Hindi naman ako bobo.
Siguro hindi ko lang napapagana ng maayos utak ko kaya hindi ko madaling napapansin yung mga bagay na nasa paligid ko minsan.
Pwede siguro siya maihalintulad sa isang math problem na triny ko sagutan bago ako matulog kagabi. Sa unang tingin ang hirap hirap niyang intindihin pero once na nakita ko yung tamang answer sa answer key, parang bigla akong naliwanagan at umayos yung pagfa-function ng utak ko.
Minsan nanghihinayang ako kasi hindi ko agad napansin na ganon lang pala kadali iyon pero hindi ko agad naisip.
Parang tanga lang kasi.
All this time, nilalandi ba ako ni Karina?
Kailan ba 'yon nagstart? Siguro noong naglaro kami ng game tapos nakuha niya number ko.
I think doon talaga nagsimula.
Kailangan ko 'tong sabihin kay Ningning kasi hindi ako makapaniwala sa mga napagtanto ko.
Si Karina nilalandi ako.
Nilalandi ako ng crush ko.
Totoo ba 'to?!
(Messenger Notifications)
1 message from Ningning arrived!
Icha-chat ko pa lang sana siya pero naunahan na ako ni gaga.
Ningning: teh alam mo bang kinikilig ako ngayon?????!!!
winter pakurot nga isa
/kinurot ka
Winter: gaga!
at bakit ka naman kinikilig aber
Ningning: secret 😌
bawal sabihin kasi nagpromise ako sa kanya
Winter: kanino??
Ningning: ay hala shet
andami ko na palang nasabi hehe it's for me to know and for you to find out na lang hihi
Winter: panget mo
may sasabihin pa naman sana ako sayo😔😔
Ningning: huy ano yon spill!!
dali na winter tumatakbo ang oras
Winter: eh kasi feel ko nilalandi ako ni karina...
seen.
Inantay ko magreply si Ning pero hindi ko siya nakikitang nagtatype.
The next thing na nangyari ay ang pagtunog ng phone ko kasi tinatawagan ako ni gaga.
"Bat ka tumawag?"
"Spill!"
At ayun na nga. Kinwento ko lang sa kanya buong gabi yung mga bagay na naobserve ko nitong mga nakaraang araw. Sinabi ko rin kay Ning yung game na nilaro namin dati kaya ko rin nalaman yung number ni Karina.
"Winter alam mo isa lang masasabi ko," nagpause siya sa kabilang linya at nang wala akong marinig for a few seconds, bigla siyang tumili ng napakalakas kaya agad kong nilayo yung phone ko sa tainga ko.
"Ningning ang ingay mo!"
Narinig ko pa sa kabilang linya yung tahol ni Bruno. Nabulabog rin ata sa lakas ng tili ni Ning.
"Gaga ka! So umamin na siya sayo?" Excited niyang tanong. Parang siya pa mas excited sakin.
Agad ko namang dinismiss yung thought niyang 'yon. "Hindi. Hindi naman kasi fact yan. Assumption ko lang teh, hindi ko pa sure," medyo nanlulumo kong sabi. Natahimik rin si Ning sa kabilang linya and after a while ay saka siya nagsalita.
"Winter, alam mo may naiisip ako."
Parang hindi ko ata gusto 'tong naiisip ni Ning.
D-Day na.
Ito na ang araw na magdedetermine kung karapat-dapat nga ba kaming mag-aral sa in-applyan naming university.
Dahil hindi ako mapakali kagabi, triny ko pa ulit magbasa ng mga lessons pero more on abstract reasoning naman. Mayroon daw kasing nagsabi kay Giselle na more on logical reasoning yung laman daw ng exam and yung mga ganong questions is kadalasang hindi nare-review. Tinetest lang niya yung capacity ng brain mo to solve something when put on a certain situation at kung gaano ka kabilis mag-isip. Syempre para ma-test ko kung hindi pa naman ako pumapalya sa mga ganon, nagtry ako magsagot ng mga sample questions kagabi bago ako matulog at halos tama ko naman lahat.
Fav ko kasi yung mga ganong tests.
"Anong oras exams niyo?"
Tapos na ako makaligo at nakabihis na rin ako nang bumaba ako para kumain. Naabutan ko si mama na naghuhugas ng mga plato at si ate Lisa naman ay kumakain habang nakatingin sa phone.
"Mamayang 11 pa, ma," sagot ko kay mama.
Naupo na ako sa hapag at nagsimula nang kumain ng almusal. Maya-mayang konti kasi ay aalis na rin kami nila Ning papunta doon sa campus.
"Sa tingin mo papasa ka kaya Wintot?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ba nandito ka ate?"
