The Dare [COMPLETED]

By ImyourQueennn

22.8K 631 86

Nag- lalaro ang mag kakaibigan ng Truth or Dare. Hindi aakalain ni Lea Kristine, na maturo siyang mai-dare ng... More

Ang Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 11

544 22 6
By ImyourQueennn

Chapter 11

Dapit alas dyes pa lang nang gabi, ngunit bukas na bukas pa ang diwa ni Lea na naka-upo sa kama.

Hindi pa siya inaantok at hinihintay na dumating si Mark.

Pasilip-silip si Lea sa bintana, at namumuhay ang lungkot sa puso niya dahil hanggang ngayon wala pa si Mark.

Asan kana ba Mark?

Bakit hindi ka pa umuuwi?

Kasama mo pa ba hanggang ngayon si Mae?

Ilang beses na rin tinawagan at ti-next ni Lea si Mark, ngunit hindi nito sinasagot ang aking mga tawag. Hindi rin nito magawang replyan ang mga text ko at tinanong ko rin si Jamie kong naroon sakanila si Mark, ngunit wala daw doon.

Rinig ni Lea ang pag-bukas sara ng pinto ng aming silid na tanda na may pumasok. Bumilis muli ang tambol ng puso ni Lea ng makita ang maitim na pigura nang asawa na bagong dating lamang.

Hindi ko nakita masyado ang buong mukha nito dahil tangi lamang lampshade ang mistulang ilaw ang nag bibigay liwanag nang silid na iyon na, sapat na sa akin para makita ang asawa ko.

"M-Mark," nabuhayan ang dibdib ni Lea ng makita ito.

Niluwagan ni Mark ang tie at wala itong pakialam sa aking presinya.

Namuhay muli ang matinding kirot at galit sa puso ni Lea dahil sa ginawa nito sa akin.

Sinugod ni Lea si Mark at sinampal nang ubod ng lakas, hindi pa rin nakuntento, at pinag papalo ko ang dibdib nito. "Hayop ka. Manloloko ka! Paano m-mo ito nagagawa sa akin huh? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito Mark ha? B-Bakit?" Bumuhos na ang mga luha sa mga mata ni Lea na hindi na makayanan ang hirap at sakit.

Kinakalimutan ko, kong ano man ang nakita ko kanina, ngunit hindi pa rin maalis ang sakit sa puso ko sa pananaksil nila sa akin!

Mga hayop sila!
Mga manloloko!

Pinag-hahampas at palo ni Lea ng malakas ang dibdib ng asawa ko, ngunit hindi pa rin mawala ang sakit at kirot na dulot na binigay nila sa akin.

"Sana pinatay mo lang ako Mark, kaysa saktan mo ako nang ganito. Walang-hiya ka talaga! Bakit huh? Bakit?!" Malakas kong sigaw at kasunod ng pag-iyak ko sa harapan nito.
Ang sakit-sakit na!

Hinuli ni Mark ang aking pulsuhan at hinila ako palapit dito. Naroon na ang galit at pag-titimpi na saktan ako anumang minuto. "The fuck. Could you shut it! Tigilan mo na ito Lea!" He sounded pissed.

"T-Tigilan?" Mapakla kong salita. Bakit pinapahirapan mo ako ng ganito Mark? Bakit parang wala lang sa'yo ang mga nangyari? "Nasasaktan na ako tapos tigilan k-ko? Bakit mo ako niloloko nang ganito Mark? Bakit sinasaktan mo na lang ako parati ng ganito? Ano bang nagawa kong pag-kakamali sa'yo ha? Bakit si Mae pa? Bakit sa kinarami-rami ng mga babae, bakit siya p-pa?" Umagos muli ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko makayanan na ganito ang ginagawa niya sa akin.

Wala akong nakuhang salita muli dito ngunit naroon ang lamig sa bawat titig nito sa akin.

Malamig na titig, na nag papasakit ng aking dibdib. "Bakit hindi na lang a-ako Mark? Hindi naman ako mahirap mahalin ah? Bakit kailangan mong mag hanap pa ng babae? Mahal na mahal kita Mark at ayaw kong masira ang pag-sasama nating dalawa." Hirap kong salita at inis na binitawan ni Mark ang pulsuhan ko.

