Golden Daughter of Lavigne Fa...

By Ezca_18y

3K 612 0

COMPLETED Golden Daughter of Lavigne Family by Ezca_18y What happens here in the story is just a dream of min... More

♛𝔸𝕦𝕥𝕙𝕠𝕣♛
♛ℙ𝕣𝕠𝕝𝕠𝕘𝕦𝕖♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 01♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 02♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 03♛
♕ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 04♕
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 05♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 06♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 07♛
♛ℂ𝕙𝕡𝕒𝕥𝕖𝕣 08♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 09♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 10♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 11♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 12♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 13♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 14♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 15♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 16♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 17♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 18♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 19♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 20♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 21♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 22♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 23♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 24♛
♛ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 25♛
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Ending: Part 1
Ending: Part 2
★CHARACTER LIST★
Ending: Part 3
Ending: Part 4
Ending: Part 5
Ending: Part 6
Golden Daughter of Lavigne - Moulin

Chapter 53

21 8 0
By Ezca_18y

Chapter 53

Nandito kami sa isa pa naming hide out, na inform kaming nandun si Queen. May kasama siyang iba, kaso hindi nila nakita dahil hindi bumaba ng kotse. Si Queen lang daw ang bumaba at inutusan ang mga tauhan na kunin ang kapatid ni Kein at ilagay sa isang kwarto. Kaso pagdating namin dun ay hindi namin siya naabutan.

Ang sabi ng tauhan ko ay nung dumating kami ay umalis na siya. Hindi ko maiwasang magalit at mainis. Inutusan ko silang ibalik si Kenz kay Kein. Nagdalawang isip pa sila dahil natatakot sila kay Queen pero dahil sa galit ko ay sinunod na lang nila ako. Nang umalis na sila kasama si Kenz ay umalis na din kami, babalik kami sa ressort. Inosente nga talaga si Kenz, lahat sila ay walang kinalaman.

Inakusahan sila ni Queen.. bakit hindi niya muna inalam?

Pagdating sa ressort ay 'agad akong nagtungo sa kwarto ni Queen. Parang padamog ko pang binuksan ang pintuan ng kwarto niya kaya 'agad siyang napalingon, nasa may tapat siya ng closet niya na mukhang kukuha palang ng damit niya, well.. may suot pa rin naman siya.

"Hindi ba kayo marunong kumatok?" Sarkatiskong tanong niya sa'min.

"Why did you do that?" Malamig kong tanong sa kanya.

"What am I doing?" Tanong niya, nagtataka.

"Don't lie anymore, Queen. We know what you did, so why did you do that?! Did you know you reminded me of what happened then?! Why, Queen?!" Biglang inis na tanong ko. Ang mga alaalang matagal ko nang binaon pero sa ginawa niya ay parang bumangon sa hukay ang alaala kong 'yun.

"What is---!"

"Queen, we're from Kein's bar. They're suffering now from the pain you caused. You know that if they're not taken to the hospital and their wound can't be healed they can die. Then you even took his brother, they have nothing to do with it.. with the death of Prince Xaviell, they also had nothing to do with what Alvarez was doing." Sambit naman ni Boss dahilan para matigilan siya, nagsalubong na ang kilay niya at ang sama na ng tingin niya sa'min.

"You did too much Queen.. the worse you did. You tried to stab Kein's brother but you hurt Kein.. are you really going to kill?" Tanong naman ni Mark sa kanya na talagang hindi makapaniwala 'dun. Kahit naman sino samin eh, hindi namin alam na kaya 'yun ni Queen gawin.

Oo nakikipag-away siya, bugbugan. Pero hindi pa siya nakakapatay. Ngayon ay para siyang papatay.

Dumating naman sila Lex, Kim at Blaise na nasa likod namin. "Queen.. talagang nandun ka sa mga batuhan kanina?" Parang gulat pang tanong ni Lex kaya naman nagtaka kami.

"What do you mean?" Tanong ko.

