Campus Queen

By PrinsesaFever

2.3M 63.5K 9.8K

Book two. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Authors Note
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Till next time! :)
Special Chapter 1
Announcement
BOOK THREE

Chapter 30

29.5K 854 77
By PrinsesaFever

Kindly read my PS down there. Thank you. :) mahalaga po yung nakalagay dun.

Tatlong araw na ang lumipas simula nung nag-usap kami ni Daddy. Nagising ako ng maaga. Antok na antok pa ko dahil sa puyat kagabi. Tumayo na ako at nilabas ang uniform ko at pumasok na sa CR.

Pagkatapos ko ay nakita ko si Vanessa na kakagising lang. Kinukusot pa niya ang nga mata niya habang tinatali ang buhok.

Nagsuklay na ako at nagayos. Hinintay kong matapos si Vanessa at ng matapos siya ay kumain lang kami. Palabas na sana kami ng tinawag ako ni Daddy.

"Kylie,"

Lumingon ako at nakita ko siyang pinapalapit ako. Pagkalapit ko ay hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay doon.

"That's your key for your condo. Hindi pwedeng araw araw kang nandito. You also need to take a rest. Magkatabi lang ang suit niyo ni Vanessa. Okay lang ba 'yun?"

Binuka ko ang palad ko at nakita ko nga doon ang susi. Tinignan ko siya at nilahad muli ang susi.

"Okay lang po sakin na dito ako araw araw. Hindi niyo po ako kailangang bigyan ako ng condo."

Dahan dahan siyang umiling. "Take it. Isa na din sa paraan para makabawi ako. Please..."

Wala na akong nagawa kundi tumango.

"Salamat po." Sabi ko bago umalis.

Tahimik lang ang naging byahe namin papunta sa EU. Hanggang sa pagdating namin ay tahimik din kami. Nauna na akong bumaba. Kita ko ang tinginan ng mga estudyante. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagdere-deretso.

Pagkapasok ko sa room ay nagkwentuhan agad kami. Maya maya ay pumasok na din si Maam at nagdiscuss.

Mabilis ang oras kaya hindi namin namalayang uwian na. Kumaripas agad ang mga kaklase ko papunta sa Gym dahil ngayon ang laban nila Blake sa Weston University.

"Tara na! Bilisan mo! My god! Maguumpisa na 'yun!" Pagmamadali sakin ni Ericka.

"Eh mauna kana kaya? Ayan o! Nakabukas pinto. Excited lang?" Irita kong sabi sakaniya.

Sumimangot na lang siya habang ako naman ay inayos na ang gamit ko. Pagkatapos kong ayusin ay pumunta na agad kami sa Gym.

"Ay teka! Ba't dala ko pa 'to? Ang bigat kaya! Babalik ko muna 'to sa locker." Sabi ko sakanila.

"Nak ng! Ano ba naman 'yan Kylie o!" Inis na sabi nila.

"Mauna na kayo. Susunod na lang ako." Sabay peace sign ko sakanila.

Walang sagot galing sakanila dahil agad silang tumakbo. Supportive girlfriend much?

Naglakad na ako papunta sa locker ko at agad nilagay ang mga libro. Pagkasara ko ay nagulat ako ng may nakita akong tao sa gilid ko.

"Miss me?" Tanong niya saakin at kumindat.

I rolled my eyes. "Miss your ass, bitch." Sabi ko at nilagpasan na siya ng hinatak niya ako sa braso.

"Ohh, may sasabihin lang sana ako. Na siguradong ikagugulat mo." Sabi niya saakin at ngumisi.

Inip na ekspresyon lang ang ipinakita ko sakaniya. "What is it, Liz?"

Lumapad lalo ang ngisi niya. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at may ibinulong na ikinagulat ko.

"Kylie Michelle Natividad Santiago. Hmm, sounds good." Sabi niya at inilayo ang mukha niya saakin. "Akala ko ba Dela Vega ka? Tsk. Poor you. Napuno ng kasinungalingan ang buhay." Iling niya.

Hindi pa din ako makapagsalita. Pano niya nalaman? Sino nagsabi? Kelan? Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko pero hindi ko masagot sagot.

"How did I know? Well, its a secret. You're a great pretender, Kylie. A very great pretender." Sabi niya at tumawa bago ako lagpasan.

Naiwan akong tulala. She know! Pano na 'to?!

