*flashback*
pagtapos ni papa ayusin 'yong mga gamit sa loob ng bagong bahay namin, pumunta na agad kami sa bagong trabaho niya.
4years old palang ako no'n at umiiyak pa palagi kapag naiiwan, 'di tulad ng dati ay may nag aalaga sa'kin, si lola, ngayong patay na siya ay wala na, kaya naman ay kailangan akong dalhin ni papa sa trabaho niya.
sa bar din nag t-trabaho dati si papa bago pa kami lumipat dito sa mariones subdivision sa bulacan. kada pasok namin sa pinag t-trabaho-an niya ay tinatakpan nito ang mga mata ko. saka niya lang tatanggalin kapag nasa kwarto na kami sa loob ng bar.
ako lang palagi mag isa sa kwarto na 'yon habang hinihintay na bumalik si papa para makauwi na kami. tulad ng dati ay 7hours din ang duty nito sa bago niyang bar na pinag tatrabaho-an.
madalas ako abutan nitong tulog sa sofa kaya naman hindi ko na namamalayang nakauwi na pala kami. pero no'ng gabing 'yon, gising ako.
tinakpan muli ni papa ang mga mata ko bago kami lumabas ng kwarto palabas ng bar.
pagtanggal niya ng kamay niya sa mga mata ko ay unang bumungad ang mukha ng babaeng hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko.
siya ang unang batang nakita ko no'n sa lugar na 'yon. tinignan kong muli si papa. nakikipag usap pa siya sa ka-trabaho niya. muli ko namang tinignan ang babaeng nakita ko kanina.
nandoon parin siya at ngayon ay pinaliligiran na ng tatlong iba pang batang naka-uniporme pang school. may dugo ang gilid ng labi nito at gulo gulo ang uniporme. mas matangkad ang tatlong babaeng nakapalibot sa kaniya kumpara rito. hawak hawak ang bag na kulay red, malakas nitong inihampas sa mukha ng babaeng nasa harapan niya ang hawak hawak na bag, dahilan para bumagsak ito. mabilis siyang tumakbo palayo sa tatlong babae, agad naman tinulungan no'ng dalawang pang bata 'yong babaeng bumagsak. agad din naman silang tumakbo para habulin ang nakatakas na babae.
kinabukasan, hindi na 'ko sumama kay papa sa pag alis nito papunta sa trabaho niya, kinwento ko kasi rito ang nakita ko kagabi. nakakatakot na baka makita ako ng tatlong babae roon at mapagpasyahang ako naman ang awayin nila.
6:30pm no'ng umalis si papa. binuksan ko ang tv para manood pero gabi na no'n at wala na masyadong cartoons kaya naman pinatay ko nalang muli ang tv at tumingin nalang sa bintana.
napagpasyahan kong tumingin na lamang sa labas mula sa aming bintana. maya maya ay nakita kong naglalakad 'yong batang nakita ko no'ng unang araw palang namin dito. ang siga nitong maglakad na akala mo ay laging may kaaway, nakasukbit sa kabilang balikat niya ang kulay red niyang bag. gulo gulo rin ang buhok nito at nakabukas ang unipormeng madumi.
sinitsitan ko ito at nagtago agad sa takot na baka mahuli ako nito. huminto ito sa paglalakad at inikot ang paningin, nang walang makita ay nagpatuloy ito, sinitsitan ko 'tong muli, napahagikgik naman ako sa sarili ko. nakita ko pang binagsak nito ang bag niya sa lapag. nagtago akong muli. pag angat ko ng ulo ay laking gulat ko ng makita ko itong nasa tapat ng bintana at nakatingin sa akin.
sa takot ay agad kong sinara ang bintana at tumakbo papunta sa kwarto at nagtalukbong ng kumot.
hanggang sa susunod na mga araw ay hindi na 'ko sumama kay papa sa trabaho niya. big girl na nga raw ako sabi ni papa dahil hindi na'ko umiiyak pag aalis siya pero ang totoo ay natatakot lang talaga 'kong makita ang tatlong babaeng nakita ko no'ng gabi roon, 'tsaka boring doon kaya mas okay ng dito nalang ako.
"venven anak bakit ba hindi mo pinapansin 'yong bata sa kapitbahay natin, palagi atang pumupunta rito pero hindi mo manlang nilalabas para kalaruin?" tanong ni papa dahil napansin ata nitong wala parin akong kaibigan kahit dalawang buwan na kaming nakatira rito.
"ang kulit niya kasi papa! inuuwi niya 'yong barbie ko, sabi ko nga huwag, kasi akin 'yon." nakasimangot kong sabi.
totoo naman! ang kulit kulit kaya ni marky, feeling close pa!
"aba eh baka crush ka kaya inaasar ka." anong crush eh kinukuha nga 'yong barbie ko lagi, bading ata 'yong marky na 'yon, eh!
"lah papa kadiri ka naman po!" asik ko kay papa.