Halos araw-araw ko na ata siyang nakikita dito sa bahay. Akala ko ba may trabaho siya? Baka naman wala nang trabaho 'tong kapatid ko.
"May trabaho pa ako Winter wag ka mag-alala. Mayroon pa akong pambili sa mga abubot mo."
Tama behavior. Chos!
"Eh bakit ka nandito?"
"Hindi naman required na pumunta akong office kasi pwede ko naman 'to magawa sa bahay. Work from home ika nga nila."
Tiningnan ko yung ka-itsurahan ni ate Lisa. Nakadekwatro siya at nakapatong yung isang paa sa upuan habang naka-messy bun. Suot rin niya yung reading glasses niya habang umiinom ng kape at nags-scroll sa phone niya. Hindi pa ata 'to naliligo.
Work from home ba tawag niya dito?
Bakit parang tambay ata ang right word?
"Ma, si Winter jina-judge na naman ako!" sumbungera talaga.
"Ma, si ate tinalsikan ako ng laway!" syempre isa rin ako.
"Hoy hindi kaya! Ang layo-layo ko kaya sayo," pagdedepensa niya.
"Ang tanda tanda niyo na nag-aaway pa rin kayo sa mga maliliit na bagay," saway samin ni mama pero hindi yon tinanggap ni ate.
"Ma hindi yon maliit na bagay kasi dignidad ko na yung nakasalalay."
Anong dignidad pinagsasabi neto?
"Eh kung pag-untugin ko kayong dalawa at palayasin ko kayo sa bahay?" Lumingon samin si mama nang nakangiti. Yung tipo ng ngiti na medyo nakakatakot at may banta, parang ganon yung ngiti niya.
Tapos naman na ako kumain kaya tumayo na ako para makaalis doon sa hapag.
"Ma, punta na ako kila Ningning doon kasi kami maghihintayan," paalam ko.
"Saan kayo sasakay? Tawagin ko ba si mang Berting para ihatid kayo?" binanlawan ni mama yung kamay niyang may sabon at saka nagpunas doon sa tuwalya.
"Wag na ma. Doon kami sasakay kay Karina, meron siyang sasakyan."
Nakikinig rin sa amin si ate kaya nakisali rin siya sa pinag-uusapan namin ni mama. "Ah sa kanya ba yung silver na vios na nakaparada doon kila Giselle?" tumango naman ako.
"As in sa kanya?" ulit ni ate. Unsure naman akong tumango. Siguro sa kanya yon kasi wala naman akong nakitang kumuha non all throughout ng stay niya dito sa barangay namin.
"Wow sana all," sabi nalang ni ate. Hanggang ngayon kasi nag-iipon pa rin si ate pambili ng dream car niya.
Halos mag-iisang buwan na rin pala si Karina dito sa barangay. Buti pumayag yung parents niya na sumama dito kay Giselle. Sabagay 2 years rin silang naging magkaklase and baka mas lumalim rin yung bond nilang dalawa to the point na trusted ka na rin ng parents ng kaibigan mo.
Parang kami lang ni Ningning. Kapag aalis ako dati at malayo ang pupuntahan ko, hindi talaga ako pinapayagan. Pero once na masabi ko kay mama na kasama ko si Ningning, halos itulak na ako palabas sa bahay ng nanay ko.
"O siya sige mag-ingat kayo don at bumili ka ng pasalubong pag-uwi mo," paalala ni mama.
"Ano bibilhin ko this time?" tanong ko. Cake kasi ang binili ko last time.
"Bili ka na lang ng pizza," sabi ni ate kaya nilahad ko yung kamay ko sa kanya. "Bakit yan?"
"Pera."
Syempre kapag magpapabili kayo, dapat bigyan niyo ko ng pambayad.
Dumukot naman si ate sa bulsa niya at binigyan niya ako ng buong 500 na agad ko namang kinuha.
"Thanks ate. Bye na!"
Kinuha ko na yung mga nakaready kong gamit at dumiretso na palabas ng bahay.
"Goodluck Wintot!" sigaw ni ate.
Pagkalabas ko sa gate namin nakita kong naghihintay na rin sa labas sila Ning. Parang katulad rin nung last time. Yung tree planting ata yon.
Pero that time, sinundo ako ni Karina.
Speaking of, hindi ko pa rin gets kung ano yung plano na sinasabi ni Ning kagabi.
"Bes alam mo kasi napaka-easy lang niyan. Kailangan lang natin malaman kung gusto ka ba ni Karina o hindi."
"Paano naman?"
"You just need to act like yourself and the rest, ako na ang bahala."
Yun lang talaga yung sinabi niya at after noon ay binaba na niya yung tawag kaya hindi ko talaga alam kung ano tumatakbo sa utak nitong kaibigan ko. Bahala nga siya dyan.
