Entangled With You

By Senyoratrat

259 15 5

Century of years ago, the war between angels and demons had arisen. In a majestic palace of Heavenly Realm, C... More

• - DISCLAIMER - •
• - AUTHOR'S NOTE - •
• - PROLOGUE - •
• - CHAPTER 1 - •
• - CHAPTER 2 - •
• - CHAPTER 3 - •
• - CHAPTER 4 - •
• - CHAPTER 5 - •
• - CHAPTER 6 - •
• - CHAPTER 7 - •
• - CHAPTER 8 - •
• - CHAPTER 9 - •
• - CHAPTER 10 - •
• - CHAPTER 11 - •
•- CHAPTER 12 -•
•- CHAPTER 13 -•
•- CHAPTER 14 -•
•- CHAPTER 15 -•
•- CHAPTER 16 -•
•- CHAPTER 17 -•
•- CHAPTER 18 -•
•- CHAPTER 19 -•
•- CHAPTER 20 -•
•- STANLEY'S POV -•
•- AUTHOR'S POV -•

•- EPILOGUE -•

7 1 0
By Senyoratrat

Oh, bakit ka nandito?! Sure ka bang nagsimula sa ka prologue kaya ka nakaabot ka dito sa epilogue? Well, alam ko naman na may trust issues ka pero ’wag kang pasaway, oki? Magsimula ka muna sa prologue, hija! Akala mo ha. Shoo, shoo, alis na! Balik ka na!

















Oh, kita mo hindi pa rin umaalis oh. Uunahin talaga munang basahin ’yong ending oh. Ay, aba naman! Apakagaling! Isa pa, shoo, shoo! Balik ka na sa umpisa!

— Nagmamahal,
Wala. Walang may nagmamahal sa ’yo.

Charot, ako ’to, the flopped writer in the hauz,
Senyoratat











— EPILOGUE —

The setting sun was a perfect way to end the exhausting day. Its fading warmth sent comfort to my longing skin. The view of people walking down the street, students enjoying while eating street foods with their friends and couples peacefully spending time with the company of each other, made me realize how ending can be sometimes beautiful too.

Sa ilang sandali lamang ay sasapit na naman ang panibagong gabi ng Hulyo. Habang mabilis ang pag- andar ng aking motorsiklo ay malayang isinasayaw ng mabining hangin ang aking mahaba at kulot na buhok. Muli kong naalala ang dahilan ng aking pagmamadali.

Palabas ako ng bahay kanina para sana bumili ng ulam namin sa hapunan nang saktong pagbukas ko ng gate ay kaagad akong sinalubong ng hinahapong si Jeth, ang bestfriend ng kapatid kong si Liam. At base sa kaniyang nininerbyos na ekspresyon, mukhang balot ng pawis, sunod- sunod na paghabol ng hininga, at ang bakas ng pasa sa gilid ng kaniyang putok na labi, mukhang alam ko na kung ano ang kaniyang sasabihin at isa lang ang sure ako. May mapipikot akong tainga ng isang pasaway ngayong gabi.

“Oh, Jeth, bakit ikaw lang mag- isa? Saang lupalop na naman nakipagbasag- ulo ang magaling kong kapatid?”  usisa ko.

“Ate, may naagrabyado na aroganteng lalaki si Liam kanina no’ng pauwi na kami galing sa school. Nagkainitan sila at nauwi sa suntukan. Ate, sinubukan naming manlaban kaso masyado silang malakas! Kinaladkad nila si Liam. Hindi ko alam kung papaano nila nalamang miyembro kami ng Risum. Tapos gusto ng lalaki na ang mismong leader ang pumunta sa kanila. Ate, tulungan mo si Liam nasa panganib ang buhay niya!”  Kabadong salaysay ni Jeth.

Bumuntong- hininga ako bago tumango.  “Sige, ako na ang bahala. Sa ngayon, umuwi ka na muna sa inyo. Gamutin mo ’yang sugat mo. Balitaan na lang kita kapag nakabalik na kami,”  utos ko bago mabilis na tumungo papuntang garahe at kaagad na pinaharurot ang itim kong motorsiklo.

Kaya heto ako ngayon, halos paliparin ang aking motor patungo sa address na binigay sa akin ni Jeth. Halos kabisado ko na ang mga lugar at pasikot- sikot na eskinita rito sa syudad namin at kung dati hindi pamilyar sa akin ang lugar na nasa papel, ngayon ay alam na alam ko na kung nasaan ito. Ipinilig ko ang aking ulo. Kailangan kong bilisan para matapos kaagad. Nagugutom na kasi ako.

