I Think I Love You

By sweetminrii

23 2 0

"Love is that condition in which the happiness of another person is essential to your own." More

Prologue

23 2 0
By sweetminrii

"Vien umidlip ka kaya kahit saglit lang?" sabi ni Reese sa akin, kaibigan ko at kasama ko dito sa dorm ng university.

Abala ako sa paggawa ng powerpoint para mamaya sa thesis defense. Fourth year college na ako at graduating. Hindi pa ako natutulog simula kahapon dahil tinapos ko pa iyong mga kailangan. Alas sais na ng umaga at mamayang 10 am ang thesis defense ko.

Ngayon ang huling araw ng thesis defense at ngayon ako naka-schedule for defense.

Individual thesis ang ipinagawa sa amin at wala akong choice kundi ang gawin at tapusin ang kailangan dahil hindi ako makakagtaduate kung hindi ko ito maipapasa. I need to make my Ate proud dahil malaki ang hirap na ginagawa niya para sa akin.

Habang abala ako na sa pagtatype sa laptop biglang umilaw ang cellphone ko at tumatawag iyong real estate agent na kausap ko. Kaagad ko itong sinagot.

Nakakastress! Bakit nagkakasabay sabay ang mga kailangan kong gawin ngayong araw!

Alas nuebe na ng umaga at narito ako sa condominium building. Dahil nasa abroad ang Ate ko, sa akin niya pinaasikaso ang bahay na binili nya para sa aming dalawa.

Excited ako para sa bagong bahay naming dalawa ni Ate dahil simula noong nagcollege ako nag abroad si Ate at sa school dormitory ako tumutuloy simula noon.

Isa nang Engineer ang Ate Janine ko at doon siya sa abroad nakakuha ng magandang trabaho. Limang taon ang agwat naming dalawa ng Ate ko at siya ang nagpapaaral sa akin sa university na pinapasukan ko.

Inaantok ako ngayon, gutom ako dahil hindi ko na nagawang makapag almusal at wala ako ibang choice kundi gawin ang mga dapat gawin.

May thesis defense pa ako! Dapat before 10:00 A.M nasa school na ko pero sumakto naman na 9:00 AM ang schedule ko ngayong umaga para magpirma ng mga papeles para sa bahay. Magbabyahe pa ako pa papunta sa university! Sana naman hindi traffic!

"Vien, ito ang Deed of Sale na kailangan mong pirmahan," sabi ng real estate agent na nakausap ko.

Kaagad kong pinirmahan ang papel na binigay nya. Hindi ko na masyadong binasa dahil inexplain naman na ni Sir Mon ang mga nakalagay kanina at isa pa nagmamadali ako dahil may thesis defense ako ngayong umaga.

"Ito ang susi at key card nang bahay nyo," sabi ni Sir Mon pagkatapos kong mapirmahan ang papel na binigay nya.

"Thank you po Sir!" sabi ko at kinuha ang papel at ang susi bago ako tuluyang umalis.

Tumatakbo ako papunta sa building ng department namin. Late na ako! Ang layo pa naman ng building namin mula sa gate ng university.

Dali-dali akong umakyat sa hagdanan at dumiretso sa conference room dahil doon ginaganap ang thesis defense. Muntik pa akong madapa sa hagdanan sa sobrang pagmamadali! Pati sa thesis defense late pa rin ako!

"Last call for Ms. Vien—-"

"Present! Sorry I'm late," hinihingal na sabi ako at kaagad na pumunta sa harap, isa-isa kong inilabas ang laptop at thesis book ko.

"You are failed, next please," sabi ng professor ko na isa sa mga strikto sa oras at isa siya sa mga panel ngayon, si Sir Kelvin Ganzon.

Para akong na estatwa sa sinabi niya.

"Po?"

"You're five minutes late Ms. Franscisco and I hate wasting my time,"

Bakit ba palagi na lang niya ako napag iinitan? Kahit sa classroom ako ang lagi nyang napupuna. Alam ko naman strict siya sa oras pero kaunting consideration naman sana. Pinaghirapan ko itong thesis ko, pinag effortan at hindi rin biro ang nagastos para mabuo itong thesis ko.

"Sir. Let's give another chance," sabi ng isang babaeng professor na katabi nya.

"Kapag binigyan natin sya ng chance ibig sabihin lahat ng mga susunod na malalate kailangan pag bigyan. May mga susunod pang schedule na kailangan sundin at lahat ng iyon ay ma-aadjust dahil sa pinagbigyan natin lahat ng late. They should learn how to follow the rules and time. Next please," sabi niya ng nakatingin sa akin at seryoso ang mukha.