Nandoon na sa labas naghihintay si Giselle at Ningning pagkadating ko habang wala pa rin si Karina at Ryujin. Maaga pa rin naman kasi at maya-maya pa naman kami aalis.
"Winter's here, hi Win!"
Itong si Giselle naman parang nahahawa na ata sa kaingayan ni Ning.
"Gi ang lapit ko lang hindi mo na ako kailangan sigawan."
"Huy ready na ba kayo? Nagreview pa ata yang si Winter kagabi napakacompetitive talaga," inirapan pa ako ni gaga.
"Kasalanan ko bang tamad ka magreview Ningning?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Try ko na lang ulit magscan mamaya tutal hindi naman na tayo magcocommute katulad nung last time."
Grabe talaga yung dinanas namin na pagcocommute dati. Feel ko nga ang haggard na ng itsura ko pagkadating namin sa campus noon. Inggit na lang talaga ako kay Karina kasi ang blooming pa rin niya tingnan dati.
Hindi na kami pinilit ni Giselle na magcommute ngayon kasi baka ma-late pa kami kung sakaling matagalan kami makasakay sa sakayan. Strict kasi sa time yung school sa mga magtetake ng entrance exams. Kapag late ka dumating, hindi ka na papapasukin sa loob ng campus. May nabalitaan kasi akong ganon. Na-late lang siya ng 5 minutes pero ayaw talaga siya papasukin ng guard. Sayang naman yung effort niya dati magpasa ng application tapos nawalan na siya ng chance na makapasa sa school kasi na-late siya sa mismong exam schedule.
Hindi rin nagtagal ay dumating na rin si Ryujin nang nakabike. Itinabi niya muna yung bike doon sa loob ng garahe nila Ning at saka niya kami nilapitan.
"Kinakabahan kayo?" tanong niya.
"Hindi, bakit naman?" sagot ko.
"Iba talaga si Winter sana all na lang confident na papasa."
"Hindi rin kaya. Excited lang ako kasi baka may ma-meet tayong possible schoolmates if ever diba," pag-eexplain ko.
"Are you guys ready?" Lumabas si Karina mula sa gate nila Giselle. Tapos na rin siya magbihis so I think we're good to go.
Ewan ko lang pero feel ko may hinahanap yung mga mata niya nang makalapit na siya finally sa amin.
She smiled when our eyes met.
Naramdaman ko naman yung biglang pagkapit sakin ni Ning at mataman rin niyang tiningnan si Karina kaya na-conscious niyang iniwas ang mata samin.
"Ano ginagawa mo?" mahina kong bulong.
"Winter, ako ang mauupo sa passenger seat ah."
To be young and in love in New York City (in New York City)
To not know who I am but still know that I'm good long as you're here with me
To be drunk and in love in New York City (in New York City)
Midnight into morning coffee
Burning through the hours talking
Medyo malayo-layo pa naman kami papunta sa school kaya may time pa kami para mag-relax. Kasalukuyang nagdadrive si Karina habang nagkekwentuhan naman itong si Ryujin at Giselle tungkol sa kahihiyan na nagawa ni Ryujin dati.
Hindi ko rin naman sila masyadong pinakikinggan at nakatingin lang ako sa may bintana dito sa backseat. Ewan ko ba kay Ning at tinotohanan talaga na doon daw siya sa mauupo sa harap. Akala ko ba si Giselle ang gusto niya katabi? Ayon kasi ang sabi niya dati.
Ang sad lang kasi hindi ko katabi si crush. I blame Ningning.
Kakatago ko lang ng phone ko kasi baka ma-lowbat agad kung gagamitin ko siya ngayon. Ayoko namang lowbat yung phone ko kapag uuwi na ako. Baka mamaya biglang may tumawag or may mangyaring emergency tapos walang battery phone ko, ano na lang mangyayari sakin diba.
Joke.
Sa totoo lang tinago ko talaga yon kasi baka maadik ako sa tiktok. Nanonood kasi ako kanina. Kahit kasi umaabot ng 1 minute yung ibang video, nakakahook lang manood at baka malimutan ko pa mga nireview namin kahapon. Mahirap na 'no.
Nagkaroon rin kasi ako ng slight na kaba doon sa isang video na napanood ko. Hindi naman siya anything major pero tungkol kasi yon sa kukunin kong course.
Noong una natawa pa ako kasi ang sabi doon sa video nag-archi raw siya kasi ang cool pakinggan. Totoo naman.
Architect Winter Kim.
Shet. Ang sarap sa ears.
Chos!
