El Grande Series 2: Theodore...

By AmorevolousEncres

1M 31.9K 7.5K

《C O M P L E T E D》 [BxB | R18 | Mpreg] El Grande Series 2nd installment. WARNING: Contains strong language a... More

THEODORE GRANVILLE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
EPILOGUE

CHAPTER 4

25.6K 943 299
By AmorevolousEncres

Chapter 4


Laurenz Pov

Sa kabila ng mga mata na naani ko mula sa mga kasamahan ko na nagtatrabaho ngayon ay lumingon ako at tumingin doon sa direksyon ni Senyorito Theo. Nakatitig lang siya sa akin at parang hinihintay ang gagawin ko.

Sa mga oras na 'to alam kong nangangati na itong si Sonya ngayon. Nangangati na itong gisahin ako ng tanong. Isigaw ba naman ni Senyorito ang pangalan ko, siguro ay mas okay kung pangalan ko lang p-pero sinamahan niya pa sa tawag niya sa akin, e. Kaso kahit naman siguro na pangalan ko lang ay magtataka talaga itong kaibigan ko mas lalo na siguro ang mga tao dito ngayon. Sino ba naman ako?

Isang hininga na hinugot ko pa mula sa kailaliman ng dibdib ko ang pinakawalan ko bago nakapagdesisyon na humakbang tungo sa kinaroroonan nina Aleng Senya.

"P-po?"

Nautal pa ako sa lakas ng kabog ng puso ko. Ito na yata. Sisisantehin na yata ako nito dahil sa kawalang-hiyaan na ginawa ko kanina.

"Kilala mo itong si Ren, Senyorito?"

Nakita ko ang pantay at mapuputing ngipin ni Senyorito ng ngumiti ito kay Aleng Senya.

"Yes, and you can now leave, Aleng Senya."

Nagtataka man ay umalis si Aleng Senya. Gusto ko tuloy kumapit sa palda ni Aleng Senya at magmakaawa dito na huwag akong iwan mag-isa dito kay Senyorito at sa kasama niyang bisita.

Narinig ko ang pagdisma ni Aleng Senya sa mga trabahante sa likod ko.

"A-ano pong kailangan n-ninyo?" tanong ko kay Senyorito Theo.

Saglit niyang tiningnan ang kasama kaya naman napatingin ako dito.

Nanlaki ang mata ko nang matagpuan ang lalaki na nakatitig sa akin at nagtatagpo ang kilay. Mas lalong naningkit ang mata niyang singkit.

"Nakapili na ang pinsan ko ng kwarto na tutuluyan habang nandidito siya. At wala pang linis iyon kaya gusto ko na linisin mo iyon saglit."

Napatango ako doon at medyo nakahinga ng maluwag. Akala ko tatanggalin na ako nito sa trabaho, e. Mamaya hihingi ako ng dispetsa dito kapag wala na ang pinsan niya.

Ngayon na natitigan ko na ang pinsan ni Senyorito ay ngayon ko lang napagtanto na minsan ko na palang nakita ang mukha niya sa TV.

"Hi, I'm Aziel." pakilala ng pinsan ni Senyorito Theo sa akin. Nilahad pa nito ang kamay sa akin kaya naman nagdadalawang isip ako na tanggapin iyon kasi ang kinis, e.

Nang makapagdesisyon akong tanggapin ang kamay ni Sir Aziel na pinsan ni Senyorito Theo ay saka naman nagsalita ulit si Theo ay Senyorito pala, kaya naman di na ako nakapagkamay dito dahil binawi na ni Aziel ang kamay at nilagay iyon sa kanyang bulsa.

Nakaka kapos pala sa hininga kapag dalawang malalaki— matatangkad at magagandang lalaki ang nasa harapan mo. Halos di na ako humihinga sa unahan nila, e. Ang babango, ang gaganda magsalita, at parang ang mahal ng mga ngisi nila. Parang bawal pangarapin.

"Let's go."

Nauna na sila Senyorito at si Aziel habang ako naman ay parang pusang nakasunod lang sa kanila.

Umaakyat kami ng hagdanan at parang kasalanan na nakasunod ako sa mga lalaking ito. Parang kasalanan na naka-apak ako kung saan sila ngayon.

Luminga ako sa paligid at nang may makita akong ibang mga trabahante na naglilinis ay napatalon ako nang konti dahil sa mga tingin na tinatapon nila sa akin. Kung makatingin sila sa akin ay parang may nagawa akong kasalanan sa kanila. Di ko naman sila inaano, ah.

