After The Rain [COMPLETED]

By Leaf_Inks

5K 733 378

Harmony Of Love Series #2 © All rights reserved. Pagkatapos ng ulan, isang aksidente ang ating naranasan. Pag... More

❦︎❦︎❦︎
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
Author's Note
WAKAS
SPECIAL CHAPTER & TEASER

022

94 10 5
By Leaf_Inks

AUGUSTINE

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko sinang-ayunan ang batang ito sa harapan ko.

Dito ako ngayon sa bahay nina Loving matutulog.

Gusto kong makasama ang anak niya.

"Mama, dito ka lang po diba? Hindi ka na aalis?" Napangiti ako at tinaguan na lang siya.

"Oo. Kaya matulog ka na. Babantayan ka ni Mama." Lumawak ang ngiti ni Dustine. Inalis niya ang kumot niya at lumapit sa akin upang yakapin ako.

"Mama, huwag niyo po akong iiwan
ha?" Tila nasaktan ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam pero nasaktan ako, oo. Apektado ako sa sinabi nang batang ito, lalo na nang sabihin niyang huwag ko na siyang iiwan.

"Sige 'nak. Dito lang si Mama. O siya, tulog na. Tutal nakainom ka naman na ng gamot mo, mas mabuti pang magpahinga ka na nang gumaling na iyang lagnat mo."

Ngumiti siya sa akin ng matamis at tinanguan ako.

"Opo." Nahiga na siya sa kaniyang tulugan habang ako naman ay nasa gilid ng kaniyang kama.

Nang makatulog na si Dustine ay hinimas ko ang buhok nito habang tahimik akong nagbabantay sa kaniya.

Ang gaan ng pakiramdam ko tuwing kasama ko ang batang ito.

Tahimik kong pinagmasdan ang natutulog na si Dustine.

Naisipan kong lumabas muna sandali ng kwarto at hanapin si Lavine.

Hinalikan ko sa noo si Dustine at nang akma na akong lalakad papunta sa pintuan ng kwarto niya upang hanapin ang Tatay niya ngunit nasa gilid pala ng pinto si Lavine at nakasilip.

Patagong pinagmamasdan ako, nang makita niyang nakita ko na siya sa likod ng pinto ay pumasok siya sa kwarto ni Dustine at tahimik na lumapit sa akin upang halikan ako sa noo.

Nilapitan niya rin ang anak niyang mahimbing ang tulog at hinalikan ang noo nito.

"Pasensya ka na. Makulit talagang bata si Dustine." Ani niya.

"Ayus lang naman. Akala ko nga susungitan ako niyang anak mo." Natatawang sabi ko.

"Akala mo lang iyon." Sabi niya sabay kindat.

Huwag mo kong makindat-kindatan dyan.

Tusukin ko yang mata mo.

Ba't ganun kahit hindi niya naman ako inaakit, naakit ako?

"Loving, ahm ano." Biglang sabi ko.

"Hm? What is it baby?" Hinilig niya ang ulo sa balikat ko habang nasa gilid kami ng kama ni Dustine at nakaupo.

"Maari ba akong magtanong ng mga bagay ng tungkol sa anak mo?" Tila nagulat siya nung una sa sinabi ko hanggang sa ngumiiti ito at tumango.

"Tungkol saan ba? Ano iyon?"

"Turning four na siya diba?" Tanong ko pabalik. Mabilis niya naman akong tinanguan.

"Nga pala, anong buong pangalan niya? In-adopt mo na ba siya ng tuluyan bilang anak mo? Diba ampon lang siya?" Alanganin naman siyang tumango.

"Hmm...He's Dustine Levilyx Abias Glovo." Seryosong sabi niya.

"What? Come again?" Gulat na sabi ko.

"Pina-adopt ko na siya at ginamit ko ang s-surname mo at s-surname ko. Sa ganung p-paraan ay tunay na a-anak na natin siya."
Nahalata kong kinakabahan siya ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang ito.

May tinatago ka ba sa akin, Lavine?

Napailing ako sa sarili kong naisip.

Sana nga mali ang hinala ko.

Akala niya ba ay hindi ako nakakahalata?

Pero siguro baka nagkamali lang ako. Mahirao manghusga lalo na kapag hindi mo naman alam ang tunay na nangyari.