I know it’s kinda deja vu to what exactly happened five years ago but I diregarded the thought because my brother’s life was surely in danger.

Nang marating ko ang address, agad kong pinatay ang makina ng aking motor at ibinulsa ang susi sa suot kong high waisted jeans. Buti na lang this time, nakabihis na ako hindi gaya ng dati. May pupuntahan kasi kami ni Kino pagkatapos ng hapunan kaya nagbihis na ako bago kumain kasi sabi niya, bawal daw akong ma- late.

Naiinis ako dahil nasira ang pinaghirapan kong ayos ng aking buhok. Halos dalawang oras pa naman bago ko ’to natapos. Humanda talaga sa ’kin mamaya ’yang si Liam. Makakatikim siya sa ’kin ng creamy sermon!

Maingat kong tinulak pabukas ang kinakalawang nang pinto. Inihakbang ko ang aking kanang paa para maipasok ang kalahati ng aking katawan at ang kalahati ay nanatiling nasa labas upang makapaghanda sa posibleng pagsalakay na hindi ko inaasahan anumang oras. Sinipat ko nang maigi ang madilim na kabuuan ng building. May naramdaman akong nakakubli sa likod ng dalawang malaking haligi na siyang daraanan ko papasok at may isa namang nakaabang sa bandang kanan kung sakaling doon ako dadaan.

Napangisi ako. Limang taon na ang nakararaan pero hindi pa rin nagbabago ang tactics ng mga gunggong. Sakit na yata nila ang pagiging bobo. Kitang pumapasok ang sinag ng buwan sa loob ng building, hindi pa nagtago nang maayos. ’Yan tuloy kitang- kita ang mga anino nila.

Sino kaya ang leader ng grupong ’to? Kasi kung ako, ikakahiya ko ang ganitong klase ng mga kasapi. Wala kaya akong tangang miyembro sa Risum!

Nang makabisado ko ang posisyon ng mga kalaban ay taas noo akong pumasok.

Tapusin na natin ’to para makakain na ako.

Gaya ng inasahan, unang umatake ang lalaking nasa kanan ko. Nagbitaw siya ng malakas na suntok. Umilag ako pakaliwa kaya dumaan lamang ang tira sa kanang bahagi ng aking tainga. Napangisi ako nang marinig ang lakas ng pwersa na dala ng kaniyang kamao. Paniguradong tataob ang ordinaryong tao na tataam no’n. Hindi niya inasahan ang mabilis kong pag- ilag kaya naman hindi siya nakahanda nang ako naman ang sunod na bumitaw nang paimbabaw na suntok gamit ang aking kaliwang kamay. Tinamaan siya sa panga at sa lakas ng impact ay napasigaw siya. Muli akong napangisi nang marinig ang pag- crack ng kaniyang mga ngipin.

Sunod na sumugod ang dalawang nakaabang sa likod ng malaking haligi. Ang isa ay nagpaulan ng suntok samantalang ang isa ay nagbitaw ng mataas na sipa, target ang aking mukha.

Sorry, boys. Basagin niyo na lahat, huwag lang ang aking pretty face at clear skin. Gumagastos ako ng libo para sa skin care ko kaya ingat at baka magbago ang plano kong buhayin kayo ngayong gabi at dito na ang magsisilbing huling hantungan ni’yo.

“Yaah!”  sigaw ng dalawa at sabay na sumugod.

Patalikod akong lumiyad para iwasan ang sipa at suntok at nang makabawi ay kaagad na umikot para malakas na hilahin ang kanang kamay ng unang lalaki at ilibot ito sa kaniyang leeg bago ibalibag ang kaniyang ulo gamit ang aking kaliwang braso at kanang kamay. Kaagad siyang humandusay sa sahig at nawalan ng malay. Hindi kaagad nakapag- react ang isa pang lalaki na nagtangkang sumipa kaya naman bago pa siya bumalik sa huwisyo ay sumugod na ako para ibalik sa kaniya ang taekwondo kick na tumama sa kaniyang pangit na mukha. Natumba siya sa sahig at nawalan ng malay.

Humugot ako nang malalim na paghinga at pinagpag ang damit kong binalot ng alikabok.

Ang weird. Ganitong- ganito rin ang mismong galawan ng mga lalaking nakalaban ko rati.

Sila rin ba ang mga lalaki na ’yon?

Sinuri ko ang bawat lalaking nakahandusay at kaagad kong nakilala ang kanilang mukha.

