Tulong

By IyongKaulayaw

18 0 0

Sa eskuwelahan ng San Fernando, binuo ang isang grupo ng mga kabataan upang maging kaagapay ng paaralan sa pa... More

Prologue
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata

Ika-apat na Kabanata

2 0 0
By IyongKaulayaw

Matapos ang break time namin ay nagpaalam na kami sa isa't isa at naghiwa-hiwalay para sa susunod na aming gagawin. Naghiwalay na rin kami ni Anna dahil ang sunod naming klase ay ang school clubs kung saan maaari kaming pumili ng club na nais naming salihan, ngayon lamang sinimulan ang programang ito saaming seksyon kaya naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakasali kami rito, hindi kami magkapareho ni Anna ng pinili, academic club ang napili niya kung saan mas hahasain ang galing ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang kakayahan sa iba't ibang asignatura. Art club naman ang napili ko hindi dahil ako ay may talento o kakayahan sa pagguhit ngunit dahil ito ang bagay na nais ko talagang matutunan.

Pagpinta, pagguhit at iba pang may kinalaman sa sining ang hilig gawin ng aking tatay, mahusay siya rito at madalas ay ibinibenta niya rin ang kaniyang mga gawa upang kumita ng pera ngunit ang hilig na ito ay hindi ko nagawang makuha, masasabi kong kabaliktaran ako ng aking ama dahil wala akong kahit anong kakayahan sa pagpinta at pagguhit kaya naman pinili ko talaga ang art club upang matutuhan na gawin ito.

Hindi naman malayo sa kantina ang silid ng art club ng aming kampus kaya naman hindi ako nagmadali at nahirapan sa pagpunta, pagpasok ko sa loob may iilan na rin ang nakaupo at nag-iintay na magsimula ang klase at mukhang lahat sila ay matagal na sa club na ito, ang seksyon lamang namin ni Anna ang nahuli sa pakikilahok sa school clubs kaya naman halos lahat na rin ng mga mag-aaral dito ay matagal na. Naupo na lamang ako sa bandang dulo kung saan kakaunti pa lamang ang nakaupo.

Sa paglipas ng oras ay unti-unti na ring nagdatingan ang mga iba pang kasali sa art club, ang karamihan sa kanila ay hindi maiwasang mapatingin saakin dahil na rin siguro hindi pamilyar ang mukha ko sa kanila at hindi ko na lamang iyon pinansin pa at patuloy na lang na tumitingin sa paligid habang nag-iintay. Ilang minuto muli ang lumipas at isang pamilyar na lalaki ang umupo saaking tabi.

Si Giovanni...

Hindi ko maiwasang magulat na makita at makatabi siya sa klase na ito, para bang napakaliit ng mundo para saaming dalawa. Mukhang pati rin siya ay naggulat at nagtaka ngunit muli ring bumalik sa pagiging blanko ang mukha niya.

"Ako ang nakapwesto rito sa dulo, ako lamang mag-isa. Ngunit dahil bago ka at wala pang kakilala ay hahayaan kitang umupo dito." Tahimik ngunit may awtoridad niyang pagpapabatid saakin, hindi ko malaman kung ano ang tamang ekspresyon na ibibigay sa kaniya dahil sa palagay ko ay masyadong sarkastiko ang tono ng pananalita niya pero hindi ko na lamang rin pinansin dahil hindi naman gulo ang hanap ko sa klaseng ito.

Hindi rin nagtagal at sa wakas ay dumating na rin ang aming maestro para sa klase na ito, isa siyang matangkad, payat at may katandaan na guro. Tumayo ang lahat upang batiin siya kaya naman nakisabay na lamang rin ako. "Magandang umaga Ginoong Ramos!" Masiglang pagbati nang lahat at pinaupo rin kami matapos nito.

Katulad ng inaasahan, pinapunta ako ni Ginoong Ramos sa harapan upang magpakilala dahil ako lamang ang bago nilang kasama. Kahit naiilang ay hindi naman ako nahirapan na magpakilala dahil tanging buong pangalan lamang ang hinihingi saakin ni Ginoong Ramos, masayang pagbati rin ang isinukli saakin ng mga kapwa ko mag-aaral bago ako pabalikin sa aking upuan.

"Hiraya Manawari..." Narinig kong pagbulong ni Giovanni habang nilalaro niya ang kaniyang lapis. "Napakalalim na tagalog, siguradong mahilig sa kultural na mga bagay ang iyong mga magulang dahilan para maibigay ang ngalan na iyon sa iyo." Pagpapatuloy niya, ngayon ang unang pagkakataon na maririnig ko si Giovanni na magsalita ng mahabang pangungusap.

"Tama ka, hilig nila ang mga matalinghagang salita kaya naman iyon ang naisipan nilang ipangalan saakin." Pagsang-ayon ko naman sa kaniya. "Ikaw? Ano ang iyong ngalan?" Tanong ko at nagkunwaring hindi ko pa alam, nais ko lamang talagang manggaling mula sa kaniya ang pangalan na mayroon siya kahit pa nabanggit na ito saakin kanina.

