Serenades of Waves

By ninikolayt

13 0 0

How can we describe love? Young and Warm as Puppy love, Bright and Sweet as Casual Relationship, Fresh and Lo... More

DISCLAIMER!
CHAPTER ONE
CHAPTER THREE

CHAPTER TWO

0 0 0
By ninikolayt

Lunch break.

Papunta na akong mag–isa sa canteen. Magisa lang ako dahil pinaiwan ni Sir. Chase si Camila habang si Arturo Gabriel ay nagpaalam na may practice sila kaya sa cafeteria nalang kami magkita.

Matiwasay akong naglalakad ng muntik na akong matumba dahil sa malakas na paghila sa buhok ko.

“Mangaagaw ka talaga!” sigaw ng babae sa likuran ko na patuloy pa ring hinihila ang buhok.

“Ouch! Let go! Oh my hair!” sigaw ko pabalik habang hinahawakan ang anit ko.

“Malandi ka!”

Gosh! She will damage my hair!

Binitawan nito ang buhok ko at haharapin ko na sana s’ya pero muntin na akong matumba dahil sa malakas na sampal na tanggap ko.

Unti–unting umakyat ang init sa ulo ko at mabilis na sinugod ang babae. Mahigpit kong hinawakan ang buhok nito ng matumba ito sa sahig na agad ko namang pinatungan.

“Ah! Bitch!” I screamed everytime she pulls my hair.

Binitawan ko ang buhok nito at pinagsasampal sya. Napapabaling ang ulo nito sa kaliwa at kanan sa tuwing dadampi ang palad ko sa mukha nya. Kahit na nararamdaman ko na ang pagangat ng katawan ko sa babae ay patuloy ko pa ring inaabot ito.

Naramdaman ko ang pamamanhid ng anit at pisngi ko, ganoon dinang mga palad ko dahil sa pagsampal ko sa babaeng ‘to.

“Felice, please tama na,” napatigil naman ako ng ikulong ni Arturo Gabriel ang mga kamay ko sa malalaking braso nito. Kahit gusto kong kumawala para hablutin ulit ang babae ay hindi ko magawa.

Nanghihina ako sa mainit na katawan ng binata. Agad namang pumagitna si Camila at kinausap ang babae.

“What happened ba?” Camila asked the girl.

Even me, I don't know what's her problem.

“I didn't do anything! I swear!” I explained while looking at Arturo's eyes.

Baka anong isipin nya. I'm not really warfreak it's just I don't want people to step on me!

“I know, princess,” he said.

Maikling salita lang ‘yon pero sobrang laki ng epekto sa akin. Agad na kumalma ang puso ko at nakahinga ng maluwag.

“Malandi kasi ‘yang kaibigan mo Camila. Nakipagbreak ang boyfriend ko sa akin dahil sa kanya!” sigaw ng babaeng hindi ko na gustong kilalanin pa.

“Who’s your boyfriend ba?” I asked.

“Si Edward! Inagaw mo s’ya!” sigaw nito.

Edward? Wala akong kakilalang edward.

Lumingon naman ako kay Arturo Gabriel na nakatingin na sa akin. Tiningnan ko ito para sa ipakitang wala akong alam sa sinasabi n’ya.

“She doesn't know your Edward. And, boyfriend mo ang awayin mo hindi s’ya. It's not her fault na hindi faithful sa’yo ang boyfriend mo. She didn't do anything, maulit pa ‘to sa akin na kayo dadaan,” I just staring at him while talking to that girl with authority.

How his jaw move everytime he speak, his wet, soft, red lips, at ang adams apple nitong tumataas baba sa bawat pagbuka ng mga labi nya.

I just realized how handsome he really is. Noon hindi ko yon napapansin ‘coz I really don’t care about him, but now, for me he is the most handsome man in my eyes.

“Dani, may masakit ba sayo?” tanong ni Camila.

“Uh. Nothing, nothing,” I said trying to avoid Arturo Gabriel’s eyes.

“Sa clinic tayo. Tara,” hinawakan ni Camila ang kamay ko at mabilis akong dinala sa clinic.

Nilagyan ng bandaid ang kaliwang pisngi ko dahil nakalmot ako ng babaeng yon doon.

“Grabe! Isisi ba naman sa’yo ‘yon? Crazy girl,” komento nito habang sinusuklay ang buhok kong nagkagulo gulo dahil sa babaeng yon.

