Will I Wake Up?

By SakataChibi

11.8K 1.4K 4K

Aly is an ordinary student at Larson High. Normal lang sa kanya ang buhay kasama ang bestfriend niyang si Sop... More

Will I Wake Up?
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-One
Chapter Sixty-Two
Chapter Sixty-Three
Chapter Sixty-Four
Chapter Sixty-Five
Chapter Sixty-Six
Chapter Sixty-Seven
Chapter Sixty-Eight
Chapter Sixty-Nine
Chapter Seventy
Chapter Seventy-One
Chapter Seventy-Two
Chapter Seventy-Three
Chapter Seventy-Four
Chapter Seventy-Five
Chapter Seventy-Six
Chapter Seventy-Seven
Chapter Seventy-Eight
Chapter Seventy-Nine
Chapter Eighty
Chapter Eighty-One
Chapter Eighty-Three
Chapter Eighty-Four
Chapter Eighty-Five
Yes, I woke up: The Epilogue

Chapter Eighty-Two

46 6 0
By SakataChibi


Aly's POV

Halos hindi ako makagalaw habang nakatulala kay Keifer. Nakapikit ito habang patuloy sa paghalik sa mga labi ko. Hindi ko magawang maitulak ito dahil pakiramdam ko ay pagsisisihan ko ito sa oras na ilayo ko siya sa mula sa akin.

Naramdaman ko na lamang na bahagya pa itong lumapit sa akin habang pilit sa pagdiin ang paghalil niya sa akin. Ramdam ko ang pagsasama ng laway namin habang patuloy siya sa ginagawa. Mayamaya pa ay tumaas ang isang kamay niya at humawak sa bandang leeg ko. Bahagya niyang inalis ang nakaharang na buhok ko doon saka mas lalo akong inilapit sa kaniya.

Hindi ko napigilan na mapasinghap nang mas diinan niya pa ang paghalik at sa bawat galaw nito ay mas lalo kong nararamdaman ang paghinga niya. Namalayan ko na lamang ang sarili na nadadala sa bawat galaw nito.

Mayamaya pa ay hindi ko na naiwasan pang mapapikit habang sumasabay sa bawat halik niya. Sinuklian ko ang bawat halik na iyon.

Kung minsan ay nagkakabaliktad pa kami ng direksyon dahilan para mahirapan ito sa pagsunod sa akin dahil sa pabago bago kong direksyon. Bahagya kong naramdaman ang pagtaas ng labi nito. Alam kong nakangisi ito sa akin ngayon dahil sa pagiging baguhan ko sa paghalik. Dahil dito ay inihinto ko ang paggalaw ko at napayuko, dahilan para maputol ang paghalik niya sa akin.

"Hmm...cute,"

Ngunit hindi rin nagtagal ay naramdaman ko ang kamay nito na humawak sa aking baba at muling humalik sa labi ko. Sa pagkakataong ito ay mas banayad na ang mga halik nito at para bang ginagabayan na ako sa bawat galaw ng mga labi nito. Pareho rin kaming nakapikit at dinadama ang bawat nangyayari nang bigla kaming sabay na napamulat.

Isang malakas na kabog sa aming dibdib ang sabay naming naramdaman at maski si Keifer ay napatingin sa akin. Ganoon na lamang ang gulat ko dah sabay rin kaming napahiwalay sa paghahalikan at napatalikod sa isa't isa. Isang kakaibang sensayo ang naramdaman ko matapos ang huling halik na iyon ni Kei. Isang malakas na tambol ang tumunog sa dibdib ko na para bang may masamang mangyayari sa oras na magpatuloy pa kami sa ginagawa.

Napahawak rin ako sa aking ulo dahil bigla itong sumakit kasabay ng paghihiwalay ng labi nito. Pinakalma ko muna ang sarili dahil masyado lang ata akong nagulat at napagtanto sa kung ano ang ginagawa naming dalawa. Ilang saglit pa ay lumingon ulit ako kay Keifer ngunit laking gulat ko nang makita itong nakahiga sa buhanginan.

"Keifer!!" malakas na sigaw ko dito saka mabilis na lumapit dito. Nakahiga na ito sa buhangin habang nakaharap ang mukha sa ibaba.

"Arrgghhh!! Arghhh!!" patuloy na sigaw nito habang nakahawak sa ulo nito.