Iniling ko nalang ang ulo ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"You are unbelievable, Theo. You just came here the other day, but you already found someone, huh. I think Tito and Tita made a mistake in dumping you here." Rinig kong wika noong Aziel kay Senyorito na kinatawa lang nito.

Tamad ang dalawa na binabaybay ang pasilyo nitong ikalawang palapag.

"What the fùck you talking about, Aziel?"

"Tsk! Your beautiful baby girl."

Uminit ang dulo ng tainga ko nang marinig ko iyon. Mukhang ako ang pinag-uusapan nila.

"Asshòlè! He's not my baby girl."

"He?" Napatigil sila sa paglalakad kaya napatigil din ako.

Yumuko kaagad ako. Ayaw kong makita nila na nakatingin ako sa kanilang mga malalapad na likuran. Parang ang sarap nga noong hawakan, e.

Nakurot ko ang kamay ko dahil sa kapangahasang naisip.

"Yeah." pagod na saad ni Senyorito.

Wala sana akong balak na itaas pa ang nakayuko kong ulo nang maramdaman ko ang titig nilang dalawa.

"P-po?"

Kumurap-kurap si Sir Aziel.

"Dàmmit! You're a boy?"

"A-ako po? Oo po."

Natatawang napailing si Sir Aziel.

"Shit! I really thought you were a girl. What a pretty face."

Napanguso ako doon at mas lalo ko yatang naramdaman ang dugong umakyat sa pisngi ko.

"Laurenz, right?" Muli kong inangat ang ulo ko sa kanila at tumango kay sir Aziel. Nahagip naman ng mata ko ang paggusot ng mukha ni Senyorito Theo habang nakikinig sa amin. Mukhang naiirita siya. Mukhang ayaw niya talaga sa presensya ko?

"I'm sorry if I offended you in any way. Okay? I didn't mean it. It's just that you really look more like a girl than a boy."

Napapak ko ang labi ko.

"O-okay lang po."

"Let's just fùcking go. Diba gusto mo pang maligo sa ilog na sinabi ko sayo, Aziel?" Iritadong saad na ni Senyorito.

"Yeah, yeah. Chill di ko aagawin ang laruan mo."

"Tsk! Tigilan mo ako Fabre. Hiniwalayan ka lang ni Kezi, e."

"Hahaha!" tawa lang ni Aziel.

Ako na walang kaalam-alam sa kanilang pinag-uusapan ay nakatango lang sa kanila.

Matapos nila akong iwan sa kwarto kung saan tutuloy si Sir Aziel dito sa mansyon ng mga Granville ay umalis naman kaagad sila. Narinig ko na maliligo raw sila sa ilog. Hindi ko naman alam kung aling ilong kasi marami noon dito sa aming probinsya.

Naglinis akong matiwasay doon sa kwarto ni sir Aziel at nang matapos ako ay lumipat ako sa iba pang kwarto. At nang sumapit ang alas singko ay pina-uwi na kami. Marami kaming nagsilabasan sa mansyon at ang iba ay abala pa rin sa kanilang susuotin sa Sabado. Ako naman ay wala iyon sa isip dahil wala akong plano na dumalo.

Habang nag-aabang kami ng tricycle sa labas ng mansyon ay napatalon ako nang may biglang sumundot sa tagiliran ko. Nilingon ko iyon ay nakita ko si Sonya na nakataas ang isang kilay at naka-krus pa ang braso sa kanyang harap.

"Nasaan a-ang mama mo Sonya?" Inunahan ko na ito sa pagsasalita.

Tumabi siya sa akin at ganoon pa rin ang mukha.

"Alam kong maganda ka Ren pero papaano mo nabingwit si Senyorito Theo?"

Umawang ang bibig ko doon.

"A-anong nabingwit Sonya?"

Baka kung ano na ang isipin ng nakarinig sa kanya.

"Kilala ka ni Senyorito?"

Napa-irap ako doon.

"H-hindi ito kagaya ng inisiip mo, okay? Mahabang kwento Sonya."

"Handa akong makinig sa mahabang kwento na iyan Ren."

Napabuntong hininga ako. Tumingin ako sa paligid at nakita ko naman na kami lang dalawa dito sa labas.

"Kwento na dali. Nag-uusap pa sila mama at Aleng Senya para sa gagawin natin bukas." atat nitong wika.

