NANG tumuntong ang oras ng alas-nwebe ay lumabas na ako sa kwarto ni Fabros. Hindi na naman ito tumupad sa napag-usapan namin. Hindi ko alam pero may umusbong na inis sa kalooban ko at pagkadismaya.
Pumasok ako sa sariling silid at doon nagkulong. Marami kaming napapanood ni ate Anna na mag-asawa sa telebisyon ngunit kahit saang parte ko talaga tingnan ay ibang iba talaga kaming dalawa ni Fabros. Gusto kong maging katulad kami ng mga nasa palabas kasi parang ang saya saya ngunit parang ayaw naman ata ni Fabros ng ganon.
"ATE Anna umuwi po ba si Fabros?" Tanong ko ng makaupo sa hapag. Inaayos nito ang pagkain kasama pa ng iba naming kasambahay.
"H-hindi po ma'am." Mas bumigat ang pakiramdam ko. Ewan kung bakit nakakaramdam ako ng ganitong pakiramdam kahit wala naman akong na aalala tungkol sa kanya. Parang matinding pangungulila sa kung kanino at saan. Hindi ko maiwasang malungkot.
"Talaga po bang ganon na si Fabros dati pa?" Tanong ko ulit dito pagkatapos ko silang paupuin sa harap ko sa hapag, sabay sabay kaming kumakain dahil yun ang gusto ko, nung una ayaw nila at nagmamatigas ngunit napilit ko rin naman sila kalaunan. Apat na kami ngayon sa hapag.
"Opo ma'am, k-kayo rin po dati ma'am madalas wala po sa bahay."
"Po? Saan naman po ako nagpupunta kapag ganon?" Nagtinginan silang tatlo.
"Sa bar ma'am." Sagot ni ate Anna. Bar? Siguro masaya doon kaya lagi akong nandon?
"Punta kaya tayo ate?" Excited na wika ko, fully healed naman na ang mga paa ko kaya tingin ko naman ay pwede na. Saka matagal na akong nababagot, ni hindi pa ako nakaka-labas ng bahay.
"Pero po…"
"Sige na ate, punta tayo mamaya."
Nagtinginan ulit silang tatlo.
"Tayong apat punta tayo." Ng makita nila ang excitement sa akin ay wala na silang nagagagawang tumango.
"ANG ganda pala ng mata mo ma'am." Sabi ni ate Isay ang nag aayos sa akin, hindi ko alam na kailangan pala mag-ayos at magsuot ng magandang damit kapag pupunta sa bar.
Napatitig ako sa salamin na nasa harap namin, I can see how my brown eyes turned to yellowish ng matapatan ng ilaw.
"Kailangan po ba talaga na ganito ang suot?" Sila ang pumili ng dress na pina-suot sa akin sa closet ko. Dark blue ito na sleeveless, backless at gagahita lang ang haba. For some reason I'm not comfortable with the dress and how it hugs my body.
"Ma'am mga ganyang style po talaga ang suot niyo kapag pupunta sa bar, saka po wala naman na pong mas conservative pa diyan na damit sa closet niyo." Kahit naiilang ay tumango na lang ako.
"Tara na po." Aya ko sa kanila, sabi nila gabi lang daw nagbubukas ang mga bar kaya 7 namin napagdesisyunan na pumunta.
Pababa kami ng hagdan ng biglang pumasok si Fabros sa pintuan ng bahay. He is wearing a black suit and he has a suitcase on his right hand. Sabay sabay kaming napahinto sa paglakad.
Like the usual, wala na naman itong emosyon at reaksyon kung hindi ang ka seryosohan.
Bumaba na ako at sinalubong siya. I don't know what to say and how to approach him, medyo nagulat ako dahil maaga siya ngayon.
Dapat ba akong magpa-alam or hindi na kasi mukhang hindi naman siya interesadong malaman. Kahit nagtatalo pa ang isip ay ngumiti na ako sa kanya.
"Pupunta kaming bar, bakit maaga ka?"
Tanong ko, he studied my body bago binalik ang tingin sa mga mata ko.
"I finished my work early today." Tumango tango ako, wala nang masabi.