Nilingon naman niya ako. "Nakita siya ni Kenneth sa may tabi ng mga batuhan, kanina pa siya nandun. Mga 11:25am.. eh yung---"

"Ano bang pinagsasabi niyo ha?! Mag kupal kayo! Ano bang nangyayari sainyo?! Anong bar ni Kein?! Sino ang sinaktan ko ng sobra?! Ako ba ay pinagloloko niyo?! Nagsilayas kayo sa kwarto ko mga hinayupak kayo! Bumaba kayo! Antayin niyo ako 'dun, mga letse!" Inis na pagtataboy niya sakin kaya naman ay dali dali silang bumaba. Bumaba din naman ako eh..

Ngayon eh nakapila kami na medyo nakaharap sa hagdanan. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Nakita siya may tabing batuhan, malayo 'yun dito sa bahay pero sakop pa rin 'yun ng ressort. Nandun siya ng makita ni Kenneth kasabay nung oras na nagkakagulo sa bar nila Kein. Kung nandito siya edi sino 'yung nandun sa bar?

Shesss..

Bumaba naman si Queen na may masamang tingin ang pinukol sa'min. Agoy. "So sabihin niyo sa'kin kung anong nangyari sainyo kaya niyo sinabi 'yun?" Matalim niyang tanong sa5min.

"Nakita ka ni Hendery sa bar ni Kein, binagsisira mo ang mga gamit 'dun. Binugbog mo ang mga tauhan niya. Meron kang kasama na walang pakialam at hindi ka pinipigilan. May cctv footage 'dun at ikaw 'yun.. ikaw na ikaw. Kinuha mo ang kapatid ni Kein at dinala mo sa ibang hide out natin kaso pagdating 'dun ay umalis na kana. Baka naman ay dali dali kang umalis at nagtungo 'dun para kunwaring wala kang ginawa?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.

"About 11am I went to the rocks, there I vented my anger. There is also cctv footage that I saw in the escape I made to get there, Shian's staff is already on guard so I can't just leave the resort without your knowledge. If you don't want to believe, watch the cctv footage." Turo niya sa TV na naka-connect sa laptop ng ginagamit ngayon ni Kenneth.


Third Person Pov (ito 'yung sa cctv footage)

Bumukas ang pintuan ng kwarto ni Chloe ng dahan dahan at unang lumabas sa pintuan ay 'yung ulo niya na tumitingin sa kaliwa't kanan. Nang may makitang walang tao ay tuluyan na siyang lumabas. Dahan dahan siyang naglakad patungo 'dun sa kanilang side, hindi 'dun sa side na patungo sa hagdan.

Pumunta siya sa pinadulo at kumaliwa. Panay ang lingon niya, likod na 'yan ng bahay nila. Hindi naman kasi talaga nila bahay 'yan eh, house ressort yan eh.. kaso binili niya 'yung ressort. Sumilip siya sa may bintana at nagulat siya sa taas. Napalunok naman siya. Tumingin din sa baba kung may mga tao at wala.

Binuksan niya ng malaki 'yung bintana na magkakasya siya. Pumatong siya at lakas loob na tumalon. Hindi pa sa pinakababa ang tinalunan niya, may kunting space pa kasi dun. Naglakad siya dahan dahan at maingat patungo 'dun sa dulo, sumilip siyang muli at wala ulit tao, nagtaka naman siya ngunit binalewala niya 'yun.

Tumalon na lang siya ulit, nakaluhod ang tuhod niya sa lupa habang ang isa ay hindi. Parang balewala lang sa kanyang tumalon eh. Tumingin siya sa magkabilang gilid niya at walang ano ano ay tumakbo na siya.

Ang layo ng nirating niya. Nasa may mga batuhan na siya, yung mga malalaking batuhan. Edi hingal siya ngunit hindi gaano dahil sanay siya sa takbuhan. Lagi pa namang nasa training room at laging nasa away.

Nagtungo siya sa may mga batong maliliit na nakalubog sa tubig. Kumuha siya ng marami, una ay pa isa isa ang bato niya.. 'yung ang layo ng nararating ng bato sa tubig ngunit makikita mo kung saan dumaan kasi gumuguhit sa tubig ang pagbato niya. Hanggang sa inis na niyang ibato lahat ng bato.

"Letse! Letse! Letseng buhay!" Inis na sigaw niya na sinisipa pa ang inosenteng tubig. Nakababad ngayon sa tubig ang paa niya habang sisipa sipa siya rito.