Sabay kaming napatingin ng may kumatok sa pintuan ang pagsilip ng ulo ni Arturo Gabriel.

“Lunch?” he said at inangat pa ang dalawang supot na hawak.

“Ow! Thank you, Art! You're so thoughtful talaga,” papuri ni Cams at binigyan ako ng mapangasar na tingin.

Naglapag ito ng styro box sa harapan ko at isang bote ng orange juice.

“Kain nang marami, princess,” hinila ko naman papalapit sa akin ang box na hindi pa rin sinasalubong ang tingin nya.

“Salamat,” halos pabulong kong sagot.

“Anything for you, princess,” siniko siko naman ako ng katabi ko na akala mo ay binudburan ng asin kung maglilikot.

“Patingin nga ako kung saan ka nasugatan,” napapisik naman ako ng hawakan nito ang baba ko. Pati s’ya ang nagulat dahil sa kinilos ko.

“Uh. Sorry, hindi ka ba komportableng hinahawakan kita dyan?” he asked.

Gusto kong hinahawakan nya ako pero hindi ko gusto ang nagiging epekto ng hawak nya sa akin. Is that even normal? I feel electric shock everytime he touch me.

Imbis na sagutin ay tahimik lang kaming kumakain, maya–maya ay nagpaalam na si Arturo Gabriel dahil may klase pa s’ya.

“Alis na ako, princess,” hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan ito gaya ng lagi nyang ginagawa.

Noon ay wala naman akong nararamdaman sa tuwing gagawin nya yon naiirita pa nga ako minsan, eh. Pero, ngayon, it's different. When his soft lips touch my skin, there's a electric something na nagmula sa parte ng hinalikan nya hanggang sa puso ko. Parang nauubos ang oxygen ko dahil sa ginawa nya.

Nang makaalis s’ya ay agad akong napatingin sa katabi kong may mapaglarong ngiti sa labi.

“What?” naiinis kong sagot.

Pinisil nito ang pisngi ko bago magsalita. “Namumula ka, oh! Yiee kinilig ka ‘no?”

Agad akong umiling iling pero sinundot sundot nito ang tagiliran ko kaya agad naman akong napasigaw.

“No! Stop! I don’t like him, okay!” imbis na itigil ay mas lalo lang nito kiniliti ang tagiliran at leeg ko.

“Kaya pala your face is so red! You look like a tomato when he kiss your hands!”

Itinigil na nito ang pangingiliti at tiningnan ako ng seryoso habang nakangiti.

“You fall for him kanina ‘no? He looks like a prince charming mo kaya! Ahhh... The way he protect you, the way he hugged you with his strong arms, omyyy,” she said habang nakapikit pa ang mata na parang nagiimagine ng kung anong fairytale.

Gusto ko man syang sawayin ay hindi ko magawa dahil tama sya. Even tho hindi nya pala alam ang buong nangyari ay inassure nya na agad na naniniwala sya sa akin.

Cliché but sometimes being a damsel in distress is the best especially if you have someone like Arturo Gabriel to save and protect you.

But, I'm not still sure if gusto ko na ba sya or ano. I'm new to this kind of feeling. I need to ask someone about this.

Hindi naman pwedeng kay Camila lang ako makinig she used to read a lot of romantic novels kaya hopeless romantic but never been into relationship pa.

Isang subject nalang ang napasukan namin ni Camila nang magdismissal na. Paglabas palang ay nakita ko na nakasandal na naman si Arturo Gabriel sa dingding habang nasa bulsa ng pants nito ang mga kamay.

“Tara na, princess,” aya nito at kinuha ang bag ko.

“May bagong nagbebenta dyan sa labas, masarap daw ang banana que nila. Tikman natin.” nakangiting saad nito habang nakatingin sa akin.

Ang mga mata nito ay puno ng paghanga at kumikislap pa ito sa tuwing ngingiti sya. Ngayon ko lang din napansin kung gaano kagenuine si Arturo Gabriel sa akin. Makikita ko yon sa mga mata nya na seryoso sya akin. Wala akong ibang nakikita sa mata nya kundi adorasyon sa tuwing magtatama ang mga mata namin.

“Madam, dalawang banana que po tapos isang softdrick at isang Zest–O Mango yong hindi malamig,” pinanood ko lang itong kinakausap si manang.

