A Connection Untold (Estrella...

By itsjiyaaaa

4.2K 78 82

Si Sadie Marleigh Borromeo ay isang nursing student sa Maraya Colleges of Laguna kung saan pumapasok ang isan... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Author's Note

Chapter 74

38 0 0
By itsjiyaaaa

"Ano, nakapagpaalam ka na ba, Sadie?" Tanong sa akin ni Aaron habang nagmamaneho. Ngayon lang ulit kami nagkasabay kasi madalas hindi kami nagpapang-abot. Minsan maaga siyang naalis or minsan ako naman. Minsan tulog pa ako sa umaga at sa gabi ako naalis kaya ayon.




"Hindi pa nga. Wala kasi kahapon ulit 'yung supervisor. Bumukas na ng bumukas. Pero sabi naman daw ng assistant ta-try niya na raw kontakin ngayon kapag hindi pa siya nadating." Tumango naman si Aaron at nag-isip pa ng sasabihin sa akin.



"Bakit ayaw na lang ng assistant na siya muna gumamit ng authority para payagan kang magkaroon ng day-off next week?" Natuktukan ko naman siya sa ulo.



"Ulol, hindi nga raw iyon ang gawain. Tanging supervisor ang magsasabi kung sinong pwedeng mag-day-off o hindi. Tsaka feeling ko naman din na papayagan na ako this day kasi Friday na." Sabi ko at pinagdikit ang aking palad upang manalangin na sana ma-aapprove ang aking absence next week.




"Kahirap namang magpaalam sa inyo. Kay Maddie lang ako nagpapaalam e." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ni Maddie mula sa bibig ni Aaron.



"Kilala mo si Maddiev?!" Sabi ko na may halong excitement at nagsalubong ang kilay niya sa akin. Nagtataka siguro kung bakit ganoon ako maka-react.



"Hindi mo ba alam? Ako nag-edit ng music video nila. Si Maddie nagrecord lahat ng iyon kasama yung iba pang cameraman at pati na rin si Anne." Kinilig pa siya nang mabanggit ang pangalang ng crush niya kaya naman nasiko ko ng mahina.




"Ahhh ikaw pala nag-edit. Ang lupit mo!" Sabi ko sa kanya at inaya siyang makipag-apir. Inangat niya naman ang kanyang kamay at inapir iyon sa akin.



"Pero bakit ngayon mo lang nalaman? Ang tagal na no'n ah." Kinibit ko na lang ang balikat ko bilang sagot. Nagd-dalawang isip kasi ako kung nasabi na iyon sa akin ni Aaron kaso nakalimutan ko lang.




"Pero maiba tayo, hindi ako makapaniwala na katrabaho ka ni Maddie." Masaya kong sabi.




"Oo, magkatrabaho kami. Pero alam mo ba kung anong naging greatest achievement ko doon?" Mayabang na sabi pa niya sa akin at tinaasan ko siya ng kilay bilang senyales alam kong kalokohan lamang ang kanyang sasabihin sa akin. Basta kapag malaki ang ngisi ni Aaron, alam kong nagloloko 'yan.




"Ala ayoko na, 'wag mo nang sabihin." Sabi ko pa pero pinilit niya pa rin na makinig ako sa sasabihin niya.



"Nagselos sa akin si Zayden." Mayabang pa ulit na sabi niya at sandali lamang ay biglang natawa.



"Grabe, seryoso ka? Bakit naman iyon magseselos sa'yo?" Tanong ko sa kanya at tumawa pa muna ulit siya bago sagutin ako. Dahil sa kanyang tawa pa ay nadala na rin at na-utas. Siguro iniisip pa niya kung paano nangyari iyon.




"Ganito kasi iyon, napansin kasi ni Zayden na close kami ni Maddie ganan. Tapos madalas nag-uusap kami tungkol sa mga video at pictures na nakuha namin. Actually namali ang sabi ko sa'yo na nagselos sa'kin si Zayden, nagalit siya sa akin..." Akmang itutuloy ni Aaron ang kanyang sasabihin pero natigilan siya saglit gawa ko.