"Alam mo naman na matagal ng sira ang pag-sasama natin Lea!"

"No, hindi totoo iyan Mark. Please don't ruin our family. Tatanggapin at kakalimutan ko kong ano man ang nangyari at nakita ko kanina sa Opisina, just please huwag mo na akong saktan ng ganito.." kahit masakit, kayang-kaya kong lunukin labat ng hirap para lang hindi niya piliin si Mae. Kahit masakit sa parte ko, titiisin ko alang-ala sa pamilya ko. "K-alimutan mo na si Mae, nandito naman kami ni Steven Mark, please kami na lang nang anak mo,"

"Putangina talaga, hindi ka talaga titigil!" Bulyaw nitong muli at umaapoy ang mga mata nito sa galit.. "Are you fucking stupid?" He combed his hair in frustration.  "Oo nga pala, you're really are stupid.. Hindi mo ba nakikita Lea? Mahal ko pa rin si Mae!"

"No, please don't hurt me like this."  Umiling ako, na ayaw kong tanggapin kong ano man ang sinabi nito. "Sinasabi mo lang iyan para saktan l-lang ako Mark.. Diba hindi mo naman siya mahal diba?"

"No, that's the fact. Mahal ko si Mae at plano kong mag balikan kaming dalawa! And end this fucking marriage!"

"Paano n-naman ako Mark? Paano naman kami nang anak mo? Gano'n na lang ba iyon? I-Itatapon mo na lang parang basura?" Mapait kong tinig at ang sakit-sakit na nang puso ko.

"You knew from the start that I didn't really love you. I just married you to the child in your womb!" Yea pinakasalan niya naman talaga ako dahil sa bata sa sinapupunan ko. Masakit talaga na marinig iyon mismo sa bibig niya. "Kong napapagod kana, umalis kana lang! Hindi kita kailangan sa buhay ko! Leche!"

"N-No, hindi ako aalis." Matapang kong salita at tinignan ako ng masama ni Mark na naka-gawa ng malaking pag-kakamali.  "Hindi ko hahayaan na sirain mo ang pamilya natin ng ganito Mark. Ipag-lalaban ko ang pag-sasama nating dalawa kahit saktan mo ako at durugin ng ganito, hindi kita i-iiwan.." matapang kong tinig.

"Damn it!"  iritadong hinablot muli ang coat at padabog na sinarhan ang pinto.

Huli ko na lang narinig ang malakas n tunog na pag-sara nang pinto, na magpa kirot ng aking puso.

Tinakpan ni Lea ang bibig para pigilan na pumukawala ang malakas na iyak at hagolhol.

Bakit Mark?

Bakit?

****

"Mommy okay ka lang po ba?" Pukaw sa akin ni Steven na kasalukuyang silang kumakain na almusal ngayon. Napa-hilamos sa mukha si Lea dahil kanina pa lumilipad ang kaniyang isipan at hindi ko man lang nagalaw ang pag-kain sa aking plato.

Iyon na ang huli naming pag-uusap ni Mark kagabi, at pinili nitong matulog sa study room. Buong gabi iniyak na lang ni Lea ang sakit at problema, at umaasa ako na maging maayos din ang lahat, pag-katapos nito.

"Okay lang si Mommy, sweetheart. Kumain ka ng marami hmm?" Hinawakan ko ang buhok ni Steven at pinag-patuloy nito ang pag-kain.

Dumaan sa harapan namin si Mark, na seryosong mukha at naka-suot ito ng disenteng damit.

"Bilisan niyong kumain, at aalis tayo!"
Mag-sasalita pa sana si Lea ngunit iritado na itong umalis.

Matapos nilang mag-almusal ni Steven, niligpit na rin ni Lea ang pinag-kainan nilang dalawa. Dinala ko na din si Steven sa silid nito para maka-pag ligo at bihis na rin. Sinuotan ko na rin ng maganda at desinteng damit ang aking anak. Matapos ni Lea na ayusan ang anak, tumunggo na rin ako sa silid namin ni Mark para maka-ayos na rin.