Talagang galit na galit siya. Kung ano ano ang pinagsisigaw niya sa sobrang galit niya, sinusumpa at pinapatay na si Alvarez at lahat ng kaaway niya.

Ilang minuto o oras siyang na natili 'dun hanggang sa dumating si Kenneth na nakahinga ng maluwag dahil nakita na niya si Chloe ngunit nagtataka siya dahil narinig niya 'yung pinag-uusapan ni Cyrus at Shian sa kwarto na nagpunta si Chloe sa bar ni Kein pero nandito siya, nagwawala. Binalewala na lang niya 'yun, inintindi niya na nandito si Chloe.

Pati siya nagpagbuntungan ng galit eh kaya ayun, nagsasagutan silang dalawa. Alam ni Kenneth na galit ito kaya naiintindihan niya 'tsaka ayos lang sa kanya kasi nasisisigawan niya rin si Chloe hahahaha..

Cyrus Pov

"So, nagsinungaling pa rin pa ba ako?" Taas kilay na tanong sa'min ni Queen. Sh*t, how..

Talagang siya ngayon 'yun.. wala siyang ibang pinuntahan. "Ito yung cctv footage na nakuha namin sa bar ni Kein." Sabad ni Kim at pinalitan 'yung usb na nakalagay at yun ang pinanood namin. Kabrutalan.

Third Person Pov (ito 'yung sa cctv footage bar)

Sa labas ay cctv footage ay kita ang pagdating ng isang kotse na hindi man lang nakaayos ang pag-park pero ang angas. Bumukas ang pintuan nun at si Chloe ang bumaba 'dun. Talagang si Chloe nga. May dala pang baseball bat 'yan..

Naglakad na siya patungo 'dun sa pinto ng bar, ang angas niya pero ramdam mo ang kakaibang aura niya dahil ang mga mata niya, walang kabuhay buhay pero alam mong puno ng galit. Walang ano ano ay malakas niyang sinipa 'yung pinto at boom! Bukas na.. sira nga lang.

Sa loob ng bar ay lahat ng lalaking nandun sa loob ay natigil sa ginagawa nila. Sarado pa kaya sila. Lahat sila ay nakaabang, bumungad sa kanila si Chloe na nakangisi. Meron silang pinag-uusapan pero maririnig mo 'yun dahil ibang camera na 'yun. "Opss sorry.. nasira ko 'ata." Nakangising sambit atsaka sumeryoso.

"Who the fvck are you?!" Kunot noong tanong ni Kein.

"Pinsan ka ni Gabriel Fernand Alvarez, tama?" Seryosong tanong nito.

"Oo pinsan ako ng g*gong 'yun, Sino ka ba?" Inis na tanong niya rito.

"May tanong ako. Kasabwat ka niya 'di ba?"

"Pardon?" Parang gulat pa siya eh. Hindi naman nagsalita si Chloe. "Sino ka ba?! Wala akong kinalaman sa baliw na yun! Hindi mo ba nakitang close kami?! Sinira mo pa 'yung pinto!" Sigaw niya rito. "P*tang*na ka!" Malakas niyang mura ng walang ano ano ay malakas na binasag ni Chloe ang isang glass shelves cabinet!

Hindi pa nakuntento, muli niyang hinampas ito kaya sira sira na din 'yung laman nito. Inutusan niya ang mga tauhan niyang pigilan siya.

Nang sugudin siya ay nilabanan niya ang mga ito. Yung isang unang sumugod ay malakas niyang sinipa sa sikmura kaya tumumba sa counter, yumuko naman siya ng sumugod 'yung isa para makaiwas siya. Susubsob na sana ito kaso biglang hinila ni Chloe ang likod ng kwelyo niya at hilahin siya pabalik, pagbalik niya ay malakas siyang sinapak ni Chloe at pagsapak niya at umikot siya para sipain sa kabilang pisnge naman kaya ayun tumba at tumama sa lamesa ang ulo niya ng sobrang lakas kaya nawalan ng malay.

