Under the Warmth of Vengeance

By vicioushaven

172K 2.2K 427

They had an accident. Would they recognize each other again or they will just know the truth? Who will seek... More

00
Simula
01
02
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT

03

4.7K 65 8
By vicioushaven

Seryoso ang tingin na iyon, buhat buhat niya ako in bridal style! I was too shocked to move.




I looked at his intimidating face, bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang mag tama ang mga mata namin.




His adams apple moved, I saw his pointed nose and perfect lips. Hindi rin pinalagpas ng mata ko ang singkit at asul niyang mga mata. His aura is too dark which made me feel nervous.




Dahan-dahan niya akong binaba.
"S-sorry," agad akong napayuko.




"Next time, call a staff." the weight and power of his voice type gives a very strong sound.




Bigla tuloy akong lalong natakot dahil sa boses niya, napaiwas ako ng tingin.




Nagulat ako nang abutin niya ang pagkain na nais kong kunin kanina. Nang makuha niya iyon ay pinanood ko siyang ilagay iyon sa cart na dala ko.




Tumalikod siya para umalis ngunit hinawakan ko ang pulsuhan niya at kinabig siya, tumingin siya sa'kin dahilan para kumabog nang malakas ang dibdib ko sa kaba.




Napakunot ang noo niya.




"I-I just want to say thank you," nahihiyang sabi ko. Yuyuko na sana ako ngunit napadako ang tingin ko sa kwintas niya.




Oh wait. . . Isn't that my necklace?




"Small thing," walang reaksyong sabi niya at tinanggal ang pagkahawak ko sakanya. "And by the way, this is a wrong way. This is their stock area that's why it's so tall." his tone is making me feel dumb!




He smirked before walking away.




Naiwan akong nakatulala. Bukod sa inasta niya, bakit nasa kaniya ang tanging bagay na naaalala ko? I should get that, right? Right!




"Girl! Andami mo namang kinuha! Isang linggo ba tayong manonood?" sarkastikong tanong ni Clarisse nang makabalik ako sakaniya.




Hindi ako nakapagsalita.




Oh no, Clarisse. I think I just saw a half korean and half american blooded! Ngayon lang ako nakakita ng singkit na mata at asul ang mata! Contact lenses lang ba iyon?




"Hey! Ayan ka na naman." nag-aalalang puna niya.




"A-ah, balak ko lang i-stock."




"You can't fool me, andami niyong foods don. I thought you won't buy na nga e, tara!" aya nya.




Andami naming binili. Hindi ko alam kung para sa'n na 'yung iba. Pumila na kami para magbayad.




Habang nasa pila ay nakita ko ulit 'yung lalaki at paalis.




"Stay here, Risse. May pupuntahan lang ako." paalam ko habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking naglalakad paalis.




"Huh? Saan?"




"Just wait me, I'll be back." sabi ko at umalis, hindi na s'ya hinintay magsalita.




Palihim kong sinundan 'yung lalaki. Nag-iisa sya. Sa awra niya pa lang kapag nakatalikod siya ay parang wala kang karapatang hawakan siya.




Napakunot ang noo ko dahil nasa pinakataas na kami, halos wala ng tao. Hindi pa rin sya humihinto.




Ilang segundo pa ay sa wakas huminto na siya sa paglalakad, sa pinaka dead end. Clear glass window iyon na malaki. Nakatingin siya sa tanawin.




Napalingon siya sa'kin, agad ko namang nilihis ang tingin ko, kunwaring may hinahanap.




Lumakad pa'ko medyo palapit sakanya at kinuha ang cellphone ko, kunwaring may tatawagan.




"Why are you following me?" seryosong tanong niya.




Napatingin ako sakaniya at hindi nakapagsalita, dahan-dahan kong binaba ang cellphone.




"M-me? As if," I scoffed.




Wow, best actress!




"Ahuh?" his voice is manly. Damn, why am I noticing that now?




