The Bride Hiring Heir (Bride...

By mzpublic

6.8M 67K 6.4K

In Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir... More

Prologue
Contract 1- the Reason
Contract 2- the Meeting
Contract 3- Maputlang Masungit
Contract 4- the Contract
Contract 5- the Arc Ninjas
Contract 6- Heaven meet Ninjas..parteee ^_^
Contract 7- Parents..trap??
Contract 8- Hot and Heavy ^_^v
Contract 9- The Heaven!!!
Special Note: From Aish ^_^
Contract 10- Vera Wang
Contract 11- Meet my Parents..
Wedding POV Poll
Contract 12- Cold Feet and....Bolster?
Contract 13- Wedding!!! Parteeee!! *\^_^/*
Contract 14- Honeymoon..tooo KIDNAPPING!! O.O
Contract 15: Saranghae Jeju
Contract 16- Themes, Bear and Greek God!
Contract 17- Being his "look-im-not-gay" wife..begin!!
Contract 18- Back to Basic
Contract 19- Tom Cruise meet Angelina Jolie..
Contract 20- Welcome to High Society! Mrs Griffiths.
Contract 21- Surprise Lunch..Epic Fail?!!
Contract 22- Group date-saster?
Contract 23- Heaven's ride and a CAT!
Conract 24- Sweet and Sour sides of mine :)
Contract 25- Let the showdown begin..
Contract 26- Fair, School and all!
Birthday Celebration
Contract 27- Just Us ❤
Contract 28- Shekshi ako..:D
Contract 29- University Fair..affair?
Contract 30- Silent Treatment.
Contract 31- Ang "One Thing" ni Pusa..
Contract 32- Best Thing that ever been Mine..
Contract 33- Girls Time out!
Contract 34- at the Function
Contract 35- The Red Match over Black.
Contract 36- The Meddlesome Pusa..>:/
Contract 37- Talk and Luggage.
Contract 38- Skype-i-miss you.
Contract 39- In the Club..
Contract 40- Te Amo Brazil!
Contract 41- Back into your arms nga ba?
Contract 42- Liar, Liar Savannah's on Fire...
Contract 43- the beginning of the End.
Contract 44- Mysterious Flowers.,
Contract 45- the art of pain..
Contract 46- Love is Painful, love is sweet.
Contract 47- Confrontation with Kanikka.
Contract 48- Friendship is Priceless.
Contract 49- Fun under the moonlight.
Contract 51- the Real story..
Contract 52- the Plan..
Contract 53- Double D, nah C+, A!
Contract 54- Busina at iba pa.
Contract 55- Love talks and Lunch.
Contract 56- Odd Circumstances.
Contract 57- Movie Marathon and more..
Contract 58- Kiss and Tell.
Contract 59- Frozen and Happy.
Contract 60- Slowpoke and Maputlang Masungit :)
Contract 61- Love is in the air..plane :)
Contract 62- Meteor Shower kisses.
Contract 63- Bleeding Love..
Contract 64- Baby Talk..
Contract 65- She's back with apology?
Contract 66- Christmas Special..
Contract 67- Heaven's day..
Contract 68- It's for real...
Contract 69- Storm on the calm night..
Contract 70- A decision has been made.. (Finale)
Epilogue
Announcement/ Pasasalamat

Contract 50- Battle of the Bikinis..

79.1K 746 61
By mzpublic

Please read the the Authors note after the chap.

Follow me on twitter :) http://mobile.twitter.com/mzpublicstories

Ang nasa loob po ng ** ** ay flashback. Dedicated sa inyong lahat :)

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 49- Battle of the Bikinis..

"Ano ba Sav! Wala ka man lang bang gagawin huh?" galit na tanong sakin ni Pena.

"Ano bang ginagawa mo dito Sav! Bakit hinayaan mong magkaganun?" galit ring pahayag ni Jenny.

