Nakausap ko naman si Hanna at nayaya ko siya sa double date na ginusto ni Alastair. Hindi ko inaasahang hindi gaanong masasabik si Hanna para sa double date, na parang hindi siya interesado sa pagdala ng kanyang boyfriend pero masaya naman siya kasi makikita na niya ako at si Alastair na magkasama sa date.
She was too happy to see me with the boyfriend I introduced to him. But that was better than letting her know the real issue between me and him.
Nagkita kami sa isang kainan kung saan namin naisipang kumain. It's my first time seeing his boyfriend and he seemed so nice. But the way how Alastair's treating the guy right now's making him show his bad side.
Pareho kaming nananahimik ni Hanna kakikinig sa pagtatalo ni Alastair at ng boyfriend niyang si Zachary.
"Mukhang ikaw kasi 'yong lalaking magloloko sa girlfriend mo, makakita ka lang ng ibang babae, eh! Kaya posibleng agawin mo 'tong si Hanna sa akin!" sigaw ni Zachary, kulang na lang ay kuwelyuhan si Alastair.
"I see, this is how a boyfriend treats his girlfriend. You need to be possessive, is that it?" Alastair asked and Zachary thought he's being teased.
Zachary hissed. "Mukha ba akong nakikipag-interview sa 'yo? Huwag na huwag mong susubukang hawakan si Hanna, mapapatay kita."
Napatigil kaming lahat sa sinabi ni Zachary. Hanna suddenly looked nervous while Alastair reacted nothing, same as me.
"HAHAHA! Huwag ka n-namang manakot sa kanila nang ganiyan, Zachary. Pasensiya na sa ugaling ipinakita niya, Alastair saka Jasryl."
"O-Okay lang," I answered and tried to check if Alastair's not okay with it. But he's very unpredictable, nakangiti siya kay Zachary at parang nakabubuo na ito ng ideya sa isipan niya.
Kaya ba niya naisipan ang double date? Para makahanap ng ideya sa totoong magkarelasyon?
"Huwag mo siyang susubukan, nagkakaintindihan ba tayo? Alastair?" tila nanghahamong tanong ni Zachary kay Alastair.
Ako na ang kinakabahan sa usapan nila.
"Aagawin? Sino? Ang girlfriend mo?" Sandaling natawa ang katabi ko. "As you can see, I have Jasryl in my life already. I don't need other girls in my life other than my Jasryl."
I was never on the place to get flattered by his genuine words to other people. Because he's a real example of a fake one.
That's how he was.
Nakipagsabayan na lamang ako sa galawan ni Alastair nang mabilis niya akong inakbayan. "Si Jasryl ang tumutupad ng mga pangarap ko sa buhay. Kaya kami nagkasusundo."
Napaniwala niya naman si Hanna dahil masaya niya kaming nginitihan. At least, seeing Hanna's relieved face made me feel a bit better.
So I hope she's actually okay, living with Zachary.
"Masaya siguro kayong magkasama araw-araw, ano?" tumatawang sabi ni Hanna. "At, Alastair! I'm so happy for you. That you have such an amazing writer and a girlfriend that you can be proud of."
Nabigla ako. Tila awtomatiko kong hinintay ang reaksyong igagawad ni Alastair sa sinabi ni Hanna. Alam kong hindi maganda ang timpla niyon kay Alastair. He's thinking what's actually true right now. That I was not supposed to be the one who was accepting the credits.
But he needed to stay silent.
That's how he's supposed to be. For his own sake.
"Of course." Alastair smiled proudly. Pero sobrang higpit niyang hinawakan ang braso ko. "I am really happy to have her! And I really love how Jasrly writes those amazing novels."
Nagpatuloy lang ang pag-uusap naming apat at panay tanong ako tungkol sa kung paano umiikot ang relasyon ni Zachary at Hanna upang makaipon si Alastair ng ideya para sa isusulat niya. Kung totoong kailangan niya talaga ang mga sagot na iniipon namin. At kapag pinag-uusapan namin kung paano naman kami magsama ng kunwaring boyfriend ko, si Alastair na ang sumasalo ng kasinungalingan.
Hindi ko na tuloy alam kung ano ba ang totoo at hindi sa mga pinagsasabi niya.
Pero napapaniwala niya sila.