"Tell me the truth." he added.




"I-I think, uhmm. . ." I pinched my thumb finger.




He raised an eyebrow.




"How did you get that necklace?" tanong ko. Diretsahan na!




"You want this?" nanlaki ang mata ko nang hinatak niya iyon dahilan para matanggal sa leeg niya.




"Okay then, it's yours." sabi niya sabay lahad sa kamay niya, nandoon na ang kwintas.




He will give it to me easily?
"Ayos lang ba?"




"Will I give this to you if it's not?" he sounds sarcastic!




"You're rude." nag-iba ang tono ko.




"Do you want this or not?" he asked sarcastically. Napakahaba ng pasensya niya ah? Salamat.




I looked at the necklace. Akmang kukunin ko na ang necklace nang bigla niyang binawi ang kamay niya.




"What?"




"You want this badly, huh? Why?" napatingin ako sa singkit niyang asul na mata.




"That's the only thing I remember." I said. I'm not lying!




Napatigil siya.




Napahawak siya sa sintido niya at napapikit. "H-hey, are you okay?" I immediately asked.




Tinanggal niya ang pagkakahawak sa sintido nya. "Take this, kukunin ko iyan sa'yo sa susunod."




"You did not answer my question, how did you get the necklace? Do you know me?" tanong ko.




"I don't know, I also don't know you and I don't care. Just stop following me and take this." kinuha niya ang pulsuhan ko at nilagay sa palad ko ang kwintas.




Bahagya akong nanigas sa ginawa nya. His words are too harsh. Napabuntong hininga ako.




Naglakad siya paalis, hindi ako binigyan ng tyansa upang tanungin kung paano niya makukuha sa'kin ulit 'to.




Should I just pay him? Hindi niya alam kung paano niya nakuha ang necklace?




Naglakad na'ko pabalik kung sa'n ko iniwanan si Risse. Ngayon ko nga lang na-realized na ang layo na pala ng lugar kung sa'n ko sinundan ang lalaking masungit na 'yon.




Well, siguro ay dapat ko pa ring hanapin ang kwintas na hinahanap ko, baka kasi coincidence lang na magkaparehas kami. O baka naman magkakilala talaga kami tapos kinuha niya 'yon sa'kin?




Haish.




"Wow, nakakahiya naman sa'yo madam kanina pa kita hinihintay dito." sarkastikong sabi ni Risse, nandito na siya sa entrance ng binilhan namin, hinihintay ako.




Ang mga binili namin ay nasa cart, good thing dahil at least, hindi sya nagbuhat.




"I'm sorry, may kinausap lang."




"At sino naman, aber? Hindi mo ako sinama? Ouch." humawak siya sa dibdib niya, umaktong nasasaktan.




Napangiwi ako, "Soon ko na ik-kwento sa'yo. Let's go, shall we?"




"Soon?" she flipped her hair. "K, as long as sasabihin mo." maldita niyang sabi at tinulak na yung cart.




Tinahak na namin ang daan ng exit. My instinct is telling me kasi na 'wag sabihin sakanya, it's not that I don't trust her. I think she's a good and genuine friend. Just my instinct.




Sya pa rin ang nag drive pauwi, she insisted. Nang makarating kami sa bahay ay tanghali pa lang.




Sinalubong kami ni mommy pagpasok. Ang ibang guard ay kinuha ang mga pinamili namin.




I kissed my Mom's cheeks. "Oh, nag grocery kayo?" pansin nya agad.




"Naku Tita, okay na 'yan! Atleast hindi na mamimili si Manang Fe 'di ba?" si Clarisse.




"Kayo talaga, magpalit na kayo ng damit dahil galing kayo sa labas at magta-tanghalian na tayo." sabi ni Mommy. Tumango naman kami at umakyat na.




Kakakain lang namin kanina ng umagahan ngunit nagutom din.