"Oo nga Sav. Diba sabi naman namin sayo, wag kang lalayo sa asawa mo? Wag mong hahayaang dumikit ang bwisit na lentang yun sa asawa mo!" galing ring si Monique.

"Alam mo Sav, pagod na kami magbingi bingihan at magbulag bulagan sa nangyayari sa inyo ni Heaven eh. Hinayaan ka naming sarilinin ang problema mo dahil alam naming matatag ka at alam naming ayaw mo kaming makialam. Pero ano 'tong nangyayari ngayon? Ikaw na asawa andito tapos ang bwisit na lentang yun ang andun kasama ni Heaven? Tapos wala ka man lang ginagawa?" patuloy ni Monique.

"Ayaw mong magsalita, ayaw mong sabihin samin kung ano ba talaga nangyayari sa inyo ni Heaven. Tapos ngayon, ito ka obvious na nasasaktan pero wala ka paring ginagawa. Kung sana nung simula palang na andito tayo nilayo mo na yung lentang yun sa asawa mo hindi ka sana nasasaktan ng ganito. Alam ko mahal mo si Heaven, pero naman Sav wag mo naman masyadong kawawain ang sarili mo. Kasi nasasaktan din kami para sayo." Pena.

"Hindi naman kasi sa ganun eh, kahit naman asawa ko si Heaven hindi naman ako pwedeng maging bantay sarado sa kanya. Isa pa kaibigan naman niya si Kanikka..ang sama ko namang asawa kung ilalayo ko ang kaibigan ng asawa ko sa kanya." mahinahon kung pahayag kahit na sasabog na ang puso ko sa sakit.

"Savannah! Ano ka ba, tanga or nagpapakatanga lang! Manhhid or nagpapakamanhid? ASAWA mo si Heaven, kaya kahit na ipusas mo pa siya sayo karapatan mo yun dahil ASAWA ka! Kahit na kisihudang kaibigan, kapatid or ano pa man ni Heaven yung bwisit na babaeng lentang yun dapat binabantayan mo parin si Heaven. Dahil KARAPATAN mo yun. Isa pa HINDI mo siya nilalayo sa KAIBIGAN niyang lenta ng walang dahilan. NILALAYO mo siya dahil halatang gusto siyang agawin sayo ng BWISIT niyang KAIBIGAN!!" halos pasigaw nang pahayag ni Monique. Halatang galit na galit na siya.

"Monique naman, sana naman intindihin niyo ako. Hindi naman kasi ganun kasimply na maging bantay sarado ako kay Heaven. Asawa niya ako at hindi bodyguard..kaya ayokong bumuntot sa kanya boung araw at gabi. Tsak hindi naman siguro inaagaw ni Kanikka si Heaven sakin. Masyado lang silang close, dati pa man." kahit kasinungalingan ang sinabi ko, kailangan kong gawin yun para kumalma si Monique.

"Ang asawa Sav, nagiging body guard narin yan pag may lentang aaligid aligid sa asawa. Kung alam mong may malanding lenta na aali-aligid sa asawa mo. Kung alam mong kunting lingat mo lang lalandiin na ng ibang tao ang asawa mo dapat maging bodyguard, secretary , personal alalay at kung ano pang guard ka." sabi ni Jenny na medyo mahinahon ng kunti.

"Hai naku Jen, kasi si Sav masyadong mabait. Masyadong mapag pasensya, masyadong bulag na kahit harap harapan ng nilalandi ang asawa niya hindi parin niya nakikita. Na kahit harap harapan ng inaagaw sa kanya ang asawa niya wala paring ginagawa, nagpapaka santa parin. Na kahit masyado na siyang nasasaktan kinikimkim parin niya.."

"Monique naman eh, hindi naman kasi ganun talaga kadali. Hindi niyo kasi alam ang lahat eh.."

"Savannah, anong hindi ganun kadali dun? Anong hindi namin alam? Ano pa bang gusto mong marinig para lang MATAUHAN ka at MAMULAT sa nangyayari sa asawa mo at lentang yun? Huh? SABIHIN MO NGA!!"