Even the smallest thing he knew. He knew I don't drink served water, I don't drink cold beverages, he knew that I prefer Zest–O than softdrink, and he knew that may favorite flavor is mango. He didn't ask me about that pero nalaman nya. 

Who wouldn't fall for someone like him? Now I realize everytime Camila told me that I'm blind and heartless for not having a feelings ko him for courting me for more than a month.

Inabot nito sa akin ang banana que at inalalayan paupo sa tabi ng fountain sa malapit na park sa school sa amin.

Kinagat ko ito at agad na kumalat ang tamis sa dila ko.

“Masarap?” tanong nito.

“Hmm–mmh” sagot ko habang puno ang bunganga ko ng saging.

Natatawa nitong kinuha ang panyo sa bulsa at pinunasan ang dulo ng ilong ko.

“Pati ilong mo kumakain,” natatawa nitong saad na syang nagpanguso sa akin.

Hawak ko ang magkabilang dulo ng banana que kaya inilapit nalang nya ang straw ng Zest–O sa bibig ko at agad ko namang ininom yon.

Mabilis nyang naubos ang kanya habang ako ay isa palang ang nauubos. May kung ano itong kinuha sa bag nya at paglabas noon ay isang kulay red na scrunchie ang pinakita nya sa akin.

“Galing sa babae mo?” tanong ko. Agad ako nitong pinanlakihan ng mata.

“Binili ko to para sayo! Favorite color mo yan, oh!” napatingin naman ako sa pulang scrunchie.

Kulay red nga ang favorite color ko.

“Paano mo nalaman?” tanong ko.

“Maniniwala ka ba kung sasabihin kong matagal na kitang inoobserbahan?” nakayuko nitong sagot.

“So, you're really a creepy stalker?”

“Hala! Grabe sya oh! Hindi ah!” napatawa naman ako sa paraan ng pagdepensa nito sa sarili nya.

“Junior palang tayo gusto nakita. Inabot pa akong ng dalawang taon bago magkaroon ng lakas ng loob na ligawan ka. Sabi ng mga kaibigan ko huling taon na namin to sa highschool kaya dapat sulitin na, who knows kung magkikita ulit tayo or magkakaroon pa ba ako ng pagkakataong maligawan ka kaya nagrisk ako kahit nakakatakot,” mahabang paliwanag nito.

Inangat nito ang tingin at agad na nakandado ang tingin nito sa mga mata ko.

“Sabi ko, I will take this as my last chance. I'll do anything, everything for you. I'm willing risk everything for you, Daniella Felice.”

Ang puso ko ay parang lalabas na sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang ano mang oras ay hihimatayin ako sa sobrang kaba na binibigay sa akin ng lalaking to. Tama ba ito? Baka may sakit lang ako. Normal ba to?

Unti–unting lumapit ang mukha nito sa akin habang hindi pinuputol ang tingin sa akin. Ang mga matang puno ng pagmamahal, pagkalinga, paghanga at kaligayahan.

“Ma’am Daniella,” agad akong napalingon sa likuran ko at nandon na pala ang driver ko. Mabilis kong kinuha ang bag ko at sa di malamang dahilan ay biglang ko na lamang hinalikan si Arturo Gabriel sa pisngi na hindi pa rin gumagalaw sa pwesto nito kanina.

Hindi na ako nagpaalam pa at agad na pumasok sa loob ng kotse.

“Ma’am kanina ko p—”

“Shut up!” I said at hinawakan ang ulo ko.

Gosh! What did you do, Dani?! Are you out of your mind? Why did you kiss him?! Why?!

Hinampas hampas ko pa ang noo ko sa inis.

Ano ‘yong feeling na ‘yon? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit nakukuryente ako sa hawak nya? Bakit kumikinang sya sa mata ko? Hindi naman sya ganoon noon?

Ganito yong laging sinasabi ni Camila sa tuwing nagkwekwento sya sa mga nababasa nya sa mga libro. Yong ganitong feeling...

Am I....inlove?

I’m inlove?!

“Uh. Ma'am...”

“I said shut up!” Ang kulit naman nito ni manong, eh!

“Ay ma'am andito na po tayo. Hinihintay ka po ng daddy nyo,”
saad nito.

Nilibot ko naman ang tingin ko at tama nga sya nasa bahay na kami bakit hindi ko manlang napansin? It's your fault Arturo Gabriel!

Lumabas na ako at sinalubong nga ako ni daddy. Agad ko naman itonh niyakap na sya ring sinuklian nya.

