La Carlota 1: Reaching the Sun

By missgrainne

1.3M 80.3K 12K

Living at the top of the hill where everything seems away like the blazing sun in La Carlota, Terra Charlotta... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
1 ~ AZUCARERA
2 ~ TROUBLE
3 ~ INSPIRATION
4 ~ RESPECT
5 ~ SPONSOR
6 ~ KISS
7 ~ FRIEND
8 ~ PICTURE
9 ~ HOT
10 ~ COURT
11 ~ CHOOSE
13 ~ PROUD
14 ~ MISS INTRAMS
15 ~ CELEBRATION
16 ~ BOYFRIEND
17 ~ OFFERS
18 ~ GIRLFRIEND
19 ~ APARTMENT
20 ~ BABY
21 ~ INTIMACY
22 ~ CROWN
23 ~ LOVE
24 ~ SHOT
25 ~ MARRY
26 ~ TRIGGER
27 ~ GONE
28 ~ DREAM
29 ~ SUN
EPILOGUE

12 ~ OVERNIGHT

36.6K 2.4K 488
By missgrainne

CHAPTER TWELVE

NAPUNO ng tawanan at kwentuhan ang mahabang lamesa. They are having their dinner. Lahat sila ay nakaligo sa dagat. Everyone is having fun. Naipakilala na siya kanina kaya medyo nakikitawa na rin siya sa mga ito. Hindi na awkward.

She's sitting beside Grego. Ang mga mata ng mga kasama nila ay madalas na napupunta sa kanilang dalawa. Tapos ay tutuksuhin sila. Nangingiti siya at nahihiya rin. Ang katabi niya naman ay tatawa lang.

"Saan kayo pupunta, Trevor?" tanong ni Glenda sa lalaking tumayo.

"Maninigarilyo lang," sagot naman ni Trevor, sabay sumulyap kay Chantria. "Mabilis lang ako."

Pasimpleng siniko ni Yusef si Chantria at may ibinulong.

Wala siyang ideya kung ano ang mayroon sa dalawa pero kanina niya pa napapansin ang mga nakaw na tinginan.

"Pakitawag ang isang waiter, Trevor. Let's order something to drink," sabi ni Yusef bago umalis si Trevor at ang isa pang kasamang lalaki.

"Pwede ba kayong uminom?" natatawang tanong ni Glenda.

"Cocktails will do," Chantria said.

"Isang bucket na light beer lang sa amin. Uuwi pa kami."

Bahagya siyang lumapit kay Grego para bumulong. "I-inom ka rin ba?"

Nang ibaling nito ang tingin sa kanya ay inatras niya ang ulo bago pa magtama nang hindi inaasahan ang mga labi nila.

"Pwede ba?"

"Oo naman," kunot noo na agap niya. "Pero hindi ako iinom ng alak. Juice lang ang sa akin."

"Kaunti lang ang iinumin ko."

Marahan siyang tumango at ibinalik ang atensyon sa mga kasama na nakangisi sa kanilang dalawa ni Grego.

"Parang nilalanggam ako rito..." parinig no'ng isa na binuntutan ng tawa ng iba.

Uminit ang pisngi niya dahil alam niyang para sa kanilang dalawa 'yon.

"Juice lang ang kay Charlotta," Grego said that made his friends gave them a teasing look again.

"Bakit? Ayaw mo bang uminom ng alak si Charlotta? Kahit isang shot lang?"

"Bawal pa sa kanya. Saka na pag eighteen na."

"Naku! Ang higpit pala ni Grego. Hindi kami sanay!"

Nagtawanan ulit ang mga ito. Naninibago yata.

Wala pang alak na lumalapat sa bibig niya. Gusto niya rin sanang matikman o maranasan man lang pero alam niyang hindi pa pwede. Ayaw niyang abusuhin ang pagpayag sa kanya ng lola Salma niyang mag overnight.

Lumapit sa kanila ang waiter na kausap kaninang hapon ni Grego. May dalang tray, ball pen at maliit na papel.

"Hi, Silvano!" Yusef greeted cutely.

Maliit na ngiti ang ginawad ng lalaki. "O-order daw kayo ng alak?"