"Sige alis na kami."
"No." Matigas niyang anas kaya napatigil ako.
"Huh?"
"You're not allowed to go outside." Huh?
"B-bakit?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"I thought you'll be a good wife? Good wife, don't go to bars wearing that kind of dress." Napatingin ako sa suot ko.
"G-ganun ba yun?" He narrowed his eyes on me. Hindi siya sumasagot. Lumingon ako kila ate Anna na medyo tense na sa taas ng hagdan hindi parin sila kumikilos.
I smiled at them.
"Hindi pala tayo pwedeng pumunta mga ate."
"O-okay lang po ma'am, sige po sir." Agad silang tumakbo paalis sa harapan namin ni Fabros.
I smiled at Fabros before walking more closely to him. I tiptoed to reach his right cheek and planted a kiss on it. Kinuha ko rin ang dala niyang suitcase.
"Ako na dito." Malawak ang pagkakangiti ko bago siya hatakin pataas ng hagdan. Ng makapasok kami sa kwarto niya ay pinaupo ko siya sa kama bago ako tumabi. He is quiet the whole time.
"Bakit hindi ka umuwi kagabi? Mabuti at hindi kita hinintay." Tinanggal niya ang suot na suit kaya tinulungan ko siya, he stop, tumingin siya sa akin, ngumiti lang naman ako sa kanya at ako na ang tuluyan nag tanggal sa suit niya.
"I'm busy." Tumango naman ako.
"May sasabihin pala ako sayo." Pag-sisimula ko. He is just staring at my eyes.
"Nakita ko sa TV na ang mag asawa pala dapat nagtatabi sa isang kwarto." Kumunot ang noo niya.
"Should I sleep here with you?"
"No." Agad nawala ang ngiti ko.
"B-bakit?"
"I already told you that we're not like the couple you watched from TV Adelle."
"How are we different?" Litong tanong ko, anong pinagkaiba eh mag-asawa naman kami.
"Don't use endearment with me, don't wait for me to come home, don't call me at work, and you're not allowed to sleep in my room." He coldly said.
"But I want to be a good wife to you."
"A good wife is submissive to her husband. What you need to do is do everything I tell you to." Agad akong tumayo mula sa kama niya.
"I will call you what I want to call you, from now on you'll be my hubby, I will wait for you if I want to, what you need to do is go home early like what you did tonight, I will call you at work if I miss you and I will sleep here because I said so."
Nahiga ako sa kama niya at binalot sa akin ang kumot niya.
"Don't be hard headed on me. Go to your room and sleep there."
"Don't be too nugging on me. Go to shower and clean yourself. I want a cuddle hubby." Umismid siya bago pumasok sa banyo.
Pagkalabas niya ay agad na siyang naglakad papunta sa pinto.
"Where are you going?" Hindi siya kumibo at nagpatuloy sa pag-alis, nagkibit balikat na lang ako habang napapangiti sa sarili. We need to be like other couples, even if he doesn't want to, I'll make sure that we will.
ILANG minuto ng walang Fabros na bumabalik simula ng lumabas siya ng kwarto. Tumayo ako at balak siyang hanapin, ngunit ng bubuksan ko na ang pinto ay agad na itong bumukas. Kumunot ang noo niya ng magkaharap kami.
Tumakbo ako pabalik sa kama niya at muling nahiga. Binalot ko ulit ang katawan sa blanket habang pinapanood siya na naglalakad palapit.
"Why are you still awake?" Tanong niya ng makaupo sa kama.
"I'm waiting for you, akala ko sa iba kana matutulog."
"Why would I? This is my room." Malawak akong ngumiti sa kaniya.
"Saan ka nagpunta?" Nahiga narin siya sa tabi ko, medyo malaki ang espasyo sa pagitan namin kaya umusad ako palapit sa kaniya hanggang sa maglapat ang mga braso namin.
"What are you doing?"
"Saan ka galing?" Pagbabaliwala ko sa tanong niya. He heaved a sigh.
"I was in the library, I worked on something."
"Can I work too?" Kumunot nanaman ang mata niya.
"No." Nawala ang ngiti sa mga labi ko.