"Sabi ko na talaga e. Paano naman magseselos si Zayden sa'yo." Inirapan lang ako ni Aaron at ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin.




"Palibhasa gwapo lang si Zayden e." Sabi pa niya sa akin at dinilaan ko na lang na may halong nakakalokang ekspresyon.



"So ito na nga, magkasama sila one time sa dressing room. Paano kasi 'yung mga stylists ininis si Zayden." Natawa ako sa kwento ni Aaron. Nai-imagine ko kasi kung paano ang inis ni Zayden.




"Edi si Maddie na ang nag-take over dahil naiinip na siya at ang bagal daw. Kaso 'nung tinitingnan ko ang oras at napansing nagtagal na roon si Maddie ay sumunod na rin ako. Nag-alalakasi ako baka kasi sabunutan 'yung mga stylists doon pero pagkapasok ko sa dressing room. Siya na pala ang nag-aayos at ang lapit ng mukha ni sa isa't isa!" Kinikilig na sabi ni Aaron at pati ako ay nakisabay sa kilig niya. Sana naroon din ako para makita ko ang eksenang iyon. Paniguradon titili ako sa sobrang kilig.




"Kaso natigilan sila parehas sa kanilang ginagawa nang makita ako. Ang sama ng tingin sa akin ni Zayden kaya kinabahan ako bigla. Kaya ang sabi ko na lang take your time haha. Dahil sa'kin nawala na 'yung sweet moment nila at saktong tinapos na rin ni Maddie ang ayos ni Zayden tapos agad na sumunod sa akin. Muntik pa nga akong hindi makasama sa New York gawa ng ayaw ni Zayden, kaso ipinaglaban ako ni Maddie kasi nabanggit na magaling akong editor kaya ayon mas lalong nagalit sa akin si Zayden." Pananapos niya at nag-enjoy akong pakinggan ang kwentong iyon.




"Saka lang kami nagka-ayos ni Zayden nung nagawa ko lahat ng gusto niya sa para sa music video. Kaya ayon magkaibigan na kami ng slight!" Proud pa niyang sabi.




"Tsaka nga pala, nakita ko post ni Maddie sa IG. 'Yung magkasama kayong tatlo nina Zayden. Mabilis mo naman agad nabihag ang puso ni Maddie. Puro kagandahang asal mo ang mga nabanggit niya sa akin habang nagkwekwentuhan kami tungkol sa'yo. Ganan ka ba kaplastic sa ibang tao, Sadie? Ang sama kaya ng ugali mo." Inirapan pa ako ng mokong ito habang sinasabi niya iyon sa akin. Lakas na naman ng tama nito kaya naman hinampas ko siya sa braso niya.




"Ang bait ko kaya! Ikaw nga may masamang ugali diyan e." Sambit ko dito habang nakasimangot.




"Aba anong ginawa ko sa'yong masama?" Tanong pa niya sa akin na parang bang nanlalaban pa ang boses.



"Marami! Natatandaan ko pa 'yung pinanood mo lang akong madapa sa harap ng madaming tao nung grade 8 tayo." Natawa naman siya bigla nang matandaan niya iyon. Oh ayan na naman siya, lolokohin na naman ako roon.




"Eh ang cute mo kasi no'n. Iyak ka na e haha." Natatawa niyang sabi pa sa akin at sunod-sunod pa ang pagsasabi namin ng mga kasalanan sa isa't isa. Maya-maya naman ay naririto na kami sa hospital na aking pinagtatratrabuhan.




"Ba-bye, Sadie. Sa susunod uli kapag nagkasabay tayo ng alis." Pagpapaalam sa akin ni Aaron nang makababa na ako ng sasakyan.



"Ba-bye din Aaron. Sa uulitin!" Pagpapaalam ko pabalik dito. Pagkatapos ay sinara niya na ang bintana ng kanyang kotse at sinimulan nang paandarin ang kotse paalis ng hospital.



