Cassandra's POV
"Ayos ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Trisha kay Liro.
Hawak ni Liro ang icepack na nakalagay sa pisngi n'ya. Stanley punched him, and I saw that.
Hindi ko alam ang buong nangyari pero isa lang ang malinaw. Stanley is not what we think he is.
Lumakad ako palabas ng kwarto ni Liro sa clinic. Nag-lakad ako patungo sa cafeteria para kuhanan sila ng pagkain.
I ordered a lot of food for us. Nang dumating ang mga pagkain ay mabilis ko iyong kinuha at lumabas ng cafeteria para bumalik sa clinic.
Bitbit ang pagkain ay tahimik akong naglalakad hanggang sa may humarang saaking harapan.
Biglang tumaas ang kilay ko nang makita kung sino iyon.
"Cassandra..."
Nanatili akong tahimik. Hindi alam ang sasabihin sakaniya.
"Can we talk?" He asked.
Napabuntong hininga ako. "About what, Stanley?" sabi ko.
Tumingin s'ya sa mata ko at nagbaba sa mga dala ko. Napabuntong hininga din s'ya gaya ko.
"I know that you saw it. And I swear, It's not me" sabi n'ya.
Hindi nag bago ang ekspresyoon sa mukha ko. Bakit ba n'ya sinasabi ito?
"I know that this sound so impossible but believe me, Cassandra. I did not do it. Hindi ako ang may control kanina" sabi n'ya, nakababa na ang tingin.
"Then, who is it? Who punched my friend?" sabi ko sa matigas na boses.
Natahimik s'ya at hindi makapag-salita. Binuga ko ang hininga ko dahil sa disappointment.
Sinimulan ko na lumakad at nilagpasan s'ya. Pero bago pa man ako makalayo ay napahinto ako agad dahil sa sinabi n'ya.
"Someone's controlling my body. And It feels like my powers are betraying me too. Something's wrong, Cassandra. And I don't know what is it" sabi n'ya bago ko narinig ang lakad n'ya palayo.
He's out of control...
But why?
"Thank you sa pagkain, Cassandra!" nakangiting sabi ni Belle saakin.
Kumuha na din sila Blizz at at Liro. Kumuha din ako ng isang sandwhich at sinimulang kainin iyon.
Wala si Jake dahil tinawag s'ya ni Ms. Clever. Kami lang lima ang nandito ngayon sa clinic.
"Hey guys, Can I ask some question?" sabi ko na nakapagpatahimik sakanila.
"Kung itatanong mo kung bakit ganito ako ka gwapo ay hindi ko masasagot iyan" sabi ni Blizz.
Napa-iling naman ako dahil doon bago sumeryoso. Nag dadalawang isip pa ako sa pagtatanong pero dahil mukha naman silang interesado ay ayoko na silang bitinin pa.
"Do you perhaps experience loosing control of your abilities?" sabi ko.
Gaya ng inaasahan, nangunot ang noo nilang lahat dahil sa tanong ko.
"Yes" sabi ni Trisha.
"It happened when I was young. I'm out in the woods and then I felt something weird. Next thing I knew, I was attacking something. I ran to catch it without realizing I was heading towards the cliff" sabi n'ya.
Napatango naman ako nang malaman na may ganon pala s'yang karanasan. Tinignan ko sila Liro, Belle at Blizz ngunit mukhang wala silang karanasan na ganon.
Tinignan ko si Trisha na nagsimula ulit kumain. Napansin ko ang tingin ni Belle sa peripheral vision ko kaya tumingin ako sakaniya.
Nang tignan ko s'ya ay agad s'yang tumingin kay Blizz.
Tumayo naman ako at pumasok sa bathroom para umihi. Paglabas ko ay nakahanda na ang sila para umalis.
Wala naman na gaano ang pasa sa mukha ni Liro. Mabuti nalang talaga at iba ang gamot dito kaysa sa gamot sa normal world.
Paglabas namin ay dumiretso kaming lima sa IAO para mag training. Nagsimula kami ni Belle sa pag ensayo sa sarili naming kakayahan. Sa ilang buwan kong pag eensayo at sa nangyaring labanan ay malaki ang naging improvement ng katawan ko.