"I want to work, I want to work with you. Ate Anna told me na ikaw may ari sa negosyo niyo, pwede mo ba akong ipasok?"
"No, you can't Adelle." I couldn't help but pout.
"Please, sige na. Promise pagbubutihin ko."
"What work?" Nagkaroon ako ng pag-asa dahil sa tanong niya.
"Kahit ano basta lagi kitang makikita."
"There's no work in the company like that."
"I'll be your secretary then."
"Then I'll fire my secretary."
"Huh bakit naman?"
"I don't need two secretaries Adelle." Nakatitig pa rin ito sa mga mata ko habang nagsasalita. We're looking at each others eyes.
"Huwag mo na siyang tanggalin, hindi mo naman ako babayaran eh, I'll work free for you since I'm your wife, what I want is to have something to do para hindi ako mabored saka para lagi rin kitang nakikita."
"Why did you become so clingy?" He studied my expression tila may hinahanap na kung ano o binabantayan ang expression ko. I just smiled widely at him.
"Because you're my hubby." Binalik niya ang mga mata sa mata ko.
"You like my eyes do you?" He looked away after I said that.
"No."
"I like yours." Tumalikod siya sa akin. I hugged him from the back. Ilang ulit niyang tinanggal ang kamay ko sa kanya ngunit paulit-ulit ko ring binabalik, sa huli ay siya na ang sumuko.
I sleep with a huge smile plastered on my lips.
Nagising ako ng wala na siya sa tabi ko. Hindi pala ako nakapagpalit ng damit pero pagtingin ko sa salamin wala na akong make up sa mukha, ewan baka pinatanggal niya kila ate Ana.
"GOOD morning sir and ma'am." Bati sa amin ng mga nagtatrabaho sa kompanya, nalula ako sa tayog ng building na pag-aari ni Fabros.
"Good morning po sa inyo." Patuloy ang pagkaway ko sa mga bumabati sa amin.
I wore a corporate attire, nakita ko ito sa kama pagkagising ko, pinabili ni Fabros para sa akin.
Pumasok kami sa elevator, dalawa lang kami sa loob habang pataas ito. We reached the top floor.
Sabay din kaming lumabas, mahabang pasilyo ang dinaanan namin.
"Good morning sir and ma'am." I smiled to the old lady na nasa labas ng pinto. She have a table, siguro ito ang secretary niya.
"Good morning po."
Bati ko rin bago sumunod kay Fabros sa loob.
"That's your table." Turo niya sa isang table na nasa gilid ng kwarto. May computer ito sa ibabaw.
Halos patakbo akong lumapit dito.
"Don't run, this place is not a playground." Sumimangot lang at hindi na siya pinansin. I also have a shivelchair na agad kong inupuan. May telepono sa gilid ng mesa, bukod dito at sa computer wala ng ibang nakalagay. I will place a flower vase here, kagaya ng ginawa ko sa bahay namin.
I looked at Fabros na nagsimula ng pumirma sa mga papeles na nasa harap niya. Malawak ang office nito, may coffee maker sa gilid, may mga paintings sa dingding at mag visitors area, overall sobrang ganda ng opisina, but like the house, it's feel empty. Tumayo ako at dahan dahang lumapit sa kinaroroonan nito.
Nasa kalahati pa lang ako ng bumaling na siya sa akin. Agad tuloy akong napatigil.
"What are you trying to do?" Suplado nanaman niyang tanong, nag deretso na ako sa paglakad papunta sa kaniya. Pumwesto ako sa gilid niya.
"Go to your table, I'm working here."
"Just continue what you are doing, don't mind me." Wika ko, umismid lang siya bago pinagpatuloy ang ginagawa.
I studied his table, katulad ko may computer din siya, may mga papeles sa harap niya, my ballpen holder din siya. I saw a picture of him, nakaupo ito sa shivelchair niya at seryosong seryoso nakaharap sa camera. Agad ko itong kinuha kaya napatigil nanaman siya sa ginagawa at kunot noong tumitig sa akin.
"I want it on my table. Papalitan ko toh ng picture ko." Ngumiti ako bago pumunta sa sariling table at doon nilagay ang picture niya.
