Love Between Different Worlds

By patatasieya

32 7 0

He came from a political dynasty while I came from a family of farmers. THIS IS A WORK OF FICTION ONLY0 More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 1

4 1 0
By patatasieya

Halos hindi ako makatulog kagabi. It was just a short memory pero hindi ko makalimutan.

"Of course, he wouldn't know that you lost your baby that is also his baby."


Inisang inom ko na ang gatas na lumamig na sa tasang hawak ko. Ang daming nagbago sa kanya after 10 years of not seeing each other.

"Good morning, Ma'am Aya." bati sa akin ng mayordoma ng bahay.

"Naku manang, sabing huwag mo akong tawaging Ma'am." saad ko. Ngumiti lang ito sa akin at iginaya ako sa daan patungong sala.

"Kanina ka pa hinihintay ng pamangkin mo." natatawang saad ni Manang. Kapag kasi mga ganitong buwan ay hinihiram ng Pamilya Soriano ang pamangkin ko.

"Hindi po kasi 'yan sanay na walang ginagawa." sagot ko sakto namang narating na namin ang sala ng bahay or should I say mansyon.

"Magandang umaga po, Ma'am Daisy." bati ko sa babaeng nagpapakain sa pamangkin ko.

"I told you to drop the Ma'am, Aya." saad nito sa akin bago ako hinagkan sa pisngi.

"Mama!" sigaw ni Mavie sa akin, ang pamangkin ko.

"Nakakainggit talaga si Nanay mo, may mga apo na. Si Sydney kasi di pa ako mabigyan ng apo." malungkot na saad nito. Tumawa lang ako ng mahina bilang sagot.

"Osiya, Mavie balik ka uli dito ha" saad nito sa pamangkin ko.

Nauna nang lumabas ang pamangkin ko. Aakyat pa kasi iyon sa taas at kukunin ang mga gamit niya.

"Parang kailan lang sanggol pa lang siya nang makita ko sa Negros. Ngayon magsasampung taon na." mahinang saad ni Ma'am Daisy. "Siguro kaedad niya lang ang magiging anak sana ni Sydney." dagdag nito na nagpatigil sa lakad ko.

"Ah magkakaanak pa po pala sana si Sir Sydney?" tanong ko.

"Oo, ang sabi ng matandang babae na tumulong sa girlfriend ni Sydney dati. Hindi rin kasi kilala niya nong matanda yong babae kaya di ko nalaman." sagot nito.

"Ganun po ba? Sayang naman po kung ganon." mahinang saad ko.

"Pero may nakapagsabi sa akin na minsan na nilang nakita si Sydney kasama ang anak ng isang magsasaka. Baka alam mo, diba close kayo ni Sydney dati?" salitang nagpatigil sa ikot ng mundo ko. Wtf

"Ay hindi ko po alam e." mahinan tawa ko.

Nang makita kong pababa na nang hagdan ang pamangkin ko ay nabuhayan ang loob ko. May dala itong isang itim na bag at isang gitara.

"Umuwi si Sydney kagabi eh naabutan niyang nakatulog si Mavie sa kwarto niya habang yakap pa ang gitara kaya kanina lang, binigay niya." natatawa nitong saad. Umuwi si Sydney kagabi? Akala ko ngayon pa siya uuwi.

"Naku di rin po niya magagamit yan. Mas napagtutuunan niya kasi ng pansin ang pagtatanim." I answered. Mavie loves planting and taking care of horses and any other animals in their Hacienda.

"Sometimes, naiisip ko baka 'yong kapatid mo ang girlfriend ni Sydney may pagkakapareho kasi si Mavie kay Sydney but I'm sure Sydney would not settle for less." napantig ang tenga ko don pero isinawalang bahala ko na lang.

Tuluyan na kaming umalis ng pamangkin ko. Tulog siya buong byahe pa Manila. Dumaan muna ako sa bahay ni Lily dahil may ibibigay siya sa pamangkin ko.

"Hello, little Sydney!" bati ni Xyril kay Mavie. Lily rolled her eyes.

"Mas pogi naman si Mavie sa pinsan mo." Lily said.

"Kailan ka babalik ulit ng Ilocos Norte, Mav?" Xyril asked my nephew.

"Nagtext si Mommy, hindi na raw ako babalik ng Ilocos." sagot Mavie.

