Claim You Back (GxG) [Unedite...

By zygnus00

855K 29.3K 10.7K

[Medrano University Series #2] [ProfxStud #2] (Written in Tagalog/English) Channary Lopez lived the first f... More

A/N
Prologue
Chapter 1: Riri and Sam
Chapter 2: Play
Chapter 3: Simone and Channary
Chapter 4: EXE
Chapter 5: Engineer Montes
Chapter 6: Still
Chapter 7: Messi F10 Cleats
Chapter 8: Dreams
Chapter 9: C and X
Chapter 10: Orbs
Chapter 11: Sun
Chapter 12: Batangas
Chapter 13: Talk
Chapter 14: Small Steps
Chapter 15: Suddenly
Chapter 16: Red Card
Chapter 17: Finally
Chapter 18: Stole
Chapter 19: Dazed
Chapter 20: Always
Chapter 21: Confrontation
Chapter 22: Letters
Chapter 23: Rescue
Chapter 24: Eyes
Chapter 25: Always
Chapter 26: Scars
Chapter 27: Demon
Chapter 28: Hunt
Chapter 29: Missed Call
Chapter 30: Constant
Chapter 31: Serotonin
Chapter 32: Star
Chapter 33: Jetski
Chapter 34: Bonding
Chapter 35: Often
Chapter 36: Please
Chapter 37: Real Intentions
Chapter 38: Revelations
Chapter 39: Message
Chapter 40: End?
Epilogue
Special Chapter - Charianah
Special Chapter - Under Maintenance

Chapter 41: Last Page

15.1K 550 183
By zygnus00

A/N: Wala sanang papatay sa akin.

---

Salirah

"Ailana, mag iingat ka sa flight mo." Nakangiting mukha ni Tito ang sumalubong sa akin matapos kong sumaglit sa CR nitong airport.

Kanina ay si Ciana lang at si Simone ang nandito para ihatid ako, hindi ko naman inaasahan na pati si Tito ay dadating pala para ihatid ako.

"Tito, akala ko busy kayo." Nakangiting sambit ko bago halikan ang kanyang pisnge.

"Wala na ang salitang busy sa akin, Ailana. Kapag kailangan ng mga anak ko, palagi na akong available. I consider you as my daughter too, because of her." Ang malawak na ngiting kanina ay pinapaskil ko ay unti unting lumiliit.

I miss her.

It's been a year since the Marquez's incident. Ang mga pangyayari noong panahon na iyon ay sariwa sa alaala ko. Sinong makakalimot doon? Wala. Kahit kailan ata ay hindi ko na iyon malilimutan.

"Thank you, Tito." Tanging nasagot ko na lamang. Babyahe pa naman ako, bawal malungkot.

"Sabi ni Ate Chendra, sorry daw dahil hindi siya makawala sa kadate niya." Biglang usal ni Ciana habang natatawang nakatingin sa screen ng cellphone. Maging kami tuloy ay napatawa na.

Kawawang Chendra, mukhang kinukulit na naman ng manliligaw niya. Simula nang ipakilala si Chendra bilang Lopez, mas lalong naging matunog ang pangalan niya.

Her life story became the talk of the town. Parang pang MMK pa nga daw eh. Ayaw ba nila ng Magpakaylanman?

Si Tito Clio, nakulong. Life sentence. Ang dami niya palang illegal na gawain at lahat yon ay naibulgar ni Chendra. Kaya pala siya laging busy, nangangalap siya ng ibidensya at mga witness.

Si Clea? Sadly, she died. Simone shot her, sa ulo. Alam naming lahat na masakit yon para kay Simone dahil mga kaibigan niya ang nasaktan at nawala sa kanya.

Siya yung nandon sa mga oras na iyon. Siya ang kasama nila.

Simone even undergone therapy.

But if it weren't for Simone, Ciana would be dead too. Mabuti nalang at kahit na bulok na sperm ito, like what she always says, ay palaban naman. Pati mga doctor nagtaka kung paano pa siya nabuhay eh.

"Sabihin mo nalang na magchat sa akin kung anong gusto niyang pasalubong." Natatawang biro ko na tinanguhan naman ni Ciana bago nagtipa sa hawak.

Ang bilis nila magkasundo sundo. Siguro dahil sabik din si Chendra sa mga kapatid niya, siya na mismo ang gumawa ng paraan para mapalagay ang loob ng mga ito sa kanya.