Sila nga ’yong mga lalaki! Hindi ako maaaring magkamali!

Mabilis akong tumayo at lumakad paatras. Sa unang hakbang ko ay kaagad akong napatigil nang may maramdaman akong kilos at narinig na mahihinang ingay sa paligid. Pasimple kong inilibot ang mga mata. Huli na nang ma- realize ko na nasa gitna ako ngayon nang malawak na space. Isa- isang nagsilabasan sa madilim na sulok ang mga taong nakaitim. Lahat sila ay may suot na black cap. Apat silang lahat.

Nakabibingi ang katahimikan ng gabi. Dahan- dahan ang kanilang maliliit na hakbang habang pumapaikot sa akin. Pagtingin ko sa kanan ay nakita kong hinihimas ng isa ang kaniyang kamao at pagbaling ko naman sa kaliwa ay namataan kong tumatalon- talon ang pinakamaliit sa apat na parang anytime ay sasabak siya sa boxing ring.

Nag- isip ako nang mabuti. Kung ako lang, kayang- kaya kong talunin ang apat na gunggong na ’to. Pero kailangan kong maging maingat dahil hawak nila si Liam. Kalkulado ko ang nasa isip ng leader nila. Gagamitin nila ang kapatid ko panlaban sa akin.

“Nasaan ang kasapi ko?”  mahinahon kong tanong.

Kailangan ko na maging maingat. Hindi nila pwedeng malaman na kapatid ko si Liam kung hindi ay baka malaman nila ang tunay naming katauhan at mapahamak ang buo kong pamilya.

Isa- isa umatake ang apat. Ang una ay maingat ang galaw ngunit may pagka- mahinhin kaya nalaman kong babae siya. Nakapagtataka pero pamilyar ang galaw ng isang ’to. Ang dalawa naman ay sabay na sumugod. Pareho sila ng galaw dahilan para mas lalong kumunot ang aking noo. Mas lalong pamilyar sa akin ang galaw ng dalawang ’to. Ang isa naman, sa halip na sumugod ay umupo at sumalampak siya sa sementong sahig at nangalumbaba. Pinagtinginan siya ng kaniyang kasamahan at sinenyasang sumugod ngunit hindi niya pinansin ang mga ito. Narinig namin ang impit na tunog nang bumukas ang pinto ng bodega. Sandaling nagkatinginan ang tatlo at pagkatapos magsenyasan ay sabay silang sumugod sa akin.

Biglang humangin nang malakas at bago pa man tumama sa akin ang suntok ng isa, may kamay na na biglang humawak sa kaniyang kamao. Isang lalaki ang biglang sumulpot sa gilid ko. Mukha naman siyang kakampi. Pinalibutan kami ng tatlong kalaban kaya tumalikod kami sa isa’t isa para humanda sa sunod na atake. Ngunit hindi na umabante ang tatlo. Dahan- dahan silang umatras papalayo.

“Oh my gosh! I hate this! Ang init sa mukha!” 

Nagulat ako nang alisin ng taong nakasalampak sa lupa ang kaniyang suot na cap at ginamit iyong pang- paypay sa kaniyang sarili.

“Stacy!?”  Nanlaki ang mga mata ko.  “Ikaw nga!”

She smiled and waved at me. Pagkatapos ay sunod- sunod na kinuha ng tatlong nakalaban ko ang kanilang suot na cap.

“What the hell!?”  I screamed.

“Hi!”  Masiglang bati ni Trevor.

Awkward na tumawa si Tiffany bago nagsalita.  “H- hello?”

Samantalang nanatili namang tahimik si Clever habang nakatingin sa akin. Or should I say, sa amin ng taong nasa likod ko.

My heart was beating so loudly that the person behind me could hear it for sure. It’s the only sound that I could hear like the insistent heavy drumming of rain beating upon a window pane.

That scent. . . that exact familiar scent . . .

No, it can’t be. . .

Hinarap ko siya at mabilis kong hinawi ang suot niyang cap para malapitan kong makita ang kaniyang mukha dahil pamilyar na pamilyar sa akin ang suot niyang pabango.

Nanubig ang aking mga mata.

Oh, gosh! How I miss this scent! Lalo na ang taong nangmamay- ari ng pabangong ’to. If only I am dreaming now, ayaw ko nang gumising. If only I am seeing ghost now, willing akong magpa- open ng aking third eye para lang lagi kong makita ang multong nasa harapan ko ngayon.