'Agad siyang bumaling 'dun sa isang lalaki na may hawak ng isang malaking kahoy. 'Agad siyang umiwas 'dun, bahagya siyang tumakbo at pumunta sa lamesa at agad na sumakay 'dun sa balikat nung lalaking may hawak ng kahoy at ipitin ang leeg nito gamit ang dalawang binti niya at pwersa pababa na paikot pa. Parehas siyang bumagsak syempre. Dahil sa pag-ipit niya sa leeg nito ay mawawalan na ng hininga. Nang malaman na ng malay din ay 'agad niyang binitawan ito at paikot pang tumayo, aba.. wala ba itong buto?

Sa labas ng cctv footage ay may tatlong kotseng dumating. Mukhang nagmamadali ang mga ito kasi ang bilis ng pagkakapark nila, hindi lang nakaayos. Bumukas ang mga pinto ay may mga lumabas na lalaki 'dun. 'Agad nilang sinara ang pinto at tumakbo papasok ng bar.

Pagdating nila sa loob ay pare-pareho silang natigilan. Para silang naestwa. Napapikit naman yung isang lalaking nauna sa kanila at parang frustrated na sobra.. na-i-stress siya. Malalim siyang bumuntong hininga.

Pagtayo niya ay sunod sunod siyang inatake nung isa na sinasangga niya para hindi siya tamaan. Nang makahanap siya ng tsempo para mahuli ang kamay niya ay agad niya itong hinawakan at inikot kaya napasigaw yung lalaki. Habang hawak niya ang kamay nito ay sumugod yung isa kaya agad siyang umikot na hawak pa yung kamay nung lalaki kaya naman napasigaw ulit sa sakit, inikot nito ang kamay sa likod at malakas na itulak patungo 'dun sa lalaking susugurin din siya. Pareho silang tumamba sa lamesa.

Paikot ikot 'yun ah..

Kinuha naman niya ang baseball bat niya at humarap sa mga ilang pang lalaki na hindi siya sinusugod. Ngumisi siya ng nakakaloko at pinaikot sa kamay niya ang baseball bat at hinawakan ng maayos 'tsaka sumeryoso. "Come on..." Naghahamong sambit niya. Sumugod na yung isang lalaki, pag-iwas niya ay naglagpasan siya nung lalaki at pagkalampas nung lalaki sa kanya ay binalingan niya ito at walang awang hinampas sa likod.

Mabilis siyang bumaling 'dun sa isa pa. Bago pa ito makalapit ay sinipa na niya ito at bumaling sa isa at bullsh*t, walang awa niya itong hampasin.. sa.. mukha! Kaya ayun, tumba at may dugo, tumama pa ang ulo niya sa counter table kaya, double kill.. sh*t.

Lahat ng sumugod sa kanya ay puro sugatan na ngayon, 'yung iba walang malay pa rin.. 'yung iba ang dami ng dugo kaya ang baseball bat niya may bahid ng dugo. Ang dami na ding nasirang gamit. Sirang sira na talaga.

"P*tang*na kang babae ka! Hayop ka!" Galit na galit siyang sigaw at sinugod ito. Magaling din naman siya sa physical na laban eh. Parehas nilang naiiwasan ang pag-atake ng isa't isa pero galit na galit ngayon si Chloe kaya mas malakas siya at mas mabilis, dahil dun ay nahihirapan si Kein.

Dahil sa hindi na niya makayang sanggain ang bawat pagsugod ni Chloe ay mabilis na umikot si Chloe para sipain siya mukha ng malakas, nung tumama ito ay napatumba siya. Hinawakan siya ni Chloe sa likod ng kwelyo niya at iharap sa kanya, pagharap niya ay malakas siyang sipain muli ni Chloe, tumalsik tuloy ang dugo nito. Uubo ubo siya ng may dugo, hirap siyang tumayo ay hindi niya inaasahang sipain siya ni Chloe sa sikmura ng malakas kaya ayun, mas dumami ang dugong naibuga niya. Sh*t.

Bugbog sarado na si Kein, hirap na hirap na siya. Pinipilit niyang tumayo. "Kuya!" Biglang pagsulpot ng isang lalaki. Mukhang hindi siya pumasok sa pinaka-entrance, sa likod ata siya dumaan. "Anong nangyayari dito?! Sino kayo?! Anong ginagawa niyo! Kuya!" Nag-aalalang sambit niya na naguguluhan.