Ipagsawalang bahala ko na nga lang.

"So, anak na natin talaga siya? Loving, thank you... Kasi kahit ikaw lang ang umampon sa kaniya ay mo pa rin ang apilyedo ko sa pagpa-adopt." I'm happy to know that this kid is already my son. Loving, adopt him.

Glad to know that.

"Yeah. Anything for you, baby." Hinilig ko pabalik ang balikat ko sa kaniya at niyakap siya.

"Ganiyan ka na ba kabaliw sa akin, makasama lang ako hanggang pagtanda?" Biro ko.

"Yeah...more than you can imagine. Baby...hindi ko na alam. Nababaliw na nga ata ako ng subra." Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Natigil ako sa pagtawa ng makita kong seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Oh? Ba't ganiyan ka makatingin? Angyare?" Tanong ko at pinaglaruan ko na lang ang kamay niya na nakapatong sa kamay ko.

"Natutulog iyong anak mo. Ang ingay natin. Baka magising." Nakangising sabi niya.

Ngayon ko lang naalala. Narito pala kami sa kwarto ni Dustine at mahimbing na natutulpg ang bata. Habang kami naman ng tatay niya ay walang tigil sa pag-aasaran.

"Siraulo! Halika doon nga tayo sa labas." Sabi ko sa kaniya at hinampas siya sa braso.

"Ihina mo lang ang boses mo. Fvck baby, sadista ka talaga. Halika na nga." Bulong niya.

Mabilis ko naman siyang inirapan at naglakad na papalabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto ni Dustine saktong tumunog ang cellphone.

Oh mah ghad!

Tumatawag tawag ulit si bebelabs!

Este tumatawag ulit ang may saltik kong pinsan na si Betty.

"Hello babes?" Sagot ko.

"Boii, ku---" Hindi ko na muling narinig ang boses niya dahil kinuha na ni Loving iyong cellphone ko at mabilis na itinapon ng malakas sa sahig.

"What the heck, Lavine! Fudge! Bakit mo tinapon?" Galit na sabi ko.

Letche kausap ko iyong pinsan ko tapos...letche talaga siya!

Ugh! Sarap niyang ibalibag sa bermuda triangle.

"Sino iyong kausap mo sa teleponi? Kabit mo? Hiwalayan mo na yan. Lalo na't huwag na huwag siyang magpapakita sa akin dahil mapapatay ko siyang buhay."

"Are you kidding me? Nasa'n ang utak mo, Lavine? Kilala mo ba kung sino ang kausap ko sa telepono? Alam mo ba kung sino iyon?"

Kunti na lang talaga maihuhulog ko na 'to sa hagdan.

Nakakainis na siya!

Tinapon niya iyong cellphone ko!

Sayang yun, ang mahal pa naman!

Tapos ngayon heto, galit siya sa'kin.

Dzuh siya lang ang may karapatang magalit? Well galit din ako!

"Kilala ko iyong kausap mo! Kabit mo iyon!"

"What the hell! She's my cousin! Si Betty iyong kausap ko! Call sign namin ang babes. Lavine wala akong kabit!" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Bakit kasi ganiyan ang call sign niyo?"

"Ampakemo?" Natigil siya sa sinabi ko.

Well...well...well...

Ganito talaga ako kapag sinusumpong.

Padabog akong naglakad papunta sa cellphone ko na tinapon niya.

Nang tignan ko kung nasira ba o ano.

Buti na lang iyong tempered glass lang ang nasira.

Pwede pa namang palitan.

Nilingon si Lavine, nasa gilid ko na ito at mabilis na nilapitan ako.

Niyakap niya ako at nagsumiksik sa'kin.

Masyado talagang clingy ang kumag na 'to.

Yung tipong parang palaging sinisilihan.

"Baby, I'm sorry." Bulong siya sa akin.

Letche!

Bakit hindi ko kayang tiisin ang lalaking ito?

Kalma, Augustine.

Galit ka.

Inis ka.

Huwag kang papatukso.

_______

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.9K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
7.9M 236K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
2.2M 22.1K 17
Originally written with a title THE BILLIONAIRE'S MAID Year 2015 and is PUBLISHED UNDER POPFICTION (new adult) - Laxer and Jearri are childhood frien...