"Mag enjoy ka don, Sam." Mula sa pagkakatingin kina Tito ay nagbaling ako ng atensyon kay Simone na nakangiti sa akin nang malawak.

Para naman kasi akong bata sa ginagawa nila. Mag eenjoy naman talaga ako eh. Kahit hindi na nila sabihin, I'll spoil myself throughout this vacation.

"I will, thank you Sims." Sagot ko at ginantihan ang ngiting iginawad niya.

Nagkwentuhan pa kami nang kaonti bago namin marinig ang pagtawag sa flight ko papuntang Netherlands.

Why? To watch the Northern Lights. Our dream.

"Chat us after you land, Ate Ailana. Pasalubong na pogi sana." Bulong ni Ciana matapos akong yakapin.

Natatawang tumango nalang ako. Tito and Simone gave me a hug too before I walk off to take my flight and start my one week vacation.

This is it, love. I'm coming to Netherlands.

~

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin matapos kong lumabas sa airport dito sa bansang aking pinuntahan.

Nakakapanibago man ang paligid ay hindi ko naman maiwasang mamangha.

Hila hila ang maleta ay iniikot ko ang paningin upang hanapin ang rental service na naibook ko na bago pa man pumunta dito.

Salirah Ailana Montes

Isang ngiti ang pinaskil ko matapos makita ang isang may katandaang lalaki na may hawak na cardboard kung saan nakasulat ang pangalan ko.

Agad naman akong lumapit dito.

"Hello, I'm Salirah Montes." Magalang na sambit ko. Agad naman niya akong nginitian. He even welcomed me to his country before helping me with my luggage. Maging sa pagsakay sa kotse ay inalalayan niya ako.

"Where to, Ma'am?" Tanong ni Kuya nang makapasok na din siya sa driver's seat.

"Hotel first." Tumatangong sambit ko. Kailangan ko munang magpahinga bago magliwaliw. Nakakaubos din ng energy ang umupo sa loob ng eroplano 'no. Kahit naman hindi ikaw ang gumagalaw ay pakiramdam mo ikaw pa din ang lumipad sa sobrang pagod after ng biyahe.

Tumango lang si Kuya at binigay ko ang pangalan ng hotel kung saan ako mag sstay.

Malapit lang naman sa airport ang hotel kaya wala pang kinse minutos ay nakarating na kami roon. Binigay ni Kuya ang contact number niya sa akin at sinabing mag message or tumawag lang ako kapag kailangan kong umalis at gumala. He'll be my driver for my week's stay here in the Netherlands.

Agad agad akong nagcheck in at hindi rin nagtagal, sa wakas makakapag pahinga na din ako.

Itinabi ko lang ang maleta ko sa may gilid ng kama at walang pasabing tumalon padapa roon.

Hay! Bed.

Bahagya ko munang sinilip ang wallclock na nandito sa loob ng suite. Maaga pa, pwede pa akong matulog kahit dalawang oras kung kaya't ayon ang ginawa ko.

With a small smile lingering on my lips, I fell asleep.

~

"We're here, madame." Mula sa pagkakatingin sa cellphone ay nag angat ako ng tingin kay Kuya matapos niyang sambitin iyon.

Matapos ko kasing makatulog ay halos alas siete na ng gabi ako nagising. Nagmadali tuloy ako dahil may reservation ako ng dinner sa isang restaurant kung saan nga kami nakahinto sa harap ngayon.

"Thank you. You can rest for now, Sir. I'll take a stroll around after dinner." Nakangiting sambit ko. Gabi na din at mukhang pagod na si Kuya.

"Thank you, Ma'am. Have a nice meal." Isang tango at ngiti lang ang isinagot ko bago bumaba ng kotse dala dala ang handbag ko.

Sa may pinto palang ng restaurant ay may bumati na agad sa akin. I said the name of the reservation at agad niya naman akong inihatid doon.

Kung kanina ay malawak na ang ngiti ko, ngayon ay mas malawak pa iyon matapos kong makarating sa table na nakaalan para sa amin.

"Love," Chan's smiling face greeted me as soon as I call for her.

Fucks. I miss her.

"Sam! Finally," Parang batang saad niya at tumayo pa talaga sa silya para lang ikulong ako sa isang mahigpit na yakap.