"HINDI NIYO KASI ALAM EH! SABI NANG HINDI NIYO ALAM ANG LAHAT. HINDI GANUN KADALING BANTAYAN SI HEAVEN, HINDI GANUN KADALING I-IWAS SIYA KAY KANIKKA! WALA KAYONG ALAM SA TOTOONG NANGYAYARI!" hindi ko napigilang sumigaw.

"KUNG WALA KAMING ALAM EH DI SABIHIN MO SAMIN! PARA ALAM NAMIN! DAHIL KAIBIGAN KA NAMIN!! PARA ALAM NAMIN PANO KA IPAGTANGGOL! ANG HIRAP KASI SAYO LAHAT GUSTO MONG SARILININ, ANG DAMOT MO SA PAGHIHIRAP MO. YOU'RE TOO UNFAIR!!" pasigaw ding sagot ni Monique at padabog na lumabas ng kwarto namin ni Heaven. Natauhan naman akong bigla sa ginawa ko kaya nahilamos ko nalang angmga palad ko sa mukha ko.

"Monique oi..wag ka namang ganyan. Diba mag-uusap tayo..oi" habol ni Jenny sa palabas nang Monique. Si Pena nalang ang naiwan sa kwarto ko.

"Pens, lalabas muna ako. Magpapahangin lang ako sa tabing dagat."

"Sav, sasamahan na kita. Baka ano pang mangyari sayo."

"No Pens, promise diyan lang ako sa malapit. Gusto ko lang mapag-isa. Please?"

"Basta ba diyan ka lang sa malapit huh?"

"Yes Pens." tapos lumabas na ako ng kwarto.

Naglakad lakad lang ako sa dalampasigan ng walang tamang direksyon. Basta ang gusto ko lang ngayon mapag-isa. At mailabas lahat ng nasa isip ko.

Bakit ngayon pa ito nangyari kung kailan huling gabi na namin dito sa Palawan? Bakit ngayon pa kung kailan akala ko ok na kami ni Heaven. Kung kailan akala ko civil na kami. Hindi man kami nagkakabati, pero civil naman. Yung civil na sinasagot niya ang tanong ko, hindi niya ako iniiwasan. Hindi ko narin siya iniiwasan. Medyo maasikaso narin siya sakin lalo na pag inaasikaso din ako ni Pusa. Tapos sa kwarto namin siya natutulog, kahit lagi siyang late pumasok at maaga namang lumabas. Atleast sa kwarto parin siya tumutuloy. Bakit ngayon pa nagkaganito kung kelan akala ko simula na ito nang unti unti naming pagkakaayos. Pero as usual, may ibang plano na naman pala siya.

Ok naman ang lahat kanina ah, infact ang saya saya ko nga..pero bakit biglang naging napakadilim ng gabi ko ngayon?

**

"Good morning Sarang! Wala na.." sasabihin ko sanang wala na naman si daddy mo nang pagdilat ko ng mga mata ko namulatan ko ang isang Heaven na mahimbing na natutulog sa harapan ko.

Hindi lang sa harapan ko kundi halos naka yakap na sakin. Gustong gusto ko man siyang yakapin at hawakan pero natatakot ako na baka magalit siya sakin. Sa nakikita ko ngayon, halos maiiyak na ako dahil ang tagal ko nang hindi siya namumulatan sa paggising ko. Hindi ko na nga matandaan ko kelan ko siya huling nakatabi sa pagtulog eh. Kaya ang saya saya ko ngayon. Kahit huling araw na namin ngayon atleast maganda naman ang kinagisnan ko.

