"Shiro? Can you zip this up? Hindi ko kasi maabot, e," utos ko habang nakatalikod sa full length mirror dito sa walk-in-closet ko. Agad siyang pumasok dito at ginawa ang sinabi ko, "Aalis ako, ha, sabi ni Marielle magkita raw kami." paalam ko.
"Drive safe," he gave me a soft kiss on my lips before going back to the bed and layed beside Eloise.
Pagkarating ko sa lugar kung saan kami magkikita ni Marielle ay nakita ko ang kotse ni Elijah na naka-parking sa kabila.
Andito siya? Pero sabi ni Marielle kaming dalawa lang, ah. Baka conincidence. I saw Allysa, MJ and Elijah who's sitting infront of Marielle. Hindi na sana ako tutuloy nang makita na ako ni Marielle kaya umupo ako sa tabi niya. Inirapan pa ako ni Allysa.
"Para saan 'to?" tanong ko sakaniya nang makaupo.
"Magbati na kasi kayo," utos niya.
"Wow. Ako may kasalanan?" sarkastiktong tanong ko at umirap. Wala naman akong kasalanan pero bakit ako ang magbababa ng pride. "Sabihin mo ang gusto mo, Yelle. May pupuntahan pa kami nila Shiro."
"Magbati kayo ni Ally-" Allysa cut her off.
"Marielle parang bata." umirap ito. "Hindi ako magbababa ng pride sa tangang marupok na babae, Yelle, alam mo 'yan, kilala mo ako,"
"Oo, kilala kita at kilalang kilala kita kung paano ka manghusga ng tao." Marielle fired back. Napatingin ako sakaniya dahil sa ginawa niya.
Sa tagal naming magkaibigan ay kahit kailan hindi ko siya narinig sa ganoong tono. Madalas ay soft voice siya. "Allysa, stop being childish. Be matured enough. Alam mong mali ang ginawa mo." pangangaral niya.
"Anong mali sa ginawa ko? Sinabi ko lang naman ang totoo, ah, saka naaawa ako dito sa kaibigan ko, 'no. Muntik na siyang mamatay dahil sinalo niya ang bala para sa anak nitong tangang 'to, pero ano? Pinili ba siya? Hindi, 'di ba?" pagtataray ni Allysa at umayos ng upo.
"Alam mong mali ka, ayaw mo lang aminin dahil ayaw mong natatalo ka. Ganoon kataas ang tingin mo sa sarili mo. Gusto mo ikaw palagi ang tama. Gusto mo ikaw palagi ang magaling. Gusto mo ikaw palang ang paniniwalaan." napatayo si Marielle.
"Alam mong hindi ako nagsalita nung hinusgahan mo si Ezryn sa harap ko, but this time, I will not let you judge her infront of me."
Pinagtaasan lang siya ng kilay ni Allysa, "Husga ba iyon? Totoo 'yun, 'wag kang bobo. Totoo ang mga sinabi ko ng araw na 'yun. Na tanga siya. Na marupok siya. Tandaan niyo, hindi lang iyan ang kaibigan niyo dito, kaibiga-"
"Pero mali ka na, Allysa!" Marielle raised her voice and tried to calm herself. "Say sorry to her, now." mariin na utos niya.
"Baki-" Marielle slapped her.
"That's enough." sabat ko, "Kung mag aaway lang kayo ng dahil sa 'kin, kalimutan niyo nang kaibigan niyo 'ko." saad ko saka umalis sa lugar na 'yon at umuwi. I can't believe they fought infront of me.
Hindi naman ganoon ang ugali ni Marielle. Mabait siya. Hindi ko siya nakitang nakipag away, pero si Allysa, nagiba ang ugali niya simula nang mangyari ang ginawa ni Elijah.
Pala away na tao 'yun. At tama si Marielle, gusto niya siya palagi ang tama, pinaniniwalaan, magaling, at nananalo. Ayaw niyang natatalo siya.
Marielle is a soft person. A caring person. Siya talaga ang nag aawat saaming apat kapag may nagaaway. Never siyang nakisali dahil alam niyang walang mangyayari kapag nakisali siya.
"Ma'am, sila Eloise po saka si Sir Salazar inaantay na po kayo sa kotse," Ate Maricel informed me when she saw me walked inside the room.
Kumunot ang noo ko at nagtaas ng kilay. "What? Saan ba kami pupunta?" tanong ko.
"Hindi ko po alam, sorry po." yumuko ito at lumabas na ng kwarto. Kinuha ko ulit ang bag ko na nilapag sa kama at pumunta ng parking, naka-start na ang kotse ni Shiro, hindi ko alam saan kami pupunta. Ano nanaman bang ttip ng dalawang 'to?
"Saan tayo pupunta?" tanong ko pagkasakay ng shotgun seat.
Hindi niya sinagot ang tanong ko at nagdrive na lang, dumaan pa kami sa drive-thru. Hindi ko alam sa dalawang 'to kung anong trip nila ngayon, ang dami din nilang inorder na pagkain.
Simula nang makilala nila ang isa't isa ay nagkaroon na sila ng sariling mundo, sa kompanya, ako ang palaging kausap ni Shiro na para bang ako ang secretary niya, pero sa bahay si Eloise palagi ang kausap niya.
Hindi ko alam kung sino ba talaga pakakasalan ng lalaking 'to, ako ba o 'yung anak namin. Charot.
Nang makarating kami sa bahay niya sa rizal ay binuksan na ng guards ang gate. May nakaabang pang dalawang maids sa main door.
Nag-hire na pala siya? Hindi na kasi siya nagsasabi kung ano na ang ganap sa bahay na 'to. Nang makababa kami ay ngumiti sila ang mga maids saamin, si Eloise ay namangha sa nakikita.
Binigay ni Shiro ang mga binili niyang pagkain sa maids, at umakyat na kami, binuhat na din niya si Eloise.
Binuksan niya ang pinto ng isang kwarto at bumungad saakin ang maluwang na kwarto.
"Master's bedroom?" I asked as I get inside the room. "Sino nag-design nito?"
"My interior designer friend." he answered with a smile plastered on his lips. "This will be our room."
My eyes widened of what he said, "And? Where's her room?" I asked.
"The door infront of our door, that's her room." he answered.
Lumabas ako at tinignan 'yon. It was a pink themed room. May nakadikit na mga butterfly sa pader, malaki ang kama, may computer set, pink gaming chair, tv, at may maluwang na walk-in-closet.
Hindi pa alam ni Eloise na gamitin ang mga nandito. Masyadong advance si Shiro.
Inipit ko ang buhok ni Eloise into messy bun nang makaakyat kami sa rooftop. Fourth floor kumbaga. Ang hangin dito, may mga upuan at lamesa na din, at may glass railings.
Dumungaw kaming tatlo doon at tinignan ang mga bahay na nasa tabi. Malalaki din sila, pero itong si Shiro ay hindi nagpatalo, ginawang fourth floor ang bahay kahit na iilan lang kaming titira dito.
"Are you satisfied with my work?" I asked and looked at him.
"I am always satisfied with your works, love." he smiled.
The CEO's Weakness