Wala na akong magagawa dahil si Sir Kelvin ang nagsalita. Wala syang consideration sa lahat ng bagay.

"You're the worst professor in the world," mahinang sabi ko habang inililigpit ang gamit ko sa table.

"What did you say?" tanong ni sir Ganzon, tumingin ako sakanya.

"Wala po,"

"Nakapag conduct ka ba ng research para masabi mong ako ang pinaka worst professor dito sa mundo?" tanong ni Sir saakin na lalong nagpa init ng ulo ko, ang sakit na nga sa loob ng ginawa nya dinagdagan pa nya.

"You may leave," sabi pa nito, kinuha ko ang bag ko at umalis na sa conference room.

Malakas akong napabuntong hininga at umupo sa gilid ng hagdan. I know kasalanan ko kung bakit ako na-late sa thesis defense ko pero sana naman diba kaunting consideration dahil ito ang requirements para makagraduate ang isang estudyante. Pero knowing sir Kelvin Ganzon isa first year pa lang ako marami na akong naririnig na terror siya na professor and no consideration. Pero syempre tao lang din naman ako at may iba pang importante ring inaasikaso maliban sa pag-aaral. Sana naman nagtanong muna si Sir Ganzon bago siya magdesisyon na hindi ako pinagdefense.

"Huwang kang mag alala late rin ako at ganon rin ang ginawa ni Sir Ganzon sa akin," sabi ni Darryl iyong kaklase ko.

"Ang grabe talaga ng prof na 'yun," sabi ko, naiinis ako sakanya at the same time ang bigat sa loob ng nangyari.

Para akong nanghihina at parang lumulutang ang isip ko.

Nakakuha nga kami ng bahay pero yung thesis defense ko failed.

Hindi ko maintindihan kung bakit lahat ng ginagawa ko pinag iinitian ni sir Kelvin Ganzon simula noong unang encounter namin na natapunan ko sya ng kape sa uniform niya doon sa coffee shop na pinagpart-time ko. Hindi ko alam noon na professor siya dahil hindi pa nagstart ang semester noong nangyari iyon. For the whole 4 years ko sa college until now mainit ang ulo niya sa akin!

Iniiwasan ko siyang maging professor ang kaso sa lahat ng major subject siya ang professor! BS Psychology ang course ko pero mukhang mababaliw ako sa nangyayari ngayon!

I hope magkaroon ng second chance. Lagot ako sa Ate ko nito kapag nalaman niya.

Tumayo na ako sa pagkaka upo sa hagdanan at pumunta sa classroom dahil may announcement pa after ng thesis defense ngayong umaga.

Natapos na ang mga nakaschedule ngayon para sa thesis defense at nandito na sa classroom si sir Ganzon at kasalukuyang nagsasalita sa harap.

He is 5'9 tall, moreno, matalino at sobrang intimidating ng awra niya. I can't deny our professor Ganzon is really good looking kaya maraming babae ang gustong gusto ang klase niya kahit nakakatakot siyang professor. Hindi siya ngumingiti at seryoso palagi kapag nagtuturo unlike other professors na nagjojoke sa klase.

"Is there any problem Ms. Francisco?" tanong ni sir Ganzon, napansin niya siguro na nakatitig ako sa kaniya.

"Wala po,"

Napahinga ako ng malalalim. Lagi nalang namemention ang pangalan ko.

"Vien tumatawag ate mo!"

Napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Reese.

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko na nasa gilid ng unan ko at akmang sasagutin ko na ang tawag ng bigla itong nawala sa screen. Bumangon ako sa pagkakahiga para mai-chat si Ate Janine.

"Akala ko ba maaga kang aalis ngayon?" tanong sa akin ni Reese, balak ko kasing pumunta doon sa may condo na binili namin para maipakita kay Ate sa videocall.

"Gusto mo sumama sa akin?" tanong ko sa kaniya habang nag iinat.

"Sorry Vien, may date ako today," sabi ni Reese habang nagmamake up sa harap ng salamin.

"Pang ilan na ba yan?" natatawang tanong ko sa kaniya, takot sa commitment si Reese at puro date lang ang ginagawa nila tuwing nakakakilala siya ng lalaki.

"Pangatlo palang this week," sabi ni Reese, napailing iling na lang ako at tumayo na para makapag ayos ng sarili.

"101..."

Iyon ang nakalagay na number sa harap ng condo. This is it! Excited na akong tumira dito!

Itinapat ko ang card sa may pinto at bumakas naman ito. Kaagad akong dumiresto sa living area ng condo. Dalawang kwarto ang mayroon ang condo na nabili. Isa para kay Ate at ang isa ay para sa akin.