"I miss you, ang tagal mo naman kasi." Nagmamaktol na sambit niya habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko.

Kasalanan ko bang nauna siya magbyahe dito dahil may inasikaso pa ako sa University? Boang.

"Ikaw kaya diyan nauna, kung sumabay ka sakin na boang ka." Palatak ko na ikinatawa niya ng bahagya.

Nagtataka ba kayo? Ganito kasi yan. Riri came here yesterday dahil may importanteng iniutos si Tito sa kanya. It's a high profile mission kung kaya't wala siyang magagawa kung hindi ang sumunod. Sakto nga at dito din sa bansang ito ang mission niya. Talk about timing diba?

"You know that I need na mauna dito love. Baka magalit si Mr. Clean kung hindi ako susunod sa kanya." Pang asar na sambit niya habang inaalalayan ako upang maupo sa kaharap niyang silya.

Natawa nalang ako sa tinawag niya kay Tito. Kahit kasi nagkaayos na sila ay palagi niya pa ding inaasar ang tatay niya. Hindi na ata yon mawawala.

Matapos makaupo ay agad din na may lumapit sa amin para kunin ang order namin. Si Riri na ang nagsabi ng orders habang ako ay mataman lang siyang pinapanood.

Hindi ko mapigilan na maalala ang lahat nang nangyari noon sa tuwing mapapatitig ako sa kanya.

We almost lost her, I almost lost her.

~

"Riri," Tawag ko sa girlfriend ko matapos bumalik mula sa restroom. Ngunit sa halip na nag iintay na pigura ni Riri ang bumungad sa akin, isang walang laman na kwarto ang nabungaran ko.

'Baka sumunod kay Chendra.'

Kibit balikat na bumalik nalang ako sa pwesto ko kanina para intayin ang magkapatid. Hindi din naman nagtagal ay bumalik na si Chendra pero si Riri ay wala pa din.

"Where's Chan?" Kunot noong tanong niya. Maging ako tuloy ay nagtaka. Akala ko kasama niya?

"Hindi ba sumunod sa iyo? Pagbalik ko dito galing banyo ay wala na siya." Sagot ko naman. Doon lang ako nag simulang kabahan. Parang may kakaiba sa nangyayari.

"Oh shit!" Sabay naming sambit ni Chendra na animo ay iisa ang naiisip.

"Don't tell me..." Panimula ko. Kung totoo ang hinala namin ay dapat na kaming kumilos.

"Let's go, we'll check the CCTV's." May pagmamadaling turan ni Chendra. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya dala dala ang ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Fuck you, Riri. Nasan ka ba?

"She used my freaking car!" Bulalas ni Chendra matapos panoodin ang paglayo ng sasakyan kung saan nandoon si Riri.

We saw her reading something sa cellphone niya bago nagmamadaling umalis.

"Track my car. May hidden GPS system na nakakabit doon." Agad na utos ni Chendra sa taong kasama namin dito sa kwarto. Agad naman itong nagtitipa sa computer at kung ano anong codes and stuffs ang lumabas sa screen.

Fucks. Wala akong magets.

"Tatamaan sa akin ang batang 'yon." Bulong ni Chendra habang hinihilot pa ang sentido na animo ay stress na stress na.

Samantalang ako ay mahihimatay na yata sa kaba. Riri' s out there, going to the enemy's den. Ano bang pumasok da utak niya para gawin 'yon?

"Try calling her." Kapagkuwan ay utos ni Chendra. Pigil ang panginginig ng kamay na hinanap ko ang number ni Riri para tawagan pero mukhang nakapatay ang cellphone niya.

"Her phone' s off." I hopelessly said. Chendra shut her eyes tight then blew out a heavy sigh.

Ang hirap siguro para sa kanya. Yung tatay nila nag aagaw buhay. Tatlong batang kapatid ang naka confine, isang nakidnap, at ang isa ay pasaway na sumugod sa kuta ng kalaban.

Lopezes are crazy!

"How long will you be able to track my car?" Tila naiinip na tanong nito.

"Fifteen minutes maximum," Kaswal na sambit ni Ate na patuloy pa din sa pagtipa sa keyboard.

Fifteen minutes, ngayon ko lang narealize na ang tagal pala ng kinse minutos.

Sa loob ng mga minutong 'yon ay pareho kaming hindi mapakali ni Chendra. Sasabog na ata ang ulo at dibdib ko sa sobrang kaba at pag aalala.