"Good morning langga..ang gwapo gwapo mo parin talaga kahit tulog ka. At mukhang mabango ka parin kahit hindi ka pa nga naghihilamos. Namimiss na kita langga..na miss mo rin ba ako? Sorry ah kung may misunderstanding man tayo ngayon, sana pagbalik natin sa Metro magkaayos na tayo. Sorry ah langga dahil hindi ko nasabi sayo na pumunta ako club kasama ni Adam. Sasabihin mo naman talaga sana sayo pagkagaling mo sa Brazil, kaso lang naging magulo na tayo. Kung sana pinabayaan mo muna akong magpaliwanag, siguro hindi tayo magkakaganito. Siguro hindi tayo magiiwasan at hindi ako nasasaktan ng ganito. Tska langga wala naman talagang ibig sabihin yun eh, nakatingin lang sakin si Adam at naipit lang kami sa dami ng tao sa dance floor." bulong ko sa kanya, kahit alam kung tulog na tulog siya.

"Isa pa kahit naman nakita ko yung picture niyo ni Kanikka makikinig naman ako sa paliwanag mo eh, kahit pa siguro sabihin mong totoo yung halikan niyo. I mean hindi lang yun normal na peck sa lips, makikinig parin ako. Atleast kahit papano alam ko kung saan ako nakalugar. Kahit masakit pakikinggan parin kita. Atleast alam ko kung ano talaga ang meron sa inyo ni Kanikka. Alam ko kung kailan ako dapat umalis na sa tabi mo. Kung sana kinausap mo ako, di sana kayo ganito ni Kanikka..hindi sana ako nakakaistorbo sa inyo. Kahit naman mahal kita, hindi naman ako magiging selfish at hindi ko naman ibebreach ang contract natin." dagdag ko pa. Napansin ko lang noong binanggit ko yung picture at yung sa huling sinabi ko para yatang nag stiff si Heaven. Baka nananaginip lang siya.

"Sige na langga, good morninng ulit. Pasensya na kung ang dami kung sinabi kahit alam kung hindi mo ako maririnig." pagkatapos kung sabihin yun bumangon na ako at naligo. After kung maligo nagbihis na ako at lumabas ng kwarto, iniwan ko si Heaven na tulog na tulog parin.

"Good morning ya all.." masayang bati ko sa lahat.

"Good morning din Sav..parang ang ganda yata ng gising mo ngayon ah?" pansin ni Park sakin.

"Baka nag made in Palawan sila kagabi ni Heaven.." dagdag naman ni Zag.

"Bakit ba kaaga aga at kamanyakan na yang pumapasok sa utak mo huh Zagotistic?" puna naman ni Pena kay Zag. At alam niyo na anong susunod na mangyayari. :)

"Alam mo ballPena, ikaw lang naman ang iba mag isip eh. Mag-asawa naman yan silang dalawa kaya normal lang na usapin yan. Tsk tsk.."

"Sayo normal kasi ang manyak mong mag-isip. Samin hindi, lalo pa sa kaaga aga!"

"Ok, love birds tama na yan at baka kayo ang magka made in Palawan mamaya niyan..hahaha!" tatawa tawang sabi ni Jenny.

"Korek ka Jen! Give me 100! Hahaha" dagdag pangaasar pa ni Monique.

Tawanan din kaming lahat. Natigil lang ang tawanan namin ng pumasok sa kusina si Kanikka kasabay kasunod si Heaven.

"Good morning guys.." masayang bati ni Kanikka sa lahat, except sakin.

"Morning Nikka..morning Heav.."

"Morning.." bati naman ni Heaven at umupo sa tabi ko.

"So what is the activity today?" tanong ni Heaven.

"Hmmm since uuwi na tayo bukas. Island hopping nalang tayo. Tapos pwede kayo sa mag stay sa "Island of Hope" Sav, Heaven." sagot ni Zag.

"Island of Hope?" tanong naman ni Kanikka.

"Yah Nikka, that Island is for lovers. They said pag nagstay ng isang gabi ang couples dun, they will be together until the end."

"Really? That's interesting.."