I excused myself to the restroom after we ate lunch. Diretso akong naghilamos ng mukha at tumitig sa repleksyon ko.
"Now what, Jasryl? Ilang pagpapanggap pa? Kasinungalingan at pagsunod sa taong 'yon?" bulong ko sa sarili.
It seemed like it's been my habit to tremble every time I think about me. I was slowly becoming a huge mess by just saving myself from my fault, by gaining more respect.
It's all because of my own name, my parents' name, my pride.
Ganito na ako kalala.
Nakokontrol ako, nasu-suffocate ako, sobra. Pero para makahinga rin naman ako nang maluwang balang araw.
Sana.
"Ja-Jasryl." I flinched when I saw Hanna behind me, from the reflection. Nilingon ko siya.
"Hanna, bakit mo sila iniwan doon? Baka mag-away 'yong dalawa!" kinakabahan kong sabi sa kanya na ikinatawa niya lamang. "Don't worry! Nagtatanong tanong na lang naman na si Alastair tungkol sa relationship namin ni Zach."
"Supportive pala siya sa pagsusulat mo, tinutulungan ka raw niyang mag-ipon ng ideas." Tumabi siya sa akin kaya pareho kaming nakaharap sa repleksyon namin ngayon.
I felt so guilty about how I've been pretending to this friend of mine. I've made a lot of mistakes I needed to fix soon.
If there'd ever be a sooner opportunity to do it.
"Jasryl?"
"Yes?" I looked at Hanna and I froze when she suddenly looked scared, she was filled with worries.
"B-Bakit?"
"Sigurado ka bang okay ka lang sa kanya? Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula noong nanirahan ka kasama si Alastair, ano?"
Nginitihan ko siya. "Oo, huwag kang mag-alala! Okay lang naman ako!"
"Pero bakit hindi na kita gaanong nakikita simula noong lumipat ka sa kanya? O simula noon, hindi ka na nagre-reply sa chats ko sa 'yo?" Napatigil ako sa tanong niya. Kung ganoon, nagpaparamdam si Hanna sa akin, pero hindi ko siya masagot dahil hawak ni Alastair ang phone ko.
Hanna looked at me worriedly. "You didn't game me a reply, not even once. Akala ko, hindi mo na ginagamit 'yong account mo at nag-iba ka na ng cellphone number kasi hindi na kita nako-contact."
It's because Alastair's not answering her.
And she's starting to get curious.
Hindi ako puwedeng mahuli, kahit gusto ko nang maglabas kay Hanna ngayon.
"Sorry! Sorry kung hindi ko nababasa 'yong messages mo! Naging busy kasi ako sa buong buwan kaya hindi ko na nagawang i-check mga nasa inbox ko!" pagpapaumanhin ko sa kanya, mapaniwala ko lang si Hanna.
"Jasryl! Okay lang talaga! At least alam kong maayos ka naman pala, ano! Hindi na ako nagda-doubt kay Alastair, kahit papaano." And she held my hand.
She's really worried to a liar like me.
Guilt and manipulation have been suffocating me. And this would never become easy.
"Thank you, sorry at napag-alala pa kita. Magsabi ka lang din kung may problema ka," malugod kong tugon at niyakap niya pa ako.
"Sure! Pero, kung may time ka na, actually. . . ." Umiwas siya ng tingin at medyo nagambala ako sa pagbabago ng itsura niya.
"Bakit?"
"Ano, may gusto sana akong sabihin sa 'yo, matagal ko nang sinabi, actually. Kasi nasa conversation natin sa phone 'yon, kung may time ka, puwede mong basahin sa chat natin 'yong problema ko."
"Problema? Sabihin mo na ngayon!" suhestiyon ko. Hindi ko mababasa 'yon, hindi ko nga mahawak-hawakan nang sobrang tagal 'yong cellphone ko, eh!
"H-Hindi, i-check mo na lang sa chat natin pag-uwi mo."
"Dito na lang!" pamimilit ko pero nagwagi si Hanna. She didn't tell me what she wanted to say. She explained that it was better for me to know it in her chats than in personal, because we're currently in the wrong time and place.
Tinanggap ko naman 'yon, at mas lalo akong nalunod sa kyuryusidad sa problema nito. Mas malala pa ay malabong malalaman ko kaagad ang nais niyang sabihin dahil si Alastair ang may hawak ng phone ko.