Sakay kami ngayon itim na sedan na kotse ni Mark at kasama ko si Steven sa likuran, samantala naman ang aking asawa seryoso na nag-mamaneho na halatang ayaw mag pa-istorbo.

"Mommy saan po tayo pupunta?" Basag ng katahimikan sa loob ng kotse. Ang cute ni Steven sa suot nitong damit.

"Hindi ko alam sweetheart." Pinisil ko na lang ang ibabang baba ni Steven at sabay ngiti. Wala rin idea si Lea kong saan kami idadala ni Mark, iniiwasan ko na din mag-tanong at baka bigla na naman itong magalit sa akin.

Halos mahigit isang oras na byahe, pumasok ang sasakyan ng aking asawa sa marangyang Mansyon, at nahulaan na kaagad ni Lea kong nasan kami ngayon kundi sa bahay ng mga magulang ni Mark.

Matagal na rin simula no'ng huli akong naka-punta muli rito at hindi ko na matandaan. Pasalamat na lang si Lea dahil tanggap at mahal na mahal ako pareho ng mga magulang ni Mark at iba rin na mga kaanak.

Ang asawa ko lang talaga ang ayaw na ayaw sa akin.

Hininto ni Mark ang sasakyan sa parking area at sinalubong naman kaagad kami ng bati ng mga katulong at kinuha ang ilang gamit namin na bitbit.

Hawak ko sa kabilang kamay si Steven na nag lalakad sa malawak na sala, at ang aking mga mata hindi pa rin nag sasawang pag-masdan ang marangyang Mansyon ng mga magulang ni Mark.

"Wow! Narito tayo kina Lolo at Lola, Mommy!" Excited na sambit ni Steven.

Ganun na lang ang malakas na tambol ng puso ni Lea ng maramdaman ang mainit na palad ni Mark na humawak sa aking baywang sa aming pag-lakad lang papasok.

Uminit ang sulok ng pisngi ni Lea sa kilig at kuryente na bultahe sa aking katawan sa simpleng pag-hawak nito sa akin. Pasimpleng sinulyapan ni Lea ang asawa na seryoso ang mukha at sabay kami nag lalakad.

"Stop staring!"

Napansin kaagad nito ang palihim na pag-sulyap, na mabilis ko naman binawi nang tingin.

Ngumiti ng matamis si Lea at hindi makapaniwala na hahawakan ako ni Mark ng ganito.

Dinala kami ng aming mga paa sa malawak na living room at naroon na nag-hihintay ng mga magulang ni Mark, na inaasahan ang aming pag-dating.

Tumayo sila nang makita pa lang kami at bakas ng excitement ang kanilang mga mata.

"Oh my god. Lea!" Lumapit si Mom at hinagkan ako at nag mano rin ako tanda ng pag-galang sa parehong mga magulang ng aking asawa.

"Hi Mom, hello Dad."

"Lolo!" Yumakap si Steven at ngayon karga-karga na ito ng Daddy ni Mark.

"Steven! Na-miss kita Apo." Umaliwalas ang mukha ng matanda dahil sabik itong makasama muli si Steven.

"Ako rin po Lolo, na-miss din po kita. Hihi." Ginulo ng matanda ang buhok ng aking anak na mapa-hagikhik pa ito.

"Mabuti na lang talaga at pumayag si Mark na pumunta kayo dito sa amin. Mukhang ayaw ata ni Mark na makita namin kayo ng, Apo ko Lea." Panimula ni Dad, na hindi nagustuhan ni Mark ang sinabi nang Ama.

"Ts." Iritadong sulyap nito.

"Pasensiya na po Dad, medyo busy lang po talaga kaya't ngayon lang kami naka-dalaw dito sainyo... Hayaan mo at dadalasan namin pag-dalaw dito, diba Mark?" Tinignan ko ang itsura nang aking asawa na para bang hindi nito nagustuhan ang aking sinabi.

"That's great! Para naman araw-araw kong makita ang cute kong Apo." Pinang-gigilan ni Mom ang pisngi ni Steven.

"Lolo, ang laki naman po nang bahay niyo." Amuse na tinig ni Steven na ginagala nito ang tingin sa buong Mansyon.