Muntik akong matumba. Nanghina ang mga tuhod ko sa pagkabigla. Buti na lang at may dalawang kamay na maagap na sumuporta sa akin. Ang isa ay sa kaliwang kamay ko at ang isa naman ay sa kanang beywang ko.

Inalis ko ang kaniyang kanang kamay na nakahawak sa aking kaliwang kamay at sinuri iyon. Tumambad sa akin ang simbolo ng puting ahas na nakaukit sa kaniyang palapulsuhan.

Hindi . . .

Mabilis kong tinabig ang kaniyang kamay at pag- angat ko ng tingin ay malapitan kong napagmasdan ang kaniyang mukha nang tamaan ito ng sinag ng buwan na siyang tanging nagsisilbing ilaw sa loob ng madilim na gusali.

Hindi ako maaaring magkamali.

It’s really him.

He’s back.

He’s . . . alive.

“Stanley?”  Hindi makapaniwalang bigkas ko sa kaniyang pangalan.

“Yes. It’s me . . . Sereia.”

“It’s really you!” I exclaimed.

Niyakap ko siya nang mahigpit. Sobrang higpit. ’Yong tipong hindi na ulit siya mawawala sa akin.

I cried because of too much happiness! Ito lang ’yong tanging rason ng pag- iyak na gusto ko!

Stanley chuckled.  “You’re almost choking me, langga. But it’s fine because I miss your hugs.”  He hugged me tighter.   “I miss you so much, Sereia.”  He heartfully said.

“Okay! Out na kami! Maiwan na namin kayo ah! Malalaki naman na kayo eh.”

I tried to let go from hugging Stanley but he never let me. Instead, he brought back my hands into wrapping his neck and he pulled me even closer.

“Narinig mo lang boses niya, kakalas ka na? No, I won’t let you, Sereia. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ’to.” 

Stanley sounded like a kid. Para siyang nagta- trantrums dahil kinukuha sa kaniya ang paborito niyang laruan.

“But—”

He immediately cutted me off.  “No, buts. Deserve natin ang moment na ’to kaya hayaan mo sila,”  he murmured while pouting.

Natawa ako ngunit agad ding natahimik nang bigla niya akong binulungan.

“I’m warning you. Huwag mo ’kong tawanan, Sereia. Nasisira ang kaastigan ko,”  mahina niyang bulong.

Muli akong tumawa para sana asarin siya ngunit nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

He lowered his face and reached for my lips with his. Nanlaki ang mga mata ko.

Stanley kissed me!

“Oh my god ang rindi! Okay, totoo na talaga, I’m out! Ang sakit ni’yo sa mata!” 

Napangiti ako sa reaksiyon ni Kino. Narinig ko ang sunod- sunod na yabag ng iba pa palabas maging ang tunog ng pagsara ng pinto.

Stanley let go and when I checked, there’s only two of us left inside the building.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa leeg ni Stanley at pagkatapos ay napayuko after kong ma- realize na ’yon ang aking first kiss.

“I think . . . I think I deserve an explana—”

Hindi ko na natuloy ang balak na sabihin nang muli akong hinatak ni Stanley at sa pangalawang pagkakataon, ang aming mga nangungulilang mga labi ay naging isa. It was my first time kissing someone and I have no fucking idea how to do it. But Stanley was a pro. He’s like guiding me on the next thing that I need to do.  I didn’t expect kisses would be this sweet. It’s like some kind of addiction to my system. When Stanley let go, we were both catching our breaths. Pareho kaming natawa nang mapatingin kami sa isa’t isa.

“Omg!”  Nahihiyang bulalas ko sabay tabon ng aking mukhang naging instant kamatis.

Para akong elementary student na namumula at kinikilig ngayon.

Stanley giggled. 

“My langga is blushing,”  pang- aasar niya.

Hinampas ko siya sa braso. Nahihiya na nga ’yong tao inaasar pa!?

“Stop laughing! May kasalanan ka pa sa ’kin!”  Pagmamaktol ko.  “Akala ko . . . akala ko . . .”  Sandali akong tumigil nang biglang may kung ano na parang nakabara sa aking lalamunan. My mixed emotions inside was about to explode.

Hindi ko na napigilan ang sarili at tuluyan na akong napaiyak. I was too overwhelmed. I am so much happy. Alam na alam ni Lord kung gaano karaming beses kong hiniling sa kaniya na mangyari ang araw na ’to. Kahit imposibleng mangyari, hindi ako nawalan ng pag- asa. I kept praying and praying na sana, panaginip na lang ang lahat. Na sana, magising ako isang araw na nasa piling na ni Stanley. Na sana hindi na ulit kami paghihiwalayin dahil hindi ko na talaga kakayanin.

