HIM & I [SEASON 4]

By chikadorang_negra

8.8K 1.1K 192

Continuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: More

TEASER
Chapter 592: BIGO
Chapter 593: KUYA LUKE
Chapter 594: UNCOMFORTABLE
Chapter 595: TRANSFER
Chapter 596: FAVOR
Chapter 597: TANGGI
Chapter 598: HEART TO HEART TALK
Chapter 600: RESEARCH
Chapter 601: BEDSPACER
Chapter 602: BURAOT
Chapter 603: MANDO QUEEN
Chapter 604: NEW FRIEND
Chapter 605: ATE GHOST
Chapter 606: LOVE AND WAR 2
Chapter 607: KINAROROONAN
Chapter 608: CHICKEN NUGGETS
Chapter 609: PARTNER
Chapter 610: HAROT
Chapter 611: FIRST DATE 1
Chapter 612: FIRST DATE 2
Chapter 613: SILIP
Chapter 614: PAYONG KAIBIGAN
Chapter 615: LETTER
Chapter 616: POOT
Chapter 617: FUTURE PLANS
Chapter 618: GLYDEL
Chapter 619: SAMA NG LOOB
Chapter 620: PAKIPOT
Chapter 621: YAYA GLYDEL
Chapter 622: YAYA ALEX FOR TODAY'S BIDYOW
Chapter 623: KAPALIT
Chapter 624: WALANG PAGSISISI
Chapter 625: CRUSHBACK
Chapter 626: DELETED
Chapter 627: SELOS 'YARN?
Chapter 628: SORRY MAMA
Chapter 629: DOUBT
Chapter 630: LUTO-LUTUAN
Chapter 631: COLD TREATMENT
Chapter 632: NOTHING TO WORRY
Chapter 633: WIDE AWAKE
Chapter 634: CAUGHT
Chapter 635: HESITANT
Chapter 636: LILIANNE
Chapter 637: LAST NIGHT
Chapter 638: ATTY. XANDER LUKE ALCANTARA
Chapter 639: WARNING
Chapter 640: PAGHAHARAP
Chapter 641: TALK ABOUT LOVE
Chapter 642: DUDA
Chapter 643: BOYS' NIGHT
Chapter 644: BYE FOR NOW
Chapter 645: TULUNGAN
Chapter 646: SETUP
Chapter 647: RECONCILIATION
Chapter 648: RANGGU
Chapter 649: GANDA MO KASI
Chapter 650: LIBRE
Chapter 651: SEARCH
Chapter 652: ALBUM
Chapter 653: REAL FATHER
Chapter 654: SORRY, NOT SORRY
Chapter 655: PUNISHMENT
Chapter 656: KIFFY
Chapter 657: ARAW-ARAW FIESTA
Chapter 658: DESPEDIDA
Chapter 659: KUMUSTA
Chapter 660: USAD
Chapter 661: BES
Chapter 662: LIBRO
Chapter 663: ERIC VS SEAN
Chapter 664: TOO MUCH DRAMA
Chapter 665: PAGTATALO
Chapter 666: PANGHIHINAYANG
Chapter 667: LOVE AND WAR 3
Chapter 668: BALING
Chapter 669: DEEPER
Chapter 670: PAG-AMIN
Chapter 671: PANIBAGONG PROBLEMA
Chapter 672: KATOTOHANAN
Chapter 673: CAKE
Chapter 674: BIGO ANG NGUSO
Chapter 675: ABOT-KAMAY
Chapter 676: ASKING
Chapter 677: FAMILY? DAY
Chapter 678: FAKE NEWS
Chapter 679: SPREAD
Chapter 680: GROUP STUDY
Chapter 681: PLUS POGI POINTS

Chapter 599: HAPLOS

120 18 5
By chikadorang_negra

🏰ALEX🏰

Wala akong ibang ginawa kun'di ngusuan itong mga kamag-yaya ni Yaya Eve. Wala naman kasi akong magawa rito, dahil wala namang mga toys, kaya puro lang kami daldalan hanggang sa magutom tapos daldal ulit, then gutom na naman. Paikot-ikot lang ang ginagawa ko mula pa kanina.

Mabuti na lang may dumating na damit kanina, kaya nakaligo naman ako. Padala raw 'yon ng Mommy ko sabi ni Yaya Eve. 'Yon ang sinuot ko ngayon, dahil 'yon daw ang sabi. Bibilhan pa raw ako ni Mommy pero mamaya pa pag-uwi niya.

Naka-shirt at short ako na hanggang ibabaw ng tuhod. Malaya akong nakakagalaw, dahil ang lambot ng tela. May kalakihan din ang damit kaya hindi ako naiilang sa b**bie kong may ka-big-an.

