BETTER THAN A PROMISE (COMPLE...

By M4RSHANA

1.3M 43.8K 15.6K

Shiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her st... More

BTAP - A/N
BTAP - CHARACTERS
BTAP - PROLOGUE
BTAP - MEET SCAR ೄྀ࿐ ˊˎ-
BTAP - CHAPTER 1
BTAP - CHAPTER 2
BTAP - CHAPTER 3
BTAP - CHAPTER 4
BTAP - CHAPTER 5
BTAP - CHAPTER 6
BTAP - CHAPTER 7
BTAP - CHAPTER 8
BTAP - CHAPTER 9
BTAP - CHAPTER 10
BTAP - CHAPTER 11
BTAP - CHAPTER 12
BTAP - CHAPTER 13
BTAP - CHAPTER 14
BTAP - CHAPTER 15
BTAP - CHAPTER 16
BTAP - CHAPTER 17
BTAP - CHAPTER 18
BTAP - CHAPTER 19
BTAP - CHAPTER 20
BTAP - CHAPTER 21
BTAP - CHAPTER 22
BTAP - CHAPTER 23
BTAP - CHAPTER 24
BTAP - CHAPTER 25
BTAP - CHAPTER 26
BTAP - CHAPTER 27
BTAP - CHAPTER 28
BTAP - CHAPTER 29
BTAP - CHAPTER 30
BTAP - CHAPTER 31
BTAP - CHAPTER 32
BTAP - CHAPTER 33
BTAP - CHAPTER 34
BTAP - CHAPTER 35
BTAP - CHAPTER 36
BTAP - CHAPTER 37
BTAP - CHAPTER 38
BTAP - CHAPTER 39
BTAP - CHAPTER 40
BTAP - CHAPTER 41
BTAP - CHAPTER 42
BTAP - CHAPTER 43
BTAP - CHAPTER 44
BTAP - CHAPTER 45
BTAP - CHAPTER 46
BTAP - CHAPTER 47
BTAP - CHAPTER 48
BTAP - CHAPTER 49
BTAP - CHAPTER 50
BTAP - CHAPTER 51
BTAP - CHAPTER 53
BTAP - CHAPTER 54
BTAP - CHAPTER 55
BTAP - CHAPTER 56
BTAP - VMR ೄྀ࿐ ˊˎ-
BTAP - CHAPTER 57
BTAP - CHAPTER 58
BTAP - CHAPTER 59
BTAP - CHAPTER 60
BTAP - CHAPTER 61
BTAP - CHAPTER 62
BTAP - CHAPTER 63
BTAP - CHAPTER 64
BTAP - CHAPTER 65
BTAP - CHAPTER 66
BTAP - CHAPTER 67
BTAP - CHAPTER 68
BTAP - CHAPTER 69
BTAP - CHAPTER 70
BTAP - CHAPTER 71
BTAP - CHAPTER 72
BTAP - CHAPTER 73
BTAP - CHAPTER 74
BTAP - CHAPTER 75
BTAP - CHAPTER 76
BTAP - CHAPTER 77
BTAP - EPILOGUE
BTAP - SPECIAL CHAPTER
BTAP - A/N
BTAP - NAME PRONOUNCIATION
COMMERCIAL I
COMMERCIAL II
COMMERCIAL III
COMMERCIAL IV
VIVIAN
HBDVMR
THANK YOU!

BTAP - CHAPTER 52

12.8K 533 491
By M4RSHANA

CHAPTER 52: WITNESS FOR WHAT?

Scarianna Eleanor's POV

Uwian na namin at kaunti nalang kaming nasa classroom dahil nagsilabasan na ang iba, isa ako sa mga naiwan at kasalukuyang nag-aayos ng gamit. Naging madugo ang lesson namin kanina at mabuti nalang ay naintindihan ko dahil magaling naman magturo si Ma'am Zsavala.

"Kaantok 'yong lesson kanina," humihikab na sambit ni Jam.

"Kaya nga, pero okay lang, maganda naman 'yong nagturo kaya medyo nabuhayan ako," Natatawang saad ni Jay pero mahina lang dahil nasa loob pa si ma'am, nagchecheck pa 'ata ng quizzes namin kanina.