"Malaki ba?"

"Opo, mas malaki pa ang bahay niyo parang palasyo at ganda-ganda po .."

"Hahaha!" Humalakhak na lang ang Daddy ni Mark na tuwang-tuwa sa presinya ng anak ko.

Matapos mag usap-usap. Kasama ni Daddy si Mark at mukhang nag-uusap sila tungkol sa business. Samantala naman si Mom kasama ko, at nilibot muli ako nito sa buong bahay at marami na naman itong kwinento sa akin.

Nang matapos na kami ni Mom sa pag-lilibot binigay ni Mommy kay Steven ang regalo at tuwang-tuwa naman ang aking anak sa regalo at pag-mamahal na binigay nang mga magulang ni Mark.

***
Dapit tanghalian salo-salo kami kumakain sa hapag-kainan at manghang-mangha si Lea dahil sa rami at masasarap na pag-kain na hinandog ng mga magulang nito. Mag katabi lamang si Lea at si Mark at sa bandang kanang ko, naman naupo si Steven.

Si Mom at Dad naman naupo lamang sa harapan naming mag-asawa, hindi pa rin sila naubusan ng kwento ang mag-asawa.

"Sorry Mom at Dad na-late ako ng datin---" nawala ang matamis na ngiti sa labi ni Jamie na bagong dating nang dumako ang matalim na titig nito sa kapatid na si Mark.

Hindi man nahalata ng mga magulang ni Mark iyon, ngunit ramdam ni Lea ang tensyon sa mga mata ni Jamie na makita lamang si Mark.

"Tamang-tama ang pag-dating mo Hija, kasisimula lang namin na kumain." Paanyaya ni Mom at hindi na lang kumibo si Jamie at naubo sa bakanteng upuan na kaharap lamang ni Steven.

"Hindi ko alam na nandito pala kayo Kuya." Jamie.

"Inanyayahan ko silang pumunta dito sa bahay Jamie.. Maka-lipas ang isang taon at nakompleto muli tayong mag-pamilya na kumain sa hapag-kainan." Dad at pasimpleng pinunasan ng table napkin ang bibig nito.

"I see," kabado ang dibdib ni Lea dahil sa takot na baka sabihin ni Jamie sa kaniyang mga magulang ang tungkol sa pag-tataksil ng aking asawa.

Hindi na lang kumibo ang tahimik na si Mark at sinubo ang steak na tusok lamang ng tinidor na hawak ng aking asawa.

"Kumain ka pa ng marami Hija, nag pahanda pa talaga ako ng espisyal at masasarap lamang na pag-kain para sainyo lamang ng Apo ko." Dad at ngumiti na lang ako. "Ano Apo, masarap ba ang luto?" Kina-kausap na ni Dad sa puntong ito ang aking anak.

"Opo Lolo, sobrang sarap po. Thank you po din sa gift niyo sa akin ni Lola, ang ganda-ganda po ng mga toys na binigay niyo sa akin." Nag thumbs-up pa si Steven na kina-lawak naman ng ngiti ng matanda.

"Binili talaga namin ng Lola mo, para lamang sa'yo. Sa sunod na bisita ulit niyo ng Mommy mo dito, pupunta tayo sa Enchanted Kingdom at mamasyal tayo kong saan-saan."

Namilog ang mata ng aking anak sa labis na excitement. "Wow! Gusto ko po iyan Lolo. Yehey!" Tinaas ni Steven ang kamay na tila nanalo lamang ito sa lotto.

Ngumiti na lang si Lea na pina- kikinggan ang kakulitan at usap ng aking anak sa mga magulang ni Mark.

"Eat this." Naagaw ang atensyon ni Lea ng nilagyan ni Mark ng gulay ang plato ko. Nilalagyan pa nito kong ano-anong putahe ang aking plato, hindi lamang simpleng mga ulam iyon kundi mga paborito kong kinakain.

"M-Maraming salamat." Kahit hindi naman nakaka-kilig,pero kilig na kilig si Lea sa simpleng pag-lagay lamang ni Mark ng ulam sa plato ko. Ewan ko ba!
Kapag ang asawa ko ang gumagawa ng kahit simpleng bagay, ang lakas ng epekto no'n sa aking dibdib.