"Yep..kaya dapat itong mag langga makapunta talaga dun, baka maka buo din sila ng made in Palawan dun. Hehehe"

"It's not funny Zag." sabi ni Kanikka na halatang hindi nga masaya.

"Sayo lang hindi funny Kanikka, samin funny siya." sagot naman ni Monique. Kaya tiningnan siya ni Kanikka ng matiim na hindi rin naman niya pinaobra.

"Ahhh, hmmm. So ano..island hopping ba agad tayo or maliligo muna?" nahalata siguro ni Pena ang tension kaya gumawa siya ng topic.

"Kayo kung ano gusto niyo, maganda rin kung mamaya na tayo mag island hopping.." si Park na ang sumagot.

"Hmm, mabuti pa mag swimming na muna tayo. Maglaro tayo sa alon Alfie baby ah.."

"Ahhh..ano ms Jen..ano kasi..ahhh" ayan nautal na naman si Alfie dahil sa suggestion ni Jenny :)

"Wala nang ano ano Alfie baby, hintayin mo ako. I'l wear my skimpiest bikini para sayo. Hahahaha"

"Pwede hindi nalang ako maligo?" mabilis pa isang segundong tanong ni Alfie.

"Hahahaha..si Alfie natakot sa skimpy bikini ni Jenny. Hahhahaha.." sabay sabay na kantyaw namin. Hehehe

Hai salamat nalang talaga nawala din ang tension between Kanikka at Monique. :)

"Grabe ka naman Alfie baby nakakasakit ka nang damdamin, para nga sayo yung skimpy bikini ko tapos ayaw mo man lang ako makita?"

"Ahh..hi-hindi naman ganun ms Jenny. Ano ka-kasi..ahmm"

"Basta, dapat makita mo ako sa skimpy bikini ko. Wala nang ahhhmm..kaya bilisan na natin kumain para makapagsimula na tayo.."

Kaya ayun nga pagkatapos namin kumain umakyat ulit kami sa mga kwarto namin para mag bihis ng bikini.

*tok tok tok*

"Sav..andiyan ba si Heaven?" tanong ni Jenny sa labas ng pintuan namin.

"Wala Jen, pasok ka lang."

"Yan ang susuotin mo Sav?" medyo hindi masayang tanong ni Monique ;)

"Oo, ok lang naman diba?" patay malisyang sagot ko naman.

"At anong silbi nang pagbili natin ng monokini mo kung hindi mo susuotin? Last day na natin 'to Sav kaya sa ayaw at gusto mo magbibikini ka. Hubad!"

"Pero Monny, ano kasi. Nakakahiya eh.."

"Anong nakakahiya ka diyan! Hubad! Kung ayaw mong kami mag hubad sayo.." seryosong banta talaga, kaya wala na akong nagawa. Bumalik ako sa tandas at sinout ang monokini ko.

"Wow! Ang ganda naman ng mrs Griffiths namin, baka nga magka made in Palawan kayo niyan mamaya sa "Island of Hope" Sav..hahaha"

"Pena naman eh, nahawa ka na talaga ni Zag. Pero hindi ba ito sobra? Baka naman magalit si Heaven dito sa sout ko?"

"Naku Sav, hindi yun magagalit. Sasaya pa yun dahil ang sexy ng asawa niya. Maniwala sakin."

"Sana nga Jen..hooohh"

"Ok sige na tayo na.." yaya ni Monique.

"Oi teka lang naman Monique, isusuot ko lang to. Hubarin ko lang mamaya. Sige na please?"

"Hai, ok fine. Sige na nga.."

"Salamat po ms Fashion star..hehehe"

Naka itim na short at plain white shirt ako ngayon. Ito dapat ang original na susuotin ko kung hindi lang ako napasukan ng ninjas. Kaya tuloy kinakabahan ako. Pano ba naman, first time kung mag bibikini sa harap ng mga kaibigan naming lalaki at ni Heaven. Baka naman matakot lang sila sa sakin oh kaya magsitakbuhan sila dahil sa pangit ng katawan ko. Baka ikahiya pa nila ako. :(

Hindi naman kasi ako ang klase ng babaeng may natural na sexy curve tulad ni Monique at Jenny. Kaya nga game na game yang dalawang yan mag sout ng bikini kasi ang gaganda ng katawan, eh kami ni Pena medyo straight right way highway lang kasi ang katawan kaya medyo uncomfortable sa bikini.