Ilang segundo din akong tulala ng biglang may nakabangga saakin.

"Ouch!" Daing ko dahil sa lakas ng pagkabunggo niya saakin ay napasandal ako sa locker ko.

"Sorry miss." Sabi ng nakabangga saakin at hinatak ako ng marahan.

Tinignan ko siya. At halos hindi na ako makapagsalita ng makita ko ang mukha niya. Messy hair, matangos ang ilong, pinkish lips, perfect jaw line at ang kaniyang brown eyes. Wait, familiar 'to ah?

"Kylie?" Tawag niya saakin.

Kunot noo lang ang itinugon ko sakaniya. Omg! Familiar talaga siya!

"Kylie! This is me, Jules!" Sabi niya.

Jules? Wait. Jules! Oo! 'Yung nakasabay ko pauwi galing Cali.

- CNCTQ Chapter 56 kung nakalimutan niyo :) -

"Uy! Ikaw pala 'yan? Hindi kita namukhaan! Sorry." Sabi ko sakaniya.

Tumawa naman siya. Showing his white perfect teeth. "Oo. Hahahaha! Buti nga namukhaan kita e. Dito ka pala nagaaral?" Tanong niya.

"Oo. Ikaw? Dito ka din?"

Umiling siya sa tanong niya at tinuro ang jersey niya. Doon ko lang napansin na taga Weston University sya.

"Ay. Kalaban ka pala e!" Biro ko sakaniya.

"Hahaha. Oo nga. Wait, pupunta ka ba sa Gym niyo?"

"Oo. Sabay ka?"

"Sana. Kanina pa kasi ako naliligaw e. Ang laki naman kasi ng school niyo! Balita ko kayo may ari nito ah?"

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. Hindi niya dapat malaman.

"Ha? Ah oo. Sige tara? Sabay kana sakin. Kawawa ka naman e. Hindi pa nga nags-start 'yung game pawis kana." Sabi ko at tumawa.

"Oo nga e. Di bale, hot pa din naman ako." Sabi niya at kinindatan ako.

Umiling na lang ako. Gwapo siya. Pero loyal ako kay Blake e.

Naglakad na kami papuntang Gym. Pero nagkwentuhan pa din kami.

"Teka nga. Ba't nga pala hindi na kita nakikita? Kapitbahay lang kita pero hindi kita nakikita? Angas nun ah!" Tanong ko sakaniya.

"Ah. Pinili ko kasing mag-dorm. Alam mo na, namiss ko na din mga tropa ko e."

"Kaya pala."

Nanahimik kami saglit. Awkward. Joke. Hahahahaha!

"Uy! Nga pala, nagtext ako sayo ah?"

Napatingin ako sakaniya. "Ha? Wala naman akong nareceive ah?"

"Hindi. Matagal na. Tinanong pa nga kita kung naaalala mo ko."

Napaisip ako. Wait, isip isip. Pakshet! Gumana ka utak! Bwisit.

"Ah! Oo. 'Yung nasa rooftop kami. Ikaw din ba 'yung nagtext sakin ng 'Hey babe. What's up?"

Alinlangan siyang tumango kaya sinamaan ko siya ng tingin at hinampas siya sa braso niya.

"Bwisit ka! Nag away kami ni Blake dahil dun! Asar!" Singhal ko sakaniya ng nakasimangot.

Narinig ko siyang tumawa.

"Sorry na. Malay ko ba. Blake? 'Yung MVP lagi?"

Tumango ako. That's my baby! Yeah!

"Oh? Boyfriend mo 'yun? Mas gwapo pa ko dun e!"

"Gwapo? San banda?" Sabi ko at tumigil sa paglakad at tinignan ang mukha niya. "Wala naman e! Pinagloloko mo ko."

"Eto o." Sabi niya at nag pogi sign bago kumindat.

Umirap na lang ako sakaniya at tinulak na namin ang pinto papasok sa Gymnasium. Rinig na rinig ang ingay ng mga cheerleader namin at ng WU.

"Goodluck!" Sigaw ko sakaniya.

"Thanks. See you. Text na lang!" Sabi niya at humiwalay na siya.

Pumunta na ako kila Ara at agad naman nila akong binatukan.

"Hoy! Sino 'yun ha?" Tanong nila saakin at matalim akong tinignan.

"Oh? Mga iniisip niyo. Kapitbahay ko lang 'yun!"

