Rule:
"I WILL ALWAYS MEND YOUR BROKEN WINGS SO YOU CAN FLY AND BE FREE FROM ME."
Scarlett Forke's POV
Layunin ko na maisakatuparan ang gusto ni Clark.
Kaylangan kong maisagawa ang kasunduan namin upang makinig sya sa akin at muli, mapalayo ko sya.
Hindi ito para sa akin kundi para kay L.
Kaya naman, mas naging abala ako.
Natapos ko ang lahat bago maghapon, I got all the papers, passport and tickets para ibigay kay Clark.
Ngunit sa on the way ko papuntang office niya, di ko inaasahan na makikita ko sina L at Pat na magkaharap na nag-uusap sa tapat ng elevator.
Agad akong tumalikod at nagtago sa likod ng pader. Sinilip ko ang isa kong mata.
I just quietly watch them, pahapon na kaya tanging pulang sikat ang lumiliwanag sa kanila mula sa labas. Sa ganda ng background nila na city view, sa ganda ng atmosphere at sa katahimikan, naalala ko tuloy yung mga scene mula sa anime na pinapanood ni Max.
Konting bubbles effect lang at high school uniform, pwede na.
I assume this is a confession.
Sabi ko kanina, magmadali sila. Hindi ko naman inaasahan na talagang mamadaliin ni Pat.
What a nice thing to have, a blooming love.
I've been in one before and sure thing it is one of the greatest experience. It's beautiful and it somehow makes you dream, makes you think about the future... something to always look forward.
But I also know that it leaves you with so much sadness when it's gone.
I just really hope that it don't happen to him. Cause unlike me, L deserves so much better.
I think I should just leave then.
Hahakbang na sana ako nang makinig ko ang boses ni L.
"Is that so?"
"Yes! So do you think may chance ako maging girlfriend mo?"
"Yes, you have."
"Talaga?!"
He's very cruel. Too cruel it makes me sad.
He stares down on her, walang naging excitement kundi parang vibe pa ng interview ang nasasagap ko.
"Will you give your life for me?"
"Yes!"
Pat is ready. She's been waiting for this. Matagal ka niya nang pinapanood at pinapangarap. For her, you are perfect and she will do anything for you.
That's how her love is.
"What comes to mind when I asked you that?? Of course, it's just the two of us here, you can be honest with me. You love me, right?"
Tumalikod na ako bago sumandal sa pader at yinapos ang bitbit kong mga papeles.
I'll just wait for it to be over.
"Uhm? Ibibigay ko sayo ang buhay ko... diba proposal yun?"
"It's not that. Can you make me experience a new world?"
"I hope kasi kung sapat na ang pagmamahal diba dapat ganun ang maging epekto??"
"Do you know I'm very capable of giving you a new life and world?"
Kaya din ni Pat, yun ay kung hahayaan mo sya.
"Y-Yes."
"Do you want me to give it to you?"
"Yes."
"Do you know Ms. Forke, my office assistant?"
L, bakit ang sama mo??
"Opo."
"I asked her the same questions. But I wonder why her answers are the same yet very different."
"S-so mahal ka rin niya?"
Napahinga ako ng malalim.
"I don't know. But she told me she can give me everything, even said that if I want a new life then she can change the world for me. And that, she's willing to give her life to me. Do you know what she meant by that?"
L, kaylan mo ba mare-realized??
If you want to experience a normal and peaceful life, she can offer you the glimpse of it.
And that's how far you can have that.
She's not like me, I can't give you that.
"H-hinde..."
"It means that she's ready to die for my sake. Can you do that?"
"Pero kung mahal ka niya talaga bakit niya gagawin yun? Diba ang lungkot naman kung mamamatay siya para sayo tapos di ka niya makakasama??"
It's because I've been looking for the darkness just to be with the man that I longed for.
That's my main goal.
Si L?? Siguro I do love him but not as great para mabuhay para sa kanya.
"That's the thing. She don't even love me. I don't need to give love, a new life or the whole world. But she promised me that she will give her life in exchange of me killing her. Can you do more than that?"
"Do you love her then?"
"That's not—"
"Then meron pa akong chance para patunayan sayo na hindi ganun ang love—"
"But I like her answers."
So that's it, it's over for her.
Naging malamig ang bitaw nito. I can only imagine kung gaano ang sakit sa mukha ni Pat.