Nang makaalis si Aaron ay sakto namang pagdating ng supervisor namin. Syempre bumati ako agad at ganoon rin naman ang ginawa niya.



"Good morning nurse Sadie. You're not late ah." Sabi pa sa akin ng supervisor ko. Napangiti naman sa kanya at sabay na rin kaming pumasok sa hospital. Nag-in pa muna sa isang kompyuter sa pamamagitan ng pagpapa-scan ng Identification card namin.




"By the way, I received a call from my assistant. She said you wanted to have a day-off next week." Sabi ni sir habang parehas pa rin ng dinadaanan. Saka lang naman kami maghihiwalay ng daan kapag malapit na kami sa isang elevator.




Opo sir." Mukhang desperada pa ang boses ko no'n. Hindi naman kaya nakakahiya.



"Let's talk tonight. I just have a lot of things to attend to and give me time to think since a lot of nurses also want to have a day-off next week." Kinabahan naman ako bigla. Parang binibigyan niya siguro ako ng hint na hindi talaga niya ako mapapayagan. Napailing na lang ako at inalis ang negativr thoughts na iyon. Iniisip ko na lang na papayagan niya later.




"Sige po sir. See you later po." Sabi ko sa kanya.




"Alligator." Sagot nito sa akin na may ngiti sa kanyang labi at pagkatapos ay pumasok na sa elevator.



*



"Ano napayagan ka na?" Tanong naman sa akin ni Gen habang namamahinga ako ngayon sa nurses' room. Nakaupo ako ngayon sa isang mahabang upuan kung saan nakasandal ang aking likod sa gilid ng isang locker at nakapatong ang aking hita at paa sa upuan. Parang half nakahiga ganon.




"Hindi pa, sabi niya mamaya raw kaming mag-uusap." Sagot ko sa sa kanya habang nakatitiga sa isang pader na nasa harap ko. Tinamaan ako ng pagod kaya ako ganito.




"Luh, puntahan ko kaya iyang supervisor mo. Kami ang mag-uusap." Natawa naman ako kay Gen dahil mukhang gigil na gigil na siya sa kabilang linya. Minsan nga iniiisip ko pa kung paano kaya kung magkasama kaming nagtatrabaho sa isang hospital. Paniguradon araw-araw ay may chika kapag break time.




"Asa pa sa sinasabi mong usap Gen. Masesante pa ako kapag nalaman niyang kaibigan kita." Sabi ko at umayos pa ako ng tayo. Niyapos ko ang aking tuhod gamit ang aking kanan kamay tapos ang isa kong kamay ay hawak ang cellphone na nakatapat sa aking tenga.



"Sus, e ang tagal niya na kasing hindi sumasagot sa permission mo. Anong araw ka ba nagpaalam? Diba Monday! Friday na wala pa rin." Naiinis na sabi ni Gen sa akin at medyo nailayo ko ang aking cellphone mula sa tenga kasi lumalakas talaga ang boses niya.




"Ngayon naman ay nandito na siya. Tsaka bahala na sa mapag-uusapan mamaya." Sagot ko at isinandal pa ang baba ko sa aking tuhod. Nagsisimula nang mag-isip kung papayagan ba ako o hindi



"Anong bahala na? Sabihin mo sa'min ah kung pinayagan ka niya or hindi. Kasi kung hindi, resbak abot no'n sa'kin. Pupuntahan ko siya sa hospital niyo." Hindi ko mapigilang tumawa dahil inis na inis na sadya si Gen sa aking supervisor. Actually, talagang kada araw tinatawagan niya ako kung anong balita na at ang mga sagot ko naman ay hindi pa ako nakakapag-paalam ng maayos kasi wala pa siya kaya naiintindihan ko na ang inis niya ngayon.




"Gen naman, ikaw nga ay kumalma diyan. Basta sasabihin ko kayo kapag pinayagan ako." Sabi ko sa kanya.