Na-upo ako at nagselfie para maipakita kay Ate. Nagpicture rin ako sa ibang bahagi ng living area.

Napansin ko iyong cabinet na may laman na mga libro. "Naglagay sila ng free books?"

Noong tiningnan ko ang unit ng condo noon yung sample unit ang ipinakita sa akin at hindi iyong actual condo unit. Fully furnished na ang kinuhang condo unit ni Ate dahil wala naman ako makakasamang mamili ng mga gamit kaya para less hassle ganito na ang kinuha ni Ate Janine.

"Kiel!"

Napalundag ako sa gulat nang may marinig akong sigaw at may bumagsak. Kaagad akong pumunta sa isang kwarto dahil doon nanggagaling ang tunog.

Nakabukas ang pinto nang kwarto at napahinto ako nang makita siya...sila.

"Sir Ganzon?" mahinang sabi ko, kaagad na tumingin sa akin si Sir Kelvin at nagulat nang makita ako.

Nakasuot na siya ng school uniform.

Bakit nandito sila sa condo na ito? Don't tell me dito sila nakatira? Wala naman nabanggit sa akin iyong real estate agent na may nakatira sa binili naming condo dahil ang alam ko kami pa lang ang unang kumuha ng condo unit na ito.

Dumapo ang tingin ko doon sa batang lalaki na umiiyak at nagwawala. Hinahagis niya iyong mga laruan at sumisigaw.

Lumapit sa akin si sir Ganzon.

"What are you doing here Ms. Francisco?" tanong niya sa akin at nakataas na ang isang kilay, hindi ko siya sinagot. Lumapit ako sa batang lalaki at umupo katapat niya. Nakaupo siya ngayon sa carpet at umiiyak.

Kinuha ko ang panyo ko sa may bulsa ng pants ko at pinunasan ang mukha niya na puno ng luha.

"Shhh, tahan na. Ano bang gusto mo?" sabi ko sa kaniya, huminto siya sa pag iyak at biglang yumakap sa akin, hinagod ko ang likod niya.

"Basang-basa na ang likod mo," sabi ko sa bata, kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at inupo siya sa kama niya.

"Sir, mas okay po siguro na palitan na siya ng damit baka matuyuan siya ng pawis," sabi ko kay Sir Kelvin pero hindi siya gumalaw at wala siyang kibo sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa akin.

Alam ko nagtataka siya bakit ako nandito at ganon rin ako. Nagtataka ako bakit nandito sila sa loob ng condo na ito. 101 ang condo unit na nakalagay sa key card impossible naman na magkamali ako.

Pagkatapos mapalitan ng damit iyong bata. Narito kami sa living area ng condo. Sinabi ko kay Sir Kelvin na bumili kami ng condo unit at ang nakakahiya na pangyayari nung ipinakita ko sakanya ang deed of sale 107 pala ang unit na nabili namin! At iyong key card kaya nagbukas ay dahil naiwan pala talaga nilang nakabukas ang pintuan! Iyong katapat pala na condo ang sa amin! Nakakahiya!

Bakit sa lahat ng makikita ko si Sir Kelvin Ganzon pa?

"Sorry Sir," nahihiyang sabi ko. Nakakahiya! Pumasok ako sa condo unit ng professor ko! Hindi siya sumagot umiling iling lamang siya sa sinabi ko.

"Aalis na po ako, Sorry po talaga," sabi ko at akmang tatayo na ako ng biglang umiyak iyong bata na Kiel ang pangalan.

"He's my son," sabi ni Sir Ganzon. Medyo nagulat ako dahil may anak na pala si Sir na hindi halata sa istura niya dahil mukha siyang binata. Ang sabi nila 29 years old na daw si Sir.

Katabi ko iyong bata na si Kiel dito sa couch dahil tumahan siya kanina noong katabi niya ako at ayaw niyang bitawan ang panyo ko pinamunas sa mukha niya kanina.

"Mama," sabi ni Kiel at nakatingin sa akin.

Napatingin ako kay Sir Ganzon dahil sa sinabi ng anak niya.

"Mama," sabi ulit nito at isiniksik ang sarili niya sa tabi ko.

"You may go," sabi ni Sir Ganzon at kinuha ang anak niya para kargahin kaso sumisigaw ito ng malakas.

"Bye bye Kiel," sabi ko doon sa bata at ngitian siya pagkatapos ay tumingin ako kay Sir Ganzon. "Mauna na po ako, sorry po ulit."

Iniwan ko na kay Kiel iyong panyo ko dahil ayaw niyang bitawan kanina. Minsan na rin akong nag alaga ng bata noon sa daycare center na pinuntahan namin para sa isang project noong first year at malapit talaga ang loob ko sa mga bata.