Pero nang magstart ako magscroll sa comments bigla akong kinabahan ng medyo slight lang. May nabasa kasi ako na nagtatanong kung kailangan ba na magaling ka na magdrawing kapag magtetake ka ng architecture tapos may nagreply at ang sabi niya mas maganda kung may alam ka na kasi may mga profs na hindi na nagtuturo ng basics. So kumbaga, ikaw na mismo magtuturo sa sarili mo kung paano yon gagawin if ever.
Mama ko!
Kakayanin ko naman siguro ang hamon ng architecture, hindi ba?
Kailangan ko ng assurance!
Damn, I like me better when I'm with you
I like me better when I'm with you
I knew from the first time, I'd stay for a long time 'cause
I like me better when
I like me better when I'm with you
"Shunga ka bat mo pa pinaalala yon nakakahiya!" kagulat naman 'tong si Giselle.
Naiba na naman ata topic nila ni Ryujin kasi si Giselle naman na ngayon yung parang hiyang-hiya. Medyo umuurong na rin siya palapit sa pwesto ko kaya inusog ko siya palapit sa dati niyang pwesto. Inuubusan niya kasi ako ng space eh, duh.
"Gaga bat mo kasi pinagbintangan si mamang nagbebenta ng chicharon na ninakaw yung phone mo!" Natatawang sabi ni Ryujin.
Ah naalala ko yun. Hindi kasi mahanap ni Giselle that time yung phone niya tapos naabala niya pa yung ibang teachers sa paghahanap.
"Hoy yan ba yung nakarating pa sa junior highschool coordinator natin yung issue?" Humagalpak pa ng tawa si Ning doon sa harap.
"What's the story? Hindi yan sinabi sakin ni Giselle," sabi ni Karina at pasimple siyang sumilip sa amin dito sa likod habang nagda-drive.
Tawang-tawa pa rin si Ningning kaya di ko na rin mapigilang matawa. Yung tawa niya kasi nakakahawa shuta siya.
"Sige tawa pa," umirap si Giselle.
Si Ryujin na yung nagkwento. "Ganito kasi yan. May nagbebenta kasi dati sa classroom namin ng chicharon tapos saktong pagkaalis ni kuya, hindi na mahanap ni Giselle yung phone niya."
Nagsisimula na ulit matawa si Ryujin kaya ako na yung nagtuloy, "Inannounce sa buong klase na nawawala yung phone niya pero hindi pa rin namin mahanap tapos saktong pumasok sa room yung subject teacher namin and at the same time siya rin yung junior high school coordinator that time."
"Ay oo tapos tinulungan niya pa tayo maghanap pero hindi talaga mahanap!"
"Yeah and then?" pagiinquire ni Karina. Maski siya medyo natatawa na rin dahil kay Ningning.
"Tinanong ni ma'am kung may outsider bang pumunta sa room tapos sabi namin mayroong nagbenta a while ago ng chicharon tapos isa si Giselle sa bumili kay kuya kaya inutusan ni ma'am yung iba naming kaklase na hanapin si kuyang nagbebenta kasi baka daw kinuha niya yung phone."
"Oo pero hindi namin nahanap si kuya kaya sabi na lang ni ma'am ipapatingnan daw niya yung CCTV ng school," sabi ko.
"Ang shunga kasi ni Giselle!" hagalpak ni Ning kaya inabot ni Giselle yung buhok ni gaga at mahinang hinatak kaya napa-aray itong si Ning.
"Sorry naman kasi. Hindi ko naman kasi naalala agad na kinuha pala ni mama yung phone ko!" depensa niya. Yung mukha niya ngayon medyo namumula na pero natatawa rin siya sa kashungahan niya dati.
"Harmless lang naman yung pagbebenta ni kuya pero sinira mo na image niya," natatawa kong dagdag at tumingin sa harap. Nakita ko naman na nangingiti si Karina habang nakikinig sa amin.
Nagtuloy tuloy lang sa kwentuhan sila Ryujin at Giselle habang tahimik na lang akong nakikinig.
Hindi na kasi ako relate sa topic nila.
"Ganda naman ng bracelet mo Karina," biglang namang lumakas ang pandinig ko nang marinig ko iyon kay Ningning.
"Oh, this?" inangat ni Karina sandali ang kanang kamay niya at tumango naman si Ning. "Oo bagay mo."
"Thank you. Winter gave it to me though."
Gulat naman si gaga at sumilip pa siya sakin sa likod kaya nahuli niya akong nakikinig sa kanila. Tinaasan niya ako ng kilay at akmang nagtatanong kaya tinaasan ko rin siya. Hindi naman napapansin nila Ryujin yung pinaguusapan nila Ning kasi busy rin sila sa own topics nila. Ang lakas rin ng tawa ni Giselle eh.
"Ay weh binigay ni Win yan?"