"Talaga lang Sadie. Siya sige, mamaya na ulit tayo mag-usap. Tinatawagan na ako ng mga katrabaho ko."  Sagot ni Gen at nagsimula na rin kaming magpaalam sa isa't isa. Pagkatapos no'n ay tumayo na rin ako mula sa aking inuupuan at pinuyuran ang aking buhok ng maayos. Iiwan ko na sana ang aking cellphone sa aking locker nang makita ang pagbukas nito dahil sa isang notification.




From: Thalia
Huy girl, Pinayagan ka na ba?


From: Kuya Neil
Sana naman payagan ka today, inip na ako.



Ngumisi ako nang makita ang message nilang dalawa. Talagang isa-isa pa silang kumausap sa akin tungkol sa pagpapaalam ko sa aking supervisor. Kaso parang may kulang pang isa.



To: Chris
Ikaw, hindi mo ba ako tatanungin kung pinayagan na ako para next week?



Nag-ipon pa ako ng lakas ng loob dahil dito. Siguro maganda na rin ito para naman makapagsimula na rin kami ng maayos ulit. We're siblings, we're friends and I don't want to break the good relationship I have with him now. Nang mapagtanto ko naman na mukhang mamaya pa ang reply ni Chris sa akin ay sinara ko na ang locker at sinusi iyon pero narinig kong ito nag-ring. Napakamot pa ako sa ulo ko kasi nasusi ko na tapos bubuksan ko pa ulit. Alam ko namang may time pa ako mamaya para makita ang reply niya pero hindi ako mapakali at gusto ko agad makita. Kaya naman pagbukas ko ng locker ay kinuha ko agad ang aking cellphone at binuksan agad iyon.




From: Chris
Hindi, bakit ko naman tatanungin kung alam kong hindi ka naman pinapayagan pa.




Nang mabasa ko iyon ay medyo na-disappoint ako kasi hindi ko ine-expect ganoon ang isasagot niya sa akin. Dahil sa pagkadismaya ko ay hindi na ako nagreply at sinara na lamang ang locker at sinusi. Bago ako tuluyang lumabas sa aming room ay may bigla akong na-realize dahilan sa aking pag-ngiti.




'That tone he gave me through his text is just like before. I think this is the beginning of better days to come.' Sabi ko na lang sa isipan ko at umiiling-iling habang nakangiti.




*




"Ma'am! Sabi ni Dok ay discharge na po kayo, but please settle first po the payment at the accounting station po. Salamat!" Pagpapaala ko sa isang nanay na abalang-abala sa pagtingin niya sa kanyang asawa. Nabigla pa ako nang may dumaan na dalawang bata sa aking magkabilang tabi at tatakbong niyakap ang kanilang tatay.




"Salamat po nurse." Sagot sa akin ng akin ng nanay at pati ang tatay ay nagpasalamat din sa akin. Nang matanggap ang salamat nila ay tumango ako at nag-welcome bago kumaway bilang pagpapaalam. Pagkatapos non ay umalis na ako sa room nila at tiningnan ang aking chart. Mukhang nagawa ko na naman lahat ngayon ang ipina-check sa akin ni Dok tapos maya-maya ulit. Pupunta sana ako sa aming nurse station nang biglang may tumawag naman sa akin na isang nurse.




"Nurse Sadie, pinatatawag ka ng supervisor sa office niya." Naalarma naman ako sa kanyang sinabi. Muntik nang hindi makapagpaalam dahil nawala na sa isipan ko.




"Siya sige po, salamat!" Sagot ko sa isang nurse at naglakad na rin ako papunta sa kanyang office. Kumatok pa ako ng tatlong beses bago pumasok at sinabi naman niya pumasok na pumasok na ako kaya binuksan ko na ang pinto. Nakangiti pa akong salubungin ang aming supervisor at ganoon din naman ang ginawa niya pero mukhang pilit pa nga ngiti niya kaysa sa'kin. Ayaw niya ba akong makita? Charr.



"Nurse Sadie, please take a sit." Sabi pa niya sa akin habang ang kamay niya ay nakatapat sa upuang available sa harap ng kanyang desk. Sumunod naman ako at umupo ng maayos.