I want to comfort her dahil ako ang nagtulak sa kanya para isulong ang pagkakataon kung nasan sya ngayon.
Pero parang ang kapal naman ng mukha ko kung gagawin ko.
Nagsimula na akong maglakad, pabalik sa opisina ni Ms. Alvarez para di na ako dumaan dito sa elevator at makita sila.
Although may kaylangan din akong ibigay kay Ms. Alvarez kaso naiwan ko sa finance dahil akala ko nga kay Clark ang punta ko.
"Una."
Agad nagsitayuan lahat ng buhok ko!!
Teka! Nagigi na ba akong physically na manhid?!?
Kanina alam ko sinadya niya kong tawagin na 'Angel eyes' dahil alam niyang nandun na si Pat.
She heard it, yung usap namin ni L. He made her felt insecure to me, making her do a wrong move to end everything instantly.
A confession.
So wag mo namang sabihin na nabusted si Pat dahil alam niya ring nakikinig ako?!?!
No way! Ako ang sumira sa plano ko?!!???
"Oh L?? Kamusta? Papunta sa meeting??? Bakit wrong way ka ata??"
Mas binilisan ko pa ang lakad ko, kinig ko naman ang pagsunod niya at nagmadali rin.
Nakaramdam ako nang konting pagdagil sa balikat ko bago niya ko lagpasan at na una na.
"Follow me to my office, I need to talk to you."
Luh! Di kaya papagalitan niya ako?!??
"Anong pag-uusapan??? Nagmamadali kasi ako, may ide-deliver pa akong tickets. Pwede bang mamaya na lang pagbalik ko??"
Habol ko naman sa kanya ng lakad.
Excited akong ibigay 'to kay Clark kaya nga sya ang inuna ko. Malaking tinik din ang mawawala sayo kaya kung papagalitan mo lang ako, pwede na yun makapag-intay mamaya.
"No, you think I don't know what you're doing?? You're being too much! Is this how—"
*Bbbbbzzzztttt~*
Ramdam ko sa cellphone ko, dahil dun napatigil ako sa paglalakad. Gusto ko sanang pahintuin si L pero para syang may hinahabol sa sobrang bilis niya kaya pinabayaan ko na lang.
Hayaan ko na lang siyang ma-una sa opisina niya susunod na lang ako, may ibibigay parin naman ako kay Ms. Alvarez.
Muli, pumihit ako papunta sa opisina ni Clark bago sinagot ang tawag.
["Kamusta po, Ma'am?? Katulad po ng sabi niyo tumawag po ako pagtapos na ang pagi-impake. Malinis na rin po."]
"Salamat po Ate Jenny. Napalitan na rin po ba ang mga kubre-kama at kortina?"
["Opo, pinalit ko po ang mga dating ginamit ni Sir."]
"Salamat po ng marami. Ako na po maghahatid sa inyo mamaya, pag-uwi ko."
["Salamat po."]
Binaba ko na ang tawag.
Sa pagbukas ko sa pinto ni Clark, kahit na nakataklob sa mukha nito ang isang libro, bumungad parin sa akin ang ngiti nito.
"Love?"
Nanibago ako sa amoy ng lugar.
Bakit parang pamilyar??? Parang na a-amoy ko 'to sa bahay???
Parang pabango............ ni Max??
Impossible.
"Oh! Makakalaya ka na. Pumerma ka lang dito para valid ang permit sa pagpasa mo ng posisyon mo."
Dahan-dahan pa nito tinanggal ang libro sa mukha para isilip ang isang mata.
"You already found a substitution that will settle in America??"
"Di pa sigurado pero malakas ang kutob ko. Ito oh! Para matuwa ka, here's all you need para makalipad."
"You look stressed, love. Here."
Tulak niya sa isang lollipop na nasa mesa niya. I took it.
"Just make sure to talk to your mom para di niya pahirapan ang ipapalit ko sayo."
"You really want to get it rid of me, huh?"
Iniwanan ko muna siya ng isang ngiti, marahan kong tinulak ang buhok ko mula sa balikat ko papuntang likod. Tumalikod na ako.
"Nope! But I want you to be free. So for now, enjoy. Visit me anytime if you remember a friend."
I heard a chuckle from him.
"Besides for your love, I guess you can also do anything for this best friend of yours. I hope to see you happy next time, Scarlett."
Yes, next time.
I hope there will be a day that you will see me again with happiness.
*****
Ms. Alvarez's POV
A while ago, I heard two footsteps fast-walking towards my office.