"She didn't tell you?" sumilip si Karina sa akin sa rearview mirror kaya nagpanggap akong hindi nakikinig sa kanila. "It's her gift on my birthday."
Tumango naman si Ning. "Ah yan pala yung binili niya dati. Hindi niya kasi pinakita sa amin."
"I really liked it that's why madalas ko siyang sinusuot."
"Pansin ko nga rin. Akala ko random thing lang siya na sinusuot mo. Si Winter pala yung nagbigay..."
"Yeah," tipid na ngumiti si Karina.
Akmang magtatanong pa sana si Ning pero saktong nakarating na rin kami sa campus kaya hindi na natuloy.
"Hala nandito na tayo?" Maging sila Ryujin ay natigil na rin sa pag-uusap at sumilip sa bintana.
Hindi naman kami late dumating pero medyo marami na rin akong nakitang mga estudyante na papasok sa loob ng campus na naka-schedule rin magtake ng exams ngayon. Kung kanina excited ako, ngayon excited pa rin ako pero may dumapo nang slight na kaba sa dibdib ko.
Sana makapasa ako.
Bumaba na kami ng kotse after magkapag-park ni Karina. May nakikita akong pila sa gilid bago makapasok sa gate. Doon ata kami magsa-sign up muna.
"Naiihi ako bigla. Winter samahan mo ko mag-CR."
Hindi ko pa naman need mag-number 1 pero sasamahan ko na lang si Ning para sa ikatatahimik niya.
"Huy ako rin sama ako," sabi ni Giselle at sumang-ayon rin si Ryujin. May kasama naman na pala si Ning papunta sa CR kaya di na ako sumama sa kanila. Hindi rin naman niya napansin na naiwan ako dito sa may entrance gate.
Akala ko nga lahat sila pumunta kaya nagulat ako nang makitang nakatayo sa tabi ko si Karina.
"You look startled," tumaas yung isa niyang kilay at natawa nang marahan.
"Eh akala ko kasi sumama ka rin doon kila Ning," hindi ko napigilang magpout. Ano ba ito talaga mannerism ko.
"I don't feel the need to use the restroom yet eh," sagot naman niya.
"Kinakabahan ka?" tanong ko. Ang chill lang kasi niya tingnan. Parang walang pinoproblema.
"Hindi naman. Ayoko lang kasi magpa-apekto sa mga negative thoughts. How about you?"
Turn ko naman para ngumiti. "Kanina kinakabahan ako pero ngayon hindi na rin."
We fell into a comfortable silence at umusog ako ng onti para tumabi sa kanya. Wala kasing upuan dito sa labas kaya nakatayo lang kami habang hinihintay ang mga shunga. Hindi pa kasi kami nakakapasok sa loob ng campus.
"Anak, kailangan bang pumila muna doon?" May nagtanong sa akin na medyo may edad ng babae. I think hinatid niya ata dito yung anak niya kasi may nakasunod sa likod niyang halos same age rin namin.
"Ah opo, pipila po muna bago po makapasok sa loob," sagot ko naman.
"Magkasama ba kayong dalawa?" tiningnan ni momshie si Karina at tumango naman ako at nilingon ng slight si Karina na nakikinig na rin sa amin.
Binalingan naman ni momshie yung anak niya at parang may sinabi pa ata. "Papasok rin pala sila doon. Sabay ka na lang sa kanila," parang ganyan ata pagkakarinig ko.
Humarap na ulit si momshie sa amin at nag-offer ng pagkatamis-tamis na ngiti. "Oh siya sige at aalis na ako. Good luck sa exams niyo."
"Thank you po," nginitian ko rin siya pabalik.
Umalis na si momshie pero naiwan yung anak niyang nakatayo sa tabi namin. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya as sign of courtesy. Mukha namang mabait si ate.
Nilingon ko si Karina at medyo bumulong. "Sasabay ata siya sa 'tin."
Mukhang hindi niya ata na-gets at mas yumuko siya para masabi ko ng mas malapit sa tainga niya. "Ang sabi ko sasabay ata siya sa 'tin papasok sa campus."
"Ah," tumango siya at humarap sakin kaya nagulat ako sa close proximity namin. Umatras ako ng onti kasi medyo nagpapalpitate ako.
Nilingon ko naman si ateng kasabay namin kasi nakakahiya naman kung hindi namin siya papansinin. "Hello. Sabay na lang tayo papunta sa loob ng campus," grineet ko siya in my most friendly way.
Ngumiti naman siya, "Sige, may hinihintay ba kayo?"
"Oo, yung iba naming friend. Nag-CR kasi sila saglit pero babalik naman sila agad. Wait lang natin."