“What happened to you face, sweetheart?” he asked ng mapansin nya ang bandage sa kaliwang pisngi ko.

Nagpunta kami sa kusina at pinakita sa akin ang pasulubong nitong pagkain galing sa ibang bansa.

“So, tell me what happened to your face,” he asked again habang binibigyan ako ng slice ng cake sa plato ko.

“Just a crazy girl, who thinks I steal her boyfriend,”

Napatawa naman ito sa sinabi ko. May nakakatuwa ba?

Tiningnan ko ito dahil di ko naman kung saang parte ang nakakatawa.

“Ow. Sorry, I just can't help. My precious is too pretty. Tsk tsk. Pretty problems, huh?” he said na syang nagpatawa rin sa akin.

“Uh. Daddy?” I called him.

“Hmm?” natigil ang pagsubo nito sa cake.

“What that's mean when you feel uncomfortable for someone yet you want that someone to keep around you?” I asked.

“You mean, hindi ka komportable kapag kasama mo ang isang tao pero gusto mong nasa paligid mo pa rin sya?”

I slowly nodded.

“hmm. Well, if that's the case maybe because that feeling is not usual for you. That's why you feeling that way, at first you think it's a bad thing but later on when you get used to it. Hahanap hanapin mo ang ganong pakiramdam sa tuwing nandyan sya.”

“And it means?” I'm still confused.

“It means you're inlove, darling,” he said at mahina pang pinitik ang noo ko.

“I’m not inlove, daddy! I swear!”

“You don't need to shout. Falling in love is fine, you're already at the age of curiousity and that's fine, honey. Basta ba ay ipapakilala mo muna sa akin, I need to know if he's worthy of my daughter's attention and love,” nakangiti ito sa akin habang nagsasalita.

“Kung may nararamdaman ka man sa taong yan, ienjoy mo lang. Love is exciting just don't give everything baka maubos ka.” dagdag nito.

My father is really my safe place. I can tell everything to him without feeling that he's going to judge me. He always listen.

“I’m lucky that you are my father, daddy,” niyakap ko ito at syang sinuklian din nito ng mas mahigpit na yakap.

“No, I'm the one who's lucky for having a daughter like you, sweetheart. We're proud that me and your mom raise a two wonderful children.”

Nakangiti akong nakahiga sa kama at iniisip lahat ng sinabi ng tatay ko. If it’s meant to happen, it will happen.

Continue Reading

You'll Also Like

848K 22.5K 35
๐ˆ๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐Œ๐š๐Ÿ๐ข๐š, ๐ฆ๐š๐ซ๐ซ๐ข๐š๐ ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐œ๐จ๐ง๐ฏ๐ž๐ง๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ซ๐จ๐ฆ๐š๐ง๐œ๐ž โ‹†หšโœฟห–ยฐ ๐„๐‹๐’๐ˆ๐„ ๐ƒ๐€๐‘๐‹๐ˆ๐๐†๐“๐Ž๐. While trying to make the mo...
195K 7.6K 45
Valentina, a student at Heartfelt University, is assigned to the notoriously rude and cold Professor Montgomery. While the professor's harsh demeano...
986K 95.9K 63
3 lives got entangled due to the twisted Destiny...... Vidyut Rajvanshi married his college sweetheart Sanjana and was leading a happy life ......bot...
465K 24.8K 48
Warning โš ๏ธ Party แ€แ€…แ€บแ€แ€ฏแ€™แ€พ แ€†แ€ฑแ€ธแ€™แ€ญแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€œแ€ฐแ€แ€…แ€บแ€šแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€”แ€ฒแ€ทแ€กแ€ญแ€•แ€บแ€แ€ฒแ€ทแ€™แ€ญแ€แ€šแ€บแ‹ แ€กแ€ฒแ€œแ€ฐแ€€ แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€ทแ€กแ€œแ€ฏแ€•แ€บแ€›แ€พแ€„แ€บแ€–แ€ผแ€…แ€บแ€”แ€ฑแ€แ€šแ€บ แŠ แ€€แ€ถแ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€ธแ€แ€ฌแ€แ€…แ€บแ€แ€ฏแ€€ แ€žแ€ฐแ€€ แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€ทแ€€แ€ญแ€ฏ แ€™แ€™แ€พแ€แ€บแ€™แ€ญแ€–แ€ฐแ€ธ แ‹ ...