Paglabas ko ng condo unit ni Sir Ganzon. Tinamaan talaga ako ng kahihiyan dahil sa tapat nito iyong condo unit namin! Hay nako Vien hindi mo kasi binasa ng mabuti yung Deed of sale! Nakakahiya pati personal na buhay ni Sir Ganzon napasukan ko!

Pumasok na ako sa condo unit at bumukas naman iyong pinto and this time may tunog na siya. Vinideo call ko kay Ate iyong buong condo dahil gusto niyang makita.

Kinabukasan pumunta kami ni Reese sa hospital para bisitahin iyong sister-in-law niya na kakapanganak lang. Pero lumabas ako ng kwarto kung saan nakastay iyong Ate ni Reese, dahil tumawag si Ate ko para ibilin na nagpadala siya ng pera pang grocery para doon sa condo.

Habang naglalakad ako sa hallway may nakita akong matandang lalaki na naka hospital gown at nasa harap ng vending machine at mukhang ayaw pumasok nung pera na inilalagay niya.

"Kailangan nyo po ng tulong?" tanong ko sa matandang lalaki, tumango naman ito at nginitian ako.

Inilagay ko iyong pera ni Lolo doon sa vending machine, "Ano pong gusto ninyo na inumin?"

"Yung lemon juice apo," sabi niya na kaagad ko naman pinindot sa vending machine iyong gusto ni Lolo.

"Maraming salamat apo,"sabi ni Lolo nang iabot ko sakanya iyong inumin.

"Wala pong problema, bakit wala po kayong kasama?" tanong ko kay Lolo at sinabayan ko siya sa paglalakad.

"Ayoko naman makaabala pa alam kong abala rin ang mga tao sa paligid ko lalo na ang Apo ko," sabi niya at humigop ng inumin. "Anong pangalan mo?"

"Vienice Francisco po or Vien nalang po," sabi ko kay Lolo.

"May boyfriend kana ba?" tanong ni Lolo sa akin, medyo nagulat ako dahil ang straight forward niya magtanong.

"Wala po,"

"Gusto kitang ipakilala sa Apo ko may gagawin ka ba ngayon?" sabi ni Lolo na kaagad kong inilingan.

"Lolo Peds! Kanina pa po namin kayo hinahanap," sabi noong nurse na lumapit sa amin.

"Ah sige po mauna na po ako, nice meeting you po Lolo," sabi ko kay Lolo at nginitian siya bago ako tuluyang umalis.

Kinabukasanan habang hila-hila ko iyong isang maleta ko nakasalubong ko sila sir Ganzon sa corridor ng condo. Medyo basa ako ng ulan dahil ang lakas ng ulan ngayong hapon! Kung kailan naglilipat ako ng gamit galing sa dorm.

Kasama ni sir iyong anak niya na si Kiel at nang makita ako nung bata kaagad itong lumapit sa akin.

"Kamusta ka Kiel?" tanong ko pero hindi siya sumagot, actions lang ang ginagawa niya at nagpapakarga siya sa akin ngayon.

"Let's go Kiel," sabi ni Sir Ganzon sa anak niya at kinuha na niya ito, doon ko lang napansin na dala-dala ni Kiel iyong panyo na ginamit ko noon pampunas ng luha niya.

"Shhh, huwag ka ng umiyak," sabi ko at inilabas ang tinapay mula sa bag ko at binigay kay Kiel, tumahan naman ito sa pag iyak.

"Sige Sir mauna na po ako," sabi ko at dumiretso na pumunta sa condo unit ko.

Nasa classroom ako ngayon at may announcement daw si Sir Ganzon regarding sa major subject namin sa kaniya.

Medyo masama ang pakiramdam ko ngayong araw. Feeling ko lalagnatin ako. Paggising ko palang kaninang umaga hirap na ako bumangon pero kailangan kong pumasok dahil si Sir Kelvin Ganzon to. Hindi pwede mag absent sa klase niya.

"Good morning class, I will announce your final requirement for this subject...." Sabi ni sir Ganzon sa harap, gusto ko na umuwi at matulog. Hindi talaga okay ang pakiramdam ko ngayon, yumuko ako at dumukmo sa lamesa.

Ilang segundo palang ang nakalipas may kumatok sa lamesa ko kaya napa angat ang ulo ko at nakatayo na si Sir Ganzon sa gilid ko.

"Ms. Francisco if you're going to sleep in my class get out,"

"Sorry sir," mahinang sabi ko, napahiya na naman ako sa klase.