"Oh, why is that?" Lily asked while packing some chocolates for Mavie.

"Uuwi na ako ng London po." sagot ni Mavie. Lily looked at me with curiousity.

"My sister just called yesterday, kukunin niya na raw si Mavie." saad ko kahit walang nagtatanong.

"I'm gonna miss you, Mav" pagdadrama ni Lily.

"Paanak ka na kasi." biro ko.

"Saka na pag nagkaboyfriend ka ulit." natatawang sagot nito. I glanced at Xyril who's eyeing me now.

"Ulit?"

"You didn't know? I thought you're friends." pang-aasar ni Lily sa boyfriend. I just rolled my eyes.

Nagpaalam na akong aalis na. Mahaba-haba pa kasi ang byahe namin pauwi. Hindi na bago sa akin ang tanungin kong kailan magkakaboyfriend. Bukod kasi sa hindi nila ako nakikitang may kasama o pinakilala. Malapit na rin akong lumagpas sa kalendaryo. I'm turning 28 next month, December.

"Mama, ano pong pinag-usapan ninyo ni Lola Daisy kanina?" tanong ni Mav out of nowhere.

"Tungkol sa mga bagay-bagay." sagot ko. He's used in calling me Mama. Ako na kasi ang tumayong Mama niya ng nag-abroad si Ate at pinili nang manirahan sa London nang nakapag-asawa ng negosyante don.

"Boyfriend po ba ni Mommy si Tito Sydney? Kamukha ko po kasi si Tito nong baby pa siya." tanong niya ulit.

"Mav, its because your father is your Tito Sydney's brother. You remember Daddy Lucio?" sagot ko.

"Di ba po pagnagkababy, nagpapakasal? Bakit iba po pinakasalan ni Mommy?" he asked again.

"It's because your Mommy doesn't love your Daddy na." sagot ko. Jusko kung ano-ano na tinuturo ko sa bata.

"Eh ba't ikaw? Diba may baby po kayo ni Tito Sydney?"

"Where did you hear those things?" diretsang tanong ko sa kanya.

"I saw your picture last night in Tito Sydney's room. Your pregnant there." napabuntong-hininga ako.

"The picture was edited. It was for my project before about a baby forming in the mother's womb." sagot ko. It was clearly an edited photo. Ako mismo ang nag edit non. I didn't know Sydney's keeping it.

"Okay!" aniya.


Gabi na nang makarating kami sa amin. Sinalubong agad si Mavie sa iba pa niyang pinsan. Dumiretso agad ako ng kwarto at nagbihis.

"Tangina mo hindi ako makatulog kakaisip don sa sinabi mo kagabi. Pero nagkita talaga kayo? Wala bang kiss sabay sabing 'Long time no see, langga' Lalo bang pumogi?" pang-aasar niya pa.

"Gagi wag mo akong iniinis, Ate. Sinasabi ko talaga sa'yo. Tsaka ikaw na lang at si Ate Tessa ang hindi nakakamove-on." saad ko.

Humagalpak lamang ito sa tawa at mas lalo pang nang-asar. Kwinento ko sa kanya ang sinabi ng Mama ni Sydney sa akin kanina. Nakabusangot na ang mukha niya ngayon.

"Narinig ko tatakbo raw next year si Sydney dito, Congressman. Governor naman si Patrick at Vice si Lucio. Mayor naman tatakbuhan ni Xyril. Sure akong kukunin kang staff ni Lucio. Iyon pa." tawa niya ulit.

"Busy ako. Marami akong trabaho." sagot ko.

"Eh kahit na, magkikita pa rin kayo. Dito raw muna sila mamalagi para mas makilala pa sila ng mga tao." giit niya pa. "Tsaka sabi ko kay Lucio kunin kang staff." dagdag niya pa.

"Alam mo, pagbubuhulbuhulin ko talaga kayo ni Lucio." naiinis na sagot ko.

Continue Reading

You'll Also Like

497K 8.9K 40
Duke & Izza
530K 6.4K 22
"Sage, a 22-year-old, was coerced into an arranged marriage with celebrated actor Gale. Despite her beauty and intelligence, Gale disapproved of her...
1.2M 18.6K 46
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Bethany Cagliostro is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by a powe...
509K 20.6K 34
Keanna and Cale