Chapter 23: Highway Action
" J-jiji, hinababol nila tayo .. "
" Ssshh Dada, baby, wag ka nang umiyak ok? "
" P-pero n-natatakot na ako .. "
" Wag ka nang mag-alala, poprotektahan kita. Nandito lang ako, hindi kita iiwan. "
" D-dara-ssi. "
Hindi pinansin ni Dara ang tanong ng staff sa kanya. Inilapag muna nya ang kanyang dalawang baril sa sahig at dali-daling hinubad ang winter jacket at binuksan ang bag nya.
Kinuha nya ang belt na naglalaman ng mga nakasabit na bomba, dagger at mga bala ng baril at ikinabit sa bewang nya. Nanlaki ang mga mata ng mga staff at EXO sa nakita. Ibinigay nya sa lalaking staff na nasa harapan ang bag nya.
" Hawakan mo. " utos nya.
" H-ha? " mautal-utal na tanong ng lalaki. Inabot nito ang bag at niyakap.
" Umupo lang kayo dyan. Huwag kayong tatawag ng pulis. "
Kinuha ni Dara muli ang dalawang baril at isinabit sa belt ang isa. Tumalikod sya at naglakad papunta sa nagmamaneho ng bus.
" Ajhussi, kahit anong mangyari magdrive ka lang. " utos nya sa matanda na ikinatango nito habang nakatingin pa rin sa daan.
" Buksan mo ang pinto. " utos nyang muli.
Ikinagulat ito ng EXO at nang mga staffs kaya napatayo ang ilan sa kanilang kinauupuan.
" Noona, anong gagawin mo?! " sigaw ni Chanyeol dahil malayo ang kanyang pwesto.
" Dara-ssi, mababaril tayo! " sigaw ng pang staff.
Lumingon ulit si Dara sa kanila. Makikita ang takot at pag-aalala sa kanilang mukha. Pawisan na ang mga noo nito sa tindi ng nerbiyos.
Binaril ni Dara ang mga ilaw na ikinatili ng lahat. Dumilim ang paligid sa loob ng bus. Tanging ang mga mumunting neon lights lang na nakadikit sa mga compartment sa itaas ang nagbibigay liwanag sa kanila. Makakatulong ito para hindi sila makita ng mga kkangpae sa loob ng sasakyan.
" Ajhussi, ang pinto! "
Natarantang binuksan ng matanda ang pintuan ng bus.
" YUKO !! " sigaw ni Dara.
* BANG BANG BANG *
" AAAAAAAAAHHHHHHHHH !!! "
Nagsiyukuan ang lahat para magtago sa kani-kanilang upuan. Lahat ay takot sa kung anong nangyayari sa kanila. Gusto nilang mabuhay pa.
Hindi ininda ni Dara ang lamig ng hangin na tumatama sa kanya. Binabaril nya ang mga nasa loob ng mga sasakyan gamit ang kanyang kanang kamay samantalang ang kabila ay nakahawak sa metal bar malapit sa pintuan. Ang kalahati ng katawan niya ay nasa labas na ng bus.
Pinatamaan ni Dara ang kotse na malapit sa kanya. Bukas ang mga bintana kaya binaril nya ang lalaking nagmamaneho sa loob noon. Pinatay nya rin ang lalaking nasa backseat na bumabaril sa kanya. One down. Nasisigurado nyang siyam na kotse ang humahabol sa kanila at kasalukuyang apat ang nasa harapan nya.
* BANG BANG BANG *
Umilag sya sa mga balang pinapatama ng mga kangppae sa kanya. Binaril nya ang gulong ng panibagong kotse na papalapit sa kanila. Gumewang ito at napaatras. Nawalan ito ng balanse kaya nabunggo ito sa isang bariccade sa gilid ng kalsada. Two down.
Sunod-sunod ang balang ipinapatama kay Dara ngunit naiwasan nya pa rin ito. Napakunot ang noo nya ng may isang lalaking may hawak ng bomba sa kaliwang kamay nito. Nakalabas rin ang kalahating katawan sa bintana ng sinasakyan ng lalaki. Nakangisi nitong tinanggal ang pin ng bomba ngunit bago pa nito maihagis sa kanya ay binaril nya ito sa ulo.
* BOOM *
Nabitawan ng nabaril na lalaki ang bomba sa kalsada kaya gumulong at sumabog ito sa kasunod na sasakyan nito. Three down.
' Stupid. '
Nadagdagan ng tatlo pang sasakyan kaya muling naging apat ang nasa harapan nya. Lalong syang nainis dahil tumatagal ang pakikibakbakan nya sa mga kkangppae. Naglabas rin sya ng isang bomba at inihagis sa loob ng sasakyan ng isang kkangpae.