After nang klase ko kay Sir Ganzon hindi na ako nagstay sa school ng matagal. Nasa waiting shed ako ngayon at nag aabang ng bus para makauwi sa condo. Nakasandal ako sa may advertisement board at nakaupo dito sa may waiting shed halos napipikit na ang mata ko at nanghihina na ako. Gusto ko ng mahiga at magpahinga.

"Ms. Francisco," napa-angat ang tingin ko sa taong tumawag sa akin at si Sir Ganzon iyon. Nakatayo sa harap ko at dinapo ang likod ng kamay niya sa noo ko.

Napatingin ako sa mga estudyante na nandito rin sa may waiting shed. Syempre professor siya at estudyante ako mamaya machismiss pa ko.

Bakit lagi nalang si Sir Ganzon ang nakikita ko at siya pa ang nag approach sa akin ngayon dito. Sa pagkakakaalam ko lagi niya ako pinag iinitan.

"You're sick," sabi ni Sir Ganzon, tumango lang ako.

"Sumabay ka na sa akin," sabi ni Sir Ganzon na ikinagulat ko. Si Sir Kelvin Ganzon ba tong kausap ko? Bakit parang ang bait niya sa akin ngayon. Parang kanina lang pinahiya niya ako sa classroom.

"Let's go don't mind them," sabi ni Sir Ganzon at siya pa ngayon ang kumuha ng bag ko na nasa upuan.

Dala-dala niya iyon papunta sa sasakyan niya. Napabuntong hininga ako at sumunod na.

"Susunduin ko lang sandali si Kiel sa school niya, kaya mo pa ba?" Sabi ni sir Ganzon sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot.

"Ms. Francisco," napadilat ang mata ko ng marinig ko si sir Ganzon.

Hindi ko namalayan ang sarili ko na nakatulog na at nasundo na si Kiel. Narito na kami kaagad sa parking ng condo.

"Thank you sir, pasensya na sa abala" sabi ko, tumango lang si Sir Ganzon.

Sabay-sabay kaming umakyat sa floor kung saan nandoon ang condo unit namin. Magkaharap lang ang condo unit namin ni Sir Ganzon. Nasa elavator kami ngayon at nasa gitna namin si Kiel na tingin ng tingin sa akin. Alam ko gusto niya magpakarga pero hindi ko talaga kaya dahil nanghihina ako ngayon nakasandal na ako sa may elevator.

"Okay ka lang?" Tanong ni sir Ganzon pero hindi ko na nakuhang sumagot dahil nawalan ako ng malay.

Kinabukasan pagdilat ng mata ko nagulat ako ng makita kong katabi ko sa kama si Kiel!

Dito siya natulog? Dala-dala niya rin iyong panyo ko. Yakap niya habang tulog. Nasa kuwarto ko naman ako natulog. Pero bakit nandito si Kiel?

Dahan dahan akong bumangon at bumagsak galing sa noo ko iyong bimpo. Si Sir Ganzon ang nag alaga sa akin? Impossible!

Lumabas ako ng kwarto. Wala naman dito si Sir Ganzon. Iniwan niya iyong si Kiel dito?

Nawalan nga pala ako ng malay ibig sabihin si Sir Ganzon pa ang nagdala sa akin dito sa condo unit ko. Nakakahiya! Iyong suot ko iba na...hindi naman siguro si Sir Ganzon ang nagpalit sa akin diba self?

Lumabas ako ng condo ko at lumapit sa condo unit ni Sir Ganzon at nagdoor bell. Ilang segundo lang ay binuksan na niya ang pinto.

"Okay kana ba?" Tanong ni Sir Ganzon sa akin at hinipo ang noo ko.

"Sorry I leave my son in your condo, kumakalma siya kapag nakikita ka niya and I don't know why, this is the first time that my son likes a woman," sabi ni Sir Ganzon, tumango tango naman ako. Okay lang naman sa akin dahil malapit ang loob ko kay Kiel dahil mabait naman iyong bata.

"Okay lang sir. Thank you po sa pagtulong sa akin," sabi ko, kahit na masama ang loob ko sa pagpapahiya niya lagi sa akin sa klase niya iba pa rin itong pagmamalasakit na ginawa niya para sa akin. Wala akong ibang kasama na mag aalala sa akin kapag nagkasakit ako maliban kay Reese at Henrick na mga kaibigan ko.

"Whaaaa!!!"

Nagkatinginan kami ni Si Ganzon ng marinig namin si Kiel na umiiyak. Kaagad kaming pumasok sa loob ng condo at pinuntahan si Kiel sa kwarto ko. Nadatnan namin siya na umiiyak.

"Stop crying Daddy is here," sabi ni Sir Ganzon pero iyak pa rin ito ng iyak.