"Huwag ka nang magpanggap pa, alam kong alam mo na ang aking ngalan. Kung ano man ang sinabi saiyo ng iyong mga kaibigan ay tama sila, iyon ang aking ngalan." Malamig niyang tugon, nakaramdam naman ako nang pagkahiya matapos niyang sabihin iyon.

Mukhang napaka-seryoso at matalino ni Giovanni, maging ang aking nasa isipan ay mabilis niyang nahuhulaan. Tumango-tango na lamang ako sa kaniya dahil wala na akong kalakasan na sumagot pa dahil sa kahihiyan. Matapos ang ilang beses na pagpapalitan namin ng tugoy ay pareho ka kaming naging tahimik habang hinihintay ng instraksyon mula saaming guro, habang ang iilan naman ay nagkukwentuhan pa rin habang magkatabi.

Nagsimula na kami sa klase at panandaliang ipinaliwanag ni Ginoong Ramos ang mga unang pag-aaral upang mabilis akong makahabol sa ginagawa nila, hindi naman ako nahirapang intindihin ang mga itinalakay dahil napakaganda ng programa ng kanilang club, bagay na bagay sa mga nais magsimula na tulad ko.

Dahil nga ako ay isa sa mga bago ay iminungkahi ni Ginoong Ramos na gawing magkapares ang magiging activity ngayong araw. Ipinaliwanag niya saamin na kinakailangan namin gumawa ng sarili namin pinta na ibinabase sa kung ano ang unang pumasok saaming isipan at ang aming magiging kapares ay ang kung sino man ang katabi namin. Sa hindi inaasahan at inaakalang pagkakataon ay katabi ko si Giovanni kaya naman siya ang naatasan na maging guro ko sa unang linggo ko rito.

Nagsimula na ang karamihan sa pagpaplano, pinag-uusapan ng iilan kung paano nila tutulungan ang isa't isa para sa takdang aralin sa buong linggong ito, ngunit ako lamang ang tuturuan ni Giovanni dahil kailangang matutukan ang katulad kong bago sa art club.

"Ano ang unang pumasok saiyong isipan?" Pambungad niyang katanungan saakin, napaisip naman ako sa tanong. "...Hindi mo na dapat pang iniisip ang bagay na ito dahil kung ano ang unang pumasok sa iyong isipan ay ang magiging kasagutan sa tanong na ibinigay sa iyo." Seryoso at may awtoridad niyang pananalita saakin.

Tama naman siya, dahil yun naman talaga ang punto ng aralin namin ngayong linggo, hindi na dapat pang mamili ng isasagot sa katanungan. Ngunit ano nga ba ang nasa isip ko ngayon?

"Tatanungin kitang muli... Ano ang pumapasok sa iyong isipan ngayon?" Malumanay niyang katanungan.

Hindi na ako nag-isip pa at diretsong sinabi ang salitang... "Ikaw..."

Mukhang nagulat siya saaking naging tugon at aaminin kong hindi ko rin inaasahan na sasabihin ko ang bagay na iyon kaya naman hindi ko maiwasang mamula at ganun rin siya ngunit bago pa kami mas mailang sa isa't isa ay ipinaliwanag ko na agad ang rason kung bakit iyon ang aking naging sagot. "Ikaw ang iniisip ko dahil hindi ko pa rin batid ang iyong pagkakakilanlan kaya naman yun ang aking sagot." Pagpapaliwanag ko na may halong kaunting kaba habang sinasabi ito.

Tumango-tango lamang siya at mukhang naniwala siya saaking sinabi ngunit bakas rin sa kaniyang mukha na hindi niya ikinatutuwa ang paliwanag ko. Siguro ay dahil hindi niya nais na inaalam ng iba ang kalagayan ng kaniyang buhay.

"Mayroon ka na bang alam patungkol sa sining?" Tanong niyang muli habang nakatingin sa kaniyang kwaderno. Umiling naman ako bilang tugon at mukhang naramdaman naman niya ang paggalaw ng aking ulo kaya siya lumingon saakin at napakunot ng noo. Inaakala niya siguro na kahit kaunti ay may nalalaman ako patungkol sa sining, mayroon naman talaga ngunit hindi ko pa ito nasusubukan sa aking sarili kundi nakikita ko lamang na ginagawa ng aking ama.

"Kung gayon ay kinakailangan nating simulan sa umpisa." May tono ng pagkadismaya ang boses niya ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. Nagpatuloy siya sa pagbuklat ng kaniyang kuwaderno kaya naman inilibot ko na lamang ang aking paningin sa ginagawa ng iba.

Makikita ang lahat na nag-uusap, nagpa-plano sa mga bagay na kailangan nila upang magawa ang takdang-aralin. Nakakapanibago ang ganitong klaseng kapaligiran dahil sa tuwing nasa silid ako ng aming klase ay maririnig na ang mga boses ng aking mga kamag-aral habang nagkukwentuhan, habang dito naman ay tahimik lamang kaya maging ang aming guro na nasa harapan ay may sapat na oras upang gawin ang mga bagay na dapat niyang tapusin.