Napakunot ang noo ko. A-anong nangyayari?!

"Kei! Kei!!" malakas na tawag ko dito ngunit nakahawak pa rin ito sa kaniya ulo na animo'y may iniinda dito.

Ilang saglit pa ay narinig ko na rin ang paglapit nina Sophie, Dylan at iba habang nag-aalala na nakatingin sa amin.

"Keifer?!!"

"Kei! Dy, kuhain mo ang towel niya sa table," utos ni Ross at mabilis na lumapit sa kaibigan.

"Arghh!!! Tama na!!! Ang sakit!!!" malakas na sigaw ni Keifer habang nakapikit pa rin at nakahawak sa ulo.

"Aly, what happened?" nagaalala ng tanong sa akin ni Ate Mari saka napahawak sa balikat ko.

"Ate...I don't know, were just okay kanina, then...then he suddenly collapsed. Nakita ko na lang na nakahawak na siya sa ulo niya, just like that," hindi ko mawari na kwento sa kanila habang hindi mapakali.

Grabe ang tambol ng dibdib ko habang nakatingin kay Keifer. Alam ko. Hindi ko alam ngunit maski ako ay nakaramdam ng kakaiba habang nakahalik kami sa isa't isa. Kahit na mahinang pananakit lamang ng ulo ang naramdaman ko ay alam kong may epekto rin ito sa akin. Habang ang kaniya naman ay hindi ko alam kung paano ipapaliwanag.

"Stop it!!! Fuckk!!!" malakas na sigaw pa ni Keifer saka dahan-dahang bumagal ang galaw habang nanatiling nakahawak sa buhok na tila ba ay sinabunutan ito. Mayamaya pa ay kumalma na rin ito ng tuluyan.

"Kei? Keifer?! Are you with us?" tanong ni Ross dito ngunit nang hawakan ang kaibigan ay wala na itong malay.

"Keifer?!! Kei!!" malakas na sigaw ni Kuya Ross saka inilapit ang tainga sa dibdib nito.

"Dy, tawagin mo si Kiane...sila ang share sa room right? Kei needs some rest," mabilis na utos nito kay Dy na mabilis naman nitong sinunod.

"Is he okay?" segunda naman na tanong ni Ate Mari habang nakatingin kay Ross.

"I think he is... but to be sure, I'll call our private doctor. For now, let's take him to his room," sagot nito sa dalaga saka napatingin muli sa kaibigan.

"No, I'll call our doctor na lang. Alam ko ay malapit lang ang tinitirhan ni Mr. Suavez dito sa inyo eh... he is Kei's doctor since a kid, I'll just call him," suhestiyon naman ni Mari saka ako binitawan at naglakad palayo.

I don't know what to say or even to suggest para makatulong dito. He's just with me earlier...and now, I have no idea what is happening. Is it because of some link we felt after the kiss?

"Kei!!" boses ng isang babae mula sa malayo habang tumatakbo palapit sa amin. Agad akong napaiwas ng tingin nang mapadako ang tingin nito sa akin.

Maybe because I'm guilty? I don't know! I just did something so terrible behind her back...again! I betrayed her again by kissing her boyfriend!

But I can't help it. I know I'm the bad guy all along, but...I lost it already when Kei kissed me. I can't think straight right at that moment.

Napaiwas agad ako ng tingin dito at mukhang nakita niya rin ang reaksyon kong iyon. Hindi nito pinansin ang presensya ko at nagpatuloy lamang sa paglalakad palapit sa nobyo. Mayamaya ay napansin ko na lamang na buhat na nina Ross at ni Kiane, na kakarating lang din, si Keifer na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

Habang ang mga babae naman at minabuti na ring bumalik sa kani-kaniyang room upang magpahinga. Hindi na rin kami nagtagal rin ni Sophie sa baba at tumulong na rin sa pag-aayos ng mga gamit sa tent bago nagtungo sa room namin.

Habang nag aayos ng kama ay napaisip bigla ako sa nangyari at mukhang ganoon rin si Sophie na hindi na maiwasang maki-chismis.

"Hey, ano sa tingin mo ang nangyari dun? Diba kayo naman ang magkasama kanina pabalik sa bonfire?" takang tanong sa akin ni Sophie.

Napayuko naman ako.

"I don't really have any idea, Sophie. I just turn away for a bit then... he's already lying on the ground..saying that his head hurts," mahina at hindi ko ma-explain na sagot ko.