Nauna nang umalis si Hanna sa restroom at nagpaiwan na muna ako. Kailangan kong makahanap ng paraan para makapag-log in sa account ko at makita ang chats niya ngayon, pero wala akong magagamitang cellphone. Paano na ito?
At kapag nagtagal pa ako rito sa restroom, makahahalata na si Alastair.
Napapikit ako at napakagat ng labi. Ang hirap ng ganito.
"A-Ate? I . . . I mean! Miss Jasryl?"
I opened my eyes and reacted nothing when I saw a familiar girl in front of me. Hindi siya makapaniwala sa kaharap niya ngayon.
Wait, this girl. . . .
"H-Hello?"
"I . . . We've met before! Sa taxi, ako po 'yong nakasabay ninyong sumakay sa taxi na umiiyak dahil sa bagsak kong grades!" pagpapaalala niya sa akin at kaagad ko naman itong naintindihan.
Tama, siya nga 'yon.
"Miss Jasryl, hindi ko alam na isa ka palang kilalang manunulat noon. At good luck po sa inyo!"
"Th-Thank you!" masigla kong sagot at nakipagkamayan sa kanya. Medyo matagal na noong nagkita kami pero naaalala niya pa rin 'yon. Siguro hindi niya kasi makalilimutan 'yong araw na nalaman niya 'yong resulta ng grades niya.
I felt bad for this girl back then. She's pressured and anxious by the people around her.
"Kumusta ka na?" I asked her. "Hindi naman sa mangingialam ako."
"Ayos na ayos na po ako--- I mean." Nakangiting umiwas ng tingin ang babae. "Sa ngayon, okay na ako. Pakiramdam ko kasi na-karma na 'yong Professor na nambagsak sa grades ko noon dahil sa maling treatment niya sa students niya."
I creased my brows on her. "Naaalala ko nga 'yong problema mo noon, tungkol ba sa Professor mong bias at pinapaburan ang mga may perang estudyante?"
Tumango siya. "Yes po! Alam niyo po ba? Hindi naman sa nasisiyahan ako sa nangyari sa kanya ngayon pero pakiramdam ko, nakapag-reflect na po siya sa kanyang ginawa."
I looked away and faked a laugh. 'Yong tinutukoy ba niyang sana ma-karma balang araw? Hindi ko inaasahang dumating na 'yong araw na 'yon. Kaya pala masaya 'tong estudyanteng ito.
"I heard, he was drowned in depression suddenly. Bigla na nga lang din siyang temporaryong nag-leave sa pagtuturo noong inamin niya ang mga ginawa niyang mali. He was totally depressed and felt very sorry for those students he victimized. Isa na po ako roon."
"Biglaan na lang talaga? O baka may nam-blackmail sa kanya?" tanong ko, nakapagtatakang ganoon na lang kadaling mahantong sa depresiyon 'yong tao.
Naglabas ng phone ang babae at ipinakita sa akin ang news na naglalahad ng impormasyon tungkol sa Professor at laking gulat ko noong makita ko ang litrato nito.
No way.
It can't be.
He's the Professor who I met in the Estela's estate. 'Yong naimbitahang makipag-dinner sa Estela.
"HAHAHA! Of course, of course! It is my pleasure to be in good terms with your parents. They have my respect! And I look up to them until now."
"Hindi kasi sila nabibigo sa donations at sa pinansiyal na suporta sa University. Kaya, ganoon!"
"Alam mo? Miss Estela? Balita ko, hindi ka ganoong kahusay sa akademiko, ano? Kung nag-aral ka lang sana sa University na sinusuportahan ng mga magulang mo, siguradong wala kaming magiging problema sa grades mo!"
So that's why he said those things before.
No wonder. . . .
"And you know what, po? Miss Jasryl, I heard he's your reader, binasa ko rin 'yong latest na work mo. Siguro nabasa niya 'yong latest novel mo kaya siya na-guilty. Talagang napatamahan siya sa tema ng plot mo, eh!" dagdag pa ng estudyante na mas ikinalamon ko sa kaba.
No way.
Nanginginig akong natulala sa naalala ko.
"I am reading your works, Miss Jasryl! And expect me to read the following novels you're going to publish. Kakaiba ang kahusayan mo sa pagsusulat!"
He read the novel Alastair has written. And it might be targetting the likes of that Professor.