Student Choir

By SeniorCarta

5.6K 310 10

(COMPLETED) Avery Ramos just wants to be part of the choir. Her long-time crush was part of the group, so wit... More

Disclaimer
STUDENT CHOIR
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 25 (2)
CHAPTER 26
CHAPTER 26(2)
CHAPTER 27
CHAPTER 27 (2)
CHAPTER 28
CHAPTER 28.2
CHAPTER 29
CHAPTER 29 (2)
CHAPTER 30
EPILOGUE
EPILOGUE (2)

CHAPTER 28.3

75 6 0
By SeniorCarta

CHAPTER 28.3

AVERY RAMOS,

Kaunting impormasyon ang napagtagpo-tagpo sa 'king isipan matapos sabihin sa 'kin ni Padre Norman ang nangyaring pagpatay ni Marvey sa mga kasama n'ya.

Hinawakan ni Padre Norman ang balikat ni Arren. “Nasa'n si Padre Sevilla? Ilang araw na n'ya kaming hindi binibisita rito. Mabuti nga na may pagkain pa kaming natira. Kaya 'yon muna ang kinain namin.”

Sumagi sa isip ko 'yong madalas na pag-akyat dito ni Padre Sevilla, pati na rin ang ikatlong pasilyo na nasa ikalawang palapag. Hindi pa man nila na sabi ang tungkol dito, may ideya na ako kung bakit.

Bagsak balikat kaming dalawa ni Arren dahil sa tinanong ni Padre Norman.

“Wala na po sila.” Yumuko si Arren, 'di man s'ya umiiyak ay ramdam naman sa klaseng boses na nanghihina s'ya.

Kaagad kong pinahid ang luhang pumatak, nilingon ako ni Padre Norman. Mahigpit n'yang hinawakan ang rosaryo sa kan'yang leeg.

“Diyos ko, patawarin mo sana ang mga kasalanan nila. Hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Pati mga kasama n'ya'y napayuko na rin sa pagdadalamhati para kay Padre Sevilla.

Bumaba kami mula sa itaas. Kita ang pagkamutla ng kanilang balat nang dumapo ang liwanag mula sa labas. Tumataas na rin ang sikat ng araw.

Kanina pa nakahawak si Arren sa 'king kamay. Hindi ko alam kung pansin n'ya ba ang malalim kong tingin sa kan'ya. Nasa itaas ng altar ang kan'yang tingin. Ayaw ko naman titigan dahil sa nanginginig pa ako.

Rinig ko ang singhapan nilang lahat. Ang ilan ay napapikit na lang at tahimik na napaiyak. Wala kaming magawa ni Arren kundi titigan  na lang sila na hirap-hirap sa sitwasyon.

Mamula-mula ang mata ni Padre Norman na lumapit sa amin. “Kaya mo ba sila pababain, hijo? Kailangan ko nang maisagawa ang panalangin para sa kanila.”

Tumango si Arren at saka ro'n pa lang n'ya binitawan ang kamay ko. May kinuha s'yang mahabang hagdan para baklasin ang nga bakal na nakapulupot sa leeg ni Padre Sevilla pati na rin ang iba pa.

Umupo ako sa mahabang upuan. Do'n pa lang sumagi sa isipan ko na may mga ilang kasama pa kami. Tumayo ako sa pagkakaupo at saka sila hinarap.

Tumungo ako sa dining room ngunit hindi ko sila nakita. Sana naman magkasama silang lahat para na rin mapag-usapan ang susunod naming hakbang.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng Hall nang madinig ang samu't saring boses na tila ba'y nagtatalo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang buksan ang pinto.

“Hindi namin sinasadyang bagsakin ang cover court!”

“Anong hindi sinasadya? H'wag ka nang magmaang-maangan pa! Narinig ko ang usapan n'yo na iiwan n'yo kami ritong makulong. Malamang sinadya n'yo ang pagbagsak ng cover court,” boses ni Salisca.

Natigilan ako. May ilan pa silang pinag-aawayan ngunit naubos na ang aking pasensya sa aking natuklasan. Hindi ko nakayanan ang mga pagtataksil nila.

Gulat at halos lumuwa ang mga mata nilang nakatingin sa 'kin nang mabuksan ko na ang pinto. Mabibigat na hakbang na tumungo ako sa kanila.

Hinila ko ang kwelyo ng babaeng na galing pa sa section 1. Nakikita ko ang sarili sa kan'yang mga mata, matindi ang aking pagtitimpi.

“Sinasabi ko na nga ba may kinalaman kayo. Plano nating makalabas tayong lahat pero anong ginawa n'yo? Gusto n'yo kayo lang at iwan kami rito!”

Nanginginig ang kamay na inalis ko ang kamay sa kan'yang kwelyo. Baka lumala ang galit ko at masakal ko s'ya.

Maluha-luha ang kan'yang mga matang nagmamakaawa sa amin. “H-Hindi ko ginusto ang kanilang plano, Avery. Maniwala ka, wala akong kinakampihan.”

“Sinungaling! Ikaw ang inutusan ni Chord na gibain ang cover court! Alam n'yong marupok na iyon kaya madali n'yo na lang nawasak,” sabat ni Salisca, naki-sang-ayon naman ang mga kasama. Tahimik ang iba.

Mabilis na umiling ang babaeng kinuwelyuhan ko. “Hindi totoo 'yan at alam iyon ng kasama mo! 'Yong mga kasama ko ang humampas ng malaking bakal sa marupok na pader ng cover court kaya ito bumagsak.”

Tinignan ko si Salisca, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kan'yang isipan ngayon. Sapat na iyon na dahilan para pagdudahan sila.