"Yes. One bucket of beer for them..." Yusef motioned Glenda's group. "Mine is Negroni. How 'bout you, Chantria?"

"One Pina colada, please."

"Virgin?" Silvano asked.

"I'm not a kid, Silvano. I'll go with alcohol."

"Alright..." he scribbled on his paper. Then looked at Grego after.

"Bloody mary," Grego muttered with a husk.

Nang ibaling naman sa kanya ni Silvano ang tingin. Umupo siya ng tuwid.

"Pineapple smoothies ang sa akin."

"With milk or water?"

"Milk."

"Anything else?" Silvano roamed his eyes on them.

"Anong oras matatapos ang trabaho mo, Vann?" tanong ni Dalary, kaklase nila Glenda.

"Patapos na rin ako. Ayusin ko lang 'tong order niyo."

Pumalakpak ang babae. "Sige. Punta ka rito ah?"

Tumango naman si Silvano. Natanto niya na nagtatrabaho ito tuwing gabi bilang waiter sa Playa Azure at sa umaga ay nag-aaral.

"How 'bout Solaris? Nandiyan ba?" Chantria inquired.

"Kausap pa yata ang mommy niya sa taas."

"Ang sabi niya kasi pupunta siya rito."

"Susunod na rin siguro, Chantria."

Umalis si Silvano pagkatapos para sa order nila.

Nagpatuloy ang kwentuhan sa lamesa. Bumalik na rin sila Trevor kasama ang isa pang lalaki. Tumabi ito malapit sa upuan ni Chantria.

"Paano nga pala 'yong Miss Intrams? Ayos na ba ang mga gagamitin mo, Charlotta?"

"Oo, ate Glenda. Naayos na nila Chantria at Yusef," sagot niya at ngumiti sa dalawa bilang pasasalamat.

"Balita ko isasama ang swimsuit competition?"

Nagkatinginan sila ni Grego sa hindi malaman na dahilan. She don't have idea that there is?

"I heard that, too. Pero hindi pa naman kino confirm ng organizers, Dalary." Chantria crossed her arms above her chest.

"But if ever, would you join that kind of competition, Charlotta? May dagdag points din kasi 'yon."

Grego shifted on his seat. "I don't think it's a good idea. They shouldn't include the swimsuit competition."

Tama naman din si Grego. Kung siya ang tatanungin, kung isali man 'yon, hindi siya sasali. Sapat na sa kanya ang pag rampa at pag sayaw.

"Pinag-uusapan pa naman, Grego. Besides, it would be too late to include that. Hindi na makakapag prepare ang mga kandidata para sa gano'n."

"Grego is right. They shouldn't include that swimsuit thing. Ang daming minors na manonood. I don't think it's right." Chantria agreed.

"They could do that for college students. They should've include Q&A this time so we could see who's really the epitome of beauty and brain," Yusef winked at her. He looked so confident that she can be both.

"Sa college students nga raw kukuha ng ibang judges, eh," imporma ni Glenda. "Baka isa si Alena sa kunin."

Alena is once crowned as Miss Intrams when she was a sophomore. No wonder if the organizers would choose her as one of the judge.

Narinig niya ang tila pagmamaktol ni Chantria. "Basta ba walang personalan."

"Hugot ba 'yan?" ani Dalary.

"No. Not really. But we all know what kind of person Alena is," itinikom na lang ni Chantria ang bibig bago pa makapagsabi nang hindi maganda.

Tinignan niya si Grego. Ex-girlfriend nito si Alena, di ba? Mahilig talaga sa magaganda at matatalino ang isang 'to.

Nag angat ito ng isang kilay. Kung defensive ba o nagtatanong, hindi niya mawari.

"Hindi nga sumama dito nang malaman na nandito si..." sabay baling sa kanya ni Dalary.

"Tss. Hindi naman siya kawalan 'no," malditang sinabi ni Yusef.

Silvano arrived with a tray of drinks. Isa-isa nitong inilapag 'yon sa lamesa.

"Thank you, Vann," malambing ang boses ni Dalary.

"Pre," Trevor jerked his head to Silvano telling him to join them.

Tumawa ang huli. "Oo. Pupunta nga ako. Magbibihis lang."

