MAID'S QUARTERS CRUZ'S MANSION, NORTHEAST BORDER
Nakaupo si Hannah sa kama habang nakasalo ang dalawa niyang kamay sa kanyang ulo. Dalawang araw na ang lumipas mula ng may makita siyang tao. Simula noong ikinulong siya ni Dylan sa kwartong kinasasadlakan niya ay wala pang ibang pumapasok dito. No food, no water, no anything. She's scared shitless, hungry, thirsty and frustrated.
Maliit lang iyong kwarto. Sapat lamang para sa isang tao. May dalawang pinto. Isa para sa banyo at isa para sa labasan. Mayroon din isang bintana but its locked. Sinubukan na niya itong basagin pero mukhang bulletproof ito.
Hanggang ngayon ay hindi parin maprocess ng utak niya ang nangyari. Two days ago kasama pa niya si Nico at masaya pa silang nagkekwentuhan habang gumagawa ng report. Then nautusan siyang kumuha ng supplies sa storage room. At dahil,sa kasipagan niya ay naisipan niyang dumaan sa likod ng school para mas mabilis. Then accidentally ay nalaman niya na ang pinakasikat na lalaki sa kanilang eskwelahan ay isa pa lang psychokiller?!
Nung unang araw ay naisip niya na baka nanaginip lang siya pero natapos ang buong araw ay hindi siya nagising. Yesterday akala niya baka naman nababaliw na siya. Imagine, the notorious playboy is a killer? Baka nga nababaliw na siya at ini-imagine niya lng ang lahat. Ngayon ay hindi na niya alam kung ano ang kanyang iisipin. She's scared and hungry. Not a good combination.
Agad siyang napasilip sa silyadong bintana ng may makita siyang paparating. Its Dylan but he's not alone. Nakaakbay si Dylan sa isang babaeng hindi kilala ni Hannah. Kinakagat ni Dylan ang tenga ng babae at mukha namang natutuwa ang babae sa ginagawa ni Dylan. Nakatitig lng si Hannah sa kanila ng mapalingon si Dylan sa bintana niya at nagtama ang kanilang mga mata. His stare was sharp and cold kaya agad na umalis sa bintana si Hannah.
She heard the front door open. You could hear the girl's giggles as they enter. Maya-maya ay may nagbukas ng pinto ni Hannah at tumambad sa kanya si Dylan na nakatingin ng malamig sa kanya. May ibinato ito sa kanyang isang damit.
"Get dressed. Hihintayin ka namin sa baba. You'll serve us. Do anything stupid and I'll kill you "malamig na sabi ni Dylan bago ito umalis at isinara ang pinto. Tinignan ni Hannah ang damit na ibinato sa kanya ni Dylan. Its a black maid dress.
Nag-aalangan man ay isinuot na niya ito. Ayaw niyang magalit si Dylan. Ayaw niya pang mamatay. Nang maisuot niya ito ay gusto niyang mag-mura. Napakaikli nito na kahit kaunting yuko lang niya ay makikita na ang kanyang panloob.
Hindi man niya gusto ang kanyang suot ay wala siyang magagawa kundi bumaba. Pagbaba niya ay naabutan niya si Dylan kasama ang babae nito sa sofa. Nanonood ang dalawa ng isang romantic film habang hinahalikan ni Dylan ang leeg ng babae.
"Honey sino siya?"maarteng tanong ng babae kay Dylan ng mapansin siya nito. Saglit lamang tumingin sa kanya si Dylan bago nito hinarap muli ang babae.
"Dont mind her baby.. She's a nobody..She's just a maid.."sabi ni Dylan sa babae bago niya ito halikan muli. Nagiwas nalng si Hannah ng tingin.
"Go get us drinks.."utos ni Dylan. Bumuntong hininga nalang si Hannah bago siya tumalikod. Medyo natagalan siyang hanapin ang kusina dahil sa laki ng mansyon pero pagdating niya doon ay agad siyang dumiretso sa ref. Hindi niya alam kung ano ang gusto ng dalawa kaya kumuha nalang siya ng dalawang beer at coke in can.
Pagbalik niya sa sala ay nabitawan niya ang mga dala niya sa nadatnan niya. Napaatras siya sa nakita niya at natumba. Nakita niya si Dylan. His whole eyes are black at mayroong mga itim na ugat ang gumagapang sa katawan nito. Sinubukan niyang kusutin ang kanyang mata at baka'y namamalikmata lamang siya pero walang nagbago. Nakita din niya na gumagapang ang mga ugat mula sa katawan ni Dylan papunta sa babaeng katalik nito. Gusto niyang sumigaw pero tila nawalan siya ng boses sa takot.
Nang matapos sa pagtatalik ang dalawa ay mabilis na nakatulog ang babae. Nakita pa ni Hannah ang pagpasok ng itim na ugat sa katawan ng babae.