"Kiel," sabi ko, lumapit ako sakanya at tinabihan siya. "Nandito lang ako huwag ka ng umiyak."

Tumigil naman sa pag iyak si Kiel at sumiksik sa tabi ko habang hawak ang panyo ko. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko kay Kiel. Napatingin ako kay Sir Ganzon at naabutan ko siyang nakatingin rin sa akin.

Sabay-sabay kaming nag almusal at dito kami sa condo ko kumakain. Somehow may good side rin naman itong si Sir Ganzon.

Well I can't deny he's really handsome, matangkad, moreno at matalino kaya maraming nagkakacrush sakaniya na mga estudyante. Syempre kahit sino naman mahuhumaling sa itsura ni Sir at aminado ako noong una ko siyang nakita nagwapuhan talaga ako sakaniya kahit na ang unang encounter namin is yung natapunan ko ng kape iyong uniform niya. Pero simula nung lagi niya akong pinapahiya napalitan yung crush sa hate!

Hindi ko naman akalain na iyong professor ko na kinakainisan ko eh siya pa ang kasama ko ngayon dito sa condo ko.

"Can you come whit us?" sabi ni Kiel sa akin kaya napatingin ako kay sir Ganzon.

"May event sa school nila ngayon and kailangan ng parents I know you can't come dahil may sakit ka at hindi mo responsibilidad si Kiel," sabi ni Sir Ganzon dahilan para umiyak si Kiel at naitapon pa niya iyong gatas sa lamesa.

"Kiel stop," sabi ni Sir Ganzon sa anak niya.

"Sasama ako, okay lang ako," sabi ko at nginitian si Kiel para kumalma siya.

Hindi ko alam kung ano ba ang nahanap ni Kiel sa akin para sa akin siya mapalit pero ang alam ko magaan ang loob ko sa batang ito. At isa pa tinulungan naman ako ni Sir Ganzon kahapon.

At dahil pumayag ako na sumama sakanila narito kami ngayon sa school ni Kiel. Nakipagkwentuhan sa akin iyong teacher niya at sinasabi niyang nahihirapan daw silang alagaan si Kiel dahil madalas daw itong magwala.

Nabanggit sa akin ni sir Ganzon na madalas lamang sa bahay si Kiel at bihira lamang ito lumabas maliban sa pagpunta sa school. At hindi rin ito madalas makipaglaro sa mga bata na kaklase niya dahil masyadong aloof si Kiel.

Habang kausap ako ng teacher dito sa may playground dahil lumabas sandali si Sir Ganzon bigla kaming may narinig na umiiyak at si Kiel iyon na may kaaway na batang babae. Kaagad akong lumapit sa kanila.

"Ano pong nangyayari?" tanong ko doon sa siguro at nanay nung batang babae. Pinag aawayan siguro nila iyong laruan na hawak ni Kiel dahil iyong batang babae pilit na kinukuha ang laruan na hawak ni Kiel.

Inilagay ko sa gilid ko si Kiel at halatang natatakot.

"Mommy!" sigaw noong batang babae noong hindi niya makuha ang laruan.

"Masyadong madamot ang bata na yan, walang manners," sabi ng babae sa akin na ikinagulat ko. Huminga ako ng malalim. Kailangan kong kumalma dahil hindi ako dapat pumatol at isa pa ayoko ng away.

"Pasensya na," sabi ko na lang at inakay na si Kiel pa alis.

"Mga bastos!" sigaw ng babae, hindi ko na napigilan ang sarili ko at humarap ulit.

"Ikaw ba nanay ng bata na yan? Turuan ninyo ng maganda baka lumaking madamot," sabi pa ulit noong babae, umiinit na ang ulo ko sa inis dahil sa sinabi niya kay Kiel.

"Yes he's my son but you don't have the rights na pagsalitaan ng kung ano ano ang bata," sabi ko sa kaniya, hindi ko na napili ang mga nasasabi ko dahil nasasaktan ako sa mga sinasabi niya para kay Kiel. Walang alam ang bata sa tama at mali dahil nasa proseso pa si sir Ganzon sa pagpaplaki kay Kiel lalo na at wala akong nakikitang Nanay na nasa tabi ni Kiel para siya ang magsalita ng mga bagay na sinasabi ko.

"Hindi po porket ayaw magpahiram ng laruan ng bata ay wala na kaagad manners. Hindi po sanay sa ibang tao ang bata kaya ganon ang naipakita niya. Sana po maintindihan ninyo na magkakaiba ang ugali ng mga bata at hindi ho lahat ng gusto ng anak ninyo ay ang dapat masunod. Hindi po ata tama na pagsabihan siya ng walang manners at hindi po tama na pagsalitaan ninyo kami ng bastos," sabi ko at naiiyak ako habang nagsasalita dahil sobrang naiinis ako, nasasaktan ako dahil hindi ko gusto na pinagsasalitaan ng hindi maganda itong batang ito.