"So my assistant made mentioned that you want to have a day-off next week because of a personal agenda? Tama ba rin ang narinig ko na may imbestigasyon kayong gaganapin?" Tumango ako agad sa aming supervisor.




"Imbestigasyon? Mayroon bang case of crime na nangyari sa tahanan niyo?" Tanong ni Dok sa amin at hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon sa akin. Bakit naman ang dami niyong tanong? Hindi po ba pwedeng payagan niyo na lang ako?




"O-opo." T*ngina, pakiramdam ko masesesante ako nito. Nagsinungaling ako sa harap ng aking supervisor at bigla siyang tumawa dahilan kung bakit naguluhan ako.



"Never expected that you can lie." Sabi niya sa akin at nanlaki ang mga mata ko. Bigla akong nag-aalala at nagsimulang pumasma ang aking kamay na nakapatong sa aking hita.




"Sir sorry po, mahalaga lang po kasi ang pupuntahan namin next week at hindi ko po maipaliwanag sa inyo ng maayos kasi hindi ko rin po maintindihan kung bakit mahalaga." Pagbibigay paumanhin ko at ngayon, hindi ako makatingin ng ayos sa aking supervisor.




"I talked to Sergio last Wednesday and he told me the reason." Nanlaki pa ulit ang aking mata nang mabanggit niya ang pangalan ng tatay ko.




"Sergio Escareal po ba?" Tanong ko sa kanya at tumango siya.




"Never knew that he is your father. Kung alam ko lang, sana pinahirapan ko ang interview questions for hiring. Just kidding!" Natatawang sabi pa niya sa akin at hindi ko rin alam kung bakit napangiti ako. Dahil doon ay nawala na rin ang kaba ko at naging komportable sa harap ng supervisor ko.




"So going back, I think it really is a personal agenda and he really wants to help you. Mas naintindihan ko ngayon kung bakit maraming gumugulo sa isipan mo and for that, sige papayagan kita. But I'll only give three days." Bigla akong nabuhayan at napayakap sa aking supervisor.



"Thank you po talaga! Pagpalain po sana kayo ni Lord." Buong saya kong sinabi kaso natauhan ako nang tanggalin ang kati sa  kanyang lalamunan. Kumawala agad ako sa yakap at binigyan siya ng peace sign habang siya naman ay inaayos ang kanyang suot.



"You are welcome, Nurse Sadie. But let me remind you that if you exceed your absence, you'll receive your consequences." Pagpapaalala sa akin ng supervisor at agad akong tumango nang hindi nawawala ang ngiti sa aking labi. Pagkatapod naman ng pag-uusap namin ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa at na lumabas na ng kanyang room. Kinikilig pa nga ako sa tuwa nung lumabas ako at pinagpatuloy na ulit ang aking trabaho sa hospital.



*



To: Papa

Papa! Thank you. Hindi ko man alam kung bakit mahalaga ang pagpunta natin sa Batangas pero salamat po dahil makakasama ako next week.



Nag-iwan ako ng message kay papa habang naglalakad na ako palabas ng hospital. Tapos na kasi duty ko ngayon kaya uuwi na ako. Syempre byahe ulit ako pag-uwi dahil wala naman kaming sasakyan. Hindi pa rin naman sapat ang pera ko at pera namin para makabili. Tsaka marami kaming ginagastusan ngayon.



Nang makarating na naman ako sa kanto ay mabilis akong nakasakay sa isang jeep papuntang amin. Tahimik lang ang byahe at talagang kapag dire-diretso lamang ang andar ng jeep ay napapatulala ako sa kalsada. Parang ang daming pumapasok sa utak ko kapag ganoon pero ngayon blangko lang. Parang ang sarap sa feeling na walang masyadong iniisip ng nakakasakit sa ulo. Kaso napatigil ang aking pagmamasid nang biglang tumigil ang jeep dahil sa stop light. Saktong nakita ko si Chris na may kasamang babae at ipinasakay sa kanyang sasakyan.