"Pagmasdan mo..." Muling sambit ni Giovanni at iniabot saakin ang kaniyang kuwaderno.

Hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko. Isang pinta ng isang babaeng nakangiti habang may hawak-hawak na medalya. Nakakatuwang ito ay pagmasdan dahil sa mga detalyeng nakapaloob dito, kuhang-kuha ang kaniyang ngiti, ang mga nakaukit sa medalya, ang kulay ng kaniyang mata, labi at balat at maging ang mga linya sa kaniyang mukha at mga hibla ng kaniyang maitim na buhok. Paniguradong mapagkakamalang totoo ang larawang ito sa malayuan dahil sa reyalistikong pagkakaguhit rito.

"Ikaw ba ang nagpinta ng larawang ito?" Nananabik kong tanong sa kaniya. Tumango siya bilang sagot at humarap ng tingin, kahit pa ganoon ang kaniyang naging tugon ay hindi ko pa rin maiwasang masiyahan sa aking nakikita. Napakagaling, naaalala ko ang kahusayan ng aking ama dahil rito.

Napakagaling rin ng aking ama sa pagpipinta kaya naman marami ang kumukuha at bumibili sa kaniya. Ang mga detalye ng kaniyang mga obra ay hindi biro, maging ang mga peklat, kulay ng balat, hugis ng mukha at tattoo sa katawan ng kaniyang pinipinta ay nagagaya niya ngunit dahil hindi isang kilalang pintor ang aking ama ay mas mura ang kaniyang benta sa kaniyang mga obra, sa tuwing tinatanong ko naman siya ay parati niyang sinasabi na ayos lamang iyon dahil isang libangan lamang ito para sa kaniya.

"Napakagaling, detalyadong-detalyado ang mga larawan na ipininta mo. Siguradong marami na ang pumupuri sa talento na mayroon ka." Muli kong sambit na hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwasang mapangiti sa tuwa.

Ang kasiyahan na nadarama ko sa oras na iyon ay napawi nang bigla siyang umiling at nagsalita, "Ang mga obra na iyan ay maituturing na basura lamang kung ipagtatabi sa mga obra ng mga beteranong pintor."

"Kung ganoon ang iyong saloobin, maituturing pa rin itong magandang obra dahil hindi naman ito nakatabi sa iba pang mga obra ng mga pintor, at isa pa ay wala namang basura pagdating sa sining. Maging ang mga basura nga ay itinuturin  ring obra ng iilan." Malumanay kong tugon sa kaniya, hindi ko rin alam kung paano iyon lumabas sa aking bibig ngunit hindi ako sumasang-ayon sa kaniyang pananaw at opinyon.

"Ano ba ang depenisyon ng magaling para sa iyo?" Tanong niyang muli saakin, napaisip naman ako sa katanungan niya.

Ano nga ba?

Ilang minuto akong hindi kumibo kaya naman napailing siya at inaakmang lumabas na ng silid dahil tapos na rin naman ang klase, nakatayo na siya ngunit wala pa rin akong maisagot pero hindi pa man siya nakalalayo ay nakapagsalita na ako.

"Maituturing mong magaling ang isang tao sa isang bagay kung alam na nito ang mali sa kaniyang ginagawa at kung ano ang tama at pinipilit nitong magpatuloy kahit pa hindi magkakapareho ang kinakalabasan." Tugon ko sa kaniyang sagot dahilan para matigilan siya ngunit hindi pa rin naman siya lumingon.

"Ang bagay na iyon ay hindi pare-pareho para sa lahat ngunit ang totoo niyan ay ikaw lamang ang makapagsasabi kung ikaw ba ay maituturing na bilang isang magaling..."

"...Dahil ikaw lamang ang nakakaalam kung ano ang mga bagay na isinakripisyo mo upang makamit ang kung anong meron ka ngayon."

Continue Reading

You'll Also Like

81K 1.1K 45
David Reyes and Aaliyah Martinez, swear up and down that they hate each other. But they come to fall in love with each other?
16.9K 500 49
"you're so sad there's no communication, but baby, you put us in this situation." when a pop star creates a relationship with her brother's friend a...
21.1K 538 17
Lorenzo was kidnapped from his family at the early age of three He has went through hell and back and still came out strong. He lives his life with o...
79.8K 3.1K 27
โ ๐ข ๐ค๐ง๐จ๐ฐ ๐ก๐จ๐ฐ ๐ข๐ญ ๐Ÿ๐ž๐ž๐ฅ๐ฌ ๐›๐ž๐ข๐ง๐  ๐ฅ๐ž๐Ÿ๐ญ ๐›๐ฒ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ž๐ฅ๐Ÿ ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐ซ๐š๐ข๐ง... ๐ฐ๐ž ๐š๐ฅ๐ฅ ๐ง๐ž๐ž๐ ๐ฌ๐จ๐ฆ๐ž๐จ๐ง๐ž ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ญ๏ฟฝ...