Pinilian ko si Clarisse ng susuotin niya at sa other room sya naglinis ng katawan. Naligo na rin ako at bumaba na, kasunod ko si Risse.





Pagpunta namin sa kitchen ay nakahanda na ang mga pagkain.




"Have a seat," si Dad.




"Good aftie, Dad,"




"Good afternoon. Daughter, do you want to go with me to our office?" Dad asked me while we are eating.




I'm curious about our family's business but. . . "Next time, dad."




"Why? Don't you want to see our family's business?" Mommy asked.




Humigop ako ng sabaw bago magsalita. "I want to, Mom. But maybe next time."




"Okay then. You, Clarisse? How's your parents?" baling ni Mommy kay Clarisse.




"They are doing good, Tita. She said she will visit Tita Celeste."




Napahinto silang dalawa, para bang sobrang mali ng sinabi ni Clarisse. Hilaw naman na napangiti si Clarisse.




Who's Celeste?




"O-okay," Mommy said uncomfortably.




We continued eating silently, I don't know what's going on, all I know is it's bad because it made my Mom uncomfortable.




After that lunch, Clarisse said goodbye because she need to go with her parents to visit her Tita Celeste, she can't watch a movie with me anymore.




Nang makaalis siya ay umakyat na'ko sa kwarto. Humiga lang ako sa kama at nakatingin sa ilaw kahit hindi ito nakasindi.




Ilang oras na gano'n lang ang posisyon ko, nag-iisip-isip.




Tumayo ako at kinuha sa mini table ko ang kwintas ng lalaki. Tinitigan ko iyon nang masinsin.




Pumunta ako sa salamin at sinuot iyon sa sarili ko. It looks pretty good on me.




Ang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit. Hinimas ko iyon.




Humiga ako sa kama habang hawak iyon, hindi ko namalayan na nakatulog na ako.




KINABUKASAN, it's already 3pm and I decided to go to the gym.




Nang makarating ako ay nakita ko ang mga babaeng tinuturuan ng lalaki at inaalalayan. Matapos ma-settle ay nagpalit na'ko ng damit at nagsimula na'ko.




Nagsimula ako sa treadmill. I set the treadmill and I walked 2mph for 5 minutes to warm up.




Matapos ang ilang oras sa gym ay ang dami ko ng ginawa at sinubukan, minsan ay nagpapatulong ako para malaman ko kung paano gamitin ang iba.




Napag desisyunan kong magpahinga muna, naliligo ako sa pawis, as in. Mabuti na lang ay may dala akong towel.




Habang nag pupunas ay may mga lalaking pumasok sa gym. Nagulat pa'ko nang makilala kung sino ang mga iyon.




"Theus!" tawag ko, napatingin siya sa'kin at bahagyang nagulat.




Napatingin din sa'kin ang mga kasama niya, ando'n din si Clyden at Havier.




Sa sobrang excite ko ay niyakap ko silang tatlo. "Wow! Dito pala kayo nag g-gym?" panimula ko.




Ginulo ni Havier ang buhok ko. "Nauna kami sa'yo rito," sabi niya, may halong pang-aasar ang tono.




"Well, ngayong araw, ako." natawa siya.




"Good thing you started gym," si Clyden.




"Yeah, I got bored. You guys have work, right?" tanong ko.




"Tss, this is not a right place to chitchat." puna ni Klemetheus, bugnutin talaga 'to!




Napatingin kami sa entrance nang may pumasok, a familiar face showed up. His blue eyes looked at me.




Pinasadahan ako ng tingin ng lalaki bago nilipat ang tingin kay Klemetheus.




Tumindig ang balahibo ko nang ma-realized na siya nga 'yung hiningian ko ng necklace!




Naglakad siya papalapit sa'min.




"Anyways," si Klem, "This is Keiru and Kyio. Keiru, Kyio this is my. . . This is my cousin."