Mas humaba ang minuto na kaya kong itagal sa paglabas ng mga abilities ko kaysa dati na mabilis akong maubusan ng enerhiya. Ngayon, nag eensayo naman kami ni Belle para makita namin ang mga paraan kung paano namin pagsasamahin ang mga abilities namin para lalo kaming lumakas.
Nakakapagod ang limang oras na ensayo kaya nang lumabas kami sa IAO ay mag didilim na. Agad kaming nagpaalam sa isa't-isa para bumalik sa kaniya-kaniya naming dorm at mag pahinga.
Pumasok ako sa bathroom para maligo. Habang nakababad ay pinagmasdan ko ang mga kamay ko. Bigla kong naalala ang nangyari sa kweba.
Nawalang ako ng kontrol sa apoy ko. Sigurado akong hindi ko iyon inilabas habang hawak ko ang kamay ni Jake pero bakit ganon?
Then, I remember Stanley's words earlier, which makes me wonder if we can get out of control of things that we should know if we're doing.
I mean, to use your ability is to know which ability will you use, right?
The ability....
"Cassandra!?"
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig si Belle sa labas. Hindi maganda ang tunog ng tawag n'ya dahilan para bilisan ko ang pag-ligo ko at lumabas na nang matapos.
Bumungad saakin si Belle na mukhang gulat na lito. "We need to hurry. Ms. Clever called and wants to see us in her office right now."
Napahinto ako saglit dahil sa kalituhan ngunit gumalaw na din at tinapos ang pag-aayos ko para makalabas na kami.
"Nandoon na si Trisha. Gosh! Iba ang pakiramdam ko sa tawag ni Ms. Samantha. She sounded like she's about to cry"
Dahil sa sinabi ni Belle ay sumilay ang kaba sa dibdib ko. Ano nanaman kaya ang nangyari ngayon?
Nagmadali kami ni Belle tumakbo para makapunta sa office ni Ms. Clever. Nang makarating ay agad naming binuksan ang pintuan at ang sumalubong saaming dalawa ay ang napakatahimik na kwarto.
Nakayuko si Ms. Clever habang tulala si Mr. Malfori. Kausap ni Tito Luis si Jake habang may kausap naman si Dad sa phone. Sila Trisha, Blizz, Liro naman ay tahimik lang at nakatulala din sa kawalan.
"What happened?" I asked.
Sabay-sabay silang bumalik sa wisyo at tinignan kami ni Belle na walang kaalam-alam sa nangyayari at kung bakit sila nagkakaganito ngayon.
"The six of you will be excuse for the mean time. I want you all to go to Rudolf and help them. This is too much for them right now." si Ms. Clever.
Wait, what!? Rudolf....
Napatingin ako kay Jake nang makasalubong ko ang mata n'ya. Tumayo s'ya at lumapit saamin bago napabuntong hininga. Mukha din s'yang lugmok ngayon.
"Baron is dead. The founder of Rudolf died today."
What Jake said shocked both me and Belle. Hindi kami makagalaw sa nalaman. Napatulala ako sa kawalan at hinintay na iproseso ng utak ko ang nalaman ko ngayon lang.
The great founder of Rudolf....is dead.
The founder fell...
"Go and pack your things. We'll leave right away." Jake said before tapping my head and left the room.
Tinignan ko naman sila Belle at Trisha na sabay-sabay na lumakad papunta sa pinto. Lumapit naman muna ako kay Dad.
"We'll excuse you to your classes. Get your things na. Sasamahan namin kayo hanggang Lureska" sabi ni Daddy bago bumalik sa phone n'ya.
Tinikom ko nalamang ang bibig ko at tumango bago sumunod kila Belle at Trisha. Tahimik kaming tatlo dahil sa balitang nalaman.
Hanggang sa pagkuha ng gamit ay walang nag-salita. Natapos kami sa pag-impake at dumiretso na sa parking lot kung nasaan naghihintay ang dalawang sasakyan.
Sumakay na ako sa kotse ni Jake. Kasama namin sa loob si Belle at Liro habang nasa kabila naman si Blizz dahil s'ya ang magmamaneho. Nandoon sa likod nila sila Tito Luis at Ms. Clever habang nauna na daw sila Dad at Tito Francisco umalis.