Wala naman akong iba pang pagpipilian at magkwento dito kay Sonya. Saka wala naman sigurong masama kung iku-kwento ko iyong pagligtas sa akin ni Senyorito Theo. Niligtas lamang ako nito mula doon sa mga masasamang tambay doon sa kanto.

Hindi ko lang talaga inaakala na ang lalaking nagligtas sa akin ay isang Granville pala. Lumaki ako dito sa San Concepcion kaya naman kilala at alam ko na ang pangalan na Granville kaso di naman ako nagka-interes doon, maski pag-alam lang sa mga mukha ng mga ito ay di ako nakuryoso. Kaya hindi ko talaga sila kilala. Basta ang alam ko lang isa ang Granville sa mga kilalang pamilya dito sa San Concepcion. Maliban sa Granville kilala rin ang pangalan na Conception na siyang namuno noon dito sa aming probinsiya at isa sa matatandang mayaman dito, ang mga Escario, Monzallon, at marami pa.

"Ayiie! Night in shining dress shirt mo pala itong si Senyorito, Ren?"

"Tumigil ka nga dya-an, Sonya." suway ko dito at pinamulahan sa mukha.

"Susss! Aminin kinilig ka!" tukso pa nito sa akin.

Nalukot ko ang ilong ko. "S-sino ba ang hindi?"

"Sabagay nga naman."

"Pero... nakakakahiya Sonya. Pinabara ko kasi si Senyorito Theo kanina. A-akala ko kasi... bisita lang siya dito."

Tinawanan ako ni Sonya.

"Haha! D'yan tayo sasabit. Tatanga-tanga rin kasi tayo minsan, 'no? Ren."

Sinamangutan ko nalang ang kaibigan ko.

"Kinakabahan nga ako dahil baka sisantehin ako si Senyorito Theo."

"Hindi 'yan. Mukha mang masama si Senyorito pero hindi niya naman siguro di-dibdibin iyong pagkakamali mo na hindi mo siya kilala. Ang feeling lang niya kapag magtatanim siya ng galit sayo. Ikaka-pangit iyon ng image niya sa isip ko."

Kahit kailan talaga ay magaling itong si Sonya magpagaan ng loob ko.

Mayamaya ay dumating na si Aleng Salem at agad naman kaming nakasakay ng tricycle. Nakatipid ako sa hapunan kinagabihan dahil inimbita ako nila ni Sonya sa kanila dahil kaarawan ng kuya Sandro niya. Si Kuya Sandro ay nagtatrabaho syudad at malimit lang umuwi dito sa bukid. Wala na ang papa nila dahil namatay ito sa atake sa puso noong nakaraang taon. Nabigla rin ang pamilya nila doon kaya nga si Kuya Sandro ay natigil sa pag-aaral at nagtrabaho nalang din para makatulong kina Sonya.

"Happy birthday po Kuya Sandro," bati ko dito. "Sorry po wala akong regalo sa inyo."

Ginulo nito ang buhok ko.

"Ayos lang, para ka namang iba sa pamilya namin."

"Hindi ka talaga iba Ren dahil magiging parte ka rin ng pamilya namin." Singit naman ni Sonya na kinalito ng isip ko.

"Hoy, ikaw Sonny tumigil ka d'yan kung ayaw mong itapon ko sa sapa 'yang mga make-up mo."

"Hala si Kuya 'ma, oh. Pinag-iinitan na naman ang mga make-up ko!"

"Tumigil na kayo pareho, ang lalaki n'yo na pero kung magbangayan ay parang mga elementary. Sige na. Halina't kumain na tayo."

Sabay na kami ni kuya Sandro na pumunta sa kanilang kusina. Tumulong ako kay Sonya at Aleng Salem kanina sa pagluluto. Simple lang naman ang handaan, e. Pancit bihon, adobo na manok, may biko, inihaw na isda, at halang-halang na paborito ni Kuya Sandro.

"Ito Ren," pagbigay sa akin ni Kuya Sandro ng plato, kutsara, at tinidor.

"Ayiie! Asikasong-asiko ang iniirog!"

Umamba si Kuya Sandro na ihampas kay Sonya ang platong hawak bago umupo.

Hindi ko rin sila maintindihan.

"Kuha ka Ren,"

Tinanguan ko si Kuya Sandro nang ilapit niya sa akin ang mangkok na may lamang manok.

"Salamat kuya, pero kumakain ka na rin."

Hindi ko batid kung bakit parang sinilihan itong si Sonya sa kanyang kina-u-upuan. Palihim naman itong nasuway ni Aleng Salem.