It must be my imagination.
My office's doors are wide open, I can clearly see the people that may pass through this hallways just to get to the CEO's office.
However, as I'm watching Mr. Maclntosh walks very slowly while he talks to himself with so much passion. That even his hands are moving as if he's giving a presentation that he needs body language.
Naitigil ko ang ginagawa ko, I put down my pen and listen to whatever he's trying to explain to himself.
"Una! I mean I was mad, of course it shocked all my systems. I honestly don't know what to do! But you have to give me some time to think!"
Una??? Si Scarlett??
Monologue ba niya 'to??
Or nagpra-practice sya para makipagbati na kay Scarlett????
Really???
*sparkled eyes!*
"But you're getting so far away and all these shits, damn! You're pushing them to me?!?? How can you stand—"
Wait sir!! Too much passion!
Di ba dapat sa harap ni Scarlett mo ginagawa yan????
Knowing how limited Mr. Maclntosh's emotions, kinabahan ako na baka mawalan na siya ng emotions pag-actual na.
So I have to stop him.
Para di niya ko pagalitan sa pagpapatigil ng practice nito, I acted like I didn't hear a thing.
I have my voice in a serious tone.
"Sir?? May kausap po ba kayo???"
He irritatedly glanced at me, like I ruined something so important. He annoyingly looks back.
"Yes! Can't you see I'm trying to talk to—!! Where is she?"
"Po??"
"She was just walking behind me. What the hell?! Don't tell me she actually left?!!"
What??? I mean he's clearly been staring off to nothingness. Madalas din siyang parang wala sa sarili at may iniisip.
From the moment he sets a foot in the company laging si Scarlett ang tanong niya.
He also take long walks, akala mo nagsu-supervise but that's just his way of knowing kung nasan si Ms. Forke.
I know he rarely sees her.
And I'm definitely certain that he misses her so bad.
But to actually have a hallucination??
I think we should pay more about his mental health, this is not healthy anymore.
"Sir??"
Since that time when Mr. Maclntosh saw and watched Mr. Horton gave a bouquet of flowers to Scarlett, he's been staring at the decorated flowers with an absent mind, too often.
"Who bought those flowers??"
"Si Ma'am Marga po, she said it's hyacinth."
She decorated it this morning but immediately leave dahil may photo shoot pa daw sya. But she left a note that she will be back.
"Do you think Una is the type to like flowers??"
He's been thinking of it.
"Not all women like flowers, but I'm sure all of us give appreciation to the effort given."
Lahat ng babae ma-appreciate nila kung palagi mo silang iniisip o naalala.
And the way you always think of her, just let her know and I think magkakabati din kayo.
Pinanood kong maglakad si Sir, nakinig ko siyang nag-iwan ng isang utos.
"Tell her we will be having dinner tonight and I'm inviting her."
Another office dinner??? Manlilibre na naman sya??
Sabagay, nagpadinner lang naman sya last time dahil nga nakita niya si Sir Horton at Ma'am Scarlett.
I keep it in mind and continue working.
After half an hour, I saw Scarlett walking into my office with a huge smile on her face.
That was a normal sight before, but now it became a rare view of her.
"Ms. Alvarez~!"
I assume nagka-usap na sila ni Sir. Maybe di din natiis ni Sir at tinawagan na lang siya.
I smiled at her.
"Mukhang masaya ka ata??"
"Naku! Syempre! Feeling ko matutuwa ka rin."
She don't have to tell, I mean I already know na nagka-ayos na sila. I'm truly happy for them!
"Of course! Sasabihin mo din ba kina Hadley?? I'm pretty sure they will be extremely happy."
"Oo, pero mamaya na. Sa ngayon, sayo muna."
Oh! I feel like I'm the best friend. Pfft!
I closed all the folders and my laptop then sit up straight, ready to listen.
"Let me hear your good news— wait para saan 'to??"
Takhang tanong ko sa nilapag niya.
Don't tell me bibigyan lang niya ko ng idadagdag sa trabaho ko???
"It's your promotion!"
What?? Nagkabati lang sila, may promotion na agad ako????
Gosh! May pa-bonus??!
"What promotion??"
I acted so professional.
"Promotion! I know you know all your potential and I know sa credential mo at sa kaya mong gawin, you're valid and capable of having a higher position."
Uhmm yes?? But I was told that the CEO's secretary is the highest position I can ever have.