Tumango naman si ate at hindi na nagsalita. Natural lang naman yon kasi hindi naman kami close pero bakit feel ko parang kailangan ko pa siyang daldalin?
"Nagreview ka?" Grabe yan talaga unang tanong na pumasok sa utak mo Winter Kim?
"Oo, pero ang sabi ng kaibigan ko na nauna magtake ng test, madali lang daw yung exam at kayang masagutan kahit stock knowledge lang kaya hindi ko na rin tinuloy yung iba."
Omg. May kapareho ako!
"Hala same. Nakakatamad kaya magreview!"
"Diba!"
"I heard Ning said you're still reviewing before you sleep," mahinang bulong ni Karina pero rinig ko naman. Sasagutin ko sana siya pero bigla namang nagtanong itong si ate sa akin kaya di rin natuloy.
"Ano kukunin mong course?"
"Architecture pero naligaw lang talaga ako doon," natawa naman si ate sa sagot ko.
"Accountancy yung akin. Sana talaga makapasa ako dito. Ang dami ko rin kasing inapplyan na schools."
Sumang-ayon naman ako. "Oo nga kahit sana may isang school lang na makatanggap sa atin, okay na."
"Hello nagbabalik ang maganda!" Alam ko na agad kung kaninong boses 'yon.
Nakabalik na pala ang mga shunga.
"Nandito na yung friends namin," sabi ko dito kay ate.
"What do we have here?" tanong ni Giselle sa amin ni Karina nang makita na may kasama kami.
"Kasabay natin siya papasok sa loob ng campus," sagot ko naman nang hindi magsalita si Karina.
"Pila na tayo," inaya na kami ni Ryujin kaya umayos na rin kami ng pwesto.
Nauna si Ryujin at sinundan naman siya ni ateng kasama namin at saka ako tapos sa likod ko naman si Karina na sinundan ni Ningning and lastly ni Giselle.
May nakalimutan pa pala akong itanong kanina kay ate. "Saan ka pala nag-aaral?"
"Sa St. Helena Catholic School," sagot niya pero ngayon ko lang narinig yung school na yon.
"Saan yon?"
"Doon sa Gerona."
Tumango naman ako kahit di ko alam kung saan banda yon.
"Ah...ako kasi sa doon ako sa may Sta. Maria. Alam mo yung university malapit doon?"
"Oo! Alam mo ba balak ko rin dyan mag-apply."
"No one's asking."
Napakunot naman noo ko doon at nilingon si Karina na nagtatanong lang na tiningnan ako. "Nagsalita ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Huh?"
"Ah wala hehe. Iba ata narinig ko," sabi ko na lang.
"Oh okay," tipid na nginitian ako ni Karina and at the same time ay nakita ko yung ulo ni Ning na sumisilip rin sakin sa may likod ni Karina. Parang tanga naman nito.
"Bakit?" senyas ko nang hindi nagsasalita. Naintindihan naman niya sinabi ko kaya no need na mag-explain. Umiling lang siya at nginisian ako saka umayos na ulit sa pagkakapila. Nababaliw na ata si Ning.
Hindi nagtagal ay nakapasok na rin kami sa campus at pinadiretso na kami doon sa waiting area. Mabilis lang rin naman yung nagawa naming paghihintay at ilang saglit pa ay nakaupo na ako sa exam hall at nagtetake ng exams.
Madali lang naman yung questions pero mahirap at the same time kasi sobrang bilis lang matapos ng oras. Hindi ko nga rin sure kung tama ba yung mga na-shade kong letters kasi nilalagpasan ko yung ibang tanong kapag hindi ko makuha agad yung sagot.
More than a hundred rin ata kaming nag-exam ngayon at naka-arrange yung seating arrangement namin by surname kaya nahiwalay kami. Pati si ateng kasabay namin kanina ay hindi ko na mahanap hanggang sa natapos kami mag-exam at makalabas kami ng campus. Hindi ko pala natanong name niya kanina. Sayang naman. Ang bait pa naman niya.
"Kumusta mga nasagutan niyo?"
"Feel ko talaga ang dami kong mali. Nagmamadali kasi ako kanina magshade," nag-aalalang sabi ni Ningning.
"Akala ko nga 1 hour yung exam pero 40 minutes lang naman pala."
"Wag niyo nang isipin yan. The important thing is tapos na rin tayo. Hindi pa ba kayo gutom?"
"Tama si Giselle. Kain na tayo gutom na ako," sang-ayon ko. Na-drain utak ko doon kaya need na i-refresh.
Nakita ko pa lang kanina yung muffin sa menu, alam ko na agad kung anong kakainin ko. Simula kasi nang pumunta kami dito nila mama, nagustuhan ko na yung muffin dito sa Kenny Rogers.
