Napangiti ako dahil sa busog, tahimik akong kumain sa kitchen at wala na rin akong naabutang Sunny na umeepal sa araw ko
Umalis na naman daw si Hades, baka maglasing na naman yun. Weekend pa naman kaya chill na ako, wala rin naman akong damulag na babantayan
Napatingin ako sa selpon ko, naalala ko si Celia. Kamusta na kaya siya? Kinuha ako ang selpon at dinial ang number nya
Ilang beses pa itong nag-ring bago may sumagot. Nagtaka pa ako dahil iba ang boses nito, hindi siya si Celia. Ibang tao!
"Hello? Sino to?" sambit ko sa kabilang linya
"Hello, ako po si Roger Montero. Ako po ang nakapulot ng selpon ng biktima. Maaari ko bang malaman kung sino ito?" wika ni Roger sa kabilang linya
"K-Kaibigan ako ni Celine, ako si Corielyn. Maaari ko rin bang malaman kung bakit nasa iyo ang selpon ng kaibigan ko?"
"Ma'am, yung bata bang short hair na hanggang balikat na galing sa malaking mansion ng Ohio?" ani nito. Tumango ako pero mabuti nalang naalala kong tawag to kaya hindi nya ako makikitang tumango, "Opo" sagot ko
"Ma'am, biktima po siya ng kidnapping. Ngayon po ay nirerescue pa namin po siya. Armado po kasi ang kidnappers" wika nito. Dahil sa nabalitaan ko ay mabilis akong tumayo at pinatay ang tawag, kaya pala maraming dumadaan na pulis
Mabilis kong binuksan ang pintuan at dahil sa pagmamadali ko ay may nakabunggo tuloy ako. Hindi naman malakas ang impact pero napaatras kami pareho ng nakabangga ko
Napatingin ako sa nakabanggaan ko, si Sunny na masama ang tingin saakin
"Sunny" biglang nawala ang masamang tingin nya saakin dahil sa tono ng boses ko "si C-Celia" hindi nya pinatapos ang sinabi ko dahil kuhang kuha nya ang sasabihin ko dahil sa tono ng boses ko
Nabitawan nya ang hawak nyang plastik na walang laman, pareho kaming tumakbo sa front door at nag-uunahang lumabas
Naabutan namin si Manong Ronaldo na palabas ng gate na nakasakay sa van. Halata rin sa mukha nito ang pag-alala
Pumara kaagad si Sunny at mabilis na sumakay. Sumunod ako sa kanya, sinabi na rin ni Manong na pupuntahan nya ang lugar kung saan nakidnap si Celia
Sa malaki at lumang building daw, wala na ang nagtatrabaho dahil naiba daw ang lokasyon ng gagawan nilang building
Hinawakan ko ang kamay ni Sunny ng makitang nanginginig siya, malamig ang kamay nya. Halatang ninenyerbos ito, hinigpitan ko ang paghawak sa kanya.
Walang nagsalita saamin at seryoso lang na nakatingin sa daan. Malapit ng dumilim kayaas lalo akong kinakabahan.
30 mins pa ang oras na kailangan para makarating ka at malapit na kaming makarating. Alam ko dahil minsan ko na itong nakita.
Ng makarating kami ay maraming tao ang nagkukumpulan at may ambulansya at ilan pang mga pulis na nagkalat sa paligid.
Napadako ang tingin ko sa babaeng akay akay ni .... Charles?
Sunod nito si Hades na may mga pasa at dumi pa sa puti nitong t-shirt. Lalapit na sana kami ng pigilan kami ng isang pulis. Gusto kong lumapit kay Celia, gustong gusto ko.
Sinakay nila si Celia na akay ni Charles. Sinama rin nila si Charles at Hades. Nandito sila?
Napatingin ako kay Celia, bugbug sarado siya ng pasa. Naaawa ako sa kanya sa totoo lang. Niyakap ko si Sunny lara daluyan siya, umiiyak ito. Nadamay pa tuloy ako.
"Sunny, magiging okay ang lahat. Maniwala ka sa Diyos, hindi nya pababayaan si Celia" sambit ko habang pinapatahan siya
"Paano? Narinig ko ang mga pulis, isa siya sa mga babaeng ibebenta sa mga mayayamang lalaki. Nakidnap siya ng isang sindikato, ang bata nya pa para maranasan lahat ng to. Yung ibang babae na nakidnap ay nakatakas. Pano nalang kung walang pulis na dumating?" mahabang wika nito. Natahimik ako, bakit ba ganito ang mundo?
Pano nalang kaya si Celia kung walang pulis? Hindi ko kakayanin na mawalan ulit ng mga taong importante saakin. Si mama at papa, wag nyo naman pong isunod ang mga kaibigan ko
Napagpasyahan namin ni Manong Ronaldo na umuwi. Umuwi na rin naman yung mga taong nakichismis, tanging mga pulis nalang ang meron
Umiiyak pa rin si Sunny, ikaw ba naman na makita ang kaibigan mong walang malay at puno ng pasa
Gabi na kami nakarating, nagpasalamat muna ako kay Manong bago kami pumasok. Nakayuko si Sunny at mugto ang mata kaya halatang umiiyak siya
Busog ako dahil late akong kumain. Niyaya ko pa si Sunny na kumain pero wala siyang gana. Pinilit ko siya pero tinalikuran lang ako, hindi ko na siya pinilit
Nakasalubong ko si Sunshine na nasa harap ng pinto at nakatitig kay Sunny na ngayon ay nagtalukbong ng kumot
Hindi ko siya masisi na ganyan ang mararamdam nya. Kapatid niya si Sunny kaya malamang ay nag-aalala siya
Si Sunshine ay bale introvert while si Sunny ay extrovert. Halata naman kasi, tahimik lang si Sunshine at kabaliktaran naman nya si Sunny. Maligalig at tanga-tanga.
Pumasok na ako sa kwarto. Bukas nalang namin pupuntahan si Celia sa ospital. Dadalawin ko rin si Hades at Charles.
Bakit sila ang nandon?
Kailangan kong alamin, pero si Celia muna priority ko sa ngayon.