Ewan ko kung bakit nakaramdam ako ng selos roon, which is hindi naman dapat dahil magkapatid kami. "T*ngina, bakit ang sakit sa puso?" Bulong ko sa sarili ko nang ilagay ko ang aking kamay sa aking dibdib.



"Ang lutong non ah." Sabi naman nang babaeng katabi ko at nabigla ako kasi narinig niya pala ang mura ko.




"Crunchy ba? Gusto mo ba ulit makatikim?" Tanong ko sa kanya at bigla siyang natakot sa akin at hindi na lang ako pinansin.



Bakit naman ako ganito?  Ang saya-saya ko na tapos biglang ang bilis ng kapalit. Naiinis na talaga ako sa ganito. Nang mag-green light na naman ay nagsimula na ulit umandar ang aking jeep at kahit wala na sa aking paningin ay hindi pa rin mawala sa aking isipan.



"Para!" Sigaw ko sa driver ng jeep at bigla naman siyang huminto. Maraming tao pati na rin ako ay nag-slide sa kanilang upuan dahil sa pagkabigla. May mga batang tumatawa at may mga matanda naman na nainis. Narinig ko ang  pag 'tsk' ng driver sa akin pero binalewala ko na iyon.



"Sa susunod miss, huwag po kayong sumigaw na parang may nangyaring masama. Nagulat po kaming lahat." Pagpapaalala ng drayber sa akin at nakonsensya rin naman ako sa aking nagawa.



"Sorry po sa lahat. Noted kuya!" Sigaw ko ng mahinahon at bumaba na nang jeep.




Nakahinga naman ako ng maayos nang makita pa ang kotse ni Chris doon sa isang maliit ng building na nakatayo sa kabilang kalsada. Tumakbo ako sa may pedestrian line habang naka-ilaw ng red light ang stop light. Hingal na nga akong habang natakbo dahil bago pa makaabot ng pedestrian ay mga ilang meters pa ang aking tinakbo pero malapit-lapit naman sa location nina Chris. Nang makaliban na nga ako ay namahinga ako ng dalawang segundo tapos tumakbo ulit pero nang makitang nabuhay na ni Chris ang makina at nagmadali talaga ako ng todo. Kaso hindi ako umabot dahil naka-andar na siya. Naghanap na lang ako ng paraan dahil hindi pa naman medyo nakakalayo. At ang paraan na napili ko ay ang pagbato ng bag ko ng malakas sa liko ng kanyang sasakyan.




"Hoy! Tukmol tumigil ka." Sigaw ko sa kaniya at bigla siyang tumigil. Pagkatigil nito ay bigla itong bumaba. Hinipan ko pa ang buhok kong nakaharang sa aking mukha na may inis na ekspresyon habang nakatingin sa kanya.




"Hindi mo naman kailangan batuhin ang kotse ko, Sadie!" Inis na sabi nito sa akin at napakamot sa kanyang ulo.




"Pasabay ako." Biglang lumabas sa bibig ko at kumunot ang noo niya dahil sa aking sinabi. Pinitik pa nga niya ang aking noo dahil mukhang nasisiraan na ako.




"Bakit hindi mo na lang ako tinext. Edi sana tumigil ako sa hospital niyo." Biglang malumanay na sabi niya at hinawi ang buhok kong nakahara sa aking mukha sabay ang paghaplos nito sa aking pisngi. Bigla akong nawala sa kanyang mga maya nang maramdaman ang lungkot nito.




"Pwede ba lagi mo na lang ulit akong sunduin?" Sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.



"Chris, sino siya?" Tanong ng babae sa amin nang makababa siya mula sa kotse ni Chris.




"Kapatid ko, nagseselos." He said with a smirk and I was dumbfounded.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 24.9K 47
Dice and Madisson
2.9K 190 44
" I have so many reasons of why I started to fall for you..." I said," But it only takes a single reason you made for me to end my feelings for you."
3K 479 44
METANOIA SERIES #1 People say that your childhood is your happiest stage in life so you have to enjoy it, but Natasha's was different. She experience...
16.5K 652 54
Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamilya ay hindi niya naramdaman na iyon ang...