She smiles from ear to ear, she moves the envelope closer to me.
"Ito oh! On behalf of Clark Dalih-Maclntosh at kasama na rin ako!"
Wait! Seryoso siya?????
"I'm passing you the position of being a CEO sa Maclntosh US Company. Congrats!"
I can't believe it!
I mean I know I'm qualified dahil sila mismo ang nagtrain sa akin but they limit it dahil ang mismong anak nina Mr. Maclntosh ang mawawalan if ever I get the position.
So binigay lang sa akin ni Sir Clark??
"Sir Clark gave up his position????"
"Anong gave up?? Di talaga sya nararapat dun and besides di niya gusto. Parang di mo naman sya kilala, mas gusto niyang magtravel."
Is she really serious????
I have to open the envelope and inside it, my name is actually written!
"OMG!!!!"
I lost all my self-control!
Sir Clark really signed it!!!
"Wait! Did you actually recommended me to him??!"
Pinalo niya ako bago natawa.
"Ano ka ba?!? Siya mismo ang nagrecommend sayo. Dati pa! Kaso pinabalik ko kasi sya sa US tapos kinaylangan naman daw ni L ng secretary kaya nadayo ka dito."
Oh my gosh!! Is this reality?!?
I thought all this time!!!— WAIT.
"Sinong magiging secretary ni Sir??"
I can't help but think.
"Kay Natalie ko ibibigay. Kaya kayong dalawa ang magce-celebrate!!"
"But di ba iisipin ng iba na sumipsip lang kami sayo para tumaas ang position namin?"
"Di natin control ang isip ng iba. But to prove them wrong, just prove to yourself na kaya mo. And besides, I see skills and attitude, I think you two can own it. So don't worry! Magce-celabrate tayooo!!!!!"
Joyfully, she slammed my table. I just sat here, overwhelmed while staring at my name as if it's written in gold.
"Ms. Alvarez, wag kang mag-alala. Si Nat, may magtra-train sa kanya. Ganun din sayo. Protected ka rin mula kay Auntie kaya okay na okay ang lagay mo dun! Sumbong ka lang sa akin, hihigitin ko pabalik si Clark."
I just hug her!!
This is a real dream come true!!! My family will be so happy for me! And besides, makikita ko na rin sila!
"My goodness! I love you!! You're a real blessing, an Angel! Thank you so much!"
She giggles, she hugs me with warmth.
"Walang anuman—"
"Oh! Todo el mundo parece feliz!" Everyone seems happy!
I heard Ma'am Marga arrived. Muli akong na-upo. Overjoyed, pinagmasdan ko ang contract.
It's just waiting for my signature.
I can't wait to work there! For sure it will be all hectic but I'm sure I'm not new to that. Certainly, I will love the workplace!
While there have been a lot of different scenarios playing in my head about how will I break the news to my family or the lifestyle that I will be working there.
While I'm busy daydreaming, si Scarlett naman ay abala sa pagkwento kay Ma'am Marga.
"Felicitaciones! Ah congrats pala! Ito oh, pasensya ka na ito lang meron ako ngayon."
Abot nito sa akin ng isa sa dala niyang bulaklak. Nagpasalamat ako sa kanya. But it seems like she's also happy for me!
"Hayaan mo, mamaya, kung pwede ka. Ipapagluto kita, pwede tayo sa bahay ko."
Heavens! They're really so cheerful and supportive of me!
"That's great— oh Scarlett, may dinner ulit mamaya. Sir wants to personally invite you."
I have to chill. Kamuntikan ko ng malinutan.
When I noticed her examining Ma'am Marga's bag full of flowers, I just realized that maybe she also likes flowers.
"Ah~ Busy ako, tapos na ang pagi-impake ni Ate Jenny kaya ililipat pa namin yung mga gamit."
Impake??? Lilipat na ulit pabalik sa house ni Sir yung katulong niya??
"Marga, pwede ka bang pumunta?? Di ka ba busy mamayang gabi???"
"Si, wala akong schedule. Pero yung party niya??"
"No worries, we can just do it sa condo ni Nat. She'll request it anyways."
I recommended since Nat has been inviting us to her place.
"Good! Mabuti rin sayo, Marga, makakapag-usap kayo ni L. Saglit, itong mga bulaklak ba talaga ay galing dun sa flower shop na nirekomenda ko sayo???"
"Si, blue hyacinth. Nagustuhan ko din siya dahil sa color."