"Ohh..akala namin magbibikini kayong lahat, bakit naka pajama ka ballPena?"

"Eh kung ikaw kaya pajamahin ko huh Zagotistic? Hmm"

"Naman may ballPena hindi na mabiro..ganda nga eh, pero dapat tanggalin mo yang sarong mo mamaya nang makita ko naman ang kasiksikan..este kaseksihan mo.."

"Isa pa talaga huh Zagotistic..isa pa. Sagarin mo na talaga.."

"Ok ok..hindi na..hehehe. Tayo? Nag-hihintay na ang lahat sa may tabing dagat."

Sumunod naman kami kay Zag at andun nanga silang lahat except kay Kanikka at masayang naglalaro sa dagat.

"Alfie baby im here! Diyan kalang pupuntahan kita!" sigaw ni Jenny kay Alfie at mabilis pa sa isang sigundo niyang nahubad ang sarong niya at nagtatakbo papunta kay Alfie. Si Alfie naman naka ngangalang. Hehehe

"Oi Alfie man! Wag masyadong pahalata, pakipunasan naman ang laway man!" pang aasar ni Park, :) nasa dagat narin siya kasama si Leeya.

Pagkatapos ni Jenny lumusong, sumunod na sina Pena at Zag. Ang naiwan nalang dito sa taas kami nina Pusa at Heaven. Medyo malayo lang ako sa kanilang dalawa.

"Oi ms Jolie, hindi ka ba maliligo?" tawag ni Pusa sakin. Hindi ko naman nilingon. Kasi kung lilingon ako, makikita ko din si Heaven. Nahihiya ako.

"Baka naman takot ka sa tubig kaya ayaw mong maligo?" sigaw na naman niya. Bahala ka diyan. Hindi kita lilingonin.

"Hi King.." narinig kung tawag ni Kanikka kay Heaven sa likuran ko, kaya lumingon ako.

At grabe lang, halos lahat yata ng tao dito sa beach nakatingin sa kanya maiba lang kay Heaven na sa dagat nakatingin, naka puting bikini siya. Two piece at ang ganda ganda ng katawan niya. Mas lalo tuloy akong nahiyang hubarin ang shorts at shirt ko.

"Ayaw mo mag swimming?" dagdag tanong pa niya na para bang wala lang sa kanya ang dami ng mata na naka tingin sa kanya. Kunsabagay, model naman siya.

"No.."

"Bakit naman? You like swimming right?"

"Im not in the mood right now. You can go on.."

"Are you sure?"

"Yah.."

"Ok then..." tapos lumakad na siya papunta sa dagat..pero pagka lapit niya sakin..niyaya niya akong maligo. Umayaw naman ako.

"Savannah!! Hindi ka ba maliligo?" sigaw ng ninjas sakin.

"Ayaw..ang lamig ng tubig eh."

"Ang lamig ng tubig o ayaw mo lang hubarin yang cover up mo?"

"Bibilang kami ng tatlo, pag hindi ka lumusong dito. Kami pupunta diyan.." pagbabanta ni Monique.

"Isa.." Jenny..

"Dalawa.." lahat sila..

"Oo na, sige na ito na.." tapos tumayo na ako at dahan dahang hinubad ang tahirt at shorts ko. Habang naghuhubad ako pakiramdam ko may dalawang pares ng mga mata na titig na titig sakin. Hindi ko nalang pinansin at patakbong lumusong ako sa dagat.