Mahina lang ang tawanan namin na may halong hampasan hanggang sa makalabas na kami, "Ma'am, uwi na po kami, bye po." Paalam ni Vecca kay Ma'am Zsavala sa labas ng pintuan, hindi pa siya nag-aangat ng tingin, pero tumango siya.

"Bye po, ma'am." Paalam ko. Nakakaisang hakbang palang ako nang biglang marinig ko ang isa sa mga nickname ko.

"Yanna?"

"Yanna? 'di ba isa 'yon sa nickname mo, Scar?" Takang tanong ni Jay at tumingin sa'kin.

"Oo nga, tinawag ka ni ma'am na Yanna?" Tumingin sa'kin si Vecca at tinitignan ako ng nanunuring tingin, "What's the meaning of this, huh?"

"Yanna? Are you still there?"

"Mamaya ko na kayo k'kwentuhan, tinatawag ako, bye." Hindi ko na sila hinantay magsalita at pumunta na 'ko kay ma'am.

"Bakit po?" Tanong ko kay Miss Zsavala nang tuluyan na akong makapasok sa loob.

"Would you help me bring back this calculators to my office? ang dami ko na kasing dala, pasensya na sa abala." Favorite 'ata talaga akong utusan ng mga teachers, 'no? ang dami ko kayang kaklase na pwede niyang utusan, hmp. Hindi tuloy agad ako makakapunta kay Vi, hays. Pero hayaan na, baka nahihirapan din talaga si ma'am at ako nalang ang pwede niyang utusan, marami pa namang time para magkita kami ni Vi.

"Okay lang po, tara po." I grabbed the two paper bags at pinauna na siyang lumabas. We didn't go to her office right away because the dean suddenly called her to go to his office, syempre sinama niya ako kaya naman natagalan kami. Nasa thirty minutes yata kami na nasa dean's office bago kami tuluyang nagtungo sa office niya. Medyo nagmamadali na rin ako kasi baka umalis na si Vi sa office niya.

"Thank you, Yanna." Nagpapasalamat na saad ni ma'am at nginitian niya ako.

"Walang anuman po, sige po mauna na po ako." I said politely at yumuko sa kaniya bilang paggalang.

"Alright, take care."

"Opo." Saktong pagkasado ko sa pintuan ni ma'am ay ang mabilis ko namang pagtakbo sa office niya. Bagsak ang balikad ko nang makitang nakalock na ang pintuan ng office ni Vi.

"Cous?" Inangat ko ang tingin ko sa pamilyar na tumawag sa'kin.

"Ate Jen?" Tawag ko sa nickname niya, "Nakita mo ba si V-I mean, si Ma'am Raven?" Dagdag na tanong ko.

"Kasama ko siya kanina pero saglit lang dahil umuwi na siya, hinatid siya ni Eric kasi naflat-an sya ng gulong. Anyway, hinahanap ka niya kanina, saan ka ba nagpunta?" Hindi ko alam kung saan ako magrereact. Sa hinatid siya ni Sir. Econ o sa hinanap niya ako?

"S-Sige, salamat ate." Hindi ko na siya tinanong kung bakit ako hinahanap ni Vi dahil baka isipin niyang interesado ako sa babaeng 'yon which is totoo naman. Hindi lang interesado, mas higit pa.

. . .

Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon para umalis, wala kasi akong magawa sa mansion so I thought I'd just visit to Aunt Veron's house first.

Miss ko na rin kasi si Vivian my abunjing sugar plum, sweetie pie, hunny bunch, coco crunc-

Mabilis akong nakarating sa kanila, so I knocked as soon as I stepped in front of their gate.

"Oh, hija? Napadalaw ka ulit?" Bungad ni Tita Veron matapos niya akong pagbuksan ng gate nila.

"Bored po kasi sa'min eh, hehe. Pwede pong patambay?" Pilyang sagot ko.

"Ay, sige ba hija." Natatawang sagot ni Tita Veron at inaya na akong pumasok sa loob.

I was already at their door and was about to enter when my heartbeat suddenly quickened as my blood warmed up.

Parang na-estatwa ako bigla sa pwesto ko nang makitang nakangiti si Vivian kasama ng isang nakangiti ring si Sir. Econ.

Bakit nandito ang lalaking 'yan?