Hindi ko alam kung bakit at home na at home ako sa lugar na 'to. Parang wala akong iniisip na kung ano at hindi rin ako naiilang. Wala akong kaproble-problema rito, kaya hindi talaga ako nagsisisi na nag-stay ako.

"Alex," tawag sa akin ni Yaya kaya lumingon ako sa gawi niya. Nanonood ako ngayon ng Sofia The First, ang isang babaeng naging prinsesa nang biglaan.

"Po?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Napangiti rin tuloy siya. Kanina pa siya ganiyan sa akin, dahil nahahawa raw siya sa energy ko. Ang sabi niya pa, ang ganda-ganda ko raw na bata.

Napakasinungaling niya talaga!

Tsk tsk tsk...

"Gutom ka na? Ulit?"

Natawa ako nang malakas, dahil sa huling sinabi ni Yaya. Siguro napapansin niya nang panay ang harupak ko ng pagkain. Nangalahati na nga 'yong paboritong biscuit ni Kuya Luke eh.

"Yes yes yow," kunwari ay nahihiya kong sagot, para hindi naman masiyadong halata na gutom na gutom na naman ako. Ewan ko ba rito sa tiyan ko, kaunting kibot kumakalam na agad.

"Sus, nahiya pa," ani Yaya kaya tinakpan ko ang mukha ko. Kanina pa ako nagpapa-cute sa kaniya eh. "Dito ka lang at lulutuan kita ng Pancake."

Nakangiti akong tumango. Talaga  namang ang sarap dito kina Wantawsan. Parang ayaw ko na talagang umalis dito. Anak na talaga nila ako habang buhay.

Pinagmasdan ko ang buong kabahayan nila, ang sabi sa akin ni Yaya Eve, kay Wantawsan daw 'to nakapangalan. Lahat daw ng pag-aari nila kay Wantawsan mapupunta. At siyempre, hindi ako papayag nang gano'n, dapat mayro'n din ako.

Ako ang bida eh!

Kaya siguro maraming wantawsan si Kuya Luke, dahil rich baby rin siya gaya ko. Wala siyang kapatid, kaya wala siyang kahati sa kahit ano'ng bagay. Lahat nang naririto ay solo niyang makukuha.

Sana all!

Napaisip tuloy ako kung paano ko siya masasapawan. Kailangan ako na ang maging favorite at hindi siya. Kaso, mukhang mahihirapan ako dahil siya ang tunay na anak at hindi naman ako.

Paano kaya 'to?

"Alex, kain ka na." Nakangiting naglalakad si Yaya Eve papunta sa akin. Nawala na naman sa wisyo ang utak ko, dahil natuon na naman ang atensiyon ko sa pagkain.

"Wow, ang bango..." puri ko sa pagkaing dala ni Yaya Eve. Natutuwa ako sa kaniya, dahil ang bait-bait niya sa akin. Actually, lahat naman sila, pero iba lang talaga si Yaya dahil siya ang lider dito. Kumbaga sa class officers, siya ang president—ang pinakamapagkakatiwalaan sa lahat.

"Ubusin mo 'yan ah?"

Tumango ako. Hindi niya na 'yon kailangang sabihin, dahil naka-program na 'yon sa utak ko. Hindi ko ugali ang magsayang ng pagkain.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Talagang binakbakan ko na ang Pancake na handog niya para sa akin. Nanatili akong tutok sa panonood habang panay ang ngasab ng Pancake na masarap, pero walang Coke na malamig sa tindahan.

Naubos ko 'yon nang walang kahirap-hirap, kaya hindi na naman ako makatayo nang maayos. Nakakaramdam na naman ako ng antok, pero nilalabanan ko. Baka pagalitan ako ni Sofia kapag tinulugan ko siya.

Nag-iba ako nang posisyon sa pagbabaka-sakaling aayos ang daloy ng dugo ko't muling mabuhay, pero lalo lang yata akong inantok. Napahikab na ako nang tuluyan.

"Alex, inaantok ka? Akyat ka sa taas. Ayusin ko kuwarto mo?"

"Ayaw po," sagot ko sabay iling. Ayaw ko ro'n, mas gusto ko na lang dito, dahil nakakatamad umakyat sa hagdan. At saka baka gutumin na naman ako nito.

"Sasakitan ka ng likod niyan eh."

"Okay lang po, cute naman ako." Natawa si Yaya sa biro ko, kaya nahawa ako. Bahagyang nawala ang antok ko, dahil sa pagtawa.