Ayaw kasi nila Ryujin at maski ako na kumain sa Jollibee or McDo. Lagi naman kasi kami kumakain doon kahit noong bata pa ako kaya need rin namin ng change of food at itong Kenny Rogers ang una naming nadaanan.
"Ano gusto mo bes?" Nagtatanong sakin si Ning kasi gagayahin niya kung ano mang oorderin ko.
"Basta gusto ko ng muffin."
"Fav mo ba yon? Lagi ka atang bumibili ng ganon pag nandito tayo."
"Oo kaya wag kang hihingi."
In the end ay sila Giselle at Ryujin ang nag-order para samin while kaming natira naman yung naghanap ng table na mauupuan. May nahanap naman akong table doon sa may gilid at maayos rin yung view kaya sinuggest kong doon na lang kami.
Mabilis lang naman kaming naghintay sa food kaya nakakain na rin kami agad. Medyo hapon na rin kasi kami nakapagstart maglunch dahil nagikot ikot pa kami saglit sa loob ng campus at nagpicture rin sila. For sure marami na naman akong tagged photos mamaya sa account ni Giselle sa facebook. Hindi kasi ako active magpost doon kaya mostly mga tagged photos lang laman ng account ko.
Parang ang dami kasing judger kapag nagpost ako sa fb kaya I shifted sa most convenient platform: twitter and instagram. Doon kasi, I can freely post whatever I want nang walang iniisip kung may mangjajudge ba o wala. Gusto ko rin kasi yung layout ng app.
"Alam niyo kanina parang may nakita akong dati nating classmate doon sa campus," pag-start ng topic ni Ning.
Tapos na namin kainin yung main dish at nilalantakan na lang namin ngayon yung mga side dishes. Dahil na rin sa idea ni Ryujin, magkakaiba yung pinili nilang mga side dishes para daw matikman naming lahat at ma-judge kung masarap nga ba. Natikman ko naman na yung iba doon kaya hinayaan ko na lang sila Giselle na lumantak doon kasi hindi naman halatang gutom na gutom sila.
"Ay weh sino? Parang may nakita rin akong familiar na mukha kanina," sang-ayon naman ni Ryujin. Bakit may nakita sila samantalang ako wala?
"Parang si Somi ata yun. Nasabi ba niya sayo na balak rin niyang mag-apply sa TEU, Winter?" Lahat naman sila nakatingin sa akin at nag-aantay ng sagot ko. Bakit ako tinatanong ng mga 'to?
"Ay bakit? Nag-uusap pa rin ba kayo ni Somi, Winter?"
"Luh hindi 'no!" Nagulat naman ako sa pagtaas ng sarili kong boses.
"Yiee Winter ikaw ha."
Pinanlakihan ko ng mata si Ning, "Anong ako?"
Ngumiti lang siya ng nakakaloko at bumaling kay Karina. "Diba nagpasama ako sayo kanina magpapicture. I'm sure nakita mo rin siya."
"Did I?" Unsure na tanong ni Karina at bumaling sa akin. Nakangisi pa rin si Ning hanggang ngayon. Inaano ba 'to?
"Oo diba may matangkad na babae tayong nakita kanina," pagpupush ni Ning. Nakakunot na ngayon ang noo ni Karina at malalim na nag-iisip. "I'm not sure but was that...really her?"
"Parang may napansin nga rin akong matangkad na babae kanina pero itim naman yung buhok niya. Blonde si Somi diba?"
Bigla namang pumalakpak itong si Giselle. "I just noticed now, Winter mahilig ka pala sa matatangkad." May pa-taas baba pa siya ng kilay na nalalaman.
Bakit nasa akin na naman ang atensyon?!
Hindi ko na crush si Somi ano ba!
"Oo pero maganda rin talaga si Somi. Naku kung makikita mo lang talaga siya Karina, parang amerikana ang itsura."
Ningning anong ginagawa mo?!
Palihim kong sinisipa si Ningning pero kinindatan niya lang ako at sumenyas na siya daw ang bahala. Ito na ba yung sinasabi niya kagabi?
Pasimple ko namang inabangan kung ano magiging reaction ni Karina.
"Really? I think it would be nice to meet her then," sagot naman niya. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Karina. Parang wala rin kasing pinagbago sa itsura niya. Nakangiti pa rin siya pero napansin ko yung side glance niya sa akin pero millisecond lang yon.
"Pero totoo ba Win na nag-uusap pa rin kayo ni Somi?" Akala ko tapos na pero may pahabol na tanong pa pala itong si Ryujin.
"Bakit ba ang chismosa niyo?" sinamaan ko sila ng tingin.
"Ay, confirmed?"