"gusto moba 'yong katulad sa kapitbahay natin sa martinez na palaging nagpapadala ng love letter sa'yo? o sige mamili ka HAHAHAHAHA sabagay sweet naman si buboy" pahalakhak namang tumawa si papa ng maalala ang batang si buboy.
mabait naman si buboy kaso nakakainis dahil palagi niya akong niyayaya maglaro kung saan saan kahit tirik na tirik ang araw, ito namang si lola dahil bff sila ng lola ni buboy ay pumapayag din naman. hindi tuloy ako makahindi kay buboy. tapos amoy sibuyas pa si buboy palagi na hindi mo maintindihan. tapos ito pa, nakakadiri 'yong ibang love letter na binibigay niya sa'kin, kasi naman sa dinami dami ng pandikit, bakit kulangot pa?! kadiri talaga siya, hays!
pagtyatyagaan kona lang muna si marky habang wala pang pasok. sigurado namang marami akong magiging kaibigan sa school, eh. sana.
Isang araw, hinatid ako ni papa sa play ground sa mariones park sa pag babakasakali raw na makahanap ako ng kaibigan.
"bata bata, pwede sumali?" tanong ko sa dalawang batang nag tataya tayaan.
"sori, wi dont tok tu strengers." sabi no'ng isa, sabay takbo ng mga ito palayo. ayong english lang ata ang alam nila.
'di bale nalang siguro. ayoko naman din ng kaibigan. okay na si papa.
iniwan ako sa playground ni papa para raw mag enjoy ako pero hindi, nakaupo lang ata ako buong araw sa park. nakita ko rin kanina 'yong batang babaeng siga sa subdivision namin na naglalaro rito kanina, panay tingin pa nga sa'kin. naiilang tuloy ako dahil baka naaalala pa niya ang panti-trip ko sa kaniya. sana lang ay hindi na.
palubog na ang araw at wala naring mga batang naglalaro. ako nalang mag isa.
"hoy, bata!" nandito pa pala siya, akala ko nakaalis narin siya dahil nakita ko siya na naglalakad na paalis kanina.
takot akong tinignan ito.
"nasa'n na papa mo? iniwan kana rin ba?" anong sinasabi niya? hindi ako iiwan ng papa ko. hindi ako nagsalita at tinignan lang ito.
"hindi kaba marunong magsalita? pipe ka siguro kaya ka iniwan ng mama mo, 'no?" tumaas ang sulok ng labi nito at bigla akong hinagisan ng palaka. gulat naman akong nag iiyak iyak at tumakbo palayo.
hindi ko nakita ang bato sa daan kaya naman ay nadapa ako. nakita kong sumunod ito sa'kin. hawak hawak niya nanaman 'yong palaka. nakakainis siya.
tumatawa pa ito ng malakas. bakit ba siya ganiyan? baliw ba siya? wala naman akong masamang ginawa sa kaniya.
"b-bakit m-mo ba 'ko i-inaaway, ha?" madumi na ang palad ko dahil naihawak ko ito sa damuhan, nagdudugo narin ang tuhod ko.
hindi ko alam kung ang tuhod ko ba ang masakit o ang puso ko dahil sa mga sinabi niya.
pilit kong pinunasan ang luha na walang awat sa pagtulo.
"d-dahil ba sa n-nangyari no'ng gabi? s-sorry kung pinag tripan kita. s-sorry na." malakas na 'kong umiyak no'ng lapitan ako nito sa pag aakalang hahagisan ulit ako nito ng palaka, pero hindi, humakbang ito palayo at hinagas sa malayo ang palaka.
"venven!" nandiyan na si papa. lalapit pa sana muli ang bata ngunit narinig din ata nito ang boses kaya naman ay dali dali itong tumakbo palayo.
"anak! bakit ka umiiyak? anong nangyari, ha?" nag aalalang tanong nito sa'kin. gusto kong isumbong sa kaniya 'yong ginawa sa'kin no'ng batang babae pero hindi, hindi ko ginawa.
"nadapa lang po." pinunasan ko naman ang luha ko at ngumiting muli kay papa. "ang tagal mo po papa, tara na po, antok na po ako." sabay yakap sa leeg nito.
"aba, pagod na pagod ata ang venny ko, marami ka sigurong naging kaibigan at napagod ka sa kakalaro, ano?" wala nga po papa eh. ayaw po ata nila sa'kin.
Simula no'ng araw na 'yon ay palagi niya na 'kong binu-bully. galit na galit ako sa kaniya. palagi niya 'kong inaasar kesho dayo raw ako pero ang lakas lakas ko raw mantrip, hindi niya talaga makalimutan 'yong ginawa ko sa kaniya. tapos ang nakakainis pa eh lagi niya 'kong sinasabihang 'tibo', hindi naman 'yon totoo. crush ko nga si aaron, eh. palagi niya 'ko inaasar kesho ang dungis dungis ko raw at iniwan daw ako ng mama ko dahil tibo at pangit ako. galit na galit ako sa kaniya no'n. nalaman ko na ang pangalan niya ay lliana kaya naman ay nakaisip ako ng kalokohan. sa sobrang inis ko sa kaniya ay bumili ako ng notebook tapos nilagyan ko ng "death note" sa cover tapos nilagay ko pangalan niya sa loob. nagdadasal pa 'ko dati na sana mawala na lang siya, sana masagasaan siya, sana gan'to, sana ganiyan.