"Naku ikaw talaga, nakakatuwa kang bata ka." Pinisil niya ang pisngi ko, kaya napanguso ako. Gusto ko sanang magreklamo, kaya lang baka magtampo siya't hindi na ako lutuan ng pagkain sa susunod na bukas.

Napahinto kami nang may bumusina. Agad na nataranta si Yaya Eve, kaya napatanong ako kung bakit, kaso hindi na niya narinig dahil nanakbo na siya palabas. Tuluyan nang nawala ang antok ko kaya tumayo ako't sumunod na sa kaniya.

"Sino 'yan?" Sinilip ko kung ano'ng mayro'n sa labas. Naalala ko pa ang sabi ni Mommy na uuwi raw siya kaagad, kaya na-excite ako.

Baka nandiyan na si Baby Ko!

"Si Mommy na ba 'yan?" Gusto ko sanang lumabas, kaya lang naalala ko ang bilin sa akin. Hindi nga pala p'wede, kaya napaatras ako.

"Oh, ang aga mo naman, Luke."

Napanguso ako nang marinig ang sinabi ni Yaya Eve. Nalungkot din ako, dahil buong akala ko may makakalampungan na ako. Si Kuya Luke na karibal ko pala ang dumating at hindi si Mommy.

"Ano ba 'yan?" nagmartsa ako pabalik sa sofa at ngumuso na lang. "Sabi ni Mommy maaga raw siyang uuwi," reklamo ko. Walang mapaglagyan ang inis ko, dahil nauna pa si Kuyang umuwi kaysa kay Mommy.

Paano ko maso-solo si Mommy?!

Nakaka-annoy!

"Si Mommy?" tanong ni Kuya Luke kay Yaya Eve habang papasok.

Tumayo ako at sinalubong siya. "Kuya Luke, ba't nandito ka na?" Nagpamewang ako sa harap niya. Sinungitan ko talaga siya para ma-afraid siya sa akin at manakbo na palayo.

"Oo nga, parang ang aga mo naman." Inayos ni Yaya Eve ang pagkakasara ng main door, dahil baka lumabas ang lamig.

"Ah eh, wala naman po kasi akong gagawin sa school," palusot niya. Ang sarap niya talagang sakalin.

"Dapat tumambay ka muna," sabi ko. Nagtataka akong tinignan nila Yaya Eve, tunog nantataboy na kasi ako. "Alam ko na! Dapat nagpunta ka muna kina Pare o kaya ro'n sa isa mo pang tropa na pangit din gaya mo, tapos 'wag ka nang uuwi. Ako na bahalang magsabi sa kanila na ayaw mo na rito."

Napakurap sina Kuya at Yaya habang nakatingin sa akin. Napangiti na lang ako, nang ma-realize kong sobra na naman 'yong nasabi ko. Hindi pala dapat gano'n, baka ako ang mapalayas dito.

"Alam mo gutom lang 'yan," sabi ni Yaya Eve bago ako nginitian.

"Oo nga po," pagsang-ayon ko, kahit na hindi pa naman ako gutom, para lang maiba ang usapan. Natatakot akong baka isumbong ako ni Kuya Luke. "Kain tayo, Kuya," niyaya ko na lang siya. "Alam mo ba masarap 'yong Pancake na niluto sa akin ni Yaya Eve."

Narinig ko ang tawa niya, kaya napa-make face na naman ako. Akala niya siguro naha-happy ako na nakauwi na siya. Hindi niya alam nayayamot ako sa kaniya, dahil inagahan niya ang uwi. Sigurado pagdating ni Mommy, papansinin din siya.

"Ikaw talaga..." Pinanggigilan na naman ako ni Yaya. Tuwang-tuwa talaga siya sa akin. "Bolera kang bata ka. Pare-pareho lang naman ang lasa no'n."

"Hindi, iba po talaga." Kung akala niya nambobola lang ako, p'wes hindi siya nagkakamali.

"Halika na nga," inakbayan niya ako at halos kaladkarin na. "Luke, magbihis ka na tapos bumaba ka na kaagad."

"Opo," ani Kuya Luke. Pinagmasdan niya pa ang buong bahay at natuon sa TV ang atensiyon.

"Si Sofia 'yan," sabi ko, dahil tinatawanan niya ang pinanonood ko. Nanakbo ako at sinubukang harangan ang malaki nilang TV. "Doon ka na! Niaaway mo na naman ako! Isusumbong kita kay Mommy," pananakot ko.

"Luh, wala naman akong ginagawa sa 'yo."

Sinamaan ko siya ng tingin, pero nitawanan niya lang ako. "Yaya Eve oh, si Kuya Luke niaaway ako!"