Their jaw dropped, "Kapitbahay? Ganun kapogi? Kahot? Kasexy? Oh my god! Lilipat na ko sainyo!" Excited nilang sabi.

Natigilan ako. What did I just said? Kapitbahay 'namin'? Hindi pala 'namin', 'nila' pala. Napansin ata nila Ara 'yung pananahimik ko kaya dumaldal na ulit sila.

"Calling Kylie Dela Vega and her friends. Please sit on the bench of EU at the right side."

Lahat nagtinginan saamin. Nakita ko din pati si Jules napatingin. Nagtinginan muna kaming magkakaibigan bago pumunta doon.

Umupo na kami sa tabi nila Aj, Marvin at Glenn. Mga varsity din.

"Ayan. Nagselos kasi si Captain e." Sabi nila saakin at umiling.

"Selos?" Nagtataka kong tanong sakanila.

"Oo. Kanina kapa niya inaabangan. Tas nakita ka niyang pumasok kasama 'yung player ng Weston." Sabi ni Glenn saakin.

"Kaya tignan mo. Seryoso siyang nakatingin sayo." Sabi naman ni Aj saakin.

"Seryosong nakatingin sayo habang papalapit. Lagot ka Kylie!" Asar sakin ni Marvin kaya nahampas ko siya. "Aray! Sadista. Pasalamat ka maganda ka."

Inirapan ko na lang siya at tumingin kay Blake na seryoso ngang nakatingin saakin habang papalapit. Nakakatakot siya! Huhuhu. Agad kong siniksik ang sarili ko kila Ara.

"Hoy! Anong nangyayari sayo?" Tanong niya sakin.

"Si Blake! Natatakot ako sakaniya. Huhuhu."

"Baliw. Ayan na o, malapit na. Ay oo nga! Ang seryoso masiyado ni Papa Blake." Sabi ni Ericka saakin.

Mas lalo akong kinabahan. Ano ba Kylie! Umayos ka!

"Kylie." Seryoso niyang tawag saakin.

Ayan na po siya. Huhuhu.

Unti unti akong lumabas mula sa pagkakasiksik ko kila Ara.

"W-what?" I tried to keep myself cool pero hindi ko kaya.

"Stay there. We'll talk later."

Napalunok na lang ako. Waaaaah! Tatakasan ko siya! Tama!

Nagstart na ang game. At pansin kong si Jules lagi ang pinagiinitan ni Blake. 3rd quarter na at ang Weston ang lamang. Pinasok sila Blake, Ian, Ethan, Bryan at John. Si Jhersel pahinga muna dahil kanina pa siya pinasok.

Simpleng tinutulak ni Blake si Jules. Ngumingisi na lamang si Jules sakaniya at naglalaro na lang. Salamat naman kung ganun. 4th quarter ay lumamang sila Blake. At natapos iyon ng isang puntos lang ang lamang ng EU sa WU.

"Wooh! Congrats satin!"

"Galing mo, captain!"

Hiyawan ng hiyawan ang mga player namin. Habang ang WU players naman ay nagrereklamo sa referee pero iling lang ang itinugon nila. Si Jules pala ang captain nila.

Lumapit si Jules kila Blake at ngumiti ito. Kasama nito ang mga co playmates niya.

"Congrats mga pre," Bati niya kila Blake.

Hindi kumibo si Blake tinignan niya lang si Jules kaya sila Ian na ang nagsalita.

"Uy! Salamat." Sabi nila at alinlangang tumawa.

Tumango lang si Jules at nakita niya ako kaya lumapit siya saakin.

"Yo." Sabi niya saakin pagkalapit niya.

"Congrats."

"Kahit kayo nanalo? Hahaha. Didn't make it. Lakas nila e." Sabi niya at pinunasan ang pawis niya.

Nakita kong nakatingin saamin lahat ng players ng EU. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Jules ng biglang may kamay na pumulupot sa bewang ko.

"Hi baby. We did it. Lahat ng points ko para sayo." Sabi ni Blake.

Alinlangan akong tumawa. "Oo nga e. Ang galing niyo. Congrats." Sabi ko.

Tinignan ni Blake si Jules. "Can I excuse my girlfriend? I just need to talk to her." Sabi niya. May sasabihin pa sana si Jules pero inunahan agad siya ni Blake. "Privately." Matigas niyang sabi.

Tumango na lang si Jules at tumingin siya saakin.