She was snapped out of his daze when Dylan stood up with all his naked glory. Itim parin ang mga mata nito ngunit wala na ang mga itim na ugat na nakapalibot sa katawan nito. Napansin niyang nakatitig si Dylan sa kanya habang sinusuot nito ang pantalon.
Napaatras siya ng maglakad papunta sa direksyon niya si Dylan.
"A-Ano ka at a-anong ginawa mo sa kanya..?"nauutal na sabi ni Hannah. Tinitigan siya ni Dylan ng malamig.
"Thats none of your business"walang emosyon sabi ni Dylan. Nilagpasan siya ni Dylan at binuksan nito ang drawer sa likod niya. Nanlaki ang mata ni Hannah ng maglabas si Dylan ng isang patalim.
"A-Anong gagawin mo?"natatakot na tanong ni Hannah ngunit hindi siya sinagot nito. Nakita niyang papalapit ito sa babaeng katalik nito kanina.
"Y-Youre going to kill her..."mahinang bulong ni Hannah sa kanyang sarili ng marealize niya ang balak gawin ni Dylan. Bago pa man masaksak ni Dylan ang babae, pareho silang nagulat ng dambahin ni Hannah si Dylan. Tumilapon ang patalim mula sa kamay ni Dylan.
"What the f*ck do you think youre doing?!"galit na sigaw ni Dylan. Maski si Hannah ay nagulat sa kanyang ginawa. Hindi rin niya alam kung san niya nakuha ang lakas ng loob para gawin yun. Ang alam lang niya ay ayaw na niyang makasaksi ng panibagong krimen.
"P-Pinatay mo na si G-Gwen. P-Pinatay mo din yung babaeng ang pangalan ay Monica. H-Hindi kita hahayaang patayin d-din siya!"nauutal na sagot ni Hannah. Tumawa ng malamig si Dylan.
"At sinong pipigil sakin? Ikaw?"malamig na sabi ni Dylan. Itinulak siya palayo ni Dylan na naging dahilan upang humampas siya sa sahig.
"Get this through your f*ckin head b*tch. Ayokong pinakikialaman ako."malamig na sabi ni Dylan habang naglalakad ito papunta sa kanya. Sinubukan niyang abutin ang tumalsik na patalim.
"Oh no you dont"sabi ni Dylan bago nito hatakin ang kanyang buhok bago pa man niya maabot ang patalim. Inamba ni Dylan ang kanyang kamao sa mukha ni Hannah. Bago pa man masuntok ni Dylan si Hannah ay isang nakakabinging sigaw ng babae ang nagpatigil sa kanya.
"Shit"sabi ni Dylan at nilingon nito ang babaeng katalik nito kanina. Dylan's expression hardened.
"Mag-uusap tayo mamaya."malamig na sabi ni Dylan kay Hannah bago niya ito bitawan. Nilapitan ni Dylan ang babaeng katalik nito kanina.
Tinignan ni Hannah ang babae. Kulay itim na ang mga mata nito at nakita niya ang paglabas ng dalawang itim na pakpak mula sa likod nito. Nagulat si Hannah. Paanong nangyari yun? Sigurado siyang tao ito kanina.
Sinugod ni Dylan ang babae. Hinawakan niya ito sa leeg and he slammed the girl to the ground. Pero mukhang hindi man lang nasaktan ang babae sa halip ay mas nagalit lamang ito. Tinignan ng matalim ng babae si Dylan bago nito itinulak ang lalaki. Nakita ni Hannah kung paano tumilapon si Dylan ng itulak ito ng babae.
Nakita ni Hannah na naging itim narin ang mga mata ni Dylan at nakita niyang naglabas din ito ng sarili nitong mga pakpak. Imbes na matakot siya ay namangha siya dito. Mukha itong isang itim na anghel. Wala pang isang iglap ay nasa likod na ng babae si Dylan. Hinawakan ni Dylan ang mga pakpak ng babae at hinatak ito paibaba hanggang sa matanggal ang mga ito.
Sumigaw sa sakit ang babae habang patuloy na tumutulo ang itim na dugo mula sa likod nito.
"Aaah!"sumigaw sa galit ang babae bago nito sinugod si Dylan.
"Umbra"sabi ni Dylan. Unti unti nagtipon ang dilim sa kamay ni Dylan at mula sa dilim ay may nabuong espada. Ikinumpas ni Dylan ang kanyang espada sa babae at naputol ni Dylan ang ulo nito. Bumagsak ang katawan ng babae habang ang ulo naman nito ay gumulong sa paanan ni Hannah. Nakita niyang nag-apoy ang katawan ng babae hanggang sa wala nang matira dito. Kinuha naman ni Dylan ang ulo at ibinato nito sa labas ng mansyon.
Hindi nagtagal ay may nadinig si Hannah mula sa labas at nakita niyang pinagpepyestahan ng kung anong mga nilalang ang ulong itinapon ni Dylan.
"A-Anong.."nauutal na sabi ni Hannah habang nakatingin sa mga kakilakilabot na mga nilalang sa labas.