"Found it." Sabay pa kaming lumapit ni Chendra kay Ate upang basahin ang address kung saan tumigil ang kotse na gamit ni Riri.

Chendra took a snap of the address at walang pasabing hinila ang braso ko papalabas ng building.

Walang sabing sumampa siya sa isang motor. Ganun din ang ginawa ko at halos mapamura na ako nang bigla niya itong paandarin sa sobrang bilis na paraan.

I want to complain but I can't. Kahit mukhang byaheng langit ang dating ng andar namin ay mas nangingibabaw ang kagustuhan kong makita si Riri ng ligtas.

Halos talunin ko na ang pagbaba sa motor niya nang makarating kami sa lugar. Nakaparada sa harap ng isang abandonadong building ang kotse ni Chendra.

"Let---" Hindi pa man niya natatapod ang sasabihin ay nakarinig na kami ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Nanlalaki ang matang nagkatinginan kami ni Chendra bago nag unahan sa pagtakbo papasok ng lugar.

Galing sa pinakataas na floor ang putok.

Habang tumatakbo ay parangpapanawan na ako ng bait. Sobrang tindi ng pagkabog ng puso ko at naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako. Shit.

Pakiramdam ko may nangyaring hindi maganda kay Riri.

Kahit hinihingal at masakit na sa binti ay pinagpatuloy ko ang pag akyat hanggang marating ko ang third floor.

Ang nakabulagta at duguang kagawan ni Clea ang una kong nabungaran. Nakamulat pa ang mata niya at umaagos ang dugo mula sa ulo.

Ibinaling ko ang tingin sa may dulo ng hallway at parang nalaglag ang puso ko palabas ng katawan matapos makita ang nakahigang pigura ni Riri sa lapag.

"Riri!" Halos magkandarapa na ako sa pag lapit sa kanya at mas lalo akong napahagulhol nang makitang mukha na siyang walang buhay.

With shaking hands, I immediately checked her pulse. Meron pa, mahina nalang.

Walang pasabing binuhat ko siya kahit na mas matangkad siya sa akin ng kaunti.

"Wha--- fuck! Get her to the car immediately!"

"G-go and find Ciana. I'll take Riri," Humihikbing sambit ko. Tinanguan lang ako ni Chendra bago sundin ang sinabi ko.

"S-stay with me love.. please. M-manatili ka..."

~

Matapos non ay nag agaw buhay pa siya ng ilang oras sa hospital sa sobrang daming dugo na nawala sa kanya.

Mabuti nalang nandoon si Chendra at magkapareho sila ng type ng dugo.

Ciana survived the poison but went into coma for three months. Si Riri? Demonyo nga ata ang babaeng ito at wala pang isang buwan ay bumalik din sa dating kalagayan.

Akala ko noon wala na, tapos na. Noong sandaling buhat ko ang duguan at halos wala nang buhay na katawan niya, muntik ko nang kwestyunin ang lahat. Muntik ko nang kuwestyunin ang Panginoon.

Pero mabait pa din Siya sa amin, sa akin. Kung may pangako man sa mundong ito ang matutupad at hindi mababali, iyon ay ang pangako namin ni Channary sa isa't isa.

Ang manatili, palagi.

---

A/N: Muntik na mamatay. Sayang. Epilouge next! Thank you!

-zyg

Continue Reading

You'll Also Like

826K 96.5K 41
"𝒚𝒐𝒖 𝒄𝒐𝒖𝒍𝒅 𝒃𝒓𝒆𝒂𝒌 𝒎𝒚 𝒉𝒆𝒂𝒓𝒕 𝒊𝒏 𝒕𝒘𝒐 𝒃𝒖𝒕 𝒘𝒉𝒆𝒏 𝒊𝒕 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒔, 𝒊𝒕 𝒃𝒆𝒂𝒕𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖" ...
121K 3.2K 39
In which, felix is struggling with choreography, and gets kicked out because hes not learning quick enough. Felix doesnt know a huge secret that the...
362K 11.9K 40
✔️ | What happens if you fall for a man after only a few dates? And what do you do when he disappears from your life after an amazing night of sex...
331K 12.3K 26
Vanilla, a lone werewolf with an unnaturally strong scent, belongs to the powerful vampire clan that rules the city. By day he can roam freely, work...