"Hindi nga. Nung birthday ko pa ata yung last. Binati niya lang ako," pag-eexplain ko. Wala namang masama kung i-share ko 'to diba? Hindi naman na nila ako aasari–sabi ko nga hindi dapat ako nagsasalita ng tapos.
"Yiee kayo ha," sinundot-sundot pa 'ko nitong si Giselle. Bat ba ako tumabi sa kanya?
Hindi ko na lang sila pinansin kasi mas aasarin nila ako kung idedeny ko pa na wala naman talaga. Kinuha ko na lang yung last piece ng muffins sa harap ko. Bigla akong nanlumo. Ubos na yung muffins ko huhu. Bakit ba kasi nakikihingi sakin 'tong si Giselle kanina? Hindi na lang siya bumili ng kanya hmp.
Walang ano-ano'y may biglang umurong na platong may laman na muffins sa harap ko.
"Here," inabot ni Karina yung kanya. Nag-order rin kasi siya ng ganon kanina.
"Wag na," nahihiya kong sabi. Iuurong ko sana pabalik sa kanya pero pinigilan niya ang kamay ko. Our hands touched lightly.
"I'm full naman na and sayang naman kung may matitirang pagkain hindi ba," she smiled at inurong yung food pabalik sakin. Tinanggap ko naman siya with all my heart. Sino ba naman ako para tumanggi kay Karina? At syempre sa libreng muffins?
Nagkatinginan naman kami ni Ning. Tumango siya, tumango rin ako. Pinigilan ko ngumiti ng malawak.
Mag-uusap talaga kami ni Ningning mamaya.
"You know everytime we go somewhere I always notice na lagi kang may binibiling pasalubong pauwi sa inyo," sabi ni Karina habang naglalakad kaming dalawa papunta sa greenwich. Oo, kaming dalawa.
Tinamad na naman kasi yung mga shunga na samahan ako and actually okay lang naman talaga sa akin kung mag-isa ko lang na bibili. Strong independent woman kaya ako, char. Pero sabi ni Karina sasama daw siya and this time, meron na talaga siyang bibilhin.
Naalala ko na naman yung last time na sinamahan niya ako. Parang kailan lang yung sinabi niyang gusto lang niyang mag-spend ng time kasama ako and ngayon na-realize ko na baka nga...baka nga may iba pang meaning yon.
Winter bakit ang slow mo?
Kasabay kong naglalakad ngayon si Karina and yung possibility na gusto niya rin ako is di talaga naaalis sa utak ko. Anong gagawin ko?
"Winter?"
"Huh?" Napakurap ako.
"You're not answering..."
Hala...kinakausap niya ba ako kanina pa tapos hindi ko siya sinasagot?
Napansin ata niya yung slight worry ko kaya agad naman niyang clinear wala naman siyang mahalagang sinabi. "I was just saying na lagi kang may inuuwing food sa family mo everytime we go out."
"Ah yun ba? Parang naging tradition na kasi ng family ko na tuwing may pupuntahan ako or mapapadaan sa mall, kailangan talaga may mabili akong food. Hindi lang naman ako, kahit sino sa family namin pero nagkataon lang na ako yung aalis ngayong araw kaya ako yung nakatokang bumili," sabi ko at tumango naman siya.
She offered her smile again. Yung nakakahawa niyang ngiti.
"It must be nice."
"Oo, pero hindi rin," natawa naman ako sa sagot ko.
"Why?"
"Maganda lang yon kapag ikaw yung papasalubungan pero kapag ikaw na yung bibili, hindi na. Minsan kasi hindi nila ako binibigyan ng pera kaya sariling pera ko pa yung ginagastos. Kumusta naman yon sa part ko diba?"
May bahid ng ngiti sa kanyang labi, "So kuripot ka?"
Oo na Karina. Oo na ako na yung kuripot!
Hindi ko siya sinagot at nagtuloy lang ako sa paglalakad. Natatawa rin siyang sumusunod lang sakin.
"Alam mo hindi halata," tinaasan ko siya ng kilay. "Na you don't want to spend money," pag-oopen niya ulit sa topic. "Remember when I treated you at the café. You still offered to pay for your friends."
Naalala ko na naman yung kawalang hiyaan nila Ryujin noon.
"Eh kasi syempre kakakilala pa lang namin sayo and nakakahiya naman kung bigla-bigla mo na lang kaming ililibre."
"So now that we're close, hindi ka na mahihiyang magpalibre sa'kin?"
Nanlaki mata ko doon. Hindi ganon yun!
"You know your reactions are really funny. I don't know why."
Sinimangutan ko siya, "Ginagawa mo kasi akong clown eh."
Umiling naman siya, "No, I think it's just fun to be with you. I like spending time with you."