CHAPTER 47: The Real Reason
JEROME'S P.O.V.
DAYS LATER...
"JEROME, let's talk. I want us to have another chance." sabi ng babaeng bigla na lang pumasok dito sa office pero nanatiling nasa ginagawa ko ang atensyon ko at hindi siya pinagtuunan ng pansin. "Hello? May kausap ba ako? Don't freaking ignore, Jerome." dagdag ng babae.
"Shh. Natutulog si Hazelyn." saway ko sa babae habang ang atensyon ko ay nasa ginagawa ko pa rin.
"Oh, is that your new girlfriend?"
"Fiance. She's now my fiancee, Tiffany. Kaya please, go away at huwag kang maghasik ng lagim dito." pagtatama at pagpapalayas ko kay Tiffany.
"Huh! I just want to talk to you."
"Then, talk."
"Here? Habang nandito ang fiancee mo?" sabi niya at bakas sa tono ang pagkadisgusto ng banggitin niya ang 'fiancee'.
"Hmmm." tanging sabi ko at tumango.
"Just talk to her, Hon." Napalingon ako kay Hazelyn nang marinig ko siyang magsalita. Nakahawak siya sa batok niya at hinihilot iyon. Paanong hindi sasakit ang ulo niya, eh, natulog siyang nakayuko sa lamesa niya at hindi man lang naisip na pwede naman siyang matulog sa sofa.
"Hazelyn!"
"Hi, Tiffany. Nice to meet you. I'm Hazelyn, Jerome's future wife," nakangiting sabi ni Hazelyn pero kita ko sa asul niyang mga mata ang pang-aasar. Nakalahad pa ang kamay niya sa harap ni Tiffany na ikinailing ko.
"So? Tinatanong ko ba?" nakataas ang kilay na sabi ni Tiffany kay Hazelyn bago inirapan si Hazelyn na napangisi lang.
"Hindi pero I can sense na curious ka." mahinang natawang sabi ni Hazelyn bago binaba ang kamay niya na hindi tinanggap ni Tiffany na ikinatawa ko rin ng mahina sa kalokohan niya sa paraan ng pakikipag-usap niya kay Tiffany na parang wala itong ginawang masama sa kanya.
"Feeler." mapang-uyam na sabi ni Tiffany.
"Gusto mo bang makausap si Jerome?" tanong ni Hazelyn.
"What? Do I need your permission?" nakataas ang kilay na tanong ni Tiffany.
"No, but you do need Jerome's permission for you to talk to him." nakangising sabi ni Hazelyn kay Tiffany.
"Shut up!" walang emosyong sabi ni Tiffany.
"Gusto mo bang makausap ang ex mo, Hon?" nakangiting tanong ni Hazelyn sa akin.
"No. Ayokong ma-suffocate." napailing na sabi ko bago nakangising tumingin kay Tiffany.
"Jerome!"
"There's your answer, Ms. Brilliantes. He doesn't want to talk to you. You may now leave." nakangiting sabi ni Hazelyn sabay westra ng kamay paturo sa pinto.
"Okay. How long have you been in relationships with him?" nakangising tanong ni Tiffany kay Hazelyn.
"Four months--"
"One year kami."
"At nag-break kayo dahil hindi mo siya sinipot sa mismong araw ng anniversary niyo dahil may kat*lik kang iba. And you're saying that you're single to everyone you were talking to back then." nakangising sabi ni Hazelyn na ikinatahimik at ikinatitig ni Tiffany sa kanya. Pati ako ay napatingin kay Hazelyn dahil hindi ko inaasahan ang mga binitawan niyang salita. "Yeah, you're with him for one year. Like, how can I beat that, Jerome?" sabi ni Hazelyn at napatingin sa akin na ikinangiti ko.
"Magbe-break din kayo kasi nauna ako sa buhay niya--"
"Ano tayo nasa racing competition and Jerome is the trophy?" sarkastikong sabi ni Hazelyn na ikinatawa ko ng mahina. Natahimik naman si Tiffany. "I heard you never apologized for all the things you did when you were together, and here you are, asking for another chance as if you never broke him. That's kind of shameless." nakataas ang kilay na sabi ni Hazelyn na ikinangiti ko.
"Let me have him again." sabi ni Tiffany matapos ang mahabang pananahimik niya.
"No, he's not a thing, Tiffany. Hindi siya bagay na basta mo na lang hihilingin sa akin na ibigay ko sa'yo. I suggest that you should just leave us alone because you're making us uncomfortable." napaseryosong sabi ni Hazelyn.
"Jerome, please!" pakiusap ni Tiffany sa akin.
"Kahit huwag na iyang sorry mo, Tiffany. Respeto na lang ang hinihingi naming dalawa ni Hazelyn." sabi ko kay Tiffany na ikinainis niya.
"You'll regret your decision, Jerome. Babalik ka rin sa akin!"