NAGLALARO ako sa computer ko ng biglang bumukas ang pinto ng office ni Fabros. A very sexy woman entered the room, tuloy tuloy siya sa kinaroroonan ni Fabros. I was shock when I saw her tried to kiss Fabros, ngunit lumayo ito kaya hindi naabot ng babae ang labi niya. Fabros look at me kaya napatingin din sa akin ang babae. The shock was evident on her face as she saw me.
"You should leave now, Lorence."
"But babe.. I mean Fabros, I need to tell you something about work." The woman glanced at me again.
Tumayo si Fabros at naglakad papunta sa pinto, sumundo naman ang babae dito. Pagkalabas nila, parang non lang na proseso ng utak ko ang nangyari.
"KABIT yan ma'am." Sabi ni ate Anna habang nanonood nanaman kami ng panibagong teleserye.
"Anong kabit ate."
"Diba may asawa na yung lalaki, ayang babaeng kasama niya ngayon kabit niya yan. Yan ang mga naninira ng pamilya, hay nakakagigil ang mga ganyan talaga."
BUMALIK ako sa realidad ng bumukas nanaman ang pinto at pumasok si Fabros, wala na ang babae, hindi naman sila nagtagal sa labas. Nagkatinginan kami pero agad akong nag-iwas.
Hindi ko maiwasang mahulog sa malalim na pag-iisip. Kaya ba malamig siya sa akin dahil may kabit ito? Kung ganon nagtataksil siya sa kasal naming dalawa?
I saw him look at me on my peripheral vision ng tumayo ako. I walked towards the door, hanggang sa makaalis ay wala siyang sinabi.
Agad na patayo ang secretary ni Fabros ng makita ako.
"G-good morning ma'am, m-may kailangan po ba kayo?" Taranta niyang tanong. Nginitian ko siya.
"Wala po ate. Saan po kaya ako pwedeng makabili ng meryenda?" Hindi naman ako gutom, gusto ko lang talagang lumabas sa silid kung saan magkasama kaming dalawa ni Fabros.
"Nasa tapat lang po ng building ang Starbucks ma'am pwede po doon."
"Salamat po ate." Medyo gulat ang reaksyon niya ngunit hindi ko na lang pinansin at naglakad na lang papunta sa elevator.
Sumakay na ako. Pinindot ko na ang ground floor. Habang pababa ang elevator, huminto ito sa isang floor, akmang papasok na ang mga empleyado ng makita ako ay agad silang nagsiatrasan. Sasara na sana ulit ah pinto ng pigilan ko ito.
"Hindi ba kayo sasabay?" Gulat silang napatingin sa akin, they are group of 4 women.
"Ah eh m-ma'am."
"Hali na po kayo mga miss" Nagtinginan silang apat.
"Tara na." I smiled widely at them, nag-aalangan silang pumasok, pero kalaunan ay lumapit din. Tumayo sila sa likod ko at medyo malayo sa akin.
"Saan po kayo pupunta mga miss?"
"Ma'am?" Tanong ng isa. I look at her I.D. Abigail.
"Saan kayo pupunta Abigail?" Napahawak siya sa I.D niya.
"Sa cafeteria po ma'am sana…pero tapos na po kami sa shift namin..mag-mimiryenda lang po kami."
"Pwede ba akong sumama?" Nagtinginan ulit silang apat. Hindi ko napigilang malungkot sa reaksyon nila.
"Hindi ba pwede? Sige okay lang."
"Nako ma'am hindi po, okay lang po ma'am." Sagot ng isa. Tila sila natataranta.
"T-talaga?" Sabay sabay naman silang ngumiti habang tumatango kaya napangiti narin ako.
"Salamat."
"WHERE is she going?"
Fabros asked his secretary, the moment he saw from his monitor that Adelle had already entered the private elevator for his office.
"Sir, ma'am asked me where she could buy food, I told her about the Starbucks in front of the building."
Pinatay na ni Fabros ang telepono. While his secretary is still fascinated about how Adelle treated her earlier, she was very different from the Adelle who visited the company months ago.