"Talagang may nagtitinda dito sa Pinas?? Wow!"
I just realized something.
Scarlett has been helping Ma'am Marga to get closer to Sir. They've become such a good friend that even Ma'am Marga's love for flower, pati yun napag-interesan ni Scarlett.
She really pays attention to the people around her.
But I wonder bakit di niya rin gawin kay Sir???
*****EVENING*****
Margarett's POV
Naimbitahan ako sa isang la cena. Ang nakinig ko, unang beses daw ni Lucas ginawa yuon kasama ang mga empleados.
Ibinigay sa akin ni Scarlett ang la dirección sa restaurante. Inaasahan ko na madami ng tao ngunit sa aking pagkakapasok, naisipan ko na mali ako ng pinuntahan.
"Discúlpeme señor, sigurado ka ba na ito ang reservación ni Lucas Maclntosh??" Excuse me sir...
Pagsisigurado ko sa mesero.
"Yes, Madam. He's waiting for you there."
Dahil duon, naglakad na ako papunta sa isang jardin. Unang bumungad sa akin ay ang malamig na simoy ng hangin. Kita rin sa itaas ang mabituwing langit.
Sa bubog na nagsisilbing bubong nito, mukhang kahit umulan ay malabo kaming mabasa nito.
Una kong napansin ay ang mga pulang rosas na naka desenyo sa kapaligiran. Tila kulisap naman ang pagtingkad ng mga ilaw na nakapalibot sa mga halaman at dekorasyon.
Sa gitna ng jardin, nanduon ang mesa kung saan may kandila ang nakabukas at sa ibabaw nito ay ang halos parang na huhulog na fountain ng ilaw.
Duon, matiwasay na nag-iintay si Lucas.
Ngumiti ako sa pamilyar na alaala na sumagi sa isipan ko.
Sa pagkakakilala ko kay Lucas, meroon siyang matapang, strikto at di matibag-tibag na persona. Pero sa ilalim ng taong kinakatakutan at iniiwasan ng marami ay meron syang mapagmahal na puso.
Bibihira lang niya yun maipakita.
Dahil nuong bago palang kami sa relasyon, gantong-ganto ang bawat gabi na nadadatnan ko.
Ngunit sa kalaunan ng buwan, unti-unti yuong nawala.
Siguro dahil sya palagi ang syang nagde-desisyon noon sa amin dahil lahat ng gusto niya ay ino-oohan ko lang.
Marahil ito ang dahilan ng paglayo ng loob niya.
Alinlangan akong humakbang, nahihiya dahil simpleng amarilla na bistida lang ang suot ko. Sapagkat inaakala kong marami kami.
Nakakatulong nga ata ang sinasabi ni Scarlett.
Dahil nitong mga nakaraang araw pumapayag na sa akin sumama si Lucas sa pagkain sa labas. Hindi na rin nito ako pinapaalis at mas napapansin niya na ako.
Pinapahintulutan na rin ako nitong pumasok at magdesisyon ng kakainin niya.
Totoo ngang pwede kaming bumalik sa dati.
Ngunit di ko naman inaasahan, na talagang pati sya ay gagawin rin yun.
"Buenas noches, Lucas." Good evening...
Bagama't nagulat ko sya, tumayo pa rin ito para ako'y salubungin. Pansin ko ang pagtingin niya sa may likuran ko.
"Evening, Marga. ¿Como es que estas aqui?" How come you're here?
"Inimbitahan ako ni Scarlett."
"I see, have a sit."
Tanging maliit na ngiti ang naisukli ko sa magalang niyang paghatak ng upuan para sa akin.
"Did she mention what time she's coming??"
"No, pero ella dijo que está ocupada. Baka hahabol sya." But she said she's busy...
Nang makausap ko si Scarlett ang sabi niya kung wala daw maghahatid sa akin, pwede niya daw akong ipagmaneho. Kung kaya't naisip kong baka papunta rin sya.
Ngunit kung ganto ka-romantico ang hapunan, di ba parang isang date 'to???
Parang nakakahiya kung kaming dalawa ang darating.
Pero okay lang naman sa akin dahil panigurado kasama din si Ms. Alvarez dahil ito ang nag-imbita sa amin kanina.
"You must be shocked when you walked in."
Tukoy niya sa lugar. Tumango ako.
"Konti. Pero nagustuhan ko naman. Es como antes." Just like before.