"Woohhh! Sav! Nakita mo yun? Grabe lang ang laki ng mata ni Heaven paghubad mo, hahaha..akala nga namin pipigilan ka niya dahil akmang tatayo siya eh. Hahahaha." bulong sakin ni Jenny at ininguso si Heaven na matamang nakatingin sa direksyon namin.

"Ayan nga Sav, yan ang maganda..hindi ka dapat magpaiwan sa babaeng lentang yun. Dapat makipaglaban ka kahit sa paseksihan.." bulong naman ni Monique.

Pagkatapos ng mga show kung mag bibikini, sumigaw si Zag na maglalaro daw kami. Kaya naglaro kami.

After namin maglaro sa tubig, naglaro kami ng habulan at talagang nakakapagod lang! Napagpasyahan naming umahon na. Unang umahon yung mga lalaki, sumunod si Pena na sinalubong naman ni Zag ng sarong. Tapos si Alfie ganun din ginawa kay Jenny. Si Leeya naman nagbigay ng sarong ni Monique.

Ang naiwan nalang ngayon sa dagat, si Kanikka at ako. Nung paahon na ako, yun din ang pag ahon ni Kanikka,kaya parang nag sabay kami. Tapos sabay din tumayo sina Heaven at Pusa.

----------------------------------------------------------------------------------------------

A/N

Announcement :)

Sa next chap na po ang karugtong nito at kung ano ba talaga ang pinag awayan ng ninjas. Unfortunately, ang next chap po ay baka matagalan pa dahil mabibisi na naman po ako. Hindi ko po masasabi ang exact date ng next update pero HINDI naman po next month. Kaya sana hintayin niyo po ako :) Something good is coming for the incoming updates. HINDI pa PO ITO ENDING :)

Again po, ang next update ay matatagalan pa kaya sana wala nang mag tanong kung kelan ang UD. Pag nabakante ako mag uud ako kahit isang chap lang. :) Pero walang eksantong date yun. Salamat po :)

Gusto ko rin pong magpasalamat sa mga comments niyo, naiiyak na natatawa ako talaga sa comments na nababasa ko. Lahat po ng comments niyo nababasa ko pasensya na kung di ako makareply. :( Sa mga bagong readers, followers, naglagay ng TBHH sa RL nila..maraming salamat po sa inyong lahat. Paki spread niyo lang din po. Hahaha. Kapal lang. Lol

Yun lang po sa ngayon hehehe..Kung gusto nyo makita pic ni Sav. Visit nyo lang twitter ko or TBHH fb page :)

Paglilinaw lang po pala sa natanggap na bulaklak ni Sav last prev chaps. Galing po kay "JVA" ay plain Red Roses. Tapos galing naman kay "YOURS" ay dalawang kulay at klase ng bulaklak isang Purple Hyacinth at Yellow roses na may Red Tips. Isang bulaklak lang po yan, yellow with red tips roses. Iba naman po ang plain yellow roses lang. Medyo naguluhan po kasi ang iba sa description ng bulaklak. :))

Happy pagbabasa po sa lahat mga langga❤ Mahal ko keyo :p

xoxo

ms A (Aish)

Continue Reading

You'll Also Like

157K 4.8K 23
Nahulog ang puso ni Chynna sa campus heartthrob-slash-singer guitarist na si Sandro Emir, boses pa lang nito ay nabihag na agad ang puso niya, hindi...
2.3M 4K 7
[COMPLETED][Unedited][Jeje] Book 1 Book 1: My Son's Teacher is his Mother? [ Second Half Under Revision] ~ Paano kung ang anak mo ay walang kinalak...
690K 9.7K 57
Hindi pa man niya nakikita ang kanyang soon-to-be-husband ay tumakas na si Prislyn para hindi matuloy ang nakatakdang engagement party nila kinabukas...
481K 11.6K 47
When Maureen Jane's Grandmother is too old to take care their BOARDING HOUSE.. where her grandma usually stays.. Pinasa ng Lola ni Maureen ang Boardi...