Tinanguan ako nung Kyio at ngumiti. Si Keiru naman ay tinignan lang ako saka nilapag na ang bag niya sa upuan.




"Don't mind Keiru, he's just like that." sabi ni Klemetheus.




Tumango ako, understandable. Dahil parehas naman silang weird.




Naghiwa-hiwalay na sila para mag start. Ako naman ay bumalik kung sa'n ako nakaupo kanina at uminom na ng tubig.




Nag cellphone lang ako bilang pahinga, sabi ko noong nakaraan ay hindi ako gagawa ng social media accounts, tiktok lang. But tiktok also made me create Facebook and more.




Pagtapos ng break time ko ay na-realized ko na hindi ko na kayang ipagpatuloy dahil nanginginig na ang katawan ko.




Dala ng kakasimula pa lang, I'm assuming that I will have body sore later.




Nagpasya na akong maligo, good thing dahil may CR ang gym na ito. After that, nagpaalam na'ko sa mga pinsan ko.




"Hey. . . Klem, Cly, Vier, mauna na'ko."




Binaba ni Klemetheus ang dumb bell at tumayo. Kitang-kita ang biceps niya.




"Take care," si Clyden at Havier.




"Hahatid kita sa sasakyan mo," si Klemetheus.




Napatingin sa'min si Keiru ngunit napaiwas din ng tingin nang magtama ang mata namin.




"Hindi n-" Klem cut me off.




"Let's go," wala akong nagawa kundi lumabas na kasama siya.




Pumasok ako sa sasakyan at binaba ang window.




"Are you really sure you can drive?" he asked.




"Ano ka ba, Of course!" I chuckled. Nakapag drive nga ako kanina eh, a little bit nervous though.




Tumingin pa s'ya sa mata ko, hindi sigurado. "No, wait me here." sabi niya at pumasok sa gym.




Ha? Ano ba 'yan!




Tinignan ko sila sa clear window glass ng gym, kinakausap n'ya si Havier at Clyden, umiiling yung dalawa habang nagsasalita.




Nakita kong napabuntong hininga si Klemetheus. Lumapit siya kay Kyio, may sinabi si Kyio kaya kay Keiru na lang siya pumunta, parang nag h-hesitate pa siyang sabihin.




Huminto si Keiru sa pag t-treadmill at tumango, nagpunas siya ng pawis habang may sinasabi si Klemetheus. Wala naman siyang reaksyong nakikinig do'n.




Sabay silang lumabas, what the heck is he planning?! Nagsasalita pa si Klem habang papunta sa'kin.




"Get out," sabi ni Klemetheus.




"Huh? Are you insane Klemetheus?!" manghang tanong ko.




"I'm older than you."




"Why would I get out?"




"Keiru will take you home. I can't do it for some reason." sabi niya at napatingin kay Keiru na mukhang nab-boring na.




"What? I can go home, KUYA." diniinan ko ang huling salita dahil baka sabihin na naman niya na mas matanda siya sa'kin!




Lumambot ang ekspresyon niya.
"Don't be too naughty, lumipat ka na sa shotgun seat." mahinahon niyang sabi at napakamot sa sintido.




Napairap ako saka bumaba ng sasakyan, umikot para sumakay sa shotgun seat. Klemetheus gave Keiru a signal to get in.




Sumakay na si Keiru at sinara ang pinto. "Take care of her, dude." Klemetheus said.




"Yeah," walang kwentang sagot ni Keiru at inatras na ang sasakyan. Pinanood pa kami ni Klemetheus na umalis.




"I can't really understand why he needs to do that! I can drive!" pag r-rant ko.




"How old are you?" he asked in baritone voice.




Napahinto ako, fuck. How should I answer that? I don't even know how old I am!




"I-I don't know..."




"That's why," he said simply.




What? So dahil 'di ako pinag drive kasi miski edad ko ay hindi ko alam?! Gano'n?!




"What? I can drive!"