"Flesh Eaters"sagot ni Dylan. Napatingin si Hannah kay Dylan. Wala na ang mga pakpak nito ngunit kulay itim parin ang mga mata nito. Humakbang ito palapit sa kanya ngunit tinitigan niya lamang ang itim nitong mga mata.
"W-What are you..?"nauutal na tanong ni Hannah.
"An Incubus"malamig na sagot ni Dylan habng patuloy ito sa paghakbang palapit sa kanya.
"A demon"sabi pa ni Dylan ng tumigil ito sa harap niya. Nakita ni Hannah na nagbalik na sa dati ang kulay ng mga mata ni Dylan.
"Youre beautiful..."wala sa sariling bulong ni Hannah. Dylan's face became guarded.
"Clean this up."sabi ni Dylan bago nito talikuran si Hannah na hanggang ngayon ay nakatitig sa kanya.
MARY CLAIRE'S INSTITUTE, DOCTOR'S OFFICE
Nakaupo si Hazel sa likod ng kanyang lamesa habang binabasa ang mga report tungkol sa kanyang pasyente. May mga larawan dito ni Zack noong matagpuan itong nababalot ng dugo. May mga larawan din ng crime scene kung saan kita ang mga nakakalat na katawan ng mga bata na sinasabing pinaslang ni Zack.
"Dr. Hazel! Dr. Hazel!"nagpapanic na sigaw ng isang nurse.
"Anong nangyayare?"kunot noong tanong ni Hazel.
"Yung pasyente niyo po..."yun lang ang sinabi ng nurse at mabilis na tumayo si Hazel at tumakbo papunta sa kwarto ni Zack.
"Anong nangyari kay Zack?"nag-aalalang tanong niya sa nurse. Pagdating niya sa kwarto ay nakita niya kagad si Zack.
"Lumayo kayo sakin!"sigaw ng bata. Nakatayo ito. Nagdudugo ang ilong nito habang nakahawak ito sa braso nitong may hiwa. Nakapalibot dito ang mga nurse at pilit nilang pinapakalma ang bata.
"Bitawan niyo ko!"sigaw uli ni Zack habang pilit na tinatali ng mga nurse ang mga kamay ng nagwawalang bata.
"Huminahon ka Zack. Kailangan mo itong gamot na ito!"sigaw ng isang nurse.
"Anong nangyayari dito?!"sigaw ni Hazel sa mga kasamahan. Napatingin ang lahat kay Hazel nang siya ay sumigaw.
"K-Kasi po Doc kailangan po namin i-check yung pasyente tapos bigla nalang itong nagwala kaya i-injectan sana namin ng pampakalma."paliwanag ng nurse.
"Eh bakit may hiwa yung bata?"tanong pa ni Hazel.
"Sasaktan nila ako Hazel! Sasaktan nila ako..."nanginginig na sabi ni Zack sa kanya.
"A-Aksidente lang po iyon Doc. Ang likot po kasi niya. Aksidenteng nahiwa siya ng scalpel."paliwanag pa ng isa pang nurse.
"Umalis na kayo dito."sabi ni Hazel.
"P-Pero Doc.."
"Pasyente ko si Zack. Umalis na kayo."sabi pa ni Hazel at nagsialisan naman ang mga nurse.
"Zack..?"mahinang tawag ni Hazel sa bata.
"Sasaktan nila ako Hazel..."umiiyak na sabi ni Zack.
"Hindi kita sasaktan Zack...Lalapit ako ah...?"sabi ni Hazel. Nang hindi sumagot si Zack ay dahan dahang lumapit si Hazel sa bata.
"Gamutin natin ang sugat mo?"sabi pa ni Hazel nang malapitan na niya ang bata. Dahan dahan namang tumango si Zack at napangiti si Hazel. Kinuha niya ang first aid at inumpisahang gamutin ang hiwa ng bata.
"Zack bakit ka daw ba biglang nagwala kanina?"tanong ni Hazel sa bata.
"Sasaktan ka nila Hazel...Narinig ko sila..Sasaktan ka nila.."nanlalaking matang sabi ni Zack.
"Hindi nila ako sasaktan Zack."sabi ni Hazel sa bata.
"Nadinig ko sila Hazel! Kaya gusto din nila akong saktan kasi isusumbong ko sila sayo!"sigaw ni Zack. Napabuntong hininga si Hazel. Masyadong malakas ang imahinasyon ng bata para sa ikabubuti nito.
"Sshhh.. Wala na sila.. Wala nang mananakit sayo.."pag-aalo ni Hazel sa bata.
"Sasaktan nila tayo Hazel...Papatayin ka nila..."bulong ni Zack bago ito makatulog sa mga kamay ni Hazel.
----------------------------------------------------------
Here is chapter 3! Again tinamad akong basahin uli so sorry for typos. Luv yah! And oh nababasa ko ang comment niyo. Pagpasensyahan niyo na kung hindi ako nareply. Please do comment more. Mas nakaka-inspire magsulat ^__^
VOTE|COMMENT|FOLLOW