[HIATUS][EXO & OC] I AM EXO'S...

By NANANANANigel

14.2K 198 127

Ako si Kim Chi Hoon and I AM EXO'S THIRTEENTH More

I AM EXO'S THIRTEENTH [SOON]
첫번째 [First]
두번째 [SECOND]
세번째 [THIRD]
네번째 [FOURTH]
다섯번째 [FIFTH]
여섯번째
일곱번째
IMPORTANT PLEASE READ
여덟번째
아홉번째
열번째
IMPORTANT AGAIN
열한번째
열두번째
열세번째
열네번째
MUST READ
열다섯 번째
열여섯 번째
열일곱 번째
열여덟 번째
스물번째

열아홉번째

188 6 1
By NANANANANigel

A/N: maikli lang to :( sorry talaga. Madami rin akong inaatupag HAHAHAHA

---

[CHEN/DAERYEONG's POV]

Is this real? Hindi ba nananaginip pa ako? Tulog pa yata ako eh pero I can hear his light snores so probably totoo to. Fountain na naman yata ang peg ng mga mata ko. May identity crisis tong mga to eh. Nakalimutan na nila na mata sila, akala nila fountain sila. Bumuhos na naman ang luha ko. Tangina napakaiyakin ko talaga. Tinitigan ko siya. Nabu-bwisit ako sa sarili ko kasi nangyari to. Bakit pa kasi ako umalis? Bakit ko pa sila iniwan? Doon nag-ugat lahat ng ito eh. Ang tanga-tanga ko.

Dahan-dahan kong kinabig ang ulo niya at inihiga siya sa hita ko. Hinawi ko ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya. "Daeryeong" bigla niyang sinabi kasabay ng pagdilat ng mga mata niya. Hinawakan ko ang pisngi niya. Isang matamis na ngiti ang bumungad sa akin, ang ngiting pinakamamahal ko, ang ngiting nakakapagpangiti sa akin. Pinilit kong suklian ang ngiti niya kahit alam kong napakapangit ko dahil nakangiti ako habang naiyak.

"Kimchi. Kimchi, I'm sorry. Patawarin mo ako. Sorry, Kimchi." Paulit-ulit akong humingi ng tawad. Kulang pa ito para sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya. Ako nalang dapat ang sumuntok sa pader dahil mas deserve kong masaktan dahil sinaktan ko ang mga pinakamamahal kong mga kaibigan.

Naramdaman ko nalang bigla ang kamay niya sa kamay ko. He held it close to his face and said "Ako ang patawarin mo, Dae. Sobrang mali ng ginawa ko. Sobrang mali. Hindi ako dapat nagalit. Hindi rin dapat ako nagmura. Pinakinggan din dapat sana kita sa mga sasabihin mo. Ako ang nagkamali, Dae. Pat--"

"Pakshet naman eh, magsisisihan pa ba tayo?" Pagbibiro ko. "Alam nating dalawa na sa akin nag-ugat ang mga ito pero magaakuan pa ba tayo ng sisi? Hindi naman tayo matatapos kung parehas nating sasabihing may kasalanan tayo. Pwede bang sabihin nalang nating quits na tayo?"

Natawa siya. Dahan-dahan siyang umupo ng tuwid. Nabigla ako ng bigla niya akong hinila papunta sa kanya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya ng mahigpit dahil matagal ko na siyang gustong yakapin bilang si Daeryeong. Para bang napawi ang lahat ng tagpo ang dalawang kamay ko sa likuran niya. Narinig ko na lang na umiiyak din siya.

"Namiss kita" turan niya. Mas lumakas ang pag-iyak ko pero pinilit kong sumagot. "N-n-nam-miss din k-kita"

"Ho ho ho what is this?" Isang pamilyar na makulit na boses ang umalingawngaw sa kwarto. Naghiwalay kami ni Kimchi at nakita ko si Baekhyun na nakangiti at nakatingin sa amin. "I assume bati na kayo" sabi niya.

Inakbayan ako ni Kimchi at sinabing "Opo, hyung. Bati na po kami."

Isa-isang nagpasukan ang members. Masaya silang lahat nang malaman nilang bati na kami ni Kimchi pero may isang taong napapalibutan ng isang aura na ang tawag ay awkwardness. Nakangiti siya pero hindi siya makatingin ng diretso. Sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin ay iniwas niya agad patungo sa ibang direksyon.