"Babalik ka rin sa pinanggalingan mo kapag hindi ka pa rin tumigil." matalim ang asul na mga matang sabi ni Hazelyn na ikinalapad ng ngiti ko.
"Akala ko mabait ka pero bait-baitan lang pala." nakangising sabi ni Tiffany.
"Meron akong ginintuang puso, pero ang ugali ko ay base sa kung paano mo ako tratuhin o kung sino ang kaharap o kausap ko. Wala akong pakialam kung ano ang tingin ng mga tao sa akin lalo ka na. I don't have time for drama. If you don't like who I am, then that's alright. I am living not for you. I am living for myself. I know some people don't like me, but what can I do, not everyone has good taste. Mabait ako, pero hindi ako tanga. Huwag mong ipagkamali na kahinaan ang kabaitan ko. Kapag ginawa mo akong marumi, maaari kitang patawarin... ngunit hinding-hindi na kita tratuhin tulad ng dati. Mabait akong tao. Kaya kung ako ay isang b*tch sa iyo, kailangan mong tanungin ang iyong sarili kung bakit." seryosong mahabang sabi ni Hazelyn at napataas pa ang kilay sa huling sinabi niya na ikinangiti ko.
"Buntis ako at si Jerome ang ama." biglang sabi ni Tiffany kay Hazelyn na napangisi lang.
May kinuhang brown envelope si Hazelyn sa ibabaw ng desk niya bago seryoso ang mala-dyosa niyang mukha na lumapit kay Tiffany.
"You know what, I'm an odd combination of really sweet and don't mess with me. Mess with me? I'll let karma do its job. But when you mess with my family? I became your karma." seryosong sabi ni Hazelyn habang naglalakad palapit kay Hazelyn. "Pakiulit ang sinabi mo at siguraduhin mong tama ang lahat ng salitang bibitawan dahil kapag nagkamali ka ng sabi...makikita mo ang tinatago kong ugali." seryosong sabi ni Hazelyn kay Tiffany at napakrus ang dalawang braso sa harap ng dibdib habang hawak ng isa niyang kamay ang brown envelope na may tatak ng logo ng hospital nila.
"Sige, para mas malinaw." napangising sabi ni Tiffany kay Hazelyn na nanatiling seryoso ang mukha. "May nangyari sa amin ni Jerome. Buntis ako at siya ang---" naputol na sabi ni Tiffany nang isinampal ni Hazelyn ang hawak niyang envelope sa mukhang ng babae na ikinaawang ng bibig ko at napatayo sa pagkakaupo sa upuan ko. At hindi lang iyon, malakas at malutong niya ring sinampal si Tiffany na ikinatagilid ng mukha ng babae kaya agad akong lumapit kay Hazelyn at inaawat.
"Hon." sabi ko bago siya niyakap ng akmang lalapitan niya si Tiffany na napahawak sa mukha at nagsisimulang humikbi.
"Iyan, para magising ka sa kahibangan mo sa fiance ko!" matalim ang mga matang sigaw ni Hazelyn kay Tiffany. "The probability of paternity is...0%! T*ng*na! I try to be a nice person to you... but sometimes my mouth doesn't cooperate! Ang kapal ng mukha mong magpabuntis sa iba at ipaako kay Jerome ang bunga nang kalandian mo sa iba! G*ga ka! Malandi! P*kp*k!" galit na singhal ni Hazelyn habang nagpupumiglas sa akin para makalapit kay Tiffany kaya mas niyakap ko siya ng mahigpit.
"Umalis ka na sa harapan ko! Kapag ako hindi nakapagtimpi at nagdilim ang paningin ko, baka kung ano ang magawa ko sa'yo at makalimutan kong buntis ka!" nanginginig sa galit na sigaw ni Hazelyn kay Tiffany na naistatwa sa kinatatayuan niya.
"Umalis ka na dahil baka may magawa rin ako sa'yo na sigurado akong pagsisisihan mo." matalim ang mga matang sabi ki kay Tiffany na napatingin sa akin. "Alis na!" sigaw ko na ikinagulat niya bago dali-daling lumabas ng opisina.
"G*gang babaeng iyon! M-Malandi siya! S-Sisirain niya pa tayo! Anong akala niya sa akin, tanga para paniwalaan ang pakulo niya? Huh! P-Papunta pa lang siya, pabalik na ako. K-Kung tingin niya sa sarili niya ay matalino na siya doon, pwes mas matalino ako sa kanya." hinihingal sa galit na sabi ni Hazelyn habang nakakulong siya sa mga bisig ko.
"Tama na. Okay na. Calm down. Inhale...exhale." pagpapakalma ko kay Hazelyn habang yakap ko pa rin siya at hinahaplos ang likod niya habang ginagawa niya ang sinasabi kong huminga ng malalim. "Ganyan nga hanggang sa maging okay ang pakiramdam mo." sabi ko habang patuloy siya sa pagpapakalma sa sarili.