"Baka naman hinihintay mo pa 'yung crush mo..." pang aasar ni Trevor.

Napatingin tuloy ang lahat kay Silvano na ngayon ay nagbabanta na ang tingin sa kaibigan na nang asar.

"Nakakalasing ba 'yan?" maang na tanong niya sa kulay pula na inumin ni Grego.

"Hindi naman. This is just a cocktail."

"Pero may alcohol parin?"

"Yes."

"Isa lang ang iinumin mo?"

Napangiti ito sa tanong niya. "Isa lang. I don't get drunk."

"Okay. Isang lang din ang akin."

"You can order more if you want," kinuha nito ang menu sa lamesa at ibinigay sa kanya. "Baka may gusto ka pang kainin. How 'bout dessert?"

"Titignan ko muna."

Nagpaka-abala si Charlotta sa pagtingin sa menu. Ang mga kasama niya naman ay abala na rin sa kwentuhan na kung saan-saan na napunta.

Kinalabit niya si Grego nang makapili. Bumaling ito sa kanya galing sa pakikipag-usap kay Trevor.

"What is it?" his eyes were on the menu and his ears were on her.

"Gusto ko 'to..." itinuro niya ang litrato ng dessert. "Pecan pie."

Sinabi ni Grego 'yon kay Silvano. Dadalhin na lang pagbalik nito.

"Medyo... mahal..." bulong niya sa tenga ni Grego.

Napansin niya ang panliliit ng mga mata nito at ang pag nguso.

"Wag mo ng alalahanin. Ako ang bahala," pabalik na bulong din nito sa tenga niya at dahil medyo nakiliti sa pagdampi ng mainit na hininga, bahagyang tumiklop ang balikat niya.

Trevor whistled playfully as he watched them. Sa tabi nito ay ang tahimik na si Chantria.

Bumalik si Charlotta sa maayos na pagkaka-upo at medyo nahiya.

Grego then put his arm at the back of her chair. Kung titignan ay para itong naka-akbay sa kanya. Gamit ang malayang kamay ay sumimsim ito sa cocktail. Maingat din na ibinaba ang baso sa lamesa pagkatapos.

Niyakap ni Charlotta ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Kasabay no'n ay ang tunog ng alon hindi kalayuan. Spaghetti strap na kulay itim ang suot niya at ang pang ibaba ay hapit na maong na hanggang sa taas ng tuhod niya.

"Malamig?" tanong ni Grego nang mapansin ang ginawa niya.

"Hindi naman masyado. Kapag humahangin lang." Kaya lang ay panay ang ihip ng hangin.

Tumayo ito at hindi niya na natanong dahil pumasok sa loob. Maya-maya lang ay naramdaman niya na ang tela na pumatong sa balikat niya mula sa likod. Pagtingin niya ay jacket ni Grego ang nakita.

"Grabe! Hindi pa sila pero parang sila na!" halos manginig si Yusef. "Kailangan ko rin yata ng jacket!"

Grego chuckled as he went back to his chair.

"Ikaw, Chantria? Anong kailangan mo?"

"Kayakap," sabay bumungisngis.

"Yakap lang ba?" Trevor moved his chair closer. "Come..." then he spread his arms to embrace Chantria.

Daig pa ni Yusef ang bulateng binudburan ng asin. Naglikot ito sa inuupuan at tinakpan ang mukha gamit ang mga palad. Nagtawanan naman ang mga kasama nila at pati siya ay nakitawa na rin.

"Boyfriend ba ni Chantria si Trevor?" mahinang tanong niya sa katabi.

"I don't know."

"Mukha silang mag boyfriend at girlfriend."

Grego sipped on his cocktail again. His arm remained at the back of her chair.

"Hello! Is everything okay here?" a familiar face of a pretty girl came.

"We are fine, Solaris!" Chantria smiled.

"I'm glad to know that. Natagalan ako. Nandiyan kasi si mommy."

Solaris french braided hair emphasized her heart-shape face. Maganda rin ito ngumiti dahil may dimple sa kaliwang pisngi. Maaliwalas ang awra na halatang hindi nahihirapan sa buhay.

"Kuya Grego," lumapit ito sa katabi niya at bumeso. "I haven't see you for awhile. Busy?"