"찌타오, 잠깐 나와서 얘기 하자" (Tao, pwede ba tayong mag-usap sa labas?) sabi ko. Awkward parin ang pagtungo niya. Tumayo siya at nagtungo kami sa labas.

Naglakad lang kaming dalawa ng walang nagsasalita hanggang sa nakarating kami sa playground sa tabi ng ospital. Naupo ako sa swing at umupo naman siya sa katabi.

" 있을 같은데. 뭔데?" (Nararamdaman kong may gusto kang sabihin. Ano yon?) tanong ko. Ilang minuto rin ang lumipas bago niya ako tuluyang sinagot.

"Hyung, gusto ko lang humingi ng sorry dahil sa sinabi ko. Sorry dahil pinaghinalaan kitang may pagnanasa sa akin. Sorry talaga."

Inugoy ko ang swing. Nagpaduyan-duyan ako sandali. "Sa tingin mo ba talaga nagalit ako sa yo?" Tanong ko sa kanya sa pagtigil ng pagduyan ko.

"Oo pero kahit naman hindi ka nagalit, mali pa rin yung sinabi ko. Maling pinaghinalaan kita." Sabi niya. Nararamdaman mo na ang pagkabasag ng boses niya. Walanya, ang aga-aga, punung-puno kami ng iyakan. Mabuti nalang at walang fans na nakapaligid ngayon.

"Wag ka na umiyak, alam kong namumuo na yang luha mo sa mata mo. Okay lang at okay na, pina-patawad na kita pero honestly, siguro dahil na rin sa dinami ng iniisip ko that day, hindi ako nagalit sayo. Naisip ko na yon, dati pa. Naisip ko na pag nalaman niyo ang totoo eh maghihinala kayo na pinagnasaan ko kayo kaya handa na rin ako sa araw na yon. Nung iniimagine ko palang na mangyayari yon, sobrang nasaktan ako kasi my own brothers would tell me something like that kaya hinanda ko na ang sarili ko lalo na't dumating si Kimchi. Since dumating siya, I knew na malalaman niyo rin ang lahat at may ilan sa inyong mag-iisip ng madumi. Ang inisip ko nalang eh as long as wala akong ginagawang mali eh hindi ko kailangan pakinggan ang mga sasabihin ng mga taong mag-iisip ng masama. Sabi nga nila di ba? You don't have to fear the police when you know nothing of the accusation."

Sandali pa kaming naging tahimik. Nabagot na ako kaya niyaya ko na siyang umakyat. Inakbayan niya ako habang naglalakad. "Basta tandaan mo lang, hyung. Mahal na mahal ka namin."

"At mahal na mahal ko rin kayo"

[KIMCHI's POV]

Lumabas sandali sina Daeryeong at Tao-hyung para mag-usap. Nang mapansin kong nahanap na ng lahat ang kanilang happy place, I took the chance para humingi ng tawad. Lumuhod ako sa sahig.

"죄송합니다. 제가 잘못했습니다. 용서해지십시오" (Sorry po sa mga nagawa ko. Patawin niyo po ako)

" 무슨 존댓말이야? 알았어 용서했다. 일어나봐" (At sobrang magalang ka pa ha? Oo na, pinatawad ka na. Tumayo ka na diyan) natatawang sabi ni Joonmyeon-hyung. Itinayo ako ni Chanyeol-hyung.

"Kimchi, remind me not to get on your nerves, okay?" Biro ni Minseok-hyung. Natawa kami.

Buti nalang at may dala silang pagkain kasi gutom na gutom na ako eh. Masaya kaming kumain at nang bumalik sina Tao-hyung at Daeryeong ay napatalon ang puso ko sa tuwa. Masasabi kong buo na ulit kami. EXO OT13. Nararamdaman ko na this is a new start. Wala ng maglolokohan, wala ng mga lihim lihim at wala na ring hindi pagkakaunwaan na aabot sa ganito. Magiging masaya na kami. Patutunayan na namin ang motto namin na we are one.

Continue Reading

You'll Also Like

85.7K 3.8K 15
Sofia Smith also known as "Fyang", a rising teen actress, knows the risk and consequence of falling for the haughty teen actor, Jarren Garcia. And sh...
396K 7.5K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
58.4K 2.6K 39
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
281K 10.2K 64
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.