"'W-Wag lumapit.. u-umalis ka na!" Pilit na sigaw ni Kein dito.

"Kuya..." Nangilagid naman ang mga luha niya.

Si Chloe naman ay naglakad patungo sa kung saan. "Kuya, huh? Magkapatid. Wow." Nakangising sambit nito, mas kinabahan si Kein. "Sabihin mo sa'kin kung sino ang pumatay kay Xaviell at nasan ang Mommy ko ay titigil ako, sagutin mo ng maayos." Utos nito na patuloy na naglalakad patungo pa ata sa counter.

"Hindi ko alam. Wala kaming kinalaman sa pinaggagawa ng Alvarez na 'yun! Tumigil ka na! Wala akong alam sa mga tanong mo! Hindi ko nga kilala 'yan! Hindi din kita kilala, sino ka ba?!" Salubong na kilay na tanong niya. "At kayo! Bakit wala kayong pakialam?!" Inis niyang tanong dun sa tatlong lalaki na walang ka emosyon-emosyon.

"Hindi mo alam, pinsan mo siya." Seryosong sambit ni Chloe.

"Oo pinsan ko pero matagal ng patay para sa'kin! Wala akong pakialam sa hayop na 'yun!" Galit na galit nitong sigaw.

"Kuya," lalapit na si Kenz dito. Tumingin naman sa kanya si Chloe. Kinuha ni Chloe ang isang bote ng alak at binasag ang dulo nito.

"Ano kaya mararamdaman ng kuya mo kung ikaw ang masaktan?" Nakakalokong tanong nito at pare-pareho silang natigilan. Naglakad na siya papalapit kay Kenz.

Napaatras naman si Kenz. Yung lalaking nauna dun sa tatlo kanina ay naglakad napapalapit kay Chloe, pipigilan niya kaso bago pa man siya makalapit ay nasaksak na ni Chloe ang basag na bote kay Kein. Pinilit ni Kein na makatayo at makalapit, sa pagharang niya ay siya ang nasaksak. Walang pakialam 'dun sa Chloe. Hinugot pa niya nito.

"Kuya! Kuya.." Naiiyak na sambit ni Kenz at parehas silang napaupo habang inaalalayan niya si Kein. "Kuya.." Umiiyak na sambit nito.

"U-Umalis ka na!" Sigaw na utos ni Kein sa kanya.

"Chloe!" Inis na sigaw nung lalaki lumapit nga at inis na inagaw ang hawak niya at ibato sa kung saan. "Tumigil ka na! Tama na! Makakapatay ka sa ginagawa mo!" Galit nitong sigaw dito.

"Pakialam ko?! Pinatay nila si Xaviell!" Galit na galit na sigaw ni Chloe.

"Tama na! Sumusobra ka!"

"'Wag mo akong sigawan! Kunin niyo ang kapatid niya." Malamig niyang utos at saka umalis.

"Pucha!" Inis niyang sambit at sumunod kay Chloe. "Gawin niyo utos niya." Sambit niya 'dun sa dalawa.

Bumuntong hininga naman yung dalawa at lumapit 'dun sa magkapatid. Nahirapan pa silang kunin ito dahil nanlaban kaya napasabak pa sila. Pero sa huli ay nakuha nila si Kenz, naiwan si Kein na wala ding malay at ang karamihan na mga tauhan niya.









☕︎✍︎

Continue Reading

You'll Also Like

26.2K 1K 57
Panu kong malalaman niyo na hindi pala kayu ordinaryo? Panu kong malalaman niyo na may mga kapangyarihan pala kayu? Ano magiging reaction niyo? Matat...
2.6K 378 63
"It is well-known for its fairy mystery." Si Faye ay bagong lipat sa bayan ng Fourchesea, at iisa lang ang naririnig niyang kumakalat dito. Bukod sa...
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
11.7K 473 27
Genre: Fantasy, Action, Romance Nagising nalang si Neah sa ibang mundo na tinatawag na MAHIKARNIA kung saan ang mga naninirahan doon ay may mga kapan...