After split seconds, he stopped laughing. Inabot niya ang dalawa kong kamay at maingat itong pinisil.

“Sorry, langga ko. I didn’t intend to hurt you. The fact is that, after I went back from US, I tried reaching out for you. I also sent multiple flowers, chocolates and letter but you throw them all away.”

My forehead creased.  “Ano!? Sa ’yo lahat galing ’yon?”  I exclaimed.

Totoo na ilang beses akong nakatanggap ng bulaklak, chocolates at letters noong mga nakaraang taon pero hindi ko naman alam na sa kaniya galing lahat ng ’yon. Una sa lahat, hindi ko alam na buhay siya. Akala ko galing lang sa kung sino. Akala ko galing sa mga secret admirers gano’n kaya hindi ko tinanggap lahat. Hindi naman ako umasa na makatatanggap pa ng kung ano mula sa kaniya dahil sino ba naman ang patay na magpapadala ng bulaklak at chocolates!?

He nodded, confirming that it was really him. 

“Pero ilang beses lang ’yon, Stanley. Natigil din ’yon,”  kwento ko.

He pouted again. 

“It’s because of Kino, langga,”  pagsusumbong niya.

I can’t help from smiling while I was looking at him right now. Ang cute cute talaga ng langga ko. I badly wanted to pinch his rosy cheeks!

“Bakit? Anong tungkol kay Kino?”  I innocently asked.

“I thought you two are already dating,”  nahihiyang pag- amin niya.

Natawa ako.  “What!?”

“Palagi ko kasi kayong nakikita na nagde- date, Sereia. Tapos sa mga mamahaling restaurant pa. Palagi ka pang todo bihis kapag kumakain kayo sa labas. Napakaganda mo palagi kaya nagseselos ako. Tapos panay pa ang hawak niya sa beywang mo. Ang sakit kaya!”  Pagtatampo ni Stanley.

Ang cute lang kasi ang laki at ang lalim ng boses niya habang nagsasalita pero mukha siyang bata na parang nagsusumbong sa akin.

I smiled before pinching his cheeks. 

“Huwag ka nang magtampo at magalit! Sus, alam mo naman na sa ’yo lang ako rurupok eh,”  I assured him while can’t stop smiling.

His eyes twinkled.  “Really?” 

I nodded while smiling.

“Then, prove it.”

Napanganga ako nang bigla niyang hinapit ang aking beywang. Muling nagkalapit ang aming katawan at walang akong ibang naramdaman kung hindi ang kapayaan na tanging sa kaniyang piling ko lang nararamdaman.

I rested my both arms around his neck. Tumingkayad din ako para magpantay ang tangkad naming dalawa.

“I love you,”  he said in between our kisses.

“I love you too, langga ko.”  I wholeheartedly replied.

Once again, I was elated within our own world. A world where I can be live together with the man I love. A world where no one can hurt me. A world where I can be genuinely happy. And this time, I was not alone. I am together with Stanley– the one and only man that I’m willing to spend my whole lifetime with.

Ang lahat kong alinlangan ay tuluyan nang nabura.

Ang mga takot ko’y biglang nawala.

Ang mga sugat ay tuluyan nang naghilom.

At ang lahat ng sakit ay lubusang napawi.

Ngayong magkasama na kami ni Stanley, kahit ang kalawakan ay hindi kayang paghiwalayin kaming dalawa. Sapagkat pagkatapos nang mahabang pakikipagsapalaran, sa wakas, ay amin nang natagpuan ang daan patungo sa piling ng isa’t isa.

I am now . . . and forever . . . entangled with him.

— WAKAS  —

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 181K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
3.3K 438 10
Lady Aimee Montgomery, an curious English noblewoman with a thirst for history, stumbled upon her great-grandmother Amelie's aged diary. Within its d...
228K 14.9K 144
Disclaimer: I do not own this story, this is just and heavily edited MTL. Full title: Stockpiling Supplies and Raising a Child in the Post-Apocalypti...
113K 11.2K 80
တစ်ပိုင်းချင်း စာပြန်စစ်ပြီး ပုံတွေ ပြန်ထည့်၊ ရှင်းပြထားတဲ့ မှတ်စုလေးတွေ ပြန်ထည့်ပြီး တင်ပေးပါမယ်ရှင်။ စိတ်ဝင်စားတဲ့စာဖတ်သူတွေအနေနဲ့ မပျက်ခင် ဖတ်ကြပါ...