Nakita kong sumilip sa amin si Yaya habang iiling-iling. "Gutom lang 'yan, dalian niyo na riyan para makakain na kayong dalawa." 

Nakangiti pero tila nang-aasar na tumingin sa akin si Kuya Luke bago dumiretso sa hagdanan. Ako naman ay sumunod kay Yaya Eve, para mapanood kung paano niya nigagawa ang Pancake.

"Yaya Eve, nayayamot ako kay Kuya Luke." Padabog akong naupo sa island, nangalumbaba at saka ngumuso nang sobra pa sa sobra.

"Ano ka ba? Gano'n lang talaga 'yon."

"Ah basta, naa-annoy ako sa kaniya."

"Nagpapa-cute lang sa 'yo 'yon. Tignan mo, ang aga nga umuwi eh."

Natigilan ako sa sinabi ni Yaya, dahil nagsimula ring kumabog nang malakas ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit tila naging abnormal ang tibok nito. Napahawak ako ro'n, para makiramdam.

Napalabi ako, dahil nakaramdam ako ng kaunting ilang. Naalala ko tuloy 'yong unang beses na napunta ako rito. Hindi ako p'wedeng magkamali, nandito rin si Yaya Eve no'n. At gaya ng iba, napagkamalan niya rin akong si Audrey. 

"Yaya Eve, kamukha ko ba talaga 'yong si Audrey? 'Yong ex ni Kuya Luke?"

Natigilan siya sa ginagawa at dahan-dahang humarap sa akin. "Oo," aniya. Naglakad na siya papunta sa akin bitbit ang Pancake na masarap. "Akala ko nga ikaw 'yon eh."

Napangiwi ako, dahil parang ang awkward yata nang ganito. Kamukha ko 'yong ex niya tapos tinatawag ko siyang Kuya?

Mukhang t*nga lang...

"Yaya Eve, ba't naubos 'yong biscuit ko?"

Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Kuya Luke na ngayon ay abala na sa paghahanap nang nawawala niyang biscuit. Wala siyang kamalay-malay na malapit nang maging isang ganap na tae ang biscuit niya. Kinain ko na kasi.

"Kinain na ng worm," sabi ko. Natawa kami ni Yaya Eve, dahil magkasabwat kaming dalawa. Siya kasi talaga ang nag-alok sa akin no'n, kaya siya ang may kasalanan at hindi naman ako. Kinain ko lang naman eh.

Natatawa siyang tumingin sa akin. Mayro'n 'yong ibig sabihin, dahil parang may gusto siyang iparating pero hindi alam kung paano sisimulan. "Kailan pa nagkauod dito? Kahapon?" makahulugan niyang tanong. Tumalikod na siya at isinara ang babasaging garapon na pinaglalagyan no'n. "Ang laki siguro ng uod na 'yon 'no? Kasi naubos niya 'yong Oreo ko, eh ang dami no'n." Halatang-halata na pinariringgan niya ako. Malamang alam niya na ako ang humarupak sa biscuits niya. Sorry na lang siya, pero hindi ako pinanganak para lang umamin.

"Okay lang 'yan, mas masarap naman 'yong Pancake." Inihanda ko na ang mga gagamitin ko. Bahala na sila diyan, galit-galit muna dahil gutom ako.

"Gusto ko ng ice cream."

Sinundan ko ng tingin si Kuya Luke. Tinapik niya ang pinto ng cabinet kaya bumukas 'yon. Naglabasan ang mga usok at bahagyang lumamig. Hindi pala 'yon cabinet, refrigerator pala. Doon tumambad sa akin ang magkakapatong na galon ng ice cream at mukhang iba-iba pa ang flavor.

"Wow, ano 'yan?" Tumayo ako at dumikit kay Kuya Luke na abala sa pamimili ng flavor. "Ako rin Kuya Luke, pahingi."

"Bawal ka nito," nakangiting sabi niya.

"Bakit?" nakangusong tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga nagsasarapan at naglalamigang ice cream.

"Bawal 'to sa bata, sa mga Kuya lang p'wede." Kinuha niya ang dalawang ice cream at saka isinara 'yon.

"Big naman na ako eh," katuwiran ko. Nagtatawanan na ang mga kasama namin sa bahay sa hindi ko malaman na dahilan. "Hala, ba't kayo tumatawa?" Naglabasan na sila isa-isa, dahil maghahanda na sila ng hapunan.

"Madaldal talaga itong batang 'to," sabi nitong isa nilang kasambahay. "Nakakatuwa dahil may maingay na rito."

"Madaldal 'yan si Alex eh." Naupo na si Kuya Luke at binuksan ang ice cream na kinuha niya. "Kuha po kayo ro'n oh."