"Who said you can't?" sarkastikong tanong niya. Gusto kong umusok sa inis.




Tahimik lang kami sa kalagitnaan ng byahe at nagsimula na rin akong huminahon.




"Uhmm..." nag linga-linga ako.




He did not talk. Tumahimik na lang din ako. Maya-maya pa'y kumulo ang tiyan ko. Sa sobrang tahimik naming dalawa ay malamang narinig niya iyon! Nakakahiya!




Maya-maya pa'y lumiko siya sa Mcdo's drive thru. Pumila siya ro'n.




"Do you want to eat there or drive thru?" he asked.




Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan.
"Uhm, maybe do'n na lang sa loob, ang haba kasi ng pila, hehe." hilaw na sabi ko.





Mabuti na lang ay wala pang kasunod na sasakyan sa likod namin kaya naka-atras siya. Pinark na niya ang sasakyan, bumaba na rin ako.




Sumunod siya sa'kin maglakad papasok sa Mcdo, dumampi sa balat ko ang lamig ng hangin pagpasok ko.




Pumila ako habang nakatingin sa menu. Nagulat ako nang hawakan nya 'ko sa braso at nilagay ako sa likuran niya.




Did he just switched our position?!




"Hey, singitero!" umirap ako.




"Just tell me what you want and find a table." he said while looking at the menu.




"Uh, 'yung chicken fillet with rice and mc float, please." I said. "Choose yours also!" habol ko.




Tumango lang siya kaya naghanap na'ko ng table namin. Nakita ko ang tatlong babaeng nagbubulungan.




"Ate boyfriend niyo po?" harang sa'kin ng tatlong babae.




Napatingin ako kay Keiru. "Uh? No,"




"Sayang! Bagay kayo!"




I smiled uncomfortably bago umupo sa nahanap kong table. Ilang minuto lang ay natanaw ko na siya bitbit ang tray, naka white tshirt lang siya at short.




Napapatingin sakanya ang mga taong nadadaanan niya. Nilapag niya ang tray na may number na 24, umupo sya.




"Let's wait for the sundae." he said.




Chicken fillet with rice din ang inorder nya at mc float, sundae lang siguro ang dinagdag niya.




"I'm sorry for disturbing you, nasa gym ka na sana ngayon." sabi ko.




"Just eat." malamig na sabi nya.




Kumain na nga ako sa kadahilanang gutom rin ako. Maya-maya ay na-realized ko na kaya nga pala ako nag gym para mapaganda ang katawan ko tapos kakain lang ako nang ganito. Di bale, hindi na lang ako kakain mamayang gabi.





Dumating na ang sundae, nilapag iyon ng babaeng waitress. Wait, 'di ba dapat kami ang kukuha no'n kasi tinatawag nila? So may exception kapag kay Keiru?




"Ito na po sir." maliit ang tono niya.




"Thanks," si Keiru.




Nilagay ng babae ang buhok niya sa likod ng tainga nya, "Walang anuman sir," she giggled.




Her tone is irritating. Napairap ako pag alis niya. Tss, hindi talaga mawawala ang malalandi sa trabaho.




"Geez," I murmured.




Tahimik lang ulit kaming kumain.
Pagtapos namin kumain ay umalis na kami agad, pagsakay ko ay sinuot ko na rin ang seat belt ko. Chill lang ako habang nag d-drive siya.




"Bro," si Keiru. May kausap sa cellphone.




"Where are you?" rinig ko ang boses ni Klem!




"Pauwi," maikling sagot ni Keiru.




Ni-loud speaker ni Keiru ang cellphone niya at nilapit sa'kin, isang kamay na lang ang hawak niya sa manubela ngayon.




"Dude, where did you bring Ishi? Aabutin ka lang ng fifteen minutes para mahatid siya, traffic pa kapag inabot ng twenty. Bro it's already forty minutes and Tita said she's not home yet," tuloy-tuloy na sabi ni Klemetheus.