* BOOM *
She smirked. Four down. Five left. Mabilis syang pumasok sa loob ng bus ng tangkaing bungguin sya ng isang sasakyan. Damn! Nag-init ang dugo nya kaya muli syang lumapit sa pintuan. Binaril nya ang lalaking nasa bintana sa taas ng sasakyan. Malapit ang sasakyan kaya sinipa nya ang bintana para mabasag ito. Walang awang pinaulanan ng bala ni Dara ang driver. Five down.
Nawalan na sya ng ammo maski sa kanyang beywang kaya lumapit sya sa lalaking staff na may hawak ng kanyang bag para kumuha ng panibago. Tinignan nya ito at nakitang nanlalaki ang mga mata nito at nangiginig habang pinapanood syang maglagay ng bala sa kanyang baril.
' Tsk. What a coward. '
* BANG *
" AAAAAAHHHHHH !!! "
Pabalik na si Dara sa pintuan ng nakita nyang muntik na syang mabaril ng isang kkangpae. Nakapasok na pala ito sa loob ng bus. Nakangisi ito sa kanyang harapan habang nakatutok ang baril sa kanya. Lalong natakot ang mga staff kaya lalo nitong pinagbutihang magtago samantalang ang EXO naman ay napatayo at nakatulalang pinapanuod ang nasa kanilang harapan. Hindi nila makita ang reaksyon ni Dara dahil nakatalikod ito ngunit alam na nilang hindi maganda ang mood nito. Binalingan nila ng tingin ang nakangising kkangpae, lalo pang lumawak ang ngisi nito ng nabaling ang tingin nito sa kanila. Napitlag silang lahat sa tindi ng nerbiyos.
" Ahjussi, isarado mo ang pinto. " utos ni Dara.
Dali-daling sinirado ng matanda ang pintuan. Binigyan ni Dara ng matalim na tingin ang kkangpae.
" So, ikaw pala ang bodyguard ng EXO, eh? " tanong ng kkangpae.
" Mind your own f*cking business. " naiinis na wika nya rito.
" Paano kaya kapag pinatay ko sila? " itinutok nito ang baril sa kinakabahang si Kai.
" Try it and I'll drag you to hell. " mariing sagot nya.
" Why don't we try .. combat? " inihagis nito ang baril sa lapag na sinundan din ni Dara.
Mabilis na itong tumakbo papalapit para bigyan sya ng isang malakas na suntok ngunit mabilis rin syang nakaiwas. Tinuhod nya ito sa tyan at sinipa sa mukha na ikinaatras nito. Bago pa lang makasuntok muli ay binigyan nya na ng isang malakas na sipa sa dibdib na ikinahandusay nito.
' Weakling. '
Napalingon si Dara sa nakangangang EXO sa kanyang likuran.
" What? " tanong nya. Nakatulala lang ito sa kanyang as if they have watched an awesome action movie and she was the action star. Nanlaking muli ang mga mata nito habang nakatingin sa kanyang likuran kaya napabaling sya sa may harapan.
* BANG *
Naramdaman nyang may tumutulong likido sa kanyang kanang pisngi. Ang kkangpae ay may hawak ng baril at nakatutok muli sa kanya.
" HYUUUNG!! "
" LUHAAAN !! "
Nakita ni Dara na nakahawak sa kaliwang balikat si Luhan para patigilin ang umaagos na dugo. Pinagpapawisan ito habang iniinda ang sakit. Pinalibutan sya ng EXO samantalang ang mga staff naman ay nataranta, hindi nila alam ang gagawin dahil may kkangpae sa kanilang harapan.
" Opps. Sorry. Hahaha! "
Matalim na tinignan ni Dara ang kkangpae na tumatawa. Isang baliw.
' F*cking cheater.'
Mabilis nyang inihagis ang dagger sa kamay nito na dahilan ng pagbitaw nito sa baril. Sumugod sya rito at sunud-sunod na pinaulanan ng suntok hanggang sa humandusay ulit ito sa sahig. Pumatong sya rito at isinaksak ang panibagong dagger sa kaliwa ring balikat nito. Lumapit sya sa tenga nito at bumulong.
" I told you. I'll drag you to hell. "
Inikot at idiniin pa lalo ni Dara ang dagger na nakatusok sa lalaki.
" URGH ! * coughs * H-hahaha, nag-nagbalik ka na p-pala. N-NAB-- "
* BANG *
Binaril niya ang lalaki sa ulo bago pa nito matapos ang sinasabi. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita. Walang emosyong pinatay ni Dara ang kkangpae sa kanilang harapan.
Inutusan nya ang mga staff na bigyan ng paunang lunas si Luhan na ikinatango ng mga ito. Hinawakan nya ang collar ng jacket sa likod ng kkangpae at saka kinalakad sa harap.