At isa pa-

N-Nakikipagtawanan siya sa-

"Scar, hija, ano pang ginagawa mo diyan sa pinto? Hahaha!" Tumatawang tanong ni tita Veron.

All their attention was shifted to me, all of them were now looking at me, so I suddenly felt pressured.

I looked at them one by one at halata sa itsura nila ang natigilan bukod kay tita Veron na nakangiti lang sa'kin at hinahantay akong pumasok, ngunit isang tao ang nakagaaw ng atensyon ko, isang lalaking parang hari kung umupo sa harap nila. Malaki ang katawan, maputi at higit sa lahat, para siyang carbon copy ni Vi. In short, a man version of Vivian.

Kuhang-kuha niya kung paano tumingin noon sa'kin si Vi nang una ko siyang makita, mahirap basahin, walang emosyon at sa bawat paggalaw niya ay halatang kinakatakutan siya, ma-awtoridad at nirerespeto siya ng lahat.

"A-Anderson?" I lost my attention to the man and shifted my attention to someone who called me. She stood up and came in front of me. I looked at her with a questioning look but she just avoided that look.

"H-Hi?" Despite my confusion ay nagawa ko pa ring bumati, "H-Hello po."

"Who is that little girl huh, Vivian Madison?" Nakita ko kung paanong napalunok si Vi at dahan-dahang inilipat ang tingin sa lalaking nakagaaw ng atensyon ko kanina.

"Sh-She's my sui-I mean student, dad." Nauutal na sagot ni Vi, halatang nininerbyos siya. Nagtataka ako sa mga kinikilos niya ngayon, dahil parang hindi siya mapakali. I've never seen her react like that.

But wait, did I just hear the word... dad?

It means... Daddy niya 'yon?!

"I see." Tumango-tango ang daddy ni Vi, "How about coming inside hija and being a witness to your teacher's upco-"

h-huh? upco what?

"Ate Scar?" Naputol ang sasabihin ng daddy ni Vi sa isang lumabas na magiliw na si Vivienne.

"Baby Vivienne." Hindi mahina, pero hindi rin pasigaw na tawag ko kay Vivienne. I can't concentrate because Vi's father appears to have something to say, but it was cut off, and I want to know what that is.

"Ate Scarrrr, hiiii! Namiss po kita!" Tumakbo si Vivienne at niyakap ako.

"Vivienne, go back to your room." Ma-awtoridad na utos ng daddy nila. Naging malungkot ang expresyon ni Vivienne, mabilis siyang kumalas ng yakap sa'kin at tumakbo siya pabalik ng kwarto niya.

Pinaupo ako ng daddy ni Vivienne sa isang single couch which is sa harap ni Vivian, magsasalita na sanang muli ang lalaki nang biglang may pumutol na naman.

"I'm homeeee!"

"Oh, Vincenzo? Bakit ang tagal mong umuwi? Saan ka na naman ba galing at ginabi ka?"

"Dad?!" Gulat na untag ni Vin at Nagmano muna siya bago sumagot, "Naglaro lang kami dad ng basketball ng mga kaibigan ko." Ibinigay niya ang dala niyang bag na hiningi ni tita Veron at umupo siya sa isang single couch sa bandang tabi ko. Lahat kaming nakaupo ay nakaupo sa single couch, walang nakaupo sa long couch.

Ipinaghanda kami ni tita Veron ng meryenda. Nakakahiya nga eh, lalo na nandito ako sa harap ng taong hindi pamilyar sa'kin, kaya doble-doble tuloy ang kaba ko.

"Anong meron dad at umuwi ka pala? you told us na sa birthday ka pa ni Vivienne uuwi, ah?" Kaswal na tanong ni Vin.

"I'm here for an important matter, Vincenzo." Sagot ng daddy nila gamit ang malalim na boses. Mas nakakatakot sa boses ni Vi.

"What is it, dad?" Tanong niya at tumingin siya sa'min ni Sir. Econ, "Anyway, ano palang ginagawa dito ni Sir. Econ and... Scarianna?"

"Uhh, I'm here for Vivienne, m-makikipaglaro po sana ako sa kaniya since I promised to play with her po." Magalang kong sagot. Kahit si Vivian naman talaga ang tinutukoy ko dito.