"Chill, Kuya. Nagutom ako, okay? Inaya ko siya sa Mcdo because of that. I did not eat lunch kasi," sabi ko.




I heard his sigh, "Just go home safely okay, are you okay?" he worriedly asked.




"Ahuh? Of course Kuya." sabi ko.




"Okay, bye, call me when you arrived." binaba na nya ang call.




"What? Wala nga akong number nya." sabi ko.




"Kunin mo rito," inabot nya ang cellphone niya.




Kinuha ko naman iyon at nilagay sa contacts ko ang number ni Klemetheus, nilapag ko lang ang cellphone niya sa gilid ko.




I glanced at the side mirror but I suddenly stopped when I saw a truck behind us.




I inhaled heavily. Calm down, Ishivaiah. Just ignore it.




Nanginig ang buong katawan ko at parang nanghihina nang bahagyang bumilis ang truck.




"Keiru. . ." tawag ko.




"What?" he simply asked.




"Keiru, there's a truck. . . please, gilid," pakiusap ko. Nanginginig ang katawan ko nang sobra, para na akong mauubusan ng hininga.




"What's happening to you? Calm down." napatingin siya sa side mirror, mabilis ang takbo ng truck, mag o-over take ata.




"Fuck," utas nya, dumapo ang tingin ko sa kamay niya, nagsimulang manginig iyon.




Tagumpay niyang nailiko ang sasakyan sa damuhan. Napapikit ako nang madiin.




Agad syang bumaba at binuksan ang pinto ko. "Are you okay?" he asked, he's actually shaking but he's trying to suppress it.




Tumulo ang luha ko at tumango. Napahilamos sya sa mukha at napaupo sa damuhan. "Fuck, I don't know what's happening to me." he cursed.




I sighed, ang bigat bigat ng dibdib ko at ayaw huminto ng pagtulo ng luha ko. Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa mahimasmasan kaming dalawa.




Nang mahatid nya 'ko sa bahay ay sinalubong agad kami ni Mommy.




"What took you so long?" nag-aalalang tanong niya, niyakap ko muna siya bago ako nagsalita.




"I didn't eat lunch, nagutom ako at pinaki-usapan ko siya na dumaan sa Mcdo." sabi ko, napatingin sya kay Keiru.




"Tita," nag mano si Keiru kay Mommy.




"Oh, Keiru. Salamat sa paghatid sa anak ko. Halikayo't magpahinga muna," aya ni Mommy.




"Pasensya na po Tita, aalis na po ako."




"Naku, kadarating mo lang at hinatid mo pa itong anak ko, hayaan mong gawan man lang kita ng kape,"




"Mom, 'wag nating pilitin, maybe he's-"




"Okay Tita," he said respectfully.




He really likes to cut me off.




Pumunta kami sa living room habang hinihintay si Mommy.




"What happened to you in the car?" he suddenly asked.




Napaiwas ako ng tingin, "U-uhm, I don't know. I'm just always like that when I am seeing a truck behind my car." sabi ko at napatingin sakanya.




Napatitig sya sa'kin nang seryoso, para bang nahihipnotismo ako ng asul nyang mga mata.




"You're not just nervous, Ishivaiah. You are traumatized." madiin na sabi nya dahilan para gumapang ang kaba ko sa katawan.










vicioushaven

Continue Reading

You'll Also Like

295K 6.8K 14
Not my story. This is by Slayer of Destiny.
535K 29.6K 20
"Dude, don't you know how to spell?" 3.24.2016 Completed: 5.31.2016
107K 1.5K 50
Love is mysterious and full of surprises, just like life itself. Two nonchalant fates collide. Both were born to be successful and successors. Cold s...
20.6K 618 11
γ€ŒMALICIOUS THOUGHTS」In the thrilling universe of Teen Wolf, Lucia Stock, a young woman grappling with the aftermath of a toxic relationship. After a...