Kinuha ni Lea ang baso ng tubig at ininom. Nagulat na lang ako ng sobrang lapit na sa akin ni Mark at buong seryoso akong tinignan.

"B-Bakit?"  Nag kadabuhol-buhol na ang aking pag-sasalita na sobrang lapit na nang katawan namin sa isa't-isa at napapaso ako ng mainit na katawan ng aking asawa.

Napa-kurap na lang si Lea na pinunasan ni Mark ang aking labi gamit lamang ang hinlalaki nito. "Ang dumi-dumi mong kumain!" Pabulong nitong salita at kasabay ang malakas na pintig ng aking puso.

Shit.

Anong nangyari?

Bakit ganito na lang kabilis ng pintig ng puso ko?

"Wow! Kinikilig naman ako sainyong dalawang mag-asawa." Kinikilig na tugon ni Mom na halatang kanina pa naka-masid sa aming dalawa. Kong may hawak lamang itong camera baka marami na itong nakuhang shot saaming dalawa ni Mark. "Diba ang sweet-sweet nilang dalawa Jamie? Bakas talaga sa mata ni Mark na mahal na mahal niya talaga si Lea."

Umiwas at lumayo si Mark saakin, na may nakakahawa akong sakit at gumuhit muli ang malamig na trato sa mga mata nito.

Ngumisi na lang si Jamie at tinusok ng puno ng pang gigil ang steak gamit ang tinidor. "Oo Mom, nag mamahalan silang dalawa, right Kuya?" Maka-hulugang tinig ni Jamie sa kapatid na kina-sama naman kaagad ng mukha ng aking asawa.

MARK SAMUEL'S  POV

Mark washed his face and faced the mirror again.

Mark didn't realize that he was holding the sink so tightly. Mark stared at his thumb and he still felt Lea's warm and soft lips when I wiped them earlier.

Mark remembered the innocent and beautiful face of his wife that he couldn't get out of his mind.

Fuck what am i thinking?

Lumabas na si Mark sa banyo at naroon si Jamie na halatang kanina pa ako hinihintay doon.

Matalim ang titig ng kapatid, at halatang marami na naman itong sasabihin.

Wala akong panahon para pakinggan kong ano man ang sasabihi niya!
Sakit lamang siya sa ulo!

Nilampasan ni Mark ang kapatid ngunit hindi pa man ako naka- dalawang hakbang ng mag salita muli ito.

"Paano ka makaka-tulog ng mahimbing na may sinasaktan ka na tao?" Bumigat ang pag-hingga ni Mark. Damn it! "Hindi ko alam na aabot ka sa ganito Kuya, na pag-tataksilan at sasaktan mo ng ganito si Lea at si Steven! Hindi ko alam na mas masahol kapa sa inaasahan ko! Pasalamat k-ka't at pina-kiusapan ako ng asawa mo na hindi ko sasabihin sa mga magulang natin kong ano-ano ang ginagawa mo sakaniya!" Basag nitong tinig. "Kahit napaka-sama ng ugali mo at ilang ulit mo nang sinasaktan ang asawa mo, nagawa ka pa rin niyang tanggapin at pag-takpan. Ganun ka k-kamahal ni Lea. Pero anong ginawa mo ha? Anong ginawa mo para kay Lea? Wala! Wala kang ginawa, kundi saktan at pahirapan siya!" Napa-iyak na si Jamie, at rinig ni Mark ang munting pag-hikbi ng kapatid sa likuran nito. "Huwag mong hintayin na dumating ang panahon na iwan ka niya at wala kanang babalikan!" Rinig na lang ni Mark ang yabag ng mga paa ng kapatid paalis.

Napa-kuyom na lang si Mark sa labis na gigil.


Continue Reading

You'll Also Like

285K 10.3K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
12.8M 181K 99
Highest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit s...
87.9K 5.5K 10
LANGUAGE: TAG-LISH DUERO LEON DELESTE is a world-champion race car driver. He drives on his own lane at his own speed without apologies. The world is...