Matapos ang hapunan ay tumulong ako sa kanila sa pagliligpit sa kusina nila kahit na pinipigilan ako nina Aleng Salem at Kuya Sandro.

"Ren wala ka bang napapansin sa kuya ko?" si Sonya habang nakahiga na kami. Sinamahan ako ni Sonya dito sa bahay matulog. Mukhang nakagawian na nga niya ito, e.

Naglatag lang ako ng banig sa sahig at binigyan siya ng unan ay kumot. Maliit kasi ang katre ko.

"Wala naman."

"Hay."

"Bakit?"

"Wala naman. Ang torpe."

"Huh?"

"Wala, kako matulog na tayo dahil ibang pagbabakan sa linisin na naman ang haharapin natin bukas."

Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Sonya. Maaga kaming pumunta sa mansyon ng mga Granville kumpara kahapon. Alas otso palang nang umaga ay nandidito na kami. Ako ay tinuloy ko nalang ang gawain ko dito sa taas na naiwan ko kahapon. Si Sonya na tapos na ay nadun na sa bakuran at nagdadamo.

Pagkatapos ko sa taas ay bumaba na ako para tumulong na naman sa pagdadamo kaso nang makita ako ni Aleng Senya ay tinawag ako nito.

"Ren, ineng halika ka muna."

Lakad-takbo ang ginawa ko upang makalapit kay Aleng Senya. Nagpunas ako sa pawis ko sa noo nang malapit ako.

"Ako po?" turo ko sa sarili.

Natampal ng mahina ni Aleng Senya ang balikat ko. "Aysus, ikaw lang naman ang naiwan dito sa loob. Saka may ibang Ren ba dito?"

"Lalaki po ako." katwiran ko dito.

"Oo, alam ko. Pero mukha ka kasing babae kaya 'yon na tinawag ko sayo."

Napanguso nalang ako.

"Oh siya, dun ka muna sa pool maglinis. Mauna ka na doon dahil masyado nang marami ang naglilinis sa bakuran. Alam mo naman kung nasaan ang pool dito, diba?"

Tumango ako. Sa silangang bahagi nitong mansyon matatagpuan ang malaking pool na siyang nakaharap naman sa malapad nitong lupain.

"Ako lang po ba ang maglilinis sa pool?"

"Hindi magpapadala rin ako ng tutulong sayo doon para madaling matapos dahil bukas ay baka marami nang dumating na bisita at gustong maligo sa pool."

Sumunod muna ako kay Aleng Senya sa pagkuha ng mga gamit panlinis doon sa pool. Malawak ang pool at nahahati ito sa dalawa ang isa ay mukhang mababaw at ang isa naman ay malalim. Sa paligid noon pool ay mga maliliit na bato na kulay puti. At may dalawang puno rin ito sa bawat kanto.

Para akong kiniliti nang makita ko ang pool. Ang sarap noong languyan konting dahon lang naman ang naroroon at imbes na gamitin ko itong skimmer net para kunin ang mga dahon. Gusto kong languyin iyon. Mukha namang walang tao kaya naman hinubad ko ang oversized kong t-shirt at naiwan ang manipis kong sleeveless shirt na puti

Doon ako unang tumalon sa mababaw na pool. Oo lumaki ako dito sa lugar namin na may maraming sapa pero di ako maalam sa paglangoy kasi dati ay pinagbabawalan ako ni lola at nanay lumangoy baka daw kasi malunod ako o tangayin, ang liit ko raw kasi. Kaya nito lang ako natuto ng konti.

Aahon na sana ako nang may biglang kamay na pumulupot sa baywang ko at inangat ako. Magwawala na sana ako doon nang makita ko kung sino iyon, si Sir Aziel pala.

"S-sir..."

"Are you okay?"

"O-oo po."

"Akala ko nalunod ka na dahil ang tagal mo sa ilalim."

Napakurap nalang ako.

"Sorry po."

"It's okay." anito at pinakawalan ang katawan ko.

Nahiya na ako doon at pinulot ko nalang ang mga dahon. Naabala ko pa yata si Sir Aziel.

Tumingin ako kay Sir Aziel at hinubad niya ang kanyang damit na nabasa. Nakapaganda ng katawan nito at ang puti pa. Nakatingin ako sa katawan ni Sir Aziel pero bigla namang sumingit doon sa isip ko ang mukha at katawan ni Senyorito Theo. Inay!