Walang sinabi iyong babae, inirapan lang ako at umalis na sila ng bata.

Lumuhod ako kapantay ni Kiel.

"It's okay Kiel, nandito lang ako," sabi ko kay Kiel at niyakap siya.

"Vien?" napaangat ako ng tingin ng may marinig ako na boses ang tumawag sa pangalan ko.

"Jaztine..."

He's my ex-boyfriend noong first year college ako. Ahead siya sa akin ng three years years kaya nauna siyang gumraduate sa akin and now may anak na sila ng girlfriend niya na kasama nila ngayon.

"Babe let's go—-Uy Vien," sabi ng girlfriend niya na alam kong hanggang ngayon may galit sa akin at hindi ko alam kung bakit dahil matagal naman na kaming hiwalay.

Nakatingin silang dalawa kay Kiel na nasa gilid ko. Iniisip siguro nila na may anak na ako.

Dapat nga ako ang galit dahil sa ginawa nila sa akin pero naka move on na ako dahil matagal na kaming hiwalay it's been 4 years. Jaztine cheated on me habang kami pa at nabuntis niya iyong girlfriend niya ngayon. Siya ang first heartbreak ko dahil siya ang unang boyfriend ko pero siguro ganon talaga masaya naman na siya ngayon dahil may family na siya.

"Hi," sabi ko sa kanilang dalawa. Ang awkward dahil ngayon ko nalang ulit silang dalawa nakita.

Dumapo ang tingin nilang dalawa ng lumapit sa akin si sir Ganzon at hinawakan ako sa balikat para akayin paalis, "Let's go,"

Nagstart na ang event ng school nila which is maglalaro ang mga bata kasama ang mga magulang. Although alam ko hindi ako ang magulang ni Kiel gusto ko lang maging happy yung bata.

Sack race ang unang laro nila at kaming tatlo nila sir Ganzon ang nasa loob ng malaking sako at iikot kami papunta sa may upuan hindi naman kalayuan.

Nasa gilid ko sila Jaztine at family nila dahil kasama rin sila dito sa sack race dahil dito rin sa school na ito nag aaral ang anak niya.

"Ready get set go!" sigaw noong teacher at nag unahan na ang mga family na makapunta sa may upuan at makaikot.

Habang tumatalon kami dahil hindi kami nagkasabay sabay natumba kaming tatlo. Natamaan ko sila Jaztine dahilan para matumba rin sila.

"Sorry," mahinang sabi ko kila Jaztine, iyong girlfriend niya naman masama na ang tingin sa akin.

"It's okay," sabi ni Jaztine at nginitian ako. Nabuntong hininga ako I know for sure! Mag aaway sila dahil sa presence ko dito sa itsura palang bg girlfriend ni Jaztine parang uusok na ang ilong sa sama ng tingin.

"Are you okay?" tanong ni sir Ganzon sa akin at tinulungan akong makatayo,tumango naman ako at nagpatuloy kami sa sack race.

After ng sack race marami pang activities ang ginawa iyong iba mga bata lang ang naglalaro at sobrang nag eenjoy si Kiel. Tawa siya ng tawa at panay ang ngiti niya sa bawat activity na ginagawa namin. Ang sarap sa pakiramdam na marinig iyong tawa ng mga bata iyong masaya silang naglalaro.

Buong araw kasama ko si sir Ganzon at Kiel at sa buong araw na iyon masama palagi ang tingin sa akin ng girlfriend ni Jaztine at panay ang parinig sa akin. Wala naman akong ginagawa sa kaniya para pag initan niya ako. Dapat wala na siyang issue sa akin dahil in the first place siya ang nang agaw kay Jaztine at isa pa! Wala akong balak balikan ang mokong na yun!

Pauwi na kami ngayon at nasa byahe kami. Natutulog si Kiel sa lap ko napagod sa maghapong activities.

"Thank you Ms. Francisco," sabi ni sir Ganzon habang nagdadrive kaya napatingin ako sa kaniya.

"Para saan sir?"

"I saw what you did na ipinagtanggol mo si Kiel doon sa babae and you make Kiel happy," sabi ni Sir Ganzon napangiti naman ako at pinagmasdan si Kiel na mahimbing na natutulog.