'di nagtagal ay hinahanap hanap ko na siya. sa araw araw ba naman na pambubulabog niya. kahit na nasasaktan ako sa pang aasar niya ay parang okay nalang sa'kin ngayon. hindi tulad noon na halos araw araw ko siyang sinusumpa.
6years na kaming nakatira sa mariones subdivision. 10years old narin ako.
gano'n parin kami ni impakta este lliana 'yong mortal enemy ko. hanggang ngayon ay para parin kaming aso at pusa. hindi ko alam kung kaibigan kona ba siya dahil nakasama siya isang beses no'ng may humahabol nanamang ibang estudyante sa kaniya.
naglalaro kami ng habol habolan ni marky no'n sa court sa likod ng school ng biglang mabangga ako nito, halos tumalsik pa nga ako sa lakas ng pagbangga nito. imbis na tulungan akong tumayo, tinignan lang ako nito at hinablot na agad sa lapag ang nalaglag niyang red na bag, hindi parin siya nagpapalit ng bag at parang sira narin ang zipper ng bag niya.
tumingin ako sa likod at nakita ko na may humahabol nanaman sa kaniyang mga studyante. namamadaling tumakbo palayo si lliana, hindi pa ata nito nakita ang paparating na sasakyan kaya muntik na itong mabangga. sa pag aalala ay mabilis ako tumakbo palapit sa kaniya, malapit na rin ang mga estudyanteng humahabol sa kaniya kaya naman hinatak ko na ang kamay nito sabay takbo, no'ng una ay parang nagpapahila lang 'to tila hindi pa napo-proseso sa utak niya ang nangyari sa kaniya kanina. kalaunan ay bumabalik na 'to sa wisyo.
nakalayo narin kami ng makaramdam na ako ng hingal at pagod kaya naman hapo hapo ako sa hiningang tumigil at pabagsak na umupo sa damuhan. ganoon din si lliana. humiga ito sa damuhan. maya maya ay humupa na ang hingal ko, maging si lliana ay maayos na ang pag hinga. tumingin ito saakin, tinignan korin siya. i smiled at her awkwardly dahil sa hindi malamang rason ay biglang um-awkward ang atmosphere. napangiwi naman ito dahil sa pagngiti ko sa kaniya at maya maya ay humalakhak ng malakas. hindi ko alam ang rason pero nakita kona lang din na tumatawa ako kasama niya.
akala ko mag kaibigan na kami pero after no'n ay bumalik na uli siya sa pagiging masungit, hindi tulad dati na inaasar niya ako, ngayon ay ini-snob niya na ako na para bang hangin lang ako. ang weird.
Isang beses ay sinundan ko siya sa bahay nila, nasa labas ang mama niya at may hawak na bote sa kaliwang kamay habang sa kabila naman ay sigarilyo. pa-gewang gewang pa ito.
sinalubong si lianna ng nanay niya sa pinto ng bahay nila, walang sabi sabi ay bigla nitong sinampal ang bata.
bumagsak sa sahig si lianna ngunit agad din namang tumayo.
"sa'n ka nanaman galing bata ka, ha!? wala ka talagang kwenta!" hinawakan nito ng mahigpit ang buhok ni lianna at kinaladkad pa-pasok ng bahay nila.
maya maya ay padabog na binuksan ni lianna ang pinto ng bahay nila at lumabas. hinabol naman siya ng kaniyang ina at muling hinila ang buhok nito.
"ano!? lalayas ka nanaman! ang bata bata mo pa lumalandi kana! hindi kana nahiya, yana!" sigaw nito sa anak.
"tanginamo ako pa malandi! ikaw nga nagpapakantot sa iba't ibang lalaki para lang sa pera! ikaw ang mahiya!" sigaw ng anak pabalik sa ina.
sa galit ng ina ay tinulak nito pahiga si lianna sa damuhan at pinagsasampal ang mukha nito.
tumakbo ako papunta sa kanila at kinuha ang kahoy na nasa gilid at inihampas ito sa likod ng matanda.
agad ko namang tinulungan si lianna tumayo at inakay pauwi sa bahay namin.
2days ding tumira sa'min si lianna.
Gustong ipabarangay ni papa ang nanay ni lianna pero hindi pumayag si lianna at nagmakaawa pa itong hayaan nalang sila dahil hindi naman daw talaga gano'n ang nanay niya. sinisi niya pa ang sarili niya na siya raw ang may kasalanan kasi sumagot sagot pa raw siya. pero hindi naman 'yon ang nakita at narinig ko.
ilang weeks na ang nakalipas. hindi kona nakikita si lianna, sinisilip ko ang bahay nila sa malaking puno malapit sa bahay nila ngunit parang wala ng taong nakatira roon.
sa sumunod na araw, napag pasyahan kong puntahan na ang babae sa bahay nila mismo. ngunit walang sumasagot.
wala na atang tao.
umalis na ata siya.
iniwan niya na rin ata ako.
(end of flashback)