Another Fourteen Days [Comple...

By secretlychasing

83.6K 2K 151

|SHORT BOOK 2 of Those Fourteen Days| Will another fourteen days be enough for them to finally have their hap... More

Prologue
First Day
Second Day
Third Day
Fourth Day
Fifth Day
Sixth Day
Seventh Day
Ninth Day
Tenth Day
Eleventh Day
Twelfth Day
Thirteenth Day
Fourteenth Day
Epilogue

Eighth Day

3.4K 108 6
By secretlychasing

AKEESHA'S POV

Huling araw na namin dito ni Nathan sa bahay-ampunan. Siguradong mami-miss ko ang mga batang ito.

"Aalis na po ba talaga kayo Ate Akeesha?" Tanong ni Nicole sa amin na may lungkot sa kanyang boses.

"Babalik din naman sila Ate Akeesha at Kuya Nathan niyo rito kaya huwag na kayong malungkot." Sabi naman ni Manang Rosa.

"Oo totoo yung sinabi ni Manang Rosa, babalik kami dito." Napangiti naman sila sa sinabi ko. "Gusto niyo bang maglaro muna tayo bago kami umalis ng Kuya Nathan niyo?"

"Opo! Yehey!" Tuwang-tuwa naman sila. Tumalon-talon pa nga sa saya ang iba. Napatingin naman ako kay Hiro, nginitiin ko siya pero umiwas siya ng tingin at lumabas ng bahay-ampunan. "Nathan saglit lang ha?" Nagpaalam muna ako kay Nathan at sinundan ko na si Hiro.

Saan naman kaya pupunta ang batang iyon?

"Hiro!" Tawag ko sa kanya pero hindi ko pa rin siya makita. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa mapansin ko ang isang malaki at mataas na puno. "Hiro?" Halata namang nagulat siya nang makita niya ako. Teka? Bakit namumula siya?

"A-Akee..." Eh? Akee raw? Teka? Mas matanda ako sa kanya ah, bakit Akee lang ang tawag niya sa akin. "Bakit ka nandito?" Aba! Wala ring 'po'. Siyam na taong gulang pa lamang siya pero hindi man lang siya gumalang sa akin.

"It's Ate Akeesha. Okay?" Pagtatama ko sa kanya.

"Ayoko. Akee, iyan ang itatawag ko sayo." Parang magkasing-edad lang kami kung magsalita siya ngayon.

"Hiro, 28 years old na ako. Kaya dapat ginagalang mo ako." Mahinahon kong pangaral sa kanya. Pero mukhang hindi niya naman inintindi ang sinabi ko.

"Age doesn't matter."Ano raw? "When you really love someone..." Ha? Hindi ko talaga siya maintindihan. "I love you Akee." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Hahahahahah!!! Ikaw talagang bata ka."Ginulo ko pa yung buhok niya. Kaso mukhang seryoso siya dun sa sinabi niya.

"Nakakatawa ba talagang sabihin ko na gusto kita, na mahal kita?" Ang cute talaga nitong batang 'to. "Aaminin ko na-love at first sight ako sayo." Natatawa ako sa pinagsasasabi niya ngayon, mukha kasing seryoso talaga siya.

"Alam mo Hiro, bata ka pa. Someday you'll know how it feels when you love someone. Naniniwala naman akong mahal mo ako, pero bilang ate." Nginitian ko siya pero mukhang naguluhan siya sa sinabi. "Okay ganito na lang. May itatanong ako sayo."

"Ano po 'yon?" Ayan nag-po na siya sa akin.

"Why do you love me?" Nagulat naman siya sa tanong ko.

"Kasi po..." Nag-isip muna siya. "Mabait ka po... Sweet din po... Tapos, inalagaan mo po kami." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"So mahal mo nga ako? Kaso mahal mo ako bilang Ate." Mukhang naliwanagan siya sa sinabi ko. "Ang cute mo talagang bata ka." Namula naman siya sa sinabi ko. "Balang araw Hiro, mahahanap mo rin yung babaeng para sayo." I winked at him.

"At sana katulad mo po siya." He kissed me on my cheeks. At ayun nagtatakbo na siya pabalik ng bahay-ampunan.

"Ehem!" Napatingin ako sa may likuran ko. "May karibal na naman ako sayo." Nag-pout pa siya. Ang cute niya! "Hey! Why are you smiling?"

"Ang cute mo kasing magselos." Niyakap ko siya.

"Hindi naman ako nagseselos eh." Natatawa niyang sabi sa akin. "Bakit naman ako magseselos?"

"Talaga?" Tumingala ako para makita ang mukha niya. Ang gwapo niya talaga. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Hindi ako nagseselos kasi alam ko namang ako ang mahal mo." Ngumiti siya sa akin kaya't nag-blush na naman ako.

"Hindi kaya." Biro ko sa kanya.

"Ah ganon."

"Wahahahah!!!" Tumakbo ako palayo sa kanya.

"Andiyan na ako." Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Kaso pag minamalas ka nga naman wala na pala akong matatakbuhan. "Hahahaha!" Aba't tumawa pa talaga siya.

"Wag kang lalapit sa akin." Pero lumapit pa siya lalo sa akin.

Hinila niya ako papalapit sa kanya. "This is your punishment." He gave me a very sweet kiss.

***

NATHAN'S POV

"Waaahh!!! Ang bilis niyo namang tumakbo." Naiiyak na sabi ni Kee sa mga bata. Nakikipaghabulan kasi siya sa mga bata at sa akin, hanggang ngayon siya pa rin kasi ang taya. "Kanina pa ako taya dito. Hindi ba kayo naaawa sa akin." Tawang-tawa na talaga ako sa kanya.

"Nathan! Magpataya ka naman." Nagpa-cute pa siya sa akin."Sige na please." At ayun nag-pout pa siya. Lalo tuloy siyang gumanda. Mabilis siyang tumakbo palapit sa akin.

Pero syempre, tumakbo rin ako. Kaya ngayon ako naman ang hinahabol niya para mataya. "Waahh!! Hindi mo na ba ako mahal?" Natatawa na talaga ako sa kanya. "Sige na please." Nagpa-cute na naman siya.

"Sorry. Mahal naman kita eh. Kaso ayoko ring mataya." Kinindatan ko pa siya. Halata namang naasar siya.

"Sige na please." Hinahabol pa rin niya ako hanggang ngayon. "I love you Nathan."

"Anong sinabi mo?"

"I love you!" Sigaw niya. Medyo malayo kasi siya sa akin.

"Hindi ko narinig. Pakiulit nga."

"I love you!"

"Sorry Kee, wala talaga akong marinig."

"I love you! I love you! I love you! I love--" Tumakbo na ako palapit sa kanya para yakapin siya.

"I love you too." Sabi ko naman sa kanya.

"Taya..." Aba't tinakbuhan na ako. "Taya ka na Nathan!" Parang bata niyang sabi. "Habulin mo kami, hahaha!"

Napailing na lang ako habang nangingiti-ngiti. Ako naman ang taya ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

8.9M 214K 56
[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her...
2.1M 94K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...
375K 10.5K 44
Baguio Entry #1 [Completed] Daisheen Maine Cariño a nursing student from University of Baguio accidentally spout her McCoffee on Jonas Lorenzo Tan, a...
106K 2.9K 36
Baguio Entry #2 [Completed] Dianna Farrah Pascua found herself studying Accountancy at Saint Louis University than following HUMSS align course. Just...