"I'll go." Tumango ako sa sinabi niya. Sumenyas siya na magtext na lang kami pero hindi ako sumagot makikita ni Blake e.

Hinila na ako ni Blake kaya muntik na akong masubsob. Dinilaan ko na lang siya kahit hindi niya nakita. Bwisit 'to.

Nakarating kami sa labas ng Gym. Binitawan niya ako pero nakatalikod siya saakin. So ano? Anong peg namin dito?

"Bakit mo siya kasama?" Seryoso niyang tanong.

"S-sino?"

Shemay! 'Wag kang mautal, Kylie!

"I know you know I'm referring to, Kylie. Why are you with that fucking man?"

Uh oh. Galit na talaga siya. Inhale, Kylie. Inhale, exhale. Kaya mo 'yan!

"Jules? Come on, baby. He's just my friend. Nakilala ko siya nung pauwi na ko dito galing Cali."

"'Wag mo na siyang kaibiganin."

Namilog ang mata ko. "What? God, Blake! Kaibigan lang naman. No more, no less!" Naiinis na ko. Kaibigan lang naman ayaw niya pa?

"You don't know him." Sabi niya habang nakatalikod pa din saakin.

"Teka nga. Ba't ba ayaw mong humarap? Humarap ka nga!" Sabi ko at hinatak ang balikat niya para iharap sakin pero wala. Hindi ko manlang nahatak!

"No."

"Bakit ba?" Inis kong tanong sakaniya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Kasi alam kong mawawala ang selos at inis na nararamdaman ko kapag nakita kita. Hindi kasi kita kayang tiisin. Masiyado kasi kitang mahal."

Natigilan ako sa sinabi niya. Naramdaman kong namula ang mga pisngi ko at nawala ang inis na nararamdaman ko kanina. Parang kabayong tumatakbo ang puso ko dahil sa bilis ng pintig nito.

Hinarap niya ako. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinignan ako sa mata.

"I only want you mine. I'm sorry. I know I'm being selfish. But fuck, I don't care. I love you so fucking much that's why I can't see you with someone else. Gusto ko ako lang lahat. Ako lang makakatabi, makakatawanan, makakayakap, makakahalikan at makakapagsilay ng ngiti mo sa labi na mas lalong nakakainlove. Ako lang." Sabi niya at hinalikan ako.

Tumugon na din ako. Ilang segundo din kaming ganun ng maghiwalay ang mga labi namin.

"Answer me, sakin ka lang diba?"

Ngumiti ako sakaniya. "Sayo lang. Sayong sayo." Sabi ko at niyakap siya.

I'm so lucky that I have this guy. Nandiyan siya lagi kada may problema ako. Hindi niya ako iniiwan. Mahal na mahal ko 'to.

Yow! :) may sasabihin lang po ako? Importante po ito. Sana basahin niyo:
So may nagcomment sa CNTCQ na wrong grammar daw. Opo, okay, aaminin ko po na minsan talaga nawro-wrong grammar ako. Pero kasi ang point ko po, YUNG MGA CHAPTERS NA PINAGCOCOMMENTAN MO SINASADYA KO YUNG PAGWRO-WRONG GRAMMAR KO. Si Clare (Isa sa kontrabida girls sa CNTCQ hanggang dito) ay talagang HINDI marunong magenglish. Again po, HINDI MARUNONG. Gusto ko lang naman po i-clear. Hindi po sa ayaw kong mapahiya, tanggap ko naman po kung magkamali man ako pero obvious naman po kasing sadya yun. At isa pa, hindi ko po kailangang mag aral sa Ateneo. Hindi po namin kasi kaya yung tuition fee. Masaya na po ako sa school ko ngayon. :) salamat po kung maiintindihan niyo. Mabait naman po ako. May pagkamaldita nga lang. Hehehe. So yun, mahaba na to ng uber. Thank you sa pagbasa! Love you guys! xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 34.3K 51
[NO SOFT COPIES] A campus princess A girl that is idolized and envied A girl who you never thought living in a world we didn't know.... A Wo...
722 246 10
"The tower broke, so did the disaster." Ang buong akala ni Faye na isang kathang-isip at gawang kwento lamang, sa isang iglap napabago nito ang kanya...
379K 11K 68
Book three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!
84.6K 4.2K 42
This story is all about sa isang normal babae na ang pangarap lang ay makita ang kanyang Idol but little did she know that supporting her idol in one...