"Si, es un estilo antiguo. I think I should change it soon. This might not work next time." Yes, it's an old-style...
Payo ni Scarlett, asahan ko daw ang pagbabago ni Lucas.
Nagbago daw ito dahil sa panahon na di kami magkasama at lalo na daw dahil nagkaroon ito ng panibagong nobya.
Hindi ko dapat ito kagalitan bagkus ay dapat ko lang tanggapin upang sa ganuong paraan mas magkaintindihan kami at di maulit ang malabo naming usapan noon.
"Honestamente, kung a-araw arawin mo ang gantong dinner. Baka nga di na gumana ang especial na kahulugan nito." Honestly...
Pagsasabi ko ng totoo.
Mukhang sina-ulo naman niya ito. Kumuha sya ng vaso ng wine bago sumandal, senyales na may itatanong sya.
"Then do you think that candlelit dinner is not necessary, what about the flowers?"
"Basta maganda, pwede."
May nagi kaming maliit na pagtawa.
"Of course. How about shopping?? I think it's not always fun."
"Totoo. Nakakapagod madalas."
"Then what do you think of weekend getaways?"
Medyo nagkibit balikat ako bagkus inayos ang pagkakalagay ng bag ko sa aking kandungan.
"Nakakapagod pero masaya yung palaging may adventure."
Sa tingin ko sa ginagawa namin mas nakikilala namin ang isa't-isa. Mas nagkakaroon din kami ng ideya sa mga gusto at magiging ayaw namin pagdating sa hinahara—
"Good, I hope Una thinks the same way."
Una?? B-bakit napasali si Scarlett???
"¿Por qué?" Why?
"She's more into exciting adventures, I think? She sometimes does useless things but if it's something with too much effort, hindi niya nagugustuhan."
Akala ko nagkakaroon na kami ng panibagong koneksyon, isang pasibol na ugnayan ulit.
Pero bakit???
Pilit kong iniba ang usapan. Pinilit kong palayuin. Mga bagay na kaming dalawa ang pinaka-makakaintindi. Bagay na galing sa nakaraan naming dalawa.
"¿Que tal Peru? Imposible na may hi-hindi sa restaurante na pinuntahan natin doon. Naalala mo?? Halos araw-arawin nga natin noon." How about Peru?
Nagkakilala kami sa Brazil kung saan may fashion show akong dinaluhan. Samantalang, may business meeting naman siya.
Namamasyal kami nuon ng mga kasamahan ko sa isang kilalang mall nang siya ang kumapit sa balikat ko upang makita ang aking mukha.
Yuon ang una naming pagkikita.
Ang sabi niya, may pamilyar na pakiramdam agad daw syang naramdaman.
Dahil tatlong linggo ang pananatili ko doon dahil sa dami ng fashion week na ra-rampahan ko. Bagama't abala ito, nanatili siya para sa akin.
Pabago-bago ang lugar ng trabaho ko, marami akong bansa na pinupuntahan at pagminsan ganun din siya.
Yuon nga ata ang dahilan kung bakit nawalan kami ng oras sa isa't-isa at tuluyan ng lumayo ang loob namin.
Pero ngayon na kaya ko nang magbigay ng oras, sana naman muling magbalik ang kanyang pagtingin.
"I also hope to bring her to a lot of places. It's been a shame that we've been to New York but all I did was locked her inside our hotel room."
Sa lapad ng kanyang ngiti, parang nag-init ang aking mata. Ngunit sinubukan ko paring baguhin ang usapan.
"Ang ganda naman nitong bulaklak. Maganda ang taste ng nag-ayos."
Bastang bati ko na lang sa nag-iisang bulaklak na nakalagay sa isang baso na nasa gitna namin.
"I picked it. It's Scarlet Zinnia."
Pero bakit laging kay Scarlett ang bagsak niya.
"It means constancy, fidelity."
Faithful and loyal.
Dahil duon tyaka ko lang napagtanto ang paligid ko.
Sa pagkaing nakahain, alam ko nang hindi pala talaga para sa akin ang lahat ng 'to.
Alam niyang isda at gulay ang gusto ko palaging kainin dahil sa diet ko.
Ngunit sya namang kabaliktaran lahat ng pagkain sa mesa. Puro carne at matatamis na pagkain.
Alam ko na agad kung para kanino.
Dahil sa hindi pa niya ginagalaw ang pagkain at dahil sa hindi pa niya ako inaalok katulad ng madalas niyang gawin noon.