" Ajhussi, yung pinto. "
Habang mabilis na umaandar ang bus ay inihagis niya ang katawan sa labas ng pintuan na ikinagulong lang nito sa kalsada. Binaril nyang muli ang mga natitirang sasakyan na humahabol sa kanila. Ginitgitgit sila ng mga ito.
" Ajhussi, ako magdadrive. "
Umalis ang matanda saka umupo si Dara sa driver's seat. Habang nagdadrive ang kanyang kaliwang kamay ay binabaril nya ang mga sasakyan sa may pintuan gamit ang kanan. Binubunggo ng mga kkangpae ang kanilang bus para mawalan sila ng balanse.
Tumingin sya sa kaliwang side mirror. Dalawang sasakyan ang nasa kaliwa at dalawa rin naman sa kanan. Mabilis na inikot nya ang manibela pakanan para bungguin ang isang sasakyan saka binaril ang mga nasa loob nito. Three left.
" AAAAAAAHHHHHHH !! "
Humawak ng mahigpit ang lahat sa kani-kanilang upuan dahil sa bilis magpatakbo ng bus.
" D-Dara-shii, mababangga tayo! " sigaw ng babaeng staff.
Mariing inapakan ni Dara ang break pedal para huminto ang bus saka sinarado ang pintuan.
" AAAAAAHHHHHH !!! "
Nasa harapan na nya ang mga sasakyan ng kkangpae kaya pinaandar nya muli ito. Pumwesto sya sa likuran ng dalawang sasakyan. Binunggo nya ang isang sasakyan na ikinabunggo ng isa pa sa harapan nito. Halos mayupi na ang sasakyan ng mga ito maski ang harapan ng bus ay nayupi rin dahil sa impact. Nawalan ng balanse ang dalawang ang sasakyan kaya mabilis itong bumangga sa magkabilang puno sa kalsada. One left.
Pinaharurot muli ni Dara ang bus para habulin ang natitirang sasakyan sa kanyang kanan. Nag-iisa lang ang tao sa loob nito kaya binuksan nya ang pintuan at simulang barilin ang kkangpae habang minamaneho ang bus. Binabaril din sya ng kkangpae ngunit hindi sya matamaan nito dahil sa bilis magpatakbo ng bus. Kumuha si Dara ng isang natitirang bomba sa kanyang beywang at inihagis ito sa kalaban. Hindi ito sumakto sa loob ng sasakyan ngunit sumabog naman ito malapit rito kaya nahagip ang likod nito at nagsisimula nang umapoy.
Patuloy pa ring binabaril ng kkangpae si Dara kaya mabilis at malakas na nyang binunggo ang sasakyan na naging dahilan para gumulong-gulong ito sa kalsada. Pinanuod lang ng mga staff at ng EXO ang kinahatnan ng kawawang sasakyan sa kanilang likuran habang patuloy pa rin silang umaandar.
Pinahinto ni Dara ang bus at binuksan ang pintuan.
" N-noona? San ka pupunta? " tanong ni Chen sa kanya.
" Isirado nyo kaagad ang pinto." tanging sagot lang niya.
Lumabas sya at naglakad papalapit sa panghuling sasakyan na kanyang binaril sa gitna ng kalsada. Sirang-sira na ito na halos hindi na makita ang dating ayos ng nakabaliktad na kotse. Mabilis na kumakalat ang apoy sa likuran nito kung saan nagmumula ang usok na pumapalibot rito.
Nilapitan ni Dara ang kkangpae na nakaupo sa driver seat. Putok ang noo nito na may umaagos ng dugo. Hindi na ito mamukaan sa dami ng sugat sa mukha at katawan. Tila hindi na nito kayang makalabas dahil naipit na sya sa loob ng sasakyan. Nagsimula itong tumawa ng tumawa na para bang baliw habang iniinda ang sakit ngunit nanatili pa ring tahimik na nakatitig si Dara sa kanya.
" I-isa ka talagang ha-halimaw. " wika nito at muling tumawa.
" Any sh*tty last words? "
" Sa tingin mo b-ba nakatakas ka? *coughs* Hahabulin ka pa rin nila. Hahabulin ka pa rin nya--"
* BANG *
Binaril nya ang lalaki sa noo nito. She smirked. Nagsimula na syang maglakad papalayo rito para bumalik ng bus.
" Him? I already sent him to hell f*cking two years ago."
***********************************
A/N: Hi guys, kamusta na? It's been four months nung nag-update ako, pasensya na. Trimester na kasi ang system namin eh. Salamat po sa mga patuloy pa ring sumusuporta ng story ko.
Keep on reading, voting and posting comments!
Love lots! Ppyeong~ ❤