"Yes. By the way, Charlotta, this is Solaris, my cousin..." Grego said.

Tumayo siya at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Solaris.

"It's nice to meet you personally, Charlotta. I heard about you."

Natatandaan niya na si Solaris kaya pala pamilyar. Grade 9 na ito at nanalo na ng Miss Intrams noong nakaraang taon.

"Are you gonna join Miss Intrams, right?"

"Yes. Ikaw ba?"

Solaris smiled then shook her head. "Hindi na. I will be one of the judges."

"That's good then. At least, the organizers knew how to choose the right judge." Yusef muttered with a shrug.

"Hindi rin kasi ako pwede, Yusef. We will perform drum and lyre that day. I'm kinda busy."

Dumating si Silvano na dala ang pecan pie niya. Nakapagpalit na ito ng damit.

"Salamat."

Tipid lang itong ngumiti sa kanya. Humugot ito ng isang upuan sa tapat nila para kay Solaris. Nang nakaupo ang babae ay ito naman ang naghanap nang pwedeng upuan.

"Here! Vann," tawag ni Dalary at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi.

Naglakad naman papunta ro'n si Silvano. Pagbalik ni Charlotta ng tingin kay Solaris, naabutan niya ang pag irap nito sa hangin.

"Picture naman tayo!" aya ni Dalary at hinanda na ang cellphone nito.

It's a group picture. Ngumiti siya at wala sa sarili na inilapag ang isang kamay sa hita ni Grego.

"Can I post this on social media? Wala bang magagalit? Lahat naman yata kayo ay nagpaalam?"

"Right. Hide the alcohol, Dalary. Baka makita ng tatay ko at bigla akong ipasundo rito," sabi ni Yusef.

"Sure!"

"Siya nga pala, Yusef, baka pwedeng patulong kapag nag apply ng scholarship si Gavin sa city hall?" si Glenda.

Scholarship? Kailangan niya rin 'yon. Charlotta became interested with the topic. Pinipigil lang ang sarili na magtanong.

"I don't know exactly what to do, Glenda. Ibibigay ko nalang sayo ang contact number ng staff sa city hall na naghahandle ng mga iskolar."

"Okay. Thanks."

"Interesado rin ako, Yusef," sabat niya.

"Oh dear, of course you can apply, too. Ganito..." umayos ito ng upo. "Wala kang cellphone, di ba?"

"Wala, e."

"Ibibigay ko nalang sa boyfriend mo ang contact number ng staff. Okay lang ba sayo, Grego?"

"Yes. No problem."

Gusto niya sanang itama ang sinabi ni Yusef tungkol sa boyfriend niya na raw si Grego, pero nawalan siya nang pagkakataon na gawin 'yon.

Humugot na lang siya ng hangin sa dibdib. Tapos ay tuluyan nang isinuot sa kanya ang jacket na nakapatong lang kanina sa balikat.

Grego leaned closer. "Do you wanna go to sleep?"

Medyo inaantok na rin naman siya. "Anong oras na ba?"

Kinuha nito ang cellphone sa bulsa. Nang lumiwanag ang screen ay nakita niya kung sino ang nasa wallpaper nito. Umawang ang bibig niya.

His wallpaper is her photo wearing his football jersey!

"Quarter to eleven..." he told her and the screen went black again.

Nakataas ang kilay na ibinalik niya ang tingin sa kay Grego. Kahit dim light lang ang liwanag, napansin niya ang bahagyang pamumungay ng mga mata nito. Marahil ay dahil sa iniinom.

"Ako ang wallpaper mo?" ang boses niya ay halos tangayin ng sipol ng hangin.

He smirked. "Is there a problem with that?"

Ngmuso siya at umiling. Ramdam niya ang pag-iiba ng tibok ng puso. Mabagal, mabigat, tapos ay bibilis. She couldn't control her own heart anymore.

"I'm sleepy," Chantria yawned.

"Kung matutulog ka na, uuwi na ako," ani Trevor sa medyo lasing na tono.

"Sabay-sabay na tayo. Tapusin lang natin 'to..." turo ni Dalary sa dalawang bote na hindi parin nabubuksan.