Maski ako na ay nawi-weirduhan sa nangyayari ni Kei ngunit wala naman akong ibang maisip na maaaring dahilan nito. Maya maya pa ay biglang tumunog ang pinto dahil sa isang katok.

"Aly?" tinig mula sa labas.

"Ay, si Kiane ata yan..." tawag naman sa akin ni Sophie na agad ko namang pinuntahan upang pagbuksan.

"Kiane..." bati ko dito nang mapag buksan ko siya ng pinto.

"Aly...uhmm..."

"What's wrong?"

"I...I have something to do urgent kasi because of Kei's condition..."

Napakunot naman ang noo ko.

"Huh? Why? What happened to Kei?" hindi ko maiwasang hindi itago ang pag-aalala sa tanong ko.

"No... there's nothing wrong naman. Susunduin ko lang ang doctor niya para ma-check up siya. Ate Mari doesn't want any other doctor to check him up..." sagot nito.

"Ahh...I see," napayuko naman ako.

Pero bakit ayaw ni ate Mari?

"So... let's take it as a goodnight? Hmm sleep well, Aly," biglang paalam nito sabay hila ng ulo ko.

Nagulat na lamang ako nang bigla itong humalik sa noo ko.

Para akong natauhan sa nangyayari habang nakatingin sa likuran niya na palayo sa akin.

Ilang lalaki na ba ang humalik sa akin ngayong araw? Two? And worst thing is mag-bestfriend pa?!

I'm the worst kind, am I?

Laglag balikat na lamang akong bumalik sa loob.Nakita ko kaagad si Sophie na abala sa pagkalikot ng kanyang telepono kaya naman dumiretso na ako sa kama ko at napatingin sa kisame habang nakahiga. Mayamaya ay namalayan ko na lamang na nilamon na ako ng dilim kasabay ng pagpikit ng mga mata ko.

***

"Mommy! Mommy!!?!"

Nagising ako sa reyalidad nang marinig ang malakas na sigaw na iyon sa tabi ng tainga ko.

"Huh?"

Napamulat agad ako at nakita ang dalawang bata na nasa tabi ko habang ako naman ay may hawak na isang laruan sa kamay.

"Mommy? Are you daydreaming?" curious na tanong sa akin ni Fenella habang nakatingin sa akin.

Huh?

"Fen, she's not daydreaming, maybe Mom is just tired...let her sleep for a bit," suhestiyon naman ni Keith na nasa tabi niya.

"Ehhh?? But I wanna play!! Dad won't let me play with him either! He said he need some time alone," malungkot na sagot naman ni Fen sa kuya.

Halos hindi ko magawang makasingit sa kanilang dalawa dahil lutang pa rin ako sa nangyayari. Nasanay ako na nagigising sa kama at nakahiga ngunit ngayon ay nagising ako na nakaupo habang kasama ang dalawang bata.

Marahil ay dahil nagkaroon na talaga ng mas malinaw na daan ang katawan ko pabalik sa mundong ito.

Mayamaya ay lumapit na bigla si Keith sa kapatid at binuhat ito patayo.

"Come on, tayo na lang ang maglaro," saad ni Keith saka ako iniwan mag-isa sa sala.

Hinayaan ko na lamang ang sarili na pakinggan ang nakakabinging katahimikan habang nakatingin sa kisame. Ilang araw na rin noong huling punta ko dito at nagkataon rin na nahimatay ako ng araw na iyon sa harap nina ate Mari at Tita.

Hinayaan kong naka-spread ang dalawang binti ko sa sahig nang bigla kong marinig ang yapak ng mga paa sa likuran ko. Agad akong napalingon dito at nakita si Keifer na nakatayo sa hindi kalayuan at seryoso lamang na nakatingin sa akin. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 244 12
Two choices: Live and die in District 12 like her parents or Run and hide for the rest of her life, leaving everything she has known behind including...
136K 5.3K 58
Hi I am still editing this story, all my stories because I know there's a lot of errors and a lot of wrong grammars! I hope you'll understand! The s...
668 119 30
"I know I love you, but I just have to make sure I love you right. How can I love you if I wasn't whole? How can I love you if you love me too much i...
9.2K 245 24
si Lianne na may malaking crush kay Zion pero hindi sya pinapansin nito...