we need to talk." Sabi niya. "About what?" Tanong mo sa kanya. "About our confessions to each other last night." Sabi niya. Natahimik ka. Naalala mo ang mga ipinadala mong mga mensahe sa kanya kagabi.
"Come here. Dito tayo sa garden." Sabi mo. Sumunod naman siya sayo. "Are you okay?" Tanong niya sayo. "Of course I am." Sagot mo. "After what happened last night, are you sure you're okay?" Tanong niyang muli. "Well, actually until now I'm still shocked with what I did. Nabigla ako kaya ko nasabi lahat yon out of nowhere." Sabi mo. "Pero lahat yon, totoo?" Tanong niya. "Oo. Natatakot lang talaga akong umamin sayo dahil baka pagkatapos kong umamin sayo mawalan ako ng kaibigan." Sabi mo. "Don't worry. After what happened last night, nothing will change. We're still friends. With special feelings." Sabi ni Sandro. "Nagkaaminan na tayo. Sunod nito baka tayo na." Sabi mo. "Agad agad? Di ba pwedeng manligaw muna?" Sabi niya. "Diba hindi naman ang panliligaw ang pinapatagal? Yung relasyon." Sabi mo. "Besides, your Lolo don't believe in courtship. Kaya nga pinakasalan niya kaagad si mama Meldy di ba?" Dagdag mo pa. "Yes pero iba na ngayon. Ang lahat ng minamadali, hindi nagtatagal." Sabi niya. "So what's your plan?" Tanong mo. "Araw araw kitang liligawan hanggang sa maging tayo." Sabi niya. "Basta walang magbabago, ah." Sabi mo. "Marami. Lalo na kapag naging tayo." Sabi niya. "Baka naman busy ka tapos siningit mo lang ang pagpunta dito." Sabi mo. "Sumaglit lang talaga ako para doon sa naganap na aminan last night. Natatakot nga ako sa daddy mo. Baka hindi na niya ako payagang dumalaw sayo." Sabi niya. "Di magpaalan ka na liligawan mo ako. Ganoon lang naman kasimple yun." Sabi mo. "Hindi rin. Knowing that you're their unica hija, jusko. Baka magpapaalam pa lang ako, palabasin na ako agad sa compound niyo." Sabi niya."We'll never know unless we try." Sabi mo. Let's try. Malay natin mag work." Sabi niya.
Bigla siyang tumayo. "Where are you going?" Tanong niya. "May itatanong lang ako kay tito." Sabi niya. After two minutes, bumalik siya sa tabi mo. "Anong ginawa mo?" Tanong mo. "Humingi ng approval." Sabi niya. "Approval para saan?" Sabi mo. Lumapit sa inyo ang daddy mo. At sinabi niyang, "Para maligawan ka."
Nagulat ka. "Dad, are you serious?" Sabi mo. "Yes anak. Nakapagpaalam na siya. And pinayagan ko siya." Sabi niya sayo. Tumingin ka kay Sandro at nginitian ka niya. "Happy ka?" Tanong mo. "Happy. Happy ako kapag happy ka." Sabi niya. "Hindi pa rin ako makapaniwalang ako ang unang nag- confess ng feelings." Sabi mo. "Kahit ako nagulat. But it doesn't matter who admitted first. What matters is we already knew we are having a mutual understanding." Sabi niya. "And knowing na pareho nating gusto ang isa't isa, napakasarap sa pakiramdam." Sabi mo. "Talaga?" Tanong niya. "Oo naman. Lalo na kapag nakuha pa natin yung approval ng parents. Feeling natin, legal na tayo. Char." Biro mo sa kanya. "Legal pero walang label." Sabi niya. "Aray naman sa legal pero walang label. Medyo hindi ko gusto yun. Mas gusto ko pa rin yung legal na may label. Kasi ang pangit mag- assume lalo na sa part ko." Sabi mo. "Siyempre Hindi ako papayag na mag- assume ka. Bago ka pa mag- assume, sisiguraduhin kong may label na tayo." Sabi niya. "Talaga?" Tanong mo. "Yep." Maiksi niyang sagot. "Iho, kailan kayo lalabas nitong si Faith? Sabihan mo ako agad, ha?" Sabi ng daddy mo sa kanya. "Yes tito. Sasabihan ko po kayo kaagad. Nga po pala bukas po, pupunta po kami sa Paoay church. Magsisimba po kami. Okay lang po ba sa inyo tito?" Tanong ni Sandro sa daddy mo. "Oo naman iho. Walang problema. Basta mag iingat kayo, ha? Magpapakasal pa kayo." Sabi ng daddy mo. Nagulat kayong dalawa ni Sandro sa narinig niyo. "Dad, hindi pa naman kami e. Bakit naman kasal agad ang sinasabi niyo sa amin dad?" Tanong mo sa daddy mo. "Anak baka nakakalimutan mong sa lahat ng mga manliligaw mo siya lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin ako. Naaalala mo ba nung nalaman kong may pumoporma sayo nung high school ka? Dahil sa mommy mo kaya yun nakarating sakin. Nililigawan ka pa nga non ng palihim diba?" Sabi niya. Nagulat ka sa mga sinabi niya. Yumuko ka nang marinig iyon. "Wag kang mag- alala anak. Di ako galit. Pinapatawa lang kita. Maranasan ko din yan. Nung nililigawan ko ang mommy mo nung araw." Dagdag niya. "Daddy naman. Pinakakaba niyo naman ako. Akala ko tuloy galit kayo sakin. Nakakahiya dito sa manliligaw kong future congressman ng Ilocos Norte." Sabi mo. "Isa yan sa mga dahilan kung bakit ako pumayag na ligawan ka nya. He has a plan in the future not only for the first district of Ilocos Norte but also for you when you say yes to him as your boyfriend." Sabi ng daddy mo. "Am I part of your future plans my future congressman but congress both audible and inaudible?" Tanong mo. "Of course you're always part of it. I can be your congressman whether congress is silent or not, baby." Sabi niya sabay kindat."Hoooy. Wag kang kumindat sa akin, please. Hindi ko kaya baka lalo akong mahulog sayo." Sabi mo sa kaniya. "Ako nga hulog na hulog na sayo e. Nahirapan lang akong umamin sa takot ko na baka hindi maganda ang maging resulta." Sabi niya. "Pero tingnan mo naman ngayong nagkaaminan na, di ba. Pati sa magulang, approved." Sabi mo. "Sa parents mo na lang. Lalo na sa mommy mo. Attorney Liza baka naman." Dagdag mo. "Huwag lang mag alala. Alam na to ni mom. Sa kanila ko unang ipinaalam ni pops." Sabi niya. Nagulat ka nang marinig iyon. "Anong sabi?" Tanong mo. "Matagal na nilang alam na may gusto ako sayo. Pinush nga nilang ligawan na kita." Sagot niya. "Halla, mukhang tayo na ang nakatadhana." Sabi mo. He agreed with you. You both smiled all throughout the conversation.