"I will go to sleep in a bit, too," Solaris said, then her sleepy eyes darted at Silvano.

Tahimik lang si Silvano at halos hindi nabawasan ang bote ng beer na ibinigay kanina ni Dalary.

"Sasabay na rin ako sa inyo," anito.

Naunang tumayo si Chantria. Ayaw pa bitawan ni Trevor ang kamay nito pero wala rin nagawa nang panglakihan ng mga mata ng babae. Nag beso ito sa kanila bago pumasok sa loob.

Trevor let out a long sigh. Inisang tungga ang alak at tumayo na. Tanda na aalis na rin. Gano'n din si Silvano.

"Good night, everyone!" Yusef yawned and stretched his arms.

Glenda and Dalary got their bags. Si Solaris naman ay ngumiti sa kanya bilang paalam na aalis na rin. Tumayo na sila ni Grego para ihatid ang mga kaibigan.

"Okay lang, pre. Kami na ang bahala," Trevor said to Grego.

"Ingat kayo," si Grego.

"Ano ang sasakyan nila?"

"May motorsiklo 'yan si Trevor at Silvano. Sa kanila aangkas 'yong dalawa..." tukoy nito kay Dalary at Glenda.

"Good night, Kuya Grego and Charlotta!" Solaris waved at them.

Nauna ang tatlo sa paglalakad. Nagkasabay naman si Solaris at Silvano.

"Sino ang a-angkas sayo?" tanong ni Solaris.

"Si Dalary-"

Umismid ang babae at humalukipkip habang naglalakad. Hindi niya na narinig pa ang usapan dahil lumayo na sa kanila.

She felt Grego's hand at the small of her back.

"Mauna ka na sa loob," he whispered above her head.

"Paano ka?"

"I will stay here for awhile. Magpapahangin lang."

Dahil inaantok na, tumango nalang si Charlotta.

"Tabi ka na lang sa 'kin, ha? Baka tulog na ako pagpasok mo."

Grego sighed. "Okay. Goodnight, then."

"Goodnight... Grego..." her voice softened.

Matagal silang nagkatitigan. In the end, he let out another breath before he leaned forward and kissed the side of her head.

"Pasok ka na..."

Nagkibit siya ng balikat at pumasok na. Naabutan niyang katatapos lang maligo ni Chantria. Nagbo blow dry ito ng buhok sa harap ng salamin. Wala si Yusef, siguradong nasa shower room.

"Where's Grego?"

"Nasa labas pa. Magpapahangin lang daw muna."

"I am not sure if he's going to sleep here though."

Nahinto siya sa pagkuha ng damit pangtulog niya at tinignan si Chantria sa repleksyon ng salamin. Silk ang terno na pajama ang suot nito.

"Sabi niya dito siya matutulog."

Tumango lang ito at ngumiti sa kanya. Lumabas naman si Yusef ilan pang sandali at siya naman ang gumamit ng shower room.

Kung hindi matutulog sa tabi niya si Grego, ibig sabihin, talagang kukuha pa ito ng hotel room?

When Charlotta went out, si Yusef nalang ang naabutan niyang nakahiga sa kama. Tulog na.

Kumunot ang noo niya at naglakad papunta sa labas para i-check kung naroon din ba si Chantria.

"Bakit mo ginagawa ang ganyan? Magagalit sayo ang daddy mo," boses 'yon ni Grego.

Nakatalikod ang mga ito sa kanya. Parehong nakapatong ang mga siko sa barandilya. Nakaharap sa madilim na dagat.

"I had no choice. I need Trevor."

Umiling-iling si Grego. Dismayado sa pinag-uusapan.

"Matutulog na ako," nang sinabi 'yon ni Chantria ay agad na bumalik siya sa kama at humiga.

Mali ang makinig sa usapan ng dalawa. Wala rin siyang ideya kung tungkol saan. Alam niyang magkaibigan ang mga ito. Pero... parang... naiinis siya.

"Good night, Charlotta..." Chantria said with a smile.

Ngumiti siya rito. Nagsisi bigla kung bakit nakaramdam ng inis kanina.

"Good night and sweet dreams, Chantria."

After a few more minutes, Grego went inside. He closed the door.