"Ay naku, sawa na kami riyan. Kita mong 'yan nga ang una naming binakbakan pagpunta namin dito eh."

Sila lang ang natawa, dahil wala naman akong naiintindihan. Napanguso na lang ako habang pinanonood si Kuya na kumain. Napakurap ako nang bigla siyang tumingin sa akin.

"Dito ka," tinapik niya ang upuan sa tabi niya at inilagay sa tapat no'n ang isang ice cream. "Tara rito."

"Akin 'yon?" Nagsimula akong maglakad palapit sa kinauupuan niya. Ang mga kasambahay naman ay nagtanungan na kung ano'ng lulutuin nila. Si Yaya Eve ang nasusunod, dahil sa kaniya yata mine-message nila Mommy ang mga importanteng bagay, gaya nang kung ano ang uulamin sa hapunan. 

"Oo, dito ka na." Ipinaghila niya ako ng upuan kaya nagmamadali akong naupo.

"Thank yow Kuya," naka-smile kong sabi. Bati na kami, dahil mabait naman siya—ngayon. "Cookies and cream gusto mong flavor?" 'Yon kasi ang kinakain niya, pati 'tong sa akin gano'n din.

"Hmm..." tumango siya.

Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako ng kaming dalawa na lang ang maiwan sa island. Sila Yaya Eve ay nandoon na sa kusina para maghanda ng lulutuin.

"Ano'ng ginawa niyo sa school? Ah nakita mo ba si Darylle? Ano'ng sabi?"

"Ah..." Napaiwas siya ng tingin. Siguro nakalimutan niya ang reply sa akin ni Babe.

"Ano?"

"Ang sabi niya, okay lang daw siya."

"Ano pa?" Bigla kong nailapit ang mukha ko sa kaniya sa sobrang excited kong marinig ang sunod niyang sasabihin. Hindi kasi ako naniniwalang 'yon lang ang sinabi ni Darylle. "Ay sorry," umatras ako kaagad. "Ano pa? Ano'ng sagot niya ro'n sa I love yow ko?"

"I love you too raw. Love ka rin daw niya."

"Talaga? Sinabi niya 'yon?"

"Oo," tumango siya, kaya naniwala naman ako. Wala naman sigurong dahilan para magsinungaling siya.

Natawa ako at bahagyang nanggigil dahil sa sobrang kilig. "Sabi ko na nga ba deds na deds na talaga siya sa akin." Napatakip ako sa bibig ko, dahil hindi ko talaga ma-control ang nararamdaman ko. Grabeng kilig ang dulot sa akin ng reply ni Babe. "Wala ba siyang pinabibigay sa akin?"

"Wala naman," ani Luke.

Sisimangot na sana ako, kaya lang naalala kong si Babe nga pala ang tipo ng tao na 'di mahilig magbigay. Makunat kasi ang bulsa ni Babe. Mana siya sa Mama niyang makunat din at mahilig lang mamburaot.

"Ikaw, ano'ng ginawa mo buong araw?" Siya naman ang nagtanong sa akin. Wala siyang tigil sa kakakain ng ice cream. "Hindi ka ba na-bored?"

Nagulat ako nang hawiin niya ang buhok ko na tumabing sa mukha ko dala ng sobrang kalikutan. "Hindi naman," sinagot ko na lang agad ang tanong niya para hindi kami magkailangan. "Mababait naman sila eh, kaya nagdaldalan lang kami."

"Sabihin mo sa akin 'pag may kailangan ka ha?"

"Hmm..." nakangiti akong tumango.

"'Wag kang mahihiyang magsabi ha? May phone ako ro'n na extra, papahiram ko sa 'yo." Lalong nagliwanag ang mukha ko, dahil sa wakas ay hindi na ako mabo-bored gaya kanina. May mapagkakaabalahan na rin ako. "Basta bawal ka muna makipag-usap sa mga kilala mo ha? Bawal mo sabihin na nandito ka."

"Yes yes yow," gigil akong tumango. "Games lang po."

"Okay, games lang," aniya. "Tutulungan kitang mag-dl mamaya."

"Oki doki," mahina akong napapalakpak. "Thank yow!"

"Welcome," aniya sabay haplos sa buhok ko, dahilan para kabahan akong muli. "Kumain ka na." Umabot ang kamay niya hanggang sa bewang ko, kaya halos magtayuan ang balahibo ko sa katawan.
__________________________________

A Philosopher once said:

"Bawal 'to sa bata, sa mga Kuya lang p'wede."

Luke
__________________________________

CHIKADORANG_NEGRA

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 119K 70
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
47M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
13.6M 501K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...