♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥
Aldrin's POV
"Pero ma! Ayoko po umalis! Ayoko ng balikan si Patrice" reklamo ko kay mama, pano banaman kasi kahapon dumating yung papa ni Patrice at kinwento na nasa hospital sya at ayaw magpagaling hangga't wala ako. Bakit ba nangyayari sakin to?
"Aldrin Garcia intindihin nalang natin yung kalagayan ni Patrice. Konsensya mo kung hindi ka pupunta. Alam ko namang si Wendy na talaga ang laman nyan" tinuro ni mama ang kaliwang dibdib ko "kaya kung loyal yan kay Wendy, kahit magkasama pa kayo ni Patrice, si Wendy at si Wendy parin ang mananatili jan" napabuntong hininga nalang ako sa inis
Wala naman talaga kong magagawa. Kaya .. masakit man, pumayag na ko. Kahit di naman ako pumayag hindi parin talaga ko tatangapin ni Wendy. Pero mamahalin ko parin talaga sya.
- - - - - - - - -
"Anak nandito na si Aldrin" sabi ng papa ni Patrice, humarap agad sya pag kasabi nya non. Tumayo agad sya sa kama nya at tumakbo sakin at niyakap ako, pero nanatiling nakatayo lang ako.
"Kala ko iniwan mo na talaga ko eh"
"Hindi kita iiwan .. Babe" sapilitan kong sabi.
Kinausap ako ng masinsinan ng papa ni Patrice., na bigyan ko daw ng kahit isa pang pagkakataon ang anak nya. Pero sabi ko hindi ko na talaga sya mahal. Kaso, dahil sa sobrang kasamaan na ng ugali ni Patrice, sinabi nya na sisirain at guguluhin daw nya ang buhay ni Wendy, parang teledrama lang sa tv ang lagay -.- At ayaw ko namang mangyari yon. Kaya sabi ng papa nya .. sana daw makisama muna ko sa ngayon kahit mga isang linggo, o isang buwan. Para daw sa kalusugan at kapakanan ni Patrice. Naisip ko .. para din kay Wendy.
Kaya I need to Pretend like I do really love her back even its just a lie.
"Babe, mahal na mahal talaga kita" sabi nya at hinalikan ako sa labi ng wala manlang pasabi -.- nakapokerface lang ako at hindi gumagalaw. Pagkalayo nya tumalikod ako at pinunasan ang mga labi ko. Kung hindi lang dahil kay Wendy.
"Sige Pat-- Babe, ahh.. mag pahinga ka muna. Alam kong pagod ka galing ng ospital" sabi ko
"No. It's okay lalo na't nandito ka na" sagot nya at kumapit sa bisig ko
Inalis ko ang pagkapit nya ng hindi awkward "ako.. kailangan ko ng magpahinga.." alibi ko
"San ka uuwi? San ka matutulog? Dito ka lang wag kang aalis" hinawakan nya ang kamay ko at pinigilan akong lumabas
NO WAY!
♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥
Wendy's POV
Lagi nalang akong kinakabahan sa tuwing tumatawag tong si Papa eh >< ano nanaman kayang iuutos at masamang ibabalita nito?
"Hello .. pa?"
"Good evening anak, ahh.. kakausapin ka raw ni Mr. Suarez" kinabahan ako bigla.
"Hello Wendy?" Bati nya, napalunok nalang ako sa kaba
"ahh.. hello po Mr. Suarez, bakit nyo po ko gusto makausap?"
"I just want to tell you that next 31 days or next month will be your wedding---" WAAAHH.. AYOKO!
"HAAA?" O_O
"Easy. Oo gusto kasi ng asawa ko na maikasal na agad si Frank. And that's the only condition para manatili kami akong business partner ng Papa mo" *sighed* bakit ba ako?
"Ahh. Hindi nyo manlang po ba itatanong kung kamusta po kami ni Frank? Sa totoo lang po may hindi po kami pagkakaibigan .. tapos sasabihin nyo po na within this next month magpapakasal na kami?"
"Madali lang ayusin yan bago ang kasal nyo. One month pa naman ah? You can do it ... and besides kami naman na ang bahala sa lahat eh, ang kailangan nyo lang iprepare is ang mga sarili nyo" sagot nya
"Hindi po yun ganun kadali. May .. may iba po akong ma----"
"Mr. Buenaventura mukang magkakaproblema tayo kay Wendy? Ano? Aatras na ba ko sa paggiging business partner mo?" Narinig ko sa kabilang linya -.- nagpaparinig ba to? Badtrip ah!
"Ahhh.. hindi po! Sige po payag na ko!" Sabi ko nalang atsaka pinatay ang cellphone ko
Napahiga nalang ako sa kama ko at tinitigan ang kisame, napapikit at hinawakan ang sentido ko. Nababaliw na ata ako!
??
Next month? Waaaahhh!! Ayoko na!
Umupo ako at binuksan ulit ang cp ko "Gwapo, matalino, mabait, maalaga, may sense of humor, romantic.. ano pa bang wala sayo Frank?" Sabi ko habang tinitignan ang picture ni Frank sa cellphone ko
"Ideal guy karin naman .. pero bakit ayaw ko nga bang magpakasal sayo?" Why not diba?" Napangiti ako at narealize na, malaking tulong siguro to for me to move on
Pero galit ata sya sakin.