Alam kong iniintay pa rin niya ang bakasakaling pagdating ni Scarlett.
Wala sa sariling nag-angat ako ng mukha at nagtanong.
"Hindi ba ako ang ex-girlfriend mo?"
Deretso kong tanong sa kanya.
Sa gabing ito, nawala lamang ang kanyang ngiti sa pagkakataon na nakita niya akong dumating at ngayon... na tinanong ko yan.
"Margarett."
Baba niya sa kanyang inumin.
"I don't want to label you as my ex-girlfriend. You're friends with Una and honestly, as of now, I thought we're also friends. We're doing good just being like this, right?"
Sabi ni Scarlett nagbago ka daw.
At oo, alam ko yun.
Dahil simula palang kung gusto mo tayong mas magkaintindihan, dapat sa lenggwahe na mas komportable ako ang gagamitin mo.
Ganuon ka dati, nagbibigay ka ng esfuerzo.
Ikaw ang naga-adjust palagi.
"Sabes que quiero que volvamos a estar juntos, Lucas." You know I want us to get back together.
Tuluyan nang nagkunot ang noo nito.
"I moved on long before I met her."
Sa pagtapos niya, parang may marahas na napigtal na pag-asa sa dibdib ko. Kasabay nun ang tuluyang pagtulo ng mga luha ko.
"And also, I have Scarlett with me."
Tama si Scarlett na nagbago ka.
Tama siya sa lahat.
Kaso may isa syang maling nasabi.
Dahil nagbago ka dahil sa kanya.
"I love her. You clearly know that."
Pilit kong pinigilan ang aking paghikbi.
Oo, dahil higit sa pagmamahal na pinakita mo sa akin ang nakikita kong binibigay mo sa kanya.
"At sya ang iniintay mo ngayon??"
"Of course, I'm waiting for her... we just had a fight, I'm actually thinking of apologizing... that's why I'm waiting."
Tumungo ito, bago sumulyap sa pulang bulaklak.
"I'm waiting for her... I think all my life, she's the one I'm always waiting for."
Pilit kong nilunok ang sakit. Basang-basa man ang sleeve ng bistida ko gamit ng luha at ng make up ko.
Pinilit kong di umiyak.
Naalala ko ang naging sabi sa akin ni Scarlett noon sa opisina.
Marga, gusto mong magkaroon tayo ng kasunduan??
Tutulungan kitang makuha ang puso niya. Kapalit, basta mahalin mo lang siya ng higit sa kaya ko.
Yaan ang naging usap namin.
Kaya sinabi niya lahat ng alam niyang pwedeng tumulong sa akin.
"Yung mga bulaklak..."
Muling pahid ko sa mukha ko.
"Si Scarlett ang nagsabing piliin ko yun. Paghingi ng kapatawaran... significa que ella lo siente." it means she's sorry.
Ito siguro ang ibigsabihin ng pagmamahal ko sayo ng higit sa nagawa ko noon.
"L-Lilisan na siya. Yuon ang plano niya, hinahanda ka lang niya sa kanyang pag-alis."
Patawad, pinakawalan kita noon nuong magtanong ka kung pwede kang umalis.
Nasaktan man ako... pinagsisihan ko man yun.
Pero sa tingin ko tama ang naging desisyon nating dalawa.
".....Nasabi niyang uuwi na daw siya at lalayo mula sayo. Katulad daw ng dati."
Dumiin ang pagkakapikit ko sa nakinig kong mabilis na paggalaw ng upuan.
Ang tangi ko lang nasulyapan sa kanya ay ang likod niya sa kanyang pagtakbo papunta sa taong minamahal niya.
"Aagghh~ s-sorry.."
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.
Lucas, patawad dahil sumuko na ako.
Hindi ito dahil sa napagod ako o nanlamig.
Ito ay dahil sa pagmamahal ko sayo na nagawa ka ng pakawalan.
Pinapalaya na kita.
Sa kanya na kaya ka ring palayain dahil sa kanyang pagmamahal. Ngunit dahil sa pagmamahal mo, kumapit ka.
Gawin mo ang bagay na di mo nagawa noon, Lucas.
Dahil yuong taong yun....... Higit sa kayang gawin ng isang puso ang nagagawa niya para sayo.
Ang hiling ko lang, itong pagsuko ko ay maging hudyat ng pagsisimula ng matibay na kayo.