Dahil gabing-gabi na ay balak namin huminto sa Lureska. Hindi kasi kami aabot sa Rudolf agad dahil sa haba ng byahe. Alam ko din na pagod silang lahat kaya mabuti na mag pahinga muna kami bago tumuloy.
Natulog lang buong byahe sila Belle at Blizz habang ako naman ay nakapikit lang ngunit hindi makatulog dahil sa iniisip.
Ang daming tanong na namumuo sa utak ko at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot doon.
Bakit biglaan naman ang nangyayari? May sakit ba si Baron? Ano ang nangyari? Paano na ang Rudolf? May traydor din ba sa kanila?
Marami akong tanong pero hanggat wala pa kami doon ay alam kong wala pa akong makukuhang sagot. Sana lamang ay maging maayos ang byahe namin.
Dinilat ko ang mata ko at tumingin kay Jake na seryosong nagmamaneho. Inayos ko ang upo ko sa passenger seat at binaling ang tingin ko kay Jake.
"How are you? Ayos ka lang ba?" tanong ko sakaniya.
Napasulyap naman s'ya saakin bago pilit na ngumiti. Alam ko ang nararamdaman n'ya. Hindi lang kaibigan ang turing n'ya kay Baron kung hindi ay isang pamilya.
Nang libutin n'ya ang magic world noong bata pa s'ya ay lagi n'yang binabalikan ang Rudolf para kay Baron. Dahil busy si Tito Francisco sa pagkawala ni Dad, Mom at ni Tita ay si Baron ang lagi n'yang natatakbuhan.
He was his second father. He was so good to Jake and never let him feel unwanted. He was there. Baron was there.
Dumating kami sa hotel na pinuntahan din namin dati. Buong pag-akyat namin sa floor namin hanggang sa pag pasok sa mga kwarto ay tahimik kaming lahat. Bumaba kami sa groundfloor para kumain dahil kailangan namin ng lakas.
"Nakausap ko ang secretary ni Baron. May nakahanda na daw doon na kwarto para sainyo. Nakalulungkot man na hindi kami makakasama pero may kailangan kaming puntahan" paliwanag ni Ms. Clever.
"Ayos lang po. Kami na po ang bahala doon. Babalitaan nalang po namin kayo sa kung ano ang nangyayari" sabi ni Belle.
Medyo nakakausap ko na si Belle ngayon kaysa kanina na kakasabi lang ng balita saamin.
Tumingin ako kila Blizz at Liro na tahimik na kumakain.
"Do you want some dessert?" I asked.
Sinulyapan ko si Jake na hindi din kumibo. Si Trisha at Belle lang tuloy ang nag sabi ng gusto nilang dessert.
Nang matapos kaming kumain ay napatingin ako sa pwesto ni Jake nang bigla s'yang tumayo. Tumingin s'ya saakin bago ngumiti nang maliit.
"I'll go first. Continue your food." sabi n'ya bago nagpaalam din kila Dad at tuluyan na umalis.
Nakita ko kung paano bumuntong hininga si Tito Francisco. "It's really hard for him" sabi n'ya.
"Hayaan mo nalang muna s'ya, Francisco. Masyadong nakakagulat ang balitang ito para sakaniya"
"Para sa ating lahat, Clever. Nakakabigla ang nangyari" sabi ni Dad.
Napatingin naman ako sakaniya. "Ano po ba ang nangyari?" kuryoso kong tanong.
Napatingin naman muna s'ya kila Ms. Clever bago humarap ulit saakin.
"Baron died because of poison"
"Po?" sabay-sabay kami ng reaksyon nila Belle nang marinig iyon.
"May nag lagay ng lason sa collar n'ya dahilan para hindi s'ya makahinga nang isuot n'ya iyon." si Tito Luis.
"Sino naman po kaya ang gagawa no'n kay Baron? Kinakatakutan s'ya ng mga Drolf" si Blizz.
"And that's also our question" si Ms. Clever.
"Isa lang ang ibig-sabihin nito" sabi ni Liro na nakababa ang tingin sa plato n'ya.
"Hindi isang Drolf ang lumason sakaniya"