"Okay na ang pakiramdam ko." sabi niya at pakakawalan ko na sana siya sa pagkukulong ko sa kanya sa bisig ko nang yakapin niya ako ng mahigpit. "Ang galing ba nang ginawa ko, pasado na ba ako bilang legal na babae sa buhay mo na awayin ang mga ahas na umaaligid at lumilingkis sa'yo?"
"Yeah, you did a great job as a legal fiancee. Pang-legal na asawa ang actingan mo." natatawang mahinang sabi ko sa kanya at niyakap rin siya.
"Magiging legal wife mo naman talaga ako, unless mag-runaway groom ka." sabi ko na ikinatawa niya.
"Kalokohan mo."
"But you know what, may rason ako kung bakit ko ginawa iyon."
"And what is it?" tanong ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.
"Ginagawa ko ito dahil gusto rin kita. Gusto kita hindi bilang kaibigan kundi bilang isang lalaki, asawa at makasama habang-buhay. Ginagawa ko ito dahil ayokong masira ang relasyon na mayroon tayo. Unting panahon na lang ay pareho na nating mahalin ang isa't-isa dahil paunti-unting umuusbong ang pagmamahal sa pagitan nating dalawa. Gusto kita, Hon. Ayokong mawala ka sa akin, Hon. Gusto kita at iyon ang tunay na rason kung bakit ginagawa ko ito. Importante ka sa akin...sa buhay ko. Ayokong may sumingit dahil natatakot ako... natatakot akong mawala ang safe place ko. Ang yakap na ito, ay nagpaparamdam sa akin na ligtas ako. Sa'yo ko lang naramdaman ito...sa yakap mo maliban kay Dad." mahinahon niyang sabi na mas ikinabaon ko sa kanya sa pagkakayakap ko.
"Don't worry, Hon, hindi ako mawawala sa'yo. Walang sinuman ang makakasingit sa atin." sabi ko sa kanya na ikinatango sa pagitan ng yakapan namin.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil alam ko na pareho kami ng nararamdaman sa isa't-isa.
"Ehem. Hindi naman siguro kami nakakasira sa moment niyo, ano?" sabi ng isang tinig ng babae na ikinahiwalay namin ni Hazelyn sa pagkakayakap.
Sabay namin nilingon ang tinig at nakita namin si Kath na nakangising nakatingin sa amin kasama ang asawa niya.
"What is this?" sabi ni PJ bago pinulot ang brown envelope sa lapag na pinangsampal ni Hazelyn kay Tiffany kanina.
"A prenatal paternity test to the unborn child of Ms. Tiffany Brilliantes and the alleged father Jerome Keann Calliego. And the probability of paternity is 0%." sabi ni Kath na nakiusyoso sa asawa ng ilabas nito ang papel na laman ng envelope na pinulot ni PJ.
"Ikaw ang nakaisip nito, 'no, Freedom? Ginaya mo iyong napanood nating American movie?" tanong ni PJ kay Hazelyn na bumalik sa pagkakaupo sa upuan niya. Bumalik na rin ako sa lamesa ko at pinagpatuloy ang ginagawa kong pagdo-drawing sa sketchpad ko.
"Yes. Sabi ni Jerome nagduda siya kung siya ba talaga ang ama ng pinagbubuntis ng gagang babaeng iyon noong lapitan siya nito at sabihing buntis ito at siya ang ama dahil hindi niya alam kung may nangyari nga ba sa kanila apat na buwan na ang nakakaraan at naisip ko iyan bilang solusyon sa problema. Pinabilis ko pa ang paglabas ng resulta para may panabla ako sa babaeng iyon kapag puntan na nangyari nga at isinampal ko iyang papel na iyan sa mukha niya na isang ebidensya ng magpapatunay na hindi anak ni Jerome ang pinagbubuntis niya." madiing sabi ni Hazelyn bago binuksan ang laptop niya.
"Anong ginawa mo sa babaeng iyon? Nakasalubong namin siya ni PJ, galit ang awra niya na parang gustong p*mat*y ng tao." tanong ni Kath na umupo sa upuang nasa harap ng lamesa ni Hazelyn.
"Pinakita ko sa kanya ang tinatago kong ugali. Bwesit siya! Panira ng araw! Nagpapahinga ako tapos manggugulo siya dito. I'm guilty of giving her more chances than she deserves, but when I'm done, I'm done!" inis na sabi ni Hazelyn na ikinailing ko habang ang atensyon ko ay nasa pagdo-drawing pero ang tenga ko ay nakikinig sa pag-uusap nila.
"My god, Hazel! Sa ginawa mo mas lalo mo lang ipinahamak ang sarili mo. Hindi ka ba natatakot na baka gumanti iyon sa'yo. Baka tuluyan ka niya." nag-aalalang sabi ni Kath na ikinatingin ko sa kanila. Hindi umimik si Hazelyn na mukhang nakuha ang gustong sabihin ni Kath.
Kaya mas kailangan ko bantayan si Hazelyn kay Tiffany dahil hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng babaeng iyon.
©MissSaoirseLove