"Still awake?"

"Matutulog palang sana."

Ang mga mata nito ay dumapo sa kama nina Chantria at Yusef. Parehong natutulog na ang dalawa.

"I will just take a shower."

"Okay..."

Ipinikit ni Charlotta ang mga mata. Dahil sa pagod maghapon, mabilis siyang dinalaw ng antok. Ang nagpagising sa kanya kinabukasan ay ang boses sa labas.

Pupungas-pungas pa siya. Tumagilid siya ng higa at nakita na wala naman siyang katabi. Napabangon siya bigla. Baka iniwan na siya ni Grego? Baka nagpunta na sa azucarera?

Mabilis siyang lumabas upang makasigurado.

"Ano ba 'yan! Ang unfair ha! Bakit ang ganda mo parin Charlotta kahit bagong gising?" iyon ang bungad ni Yusef.

Nagkakape na ang mga ito. Nakahain na rin ang masarap na almusal sa lamesa.

"Good morning, pretty..." Chantria waved cutely at her.

Inayos niya ang buhaghag na buhok nang magtama ang mga mata nila ni Grego. Naka-angat ang sulok ng labi nito.

"Akala ko iniwan mo ako..." namamaos ang boses na sabi niya kay Grego.

His eyebrows furrowed as he sipped on his coffee. "Bakit ko naman 'yon gagawin?"

"W-Wala ka kasi sa... tabi... ko..."

Umaliwalas ang mukha nito. Umangat ang kilay. Napansin niya na nakaligo na ulit ito at nakabihis na rin. He licked his lips after another sip.

"You were sleeping beautifully, I don't wanna disturb you with my stares."

Impit na tili ng dalawa ang mas lalong nagpainit ng pisngi niya. Ang aga-aga!

Eksaheradang pinaypayan ni Yusef ang sarili gamit ang kamay at namimilantik na mga daliri.

"Oh my! I am really rooting with you guys! Please! Wag niyo akong bibiguin sa huli!"

She's trying so hard to avoid Grego's eyes. Nakikita niya talaga ang titig nito sa kanya at ang itinatagong ngiti sa labi.

"Good morning, beautiful..." he greeted her with smirk.

Chantria and Yusef shrieked. Nagtulakan pa ang dalawa at nagtawanan.

"Morning..."

"Wala bang morning kiss si Grego?" tukso ni Yusef.

Charlotta blushed. She shook her head. "Hindi pa naman kami."

"Pero kapag sinagot mo na siya, pwede na ang kiss?"

She couldn't answer that! And kiss? Handa na ba siya sa gano'n? Kailangan ba kapag naging boyfriend niya na si Grego, magki-kiss sila?

Nang tumunog ang upuan hudyat na tumayo si Grego. Narinig niya agad ang kalabog ng dibdib lalo at naglakad ito palapit sa kanya.

When he held her waist, she gasped a bit. He's towering her. He always smells so good.

"How's your sleep?" he asked then planted a gentle kiss at the top of her head.

"N-Nakatulog ako ng mahimbing. Hindi na kita nahintay kagabi."

"Yes. You were sleeping already."

Nag angat siya ng tingin dito. Sobrang lapit ng distansya nila. Kulang na lang ay marinig nito ang malakas na tibok ng puso niya.

"Tumabi ka ba sa akin?"

A lazy smile formed his lips. "Uh-huh."

Continue Reading

You'll Also Like

21.8K 721 16
Baka Sakaling Tayo (Book 1) -- Simula: Disyember 2, 2022 Wakas: Nobyembre 5, 2023
Unkiss Me By Cher

General Fiction

7.8M 192K 37
Casiel Antonniette Consunji had a perfect life. She had a job - that she loves, a perfect family, an expensive car - she had everything life has to o...
2.3M 98.4K 50
Betrayed and threatened by her friends and boyfriend, Avery Javier flees to her Ninong Tony's ranch in Batangas to heal. She doesn't expect to end up...
Tamara Tatiana By Cher

General Fiction

1.5M 44.5K 15
Ten years in the making ang relationship ni Tamara Tatiana Calimbao at Ildefonso San Ildefonso. Masaya silang dalawa sa maliit na mundo kung saan nil...