Hmp. Maitext nga!
To: Frank
Lunch? Bukas 12 nn. Sunduin mo ko? Please? Kailangan na nating ayusin to Frank.
- - -
From: Frank
Ok.
- - -
"AAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!! YUN LANG YON!? AISH! FRANK NAMAN! DI BA KO MAGALING HUMALIK? BADTRIP KA AH? IKAW NA NGA TONG HINALIKAN GALIT KA PA!" naisigaw ko sa sobrang galit. Kainis!
O.o?
Huh? Sino yun?
May nagbato ng papel sa bintana, oh my ghad! Sino naman kaya to? Gabing gabi na nagawa pang magtapon ng basura sa ibang bahay -.- hay nako naman!
Kinuha ko muna yung papel na binilog "Silip ka sa bintana" ??
Makautos naman to wagas
Gaya nga ng utos nung papel sumilip ako sa bintana.. pero napaistop ako --
"Baka imamassacre nya ko? Papaulanan ng bala? Hahagisan ng bomba? Aish baliw!" Umiling iling muna ko atsaka sumilip sa bintana
O_O
"Kanina .. kanina ka pa .. jan?" Tanong ko sakanya
Nagcross arms sya "Oo .. hindi ka marunong humalik! At ninakaw mo pa ang first kiss ko!" Nanlaki lalo ang mga mata ko at napatago ako sa gilid ng bintana
"What? Nagnakaw ako ng first kiss? Sorry po Panginoon" napakagat ako ng labi "narinig nya kaya ko kanina?" /facepalm/ aisshhh
"So.. sorry" sumilip ulit ako
"Ayaw mo manlang ako papasukin?" Sabi nya habang nakapamewang
Bumaba agad ako at pinapasok sya
"Gabing gabi na bakit nagpunta ka pa? Anong gusto mo?" Sabi ko habang nagkakalikot sa kusina
"Kape? Juice? Tubig?" Tanong ko habang nasa kusina samantalang sya naka upo sa sala at hinihimas si Luis
"Ikaw" sagot nya .. napatigil naman ako sa ginagawa ko at lumingon sakanya
"Ikaw Luis? Anong gusto mo?" -.- Assuming! Si Luis pala kausap!
"Juice nalang" sure na yan ang sagot nya :)
Pagkatapos kong makapaghanda ng juice pumunta agad ako ng sala at ibinigay iyon sakanya
"Pwede bang ngayon na nating pagusapan yang gusto mong pagusapan bukas?" Sabi nya pagkatapos uminom
Umupo ako sa sofa kung san din sya naka upo "sige" maikling sagot ko
Huminga muna ko ng malalim .. tinignan ko sya at nginitian nya ko kaya nagkacourage akong magsalita
"Sorry, sorry sa ginawa ko kahapon .. hindi ko sinasadya na" tumingin ako sa baba "na nakawin ang first kiss mo" waah! Pakiramdam ko sobrang pula ko na >< "at sa lahat ng nagawa ko" sabi ko
Umadjust sya ng konti palapit sa tabi ko
"May magagawa pa ba ko? Apologize accepted. At .. nabalitaan mo na siguro na next month na ang kasal natin?" Tumango lang ako
"So ... what do you think?" Tanong nya
"Edi magpakasal. Okay lang rin atsaka isa pa may tiwala naman ako sayo Frank eh na hindi ka katulad ng kaibigan mo, alam kong di mo ko lolokohin, *smirked* di mo ko pag titripan. Kaya magpapakasal na ko sayo. Sa totoo lang, apektado na nga ko sa mga pinag gagagawa mo eh. Minsan kinikilig ako, minsan naiinis, minsan nakokonsensya. Kaya baka malay natin mahulog narin ako sayo" sabi ko habang nakatingin lang kay Luis. Ayokong makita ang reaksyon nya sa mga pinagsasasabi ko .. nakakahiya
Narinig kong tumawa sya ng mahina "Im .. happy to hear that" sabi nya
"Hahaha.. yun lang naman ang balak kong pag usapan natin bukas. Tutal nasabi ko naman na .. pwede ka ng umuwi" sabi ko, obvious bang pinagtatabuyan ko sya XD haha
"Sige sige mukang ayaw mo na kong makita eh. Haha sige good night my soon to be wife" bulong nya at sabay kindat. Tae sabi na eh dapat di ko sinabi yung kanina, lumaki tuloy ulo -.- tusukin ko yan eh!
"Sus! Sige na babye" sabi ko at hinatid sya sa labas ng gate
"Ooopppssss" napatakbo ulit sya sa loob ng biglang bumuhos ng malakas ang ulan
"Wag mong sabihing ---?"
"Pwede ba?"
"Haayyy.. sigesige pero sa sala ka ah? Virgin pa ko!" Sabi ko ng pabiro at pinapasok na sya ulit sa bahay
Kumuha ko ng isang unan at kumot at binigay iyon sa kanya
"Sana wag kang papakin ng lamok. Lakasan mo nalang yung electricfan or itutok mo sayo. Haha sige good night" paalam ko at pumasok na ko sa kwarto ko
"Sweetdreams" sabi nya
♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥
Vote po kayooo.. Comment nadin