"You're beautiful hija, gwapo naman 'tong anak kong lalaki, why don't you date him?" Tukoy niya sa anak niyang si Vin nang nakatingin sa'kin. Para siyang nagbibiro, pero hindi ko magawang sabayan dahil ang seryoso ng ekspresyon niya.

Bakit si Vin, pwede bang 'yong panganay? hehe.

"Hahahaha! Dad naman. Actually, I like her po, and I want to court her someday." Natatawang sagot ni Vin at ngumiti sa'kin na ikinakunot ng noo ko.

Ano daw?

Naguguluhang tinignan ko lang si Vin at nakita ko kung paano siya tumingin sa ate niya. Tingin ito ng nang-aasar. I turned my gaze to Vi and she had no emotion now, nakatingin lang siya kay Vin ng walang ginagamit ng emosyon.

"That's good to hear anak, ikaw ba hija, may gusto ka ba sa anak ko?"

Saan po ba? sa babae or sa lalaki?

"Uh-" Hindi na ako mapalagay sa kinauupuan ko, hindi ako makasagot. Ano bang isasagot ko? shet. napipipi ako ngayon, pucha.

Umayos ng upo ang daddy nila Vi at humigop ng kape, "Oo nga pala Vincenzo, pinag-uusapan nga pala namin ang magiging kasal nitong ate mo. Nagpa-plano palang kami para sa engagement party nila. Ako na ang nagplano dahil napakabusy nitong ate mo, hindi na maasikaso ang ibang bagay, puro nalang trabaho."

Huh, k-kasal?

What the hell?

"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Vin.

"Dad, I said, We still don't have time for that marriage thing, marami pa akong gagawing trabaho." Kalmadong pag-angal ni Vi.

"Ano ka ba, Vivian? Ako na nga ang magp-plano at mag-aasikaso ng lahat, ang gagawin mo nalang ay ang magpakita sa engagement party."

"Dad, ano ba?" Parang naiirita na si Vi dahil sa tono ng pananalita niya, "Can you at least listen to me for once?" Medyo tumaas na ang boses niya pero pinanatili niya pa ring kalmado ang sarili niya.

"Vivian, pinapairal mo na naman ang katigasan ng ulo mo."

Hindi na ako makahinga sa mga naririnig ko, nanghihina na ako. Tangina, kung panaginip lang 'to pakigising ako ngayon na.

"Teka dad? sino pala ang papakasalan ni ate? si S-"

"Si kuya Ericson mo, sino pa ba? Are you expecting anyone else?"

Tangina?

Para akong nasu-suffocate sa mga naririnig ko. My chest was getting heavier, as if I was carrying something very heavy inside. Naiiyak na ako, god damn it! Bago pa man bumuhos ang mga namumuong luha sa mga mata ko ay nagpaalam na ako sa kanilang lumabas muna.

"W-Wait lang po, m-may n-nakalimutan po pala sa labas, kukunin ko lang po."

"Oh sige," tugon ng daddy nila Vi at tumango bilang pagpayag.

I just nodded and ran out of their house, unable to control the weight of what I was feeling, sobbing in agony. I'm not sure how I'll react; all I know is that my chest is so heavy that I slapped it, and my entire body is shaking, kaya nanghihina na akong nagtungo sa sasakyan ko, ngunit akma ko palang bubuksan ang pinto nang biglang may pumigil sa'kin sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko.

Inalis ko ang isang kamay ko sa pinto at nagbaling ng tingin sa babaeng nagpatigil sa'kin.

"A-Anderson, I can explain, please let's talk first."

To be continued...

A/N: Shararawt to Luna from TikTok, thank you for supporting this story, love you! and I love you all, happy 140k (updated: 912k) reads! tulog muna kayo ng may sama ng loob, samahan niyo ako. hehe!

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 39.2K 44
‼️THIS IS NOT AN INTERSEX STORY‼️ When someone makes a promise, you can't do anything other than waiting. Wait for her to fulfill that promise, and s...
16.9K 577 25
☯ FAST BURN • Short Story • Unedited At a young age, Cyra moves abroad for work and unexpectedly becomes a caretaker for a deaf student. Entering an...
1.1M 43.9K 51
Story Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her com...
360K 12.4K 47
I am being risky today, nilapat ko ang dalawang kamay ko sa table niya at tanging laptop lang ang harang sa aming dalawa. She looks up at me and dire...