~•~•~•~

THIRD POV,

Halos madapa na sa katatakbo ang mga estudyante dahil sa nasaksihan sa ikatlong kwarto kung saan may mga taong nakakulong. Humahangos sila nang makarating sa backstage ng cover court. Napahinto lamang sila nang sumulpot ang section 1.

Nagsenyasan ang mga section 3 na lapitan ang section 1. Nagpaiwan ang ilan sa kanila kasama si Ranora na kamyembro nito.

Napansin ng section 2 na may nakaabang sa kanilang harapan, napahinto sila dahil do'n. Kita ang nanunuyang ngisi sa mga labi ng section 1.

Bumaba ang tingin ni Ranora at, kan'yang napagtantong pamilyar sa kan'ya ang kasuotan ng section 1. Salubong ang kilay na inangat uli n'ya ang tingin.

“Napansin n'yo rin 'no?” Lumapit si Juliet na kasalukuyang gumaganap bilang bagong pinuno ng section 1. “Ang ganda nga naman ng custome namin. Disqualified na panigurado ang section 2 dahil kami ang mauuna.”

Sumalubong ang kilay ni Ranora, hindi makapaniwala sa sinabi ng kausap. Kahit hindi buo ang sinabi ng karibal na section ay batid n'yang tinatryador na sila. Nagsinghapan ang mga kasama at nagbulong-bulungan.

Sa kataksilang nagawa ng section 1, hindi lang section 2 ang kanilang niloko pati na rin ang section 3. Tulong-tulungan sila, 'di ba?

“A-Anong ginawa n'yo?” nanginginig ang boses na tanong ni Ranora, akmang susugurin n'ya si Juliet nang pinigilan s'ya ng kasama.

“Huminahon ka, Ranora.”

“Oo nga naman,” sabat ni Juliet. “Bakit hindi na lang tayo magtulungan para makaalis dito. Hindi naman malalaman ni Avery na magiging kasabwat tayo.”

Mariing napailing si Ranora. “Paano kami magtitiwala sa inyo kung mismo damit at kantang ginawa ng section 2 ginaya n'yo? Wala kayong orihinal na gawa!”

Mas lalong lumakas ang bulungan. Nagsilapitan ang mga kamyembro ni Avery na hindi nila inaasahan.

“Traidor talaga kayo! Hindi kayo tumutupad sa usapan! Pati pinaghirapan namin ninakaw n'yo lang!” sigaw na kadadating na si Zarahi, kasama ang ilang section 2.

“Akala ko ba walang maiiwan dito, ah?” untag ni Stephanie nang mapalapit. “Napaka-selfish n'yo at hindi kayo nahiya sa ninakaw n'yo?”

Nagtawanan ang mga kasama ni Juliet. “Anong gagawin n'yo sa amin kung gano'n!” Pinalandas ni Juliet ang dila sa bibig.

Hindi pa man sila nakasagot nang biglang sumugod si Chord sa harapan ni Juliet dala-dala ang malaking bakal.

Naiwasan ni Juliet at ng mga kasama nito ang pag-atake ni Chord, humahangos pa si Chord matapos tumama ang bakal sa pader na nasa likuran nila Juliet.

Taranta at nakaginhawa ang mga kasama ni Zarahi at Ranora nang 'di natamaan ang section 1. Akmang bubuhatin ni Chord ang bakal at mukhang may binabalak itong masama nang agad nilang inawat ito.

“Tama na 'yan, Chord!” Ayaw sumunod ni Chord nang pigilan s'ya ng mga kasama.

“Walang aalis dito!” sigaw ni Chord, sunod-sunod na atake nito sa pader na walang ginagawa. Napaatras na lang ang mga kasama ni Juliet.

“Chor—”

Lahat sila'y napahinto nang maramdaman ang pagkayanig, pinakiramdaman nila ang paligid. Natauhan sila mula sa pagkahinto.

“A-Anong nangyayari?” tanong ni Carlo nang pumagitna s'ya sa section 3 at 1.

Titig na titig silang lahat sa isa't-isa. Biglang yumanig ang buong pader na nagpapatibay sa cover court. Hindi na nagawang makatakas pa ang ilan sa kanila nang bumigay na ang pader. Humarang ito sa kanilang daanan.

Halos di na maintindihan ang nararamdamang pagkabigla at pagkatakot nila. Mabilis silang kumilos at nagsitakbuhan.

Umalingawngaw ang hagulgol ng mga estudyanteng nagawang tumakbo at nakaiwas sa matinding pagguho ng cover court , hindi nila alam kung saan sila dadaan.

Ilan sa mga section 1 at section 3 ay nakaligtas ngunit walang nadatnang ni isang kamyembro ni Avery.

Hindi sila nakapag-isip sa sitwasyong iyon. Wasak na wasak at malakas ang pagkabagsak yerong galing sa itaas. Tumalsik ang mga marurupok na semento sa kanilang pwesto kaya napapaatras sila.

Napatakip na lang sila sa taenga sa lakas ng ingay. May ilang sugatan sa kanila ngunit higit na mas masakit para sa kanila na makitang marami ang nasawing kasama.


Continue Reading

You'll Also Like

4.2K 159 10
Belleza series #3 | ONGOING Angelus Ivy Bernadino found herself brokenhearted after she was informed that her love of her life, Johansen Reoron Reyes...
1.8K 13 1
TIFFANY MORALES - AN ANTAGONIST WHO BECAME A PROTAGONIST. GAANO NGA BA KAHIRAP ANG BUHAY? KAYA KA BA NITONG PAGLARUAN? NAKAKAPAGOD BA TALAGANG MABUHA...
3.9K 364 18
When love and death came at the same time, will one still be given a story worth reading? Language: Taglish
30.2M 997K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.