"Pasenya na po talaga kayo Sir. Naabala ko po yata kayo."

Umupo si Sir Aziel sa gilid noong pool, nilublob niya ang paa sa tubig. Gumalaw ang masel niya sa katawan nang itungkod niya ang isang kamay sa likod at sumuklay sa buhok niya. Di yata niya alam na ang gwapo niya sa ginagawa niya.

Pero higit na mas gwapo si Theo sa kanya. Nailing ko ang ulo ko doon sa naisip.

"You've been working here? Or ngayon lang."

Napangiti ako doon. Mukhang mabait yata talaga itong si Sir Aziel kaysa kay Senyorito Theo. Kahit na sa pagmumukha nila. Aminado akong may pagpamasungit at laging nakakunot ang noo nitong si Sir Aziel base sa obserbasyon ko pero iba kasi ang datingan ni Senyorito Theo. Kay Senyorito kasi parang anumang oras ay babalian ka niya o wawasakin.

"Dito po sa mansyon ay ngayon lang pero trabahante po ako sa hacienda Granville."

"Mmm. Di ka nag-aaral?"

"Nag-aaral po pero bakasyon naman ngayon."

"Ahh, yeah, right." Tango nito.

"Magkaibang-magkaiba po kayo ni Senyorito Theo, Sir Aziel."

Huli na para takpan ko pa ang bibig ko.

Paos itong tumawa. "Napansin mo?"

"Sorry po. Di ko po intensyon na himasukan ang personal ninyong buhay."

Umiling siya. "It's nothing. Marami namang nagsasabi n'yan. Besides, we're not really cousins by blood."

"Ahhh..." Hilaw kong ngiti dito at di na nagtanong.

Umahon na ako sa pool at itinabi ko ang napulot kong dahon. Pumunta rin ako sa gilid upang i-drain ang tubig ng pool, para naman doon na ako sa kabila.

Kaso nang pagtayo ko ay natagpuan ko ang pares ng mga mata ni Senyorito Theo na nakatutok sa akin. Napako ang paa ko. Matigas niya ako pinupukol ng tingin.

Nag-alinlangan pa akong kunin ang skimmer net dahil nasa kinatatayuan ito ni Senyorito Theo.

"Theo nandyan ka pala." Si Sir Aziel kaso mukhang di ito narinig ng pinsan niya.

Ngumuso ako at kahit di ko gusto ay lumapit ako kay Senyorito.

"Kukunin ko lang po ang la--"

"Why are you dripping wet?"

"P-po?"

"P-po?" Ginaya ako ni Senyorito Theo pero may kasamang irap ang kanya.

"N-naligo po ako dito saglit... m-mukha po kasing masarap ang languyan ang tubig k-kaya po..."

"Naligo ka nandidito ang pinsan ko?"

"Po?"

"Po?" Panggagaya na naman nito.

Nayuko ko ang ulo ko. Bakit ba siya ganito? Ano ba ang nagawa ko? Bakit ang init ng ulo niya? Saka anong paki niya?

"Sorry... sorry po kung naligo ako sa pool."

"Hey, relax Theo. Lumangoy lang ang baby girl m-- si Laurenz para kunin ang mga dahon." Pagsingit ni Sir Aziel.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamay ni Senyorito at umiling.

Umigting ang panga niya.

"H'wag niyo n-naman po akong sisantehin Senyorito. Alam ko pong nagkamali ako pero huwa--"

"Magbihis ka." Seryosong putol nito sa akin.

"Hindi niyo po ako sisisantehin?"

"Maghibis ka!"

Napatalon ako sa sigaw niya.

"Tatapusin k-ko lang p-po itong g-ginagawa--"

"Putàngìnang kitang-kita ko ang nipples mo!"

***
Thank you for reading, Engels!🥰❤️

A | E

Continue Reading

You'll Also Like

816K 16.7K 33
[ BL | MATURED CONTENT | ENGLISH ] When his youthful master discovers the loyal servant Ulysses in a private moment, things take an unexpected turn...
2.1M 67.7K 44
RESERVED Mafia Underboss Series 1 [BxB, R-18] A province boy, Ady Vera Cruz meets noble man Laszlo Mcgregor, the mafia and runaway prince of...
303K 10.4K 27
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
3M 89.8K 54
[BxB | MPREG | R18] 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗘𝘁𝗹𝘂𝘅 𝗢𝗖 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗰. Cassidy: I love him but it's not enough for me to be a...