"Walang anuman Sir pasensya na nasabi ko na anak ko si Kiel sobrang nainis lang talaga ako. Hindi ko kasi nagustuhan ang sinabi niya kanina,"

"This is the first time that Kiel behaved, noon hindi siya nakikipaglaro sa ibang mga bata, hindi siya madalas tumawa, madalas lang sa bahay si Kiel at walang ibang nakakasama maliban sa akin at kay Lolo,"

Medyo naninibago ako dahil parang nag oopen up si sir Ganzon sa akin which si somehow bago talaga sa akin dahil noon until the day ng thesis defense ko sa school ang madalas na pagkikita namin at nag uusap lang kami regarding sa subject niya na pinapasukan ko. Pero ngayon ito nakikipag usap siya sa akin tungkol sa personal niyang buhay.

"He's not really my son," kaagad akong napatingin kay sir Ganzon sa sinabi niya.

"Anak siya ng Ate ko, she passed away noong ipinanganak si Kiel at wala na rin iyong father ni Kiel dahil nagkasakit siya last year," speechless ako sa sinasabi ni Sir.

So ibig sabihin siya ang tumayong ama sa naiwang anak ng kapatid niya. Ang grabe naman ng nangyari sa magulang ni Kiel. Naawa ako para sa batang ito hindi niya alam na iyong totoo niyang magulang ay wala na. At bilib ako kay sir Ganzon dahil inako niya ang responsibilidad na maging magulang para kay Kiel.

"Hindi ko alam paano mag alaga ng bata dahil hindi ako ready noong dumating siya at nagtatrabaho ako sa school kaya naiiwan siya noon sa kasambahay pero walang nagtatagal dahil nahihirapan silang alagaan si Kiel, kaya noong nakita ka niya that was the first time na kaagad siyang kumalma,"

Dahan dahan akong napa tango sa kwento ni Sir Ganzon. Naapektuhan ang paglaki ni Kiel dahil sa sitwasyon ni sir Ganzon na hindi niya alam paano mag alaga ng bata dahil tama naman hindi siya ready noong dumating si Kiel at sobrang hirap ng pinagdaanan niya dahil nawalan siya ng kapatid. Ang laking responsibilidad ang naiwan sa kaniya.

Dahil sa pagkakamali ko na pumasok sa condo ni sir Kelvin Ganzon ito yung naging sitwasyon ngayon na parang lumapit ang loob ko sakanilang dalawa ni Kiel.

Nakahiga na ako sa aking kwarto ng may magdoorbell. Kaagad akong tumayo at nagpunta sa pinto.

Gabi na at wala naman akong ineexpect na bisita.

Pagbukas ko ng pinto nasa harap si sir Ganzon at amoy alak. Medyo mapungay na ang mata niya at halatang nakainom na.

"Sir okay ka lang?" tanong ko pero hindi siya sumagot nakatingin lang siya sa akin at maya-maya lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap.

"I'm so tired..." mahinang sabi nito, inaantay kong kumalas siya sa pagkakyakap pero hindi na siya gumagalaw. Nakatulog si Sir?!

Wala akong ibang choice kundi ang ipasok siya sa loob ng condo ko kahit ang bigat bigat niya! Inihiga ko siya sa couch at naupo ako sa katabing upuan.

Bakit pakiramdam ko ang daming pinagdadanan ni Sir Kelvin na hindi niya nailaabas? Kaya ba nasabi niya na pagod na siya at nag inom siya? Dahil siguro sa nakwento niya kanina sa akin. Ang laking pressure rin talaga ng sitwasyon nila ni Kiel.

Nasa hospital kami ulit ni Reese ngayon at pinuntahan iyong sister-in-law niya dahil ilalabas na ngayon iyong baby minonitor pa kasi kaya hindi nailabas kaagad.

Habang naglalakad ako lobby ng hospital para sana abangan iyong isa pa naming kaibigan na si Henrick nakita ko si Sir Ganzon na tumatakbo palapit sa akin?!

"Sir, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya, pati dito sa hospital nakikita ko si Sir Ganzon.

"Can you be my girlfriend?"

"Ha?"

"Please Vien,"

Biglang kumalabog ng malakas ang puso ko. First time akong tawagin ni sir Ganzon sa first name ko.

Pero girlfriend? Bakit!?

Continue Reading

You'll Also Like

453K 8.1K 38
Duke & Izza
125K 2.3K 44
Salvatore De Luca and Joanna Lumanog storiesđź–¤
420K 14.9K 41
Yolo, a basketball athlete and architecture student didn't expect that he would like a man. After all the banter with him, but eventually searching f...
371K 4.4K 18
"Sage, a 22-year-old, was coerced into an arranged marriage with celebrated actor Gale. Despite her beauty and intelligence, Gale disapproved of her...